11 – DIAMOND
“NAPAG-ISIPAN
mo
na ba ang sinabi ko, Tiarra?” Salubong ng kanyang ina pagbalik niya sa sala.
Napabuntong-hininga siya dahil akala niya ay matatapos na ang kalbaryo niya
dito.
She
took a deep breath. She can’t let her brother and father defend her from her
mother all the time. “I am not interested po.” Sabay na napatingin sa kanya ang
ama at ang kapatid. “Sorry, I am going to refuse. I am still twenty-eight and I
am old enough to make my own decisions.”
“You
can’t make your own decision, kaya nga nandito kami para tulungan ka.” Insist
ng ina niya.
“I
am not desperate enough, Mom.” She said to her mother. “Kusa po akong lalapit
sa inyo kung mangangailangan po ako ng tulong. I can decide on my own, kung
hindi man umabot sa standard niyo ang mga desisyon ko pasensya na po kayo. I am
doing this for myself and not to please you. I’m sorry I can and will never
reach your standard as a mother.” iyon ang unang pagkakataon na sinagot niya
ang kanyang ina kaya hindi nakapagtatakang maging ito ay nagulat. Maski siya ay
nagulat din sa kanyang sinabi. It was really unexpected. “Matanda na po ako at
sana maintindihan niyo na kaya ko na pong alagaan ang sarili ko. At sana
maintindihan niyo na ang dahilan kung bakit ako lumalayo sa inyo ay dahil
ayokong tinutulak niyo ako sa mga bagay na gusto niyo na hindi kinokonsidera
ang nararamdaman ko.” Humugot siya ng malalim na hininga. She never felt this
brave kaya lulubusin na niya bago pa man iyon maubos.
“Habang
lumalaki po ako ay mas lalong bumababa ang self-confidence ko sa pakikiharap sa
mga tao dahil palagi niyo pong sinasaksak sa utak ko na hindi ako sapat at
pakiramdam ko ay isa akong malaking pagkakamali para sa inyo. I’m sorry I’m
useless and I’m sorry for being born as your daughter.”
Napayuko
siya habang pilit na kinakalma ang kanyang sarili. Nahihirapan siyang huminga
dahil sa haba ng kanyang mga sinabi at ayaw din niyang tingnan ang mga magulang
dahil ayaw niyang mabasa ang disappointment sa mukha ng mga ito pero hindi niya
babawiin ang kanyang sinabi.
“I
can change myself because I want to and not because you want me to.” Dugtong
niya. “Nandito ako sa harapan niyo because there are people who supported me
without forcing me to do so.” Well, partly, she was forced to meet her parents
by her brother and Rexon but she can’t feel any pain from their actions.
Marahil sa paraan ng pagtutulak ng mga ito sa kanya, they weren’t forceful, it
was a step by step process and there’s no set expectations for her to meet.
Sabi nga ni Rexon, maganda man o hindi ang ending ng paghaharap nila, at least
she tried and that’s already a step. “I’m sorry ngayon lang ako nagkalakas ng
loob na magsalita.”
“E-excuse
me.” Ang ina naman niya ngayon ang tumayo. “Magpapahinga muna ako.” At pumanhik
na sa silid nito. Naiwan silang tatlo sa sala, naramdaman niya ang paghagod ng
kapatid sa kanyang likuran at ang mahihinang tapik nito sa kanya. Tiningnan
niya ito at bakas sa mukha nito ang saya sa kanyang ginawa.
“You
did a great job.” Puri nito sa kanya.
Napasulyap
siya sa kanyang ama. “I’m sorry Daddy.” Lumapit ang ama sa kanya at hinila siya
patayo at niyakap siya ng mahigpit.
“I
miss you, Tiarra. Patawarin mo rin sana ako anak dahil hindi ako naging
mabuting ama sa iyo. Kung sana ay kinausap kita noon sana ay hindi tayo umabot
sa ganito, sana ay hindi ka umalis ng bahay at nagtago.” Hinaplos nito ang
kanyang buhok. “I can’t change the time.” Malungkot na ani nito.
“Paano
na po si Mommy?”
