3
– CARNELIAN
“OKAY lang
ba ang girlfriend mo?” salubong ni Yumi sa kanya. Nakaupo na sa isang mesa ang
tatlong kumausap kay Tiarra kanina. Na-fru-frustrate siya sa kapatid ni Timothy
dahil hindi niya ito makausap ng matino. Hindi niya ito magawang sigawan dahil
kapag ginawa niya iyon ay tila iiyak na ito at wala siyang balak na aluin ang
babaeng umiiyak.
“She’s
Timothy’s sister, her name is Tiarra.” Aniya.
“Hindi
nga kasi boyfriend ni Tiarra si Rexon, sa ganda niya maraming lilinyang mas
matinong lalaki.” Tumawa si Kc dahil sinamaan niya ito ng tingin. Sumasakit ang
ulo niya sa kapatid ni Timothy, he can’t handle her. Nawawalan siya ng
pasensya.
“Oh,
I remember her name. Siya ang nagdesign sa engagement ring ko.” Ipinakita ni
Yumi ang suot nitong singsing. “And Pam’s engagement ring too.”
“Tiarra
Jane Rodriguez, tama-tama. Siya din ang palaging bukang bibig ng mga kasama ko
sa office na mahilig sa jewelries. Now that I remembered, iyon nga pala ang
trabaho ni Timothy. Oh my, gusto ko rin magpadesign ng jewelry sa kanya.”
Ngumiti sa kanya si Kc. “Ilabas mo siya.”
“She’s
sleeping.” Akala niya ay hinimatay na ito. Mukhang totoo nga ang sinabi ni
Timothy na hindi sanay ang babae na makihalubilo sa mga tao. Mukhang nagulat
ito sa mga nakausap. Typical introvert attitude, but hers is a severe case.
“Sayang
naman I really like her designs, she is a genius at it at hindi ko inakala na
maganda pala talaga ang kapatid ni Tim, ang sabi kasi sa main store nila ay
hindi pa nila ito nakikita kahit isang beses.” Czarina groaned in despair.
“Kapag may boyfriend na ako sabihan niyo na sa store ni Tim bumili ng
engagement ring at dapat personalized ni Tiarra.”
“Paano
mo siya nakilala, Rex?”
“Tim.”
Sagot niya.
“Pumayag
si Tim na makita mo siya? why?” eksaheradong tanong ni Yumi. “Don’t lie, I’m pregnant.”
“I
hesitate to articulate in fear I may deviate upon the highest degree of
accuracy, excuse me. Marquis stop eavesdropping and bring Tiarra’s food inside
my office.”
“Ye-yes,
Sir!” napabuntong-hininga nalang siya at iniwan ang mga babaeng kausap. Kaya
pala nauubos ang energy ni Tiarra dahil kahit siya ay hindi kayang sabayan ang
bilis ng bibig ng mga ito.
NAPAHIKAB si Tiarra nang magising siya
sa malamig na silid na akala niya ay silid niya. Tumingin-tingin siya sa
paligid habang nagpapanic ang utak pero agad din na nagprocess, nasa isang
opisina siya kung ang pagbabasehan ay ang mga gamit doon. Pagod na pagod ang
kanyang katawan but she’s much better now kompara kanina.
“Gising
ka na?” Ah! The handsome guy who forced her to come here. Napatitig lang siya
dito dahil may kung ano sa mukha nito na hindi niya maiwasang titigan. Tama nga
siya sa kanyang assessment ng una niya itong makita. He is really handsome
despite of his grumpy personality. “What?” kumurap siya at muling nahiga sa
sofa. Mas mabuting hindi na siya magsalita sa harap nito dahil baka insultuhin
na naman siya ng lalaki.
“Ahh!”
mahina siyang napatili ng pagbukas niya ng kanyang mga mata ay sobrang lapit ng
mukha nito sa kanya.
“Stop
pretending that you are asleep and just wake up.” He said in a whispering
notion. May biglang kumalabog sa dibdib niya dahil sa lalaki. Hindi iyon takot,
para bang may biglang nabuhay sa loob ng kanyang katawan. “You haven’t eaten,
bumangon ka na diyan at kumain.” Nakahiga pa rin siya sa sofa pero nasa
magkabilang gilid niya ang dalawang braso nito. He is towering over her at
kapag bumangon siya ay mas magkakadikit ang kanilang katawan. Mas mabuting
bumangon nalang siya at ng makaalis ito pero paano kung hindi ito gumalaw?
With
all her might, she moves and pushed the guy away and immediately sits properly.
Mukhang ito man ay nagulat sa kanyang pagtulak. She doesn’t mean to be rude but
he is forcing her to do so and she wouldn’t apologize either. Hindi pa nga ito
humihingi ng tawad sa pagdala nito sa kanya ng wala siyang permiso.
“Alright,
eat.” Turo nito sa mga pagkain na nasa harap niya. Nagdugtong ang kanyang kilay
dahil sobrang dami noon. “Kung may gusto kang sabihin speak up.”
“Ang
dami at kinakain ko lang ang mga luto ko.”
“Kainin
mo lang ang kaya mong ubusin.” Kinuha nito ang kutsara at tinidor tapos ay
ibinigay sa kanya. “Huwag mo akong gawing yaya at boy niyong magkapatid. Your
brother will really pay for this.” Kapag nakita niya ang kapatid niya ay
makakatikim din ito sa kanya. Nagsimula na siyang kumain pero wala pang one-fourth
ay ibinaba na niya ang kubyertos. “Why aren’t you eating more?”
“I-
I’m full.”
“Full?
Sinong mabubusog sa apat na kutsarang subo?”
“But
that’s making me fat--.” Hinila siya nito papasok sa isang mas maliit na silid
sa kwartong iyon, a bathroom, iniharap siya nito sa malaking salamin. Napatitig
siya sa repleksyon ng dalawang tao doon. Isang gwapong lalaki at isang pamilyar
na babae.
“Titigan
mo ang sarili mo.” That’s me? “You
are not fat.” She’s not, that’s true. Kailan pa siya pumayat? Her arms are
thinner than before, she can even see her collar bones.
“But
I was.”
“You
are really frustrating, kapag mas pumayat ka pa dito pwede ka ng mamatay. You
need to eat more.”
“But
I’ll get fat again.”
“Eating
the right amount of food will not make you fat, it will make you healthy.” Muli
siyang napatitig sa sariling repleksyon. Hindi na niya maalala ang kanyang
dating hitsura kaya naninibago siya sa kanyang nakikita. Now that she
remembers, her brother buys her clothes ever since. Palagi siyang nagrereklamo
dahil palaging maluluwang ang mga damit na ibinibigay nito sa kanya hanggang sa
kumasya na iyon. Her brother is adjusting to her whims and demands.
“That’s
me?” hindi makapaniwalang tanong niya sa kanyang sarili at unti-unting umalsa
ang magkabilang sides ng kanyang mga labi. “I changed a lot.” Hinawakan niya
ang magkabilang pisngi niya. It wasn’t a fluffly as before and she really
looked different. “I looked different.” Usal niya at sa isang iglap lang ay
tila nagbago ang tingin niya sa mundo ang hindi lang siguro niya inaasahan ay
isang estranghero pa ang magpapakita sa kanya sa naging pagbabago. Inilipat
niya ang tingin mula sa kanyang repleksyon papunta kay Rexon.
“Kuya---
Ooops.” Pareho silang nagulat ni Rexon nang pumasok din sa banyo si Marquis na
mabilis din na lumabas.
“Damn.”
Mabilis siyang iniwan ni Rex at sinundan ang kapatid nito. Hindi pa rin niya
mapigilan na titigan ang kanyang sarili sa salamin. She’s admiring herself for
the first time, yes, for the first time. “Tiarra, kainin mo ang pagkain.”
Narinig niyang utos nito sa kanya. Muli siyang napangiti sa kanyang sarili.
KANINA pa siya pasilip-silip sa labas
ng opisina ni Rexon dahil gabi na at gusto na niyang umuwi. Low battery na rin
ang kanyang cellphone kaya wala na siyang mapaglibangan sa loob ng opisina
nito. Kanina pa umalis si Rexon at hindi na ito muling bumalik pa. Sinabi ni
Marquis na may pinuntahan lang ito at babalik din kaso gabi na pero wala pa rin
ito. Nagpasya siyang umuwing mag-isa, wala naman sigurong kakain sa kanya kapag
lumabas siya, right? She can’t remember her way home but she will definitely
find her way. Ang gagawin lang niya ay ang makipagpatintero sa mga tao para
hindi siya makita.
Busy
ang mga tao sa loob ng shop kaya hindi rin mapapansin ng mga ito kung umalis
man siya. Paglabas niya sa coffee shop ay parang bigla niyang gustong pumasok
muli pero paglingon niya ay nanayo ang kanyang mga balahibo sa dami ng taong
pwedeng sumalubong sa kanya.
“Kaya
mo ito Tiarra.” Hinawakan niya ang bracelet na may iba-ibang gemstone. Paborito
niya iyon dahil kahit na wala sa ayos ang mga nakahilerang bato ay nailagay
niya ang mga gemstones na gusto niya. Hinanap niya ang carnelian at hinawakan
iyon. “Give me strength.” Dinala niya sa labi at humiling. She’s really weird
putting all her trust to a stone but it somehow gives her relief knowing that
she’s not alone, she’s with her stones.
Carnelian
stone is about action and it provides a powerful boost to the wearer’s willpower,
with the physical energy and drive to back it up. She needs its power.
Iginala
ni Tiarra ang mga mata sa buong paligid, lihim siyang namagha sa ganda ng
paligid. The soft street lights lighten the dark night. Maraming mga
establishments na noon lang niya nakita, may mga grocery stores, restaurants,
convenience stores, may playground sa tabi ng isang malaking clubhouse. May mga
naliligo sa swimming pools, marami din ang naglalaro ng basketball and
volleyball.
Nagsimula
na siyang maglakad-lakad hanggang makarating sa may flowershop. Mas lalo siyang
namangha sa kanyang nakita. Maganda ang mga pictures ng Blooms Station na
naka-upload sa facebook and instagram account ng kanilang subdivision pero mas
maganda pa rin sa personal. Sa tabi ng flowershop ay may ice cream shop, kung
may dala siguro siyang pera ay baka bumili na siya but she’s already full at
wala siyang pera. Ipinagpatuloy niya ang kanyang paglalakad hanggang sa
makarating sa isang bakeshop slash cake shop. Sumilip siya mula sa labas at
nakita ang babaeng kumausap sa kanya kanina. The cakes and pastries really
looks good.
Hindi
niya alam kung ilang oras siyang palakad-lakad, hinahanap niya ang mga pamilyar
na daan na pwedeng magtuturo sa kanya kung saan ang bahay ng kanyang kapatid.
Kinuha niya ang cellphone at sinubukan iyon na i-on pero talagang dead battery
na. Wala ng pag-asa! Kung saan-saan siya nakakarating at inaamin na niya sa
sarili niya na naliligaw na siya. Pwede naman siyang huminto sa isa sa mga
establishment na kanyang madadaanan ang itanong kung saan ang daan ng kanilang
bahay.
Her
brother is the president of the village’s homeowner’s association kaya sigurado
siyang may alam kung saan ang bahay nila. She memorized their block and lot
number. Marahan siyang napabuntong-hininga dahil mukhang hindi sapat ang
carnelian pangpaboost ng energy.
“Pet
shop.” Kulang nalang ay lundagin niya ang isang pet store na kanyang nadaanan.
Gawa sa salamin ang labas ng shop kaya nakikita niya ang mga naka-display na
mga animals doon. Napangiti siya habang tinitingnan ang mga ito, may mga pusa at
aso. Gustong-gusto niyang mag-alaga ng aso, she loves dogs kaya lang ay
nahihiya siyang sabihin sa kapatid niya na bilhan siya nito o kaya naman ay
utusan itong bilhan siya with her own money.
“Hello.”
Isang cute na cute na white maltese puppy ang nakakuha ng kanyang pansin. Idinikit
ng aso ang paw nito sa salamin at idinikit naman niya ang hintuturo dito.
Nagbark ito na para bang tinatawag siya nito. “Hi.” Gustong-gusto niya itong
kargahin at halikan. Paikot-ikot na naglilikot ang aso sa cage nito na tila ba
nakikipaglaro sa kanya. “Huh!” nagulat nalang siya ng may biglang humawak sa
braso at natagpuan niya si Rexon. Pinagpapawisan ito na tila ba tumakbo ng
ilang milya.
“You—you!”
naghahabol ito ng hininga. Nakaramdam siya ng pag-aalala dito dahil mukhang
aatakehin na ito.
“A-are
you okay?”
“Bakit
ka ba umaalis ng hindi nagpapaalam?!” galit na tanong nito sa kanya, actually,
sinisigawan na siya nito. “Paano kung may masamang nangyari sa iyo kung hindi
kita naabutan?” pulang-pula ang mukha ng lalaki pero sa halip na ma-offend ay
may mainit na bagay na humaplos sa kanyang puso. He really looks so worried.
“So-sorry.
A-akala ko kasi ay matatagalan ka pa kaya umalis na ako dahil gabi na rin.”
That’s the longest sentence she had said so far. “Sorry.” Hingi uli niya ng
paumanhin dito.
“You
crazy woman.” Hinawakan nito ang magkabilang braso niya at mahina siyang
niyugyog. “Don’t do it again or your brother will kill me.” Ahh, now she
understands why she feels comfortable when she is with him. Para itong kuya
niya, another version ng kanyang Kuya Timothy.
Ang
kapatid kasi niya ay sinusunod ang lahat ng gusto niya but this guy, pero si
Rexon ay pinipilit siyang gawin ang mga bagay na hindi kayang ipilit ni
Timothy.
“He-he
won’t.” natigilan ito ng ngumiti siya dito. “He won’t kill you, I’ll kill him
first.” Habang naglalakad ay nag-iisip na rin siya ng paraan para makaganti sa
kuya niya. “A-are you still mad? If not, can you bring me home?”
bumuntong-hininga ito.
“Let’s
go.” Hinawakan siya nito sa palad at hinila sa main road. “I am going to get my
car--.” Hinila niya ito.
“Pw-pwede
bang ituro mo sa akin ang daan from here to my house?” gusto niyang bumalik sa
pet store para bilhin ang asong iyon. Lumingon siya at tinitigan ang tuta na
nakatingin din sa kanya. “Is it walking distance?” tumango ito. “Thank you.”
Tahimik
na naglakad ito habang hawak pa rin ang palad niya. Rexon’s warmth makes her
relax, mas relaxing pa nga keysa kay Timothy. Laking pagtataka niya ng mabilis
silang nakarating sa may area nila, sa phase nila! Kung kanina ay tila inikot
na niya ang universe at hindi pa rin matagpuan ang kanilang street pero ilang
turns lang ay nandoon na sila sa may area nila.
Itinuro
niya ang pamilyar na bahay, kahit na magkapareho ang designs ng mga bahay doon
ay mabilis niyang naalala ang sa kanila. Well, ilang taon din siyang nakatira
doon kaya siguro ganoon. “My house.” Maliwanag ang loob ng bahay kaya alam
niyang nasa loob lang ang kanyang kapatid. Nang nasa tapat na sila ay binitiwan
na ni Rexon ang kanyang palad. Gusto sana niyang magreklamo pero wala ng
dahilan para hawakan siya nito. Tiningnan lang siya ng lalaki at tumango bilang
pamamaalam.
“Rexon.”
Mahinang tawag niya dito. Lumapit siya dito at kinuha ang kaliwang kamay at
isinuot ang bracelet na gawa niya dito. It looks weird on him. “Th-thank you.”
Bumukas ang pintuan.
“There
you are—awwww.” Nasapo ng kapatid ang tiyan nito dahil mabilis niya itong
nilapitan at sinapa doon. “Siopao--- I’m…” tinaasan lang niya ito ng kilay at
pumasok na sa bahay. Iniwan niya ang dalawa sa labas at bahala na si Rexon sa
kapatid kung gusto man nitong suntukin ito sa pang-aabalang ginawa nito sa
kanya.
Napatitig
siya sa kanyang palad na hawak nito kanina at napangiti. “Well, Tiara. Today is
quite an adventure.” Usal niya sa kanyang sarili dahil hindi rin niya alam kung
kailan uli siya makakalabas ng kanyang mahiwagang kweba. Sa tagal ng panahon na
nasa loob lang siya ng kwarto at bihira lang gawin ang paglalakad ay
na-appreciate niya ang paglalakad sa labas kanina. Nakakapagod ang makipag-usap
sa mga totoong tao pero hindi naman siya sobrang natakot, na-overwhelm lang
siya dahil nga hindi siya sanay.
Mag-iipon
siya ng maraming lakas ng loob at energy para lumabas muli, gusto niyang gawin
uli iyon ng mag-isa. Napangiti uli siya at naisip na pasalamatan ang kapatid
dahil sa pagpilit nito sa kanya.
Siguro
gusto niyang lumabas kaya lang ay natatakot siya sa mga taong manghuhusga sa
kanya at kung ano ang masabi nila sa kanyang pamilya. She’s just too scared and
it affected her self-esteem but so far ay walang ganoon na nangyari sa kanya.
Ang lahat ng taong nakasalamuha niya ngayon ay mababait at kinausap siya ng
matino.
“Nag-o-overthink
lang ba ako?” mahinang tanong niya sa kanyang sarili. “Should I change?”
Napahikab
siya habang nag-iisip. “I’ll think about it.”
TBC
PHOTO CTTO
<3 <3 <3
A/N: Today is a mix emotion day for me, I walk so far just to get some chocolates. Literally, WALKED FAR!
LOVE,
INANG
Same tayo inang.. fave ko din ang sweets and chocolates. Yung crunchie na cadbury is the best ������
ReplyDelete