Tuesday, May 12, 2020

Black Magic 7 - Spark : 7 - KYANITE



7 – KYANITE
            WOW!” Nagningning ang mga mata ni Adrian nang makita nito ang design ng engagement ring ng girlfriend nito. “She will surely love this.”
            “I think she will love you more.” Ngumiti sa kanya ang kausap. Halata ang pagmamahal nito sa nobya nito. Sa katunayan ay ito ang pinakaunang tao sa outside world na nagpakita sa kanya ng ganoong klaseng emosyon. Love. “Just bring that to your jeweller, may mga instructions na rin diyan para hindi na sila mahirapan. Medyo mahirap kasi siyang gawin.” Ibinigay ni Adrian sa kanya ang mga traits ng girlfriend nito, her hobbies, at mabilis na nag-sketch ng draft. Matagal siyang natulog kagabi dahil ganoon talaga siya, kapag may gustong gawin ay hindi na nakakatulog hangga’t hindi natatapos.
            “I’ll just give this to your brother then. He will kill me for this but it’s worth the risk.” Habang tumatagal ay mas lalong tumataas ang respeto niya sa kausap. Wala pa siyang gaanong references sa mga lalaki. Ang nakaka-usap lang niya ng malapitan at matagalan ay ang kapatid niya na mukhang walang balak na magpakilala ng babae sa kanya. Si Marquis ay sobrang bata pa ganoon din ang mga staff ng café, her neighbors are just like her brother si Rexon lang yata ang naiba sa mga lalaking nakikilala. He has no social skills. “I’ll also pay you for this just give me your account number.”
            Mabilis siyang umiling at mahigpit na niyakap ang bilog na tray na kanina pa niya dala-dala. “No need pero huwag mo rin sabihin sa iba. Isipin mo nalang na wedding gift ko iyan sa inyo.”
            “Thank you very much Tiarra, you are an angel.” Ngumiti lang siya dito.
            “I need to go back to work.” Paalam niya sa kausap at bumalik na sa may cashier area. Pagdating niya ay nagtaka pa siya ng mapansin ang hindi maipintang mukha ng mga tao doon. “May nangyari ba?” takang tanong niya. Sabay-sabay na itinuro ng mga ito ang opisina ni Rex. “Bakit?”
            “Dumating na si Kuya Rex, Ate.” Balita ni Marquis sa kanya. “Pero parang hindi maganda ang mood.” Hindi maganda ang mood? “Pasukin mo ate.”
            “Bakit ako?” nagtinginan ang mga ito sa kanya.
            “Baka mawala ang init ng ulo kapag ikaw. Kapag pumasok kami diyan ay sisigawan niya kami basta mainit ang ulo niya.” Palipat-lipat ang tingin niya kay Marquis at sa pintuan ng opisina ni Rexon.
            Inilapag niya sa counter ang tray at dahan-dahan na naglakad papunta sa opisina. She stayed infront of the door for awhile trying to calm her nerves. Her heart is beating wildly, parang nagkaroon ng world war infinity sa loob ng kanyang dibdib and it’s not her social anxiety. It is something else that she can’t describe. The feeling is new to her. Ilang inhale and exhale ang kanyang ginawa bago nagpasyang kumatok. She really missed him, sobrang dami niyang gustong sabihin dito and she can’t wait to tell him her experiences these past three days.
            Itinulak niya ang pinto at agad na nasilayan si Rexon, nakayuko ito habang may tina-type sa laptop. “Uhm, Rex.” Tawag niya dito at sa tingin niya ay mas malakas pa ang tibok ng kanyang puso keysa sa kanyang boses. “How’s your travel?” hindi siya nito sinagot at patuloy na tumitipa sa keyboard.
            Iyong tapang niya unti-unting nauubos sa hindi nito pagsagot. Is he really not in the mood? “Are--.”
            “I’m really tired right now and don’t have time to talk. Can you leave me for a while?” kung kanina ay sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso dahil excited na siyang makita ito ngayon ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig at may kumurot sa kanyang puso. She was surprised by his response, she wasn’t really expecting it from it. Siguro ay nasanay siya na sobrang gentle ito sa kanya.
            “S-sorry if I disturbed you.” Mahinang hingi niya ng paumanhin dito. “I’ll go back to work.” Naglakad na siya palabas ng opisina nito. “Welcome back.” Hindi niya alam kung narinig nito ang kanyang sinabi. Pamilyar sa kanya ang kanyang nararamdaman, she felt rejected? She bit her lower lips and for the first time after so many years she tried to smile even if she doesn’t feel good.
            “Ate, anong nangyari?” salubong sa kanya ni Marquis.
            “He’s tired from the travel let’s give him time to rest.” Alam niyang may gusto pang sabihin si Marquis habang nakatitig sa kanya pero mas pinili nalang nitong manahimik. “Let’s go back to work?” she smiles at him.

            HANGGANG ngayon ay hindi pa lumalabas ng opisina si Rexon at hindi na rin siya nagtangkang silipin ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapangalanan ang hindi magandang nararamdaman niya.
            “Pw-pwede bang mauna na akong umalis? May kailangan kasi akong puntahan.” Paalam niya kay Mike. Kanina pa rin tahimik ang mga tao doon and napapansin din niya ang pasulyap-sulyap ng mga ito sa kanya. She just pretended that it didn’t bother her and continue to do her job but she doesn’t like the feeling. Gusto niyang bumalik sa bahay at magtago sa kanyang kwarto. Her social anxiety is attacking again.
            “Hindi ka ba magpapaalam kay Boss?” mabilis siyang umiling at pilit na ngumiti. “He’s already awake.”
            “Huwag na baka kasi wala pa rin siya sa mood. Si-sige aalis na ako.” Nagpaalam na rin siya sa kanyang mga kasama.
            “Ate, sabay na tayo.” Habol sa kanya ni Marquis. Tumango lang siya. “Ate Tiarra, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.
            “Oo naman. Bakit mo naman naitanong?” napasulyap siya dito.
            “You don’t look happy.” Her smile didn’t fade away.
            “Medyo pagod lang siguro ako madami talaga ang tao kanina.” At dahil na rin sa kuya mo. “Matutulog lang ako at matagal din akong nakatulog last night dahil tinapos ko pa ang design sa engagement ring ni Adrian.” Narining niya ang mahinang buntong-hininga ni Marquis. He is murmuring something she can’t hear.
            “Galit ka ba kay kuya?”
            “Bakit naman?”
            “He’s being a jerk again.” Inis nitong sabi. Ngumiti lang siya sa kapatid ni Rexon dahil hindi galit ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Hindi lang niya ma-point out, no… nahihiya siyang aminin kung ano iyon.
            “Your brother is tired kaya siguro grumpy siya. Give him time to rest.”
            Muli ay napabuntong-hininga si Marquis. “He’s just a jerk. Gusto ko rin na gumanti sa kanya kasi palagi niya akong pinapagalitan at binabawasan ang allowance ko.”
            Natawa siya sa sinabi nito. “Kahit gaano pa kasama ang ugali ng kuya mo, kapatid mo pa rin siya at hindi maganda ang gumanti. Bad iyon.” Malumanay na paliwanag niya dito. Kahit papaano ay gumaan ang loob niya dahil kay Marquis pero nandoon pa rin ang hindi magandang nararamdaman niya kapag naiisip niya ang kapatid nito.
            “Dito lang ako ate, dito ang bahay namin.”
            “Malapit lang pala ang bahay niyo dito?”
            “Oo, ang bahay lang ni Kuya ang medyo malayo. Gusto kasi niya na malayo sa mga tao alam mo naman si kuya walang social skills sobrang hirap kausapin.” She just smild at Marquis dahil ganoon din siya. “Pero ihahatid na kita sa inyo.”
            Umiling siya. “Huwag na, malapit na ang bahay namin dito dito ka nalang.”
            “Marquis, maaga ka yata?” may isang may edad na lalaki ang lumabas ng bahay. Magulang yata ng kasama niya.
            “Ah, Pa. Kasama ko si Ate Tiarra, kapatid ni Kuya Timothy.” Parang nakita na niya kung saan ang mukha nito. Tama! Sa opisina ng kapatid niya habang naglilinis siya ay nakita niya ang files nito, ito ang barangay captain nila. Nahahati sa dalawang barangay ang Seasonsville base sa pagkakaalam niya ay ang Summerville at ang Springville ang under sa jurisdiction ni Sweetheart habang kay Tatay Ben, iyon ang tawag ng mga tao sa kapitan, ang Winterville at ang Autumnville.
            “Ma-magandang gabi po.” Magalang na bati niya dito.
            “Aba’y, ke gandang bata naman itong kapatid ni Timothy. Kaya pala tinatago ka ng kuya mo dahil natatakot na maligawan ka.” Hindi niya mapigilan ang tumawa sa sinabi nito. He has this warm aura around him, hindi dahil sa pinuri siya nito. “Nililigawan mo ba ito Marquis.”
            “Papa naman!” namumulang reklamo ni Marquis tapos ay may binulong sa ama nito. Habang nakatingin sa dalawa ay naisip tuloy niya kung bakit hindi namana ni Rexon ang pagiging jolly ng Papa at kapatid nito.
            “Ah, ganoon pala.” Bumaling sa kanya ang kapitan. “Gusto mo bang sumabay sa amin na mag-dinner, Tiarra?” siyempre ay nagulat siya sa offer nito.
            “Naku po, pasensya na po kayo. Hinihintay po kasi ako ni kuya sa bahay.” Palusot niya.
            “Sayang naman.”
            “Ne-next time nalang po.” Nagpaalam na siya sa mag-ama at nagmamadaling umuwi sa bahay ng nila. Wala pa doon ang kapatid na mas ipinagpasalamat niya dahil baka may mapansin ito sa kanya. She’s tired, iyong excitement niya kaninang umaga ay biglang gumuho ng ganoon lang kaya iyong sobrang taas na energy niya ay tuluyan ng naubos. Hindi na rin siya nag-abala pang buksan ang ilaw hanggang sa makarating sa kanyang kwarto. Naupo siya sa gilid ng kanyang kama at binuksan ang malaking box na may lamang iba-ibang gemstones. She needs to rid off that unwanted emotion.
            She found the stone. It’s a kyanite. Ipinagdaop niya ang mga palad at inilagay sa kanyang puso. “Please lend me your power, help me calm down.” Ang batong iyon ay tinatawag din na calming stone. It helps to quiete the mind, dissolving emotional or spiritual confusion. It is also said to be particularly good at dissolving anger and frustration. “Help to ease this uncomfortable emotion.”

            “HERE’S your café latte and choco mint cake.” Inilapag niya ang orders. Kanina pa siya busy, ilang oras na ba siyang nakatayo?
            “Thank you, Tiarra.” She gave the costumer a small smile and spun her heels when she almost bumps to someone. Nayakap niya ng mahigpit ang tray nang magtama ang mga mata nila ni Rexon na mukhang nagulat din nang makita siya. Tumango lang siya dito at mabilis na umalis sa harapan nito. He’s still not in the mood, mas masama nga ang mood nito ngayon keysa kahapon kaya nagpasya siyang hindi muna ito harapin. Sa tamang salita, hindi siya nagtangkang kausapin, lapitan o kahit na tingnan dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at kausapin na naman niya ito. Ayaw niyang marinig ang narinig niya mula dito kahapon, iyong pagtaboy nito sa kanya dahil kahit anong deny niya ay nasaktan siya.
            “Table 6, Ate Tiarra.” Ibinigay ni Dennis ang mga orders pagdating niya sa counter. Kung napapansin man iyon ng mga kasama niya ay hindi niya alam, kapag may pagkakataon na lumalabas ito ng office nito at nasa malapit siya ay bigla-biglang sumusulpot ang isa sa mga kasama at hinihila siya sa kung saan.
            “Miss Tiarra, ako na ang magdadala sa table 6. Ikaw na sa table 2 and 3.” Kahit si Mike ay ganoon din. Tiningnan niya ang table 6 at napansin niyang nandoon sa malapit si Rexon.
            “Sige.” Kinuha niya ang mga orders at nagpunta sa table 2 and 3 dala-dala ang mga orders. Pagkatapos ibigay ay nilapitan siya ni Arra at ni Marquis.
            “Ate, lunch break na. Sama ka sa amin.”
            “Huh?” mag-a-alas dose na pala ng tanghali. “Sige.” Mabilis siyang hinila ng dalawa palabas ng coffee shop at dinala sa kalapit na convenience store.
            “Ate, anong gusto mong kainin? Hindi masarap ang pagkain nila dito pero panglaman tiyan na rin, libre ‘to.” Nagningning ang mat ani Marquis habang nakatingin sa mga nakahilerang mga junk foods at kung anu-anong pagkain na noon lang din niya nakita. May naalala siyang fastfood restaurant sa hindi kalayuan. She’s never been there.
            “Gu-gusto niyo ng pizza?”
            Nagkatinginan ang dalawa sa kanya. “Pizza?”
            “May malapit na pizza house dito hindi ba? Uhm, hindi pa ako nakakapunta doon kung gusto niyo lang naman, ako na ang manlilibre.”
            “Mahirap lang kami Ate Ti kaya hindi kami umaayaw sa Grasya.” Ani ni Arra. “Sige, doon na tayo Marquis.”
            “Sige, mas malayo iyon keysa dito. Masarap din na asar-asarin si kuya paminsan-minsan. Sa wakas nakaganti na rin ako.” Ngumisi ito ng masama. Nagdugtong ang kilay niya dahil sa sinabi nito.
            “Ano ang ibig mong sabihin?” aniya.
            “My unsocial brother doesn’t know how to approach people properly.” Mas lalo siyang nagtaka. “Mabuti nga sa kanya at nakakaganti naman kami.” Mukhang gutom na nga yata ang mga ito dahil sila lang ang nagkaka-intindihan at walang balak ang dalawa na magpaliwanag sa kanya.
            Medyo natagalan nga sila dahil matagal na-served ang kanilang order. Pagbalik nila ay sinalubong sila ni Mike.
            “Saan ba kayo nanggaling Marquis?” Nag-aalalang tanong nito sa kasama.
            “Kumain lang kami.” Siya na ang sumagot. “May problema ba?” ngumiti lang si Mike sa kanya pero hinila papunta sa counter ang kapatid ni Rex. Nagtataka sila ni Arra sa nangyayari lalo na ng pumasok si Marquis sa opisina ng kapatid nito. Pumunta siya sa counter upang magtanong. “Anong nangyari?” tanong niya kay Dennis.
            “May ibuburol tayo ngayon. May his soul rest in peace.”
            “Dennis, that’s not a good joke.” Ani niya dito pero ngumisi lang ito. “Pagagalitan lang ni Boss Rex si Marquis.”
            “Pero bakit?” nagkibit-balikat lang ang lalaki.
            “Hindi ko rin alam basta noong hanapin siya ni Boss ay umalis na siya kaya mas lalong nagalit.” Bigla siyang kinabahan sa kalagayan ni Marquis. Nalaman ba ni Rexon na may pinaplano ang kapatid nito laban dito? “HUwag kang mag-alala, ate Tiarra. Sanay na si Marquis na pinapagalitan ni Boss kaya lalabas lang iyon ng nakangisi.” Kahit na sabihin nito iyon ay nag-aalala pa rin siya. 
            “Ate, hindi ka pa ba inaantok?” Antok? Napatingin siya kay Arra. “Kanina ka pa palakad-lakad at nakatayo, hindi pa kita nakitang nakaupo. Baka maubos ang energy mo, magpahinga ka muna.” Pahinga? Inside Rexon’s office? And they are not in good condition? Iyon ang kanina pa niya iniisip, hindi siya pwedeng mapagod at hindi siya pwedeng maubusan ng enerhiya dahil wala siyang balak na pumasok sa opisina ng lalaki.
            “Hin-hindi pa naman ako inaantok, mauupo lang ako dito habang wala pang costumers.” Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinitingnan ang kanyang mga e-mails nang bigla siyang mapahikab. Bumibigat na rin ang kanyang mga talukap, she’s tired, she’s full and yes, she’s sleepy. “Five minutes.” Ipipikit lang niya ang kanyang mga mata ng limang minuto, sapat na iyon para makabawi siya ng lakas.
            Ang isa sa cons ng five minutes sleeping rule ay tuluyan na siyang nakatulog. She can’t really fight it at kahit anong gawin niya ay ang pagod ang kalaban na hindi niya kayang talunin. She can sleep anywhere! She can’t even believe it but it’s true. Habang natutulog ay may sumaging pamilyar na amoy ang kanyang ilong. It’s a very relaxing scent making her sleepier.
            “Huh? Anong oras na?” bigla siyang napatayo at napatingin sa suot na relo. “Alas kwatro y media na ng hapon!” mahinang bulalas niya at pilit na inaalala kung ano ang nangyari kanina. Naisipan lang niyang maidlip ng five minutes pero mahigit tatlong oras siyang nakatulog. Inilibot niya ang paningin sa buong paligid, nasa loob siya ng opisina ni Rexon. Paano siyang nakarating doon? Did she sleep walk again? Siya lang mag-isa sa loob kaya mabilis niyang inayos ang sarili at nagmamadaling lumabas. Ngunit pagtulak niya sa pinto ay bigla naman iyong bumukas, sa pangalawang pagkakataon ng araw na iyon ay muling nagtama ang kanilang mga mata. Agad niyang kinalma ang sarili at tumango lang dito bago ito nilampasan at bumalik sa counter para kausapin ang mga kasama doon.
            “Ang tagal kong nakatulog.” Ani niya sa mga ito. Ngumiti lang ang mga ito sa kanya. “Sorry.”
            “No worries, Ate Ti. Do you want a cup of tea?” umiling siya.
            “Wa-water.” Nanuyo ang lalamunan niya dahil kay Rexon. Hindi rin siya nagtanong kung sino ang nagbuhat sa kanya papunta sa loob, natatakot siya sa magiging sagot ng mga kasama. “Si Marquis?”
            “Present!” nakangisi itong lumapit sa kanya. “I’m alive.”
            “Anong nangyari?”
            Napakamot lang ito ng ulo. “Naging praning lang si kuya, ate. Don’t worry, masasanay din iyon. Dapat din na kabahan ang taong iyon para malaman niya kung ano ang feeling namin kapag pinapatawag kami sa opisina niya.”
            “I—I don’t understand.” Ngumiti lang ito sa kanya.
            “Malalaman mo rin mamaya, ate. Sasabihin ko sa iyo sabay uli tayong umuwi.” Kinapa niya ang kanyang bulsa at kinuha ang ibibigay niya kay Marquis.
            “Marquis, I am giving you something.” Nasa mukha ng kausap ang pagtataka ng i-abot niya dito ang maliit na black pouch na may tatak ng jewelry business nila. “I don’t know if you believe about charms but I want to give you that.” Kinuha nito ang laman ng pouch. “It’s a Kyanite stone, it’s a calming stone. It balances your emotions.”
            “This is a beautiful stone.” Manghang saad nito. “Can I really keep it?” tumango siya.
            “I’ll give everyone a kyanite before I leave, hindi pa kasi dumadating ang shipment ng mga bato mula sa Italy.”
            “Italy? Galing ito sa Italy?” tumango siya sa gulat na tanong ni Marquis. “At ibibigay mo ito sa akin? Mahal yata ito ate.” It’s a bit pricey but it doesn’t really matter ang mahalaga ay masaya ang binigyan niya at sa tingin niya ay kailangan na kailangan iyon ni Marquis. She’ll give everyone theirs once the shipment is completed.
            “Marquis, hindi pala ako makakasama sa iyo ngayong gabi.”
            “Bakit?”
            “May kailangan kasi akong puntahan na importante. Magpapaalam sana ako kay Mike na lumabas ng maaga.” Sinilip niya ang manager ng café. “Okay, lang ba?”
            “Hindi ka nagpaalam kay Boss?” tumabingi ang ngiti niya at mukhang nakuha naman ni Mike ang ibig sabihin ng ngiting iyon. “Wala namang problema, ako na ang bahala kay Boss Rexon.”
            “Thank you.”
TBC
PHOTO CTTO

<3 <3 <3
A/N: So, our area will be under GCQ starting saturday. I still don't want to go outside my place though, as a self-proclaimed introvert. Marami pa akong hindi nababasang manga, I need to finish them before August 24. And we will start working na rin on June 1, submission of forms, making of activities and so on. Nag-chat kami ng adviser ko sa Thesis regarding my write ups, ang tanong lang niya ay may idea ba ako sa nagaganap na general quarantine churva dahil iyong main point ng thesis ko ay more on distance learning and teaching. Hindi ko na sasabihin ang buong idea ng thesis ko dahil hindi pa rin ako confident dito, confident ako sa idea pero nandoon pa rin iyong takot na baka hindi mag-work. Pero sa tingin ko ay mag-wo-work talaga ito. Wish me well everyone!
Love,
INANG 


0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang