Monday, May 11, 2020

Black Magic 7 - Spark: 6 - TOURMALINE


6 - TOURMALINE


KANINA pa niya tinititigan ang kanyang cellphone at iniisip kung tatawagan ba o i-te-text si Rexon. For some odd reason she missed him, wala pang isang araw noong huli niya itong nakita gusto niya itong makitang muli. Pagdating niya ay ang unang sinilip niya ay kung nandoon pa ba ito sa office nito but Marquis said last night pa ang flight nito. Nahihiya siyang tumawag o kaya naman ay mag-text dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. She sucks at conversations.
            “Anong meron sa phone mo?” takang tanong ni Grace nang madaanan siya nito. Wala si Arra dahil may klase pa ito kaya ito ang kasa-kasama niya ng umagang iyon. Si Grace naman ang wala mamayang hapon dahil may klase din ito. “May hinihintay kang tawag?” tinago niya ang cellphone sa kanyang bulsa.
            “Wa-wala.” Maagap niyang sagot. Nahihiya siyang sabihin na nami-miss niya si Rex. Parang may kulang na hindi niya maintindihan. Nagpatuloy ito sa pagmo-mop ng sahig habang siya naman ay inaabala ang sarili sa pag-aayos ng mga bulaklak sa mga mesa. Wala pa masyadong tao dahil sobrang aga pa.
            “One americano.” Napalingon siya sa pamilyar na boses na kulang nalang ay isigaw ang order nito.
            “Kuya?” si Timothy iyon.
            “Oh, hi there little sister.” Masama yata ang mood nito.
            “Anong ginagawa mo dito?” lumapit siya sa kapatid at binigyan ng signal ang kumuha ng order nito na iprepare na ang kape ng kapatid.
            “I’m hungry.” Nagkibit-balikat ito. “No one prepared the food for me.” He is sulking. Dahil nagmamadali siyang pumunta dito at nagbabaka-sakaling maabutan si Rex ay hindi na siya naghanda ng breakfast nila ng kapatid niya.
            “Sorry.”
            “You should be, you should have told me last night so I can wake up early.”
            “Sorry.” She bowed her head in an apology. She can’t tell him the reason why she missed preparing the breakfast. Her brother will throw a fit when she tells him the reason. “Nawala sa utak ko at lumabas nalang ako ng bahay.”
            “Pagbabayarin ko si Rexon kapag nagkita uli kami.” Binatukan niya ang kapatid niya. “Aww, what was that for?”
            “Walang kasalanan ang tao at pinagbabantaan mo na. He is not even here.”
            Timothy tilted his head. “Where is he?”
            “He’s in Bacolod for a business meeting or something. He told me he’ll back after three days.”   
            “He told you?” tumango siya sa tanong niya sa kanyang kapatid. “Really, he told you.” Her brother smiled creepily as he stared at the table as if there’s a very interesting thing on it and then back at her. May kinuha ito sa bulsa nito at ibinagay sa kanya. It’s a black velvet box with a golden imprint for her brand’s logo and name. “Dumating na iyan kagabi.” Binuksan niya ang box.
            “It’s the tourmaline ring.” Kinuha niya ang singsing at isinuot iyon. “It’s really pretty.” Her brother always gives her a copy of her design after it was done. Iilang piraso lang ang ginagawa nila pagkatapos ng release. It’s a marketing strategy her brother thought, akala nga niya ay biro lang nito iyon but it wasn’t. For example, this ring probably has approximately ten copies. One or two will be displayed, iyong iba nga ay paunahan. Once nagpost na ang advertising department sa website ay siguradong mag-uunahan na ang mga buyers. Of course, kapag sobrang high na ng demand ay doon na ang pagpasok ng business as per her brother said. Demand means profit.
            Napatitig siya sa singsing na nasa kanyang daliri. She was really happy when she designed it. The band is 24 carat gold that has delicate floral design. Tourmaline is said to strengthen both body and spirit. It is believed to attract inspiration, aid concentration, encourage balance and promote understanding. It is also thought to calm nerves, sooth grief, promote balance and build self-confidence. She forgot to tell her brother that she wants one for herself. Nasa paniniwala siguro iyon ng nagsusuot. She believed that her gemstones will bring her luck, she wants to wear the ring because it might help in calming her nerves, to promote balance and build her self-confidence.
            “So, can I have my breakfast now?” her brother slumped on the table. Tinawag niya Grace na dalhin ang menu dahil mukhang hindi na tatagal ang kapatid niya. Her brother is just like her, sampu ang digestive system nito. Kaya siya tumaba noon dahil palagi siya nitong dinadala sa kusina para kumain. Dahil mahilig ito sa sports kaya hindi ito tumataba at dahil wala siyang hilig sa mga physical activities kaya siya ang nag-gain ng weight.
            “I’ll get your breakfast.” Pabalik na siya sa may counter ng muntik na siyang may mabangga na isang magandang babae. Naka-shirt at jogging pants lang ito at halatang kagigising lang. Normal na niyang nakikita ang mga ganoong ayos ng mga costumers ng café, iyong iba pa nga ay naka-bathrobe pa at bangag kapag naka-inom lang ng kape ay nagigising.
            “Hi.” Nakangiting bati sa kanya ng magandang babae. “New here?”
            “She’s my sister.” Inakbayan siya ng kapatid niya. “Hello too our dear barangay captain.” Nagulat siya sa narinig mula sa kanyang kapatid at ilang beses na napakurap. The woman is really pretty, pwede nga itong mapagkamalan na model pero walang mag-iisip na barangay captain ito. “Sweetheart.” The woman didn’t flinch.
            Inilahad ng babae ang palad nito. “Hi, I’m Sweetheart. You can call me Heart.” Ahh, Sweetheart pala ang pangalan nito akala pa naman niya ay may girlfriend na ang kanyang kapatid.
            “Tiarra.” Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.
            “You are very pretty, bakit ka naging kapatid ni Timothy?” nakangiti nitong tanong. “Dapat ay hindi kayo naging magkadugo ng gahaman ng lalaking ito and don’t worry I am really trying to offend your bastard of a brother but I am really fine with you.” Nahilo yata siya sa sinabi ng kaharap.
            Her brother laughed unaffected. “Ikaw talaga Kap, sobrang aga pa para magbiro ka ng ganyan. I forgot, you are not my barangay captain pala.” Tumango si Heart.
            “You are right but you are in my jurisdiction.” Iniwan na niya ang dalawa dahil mukhang mahaba-haba pa ang magiging usapan ng bangag at ng gutom.
            “Nagsimula na naman ba ang world war infinite?” tanong ni Marquis.
            “World War, what?”
            “Hindi talaga magkasundo ang barangay captain at ang homeowner’s president kaya kapag nagkikita sila ay palaging may ganitong eksena. This is normal.” Ngumiti sa kanya si Marquis at muling napatingin sa kapatid at sa kausap nito. Sabagay, ganoon talaga ang kapatid niya. Kapag may hindi ito gustong tao ay madalas nitong binu-bully. Napabuntong-hininga siya dahil mukhang wala din balak na magpatalo ang kausap nito.
            “I better give my brother his breakfast. Hindi iyang titigil hangga’t hindi nakakakain.”
            “Sandali lang ate Tiarra.”
            “Why?”
            “Smile.” And she automatically did what Marquis said and he snapped her a picture. “Wala ka pang picture dito.”
            “Ha? Nakakahiya.” Her face redenned.
            “Ang ganda mo dito, Ate.” Ipinakita nito sa kanya ang picture niya. She doesn’t look bad though.
            “Ca-can you give me a copy? I don’t have any picture since I was fifteen.”
            “I’ll take your picture everyday tapos ise-send ko sa iyo.” Nagthumb’s up si Marquis.
            “O-okay.”

            SHE’S RESTLESS. Wala siyang natatanggap na text o kaya naman ay tawag mula kay Rexon simula ng umalis ito pero naririnig naman niya si Mike na kausap nito.
            “Ano ka ba naman Tiarra? Wala siyang sinabi na tatawagan ka niya. Kung gusto mo siyang makausap dapat ay ikaw ang mag-text and mag-call.” Kausap niya sa kanyang sarili. She’s still holding her cellphone waiting for it.
            “Hi, Tiarra. Good morning.” Nakangiting bati ni Pamela sa kanya. Nasasanay na talaga siya sa presensya ng mga kapitbahay niya. One of the reasons is, they are just like her. They are weird on their own way and she can surprisingly relate to them. All she need is an exposure to the right type of people.
            “Good morning Pamela.” Ganti niya dito. Bitbit nito ang mga bulaklak na orders ng café, everyday ay pinapalitan ang mga flowers sa centerpiece ng mga tables. Kahapon ay red roses sila ngayon ay yellow tulips. Nakakagaan din sa feeling ang pagtitig sa mga bulaklak. Sa katunayan ay marami na siyang bulaklak sa garden nila. Inutusan niya ang kapatid na magbungkal sa kanilang garden, noong una ay todo pa ang reklamo nito pero sino ang mag-aakala na na-enjoy nito ang pagtatanim and even asked her to design floral jewelries for their next collection.
            Kagabi ay namangha siya ng maabutan ang kuya na nagpapahinga sa garden. May mga bulaklak at halaman na doon. And he’s sitting there with a cup of tea while waiting for her.
            “Here are the flowers, pasensya na medyo natagalan.” Tinanggap niya ang mga iyon at inilagay sa mesa na malapit sa kanila. “I’m glad you are adapting.” Sabi nito.
            “I wasn’t expecting to adapt. Akala ko nga ay mahihirapan ako, all I need is the right type of people.” She smiles at her. She also designed her engagement ring. “Uhm, you look…” itinuro niya ang mga mata nito.
            “Uh…” tumawa ito. “Buong magdamag akong nanood ng Kdrama kaya heto ang nangyari. Don’t mind me napagalitan na rin ako ni Nicolo ng makita niya ako.”
            “K-Kdrama? Anong title?”
            “You watch?” sunod-sunod siyang tumango. Nakangisi nitong sinabi sa kanya ang title and luckily hindi pa niya napapanood iyon. She’s pretty excited about watching it like a normal person will do. “By the way, you also look restless.” Tumabingi ang ngiti niya dahil sa sinabi nito.
            “Am I?”
            “May nami-miss ka ano? Ganyan iyong hitsura ko dati noong nami-miss ko pa si Ncolo at hindi pa kami noon. I feel restless, iyong feeling na gusto ko siyang makita at makausap. Masilayan ko lang ang mukha niya o kaya naman ay marinig ko lang ang boses niya ay solve na ako.” Mas lalo siyang namutla sa sinabi nito dahil iyon na iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. “Sino?” nag-init ang kanyang pisngi sa tanong nito dahil ang mukha ni Rex ang unang tumatak sa kanyang isipan “You are blushing.” Napahawak siya sa magkabilang pisngi. Pamela giggles. “You are really cute, Tiarra. Don’t worry hindi ko sasabihin kung sino.” Kumindat ito sa kanya.
            “Wa-wala naman akong sinabi, ah.”
            “Well, let’s just say may hunch na ako.” Tinapik siya nito. “If you really missed him, don’t hesitate to text or call him. Sa tingin ko ay mas magiging masaya ang taong iyon.” Pam winks at her. “I better go, see you tomorrow. Bukas na siya uuwi hindi ba?” she can’t contain her blush anymore. Alam ni Pamela ang taong iniisip niya. “It’s our secret.”
            Knowing that Pamela knows her pretty little secret, she feels at ease instead of panic. First time na may nakakaalam ng kanyang sekreto. Kinuha niya ang kanyang cellphone at hinanap ang numero ni Rex.
            “I’ll just tell him in person.” Aniya sa kanyang sarili. She’ll tell him her progress while he’s gone when he is back.

            “HUH?”
            “Please.” Magkasalubong ang kilay niya habang nakatitig sa lalaking kaharap. “Please?” he is practically begging at her. Lahat ng mga tao sa coffee shop ay napatingin sa kanila at literal na tumigil ang mundo. “I am proposing to my girlfriend can you design an engagement ring for her?”
            “Kung maka-please ka naman akala namin ay magpo-propose ka kay Tiarra. Tinakot mo kami doon, ah.” Reklamo ni Kc na nasa kalapit na mesa lang. “Seriously, umayos ka nga Adrian.”
            “Did I surprise you?” Surprise? Hindi siya na-surprisa dahil na sobrang gulat dito. kulang nalang ay lumabas ang puso niya sa kanyang katawan. “Sorry.” Dahan-dahan niyang kinalma ang sarili at umatras ng isang beses.
            “Ahh, you-you could have approach me calmly.” Tumayo ito sa pagkakaluhod at umayos na ng tayo.
            “I’m really sorry but I am really serious with my intention. I want to propose to her but I don’t want to buy just any diamond ring. I want to give her something she’s really want and something that suits her because she’s that special.” Tinalo pa yata ni Adrian ang pamumula ng kanyang pisngi but she can’t stop herself but to smile. He’s just so romantic at iilan nalang ba ang mga taong katulad nito?
            “I—I will. I just want to know your girlfriend’s traits for me to design a ring for her.” Lumapad ang ngiti ni Adrian.
            “She’s pretty, she likes cute and pretty things, she’s kind and--- aray!” reklamo ng lalaki ng hampasin ito ni Kc.
            “You are madly in love with her, huh. Eww…”
            “Bitter na bitter ang aura natin, Kc. Single?” sumimangot si Kc sa sinabi ni Czarina. “Ano ba ang nangyayari sa mundo ngayon? Bakit may babaeng sasaya samantalang heto kami, wala pa ring nare-received na relief goods.”
            Tumabi si Kc kay Cza at sabay na napabuntong-hininga. “A-are you referring men as relief goods?” tanong niya. Sunod-sunod na tumango ang dalawa.
            “Tell us Tiarra, do you have a boyfriend?”
            Umiling siya. “That’s impossible.”
            “Why? Kung walang nanliligaw sa iyo wala na talaga kaming pag-asa ganoon?” these women are definitely gorgeous. One is a mathematics teacher in high school and the other one is an interior designer.
            “Hindi naman sa ganoon. Well, I am boring and can’t even hold a lengthy conversation so I think walang magakagusto sa akin.” She was devastated before because she was turned down by a guy and made fun of her size. Now that she’s older and realized that a man wants to have a woman with substance and not boring. She doesn’t have those. Napahawak siya sa kanyang singsing, she wants to borrow the stone’s charm. Hindi iyon oras para mag-self pity at i-lookdown niya ang kanyang sarili. She will be a woman with substance and will hold an interesting conversation with someone in the near future. Kailangan lang niya ng oras.
            “You just need some time to develop your conversation skills, you are not boring. Walang boring sa subdivision natin dahil lahat tayo dito ay may saltik sa utak we are not weird as well, we are interesting.” Nakangiting paliwanag ni Kc.
            “True, walang boring dito. Alam mo ba na palagi tayong inaakusahan ng taga-labas na mga witches dahil hinihiwalayan sila ng mga boyfriends nila kapag nagpupunta sa atin. Akalain niyo iyon, kami witches? We can’t even charm a man for ourselves and they are accusing us of using black magic.” Mahabang litany ani Cza. “Mga walang analyzation and logical skills. Bagsak yata sa math noong bata pa sila, my goodness.”
            “Gaga ka, naka-line of seven ako noong first year high school sa math. Don’t be judgemental.” Reklamo ni Kc.
            “Atleast hindi ka bumagsak.” Nagtawanan ang dalawa na sila lang ang nagka-intindihan. Ibinalik niya ang tingin kay Adrian.
            “I will design an engagement ring for your girlfriend and I’ll give it to you tomorrow.”

TBC
PHOTO CTTO

<3 <3 <3
A/N: Nothing to rant, I just want to sleep again  and I'm hungry na din. When you are at home you'll always be hungry and sleepy, in short, nagiging baboy na talaga ako. My goodness! Wala man lang sumisita sa akin dito sa bahay.

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang