Monday, April 13, 2020

Black Magic 7 - Spark : 2 - BLUE LACE AGATE



2 – BLUE LACE AGATE
            “KUYA.” Tawag niya sa kapatid pagkatapos kumatok ng ilang beses. Dapat ay kanina pa ito gising gaya ng nakasanayan niya pero kahit ilang katok na ang kanyang gawin ay hindi siya nito sinasagot. Nagmissed call na rin siya pero wala pa rin kaya nag-aalala na siya dito. “Kuya, buhay ka pa ba?” she opened the door.
            Narinig niya ang malakas na pag-ubo ng kanyang kapatid. “Are you ill?”
            “Huwag kang pumasok baka mahawaan ka.” Mahinang utos nito sa kanya. May sakit nga ang kanyang kapatid.
            “What happened?” nag-aalalang tanong niya kahit na hindi niya ito nakikita ng maayos. “Do you need help?”
            “Nahihirapan akong huminga at mataas ang lagnat ko.” Mas lalong tumindi ang pag-aalala niya dahil sa sinabi nito.
            “Tatawag na ba ako ng ambulansya?”
            “Nooo. Pakikuha lang ng mga gamut.” Sinunod niya ito pero ng mahanap niya ang medicine kit ay walang laman iyon.
            “It is empty.” Mas lalong lumakas ang pag-ubo nito na para bang matatanggal na ang mga baga mula sa katawan ng kapatid.
            “I can see the light…”
            “Huwag ka ngang magbiro ng ganyan, papasok na ako.”
            “Baka mahawa ka.” Hindi na siya nakinig dito dahil mas nag-aalala siya sa kalagayan ng kanyang kapatid. Nang makita siya nito ay magkadugtong ang kilay nito. “Who—who are you?” mukhang naghahallucinate na ang kapatid niya dahil hindi na siya nito nakikilala.
            “You need to go to the hospital.” He looks horrible. Maitim ang ilalim ng mga mata ng kapatid mukhang matagal na nitong iniinda ang kung anong nararamdaman nito. “I need to call the hospital.”
            Umiling ito. “I can’t, it’s embarrassing.”
            Kumunot ang kanyang noo. “Kahihiyan pa ang nasa isip mo samantalang mamamatay ka naman.”
            “Call Rexon.” Utos nito sa kanya.
            “Who?”
            “Rexon, my friend.”
            “Bakit?”
            “I need to talk to him but I can’t move.” Nakita niya ang cellphone na nasa tabi lang ng kama ng kapatid. Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang bawat utos ng kasama or else baka siya ang sisisihin ng mga tao sa pagkamatay nito. “Call him.”
            “Fi-file name.”
            “Just his name.” mabilis niyang natagpuan ang pangalan at number ng taong gusto nitong tawagan niya. She pressed the call button but was greeted by a phone operator. “Naputol ang linya ko, I forgot to pay it on time. Ang dami kasing trabaho lately. Can you use your phone to call him?”
            “No!” Iilang tao lang ang may alam ng kanyang cellphone number, maliban sa mga online shopping apps at delivery personnel. Malakas na umubo ang kanyang kapatid sa palagay niya ay susuka na ito ng dugo kapag hindi na naagapan pa. “Si-sige na.” kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang number na iyon. Hindi siya sanay na makipag-usap sa ibang tao, hinanap niya ang blue lace agate sa suot niyang bracelet para humingi ng saklolo. Ang meaning kasi ng batong iyon ay nakakapagpadagdag daw iyon sa confident ng isang tao na nahihirapang makipag-usap at magrelay ng message sa iba. Sana ay makatulong iyon sa kanya. After a few rings ay may sumagot na.
            “Who is this?” bigla siyang naging uneasy at ida-drop call sana iyon pero muling umubo ng malakas ang kapatid.
            “He-hello.” Kailangan niyang lakasan ang loob niya para sa kaligtasan ng kapatid niya. “I’m, I’m Timothy’s si.. sister.” Kahit na putol-putol ang kanyang pagsasalita ay nagawa rin niya sa wakas. “He wants to me to… to call you. He – he is dying.” Ibinigay niya sa kapatid ang cellphone niya at kahit na nanghihina ay kinuha nito iyon.
            “Rexon, can you help me here. I think I’m dying, I can hardly breathe and running with fever.” Nanghihinang tumingin ito sa kanya. “No, she won’t hide again.” Nabitawan nito ang cellphone kaya kinuha niya iyon. “Ca-can you stay with me for a while, Tiarra?” kapag tinatawag siya nito sa kanyang tunay na pangalan ay seryoso ang kanyang kapatid.
            “Pero darating na ang friend mo.”
            “Ayaw sana niyang pumunta at hahayaan na sana akong mamatay dahil baka magtago ka naman daw sa kanya.”
            Nagdugtong ang kanyang kilay. Magtago? Ang may-ari ng boses na gumulat sa kanya sa kusina ay ang taong tinawagan niya?
            “But he’ll see me, baka—baka--.” Umubo ng sobrang lakas si Timothy kaya mas lalo siyang nataranta. “I’ll stay.” Mahinang ngumiti ito sa kanya at pumikit. “No, don’t sleep.” May nababasa siyang kwento sa mga novels na kapag pumikit ang mga may sakit lalo na kapag nahihirapang huminga ay baka hindi na magising pa. “Don’t close your eyes you might die.”
