9 – AMBULANCE
SHE
eyed the red roses Sebastian gave
her intently. Gusto niyang maglaho iyon sa kanyang harapan dahil nasusuka na
siya sa amoy ng oras na nakapalibot sa kanya.
“What is that?” inis na tanong niya
dito.
“Red rose for you mukha ka na kasing
kumakain ng galit lately.” Ngumisi ito sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay at hindi
pinansin ang bulaklak na ibinigay nito. “Come on Xelena tanggapin mo na itong
kawang-gawa ko. Marami akong biniling bulaklak para sa mga kasamahan natin na
pinagkaitan ng love life.”
“Gusto mong mahiwa ng scalpel? Gusto
mong kunin ko iyang atay mo at ipakain sa mga buwaya?” inis na tanong niya.
Wala na yatang katapusan ang inis na nararamdaman niya.
“Chill ka lang.” natatawang ibinalik
nito sa vase na nasa ibabaw ng nurse station ang red rose. “Maging mabait ka
kasi para mabigyan ka ng mga bulaklak. Tingnan mo si nurse Amor ang dami niyang
natanggap ngayong valentines.” Mas lalong nag-init ang kanyang ulo sa sinabi
nito. “Malapit ng matapos ang valentines day at single ka pa rin.” She just
zipped her lips tightly. Wala siyang balak na patulan ang biro ng kaibigan.
“Tanggapin mo na itong red rose-.” Tumahimik lang ito ng matalim niya itong
tinitigan. “Joke lang. Ang ganda mo talaga Xelena, para kang Diyosa na bumaba
mula sa langit para sa mga hamak na mortal. You are untouchable.”
“Excuse me.” Keysa sa lumala ang
inis na naramdaman niya ay bumalik nalang siya sa kanyang quarters. Mas
mabuting doon nalang siya dahil baka masapak lang niya ng wala sa oras ang
kasama. Hindi iyon ang unang beses na ingudngod nito sa kanya ang pagiging
single niya, may kaibigan talaga yatang ganoon, masaya ang love life kaya
inaasar ang mga single. Napabuntong-hininga siya at napatingin sa digital clock
na nasa ibabaw ng kanyang mesa.
“Eleven-thirty eight.” Malapit ng
matapos ang February fourteen at babalik na sa normal ang lahat ng tao. Kinuha
niya ang kanyang cellphone at binuksan ang kanyang instagram account, napangiti
siya nang makita ang bagong post na picture ng kakambal niya. Ang unang picture
ay masaya itong naka-upo sa gitna ng mga estudyante nito at ang pangalawa ay
kasama ang fiancé nitong si Darren. Nag-scroll siya at nakita ang picture na
katabi si Howard at iba pa niyang mga kapitbahay na masayang may ka-date. Inis
na pinatay niya ang kanyang cellphone at itinago iyon sa bulsa.
Katatapos lang niya sa kanyang seven
hours operation kaya pagod na siya at paglabas niya ng operating room ay mga
bulaklak at kung anu-anong pulang bagay ang nakita niya. Literally, she is
seeing red and feeling murderous too. Ipinikit niya ang mga mata at sa dilim ay
biglang nagpop-up ang gwapong mukha ni Neon kaya napamulat agad siya.
Pagkatapos mag-walk out sa bahay
nito ay hindi na siya muling nagpakita pa dito. Mukhang okay na rin ito dahil
hindi na ito tumawag sa kanya. May bahagi ng puso niya na nakaramdam ng sakit
pero siya ang nagdesisyon na huwag ng magpakita. Namimiss din niya si Neon at
ang sabi ng Nanay niya ay okay naman ang bata dahil pinupuntahan pa rin nito
iyon. Napakiusapan niya ang ina na tingnan muna ang mag-ama dahil busy siya
mabuti nalang at pumayag ito.
Napatitig siya sa puting kisame ng
kanyang quarters at iniisip kung tama ba ang mga desisyon na ginawa niya sa
buhay. Naisip niyang kung hindi siya nakalapit kay Xenon dati ay baka naawa sa
kanya ang kapalaran at binigyan siya ng isa pang chance pero sinayang niya ang
chance na iyon. Kaso, nakakapagod maghabol sa isang tao. Nakakapagod umasa na
sana ay siya naman. Babae din naman siya, gusto din niyang maramdaman kung
paano alagaan at mahalin. Gusto niyang siya naman. She is so selfish. Mapait
siyang napangiti sa kanyang sarili dahil pilit niyang pinapaasa ito sa isang
imposibleng bagay. Alam kasi niyang hindi ganoon iyon, bumalik si Xenon sa
buhay niya para i-test siya ng kapalaran. Bumalik ito pero maayos niya ang
kanyang nasira at makahingi ng tawad at makagawa ng mabuti sa kapwa. Xenon is a
lesson that she needs to pass.
“Five minutes before midnight.”
Naiusal niya habang nakatitig sa digital watch. Tumayo siya sa kanyang upuan at
nagpasyang mahiga muna at umidlip saglit. Kinuha niya ang isang cellphone na
ginagamit niya sa kanyang trabaho at agad na nag-set ng alarm. Matutulog muna
siya ng mga twenty-minutes bago bumalik sa trabaho.
Pero hindi pa man siya
nakaka-dalawang minuto ay tumunog na ang kanyang cellphone. Kunot-noong
tiningnan niya ang tumatawag sa kanya, hindi siya pamilyar sa numero kaya
sinagot niya iyon.
“Yes, hello?” bungad niya pero wala
siyang narinig na sagot mula sa kabilang linya. Mabilis siyang napabangon at
kinuha ang mga gamit nang marinig ang sinabi ng tumawag sa kanya. Lakad-takbo ang
kanyang ginawa hanggang sa makarating siya sa may entrance ng hospital at
nakita ang mga kasamahan na nag-aabang sa kanya doon.
“Ako na ang sasama kayo na ang
bahalang maghanda sa mga gamit dito.” Presenta niya.
“Sasama na rin ako hindi natin alam
kung ilan ang mga posibleng nasaktan.” Tumango siya bilang pagpayag sa sinabi
ni Carrie. Sumakay sila sa ambulansya. Pagdating nila sa aksidente ay naririnig
pa nila ang ingay ng mga tao at ang galing sa mga pulis.
May lasing na nag-aamok at nananaga
ng mga sibilyan sa hindi kalayuan sa kanila. May tumawag sa kanila para kunin
ang mga nasaktan at para mabigyan na rin ng first aid treatment. Sinalubong
sila ng mga pulis at ilang mga tao doon.
“Doc, sila po ang mga nasaktan.” She
winced when she saw the victims open wounds. Iyong iba ay mukhang galing sa
trabaho, may couple din na galing sa pagce-celebrate ng valentines day, may mga
estudyante din na napuno ng dugo ang uniporme. Napatingin siya sa may edad na
lalaking nagsisigaw sa gitna ng kalye at may hawak itong itak.
“Dalhin niyo sila sa ambulansya.”
Narinig niya ang mga malalakas na daing ng mga pasyente na halos pumunit din sa
puso niya at sa loob niya ay tinaga na niya ng paulit-ulit ang suspect. But
she’s a doctor, she needs calm down and be sane. “Dahan-dahan lang.” mabilis na
inalalayan ng mga kasama niya ang mga pasyente. Babalik na rin sana siya nang
marinig ang malakas na sigawan ng mga nanonood sa maaksyon na eksena at
pakiramdam niya ay mauubos ang hangin sa kanyang katawan nang makitang hinatak na
suspect ang isang dalagita na napapadaan lang.
Isang nakakabinging tili ang narinig
ng lahat mula sa hostage ng tatagain sana ito ng nababaliw na lalaki kasabay ng
isang malakas na putok ng baril. Para siyang nasa isang pelikula ng mga
sandaling iyon, dumaplis sa braso ng lalaki ang bala at dahil sa gulat ay
nakawala ang biktima. Sabay-sabay na nagsitakbuhan ang mga nakikiusyusong
manonood nang tumakbo sa may gawi nila ang babae. Hindi siya makagalaw dahil
isa lang ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon, ang iligtas ang pobreng
hostage.
Kusang gumalaw ang kanyang katawan
dahil nang yakapin siya ng hostage at nakitang ilang dipa nalang ang layo ng
suspect sa kanila ay mabilis niyang hinarang ang kanyang sarili. Napasinghap
siya nang may maramdaman sakit mula sa kanyang kaliwang balikat pababa sa
kanyang likod at isa pang malakas na putok ng baril na tila ba kay lapit lang
sa kanila.
“You’re okay.” Bulong niya sa
nanginginig na babaeng yakap pa rin niya. Nang lumingon siya ay nakita niyang
nakabulagta ang duguang lalaki sa kalsada ilang pulgada lang ang layo sa kanya.
“Calm down, you are safe now.” Nanginginig pa rin ang babae. Muling sinulyapan
ang nabaril na agad na nilapitan ng mga pulis. Narinig niyang sinabi ng mga ito
na buhay pa ang lalaki at kahit ayaw niya, kahit labag sa loob niya ay wala
siyang maggagawa kundi ang bigyan ito ng first aid. Iyon ang sumpa sa kanyang
sinumpaang propesyon, kahit na gaano pa kasama ang gagamutin mo ay wala kang
choice kundi gamutin ito.
“Ako na ang bahala dito, Xelena.
Ikaw na ang sumama sa mga biktima sa hospital, natawagan ko na si Doc
Sebastian. Paparating na ang ambulansyang magdadala sa taong ito sa hospital.”
Tumango lang siya at dahan-dahan na hinila ang yakap niya. Sa tantiya niya ay
ka-edad lang ito ng nakababatang kapatid ni Xenon. Hindi ito umiiyak pero
nanginginig pa rin ang katawan nito.
“Xelena!” wala sa sariling
napalingon siya sa boses na tumawag sa kanya. Sa kalayuan ay nakita niya ang
mabilis na paglapit sa kanya ni Xenon. Napatitig siya sa mukha nito, parang
nakainom ito ng isang galong suka sa sobrang putla. Kung hindi lang siguro siya
nasa work mode ay baka siya na ang naunang yumakap dito at umiyak. Damn it!
Natakot siya sa nangyari, first time niyang makakita at maka-experience ng
ganoon. Gusto niyang umiyak sa relief pero hindi pwede, kailangan niyang maging
malakas at matapang para sa kanyang mga pasyente.
Iniwas niya ang tingin mula dito at
mabilis na sinamahan ang mga pasyente sa loob ng ambulansya. Kasalukuyan na
binibigyan ng first aid mga nasaktan. Habang papalayo sa lugar na iyon ay hindi
niya maiwasang hindi sulyapan ang pigura ni Xenon na nakatingin lang sa
papalayong sasakyang sinakyan niya. Ano
ka ba Xelena? Ayusin mo ang trabaho mo, buhay ng tao ang nakasalalay dito.
pukaw niya sa kanyang sarili.
Nakarating na sila sa hospital at
sinalubong sila ng mga doctors and nurses na on duty ng mga oras na iyon. Nang
masigurong nabigyan na ng first aid ang mga biktima ay saka siya nakahinga ng
maayos. Hindi malalim ang mga sugat na natamo ng mga ito pero kailangan pa rin
na icheck ang lahat ng vitals para masiguradong okay na ang mga pasyente.
Napahawak siya sa kanyang nasaktang braso at likod, she tried moving it but
ended up wincing in pain. Hinubad niya ang puting coat na suot at napatingin sa
naka-imprintang talampakan ng suspect.
Malakas siyang napabuntong-hininga.
“What a valentines day.” Mahinang usal niya sa kanyang sarili at napa-upo sa
mga bench na nasa labas ng emergency room. Pagod na pagod ang pakiramdam niya
kaya siguro kung pipikit siya doon ay makakatulog nalang siya bigla.
“Two minutes.” Pakiusap niya sa
kanyang katawan. “Let’s sleep for two minutes.”
“Let’s go home.” Napapiksi siya nang
marinig na naman ang boses ni Xenon. Gusto niyang mayamot sa kanyang sarili
dahil sa nangyayari sa kanya. “End of shift mo na, let’s go home.”
“Xe—non?” hindi ba siya
namamalikmata lang at totoong ang lalaki ang kaharap niya ngayon? He is still
wearing the same suit he wore when she saw him a while ago. “Anong ginagawa mo dito?”
“Sinusundo ka.” Hinawakan nito ang
kanyang pisngi and when she felt his warmth she knew he’s really real. “Kinuha
ko na ang mga gamit mo, nasa sasakyan ko na.”
“I have my car.”
“You are too tired to drive,
ihahatid kita sa work mo bukas.” Malumanay at malambing ang bawat salitang
binibitawan nito kaya hindi nakakapagtakang hindi niya magawang makipagtalo
dito. She’s really tired. “Come here.” Dahan-dahan siya nitong inalalayan,
nakahawak sa beywang niya ang isang braso nito at maingat na dinala siya sa
parking lot. Agad niyang nakita ang kotse ng lalaki. “Gusto mo bang sa backseat
ma-upo? You can sleep while I drive.” Tumango siya. Pagbukas nito ng pintuan ay
bumungad sa kanya ang isang malaking bouquet at malaking stuff toy. Napasulyap
siya sa lalaki at naalalang valentines day pala ilang oras na ang nakakalipas.
Napatigil siya sa pagpasok.
“May date ka ba?” inosenting tanong
niya. “Pwede naman akong magbook ng Grab o kaya ay kumuha ng taxi, hindi mo na
ako kailangan pang ihatid pa.” Ayaw niyang madisturbo ito sa date nito. He
deserves to be happy and Neon deserves to have a mother too at hindi siya
papayag na siya na naman ang maging dahilan kung bakit hindi mangyayari iyon.
“Can I have my things?”
Kinuha ni Xenon ang bouquet at
inusog ang malaking teddy bear. “Get inside, Xel.”
“Pero--.” Hindi na siya nito
hinayaan pang magreklamo dahil mabilis siya nitong napaupo doon at nasa
kandungan niya ang magandang mga bulaklak na kinuha nito.
“The stuff toy is a good pillow.”
Kumunot ang kanyang noo. “The bouquet is yours, happy valentines day Xelena.”
Napatitig siya sa bulaklak na hawak. First time niyang makatanggap ng ganoon,
first time niyang makatanggap ng mga bulaklak mula sa isang lalaki na walang
kasamang sarcastic remark. “And the toy is yours too.” Napatitig siya sa mga
bulaklak at malungkot na napangiti.
“You don’t have to give me this--.”
“Kulang pa ang mga iyan sa
lahat-lahat ng naitulong mo sa akin at kay Neon. Pasensya ka na kung natagalan,
may hearing kasi ako kanina at hindi agad ako nalabas sa traffic. Pagdating ko
sa hospital ay ilang minuto nalang at magtatapos na ang Valentines Day at
nakita kitang sumakay sa ambulansya kaya kita sinundan doon.” Hindi siya
nakapalag nang hawiin nito ang ilang hibla ng buhok na tumabon sa kanyang mukha.
“Happy Valentines Day and I’m sorry for what happened.” Tinutukoy yata nito ang
huling encounter nila.
“My arm is okay now, ininom ko ang
gamut ko kaya okay na ako. Huwag ka ng magalit sa akin, please.” How can her
heart beat this guy?
He is her first love, first heart
ache, the first guy who gives her flower and staff toy during valentines day…
her heart can’t bear it anymore.
“Don’t.” mahinang usal niya.
“Yes?” takang tanong nito.
“I forbid you to give me flower or
anything, don’t give me anything. To be too nice to me, just don’t be like
that.” Kung naguguluhan man ito sa kanyang sinabi ay wala siyang pakialam dahil
kahit siya ay gulong-gulo na rin.
“That I can’t do.” Hinaplos nito ang
kanyang pisngi. “I want to give you flowers and things, I want to take you out
for breakfast, lunch, dinner. I want to disturb you during your free time and I
want to talk to you everytime you are available.” Hinuli nito ang kanyang mga
mata. Dahan-dahan na inilapit ni Xenon ang mukha nito sa kanya, his eyes are intently
looking at her slightly opened lips. Alam niya ang gagawin nito at hindi siya
papayag, she needs to save herself.
Mabilis siyang umatras para mabigyan
ng espasyo ang pagitan nila. “I’m sleeping, wake me up when I’m home.”
Isinubsob niya ang mukha sa mabangong staff toy. Gusto tuloy niya sigawan si
Xenon dahil obvious na nagspray ito ng pabango nito doon dahil amoy na amoy
niya ang perfume nito. She heard him chuckle and then gently shifted her legs
position so she can sleep comfortably. Napalunok siya habang pilit na
ini-ignora ang nakakainis na pakiramdam niya. Mas malakas pa sa sirena ng
ambulansya ang tibok ng kanyang puso at signal iyon ng isang panganib.
Nanganganib ang puso niyang muling masaktan ng dahil dito.
<3 <3 <3
A/N: Late Valentines tribute sana ang chapter na ito kaya lang MISSING IN ACTION ako sa araw na iyon, ay mali, missing in action pala ang araw na iyon sa kalendaryo ko kaya ngayon ko lang naipost. Hindi nga mga babies, medyo tense ako lately dahil kaka-submit ko lang sa 3 content papers ko for my thesis writing and I received a text message from the Dean's office last friday at nakiharap ako sa Dean last saturday for the consultations of my submitted titles. May naipasa naman at may thesis adviser na ako.
Alam niyo iyong sobrang dami mong ni-reject na title dahil super dali lang at baka hindi tanggapin tapos iyong ma-a-approved o iyong na-revised na title ay iyon pang na-reject mo. Since nag-graduate ako sa CAS/College of Arts and Sciences at BS Biology ang natapos ko ay nasa mindset ko na talaga na hindi ganoon kadali ang thesis. Kapag thesis ay magastos dahil gumapang ako sa hirap at putikan noong college ako para lang sa leche flan na thesis na iyan. Tapos ngayon, iyong expected ko na mas mahirap at magastos, well--- hindi ako dapat magreklamo sa halip ay dapat maging thankful ako. Mahirap din naman ito hindi lang na-meet iyong 'hirap' na naipasok ko sa utak ko. May malaking boundary talaga iyong thesis sa education at sa pure sciences. Magkaibang hirap. Magkaibang gastos. Pero kakayanin para sa future.
Salamat sa pakikinig!
Love you all babies!
P.S: Ilang week nalang ay tapos na ang school year! Yay! Magbabakasyon sana ako sa Singapore unfortunately dahil sa COVID-19 ay postponed. #SADLIFE
Kapag natuloy ka sa singapore.. pasalubong inang .. chocolates ��
ReplyDelete