“Hayaan
mo muna ang Mommy mo na makapag-isip. Your mother really loves you so much and
she just want the best for you. May mali sa paraan ng pagpapalaki namin sa iyo,
akala namin ay magkatulad kayo ni Timothy pero nagkamali kami. Dalawa ang anak
namin, dalawang magkaibang tao, at dalawang magkaibang ugali.” Marahang ngumiti
ang ama sa kanya pero bakas pa rin ang lungkot sa mga mata. “Your mother will
realize it sooner at sana kapag naging okay na siya ay buksan mo ang puso mo sa
kanya. She’s still your mother.”
“I
never closed my doors, Dad. I’ll wait for her and at the same time I’ll
continue changing---.” Umiling siya sa kanyang sinabi. “I’ll continue to
improve myself for you to be proud of me, I am doing this because I want to and
not because I was forced to do so. This is a long process kaya sana hindi rin
kayo mainip sa paghihintay sa akin.”
Siya
na mismo ang yumakap sa ama. “Give my hugs to Mom, too. See you soon.”
Hinalikan siya nito sa noo bilang pamamaalam.
Lulan
na sila ng sasakyan ni Timothy at nagmamaneho na rin ito palabas ng kanilang
bahay. “How does it feel?” tanong nito sa kanya.
“Good.
I feel good.” Ngumiti siya dito. “Thank you, Kuya.” Malaki talaga ang utang na
loob niya sa kapatid.
“Don’t
thank me, it’s my responsibility to help you since I’m your brother.” There is
a hint of animosity on his voice. “I need to do it faster dahil may palagay
akong may aagaw na sa iyo mula sa akin.” Nagsalubong ang kanyang kilay nang
marinig ang huling sinabi nito.
“Aagaw?”
“Maraming
kapitbahay natin ang nagpaparinig sa akin na interesado sila sa iyo. Sa tingin
ba nila ay papayag akong makalapit sila ng ganoon kadali sa iyo?” bigla tuloy
sumagi sa kanyang isip ang mukha ni Rexon. Gusto sana niyang itanong kung
kasali ba ang lalaki sa nagpaparinig na interesado sa kanya. Nag-iwas siya ng
tingin upang hindi mapansin ng kuya ang pamumula ng kanyang pisngi. She
shouldn’t flatter herself. “The price is very high.” Nahampas niya ng wala sa
oras ang kapatid.
“Huwag
mong sabihin na ibebenta mo rin ako?”
Natatawang
umiling ito. “Ibebenta? That’s a cheap word, sister. Isusubasta kita, the
higher the price the better.” Inis na kinurot niya ito sa braso, tinawanan lang
siya ng kapatid.
“You
are crazy.”
“But
if you already like someone, hindi ko itutuloy ang bidding.”
Mas
lalong nag-init ang kanyang pisngi sa narinig niya. Hindi na maalis ang gwapong
mukha ni Rexon sa kanyang utak. She’s really helpless. She already like someone
but she can’t say it yet. She needs to re-check her feelings first. Baka
nagugustuhan kasi niya ito dahil malapit ito sa kanya. She can’t risk her newly
found friendship just for this feeling.
“I’ll
like myself first.” That’s the safest answer she can give to her brother.
Tumango
naman ito tila nagustuhan ang narinig mula sa kanya. “Malapit ng matapos ang
dalawang linggo mong pagtatrabaho sa Café. May iba ka pa bang plano?” Matapos?
Ilang araw nalang ay matatapos na nga ang usapan nil ani Rexon at babalik
na ang waitress na pinalitan niya pansamantala. Dapat ay maging masaya siya
pero hindi ganoon ang kanyang nararamdaman. Nag-enjoy siya sa ilang araw na
pananatili niya doon at hindi niya naisip na malapit na pala iyong matapos.
“You look sad.”
“I
enjoyed there.”
“Gusto
mong magtayo din tayo ng coffee shop?”
“No!”
mabilis niyang sagot dito. “Gusto ko ang mga tao sa café, they are friendly.”
“Mga
tao?” She rolled her eyes when she realized that her brother is trying to fish
some information. “Mga?”
“Yeah.
There’s Marquis, Arra, Steven and more.”
Naka-pokerface
lang ang kapatid tumango-tango. “How about Rexon?”
“I
also like him.” Mabilis niyang sagot huli na nang ma-realized na baka may
mahalata ang kapatid niya. “He-he’s like you. He’s kind to me.” She immediately
added. Tumango-tango lang ito at hindi niya nagustuhan ang naging reaksyon
nito. She’s lying that’s why she’s a bit defensive. “Huwag kang gumawa ng isyu,
Kuya.”
“I’m
not saying anything.” Mas malala pa nga iyon keysa sa pang-aasar nito. “You can
start working in the main store.”
Umiling
siya. “I don’t like it there, hindi ba pwedeng katulad pa rin ng dati?”
“You
are going to trap yourself inside your room?”
“Not
that, I am not going to do that anymore.”
“So,
it wouldn’t be bad if you work in the main store. You can train our new
designers and you can even meet new friends.” Napakagat siya ng labi at biglang
napanguso. Walang mali sa gusto ng kapatid niya pero handa na ba siya? “You can
still have flexible schedule, I won’t forced you to go to the office five days
a week.”
“Pwede
ko bang pag-isipan muna?”
“Sure,
take your time.” Working in the main store is another step she needs to
conquer. Kailangan niyang patunayan sa kanyang sarili na malakas siya.
“Uhm,
kuya.”
“Yes?”
“Pwede
ba tayong dumaan sa Summer Café?” hindi ito tumugon sa kanyang tanong. “I want
to drink iced caramel.” Isang maliit na tango lang ang ibinigay nito sa kanya.
She smiled to herself, she also wanted to see Rexon. Gusto niya itong makausap
tungkol sa nangyari sa kanya nitong araw na ito.
ISANG
maliit na ngiti ang ibinigay ni Tiarra nang makita si Rexon kinabuksan. Ngumiti
din ito nang makita siya. Pagpasok niya sa coffee shop ay nadatnan niyang
pinapagalitan nito si Marquis at iilan sa mga staff ng shop. Tahimik na nakikinig
kay Rexon ang mga bata. She’s really amazed how Rex can managed to discipline
these teenagers. Inaamin niyang minsan ay sumusobra ang kakulitan ng mga ito. Though
they are doing their job pero paminsan-minsan ay umaandar talaga ang katigasan
ng ulo ng mga ito.
Nang
makita siya ng mga pinagagalitan at bumaling ang atensyon ni Rex sa kanya ay
tila nakahinga ang mga ito ng maluwang. Sa tingin nga niya ay kulang nalang
lumuhod ang mga ito sa kanyang harapan.
“Hello.”
Bati niya. “You all look so lively.” Gusto niyang matawa sa kanyang sinabi
dahil alam niyang hindi ganoon ang nararamdaman nina Marquis.
“Go
to work.” Utos ni Rexon sa mga kausap nito habang naglalakad papalapit sa
kanya. Bago pa man nagsialisan ang mga ito na parang mga langgam ay tinawag
niya si Marquis at ibinigay ang hawak na ecobag.
“Gumawa
ako ng lasagna, kainin niyo mamayang breaktime ninyo.” Ngumisi ng malaki si
Marquis at pasimpleng nginisihan ang kapatid nito bago yumakap sa kanya.
“Thank
you ate Tiarra.” Dahil nasanay na siya sa presensya ng binatilyo kaya hindi na
siya na-e-estatwa kapag hinahawakan nito. “You are really an angel.”
“Marquis.”
Malamig na tawag ni Rexon sa kapatid nito.
“Aye!
Aye! Captain.” Mabilis din na tumakbo papunta sa counter si Marquis para bigyan
sila ng oras na mag-usap ni kapatid nito.
“Hi.”
Masiglang bati niya kay Rexon. Nakakunot pa rin ang noo nito at tila ba may
gustong sabihin pero hindi nito magawa. Saka niya naalala na may isa pa pala
siyang bitbit. Mas maliit na container iyon na may lamang lasagna. “I heard
from Marquis that you like lasagna. Maaga akong nagising kanina dahil maaga din
akong nakatulog kahapon kaya gumawa ako.” Ibinigay niya dito ang paperbag. “I
separated it from the others baka ubusan ka nila. Malakas kumain ang mga tauhan
mo dito.” unti-unting nawala ang pagkakakunot ng noo nito at kinuha ang paperbag
mula sa kanya. He isn’t smiling but she can sense it, he’s very pleased.
“Thanks.”
Masaya na siya sa naging ekspresyon nito.
“Sumaglit
kami ni kuya dito kahapon pero hindi na niya ako ginising dahil nakatulog ako--.”
Natigilan siya ng hawakan nito ang kanyang palad. Hindi lang siya ang tila
tumigil ang mundo dahil ang mga kalapit na costumers na nakakakita sa kanila ay
tila namangha sa ginawa ng lalaki.
“Let’s
talk inside the office.” Mahinang tumango lang siya dahil nakalimutan na yata
niya kung paano mag-isip. Pagpasok nila sa opisina ay inalalayan siya nitong
umupo sa sofa.
“Uhm…
Wo-work muna ako.”
“Hindi
pa masyadong marami ang costumers.” Sabi nito pero naaalala pa niya ang kakasabi
lang nito sa labas kanina na dito sila mag-uusap dahil marami ng costumers. “Let
them do the hardwork today, nagiging pabaya na sila sa trabaho nila. Rest first.”
“Masyadong
mahaba ang pahinga ko, I doubt it kung makakatulog agad ako mamayang gabi.” She’s
telling the truth. Masyadong na-drained ang kanyang energy kahapon kaya hindi
nakapagtatakang naubos ang energy niya at sobrang haba ng kanyang tulog. “But, I
really want to thank you Rex.” She smiles sweetly at him. “Kung hindi dahil sa
iyo ay baka hindi ko magawang kausapin ang mga magulang ko.”
Bahagya
itong tumango. “I heard from Timothy.”
“Eh?
Nag-usap kayo ni kuya? When?”
“Kahapon,
noong dumaan kayo dito. He’s about to wake you up but I told him not, you
looked really tired.” Sa likod ng kanyang utak ay gusto niyang i-murder ang
kapatid. How dare him? Dapat siya ang nagku-kwento kay Rexon! Pero may bahagi
ng kanyang puso na lumulutang na sa alapaap dahil sa sinabi nito. Is it really
okay to fall in love with someone whom you’ve only known for days? Pakiramdam
kasi niya ay hindi tama pero pakiradam din niya ay mas hindi tamang hindi
tanggapin ang nararamdaman niya.
She’s
not that dumb. Sigurado siya sa kanyang nararamdaman para dito at sa mga oras
na iyon, kung pagbabasehan niya ang malakas na pagpinting ng kanyang puso, ang
nakakatuwang non-existence na kabag sa kanyang sikmura, ang kagustuhang makita
ito at marinig ang boses nito, ang biglaang pagkawala ng kanyang energy kapag
nagdidikit ang kanilang mga balat… hindi ba ito simtomas na may nararamdaman na
nga siya dito? She’s in love!
“It’s
not because of me, Tiarra.” Putol nito sa katahimikan na namagitan sa kanilang
dalawa. “It’s because of you. You’ve changed yourself and broke your barrier. Walang
ibang tao na makakapag-utos sa iyo na gawin ang bagay na iyon unless you really
wanted to. You stepped forward, you did it on your own.”
“I
did it because of you.” Mahinang sabi niya dito. Isang matamis na ngiti ang
ibinigay nito sa kanya.
“As
much as I love to take the credits, but I won’t. After this week, you’ll be on
your own. I’ll be out the picture.” Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga
labi sa sinabi nito. “I can’t keep you here forever.” But I want to! Gusto
sana niyang magprotesta. “Tiarra, you are a lovely butterfly.” Butterfly? “You
were once a scared and fragile caterpillar when I first saw you, that was your
first stage. Habang nagtatrabaho ka dito at nakikihalubilo ka sa mga tao, you
slowly changed and improved yourself, that’s the second stage. Pagkatapos ng linggong
ito, you’ll be out from your cocoon. You’ll be a successful butterfly who is
not afraid to do things you really want to do.”
“But
I’m happy here.”
“You
can’t stay here.” Unti-unting nawala ang masayang pakiradmam na nararamdaman
niya kanina sa sinabi nito at tila napapalitan iyon ng kakaibang lungkot na
noon lang niya naramdaman. “I won’t trapped you here.” Hinuli nito ang kanyang
mga mata. “You have wings so you need to fly, I can’t clip you here.” Siya lang
ba ang nakakapansin pero tila nahihirapan si Rexon na sabihin sa kanya ang mga
salitang iyon.
Gusto
niyang mainis at magalit dito but she can’t refute. Tama si Rexon, tama ang
lahat ng sinabi nito sa kanya. Gusto niyang manatili dito dahil masaya siya na
kasama ang lalaki pero hindi dito ang mundo niya. Not in that dark room she called
heaven, not here… not yet here. Humugot siya ng malalim na hininga at binigyan
ito ng maliit na ngiti. Naiintindihan niya ang gusto nitong sabihin. She needs
to prove something for herself, she will.
“I
understand, Rex.”
This time she will become diamond. She’ll
shine the brightest among all other gemstones and become unbreakable. By then,
she’ll be brave enough to chase the man she loves and when that time comes, she’ll
do everything just to have him by herself forever. Wait for me, Rex.TBC AND PHOTO CTTO
<3 <3 <3
A/N: So, natapos na ang five-day webinar namin last week. Firs time kong maging speaker, pumayag lang ako dahil through online naman siya at hindi ko nakikita ang mga participants ng eye to eye. Diyos ko, kung actual talaga iyon ay baka umiyak muna ako bago ko ipupush ang sarili kong gawin ang dapat ay trabaho ko. The anxiety is real. My bestfriend na psychology major, siya ang nagpupush sa akin na lumabas sa aking safezone. Palagi kong sinasabi sa kanya na I'm okay sa kung saan ako ngayon and I dont have to push myself further. But there are things talaga na kailangan mo na itulak ang sarili mo sa limit and this is not for other people but for yourself, for you to be better.
Habang nagse-seminar kami ay nagtext naman iyong adviser ko sa thesis at tinanong kung okay na ba ang revisions dahil open na ang online thesis defense proposal (tama ba ang order ng mga salitang ginamit ko?). Alam niyo iyong hindi ko pa natatapos ang revisions ay hiningan na niya agad ako ng updated in the middle of the seminar? Anxiety and panic attack is real talaga. Pero naging push iyon sa akin na tapusin kaagad ang trabaho ko. I hate cramming since student pa dahil parang hindi nare-retain ng utak ko ang pinag-aaralan ko and I don't really like that. Pakiramdam ko kasi sinayang ko lang ang oras ko sa ganoon. Gusto kong kapag nag-aaral ako ay maaalala ko silang lahat since gusto kong maging doctor dahil pre-med ang course ko kaya siguro naging ganoon ang mindset ko. Nadala ko na siya hanggang sa trabaho, ayoko ng mabilisang trabaho dahil feeling ko ibabalik lang ng professor ko dahil hindi tama ang mga ginagawa ko and worst, wala na akong time na itama pa dahil nga deadline na.
Iyon ang nararamdaman ko noong ipinasa ko ang revisions ko, yes, natapos siya pero parang kulang pa. To think chapter 1-3 lang iyon pero 76 pages na ang number of pages niya... huhuhuhu... so, naglalabas lang talaga ako ng hinaing ko dito since wala akong masabihan dahil nasa bahay lang naman ako. At kapag sinabihan ko si mader-dear ay baka sabihan lang niya ako ng, "Dahil iyan sa kapapanood mo ng mga kung anu-ano at pagbabasa mo ng mga kung anu-ano, sa halip na gawin mo iyan ay inuna mo pa iyong iba." So, dito nalang dahil kasalanan ko naman talaga. heheheheheeh
Sorry for the long a/n. Love you all babies!
LOVE,
INANG
Welcome back inang. Fighting lang.. matatapos mo din yan. All your hard work will be paid off. Ako din nung bata pa ko gusto kong maging doctor. Kaso di kaya ng resources nmin. Anywyz, salamat sa update, may bagong learnings na naman akong natutunan in life. Proud inang babies here. Keep safe inang ��
ReplyDeleteStill waiting for update dito. ^_^
ReplyDeleteAnyways, naka-follow na po ako sa Dreame accnt niyo.
Stay safe and healthy po.
I always visit your blog, wattpad acct and dreame.. Sana po Ay maupdate nyo na tong black magic if ever you find free time.. I know ur really busy this time as a teacher and student... Keepsafe inang 😘
ReplyDeleteI'm still waiting for an update. Hope to read your works in here.
ReplyDeleteHi inang,.. Hope your not busy anymore.. Sana po ay mgka free time na kau to update black magic.. By the way mganda po at nakakakilig din ang story nyo sa dreame "untitled"..
ReplyDeletewhen to update kaya?
ReplyDelete