            “Sio—Siopao.” Kahit nahihirapan na ay nagawa pa rin siya nitong tawagin sa nickname nito sa kanya. “I can’t believe you grow this much.” Napakagat siya ng labi para hindi angilan ang kapatid. Alam niyang lumalaki siya dahil masarap talaga ang kumain pero kahit man lang sana sa bingit ng kamatayan nito ay hindi na nito e-emphasize iyon.
            Pareho nilang narinig ang paghinto ng sasakyan sa ibaba at kahit na gustong-gusto na niyang tumakbo at magtago by instinct ay pinigilan niya para sa kanyang kapatid. After today, kapag magaling na si Timothy ay pwede na siyang bumalik sa kanyang dating buhay. She felt uneasy as she heard the footsteps outside the room and it makes her heart’s beat uncontrollably fast. Gusto niyang magtago, gusto niyang maging invisible sa mga oras na iyon.
            “Timothy, what happened---.” Wala siyang nagawa nang kusang gumalaw ang kanyang mukha at tingnan ang bagong dating. It was the voice, the same person who called her creepy. Napatitig ito sa kanya na para bang nagulat din ng makita siya. Para itong heroes sa mga novels na nababasa niya, he’s fairly goodlooking, he’s tall like her brother. Akala niya ay ang kapatid lang niya ang gwapo sa mundo at iyong iba ay nasa loob na lang ng TV screen pero mali siya. He’s really good looking. “to you?”
            “I’m close to dying.” Nakatingin pa rin ito sa kanya habang naglalakad palapit sa kapatid. Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng lalaki at doon lang niya napagtantong medyo matagal pala silang nagkatitigan. Baka sa loob-loob nito ay gusto siya nitong pagtawanan at iniisip din kung magkapatid ba sila ng nakahiga sa kama dahil hindi sila magkamukha. Napalunok siya at mabilis na nag-iwas ng tingin, sinadya niyang itakip ang mahabang buhok para hindi na siya nito makita. “She’s my sister.” She just bowed, low enough for him not to see her. Nakayuko lang siya at unti-unting dumistansya.
            “What do you want me to do now?” tanong ng lalaki na bagong dating.
            “Br-bring him to the hospital.” Singit niya. Bumaling sa kanya si Rexon na magkadugtong ang kilay. He looks intimidating, parang kabaligtaran ito ng kapatid na palabiro. He’s the serious and intimidating type.
            “Your brother is not sick.” Hinila nito ang kumot at hinampas ng unan ang kapatid niya. “Look!”
            “Aww! Teyka lang!” mabilis na nakatayo ang kapatid niya para makaiwas sa paghampas ni Rexon sa kanyang kapatid. Napaawang ang kanyang mga labi habang nakatitig sa kuya niya. He’s not sick? “Siopao, magpapaliwanag ako.” Nag-isang linya ang kanyang mga labi habang nakatitig sa kapatid. She’s never been mad at her brother for fooling her like this. Mabilis niyang tinalikuran ang mga ito. “Sandali lang--.” Nasa labas na siya ng silid nito nang may humawak sa kanya.
            “Come with me.”
            “No!” hinila niya ang sarili mula sa lalaking nakahila sa kanya. “Hindi kita kilala and I don’t want to go out.”
            “Just come with me in silence.” Is this kidnapping? Napahawak siya sa pintuan ng kapatid nang sa tingin niya ay ayaw niya nitong bitiwan. “Ayaw mong kausapin ang kapatid mo at alam mong hindi ka niya titigilan.” Nakita niyang inaayos ng kuya ang mga nahulog na unan at kumot sa kama nito at bago pa man siya makapagdesisyon ay nabuhat na siya ni Rexon.
            “Put me down.”
            Nasa kalagitnaan sila ng hagdanan ng titigan siya ni Rexon. There’s an obvious irritation on his eyes. “I need you to get out the house or else your brother won’t stop bothering me.” Pati boses nito ay halatang inis na inis na. Maingat na idineposito siya sa passenger’s seat. “Don’t move unless I said so.” Naikuyom niya ang kanyang kamao habang nag-iisip kung paano makakabalik sa kanyang silid. “Don’t even think about it.” At isinarado ang pintuan ng kotse. Habang papunta ito sa driver’s seat ay kinuha niya ang chance na iyon para buksan ang kotse at mabilis na tumakbo papunta sa loob ng bahay. Unfortunately, when she opened the door ay locked na iyon.
            “Mamasyal ka muna Siopao, enjoy the day.” Boses iyon ng kapatid na nasa loob ng bahay. Inis na sinipa niya ang pintuan at gusto sana niyang magsisigaw sa inis but of course hindi niya magawa dahil ayaw niya ng gulo.
            “Stand up.” Sinamaan niya ng tingin si Rexon na nakalapit na uli sa kanya. “Sumama ka sa akin ng tahimik.” Mahina siyang bumuntong-hininga at sumunod dito. Naghihintay sa nakabukas na passenger’s seat pero sa halip na umupo doon ay sa backseat siya pumasok. Nagkibit-balikat siya at yumuko dahil sumasakit ang kanyang ulo. Una ay dahil sa sobrang liwanag at sumasakit ang kanyang mga mata, pangalawa ay nakaka-drain ng energy ang pakikipag-usap sa kapatid at sa bagong taong ito. Mukhang hindi kaya ng anumang gemstones na alam niya ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

            NATAGPUAN niya ang sarili sa isang coffee shop na sa tingin niya ay nasa loob lang ng subdivision. Kapag umaalis siya sa gabi ay hindi niya nadadaanan ang lugar na iyon dahil sa likod siya kadalasang dumadaan. Pinaupo siya nito sa mesa malapit sa counter, may frappe at kung anu-anong cake sa harapan niya. Pumasok lang ito sa may silid at lumabas din na may dalang laptop at umupo sa upuan na nasa kanyang harapan.
            “May gusto ka pang kainin?” mabilis siyang umiling. “Bakit hindi mo nagagalaw iyang mga nasa harapan mo?”
            “You are making me fat.” Mahinang sabi niya.
            “Fat? Does it matter? Ubusin mo iyan or hindi kita ibabalik sa bahay ninyo.” Kumibot ang kanyang mga labi at kinuha ang tinidor para simulan ng kainin ang mga cakes na nasa harap niya. She loves cakes and sweets unfortunately ay nakakataba ang mga iyon at baka mas lalo siyang tumaba.
            “Kuya Rex may darating na delivery mamaya ng mga coffee beans.” Lumapit sa kanila ang isang binatilyo na may hawig kay Rexon. Napatingin ito sa kanya. “Kailan ka pa nagka-girlfriend?”
            “I’m… I’m n-n--.”
            “Kanina lang.” he dismissed his brother as she stared at him with confusion. “Don’t ask, hindi ka titigilan ni Marquis kapag hindi ko siya sinagot ang tanong niya.”
            “You co-could have sa-said no.” itinigil nito ang pagtipa at inis na bumaling sa kanya.
            “Hindi mo ba kayang magsalita ng tuwid? You are already twenty-eight and you can’t even talk straight. Kaya pala kami ang ginugulo ng kuya mo na hilahin ka sa bahay ninyo.”
            Dapat kasi ay hindi na siya nagsalita pa, kung bakit pa kasi sinasagot pa niya ito ayan tuloy nadamay na naman ang kanyang kapatid. Yumuko siya at sinimulan ng kainin ang mga nasa harap niya. She shouldn’t speak, her lips should be sealed. The cake tastes bland, maybe because she doesn’t feel good. Matagal-tagal na rin noong huling may kasama siyang kumain, ayaw niyang may nakakakita sa kanya na kumakain dahil pakiramdam niya ay binibilang ng mga kasama niya ang bawat subo at kapag nasobrahan ay sasabihan siya na sobrang dami at ang lakas niyang kumain kaya hindi siya pumapayat.
            Malakas na hinampas ni Rexon ang mesa nila kaya napapitlag siya at nahulog ang bitbit niyang tinidor. Mas lalo siyang napayuko dahil ayaw niyang makita ang galit o anumang ekspresyon sa mukha nito.
            “You are hopeless.” Narinig niyang sabi nito. “Marquis!” tawag nito sa kapatid nito. “Bring me another fork.”
            “Opo.” Kinuha nito ang nahulog na tinidor. “Here.”
            “Aalis ako saglit, umupo ka dito.”
            “Ang customers--.”
            “Maraming waiters and waitress, umupo ka muna. Malapit ng maubos ang pasensya ko.” She bit her trembling lips. Gusto sana niya itong sagutin na kung hindi siya nito hinila palabas ng bahay nila ay hindi sana mauubos ang pasensya nito. Narinig niya ang paglayo ng mga yabag nito sa kanilang mesa.
            “Ate, pasensya ka na pala kay kuya. Mainitin talaga ang ulo niya kahit kanino pero mabait naman iyon, kuripot nga lang.” tumango lang siya at hindi na nagsalita. “Masarap ang mga cakes namin dito, gawa ng bakeshop ni ate Yumi.” Masiglang-masigla ang boses ng binatilyo na walang pakialam kung sobrang depressing ang aura niya. “Masarap din ang coffee namin, gusto mo ba ng ibang drinks?” umiling siya dahil hindi na rin naman niya makakain iyon.
            “Hey, Marquis baby. Where’s your masungit na kuya?”
            “Speaking of the devil—arayy!”
            “Sinong devil?  Sa ganda kong ito gagawin mo akong demonyo. Isusumbong kita kay Howard para ibagsak ka niya sa subject mo sa kanya.”
            “Ipinapakilala lang naman kita ate Yumi sa girlfriend ni kuya. Sinabi kong masarap ang cake namin dahil sa iyo kami nag-oorder.” Reklamo ni Marquis.
            “May girlfriend si Rexon? Really? May nakakatiis sa sama ng ugali ng kuya mo.”
            “Sinong may girlfriend? Ang kuya mo?” may isang hindi pamilyar na boses ang sumingit.
            “Let me see.” And another one. Pakiramdam niya ay nahihilo siya sa dami ng tao na nakapaligid siya kanya. Na-su-suffocate siya at ang lakas ng tibok ng kanyang dibdib dahil sa kaba. “Oh, Hi. I’m Czarina.” The last girl offered her hand for a handshake. Kahit nanginginig siya sa kaba ay tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.
            “I’m Yumi, huwag kang mag-alala married na ako kaya hindi ko aagawin si Rexon. He is safe with me.” Nakipagkamay din siya dito.
            “I’m Kc and single, yes type ko ang boyfriend mo but since he is taken ay hindi ko na siya pagnanasahan.”
            “Hi-hindi ko bo-boyfriend si Rexon.” Mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ng mga ito.
            “Uy, kamukha mo si Timothy. Kapatid ka ba niya?” isang maiksing tango lang ang ibinigay niya sa mga ito. “Ang ganda ng skin mo, anong lotion mo?”
            “May babaeng version nga si Timothy. Wow, you are really pretty.” Halos hindi na niya marinig ang boses ng nagsalita dahil bino-block ng mga ito ang hangin sa paligid. Mas malakas pa ang tibok ng puso niya keysa sa mga boses nito.
            “Excuse me, mag-uusap muna kami.” Naramdaman niyang may mahinang humila sa kanya kaya napilitan siyang tumayo. Maingat na inalalayan siya nito sa beywang at muntik na nga siyang mapaupo uli dahil pati ang mga binti niya ay nanghihina na rin. “Walk properly o iiwan kita dito.”
            Kahit na nahihirapan ay pinilit niyang ayusin ang kanyang lakad basta malayo lang siya sa mga babaeng hindi niya kayang tapatan ang energy. Pumasok sila sa isang silid at maingat na pinaupo siya sa sofa. Pagkaupo niya ay napapikit siya, may naririnig siyang ingay na tila tumatawag sa kanya pero wala na siyang energy para sagutin pa iyon.

TBC
PHOTO CTTO

<3 <3 <3
A/N: How is it possible? While taking a break I decided to re-arrange my room, literally, naglinis ako ng kwarto at nagpalit ng bed sheets and comforter. And then when I'm done, I realized something. I painted my room half-white and half-blue. My bed sheets, pillow case, blanket, almost all my things are blue. But blue is not my favorite color! Pati mga gifts na narereceived ko most of them ay blue. Wala lang nag-iisip lang ako kung bakit na-attached na sa akin ang kulay na iyon kahit alam naman nila na iba ang kulay na gusto ko. Hanggang dito nalang muna dahil bangag pa ako sa kalilinis. And now trapped with some Sonia Francesca pocketbooks, the urge of re-reading it is so high so I am going to cave in. 
Chow babies! Happy reading!

LOVE,
INANG 

2 (mga) komento:

  1. Wahhhy! Gusto ko rin mga stories ni Sonia!!! ❤️❤️❤️

    ReplyDelete
  2. Inang nkabasa ka ba ng stallion series? Ala lang ��

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang