Wednesday, April 15, 2020

Black Magic 7 - Spark: 4 - MORGANITE


4 – MORGANITE
            AYAW ni Rexon na maging murderer pero inuubos na ni Timothy ang lahat ng pasensya niya sa katawan. “I am going to kill you for this.” He hissed.
            “One last time, I really need your help.”
            “Gusto kitang suntukin.”
            “I’ll allow you to do that, pero gawin mo kapag nakalabas na ang kapatid ko sa silid niya.” Nagrereklamo na naman ito na hindi na lumalabas si Tiarra sa labas ng silid nito pagkatapos niya itong ihatid almost a week ago. “Hindi siya sumasagot sa mga tawag ko, she even cancelled it.”
            “Ayaw ka niyang kausapin.”
            “No! My siopao, she can’t do this to me.”
            “She did.” Bumuntong-hininga siya. “Can’t you just open the door?”
            “Itinago niya ang spare key, my sister is really smart, but that’s not the problem. Hindi ko alam kung kumakain pa ba siya o hindi. My parents will kill me for this.”
            “Hindi kaya nag-o-over react ka lang. You said, your sister is smart she won’t starve herself.”
            “Anong hindi? She starved herself when she was sixteen because my parents wanted her to lose weight. I told her that she is perfect but she said, our parents won’t think so. She shut herself inside her room and didn’t eat for days.” Timothy is a doting brother and it’s too obvious.
            “Ito ang huling pagkakataon na tutulungan kita sa kapatid mo pagkatapos nito ay huwag na huwag kang lalapit sa akin.”
            “I promise.”
            “Why can’t you kick her door open?”
            “At magalit siya sa akin? No way! Ikaw nalang dahil okay lang na magalit siya sa iyo.” Two percent nalang ang pasensya niya sa kausap. Kapag may sinabi na naman ito ay talagang makakatikim na ito sa kanya. Alam din nitong hindi siya ang pinakamabait na tao sa mundo pero siya ang ginugulo ni Timothy.
            “Last time.”
            “Yes.”
           
            “SA WAKAS!” Natapos ni Tiarra ang mga jewelry designs na ibibigay niya sa kapatid para sa kanilang summer collection. Ilang araw din niyang tinapos iyon and so far ay super productive naman siya. Noon ay halos abutin siya ng tatlong araw para lang matapos ang isang design pero ngayon, sa isang linggo ay natapos na niya ang kanyang portfolio. I-se-send na rin niya ang mga iyon sa factory for the actual production. “What the hell?” bulalas niya sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyang gulo-gulong silid.
            Magkasalubong ang kanyang kilay nang makilala ang dalawang tao na nasa entrada ng kanyang kwarto. “Anong problema ninyo?”
            “Siopao, are you okay? Are you still alive?” hinampas niya ng makapal na portfolio ang mukha ng kapatid. “You are.”
            “What’s wrong with you people?” palipat-lipat ang tingin niya sa kapatid at kay Rexon na nakapasok na sa silid niya. “And why are you inside my room? Get out.” Mahina lang ang boses niya pero naiinis siya sa biglang pagpasok ng dalawa.
            “Nag-aalala lang ako sa iyo kaya humingi ako ng tulong.” Ani ng kapatid niya.
            “Kuya, hindi mo ba naaalala kung anong linggo ngayon?” halata sa mukha ng kapatid ang pagtataka. “Ano ba ang problema ninyo? I am doing my work.” Tumayo siya sa floor at ibinigay ang printed portfolio niya na tinanggap naman nito.
            “You are not answering my call.”
            “I texted you! At alam mong ayaw ko ng disturbo kapag may ginagawa ako. Pwede bang lumabas na kayo?” inis na taboy niya sa dalawa.
            “Siopp--.” Itinulak niya ang kapatid sa labas, nauna ng lumabas si Rexon na nagulat din sa kanyang outburst. It can’t be help, matapang siya dahil nasa loob siya ng kanyang silid. Isinara niya ang kanyang pintuan pero mas lalong nakaramdam ng inis dahil nasira na iyon. “Tiarra, I’m sorry.” She didn’t say anything and went to her bathroom to take a bath.
            Paglabas niya ay may narinig siyang ingay sa may pintuan, only to find out someone is fixing her door. Nang silipin niya iyon ay natagpuan niya si Rexon na kinukumpuni ang kanyang nasira pintuan.
            “Why are you fixing that?” she asks.
            “I kicked it.”
            “Dapat si kuya ang gumagawa niyan. Nasaan na siya?”
            “Lumabas, dinibdib ang galit mo.” Gusto sana niyang matawa sa sinabi ni Rex unfortunately ay baka ma-offend niya ito. “He didn’t mean to overreact.”
            “I know, I’m sorry. Nagulat lang talaga ako sa nangyari and besides he knew what was going on.” Paliwanag niya sa kausap.
            “Sa tingin ko ay baka akala niya ay galit ka pa rin sa kanya dahil sa ginawa niya.” She sighed.
            “You don’t have to fix my door, hintayin ko nalang si kuya na bumalik. I can fix it as well.”
            “Malapit na itong matapos, this is the last screw.” He tested the door and she thinks it’s never been as better as this. “You should apologize to your brother. He’s just worried about you.” Anito.
            “I will, thanks.” Pasimpleng tinitigan siya nito.
            “Hindi ka nagsta-stutter ngayon.”
            “Because I’m at home at kakilala na rin kita kaya hindi na ako natatakot sa iyo.” It’s true. Wala na siyang nararamdamang awkwardness sa binata, mas komportable na nga siya dito. “Is it done? Ako na ang bahalang magligpit sa mga kalat diyan. Sorry, kung naabala ka na naman ni kuya.”
            Hindi ito sumagot pero ilang sandal lang ay humarap na ito sa kanya. “Sumama ka sa akin.”
            “Huh? Saan?” takang tanong niya.
            “Hanapin natin ang kuya mo. Baka hindi na iyon umuwi.”
            “Pero lalabas na naman ako?”
            “Mas magandang masanay ka sa labas. Our neighbors are not that bad, don’t worry you don’t have to talk to them unless you really want to.”
            See. Iyon ang dahilan kung bakit komportable siya kay Rexon. He is not forcing her to do things she isn’t comfortable to do. Para itong daddy sa anak niya, inaalalayan hanggang sa masanay. Sana ay ganoon ang kuya niya, naalala niyang sinabi ni Marquis na apat ang silang magkakapatid. Panganay si Rexon at may dalawang babae na sumunod tapos bunso si Marquis. Kaya siguro alam ni Rex kung paano siya dalhin.
            “O-okay pero hindi ka ba maaabala? I know you are busy.”
            “I won’t ask you to go out if I’m busy.” Inilahad nito ang palad nito para hawakan niya. She gladly accepts it. Palihim din siyang napangiti ng makita ang bracelet na iba-iba ang kulay at hugis na suot pa rin nito. Hindi iyon bagay sa lalaki pero nakakatuwang suot pa rin nito iyon.
           
            NATIGILAN si Tiarra sa paglalakad at bahagyang napatago sa likod ni Rexon nang may mga lalaking lumapit sa kanya. Napadaan sila sa may clubhouse at tamang-tama na kalalabas lang ng mga naglalaro ng basketball at nakita sila ng mga ito.
            “Hey, Rex.” Bati ng mga ito. Napasilip siya sa mga lalaki na nakalapit na sa kanila. Wala yatang pangit sa village na iyon. Kahit ang mga ito ay pawing may mga hitsura. “Sino iyang kasama mo?”
            “No one.” Malamig na sagot ni Rex. Nagkatinginan ang mga ito at pilit siyang sinisilip. “Timothy’s sister so she’s off limits, back off.” Dugtong nito. Napangisi ang mga lalaki na para bang may naiintindihan na hindi niya maintindiha.
            “Maganda pala ang kapatid ni Tim, bakit kasama mo?”
            “We are busy.” Bumaling sa kanya si Rex. “Huwag mo silang tingnan, masakit sila sa mga mata and they are not good for your health.”
            “Panirang puri na iyan Rexon. We are good for the eyes Ms.---.” Hindi siya sumagot at ganoon din si Rexon.
            “You don’t have to know. Go away.” Taboy ni Rex sa mga kausap nito. Natatawang nagsi-alisan na rin ang mga lalaki.
            “Hindi mo ba sila kaibigan?” she asks.
            “Sort off.”
            “Hindi ba sila magagalit sa iyo dahil tinaboy mo sila?”        
            “They won’t. Don’t worry about it at hindi ko na alam kung saan hahanapin ang kapatid mo. Do you want to eat and rest first?”
            Kumibot ang kanyang mga labi. “Bakit mo ba ako palaging pinapakain?”
            “Because it’s three in the afternoon and based from your brother’s rant this morning, you haven’t eaten anything yet.” Inaalala niya ang huling kain niya. She was awake until five in the morning, kumain siya kaninang mga alas tres ng madaling araw. Hindi nakita iyon ng kuya dahil tulog na ito. She’s a nocturnal being.
            “I ate twelve hours ago, I think?”
            Kumunot ang noo nito. “At hindi ka ba nagugutom?” mukhang hindi nito nagustuhan ang kanyang sagot. “Let’s eat.” Hinila siya nito hanggang sa makarating siya sa isang restaurant sa hindi kalayuan. Wild Thyme. Iyon ang pangalan ng restaurant na iyon. “Here.” Nauna ito sa kanya at pagsilip niya ay medyo marami na ang kumakain doon at posibleng makita siya ng mga costumers. Bumangga siya dito dahil sa biglaang paghinto ng kasama. “Stay beside me.” He pulled her closer to his side. “Chin up, there’s nothing to be afraid here.”
            Hinawakan nito ang kanyang baba at itinaas iyon hanggang sa magsalubong ang kanilang mga mata. Ayon na naman ang malakas na tibok ng kanyang puso sa tuwing magkakasalubong ang kanilang mga mata. The beat doesn’t hurt but it makes her insides warm and happy. He is really kind.
            “Hey, lovers—opps, sorry.” Maagap na nahawakan siya ni Rex nang may sumagi sa kanya. “Oh my, Rexon may kasama kang babae? Lalaki ka pala talaga akala namin ay hindi.”
            “Do you want me to burn this restaurant, Bless?”
            “That you can’t do.” May isa na namang boses ang biglang sumingit at hinalikan ang babaeng kadarating lang. “Babe, don’t call Rexon gay infront of his girlfriend—what the hell! Kamukha mo si Timothy.” Bulalas ng lalaking nakasuot ng chef uniform. “Not really per may hawig talaga kayo.”
            “Oh my goodness.” Tiningnan siya ng babae tapos ay itinaas ang mga daliri nito. Agad niyang nakita ang pamilyar na singsing na suot nito. “You—you design my engagement ring. Timothy said his little sister design this one for Roue.” Turo nito sa kasama nito. Hinawakan ng babae ang kanyang mga kamay at hinila siya palayo kay Rex. “I love the ring’s design, thank you so much for making it.”
            “Ahm, Bless. I bought it.” Singit ni Roue pero mukhang walang narinig ang fiancée nito. Napabuntong-hininga nalang ang lalaki.
            “You are really beautiful, what make up are you using?” napatitig siya sa babae. Maganda ito, sa totoo lang sobrang ganda nito at para itong Barbie. Nakakahiyang tumabi dito. Hinawakan nito ang kanyang pisngi. “Wala kang make-up?” umiling siya. Walang silbi sa kanya ang make-up dahil bihira siyang lumalabas ng kanyang silid. “Bakit ang ganda mo pa rin? Can you be our beauty magazine’s model? Bagay na bagay--.”
            Muli siyang hinila ni Rex. “Bless, we are really hungry.”
            “Tama, tama!  Welcome to Wild Thyme.” Hinila naman ni Roue ang nobya nito tapos ay may ibinulong. Sunod-sunod na napatango ang babae sa sinabi ng katipan nito pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya. These people are weird too and it doesn’t make her feel out of place. Medyo nakakapagod nga lang.
            Pagdating sa mesa nila ay hinila ni Rex ang upuan para sa kanya, hindi naman nito kailangang gawin iyon but still it makes her feel happy.
            “Kahit hindi halata ay masarap ang pagkain nila dito.”
            “Yeah, madalas nagdadala si kuya ng pagkain mula dito kaya nakakain din ako.” Napansin niya ang pagtitig nito sa kanya. “Is there something wrong with my face?” alam niyang wala siyang kolorete sa mukha. Dapat ba ay naglagay siya ng kaunti kahit papaano?
            “I have two sisters and they use make-up in a daily basis.”
            “Uhm, hindi kasi ako lumalabas ng bahay kaya hindi ako nagma-make-up and besides it will not make a difference.”
            Ibinalik nito ang tingin sa menu. “You are right, it wouldn’t make a difference. You are already pretty without it.” Nanlaki ang kanyang mga mata kasabay ng pag-iinit ng kanyang pisngi sa sinabi nito. Damn this guy! Napayuko siya upang itago ang kanyang ekspresyon na kahit siya ay hindi rin maintindihan.
            Rexon became her morganite, an excellent stone that heals emotional trauma and grief to see the meaning of life. Unti-unti nitong inaalis ang mga insecurities niya sa katawan, he makes her alive again. Malaki ang utang na loob niya dito kaya kung may hihingin ito sa kanyang kahit na anumang pabor ay hindi siya mangingiming tulungan ang lalaki.
           
            ANONG nangyari?” seryoso ang boses ni Rexon habang nakatingin sa waitress nitong naka-upo sa silya at halatang nasasaktan.
            “Aksidente akong nadulas Sir Rex, hindi ko alam na basa pala ang sahig.” Ani ng babae. Mukhang may sprain ang binti nito mula sa pagkakadulas.
            “Sino ang nag-mop ng sahig?”
            “Ako kuya.” Pag-amin ni Marquis. “Iniwan ko lang sandali kasi kukuha ako ng tubig para ipagpatuloy ang pagma-mop. Pagbalik ko ay nadulas na si ate Kathy.” Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Rexon. “Sorry ate.”
            “Bakit hindi mo nilagyan ng warning sign ang sahig? This is not the first time that you’ve mopped the floor.”
            “Sorry po.” Hingi nito ng paumanhin.
            “Dapat ay hindi na uli mauulit ito at babawasan ko ang allowance mo sa loob ng dalawang linggo dahil sa nangyari.” Tumango lang ang nakababatang kapatid ni Rex dahil aminado itong may kasalanan din ito. “At ikaw Kathy hindi mo man lang tinitingnan ang dinadaanan mo? Hindi ka rin nag-iingat.”
            “Sorry po  Sir.”
            “Wala na tayong magagawa pa, masyadong busy ang shop sa susunod na mga araw and I can’t really afford to lose a staff.” Narinig niyang napabuntong-hininga si Rexon. “Since natingnan na ng doktor ang pilay mo ang mabuti pa ay umuwi ka na. Ihahatid ka ni Marquis at ni Steve sa bahay mo. At kayo ay tapusin niyo na ang mga kailangang tapusin.”
            Bumalik na sa mga trabaho ang staff ng café habang siya naman ay nakasunod lang kay Rexon. Pagkatapos nilang kumain ay tinawagan ito ni Marquis kaya nagmamadali itong bumalik ng café at kasama pa rin siya.
            “Rexon.” Tawag niya dito.
            “Hmnn?”
            “If you need a part time waitress, pw-pwede akong tumulong.” Gulat na napabaling ito sa kanya na tila ba hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Kahit siya ay hindi rin makapaniwala sa kanyang nasabi, para bang may pwersang nagtutulak sa kanya na gawin iyon.
            “Timothy will kill me if I hire you.”
            Umiling siya. “Let’s just put it this way, gusto ni kuya na lumabas ako ng bahay right?”
            “Yes pero hindi para maging waitress sa café.”
            Muli siyang umiling. “Working here might help me overcome my fear towards people.” Mabilis niyang nasabi dito. “I admit, nahihirapan ako na makipag-usap sa ibang tao. So far kayong dalawa pa lang ni kuya ang nakakausap ko ng ganito kahaba. Not even my parents can force me to do it.” Humugot siya ng malalim na hininga. “Sa—sa tingin ko kasi ay naiintindihan ko na ang kapatid ko kung bakit pinipilit niya akong lumabas. He wants to me to see the real world and for me to learn how to overcome my fear.” Hinawakan niya ito sa braso at hinuli ang mga mata ng lalaki. “Can you extend your patience and help me with this? Don’t worry I won’t be a burden. I promise.”
            Matagal siyang tinitigan ni Rexon, nakatayo lang sila doon na magkatitigan, alam niyang ina-assess pa rin nito ang mga bagay-bagay. Hiring her is a bit risky on his part since he is running a business and she will understand if she refused. But she’s really hoping he will agree to her selfish whims.
            “Rex?” untag niya sa kausap. Napakurap ito at tumango bilang pagsang-ayon. Isang malaking ngiti sa labi ang ibinigay niya sa kausap. “Thank you.” She sincerely said.

TBC
PHOTO CTTO

<3 <3 <3
A/N: May binabasa akong journals mga babies at ngayon lang ako nagka-time, kung hindi pa ako tinawag para mag-dinner ay hindi ko pa sana bibitiwan iyong mga binabasa ko. Enjoy reading everyone!

LOVE,
INANG

2 (mga) komento:

  1. Anong ulam nyo inang.. kmi adobo ��

    ReplyDelete
  2. Thanks for sharing the post.. parents are worlds best person in each lives of individual..they need or must succeed to sustain needs of the family. Cover Pump

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang