5
– PERIDOT
“NO.” Mariing
tanggi ng kapatid niya sa kanyang sinabi. “I can’t let you work there.”
Umiiling-iling ito na para bang hindi gusto ang ideyang magtrabaho siya sa café
ni Rex.
“Two
weeks lang naman.”
“I
said no and it’s final.” Ibinaba ni Timothy ang mga hawak na papel sa mesa.
“When I said I wa nt you to go out, I
want you to travel, to shop, to dine and meet new friends. Hindi ko sinasabing
magtrabaho ka kahit kanino.”
“Hindi
ka ba masaya na nagvo-volunteer ako? I mean he is your friend.” Naiinis na rin
siya sa kapatid niya dahil sa pagtanggi nito.
“Maraming
lalaki na nagda-dine sa café, wala ako doon para bantayan ka 24/7. Paano kung
ligawan ka nila? No! I can’t allow that.” Her brows twitched and she’s really
itching to smack her brother to the table.
“I
won’t be swayed.”
“Hindi
mo kilala ang mga kapitbahay natin, marami sa kanila ang mga playboy. And you
are very pretty, sigurado akong pag-iinteresan ka nila.” Hindi rin niya akalain
na may ganitong side ang kapatid niya.
“Natatakot
kang gawin sa akin ng mga kalahi mo ang ginagawa mo sa ibang babae hindi ba
kuya?” natigilan ang kapatid sa kanyang tanong. “You don’t really trust me, do
you?” nagkunwari siyang nalungkot. “Do you really think I’m that stupid?”
halatang natataranta na ang kapatid niya at kapag iiyak siya ay sigurado siyang
hindi na ito makakatanggi sa kanya. “I know I’m weak but I’m not that stupid.”
May
natututunan din pala siya sa panonood ng mga kung anu-ano nitong mga nakaraang
mga taon. Based from her brother’s character, a doting brother, he’ll definitely
blame himself if she shed a tear. Ayaw niyang dumating siya sa point na ganito
pero wala siyang magagawa, she needs to play dirty.
“Siopao—ayoko
na…” she heard her brother’s curse. Loud and clear. “What if you’ll get hurt?”
“Ise-save
mo naman ako hindi ba?” alam niyang malapit na niyang mapapayag ang kanyang kapatid.
“And Rexon said he’ll help me overcome my fears, ako ang nagsuggest sa kanya.
Ang sabi ko naiintindihan ko na kung bakit gusto mong lumabas ako sa lungga ko,
you want me to see the world and experience things I won’t experience inside my
room. For the first time, nagkusa ako. I volunteered myself at kapag hindi ka
pumayag baka hindi na ulit mangyari ito. I will permanently locked myself
inside this place--.”
“Fine.
Fine!” Techniques really works. Mahirap kumbinsihin ang kapatid niya kahit na
ang pagsama niya dito sa bahay nito ay nahirapan din siya. Pero kilala nga niya
ang kapatid niya, he can’t resist her. It’s his fault for spoiling her too
much. “Pero sa dalawang kondisyon.”
“What
conditions?”
“Kapag
nagkasakit ka o kaya naman ay umiyak ka hindi ka na magtatrabaho sa Café ni Rex
at pagkatapos ng dalawang linggo ay hindi ka na magkukulong sa kwarto mo.”
“O-okay.”
Well, she needs to do her part too.
“Kailan
ka magsisimula?”
“Bukas.”
“Agad?
Wala man lang preparations?” tumaas ang kilay niya.
“What
preparations? Kuya, baka nakakalimutan mo na sanay ako sa mga gawaing bahay.”
Wala silang katulong sa bahay, may naglilinis every Sunday but the rest of the
days ay siya ang nag-aayos sa bahay nila lalo na kapag wala ito at nasa
opisina. Siya rin ang naghahanda ng pagkain nilang magkapatid araw-araw. Her
brother doesn’t even know how to arrange his things. He is so messy kaya nga
nalulungkot na siya sa future wife nito.
“Wala
na akong magagawa basta siguraduhin mo lang na hindi ka magpapaloko sa mga
kapitbahay nating mga lalaki. Kapag nalaman kong may umaaligid-aligid sa iyo ay
uubusin ko ang yaman nila sa susunod na meeting.” May naiisip na naman itong
masama.
“By
the way kuya, alam ko na ang daan pauwi sa atin from the center.” Ngumiti siya
dito. Hindi na siya nagpahatid kay Rexon dahil gusto niyang balikan iyong daan
na itinuro nito sa kanya papauwi at sobrang saya niya ng makauwi nga siya ng
siya lang mag-isa. Tumayo ang kapatid niya at lumapit sa kanya. He pats her
head and kissed her forehead.
“Very
good, Tiarra.” Hindi man santo ang kapatid niya pero alam niyang mahal na mahal
siya nito.
“I AM not going to wear a
uniform?” nasa office siya ni Rex at ino-orient siya nito ng kung ano ang
kanyang dapat gawin. Napatingin siya sa hawak nito na apron na may tatag ng
pangalan ng coffee shop. “But why?” lumapit ito sa kanya at isinuot ang apron.
“There’s
no need for you to wear that, this apron is enough.” Ito na rin ang nagtali sa
likod niya.
“Is
it okay? I mean sa mga kasama ko?”
“They
won’t mind and they are going to assist you as well. Kapag may hindi ka alam ay
huwag kang mahihiyang magtanong sa kanila. Kung hindi ka pa komportable ay
pwede mo akong lapitan o kaya ay si Marquis.” Habang nagsasalita ito ay hindi
niya mapigilan ang sariling hindi ito titigan. Mas lalo kasi itong gumu-gwapo
sa kanyang paningin habang tumatagal, is it even possible? “And you don’t need
to talk to the costumers if you don’t want to.” Tumango siya. “Kung may manghaharrass
sa iyo you have all the permission to punch them in the face and make it hard,
okay?” natawa siya sa huling sinabi nito. “And tell so I can kill them as
well.”
“Sure.”
Napangiti nalang siya. He is really like his brother.
“I
am not joking.” Tumango lang siya. “You don’t need to take orders from the
costumers, you can bring them their orders and be careful.” Sumaludo siya dito.
“Yes,
Sir.”
Pagkatapos
ng kanilang orientation ay lumabas na siya, pasado alas otso pa ng umaga. Nagbubukas
ang shop ng alas siete pero sinabihan siya na pumunta doon ng alas otso o kaya
naman ay alas nuwebe. Akala niya ay magsisimula na siya agad pero ilang oras pa
siyang naghintay kay Rexon na matapos ito sa mga online meetings nito.
“Ate.”
Lumapit sa kanya si Marquis. “Pinalabas ka na rin ni kuya.”
“Medyo
busy kasi siya kanina, may kausap siya online kaya natagalan ang orientation.”
Nagsalubong ang dalawang makakapal na kilay ng binatilyo. “Bakit?” sunod-sunod
naman na umiling ang kausap.
“Ang
sabi ni kuya ay magbibigay ka lang ng orders at dapat bantayan kita laban sa
mga lalaking kapitbahay natin. Kapag may nang-away sa iyo ay sabihin mol ang sa
akin, binigyan na ako ng basbas ni kuya na mambugbog.” She chuckles. Magkapatid
nga ang dalawa, ang pinagkaiba lang ni Rex and Marquis ay mas masayahin at
hyperactive ang nakababatang lalaki.
Nilalapitan
din siya ng mga iba pang staff ng café, noong una ay medyo ilag pa siya sa mga
ito. Kapag lumapit sila ay tumatango lang siya pero habang tumatagal ay gumagaan
naman ang loob niya at nakakausap na niya ito ng hindi siya nabubulol. Nakiki-ate
na rin ang mga ito sa kanya kagaya ni Marquis. Nalaman din niya na nagwoworking
ang mga ito, marami talaga ang staff sa café pero shifting sila. May mga
pang-umagang klase at may night shifts din kaya. Mas lalong lumaki ang respeto
niya para kay Rexon dahil tinutulungan nito ang mga estudyante na hindi
financially stable na makatapos. Bihira lang ang mga taong katulad nito.
“THIS?”
Turo niya sa pendant ng suot niyang kwentas. “A peridot.” The green stone
shines as she held it for them to see. “It’s a positive energy stone, it
vibrates with the energy of sunshine and will shower you with blessings and
abundance.” Paliwanag niya sa mga kasama.
Pangatlong
araw na niya sa Summer Café and she wasn’t really expecting that she’ll adapt
to the sudden change of environment that quickly. Nakapalagayan na rin niya ng
loob ang mga staff ni Rex at hindi na siya nahihiya sa mga ito. Kapag breaktime
ay nagku-kwentuhan sila, they didn’t make her feel out of place.
“May
mga meaning pala ang mga gemstones?” manghang tanong ni Arra. “Ang ganda ng
design, ate.” Ngumiti siya sa dalaga.
“Oo
nga. Ate Ti, ikaw ba ang gumagawa ng mga suot mo?”
“Uhm,
I made the designs and then ipapasa ko sa workshop and my brother will make the
final decision kung i-o-out na siya sa market.” Patuloy niya. Magsasalita pa
sana siya nang pareho silang may narinig na tikhim. Mabilis silang napatayo at
nagpunta sa kung saan-saan, napasunod siya sa mga kasama pero nahila siya ni
Rexon.
“Where
are you going?”
“Ahh,
work!”
“Come
with me.” Hinila siya nito papasok sa opisina nito. His assistant, Mike waves
at her. Natapos na ang meeting ng dalawa kaya siya na naman ang napag-interesan
nitong hilahin sa opisina. Nalaman din niyang hindi basta-basta nakakapasok sa
office ang mga tauhan nito but she can! Kahit si Marquis ay hindi pumapasok
doon kapag wala ang kapatid nito. Pero siya ay hinahayaan nitong pumasok,
minsan ay tinatawag siya nito para matulog. Nade-drain pa rin ang kanyang
energy, sa katunayan ay mga limit ang energy niya sa isang araw. Hindi niya
kaya ang straight na tatlong oras na pakikisalamuha sa iba pagkatapos ng
tatlong oras ay nakakatulog siya kahit na saan. Nagigising na nga lang siya na
nasa sofa ng opisina ni Rexon kaya nga buo na talaga sa isip niya na sambahin
ang kabaitan ng lalaki. He is one of a kind.
“Bakit?”
umupo siya sa sofa at hinihintay ang sasabihin nito sa kanya. “I’m not yet
tired.” Kakagising nga lang niya ng magsimula ang meeting nito. Siya na ang
nahihiya dahil hinintay pa siya nitong magising bago simulan ang meeting with
Mike. Naglakad ito papunta sa may mesa nito.
“I’ll
be gone for three to four days. Are you okay here alone?”
“I’m
not alone, kasama ko naman ang mga staff mo.” Bumalik ito sa kanya na may
dalang box na kulay pink.
“You
can stay here in the office if you are sleepy or tired.” Umiling siya.
“Okay
na ako sa mga staff mo, there’s no need for special treatment.”
“Hands.”
Itinaas niya ang palad dahil iyon ang utos nito. Lumapag doon ang isang susi.
“That’s the key here.”
“Pero
Rexon okay lang talaga ako kasama sila.” Ibinalik niya dito ang susi pero wala
itong balak na tanggapin iyon.
“Keep
it. Ayokong doon ka sa area nila matutulog, mas secure and safe ka dito.”
“Pero—.”
“I
insist and you don’t have a choice. Stay here during your vacant time or if you
are tired and sleepy. Here.” Inilapag nito sa kanyang kandungan ang pink na box
na punong-puno ng chocolates at kung anu-anong matatamis na bagay.
“Chocolates?
Gusto mo ba akong tumaba na naman?” kunot-noong tanong niya dito.
“You
can eat them in moderation and yes, gusto kitang tumaba.” Tinaasan niya ito ng
kilay. “You are lighter than a feather. Hindi maganda sa babae na sobrang
payat, kailangan mo ng laman.”
“Paano
mong nalaman na magaan ako?”
“Sino
ba ang nagbubuhat sa iyo kapag nakakatulog ka bigla sa labas?” Shoot!
Nakalimutan niya iyon. “I want you to gain weight.” Ang weird din ng lalaking
ito, kung ang iba ay gusto ang mga payat na babae siya naman ay pinapataba
nito. “I want you to be healthy and you always skip your meals. Kung hindi ka
paaalahanan ay hindi mo matatandaan. Simula bukas ay kasama mo na si Marquis na kumain.”
“Hindi
na ako bata para bantayan pa.” angil niya dito.
“I
know.” Kumibot ang mga labi niya dahil gusto niyang ireklamo ito sa kuya niya,
mas mahigpit pa nga ito kay Timothy, but it’s just that she doesn’t hate it.
“Babantayan mo rin ang kapatid ko in return. Tuwing lunch break ay hindi rin
nakakakain ang batang iyon dahil panay ang laro ng online games sa cellphone. I
want you to remind him to eat on time.” Kumuha ito ng chocolate at binalatan.
“Open your mouth.” Iniumang nito sa kanyang bibig ang chocolate.
“Ako
na.” kukunin na sana niya iyon pero inilayo lang iyon ng lalaki sa kanya.
“Rex!”
“Open.”
Napabuntong-hininga siya at sinunod nalang ito. Bigla niyang napaisip na mas
nagiging dependent na siya dito. Hindi pwede iyon, dapat ay matuto siyang
kumilos ng siya lang mag-isa. They are right, she needs to have a backbone and
learn to conquer her fear on her own.
“TAPOS
na ang date ninyo ni Boss?” tudyo ni Arra nang wala ng masyadong costumers.
Nag-init ang kanyang pisngi sa sinabi nito.
“What
date?”
“Ang
sweet ni Boss sa iyo, Ate. Naiinggit ako. Kung sana ay magkasing-edad kami ay
baka ginapang ko na siya but don’t worry he is all yours.” Mas lalong nag-init
ang kanyang pisngi sa sinabi nito. “Bagay na bagay kayong dalawa.”
“A-ano
ba iyang sinasabi mo? He- he is like a brother to me, gaya ni kuya Timothy.” Arra
chuckles and then sigh.
“Na-kuyazoned
agad si Boss? Kawawa naman, may his soul rest in peace.” And Arra clasps her
hands in a prayer. “So, anong pinag-usapan ninyo?”
“Tungkol
lang sa pag-alis niya ng three days. He explained the reason why and gave me some
instructions.” Mas lalong lumapad ang ngisi nito tapos ay yumakap sa kanya as
if comforting her or something. “Ano ba ang nangyayari sa iyo?”
“Wala,
let’s go. May costumers.” Unti-unti rin na nawala ang barrier niya sa mga tao.
Si Arra lang ang yumayakap sa kanya na hindi siya masyadong naiilang. She’s a
girl and besides mas bata ito sa kanya ng labing isang taon at wala siyang
nakababatang kapatid na babae kaya palagay ang loob niya dito. Na-appreciate
niya ang sipag nito sa pag-aaral at pagtatrabaho.
PHOTO CTTO
<3 <3 <3
A/N: Now, I'm so engrossed in writing my RRL kaya kung napapansin niyo medyo late na ang uploads. Pasensya na babies, minsan lang tamaan ng gana kaya mahirap palampasin. By the way, you can re-read Black Magic 6: Heal in wattpad na.
LOVE,
INANG