Monday, May 18, 2020

Black Magic 7 - Spark: 8 - BLACK OBSIDIAN


 8 – BLACK OBSIDIAN
            SIX-THIRTY pa ng gabi, hindi pa nagsasara ang mga shops sa paligid kaya nakikita pa niya ang mga taong naglalakad, pumapasok at lumalabas sa mga establishment. Nasa tabi lang siya at umiiwas sa mga tao, she’s slowly overcoming her social anxiety but it doesn’t mean she’s totally over it. Iyong mga nakakasama niya ng matagal lang nakakayanan niyang harapin. Ang dahilan kung bakit gusto niyang lumabas ng maaga ay dahil pupunta siya sa pet shop. Ang nag-iisang pet shop sa kanilang subdivision. Sa kasamaang palad ay hindi niya maalala kung saan iyon dahil noong una niyang makita ang establishment ay naligaw din siya.
            Napabuntong-hininga siya at habang naglalakad ay nasapok niya ang kanyang ulo. Hindi mawala sa kanyang utak si Rexon, naiinis siya dito dahil hindi siya nito kinakausap, naiinis din siya sa kanyang sarili dahil nagpakain siya ng takot niya na kausapin ito. Ayaw niyang itaboy nitong muli because it really hurts. Sa tingin kasi niya ay nagalit ito sa kanya sa kasamaang palad ay wala siyang ideya sa rason ng lalaki. Muli ay napabuntong-hininga siya.
            “I’ll ask him tomorrow.” Iyon ang kanyang desisyon. Bahala na, kung ire-reject uli siya nito ay hindi niya alam ang kanyang gagawin. She’s scared pero hindi na siya bata para matakot, nakalabas na siya. Fifteen years siyang nagpakain sa kanyang depression, sa kanyang mga takot, may nagtulak sa kanya para makita ang mundo. Makita na hindi lahat ng tao ay kagaya ng mga taong nakasalamuha niya noon. Masaya siya ng makita ang kapatid na masaya dahil sa kanyang ginagawa at alam niyang malulungkot na naman ito kapag nagtago uli siya. Pinal na ang kanyang desisyon na kausapin si Rex, bahala ng kung magalit ito, iiyak nalang siguro siya tapos ay hihinga magiging okay na siguro siya.
            Pero… nasaan na ba siya? huminto siya sa tabi ng isang bookstore at sumilip sa loob. Gusto niyang magtanong kung saan ang petshop pero marami pang tao. “Where is it?” mahinang tanong niya sa kanyang sarili nang mapansin ang isang matangkad na animo sa kanyang likod. Awtomatikong natigilan siya, nanlamig ang kanyang palad at nanghina ang kanyang tuhod. Gusto niyang lumingon pero natatakot siya dinig na dinig din niya ang lakas ng tibok ng kanyang puso. Tatakbo sana siya sa kasamaang palad ay hindi talaga siya makakilos.
            The man’s shadow moves closer to her and she’s in the verge of crying due to fear when the shadow’s hand is about to touch her.
            “Tiarra.” Napatili siya sa gulat pero agad din na tinakpan ang bibig. “Damn, did I scare you?” hindi niya namalayan na sunod-sunod na palang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata dahil sa takot, sa gulat at sa relief. Gusto niyang suntukin at sugurin si Rexon pero nanginginig pa siya. “I’m sorry, I didn’t mean to scare you.” He gentle pulled her closer and hug her tightly. Napasubsob siya sa dibdib nito habang umiiyak habang hinahaplos naman nito ang kanyang likod para patahanin siya. “I’m sorry.” Paulit-ulit na bulong nito hanggang sa tumigil na rin ang pagtulo ng kanyang luha. Nandoon pa rin ang malakas na tibok ng kanyang puso. Itinulak niya ang sarili mula rito at pinahid ang mga luha niya. Tinulungan siya nitong alisin ang luha sa kanyang pisngi. “Do you need water?” tumango lang siya. “Wait here.” Mahigpit niyang hinawakan ang mangas ng suot nitong polo. Ayaw niyang iwanan siya nito doon. “Can you walk?” tumango siya. “Let’s get your water.”
            Parang gusto niyang umiyak muli dahil pakiramdam niya ay bumabalik ang dating Rexon. She really missed him and she doesn’t want him to treat her coldly. Pagkatapos siya nitong painumin ng tubig at kumalma na siya ay isang malakas na hampas sa braso ang ibinigay niya dito. Hindi naman ito nagreklamo, sa tingin niya ay alam nitong deserved nitong mahampas niya ng ganoon. He really scared the hell out of her.
            “I’m sorry.” Ilang ulit na rin itong humihingi ng tawad sa kanya. “Pwede bang huwag mo na akong iwasan?” Tinaasan niya ito ng kilay.
            “I’m not.” Tanggi niya sa paratang nito. “You treated me coldly.” Mahinang sabi niya dito. “I am not going to blame you for treating me that way, hindi mo ako kaano-ano pero sana sa susunod sabihin mo sa akin ang rason. I don’t like it.” Napabuntong-hininga siya pagkatapos niyang aminin ang nararamdaman sa kanya.
            “I’m sorry.” He said sincerely. “I was wrong, I don’t know the reason why I behaved that way.” Mariin niya itong tinitigan dahil alam niyang may hindi ito sinasabi sa kanya. He always had reasons. “Stop looking me that way.” Nag-iwas ito ng tingin mula sa kanya. “You didn’t call or text me.”
            Tumaas ang isa niyang kilay. “Kailangan ko pang tawagan si Mike kung okay ka lang and my damn brother can’t even be trusted.” Patuloy nito.
            “Why blame Marquis? He really treats me well, why didn’t you call me instead?” he is still wearing his pokerface as he stare at her but his ears betrayed him. Pulang-pula ang teynga ng kausap. “Nahihiya akong tawagan ka dahil alam kong busy ka sa pinuntahan mo. Sabi ko sasabihin ko sa iyo lahat kapag bumalik ka na because I think it’s much better that way.” Bahagya nitong tinakpan ang labi gamit ang mga palad.
            She heard him groan. “I’m sorry.” Ilang beses na itong nagsorry sa kanya.
            “You don’t have to apologize repeatedly at saka hindi naman talaga ako galit sa iyo. I’m just distancing myself…” fine, iniiwasan nga niya ito. “because I thought you’ll feel better if I’m away.”
            “Of course not, it makes me feel worst.” Hindi rin naging maganda ang nararamdaman niya ng nilalayuan niya ito. “Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng mga tao sa café dahil kapag nagtangka akong lapitan ka ay bigla silang sumisingit.” Tuluyan na siyang natawa sa sinabi nito dahil kahit hindi sabihin ng mga kasama ay napapansin din niya iyon.
            “Rex, kapag galit ka sa akin please do tell me. Matagal man akong nagtago sa mga tao pero hindi naman ako ganoon ka-insensitive sa nararamdaman ng iba. You pulled me out from my safezone and made me explore things that I didn’t expect I’ll enjoy, I owe you this.” Tumayo siya at humarap sa nakaupong lalaki na nakatingala sa kanya. “Thank you.” Kusang kumilos ang kanyang katawan at niyakap ang lalaking kausap she felt his body stiffened and that’s when she pulled back. She just can’t believe what she had done! Nahabol ni Rexon ang kanyang palad at mahigpit iyon na hinawakan.
            “We are okay now?” tumango lang siya. “Thank you.” And he smiled making her not okay!

            “HINDI mo naman ako kailangan na ihatid dito. Pwede mo namang sabihin ang direction.” Nang sabihin niya kay Rexon kung saan siya pupunta at nagkaligaw-ligaw na siya ay nag-insist itong sumama.
            “I’m not that busy.” Nakarating na sila sa petshop. “We are here.” Ito na ang nagtulak ng pintuan at pinauna siyang pumasok.
            “Good evening--- oh.” Halatang nagulat si Vanessa nang makita siya. Nakilala niya ito sa coffee shop dahil madalas din itong pumupunta doon. “Welcome!” nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Rexon. “Nagkabati na kayo?”
            “Paano mo nalaman?” takang tanong niya.
            “Tsismis, sabi kasi nila ay may lover’s quarrel kayo kaya mainit ang ulo nitong isang tao. Mabuti naman at nagkabati na kayo.” Ngumisi ito. “May discount ba bukas sa coffee shop?”
            Naka-pokerface lang si Rexon at halatang hindi pinapansin si Vanessa pero hindi naman iyon alintana sa babae para bang sanay na sa ganoong trato ni Rexon. Hinila siya ni Vanessa papunta sa counter. “Ti, anong pinakain mo kay Rexon at sa iyo lang siya mabait? Pwede ko kaya iyang ipalapa sa mga carp? Or sa shark?”
            Tumawa lang siya. “He is really nice when you know him.” Nakangiti niyang sabi pero bakit parang ayaw niyang makita ng ibang tao ang side na iyon ni Rexon. There’s this feeling of possessiveness inside her.
            “Nahh, I’d rather not. Sa iyo lang siya.” kinindatan siya nito.
            “What did you say to her, Vanessa?”
            “Wala naman.”
            Lumapit sa kanya si Rexon. “Your face is so red, are you okay? Gusto mo bang lumabas?” sunod-sunod siyang umiling at tinakpan ang pisngi.
            “I’m just excited to buy the puppy.” Nasabi na rin niya kay Vanessa ang tungkol sa plano niyang pagbili ng alaga. Vanessa is preparing the little one. Nang makita siya ng aso ay kumawag ang maliit nitong buntot at nagtalon-talon. The puppy is also excited to see her and her poor little heart can’t take it longer. “Ca-can I carry her?”
            “Sure.” Naramdaman niya ang paglapit ni Rexon sa kanya habang karga ang bagong baby niya.
            “Look, Rex. Isn’t she the cutiest?” lumapit siya dito.
            “Yeah.” Hinaplos din nito ang balahibo ng aso.
            “She likes you too. Gusto mo ba siyang hawakan?”
            “May I?” maingat na inilipat niya sa braso nito ang aso. Malaking tao si Rexon at kung akala ng iba ay magmumukhang ewan ito habang hawak ang cute na tuta ay nagkakamali sila. He really looks good with everything. “She’s so small.”
            “Anong ipapangalan niyo sa kanya?” nagkatinginan silang dalawa ni Rexon. “I mean mo sa kanya Tiarra?” Vanessa’s questions are making her a little giddy. “I need the name for the certification and for her files as well.” Ngumiti ito sa kanya.
            “Anong magandang name sa kanya?” tanong niya kay Rexon. “Wala akong maisip.”
            “Is it okay for me to give her name?”
            Tumango siya dito. “Wala din akong maisip baka tawagin ko lang siya ng mga pangalan ng mga gemstone na alam ko. Hindi naman pwedeng pikachu, that would be so weird. Iyong madaling tandaan.”
            “Ai ni. Aini.” Narinig niyang napa-ubong bigla si Vanessa. “Can we name her Aini?”
            “Aini? Oh, that’s cute.” Bumaling siya kay Vanessa. “Her name is Aini.” Pero teyka lang, bakit parang narinig na niya ang pangalan na iyon.
            “Alright, Ai ni.” Nagtype si Vanessa sa keyboard. “Makukuha niyo si Aini three days from now. Kailangan pa siyang i-check ng vet at kailangan pa din namin iprocess ang papers niya. We can deliver or you can pick her up.”
            “Pick up nalang.” She got her purse. “I’ll pay through card--.” Pinigilan siyang bigla ni Rexon.   
            “Can I pay for the puppy?” tanong nito sa kanya.
            “Why?”
            “An apolo--.” Umiling siya ng maraming beses.
            “Rexon I know you are kind and sweet but this time I’ll refuse the offer and even if you insist, I’ll still say no. I can really pay it.” Halatang nalungkot ang lalaki sa kanyang sinabi and he is very obvious about it. “You named her, okay na iyon bilang apology gift.”
            “But.” Narinig niyang napabuntong-hininga ito at biglang natahimik. Ibinigay na niya kay Vanessa ang card.
            “Mukhang nalungkot ang manong.” Pansin ni Vanessa. “You should have allowed him to pay it.” Umiling siya.
            “Rexon is a good person. Hindi pwedeng abusuhin ang kabutihan niya.” Aniya dito, but deep inside she feels so guilty all of a sudden. Para itong batang hindi pinagbigyan ng nanay nitong bilhin ang laruan na gusto.
            “Maybe you should console him.”
            “Ha?  How?”
            “Just smile at him and he will be okay.” Ibinalik sa kanya ni Vanessa ang kanyang card at binigyan siya ng instructions bago kinuha kay Rexon ang aso. Nagpaalam siya kay Aini. Paglabas niya ng petshop at humarap siya kay Rex.
            “Are you mad at me?” she asks. And did what Vanessa told her to do, she smiled at him. “Thank you for respecting my decision. I really appreciate that, kung gusto mo talagang manlibre you can buy me ice cream.”
            “Okay. Let’s buy ice cream.” Tama nga ang sabi ni Vanessa. Paano nitong nalaman na mawawala ang pag-su-sulk ni Rexon kapag ngingiti siya. People in this village is really weird but she likes it.
           
            THE black obsidian reflects beautifully as it hits the sun’s rays. It’s black and beautiful even its charm is one of a kind too. The kind of stone that releases toxic self-judgement, resentment or unforgiveness that are holding someone back from happiness and freedom. Last night she made a bracelet out of the stones.
            “Are you busy?” untag ni Rexon sa kanya. Lumabas ito ng opisina nito at nagtatrabaho sa may mesa na malapit sa counter. Ang nangyari ay wala masyadong tumatambay doon na mga staff dahil nandoon nga ito. Alam din niyang nagtataka ang mga ito dahil pagdating niya ay binati agad siya ni Rex na para bang walang nangyari. They literally dropped their jaw.
            “Not really, why?”
            “Gusto mong sumama sa akin? Sa mall. Sa Winter Café.” Narinig nga niya na may iba pang branch ang Summer Café na ipinangalan nito sa mga phases ng subvision.
            “Uhm, matagal na akong hindi nakapunta sa mall.” Iyong huling beses siyang nagpunta doon ay teenager pa siya dahil sinasama siya ng kanyang Mama para magshopping. Doon din niya na-realized ang dahilan kung bakit ayaw ng kanyang Papa na sumama sa kanyang ina kapag namimili. At maging siya ay gusto din na magtago, bumibili ng mga damit ang nanay niya na gusto nito kahit hindi magkakasya sa kanya at hindi bagay sa kanya as long as nasa uso. Sa tingin nga niya ay iyon din ang dahilan kung bakit bumaba ang self-esteem niya dahil sinusuot niya ang mga binibili ng Mama dahil ayaw niya itong masaktan. Ang nangyari ay pinagtatawanan siya ng mga nakakasalamuha niya.
            “That’s good, I’ll bring you there.”
            “Is it okay?” okay na siya na palakad-lakad sa loob ng kanilang subdivision dahil kilala na niya ang mga kapitbahay but leaving is another thing. Lumalabas siya kapag may kailangan siyang puntahan but she always made it sure na wala ng mga tao sa paligid kaya gabi siya kung lumalabas.
            “Ipinagpaalam na rin kita sa kapatid mo and I won’t leave you alone, don’t worry.” He can really make her feel at ease.
            “Sige.”
            “Wait for me here, I leave Mike some instructions.” She really trusts him a lot, huh? Ilang araw pa lang silang magkakilala pero parang sobrang tagal na nilang magkasama. Matagal din siyang nakatulog kagabi dahil kapag pipikit siya ay bigla niyang naaalala ang mukha nito at tila nahihirapan siyang huminga. Gusto niyang mag-umagang muli para magkita sila at mag-usap, kanina ay napagalitan siya ng kapatid niya dahil nasunog ang nilulutong sunny side up egg dahil nakatulala lang siya. “Let’s go.” Untag nito sa kanya.
            “Ye-yes.”
