Sunday, April 12, 2020

Black Magic 7 - Spark : 1 - APATITE


1 – APATITE
            IBINABA ni Rexon ang dalang cellphone at tinapos ang pag-aasikaso sa kanyang mga stocks nang marinig ang malakas na buntong-hininga ng kapitbahay na si Timothy. Ito rin ang presidente ng kanilang homeowner's association kaya kahit na gusto niya itong palayasin sa kanyang opisina ay hindi niya magawa. Malaki kasi ang sinisingil nito kapag hindi sila nakakarating sa mga meeting nila.
            "Anong problema mo?" Tanong niya dito. "Oh, wait. Maliban sa pera namin ano pa ang pinagdaraanan ng isang Timothy June Rodriguez?"
            "My sister." Siyempre ay nagulat siya sa seryosong sagot nito. Base sa kanyang obserbasyon ay mukhang malaki nga ang dinadala nitong problema.
            "What happened to your sister? Nabuntis? Nagtanan?" Hindi interesadong tanong niya habang tinatapos ang kanyang ginagawa.
            "Mabuti sana kung iyan ang problema magpapaparty kami ng buong angkan namin kapag nangyari iyan."
            Nagdugtong ang kanyang mga kilay sa sinabi nito. "Bakit nga? Tomboy ba? Tanggapin niyo kung ano siya--."
            "No! She's not a lesbian at kahit na maging ganoon siya ay walang problema sa amin. Mas magiging masaya pa kami."
            Malakas siyang napabuntong-hininga. "Kung hindi mo sasabihin ang rason mas mabuti pang lumayas ka sa opisina ko. Ginawa mo pa akong manghuhula." Taboy niya sa kausap.
            "Ayaw niyang lumabas ng bahay at palaging nagkukulong sa kwarto." Reklamo nito.
            "And? What's the problem?"
            "The last time she went outside my house was when we transferred here. Let me rephrase that, lumalabas pala siya pero kapag gabi at tulog na ang mga tao. Wala akong ideya kung saan siya nagpupunta after two-- three hours ay balik na agad siya sa bahay. Kapag kinakatok ko sa kwarto ay nagagalit, lumalabas lang siya kapag nagluluto. Isusumpa na ako ng mga magulang namin kapag hindi naging normal na babae ang kapatid ko."
            Gusto niyang matawa sa naging reklamo nito. Akala pa naman niya ay end of the earth na ang pinoproblema nito.
            "Wala namang problema kung mas gusto ng kapatid mo na sa bahay mag-stay. Kapag nasa bahay lang siya ay wala kang po-problemahin, she's safe and you don't even have to spend a lot."
            Umiling ito. "Money is not a problem because she has a job. She's a jewelry designer and earning her own finances. Ang sabi lang niya ay mabubuhay siya kahit hindi lumalabas ng bahay. I can't believe that."
            "Give her time."
            "Anong time? She's twenty-seven for pete's sake and she's been like that since she was fifteen."
            Nagsalubong ang kanyang kilay. "Hindi ba siya nag-aaral?"
            "School-bahay lang iterinary niya dati." Muli itong napabuntong-hininga. "I can't even remember her face." Tinawanan niya ang sinabi nito. “Look at her, ito ang huling picture niya na meron kami. She was fifteen then and take note, hindi siya nagdebut at kahit na noong graduation niya ay hindi niya ipinakita sa amin ang kanyang graduation picture.” May mga kapatid siya ang iba ay nag-aaral pa nga pero hindi siya nagkaroon ng ganitong klaseng problema. Ibinigay sa kanya ni Timothy ang picture ng kapatid nito. A chubby yet cute teenager, kamukha nito si Timothy pero mas softer ang features ng nasa picture.
            “She looks like you.” Aniya.
            “I know. And ayokong mahaluan ng weird ang magandang lahi namin, gusto kong makitang normal ang kapatid ko. Kailangan niyang makapag-asawa agad, sa lalong madaling panahon.” Naiintindihan na niya ang hinaing ng kausap. May palagay siyang binubulabog na naman ito ng mga magulang nito na mag-asawa and the only way for his parents to stop is when the other child will get hitch.
            “Mabuti pa ay maghanap ka na ng mapapangasawa at ng hindi ka na ginugulo ng mga magulang mo.” Suhestiyon niya.
            “And ruined my perfect bachelorhood? No way, mas mabuti ng i-sacrifice ko ang kapatid ko.” Binato niya ito ng eraser dahil sa selfish reason nito.
            “At bakit ako ang kinakausap mo tungkol diyan, I can’t help you with that.” Napaatras siya nang lapitan siya nito. “You are freaking me out.” Reklamo niya dahil susuntukin na niya ito ng wala sa oras.
            “You can help me.”
            “Humingi ka ng tulong sa mga kapitbahay natin.”
            “Kapitbahay kita.”
            Mabilis siyang umiling at binuksan ang laptop dahil tatapusin na rin niya ang kanyang inventory. “Huwag mo akong guluhin.”
            “Ikaw lang ang matinong lalaking kapitbahay natin na hindi magte-take advantage sa kapatid ko. At ikaw lang din ang kilalang kapitbahay ko na hindi magkakagusto sa mga weirdo, gusto ko lang na tulungan mo akong bumalik siya sa normal.”
            “She is normal. Iba-iba tayo ng standard ng normal, at para sa kapatid mo iyon ang normal.”
            “Kahit masinagan lang siya ng araw. Kapag pumayag ka ay kahit hindi ka dumalo sa meeting ay hindi na kita i-pe-penalty.”
            “Timothy--.”
            “Three meetings.”
            “No!” he hissed.
            “Five?”
            Suntukin nalang kaya niya ito at ng mahimasmasan na si Timothy sa kung anu-anong iniisip nito. Walang lalaki sa saktong pag-iisip na papayag sa gustong mangyari ng kapitbahay. He’s just purely creepy.

