10 – CITRINE
NAPAYAKAP
si
Tiarra sa hawak na stuff toy na binili niya kanina habang tinititigan ang
nakakatandang kapatid na madilim na madilim ang mukhang nakatitig din sa kanya
at sa kanyang kasama. It’s past eleven in the evening already, iyon ang
pinakamatagal na paglabas niya sa kanilang bahay simula noong natuto siyang
iwanan ang kanyang lungga.
“Uhm,
Kuya…”
“Pumasok
ka na sa loob Tiarra.” Seryosong utos ng kanyang kapatid. Minsan lang niyang makita
ang ganoong mukha ng kapatid kaya sigurado siyang hindi siya pwedeng makipag-usap
dito ng chill-chill lang. “Kakausapin ko lang muna si Rexon.” Bigla siyang
nakaramdam ng kaba para sa lalaking kasama.
“Don’t
worry, mag-uusap lang kami ng kuya mo.” Ibinigay ni Rexon ang mga paperbag sa
kanya. He slightly tapped her shoulder assuring her that everything will be
okay.
“Matulog
ka na, masyado ng gabi.” Narinig niyang utos ng kanyang kapatid sa kanya. Pumasok
na siya ng bahay at pumanhik sa kanyang silid. Mula doon ay binuksan niya ang
bintana at sinilip ang dalawa sa ibaba. Hindi niya marinig ang usapan ng kapatid
at ni Rexon kaya mas lalo siyang kinabahan sa posibleng nangyayari. Wala naman
sigurong balak na magkasakikatan ang dalawang iyon, right?
Ilang minuto ang tinagal ng pag-uusap ng
dalawang lalaki sa ibaba nang makita niyang papalabas na ng kanilang bakuran si
Rexon. Binuksan niya ng malaki ang bintana, tumingala naman ito bago pumasok sa
kotse at kumaway sa kanya. Ngumiti at kumaway din siya dito habang kagat-kagat
ang pang-ibabang labi.
“Ehem…
ehem…”
“Ay,
kalabaw!” nagulat na umalis siya sa may bintana nang marinig ang malakas na
pagtikhim ng kanyang kapatid na nasa may pintuan na ng kanyang silid. “Ku-Kuya,
anong ginagawa mo dito?” natatarantang tanong niya dito.
“Bawal
na bang silipin ang kapatid ko ngayon?”
“Hi-hindi
naman, nagulat lang ako. Anong pinag-usapan niyo ni Rexon?” tinitigan siya ng Kuya
niya ng matagal. Akala niya ay sasagutin siya nito pero umayos lang ito ng tayo
habang nasa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon.
“Matulog
ka na.”
“Kuya--.”
Napanguso siya dahil mabilis itong nakalabas ng kwarto at sinara ang pintuan. She’ll
just ask Rexon tomorrow. Napangisi siya habang naaalala ang mukha ng lalaking
buong araw niyang kasama at isinubsob ang mukha sa kanyang unan. “Rexon…”
biglang tumunog ang kanyang cellphone at binasa ang pangalan ng nagsend sa
kanya ng message.
Good
night and sweet dreams. Mula iyon kay Rex. Pinukpok niya ang unan sa
hindi maipaliwanag na saya na kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon. Tila may
kumikiliti sa loob ng kanyang sikmura na umabot hanggang sa kanyang talampakan.
Para
siyang tangang nakatitig sa kanyang cellphone at iniisip kung ano ang mga
tamang salita na ire-reply niya dito. Hanggang sa hindi niya namalayan na
tinamaan na pala siya ng antok at nakatulog.
“Oh
my God! Anong oras na?” napatingin siya sa alarm clock na nasa kanyang side
table. It’s already past seven in the morning. Mabilis siyang tumayo at
tiningnan ang sarili, nakatulog siya ng hindi nakakapagbihis. “Cellphone.” naalala
niya ang huling text na natanggap niya kagabi mula kay Rexon na hindi niya
na-reply-an dahil nakatulog siya. “Darn it!”
Nagmamadali
siyang pumasok sa banyo para maligo at mag-ayos. Kailangan pa niyang ihanda ang
kanilang almusal bago siya pumunta sa Café. Pagkababa niya ay nadatnan niya ang
kapatid sa sala na umiinom ng kape at nagbabasa ng newspaper.
“Mabuti
naman at gising ka na.” sinulyapan siya nito. “Kumain muna tayo ng breakfast bago
umalis.” Nagdugtong ang kanyang kilay sa sinabi ng kapatid.
“Aalis?”
“May
pupuntahan tayo, kinausap ko na kagabi si Rexon na hindi ka pupunta sa Café dahil
may kailangan tayong puntahan.” Mas lalong kumunot ang kanyang noo sa sinabi
nito.
“Puntahan?
Saan ba tayo pupunta?”
“I’m
hungry, cook our breakfast.” Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng
kanyang kapatid. Gusto sana niyang tumanggi pero iyon ang unang beses na isasama
siya ng kapatid sa kung saan kaya imposibleng tumanggi.
TAHIMIK
na nakamasid lang si Tiarra sa mga tanawin at lugar na nadadaanan ng kotse kung
saan sila nakasakay. There’s an awkward silence between them and she doesn’t want
to break that silence. Natatakot siya sa sa posibleng mga tanong ng kapatid
niya sa kanya baka hindi niya ito masagot ng maayos.
Kinuha
niya ang kanyang cellphone at muling tinitigan ang text ni Rexon sa kanya na
hindi niya nasagot. Won’t he think it weird when she replied his text late? She
can just apologize for not replying and apologize for not personally telling
him that she can’t go to the café.
Good
morning, pasensya ka na hindi na ako nakapag-reply last night. Nakatulog agad
ako at hindi ako nakapagpaalam na hindi papasok today.
Sent.
Ang
lakas ng kabog ng kanyang puso habang nakatitig sa kanyang cellphone screen. Kung
pwede lang na tumili at magsisigaw sa loob ng sasakyan ay ginawa na niya.
“Why
do you look so happy?”
“Huh?
Ha?” mabilis na niyakap niya ang cellphone. Baka kasi agawin nalang nito iyon
bigla at mabasa ang text niya. “Wala.”
Nagdugtong
ang dalawang kilay nito. “You are hiding something?”
“Wala.”
She toned down her voice. “Saan ba tayo pupunta?”
“Hindi
mo ba maalala ang dinadaanan natin?” Umiling siya. “Really?” nagkibit-balikat lang
siya dahil kahit anong gawin niyang halukay sa kanyang utak ay hindi niya
maalala ang daan na iyon. She’s not good with directions. Nagvibrate ang
kanyang cellphone at nang kanyang silipin ay pangalan ni Rexon ang nakatatak
doon.
Mabilis
niyang binuksan ang text message at binasa ang message. Your brother told
me yesterday, keep safe. Call or text me if you aren’t comfortable.
She
immediately hit the reply button. Thank you and I will.
Narinig
niyang napabuntong-hininga ang kanyang kapatid at nang tingnan niya ito ay naiiling
lang ito. Hindi rin maganda ang ekspresyon ng mukha ng kapatid niya.
“What’s
wrong?” she asked.
“It’s
not ours.”
“Ang
alin?”
“The
necklace.” Napahawak siya sa kwentas. “You bought it?”
Mabilis
siyang umiling. “Someone gave it to me.”
“Someone?”
May halong pagdududa sa boses nito. “Who?”
“Bakit
kailangan mo pang malaman?” inis na tanong niya dito.
“So,
I can blacklist that someone forever for not patronizing our product.” Nag-isang
linya ang kanyang mga labi.
“A
friend.” Mabilis niyang sagot. “Hindi mo siya kilala.”
Nagdugtong
ang kilay ng kausap. “A friend? Hindi ko kilala? I am wondering who, I know you
have limited number of friends and I know all of them. Sino sa kanila?”
“You
don’t know hi—her.” Muntik na siyang madulas doon, ah.
“Him?
Her?” Kanina pa siya nabubuwisit sa kapatid niya. Halatang gusto nitong malaman
kung sino ang nagbigay sa kanya ng kwentas. She can’t tell her brother that it’s
from Rexon or else baka iba ang isipin nito. “A him? Or, a her?”
“Her.”
She lied.
“Her?
Who?”
“Kuya,
bakit ba ang kulit mo?” inis na tanong niya dito. “Basta hindi mo siya kilala,
she’s not from the village.” Nagkibit-balikat siya at inis na napatingin sa daan.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ng kapatid at nang mag-stop ay may kinuha ito
sa compartment ng sasakyan.
“Here.”
Kinuha niya ang maliit na velvet box at binuksan ang laman. “That’s the new
stud earrings you design a week ago.” She smiled when she saw the yellow
citrine gemstone. The color is really uplifting. “Wear that, I think you need
that one now.”
“Huh?
Why?”
“It
will look good on you.” She shrugged her shoulders and wear the stud earrings. Hindi
iyon masyadong halata lalo pa at natatakpan ng kanyang mahabang buhok. “We are
here.” Napasulyap siya sa malaking gate na nasa kanilang harapan at malakas na
napasinghap.
“Why
are we here?” natatarantang tanong niya dito.
“They
want to see us, today is their anniversary.” Nagdugtong ang kanyang kilay. “Did
you forget?”
“But
I don’t celebrate it with them, I am going home.” Binuksan niya ang pintuan ng kotse
para lumabas pero mabilis siyang napigilan ng kapatid.
“Come
on Tiarra, just today. Just for today and if you are still not comfortable, we
can go home after the lunch.”
She
clenched her fists. “You promise?”
“I
promise.” Bumukas ang gate kaya dali-daling umabante ang kapatid para makapag-park
ng maayos. Matagal na siyang hindi dumadalo sa mga pagtitipon na ginagawa ng
kanyang mga magulang lalo na kung may mga bisita. Noong lumipat siya ng bahay
ay ilang beses siyang tinawagan ng kanyang parents, sinasagot naman niya ang
mga iyon, pero hindi siya kailanman pumayag na dumalo sa mga parties.
Napatingin
siya sa buong paligid. Walang mga sasakyan na naka-park, ibig sabihin ay sila-sila
lang ang nandoon. Sabay na silang bumaba na magkapatid, hinintay niya ang kuya
niya na may kinuhang mga boxes sa trunk na sa palagay niya ay mga regalo para
sa kanyang mga magulang.
“Let’s
go inside.” Hinawakan niya ito sa braso at alam niyang ramdam nito ang
panlalamig ng kanyang mga palad. “Everything will be okay.” He assures her. The
weird thing is, she can’t really calm down.
Kung dati ay mabilis siyang napapakalma ng kuya ngayon ay tila may
hinahanap siya.
“Timothy
and… Tiarra? Is that you my dear?” salubong ng kanyang Mommy. Maganda pa rin
ang ina kahit na may edad na ito, madisiplina at maalaga ito sa katawan kaya
name-maintain nito iyon. “You look like me when I was in your age. Finally, I saw
some changes. This is a miracle--.”
“Mom.”
May halong paninita sa boses ng kanyang kuya. “Where’s Dad?”
“He’s
in the living room.” Akmang hahawakan siya ng ina nang umiwas siya at nagtago
sa likod ng kanyang kapatid. Sumunod lang siya sa kuya niya, ayaw niyang maiwan
kasama ang kanyang ina.
“Dad?”
“Timothy,
finally you are here. Did you bring your sister?” she popped out from her
brother’s back to see her father. “Tiarra? Is that really you?” bahagyang
tumango siya sa ama bilang pagbati. Ilang taon din niyang hindi nakita ang kanyang
mga magulang kaya hindi rin niya alam kung paano haharapin at kausapin ang mga
ito. Magdadalawang-linggo pa lang siyang nakakalabas ng bahay at sa iilang tao pa
napapalagay ang kanyang loob. “You are so beautiful, Tiarra.” A warm smile
appeared from her father’s lips and the longingness is visible on his eyes.
Iyong
anxiety na nararamdaman niya ay unti-unting bumaba ang lebel. “D-Dad.” Tawag niya
dito. Hindi ito lumapit sa kanya siguro ay nararamdaman pa nito ang kanyang
pagkailang pero hindi nawala ang mainit na ngiti sa mga labi nito para sa
kanya.
“It’s
already lunch time, kumain na tayo.” Yaya ng kanyang ama. Nauna na ito sa
kanila papunta sa dining area at doon nila nadatnan ang kanyang ina na abala sa
paghahanda ng mga pagkain.
“Bakit
nga po pala walang mga bisita?” tanong ni Timothy.
“When
you called and told us that you’ll bring your sister I forced your mother to
make our anniversary an intimate family affair.” Sagot ng ama. “Pumayag naman
siya.” nabasa niya ang relief sa mukha ng Daddy niya. She can’t blame her
father, her mother loves being around with people and be surrounded with
people. Sabi nga ng marami ay sa ina nagmana ang kanyang kapatid at siya naman
ay sa ama. Introverted ang kanyang Daddy kaya sa mga party ay iyong mga
kakilala at mga kaibigan lang nito ang kinakausap.
“There
you are people, let’s eat.” Marami ang mga pagkain na nakahain sa mesa at
naghalo-halo na ang amoy doon. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagbaligtad ng
sikmura habang lumalakas ng lumalakas ang kaba sa kanyang dibdib.
“Dito
ka na maupo sa tabi ko, Sis.” She won’t say no and she won’t sit anywhere
unless its beside her brother. Lumapit sa kanila ang mga kasambahay, ang iilan
sa mga iyon ay hindi niya kilala at iyong iba naman ay natatandaan pa niya ang
mukha kaya binati niya ang mga naaalala niya.
“Mabuti
naman at naalala mo pa kaming bisitahin, Tiarra. Ilang taon na rin noong huli
kang umuwi dito.” narinig niyang sabi ng kanyang ina.
“Uhm…”
sumulyap siya sa kapatid dahil ayaw niyang sabihin na hindi sinabi ni Timothy
sa kanya na pupunta siya doon kaya hindi siya nakapagreklamo.
“She
wants to surprise you two pero sinabi ko rin para hindi na kayo magulat.” Her brother
saved her. Kumuha na siya ng pagkain at inilagay sa kanyang plato katulad ng
ginagawa ng mga kasama niya sa mesa.
“Don’t
eat that, Tiarra. Maraming carbs iyan baka tumaba ka na naman--.” She flinched
and immediately drop her spoon and fork.
“S-sorry.”
Kung kanina ay nawalan na siya ng gana sa pagkain mas lalong hindi na niya
gustong umupo doon. Her mother never changed.
“Kristal,
hayaan mong kainin ng anak mo ang gusto niyang kainin. Matanda na si Tiarra
hindi mo na siya dapat mandaran ng kung ano ang gusto niyang gawin.” That was
the first time she heard her father defended her from her Mom’s controlling
nature.
“But
I only want the best for her.” Reklamo ng Mommy niya sa kanyang ama. “If she
eats too much, she’ll gain weight again. Gusto ko siyang ipagmalaki sa mga kaibigan
ko kaya dapat i-maintain niya ang ayos niya.” Naikuyom niya ang kanyang mga
palad.
“Tama
si Daddy, ‘My. Let my sister eat whatever she wants and besides she already knew
what’s good and bad for her. She’s been cooking for the two us since we
transferred and she’s been healthy since then.” Pagtatanggol ng kuya niya sa
kanya. Bumaling ito sa kanya. “You eat, we are going home after lunch.” Tumango
lang siya dito.
“Hindi
ba kayo magtatagal dito, Timothy? Tiarra?” malungkot na tanong ni Alex sa mga
anak. “Dito na rin kayo matulog para makausap pa namin kayo ng matagal.” Hindi
sila sumagot na magkapatid. Natapos ang kanilang pananghalian na hindi niya
maintindihan ang lasa ng mga pagkain na kanyang kinakain.
Nagpunta
sila sa living room para makapag-usap-usap. Ang ama niya ang kumakausap sa
kanya, ito ang tumatawag ng pansin niya kapag natatahimik siya. Una nilang
topic ay tungkol sa negosyo at kung maayos ba ang lahat.
Tumikhim
ang kanyang ina na kanina pa tumititig sa kanya habang inuubos ang paborito
nitong chamomile tea. “Tiarra, you are already twenty-eight. Wala ka bang balak
na mag-asawa? Sa edad mo na iyan ay may asawa na ako at ipinanganak ko na rin
ang kapatid mo. You are getting older you should think about your future. Kung
wala ka pang nobyo ay walang problema doon, marami akong mga kaibigan na may
mga anak na pwede mong mapangasawa. I can set a date for you.”
Nag-isang
linya ang kanyang mga labi. She really hates it when she’s pushed by her to do
things she doesn’t want to do.
“Excuse
me.” Tumayo siya. “Restroom.” Bitbit ang kanyang cellphone ay nagtungo siya sa
banyo at iniwan ang tatlo sa sala. Gusto niyang sumigaw sa inis nang maalala
ang sinabi ng kanyang Mommy. She opened her cellphone and dialed Rexon’s number.
Nagring iyon ng ilang beses pero walang sumagot.
“He
must be busy.” Naupo siya sa gilid ng bath tub at napabuntong-hininga. Ipinikit
niya ang kanyang mga mata at pilit na kinakalma ang sarili. Her anxiety is
killing her and her mother is adding the fuel of her despair. “I need to be
strong.” Tumayo siya at nagpunta sa harap ng salamin. The light reflected the
small gem attached on her stud earring. “Kaya pala sinabi ni kuya na kailangan
ko ito.” Citrine restores one’s strength and faith in one’s self. It can also
raise her self-esteem and overcome challenges.
“You
can’t be timid forever, Tiarra. You also need to speak up.” She said to her reflection.
She made a series of inhale and exhale before she decided to face her fears. “My
goodness.” Bulalas niya nang magvibrate ang kanyang cellphone at nang tingnan
ang caller ay gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Mabilis niya iyong
sinagot.
“Hello?”
kumabog ng husto ang kanyang dibdib nang marinig ang boses ni Rexon sa kabilang
linya. “Tiarra? Are you okay? Pasensya na kung hindi ko nasagot ang tawag mo
agad, I left my phone in the office.”
“Ahh,
sorry kung nadisturbo kita.”
“No!
I told you to call me whenever you want.” Whenever she wants? Base sa
text nito ay kung kailan hindi siya komportable ay pwede siyang tumawag. Since,
sinabi nitong whenever she wants pwede siguro niyang panghawakan iyon. “What’s
wrong?” siya lang ba o naringgan niya ng pag-aalala ang tono ng boses nito.
“I’m
in my parents house.” Hindi ito sumagot sa kanyang sinabi mukhang may ideya na
ito sa kung saan siya pupunta. Malamang ay nasabi na ng kapatid kagabi. Nagdadalawang-isip
siya kung sasabihin ba niya ang mga nangyari.
“I
am relieved that you are brave enough to finally meet your parents after these
years.” Nagulat siya sa sinabi nito. “Tiarra, can I apologize?”
Kumunot
ang kanyang noo. “For what?”
“I
told your brother to bring you there.”
“What?!”
mas nagulat siya sa sinabi nito. “Why?”
“Because
I know you can. I told you you are quite brave for a timid woman and facing
them is a very important step in improving your self-esteem. Nagawa mo silang
harapin at kausapin, hindi man maging maganda ang kinalabasan pero sinubukan
mo. I am very proud of you.”
I
am very proud of you. Iyon ang paulit-ulit na nag-e-echo sa kanyang utak
hanggang sa bumaba iyon sa kanyang puso. She should hate him for pushing her to
meet her parents but she understood his intentions. He even said he’s proud of
her, she’s never been this happy.
“Thank
you, Rexon.” Magaan ang kanyang loob na pasalamat niya dito.
“Let’s
talk tomorrow?” tumango siya kahit hindi naman siya nito nakikita.
“We
will, uhm… good bye.” Ngumiti siya sa kanyang sariling repleksyon.
“Bye.
And by the way Tiarra, maganda pa rin ang boses mo kahit sa cellphone.” Napanganga
siya sa sinabi nito at natagpuan ang sariling namumula ang pisngi habang sapo
ang dibdib. He ended the call before she can say something. Posible bang mahulog
ang loob mo sa isang tao na ilang araw mo pa lang nakikilala? Kung totoo iyon,
she is falling for him and she knew she doesn’t want to be saved from the fall.
TBC
PHOTO CTTO
<3 <3 <3
A/N: Sa mga nakabasa na ng post ko sa FB, I would like to inform the readers of this story especially sa mga new readers at sa mga previous readers ko pa rin. As you can see, karamihan sa mga sinusulat ko ay series para hindi na ako mahirapan na maalala ang mga characters. Nahihirapan kasi akong maghanap ng mga names ng characters tapos kapag may new story akong naiisip ay nasasayangan ako sa mga extra sa previous stories na naisulat ko kaya sila na rin ang ginagamit ko. Among the series ay may dalawa akong stand alone stories, meaning, wala siyang stories at nasa approximately, 50 chapters. I was contacted by an editor from Dreame. May Dreame account na ako since dahil mahilig akong magbasa ng mga free novels, especially, iyong English na wolf-theme stories like Alpha, Omega, Mate and the like. Marami doon pero never akong nagpost ng story kasi nga loyal ako sa wattpad. They contacted me and asked me kung pwede ko bang ilipat ang Waiting on a Feeling (Jair and Xyler) and Twin's Tricks (Eon and Aleeyah) sa Dreame under a contract. I said, I'll give it a try since iyong dalawa lang naman ang ililipat ko doon. Soon, I will be removing those two stories sa wattpad. This is partly an experiment before ako magself-publish next year. Balak ko sanang mag-self pub after ng thesis ko para hindi ako ma-distract.
So, iyon lang naman. I'll go back watching my BL Thai stories.
LOVE,
INANG
Yes inang self pub pls pls pls.. sana lahat ng works mo. Im a fan since the start. Thank you for sharing your talent ��
ReplyDeleteFree parin ba ang stories mo sa dreame inang or may bayad na?
ReplyDeleteWaiting po ng next update ��
ReplyDeleteStay safe and healthy.