            “Hintayin mo ako sa labas ng café kukunin ko lang ang sasakyan.” Nauna na itong lumabas sa kanya at bago pa man siya makakilos ay nilapitan siya ni Grace at ni Arra.
            “Ate, wait lang.”
            “Bakit?”
            “Here.” Bahagya siyang napaatras ng biglang may inilagay si Arra sa kanyang labi. It tastes sweet. “Lip tint.” Nilagyan din ni Grace ang kanyang pisngi. “First date niyo today kaya dapat maging extra pretty ka ate at huwag mong hahayaan na may ibang linta ng makalapit kay kuya, sa iyo lang kami boto.”
            “A-ano bang pinagsasabi ninyo?” naguguluhan niyang tanong.
            “Go na ate Tiarra, nasa labas na ang prince charming mo.” At ang mga ito na mismo ang nagtulak sa kanya palabas ng café. Nasa labas na ang kotse ni Rex. Mabilis niyang binuksan ang pintuan dahil bababa sana ito pera buksan ito.
            “You should have waited for me to open the door.” Anito sa kanya.
            “Hindi na kailangan mabilis lang naman siyang buksan.” Ngumiti lang siya dito, siya na rin ang naglagay ng seatbelt niya dahil may pakiramdam siyang iyon ang susunod nitong gagawin. Napansin niya ang pagtitig ni Rexon sa kanyang mukha. “Is there something wrong with my face?” naalala niyang nilagyan nga pala siya ni Grace at Arra ng liptint sa labi at sa pisngi at muntik ng mapatili ng bigla nitong ilapit ang mukha sa kanya. Nasukol siya ng upuan at ng mukha nito.
            “You smell sweet, I like it.” Siguro ay reflex na rin niya at dahil na rin sa gulat kaya naitulak niya ang mukha nito palayo sa kanya.
            “Huwag mo nga akong gulatin.” Ang lakas ng tibok ng kanyang puso na para bang lalabas iyon sa kanyang rib cage. Sa halip na magalit ay ngumiti lang ito sa kanya, it’s a different kind of smile though.
            “Tinatanggap ko lang ang kaba mo.” Inirapan lang niya ang lalaki, totoong natanggal nito ang kanyang kaba pero pinalitan naman nito ng mas sobra pa sa kaba. The heck! Napatingin siya sa kanyang suot na bracelet, mali yatang bato ang ginamit niya dapat yata iba iyong kayang pakalmahin ang nagwawalang puso niya.

TBC
PHOTO CTTO

<3 <3 <3
A/N: Hi there lovely babies, so, pahinga muna ako sa pagbabasa ng mga manga stories at na-divert na sa ibang trip ang atensyon ko maliban sa pag-re-revised ng rationale down to methodology ng thesis (kaumay na talaga ito). So, as you know (iyong ibang hindi pa nakakaalam please huwag nalang simulan) katatapos lang 2gether the series ng GMM TV (55555555 -> sa mga may alam ng kung ano it, CHEERS TO US!). I actually had high hopes for the series, I'm a BL fan  since I can't remember at alam niyong mahilig din akong manood ng mga Thai (Lakorn) maliban sa CDrama at Kdrama. Actually, pinapanood ko halos lahat as long as entertaining siya. Back to Tine and Wat, I'm quite disappointed sa ending. After watching why r u the series, tharntype the series, love by chance and so on expected na mataas na ang standard ko sa mga BL drama. huhuhuhuhuhuuhuhu, naiintindihan ko naman kung bakit naging pa-tweetums na ang takbo ng story dahil siguro sumikat talaga siya at most viewers ay mga bata but then, hindi pa rin ako kontento sa high five! My goodness... Ang pa-sweet lang yata na BL drama na napanood ko na nag-enjoy talaga ako ay iyong 2moons the series, iyong season 1. Ang cute ni Wayo dun, nagningning ang mga mata ko sa 2moons the series season 2 dahil sa mga 'eheeeeemmmmmmm'' scenes. I am currently re-watching Dark blue kiss, Sotus, UWMA and myengineer kaya mag-MI-MIA muna ako hanggang mawala ang frustrations ko sa 2gether the series.

LOVE, 
INANG

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang