EPILOGUE
L is for the way you look at me
O is for the only one I see
V is very, very extraordinary
E is even more than anyone that you adore
“IKALAWANG araw
pa lang natin dito pero parang sasabog na ang utak ko, my goodness.” Nilagok ni
Carrie ang laman ng margarita nito. Nasa bar sila ng hotel kung saan ginaganap
ang kanilang seminar. Tinitigan niya ang bloody mary na inorder niya pero hindi
niya iyon maubos-ubos. “Anong nangyayari sa iyo at para kang namatayan ng
pasyente?”
“That’s not a good joke.”
Carrie burps. “Sorry, pero seriously
bakit parang namatayan diyan?”
“He is not calling me.” Tinuro niya
ang kanyang cellphone. Kanina pa niya hinihintay ang tawag ni Xenon pero wala
siyang nareceived na message o kaya naman kahit missed calls lang. He promised
that he’ll call her during her stay here.
“Baka nakatulog busy din naman iyong
boyfriend mo.” Napabuntong-hininga siya dahil alam naman niya iyon. Ayaw man
niya pero naiinis siya sa pagiging clingy niya at parang ang sarap sampalin ng
kanyang sarili. “Uuwi naman tayo five days from now kaya chill lang girl.” Ngumisi
ito sa kanya. “Hay, parang namissed ko na magkaboyfriend. Pagkatapos talaga ng
lahat-lahat ng ito ay maghahanap na ako ng mapapangasawa. Bakit ba hindi ako
pine-pressure ng parents ko na maghanap ng lalaki? Kung sana ay may magtutulak
sa akin para maforced ko naman ang sarili ko na maghanap. Nakakainis itong
walang drive na maghanap ng lalaki kapag tinamad ka ay tatamarin ka talaga.” Pinagdaop
nito ang dalawang palad. “Please Lord, bigyan mo ako ng will na maghanap ng
lalaking makakasama ko habang buhay. I’m twenty eight already.”
“And I am almost thirty.” Ani niya
dito.
“Kaya nga eh, paano kung may
dumating nga pero kwarenta na ako? Diyos ko, kaya ko pa bang magperform kapag
matanda na ako?”
“Hindi pa matanda ang forty.”
“Sabihin mo rin iyan sa matres ko.” Inirapan
siya nito. “I’m drunk.” Halata nga na medyo nakainom na ito dahil sa medyo bold
na ito when it comes to the words she’s using. “I need a lovelife but I’m too
lazy to look for one.”
“The night is still young, you can
strut New York anytime you like and find a man.” Tumayo ito.
“Nah, I still need to sleep for
tomorrow’s brain wrecking day three seminar. Mauuna na ako sa room natin.”
“Dito muna ako hindi pa rin ako
inaantok.” Bumalik na room nila ang
kasama habang naiwan siya doon at iniisip kung mauubos ba niya ang kanyang
inorder. Napatitig siyang muli sa kanyang cellphone at muling tiningnan ang
kanyang messenger kung may nakaligtaan ba siyang message doon pero sa kasawiang
palad ay wala pa rin. “Tsk, dapat talaga ay hindi ko muna siya sinagot.” Mahinag
usal niya.
And love is all that I can give
to you
Love is more than just a
game for two
Two in love can make it
Take my heart but please
don’t break it
Love was made for me and
you
Patuloy siya sa pakikinig ng kumakanta sa bar, kahit
papaano ay nawawala ang pagod niya.
“Good evening pretty lady, are you
alone?” isang matangkad na foreigner ang lumapit sa kanya. Napansin niyang
kanina pa ito pasulyap-sulyap sa kanya at mukhang nagkalakas lang ng loob nang
umalis na si Carrie. Sana pala ay hindi nalang niya pinalayas ang kasama dahil
hindi niya alam kung paano sasagutin ang mga tanong na tulad ng tanong nito. Ayaw
niyang maging rude lalo pa at hindi niya kilala ang mga tao doon at hindi rin
niya bansa iyon. The man isn’t bad looking kung hindi lang siguro niya nakilala
si Xenon ay baka nag-yes na siya agad pero loyal talaga siya.
She politely smile at the man. “I’m
waiting for my boyfriend.”
Bahagyang tumabingi ang ngiti nito. “Oh,
I see. Sorry if I disturbed you here.” Mabuti naman at mabait ito hindi na siya
nahirapang palayuin ito sa kanya. Napapansin din niyang bentang-benta siya sa
mga foreigner dahil kahit kanina sa seminar ay may nagpapapansin sa kanya
samantalang sa Pilipinas ay hindi siya pansinin. Hindi rin naman exotic ang
beauty niya mas maputi siya, siguro dahil maliit siyang babae at trip din ng
mga foreigner ang mga tulad niya. Kinuha niya ang kanyang drinks at ininom
nalang iyon hanggang sa mangalahati. She has a high alcohol tolerance kaya
hindi agad siya malalasing. Nagkibit-balikat siya at inihilig ang ulo sa
headrest ng sofa na inuupuan niya at pinagpatuloy ang pakikinig sa kanta.
And
love is all that I can give to you
Love, love,
love is more than just a game for two
Two in love
can make it
Take my
heart but please don’t break it
‘Cause love
was made for me and you
I said love
was made for me and you
“You know that love was made for me and you…”
nakangiting sinabayan niya ang huling linya ng kanta. “Hmnp!” muntik na siyang
mapatili ng may humawak sa magkabilang pisngi niya at isang iglap lang ay natagpuan
niyang nakaselyo na ang kanyang mga labi. Napahawak siya sa pangahas pero
mahigpit ang hawak nito sa kanya at magwawala na sana siya kung hindi lang siya
nito tinigilan. “What the--- Xenon?” napaupo siya ng tuwid sa sobrang
pagkagulat.
“Surprise.” Nakangiting bati nito sa
kanya. Nang makabawi sa gulat ay asar na hinampas niya ito sa braso ng ilang
beses. “Awww!” nahuli nito ang kanyang braso at malambing na hinila siya upang
mayakap siya nito kaagad. “Lumipad ako ng ilang oras papunta dito para makita
ka pero mukhang hindi ka naman masaya.” Nagtatampong sabi nito.
Napakagat siya ng labi at gumanti
rin ng yakap sa lalaki, she missed him kahit na ilang araw pa naman silang
hindi nagkikita.
“Anong ginagawa mo dito?”
“To visit you, I missed you.” Hinagkan
nito ang kanyang noo at tungki ng ilong.
“Isang linggo lang naman ako dito
bakit sumunod ka pa?”
“Kung hindi ako sumunod baka may
sumulot na sa iyong foreigner dito katulad ng kanina.” Nagdugtong ang kanyang
magkabilang kilay.
“Kanina ka pa dito?”
“Hinihintay ko lang na umalis iyong
kasama mo pero naunahan ako ng foreigner na kanina pa patingin-tingin sa iyo.”
“Hindi ko alam na seloso ka pala.” Biro
lang niya iyon.
“Yes, I am the jealous type.” Kumunot
ang kanyang noo dahil hindi niya talaga maiisip na selosong tao si Xenon wala
sa characteristic nito ang ganoon. “Hindi ka naniniwala?”
“Wala iyan sa characteristics mo
kaya huwag kang mag-imbento.”
“Seryoso ako at hindi ako nagbibiro
masama akong magselos. Ngayon ko lang rin nadiscover.” Mahinang kinurot lang
niya ang pisngi ng boyfriend dahil alam niyang sinabi lang nito iyon para
pagaanin ang kanyang loob.
“Ano nga ang ginagawa mo dito?”
“You are changing the topic. I’m not
yet done with that guy--.” Tumingkayad siya upang bigyan ito ng mabining halik
sa labi.
“Fine, you are jealous. Don’t worry
sinabi kong may boyfriend na ako.” Ngumiti ito sa kanyang sinabi, sinabi niyang
hinihintay niya ang kanyang boyfriend malay ba niyang pupunta talaga ito doon. “So,
ano nga? Why are you here?”
“Sinundan ka.”
“Xenon, seryoso din ako.”
“Sinusundan kita.”
Napabuntong-hininga siya. “Sige,
iwanan na kita dito I’m really tired.” Pilit niyang hinila ang sarili mula dito
pero hindi siya nito binitiwan. “Kung hindi mo seseryosohin ang tanong ko
mabuti pa ay bukas nalang tayo mag-usap kung wala ka ng jetlag.”
“Dito ka lang.” hinila siya nito
paupo sa sofa at isinubsob ang mukha sa leeg niya. “I am really here to be with
you.”
“Seryoso?” naramdaman niya ang sunod
na pagtango nito.
“Dapat ay magkasama tayo pero
naunahan mo ako at hindi ko sinabi na pinaprocess ko na ang VISA ko para
isurprise ka. I wasn’t expecting that your flight will be so soon so when I got
the approval I booked a ticket and fly here so I can be with you.”
Tiningnan niya ang mukha ni Xenon,
walang bahid ng pagsisinungaling doon at alam niyang seryoso nga ito. “Saan si
Neon?”
“He is with my parents.”
“Babalik din naman ako ah. Isang linggo
lang at babalik na agad ako, hindi ko ba iyon nasabi sa iyo?”
“I know but I am here because of a
very important mission.” May kinuha ito sa bulsa nito at ipinakita sa kanya. A
white velvet box kaya bigla niya itong naitulak para mas matitigan pa niya
itong mabuti.
“What the heck Xenon?”
“Yes, this is an engagement ring and
this is for you.”
Nagulat na siya sa pagpunta nito sa
New York para makita siya pero mas nagulat siya sa nakikitang engagement ring
na hawak nito.
“We—I mean… we are…” she can’t find
the right words to say. “Wala pa nga tayong isang linggo! For goodness sake,
three days palang since sinagot kita. What are you thinking?” ang lakas ng
tibok ng kanyang puso habang nakatitig dito. Walang bakas ng biro sa mukha ng
kasintahan at seryoso nga itong nakatitig sa kanya.
“What I am thinking? You, I am
thinking to have you in my life permanently.”
“Pero hindi pa nga tayo nakakaisang
linggo!” she is practically screaming in a low voice.
“And?”
“Paano kung hindi pala--.”
“Well, I am not really that reckless
my love. You are very lovely by the way. At hindi kita susuyuin at liligawan
kung wala sa isip ko na pakasalan ka. Noong nagpunta ako sa bahay ng mga
magulang mo ay hindi lang para ligawan ka kundi ang magpaalam para pakasalan ka
na. We are not getting any younger Xelena and I don’t have a very long
patience, I really can’t wait at alam mong napapansin mo iyan. Parang may
mahabang pasensya lang ako pero hindi talaga totoo iyon. When I want someone,
when I need someone, I’ll work hard for it until it become mine. Wala sa isip
ko na pakawalan ka kaya pakasalan mo na ako.”
Napaawang ang kanyang mga labi sa
sinabi nito na para bang nagyayaya lang na maglaro ng mobile legend.
“Well, I am just giving you a hint
because I am going to propose to you by the end of this week. Sorry if I’m not
that romantic but I am really trying to.”
Nagulat man ay natawa siya sa sinabi
nito. Ang sabi nito ay hindi ito romantic pero sa tingin niya ay ito ang
pinaka-romantic na lalaking nakilala niya. Lumipad ito ng ilang oras mula
Pilipinas hanggang sa big apple, he bought her a ring and even thought of proposing
to her by the end of the week. She found it romantic really, iba-iba siguro ang
perspective ng babae kapag sinasabing romantic ang isang lalaki. But his
efforts makes him more lovable and it really turn her on.
“Since I am giving you a heads up, wala
ka ng pwedeng isagot kundi YES.”
“You are really pushy, aren’t you?”
yumakap siya ng mahigpit dito para pigilan ang sariling huwag hablutin ang box
na hawak ng kasintahan dahil kapag tinanong talaga siya nito ng Will you marry
me ay isang malakas na yes ang isasagot niya. She’s been in love with him since
she can’t remember and would love to be his wife forever.
“I’m not a lawyer for nothing.” Hinagkan
nito ang kanyang pisngi. “I have a room here, do you want to spend some time
with me there?” tinaasan niya ito ng kilay at mapanuksong ngumiti lang ito sa
kanya.
“Nope.” Mabilis niyang sagot.
“But why?” masuyo nitong hinalikan
ang kanyang pisngi.
“Stop that Xenon.” Pinisil niya ang
ilong nito. May isang bagay siyang dapat tandaan, Xenon can be very persuasive
at hindi niya kayang labanan ang persuasion power nito kaya hindi pwedeng
sumama siya dito unless may kasama siya.
“But why? I’m not going to touch you
unless you permit me to.” Tinaasan niya ito ng kilay. “Promise.”
“Bukas na.”
“Promise?”
“I’ll try.” Of course, she won’t
give in. Anong akala nito easy to get siya… well, partly, when it comes to him
she can’t really resist him and she needs to control herself or else baka
bumigay na siya. Again, isa siya sa pinakamalaking example ng isang marupok na
babae… pero dito lang talaga siya marupok. Promise!
Napapangiti nalang siya dahil
naalala niya ang sinabi ng kapatid. Iba maglaro si kapalaran, hindi nito
ibinigay si Xenon sa kanya dati dahil may kailangan pa siyang abutin, may
kailangan pa siyang pagdaanan. Never expect, never demand, just wait because if
it’s meant for you, it will be given to you in the right time.
WAKAS
PHOTO CTTO
A/N: So, hindi ko na agad ito na-post the other day dahil nakatulog ako habang nanonood ng mga animal videos sa tiktok. Tapos last night ay tatapusin ko na sana talaga siya pero naging lady gaga ako, napagtripan ko ba naman na mag-yoga2x para lang mabanat ang mga sleeping muscles ko sa katawan. My goodness, ayon, nabanat nga... ang sakit-sakit ng mga muscles ko feeling ko ay nagmarathon ako ng ilang milya. Ikaw ba naman ang mag-yoga2x ng walang stretching so ayon deads ang inang niyo at kanina lang ako naka-recover. Mag-e-enhanced quarantine na kasi sa amin this sunday so si mudra ay pinilit akong lumabas ng bahay para mag-grocery ng KAUNTI! Na-SCAM ako sa kaunti na word na iyan. Ang daming food sa ref dahil tatlo lang naman kami sa bahay pero noong nag-grocery na kami ay punong-puno ang cart of course, puro pagkain ang laman, wala naman akong reklamo, food is life and food is lifer. Kapag naka-quarantine pa naman ay pagkain lang lagi ang iniisip. Ang dami pang tao, iyong nagline na sa cashier ng mga 10:30 pero na-cater ka ng mga 12:40? Yep, nagpapanic buying din sila katulad ng mudra ko. Nakalimutan ko na rin ang mga rant ko sa previous update sa susunod nalang iyon.
So, I will be posting this sa wattpad kapag hindi na masyadong busy or paisa-isa lang muna. Tatapusin ko muna iyong thesis ko dahil nag-text na ang adviser ko, so kailangan ko na siyang balikan bukas. hehehehehehehe
Enjoy reading babies!
LOVE,
INANG
0 (mga) komento:
Post a Comment