            NAGTAKA si Tiarra ng sandaling bumukas ang pintuan ng kanyang silid at kasalukuyan siyang nanonood ng conjuring sa kanyang malaking flat screen television. Hindi pa nga siya nakakalingon ay mabilis din iyong naisarado at malalaking mga hakbang palayo ang sumunod. Nagkibit-balikat nalang siya at ipinagpatuloy ang panonood sa horror movie na ilang beses na rin niyang pinapanood.
            Sa madilim na paligid ay kinapa niya ang kanyang suklay, sanay na ang kanyang mga mata sa dilim kaya kahit na walang ilaw ay hindi siya naaksidente.
            “Saan na ba iyon? Ah, here.” Kinuha niya ang suklay at sinuklay ang basa pang buhok. Hanggang beywang na ang haba ng kanyang kulot-kulot na buhok, kaka-shower lang niya kaya hindi siya agad nagsuklay. Kailangan niyang ayusin ang buhok dahil sasabog iyon kapag natuyo ng hindi nasusuklay.
            Kinuha niya ang remote at nagbrowse ng pwedeng mapanood sa Netflix. Bigla siyang nagsawa sa pinapanood na horror movie, hindi na kasi siya natatakot dahil sa ilang ulit na iyong napapanood. Gusto niya ng iba iyong makakasigaw siya o kaya naman ay mapapaisip siya sa mga susunod na mangyayari. Kaya lang ang problema ay halos napanood na niya ang lahat ng mga movies, na-bo-bore na siya. She turned off her TV and opened her cellphone. Iba naman ang pinagtripan niyang gawin.
            “Siopao.”
            “Tsk!” gusto niyang i-lock ang kanyang pintuan at ng hindi makapasok ang kuya niyang si Timothy. Siopao ang tawag nito sa kanya dahil malalaki talaga ang kanyang pisngi simula noong bata pa siya. She’s overweight.
            “Siopao.” At nilambingan pa nito ang tawag sa kanya. “Pwedeng mag-request?”
            “No!” sagot niya.
            “Please?” napabuntong-hininga siya at pumunta sa pintuan upang buksan ito ng kaunti para makita ang kapatid. “Finally, my cute siopao.” Hindi siya nakaatras kaagad ng kurutin nito ang kanyang pisngi.
            “Awww.” Hinampas niya ang kamay nito na naka-glue na yata sa kanyang pisngi. “What do you need?”
            “Can you cook for us?”
            “Us?” naging mabilis ang reflexes niya at isasara sana ang pintuan ng pigilan siya ng kanyang kapatid. She’s very unsocial, kulang nalang ay mahihimatay siya kapag may lumalapit at kumakausap sa kanya. Ang kapatid nga lang niya ang kaya niyang makausap in real world scenario.
            “May meeting kami sa ibaba, matatagalan pa kapag nag-order kami ng food sa Thyme kaya pwede bang ikaw nalang ang magluto?”
            “Sa ibaba?” mas lalo siyang napaatras at tanging mga daliri nalang ang makikita sa pintuan. “No.”
            “Please, Siopao.  I’ll buy dress and shoes.” She’s a woman at kahit social awkward siya ay mahilig siya sa magagandang mga damit at sapatos na palaging bumibili ay ang kapatid niya. Walang problema sa pagluluto ang problema niya ay kailangan niyang dumaan sa sala at makikita siya ng mga kapitbahay nila na ka-meeting ng kanyang kapatid. Ilang taon na sila sa Seasonsville at mabibilang lang ang mga times na lumalabas siya.
            “Huwag kayo sa sala. I don’t want them to see me.” Napabuntong-hininga ang kapatid.
            “But why? They are harmless.” Umiling siya kahit hindi harmless ang mga ito ay ayaw niyang makita siya ng mga kasama ng kaibigan. She doesn’t want them to judge her and make fun of her brother or family because of her. “Fine, sa library nalang muna kami and call me if the foods are ready.”
            “K.” maiksing sagot niya at sinarado ang pintuan para maputol na mahabang usapan nila. It tires the hell out of her. Hindi siya sanay na may kausap ng matagal kaya nauubos ang energy niya. Habang hinihintay ang go signal ng kapatid ay kinuha niya ang kanyang cellphone at ang ipods. Her phone beeps and that’s her signal. Parang ninja siyang bumaba sa hagdanan papunta sa kusina at tiningnan kung ano ang mga pwede niyang ihanda. Nagtext siya sa kapatid kung ilan ang mga kakain at ng makapag-adjust siya.
            Dahil mahilig siya sa pagkain at ayaw niyang lumabas ng bahay kaya natuto siyang magluto. “Chicken alfredo.” Iyon lang kasi ang nakita niyang pwedeng lutuin doon, mukhang kailangan ng kuya niya na mag-grocery. Isinabit niya ang airpod sa teynga at binuksan ang isang music application sa kanyang phone para makinig ng music. Kinuha niya ang apron at isinuot. She even adjusted her short dress so she can work properly. Hindi na siya nag-abala na magbihis since wala namang makakita sa kanya besides she likes wearing short dresses it makes her feel sexy kahit na malaki siyang babae.
            “Excuse me.” Malakas siyang napasinghap nang may marinig na boses na malapit lang sa kanya at hindi iyon boses ng kanyang kapatid. Nabitawan niya ang mga ingredients na bitbit sa kitchen counter at mabilis na tumakbo papunta sa banyo na malapit lang sa kusina at nagkulong. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa gulat, para siyang nanood ng isang nakakatakot na movie. It was the first time after she can’t even remember the year someone had spoken to her. “Are you still alive?” she covered her lips as if she was in a real horror movie and someone is after her life. “I am not going to hurt you, I’m just her to drink water.” Hindi pa rin siya kumilos at nagsalita. “I am not interested in creepy beings so don’t worry.”
May narinig siyang mahihinang kaluskos. Habang naghihintay na mawala ito sa kusina ay napahawak siya sa kwentas na suot. Ang pendant ng necklace ay yari sa apatite, it helps in soothing the nervous system and maintains inner calmness na kailangan niya ng mga oras na iyon.
            Habang kinakalma ang sarili ay mahina siyang napabuntong-hininga. May kumatok ng pinto kaya bumalik ang takot niya pero hindi na iyon kasing tindi ng unang naging reaksyon na mas lalong ikinapagtataka niya.
            “I’m done with my business here, you can go out after one minute.” May bumangon na kuryosidad sa kanyang utak habang nakikinig sa boses na iyon. Halatang may inis sa boses nito at disgust sa kanyang pagtatago. Mukhang nasagi niya ang pride ng may-ari ng boses pero wala siyang pakialam doon dahil hindi na niya makikita ang taong iyon. After three minutes ay saka lang siya lumabas at nakahinga ng maluwang ng wala nan gang tao sa loob ng kusina.
            Mabilis niyang tinapos ang pagluluto at ng makapagtago na siya sa kanyang kweba. She is better there than anywhere else.
            “I am better inside my room. I am safer there. They won’t see creepy things again.” Usal niya sa kanyang sarili habang nagluluto. Lumaki siya na sobrang pampered ng kanyang mga magulang kaya lahat ng gusto niya ay ibinibigay ng mga ito hanggang sa dumating sap unto na pati ang timbang niya ay hindi na nakontrol. Dahil bata akala ng lahat ay cute at wala siyang pakialam doon. Nasasanay na siyang tinatawag ng kapatid na siopao o kaya naman ay mataba kaya kahit bata pa siya ay napasok na iyon sa kanyang utak.
            Nang pumasok na siya sa highschool ay doon niya na-realized kung gaano ka-cruel ang mundo. She’s fat and ugly, her classmates would often asked her kung adopted ba siya dahil hindi sila magkamukha ng kapatid niya. Gwapo na talaga si  Timothy at maraming nagkakagusto dito. Kapag tinatanong ng mga tao ang kapatid kung related ba sila ay palaging sinasabi ni Tim na ampon lang siya kahit na alam niyang biro. Noong una ay umiyak siya dahil nasaktan siya pero inaalo naman siya ng kuya niya at binibigyan ng maraming pagkain at gamit kaya nawawala din ang kanyang pagtatampo.
            Her parents told her to exercise to the point of forcing her to do so because it is for her health. Pero dahil bata pa ay hindi niya iyon naiintindihan at kapag pinag-e-exercise siya ng mga ito ay palihim siyang kumakain ng marami. Pakiramdam kasi niya ay sa pagkain lang siya nakakita ng kakampi, until now iyon pa rin ang nasa isip niya. Kapag kaharap niya ang kanyang mga magulang ay wala ng ibang nakikita ang mga ito kundi ang kanyang timbang and she should shed those fats as soon as possible, na para bang kapag hindi niya ginawa ay itatakwil na siya ng mga ito. Alam niyang mahal siya ng mga magulang niya pero dahil doon ay na nawalan siya ng kakayahang mag-isip, para bang ang baba ng tingin niya sa kanyang sarili dahil iyon ang tingin ng mga tao sa kanya. And her breaking point was when she told a boy from her class that she has a crush on him and he just laughed and looked at her as if she was a big joke. Her friends even laughed at her. Akala niya ay pinagtatawanan siya ng mga kaibigan kapag nakatalikod siya at hindi niya iyon masabi sa kanyang mga magulang dahil baka sabihin lang ng mga ito na kasalanan niya. She can’t even tell her brother because he will just tell her to find someone who will accepts who she is.
            At fifteen, nagsimula na siyang dumistansya sa mga tao. Halos late siyang pumapasok sa klase at pinakaunang lumalabas ng classroom. Pagdating niya sa bahay ay nagkakampo lang siya sa kanyang kwarto, hindi na rin niya nakakausap ang kanyang mga magulang dahil natatakot siyang pilitin na naman ng mga ito. Her brother can’t even force her to speak up until she became used to it. Nakasanayan na niyang siya lang mag-isa, nakasanayan na lang niyang mabuhay ng hindi humihingi ng tulong sa ibang tao.
            Wala na siyang pakialam sa kanyang hitsura, she rarely look herself at the mirror because she’s scared that she might judge herself the way other people do. Alam niyang mali, alam niyang malaki ang pagkukulang niya pero hindi niya alam kung saan magsisimula. She’s afraid that her family won’t be even there to support her. Fuck her low self-esteem, ito siguro ang sakit ng mga tulad niya na hindi pinaghihirapan ang mga bagay na nakukuha. Kapag hindi ibibigay sa kanya ay hindi rin niya pagsusumikapan at iisipin nalang na hindi talaga iyon para sa kanya.


TBC
PHOTO CTTO


<3 <3 <3
A/N: Happy Easter Sunday everyone and have a great day despite of what's happening to the world. 

LOVE,
INANG

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang