15 – CPR
“BAKA
matunaw na si Xelena sa kakatitig
mo sa kanya, Xenon.” Untag ni Timothy na isa din sa mga groomsmen ni Darren.
Nasa reception na sila ng kasal ng kanyang kakambal at dahil siya ang
maid-of-honor ay automatic na naging bestman si Xenon kaya halos magkasama sila
kahit saan at kahit sino ang tatanungin ay mahahalatang nakasunod lang palagi
sa kanya ang lalaki. Nagpanggap siyang hindi napapansin iyon dahil hindi pa
naman niya ito sinasagot hindi dahil sa gusto niyang gumanti sa mga
pang-re-reject nito sa kanya dati, well, partly.
“True, may magaganda rin naman sa
tabi-tabi pero kung makatitig ka kay Doc Xelena ay parang siya lang ang
nakikita mo.” Nanunudyong wika ni Kc ang pinsan ni Pamela.
“Eat.” Sinubuan niya si Neon na
masaya namang kinakain ang Mac and cheese nito. Sa bata nakatuon ang kanyang
pansin lalo pa at hindi naman ito nababantayan ng maayos ni Xenon dahil
tinutulungan din nito si Darren sa mga bisita. Bilang bestman ay assistant ito
ng groom at ganoon din siya. “Yum?” tanong niya sa bata. Sobrang gwapo nito sa
suot nitong maliit na tuxedo at naka-ayos din ang buhok. He looks like a
mini-version of his uncle.
“Yummy.” Pinahid niya ang dumi dulot
ng cheese sa gilid ng labi ng bata. Kinausap na rin niya si Neon na hindi siya
ang mommy nito at mukhang alam naman iyon ng bata at mukhang nasanay na itong
tawagin siya ng mommy at kahit si Xenon ay walang problema sa pagtawag ng
pamangkin nito ng daddy. The child needs a parent, he longs for it. At
napamahal na rin siya sa bata kaya na-attached na siya dito.
“Aww, such as cutie family. Kailan
kayo magpapakasal?” nakangising tanong ni Czarina.
“Next month.” maagap na sagot ni
Xenon.
“But mommy is going to marry me,
Dad.” Singit ni Neon. Napapansin din niyang nag-aaway na ang dalawa sa kanyang
atensyon.
“You are too young for your, Mom.”
Sumimangot si Neon dahil sa sagot ng
uncle nito. “No, you are ugly.”
“You look just like me that means
you are ugly too.” Kumibot-kibot ang labi ng bata at namamasa na ang mga mata
nito. Kaya hinampas niya ang braso ni Xenon dahil inaway na naman nito ang
pamangkin nito.
“Huwag kang maniwala sa daddy mo, he
is ugly but you are not.” Alo niya sa bata na agad namang nagpayakap sa kanya.
“Natalo ka ni Neon, Xenon. Wala kang
panama sa bata.” Pang-aasar ni Timothy dito. Ngumiti lang si Xenon at saka
inayos ang nagulong buhok ni Neon. Kahit na inaasar nito ang bata ay alam naman
nila kung gaano nito kamahal ang pamangkin nito. At dahil sobrang lapit lang
nila at karga niya si Neon kaya hindi siya agad nakakilos ng hawiin nito mula
sa kanyang mukha ang ilang hibla ng buhok na nagkalat sa mukha niya.
“Ay, sheyt. I need a man in my life right now, as in now na.” biglang
bulalas ni Kc. “Excuse me, maghahanap lang ako ng lalaki dito.”
“Ako din.” Sumama naman si Czarina
dito at narinig niya ang malakas na pagtawa ni Timothy na naiwan sa mesa. Mas
pinili nito ang pagkain keysa sa babae, sa pagkakaalam kasi niya ay may
sinusuyo itong babae pero sa kasamaang palad ay mukhang ayaw ng babae dito.
Kung sino man ang babaeng iyon, she made a very good decision dahil siguradong
sasakit ang ulo niya sa lalaki. He is the exact opposite of her man… what the
heck… did she call Xenon as her man?
“Bakit parang ang saya-saya ninyo
dito?” nakangiting tanong ni Yumi na kasama ang asawa nitong si Howard. Kakakasal
lang ng dalawa kaya halatang high na high pa sa pag-ibig. Sunod naman sina
Pamela at Nico, nakababa na ng barko ang lalaki at mukhang nagpaplano na rin na
magpakasal. Naunahan pa nga ito ng kanyang kakambal pero mukhang masaya naman
ang dalawa. “What a happy family? Kailan ang kasal?”
“Next month--.”
“Hindi ko pa siya sinasagot.” Putol
niya dito. “Pinag-iisipan ko pa.” she eyed him intently.
“What? So, anong meron kayo ngayon?
MU? Mutual understanding?” gulat na tanong ni Pamela. “Kahit sinong tanungin
niyo dito sa venue ay mag-aakalang you are together na, right Yumi?”
“Huwag mong i-pressure si Xelena
baka hindi na talaga niya sagutin si Xenon at magwala pa dito iyan.” Natatawag
pigil ni Timothy sa mga panunukso ng mga bagong dating.
“Sa mukha niyang si Xenon alam din
natin na hindi niya tatantanan si Xelena hangga’t hindi niya nababago ang isip
niya.” Ngumiti si Yumi sa kanya. “Hindi ba aalis ka bukas papuntang New York,
Xelena?”
Naramdaman niya ang pagtitig sa
kanya ni Xenon hindi pa pala niya nasasabi dito na aalis siya bukas. Iyon sana
ang gusto niyang sabihin nito kaso dahil sa sobrang naging busy sila ay hindi
na niya nasabi pa.
“Neon, gusto mong magplay? Sama ka
kay Tito Tim.” Sumama naman ang bata kay Timothy.
“May kukunin pa pala akong food,
Howard samahan mo ako.” Nagsipulasan ang mga kasama niya sa mesa hanggang sa
silang dalawa nalang ang naiwan.
“Bukas ka na aalis?” kalmado ang
boses nito pero batid niyang hindi maganda ang mood ng binata. “Bakit hindi mo
sinabi?”
“Sasabihin ko sana kaso naging busy
tayo pareho.”
“At kailan mo sasabihin sa akin?”
“Tonight kaso naunahan na ako ni
Yumi.” She remained calm. Narinig niya ang mahinang pagbuntong-hininga nito at
saka tumayo kaya kahit anong sabi niya na kalmado lang siya ay parang dumami
ang asido sa tiyan niya habang naghihintay ng sagot ng lalaki.
“I’ll get a drink first, stay here.”
Kalmado nitong utos sa kanya, he really looks and sounds so calm but knowing
Xenon alam niyang hindi ito kalmado. Sinundan niya ng tingin ang lalaki pero
nakuha ng cellphone nito ang kanyang atensyon. May tumatawag dito at dapat
hindi niya iyon pakialaman pero kusang gumalaw ang kanyang kamay at sinagot ang
tawag.
“Hello?”
“Attorney Larriaga, na-i-send na ng
IT expert namin ang video na hinihingi mo i-check mo nalang ang video.”
“Sasabihin ko po.”
“Hindi ikaw si Attorney? Secretary
ka ba niya?”
“Ye-yes. Medyo busy siya ngayon.”
Nakatalikod pa rin sa kanya ang lalaki.
“Sige Miss, sabihin mo kay attorney
na tatawag akong muli.” Nag-end na ang call at tumunog naman ang notification
button.
“Video clip?” nagtataka siya dahil
nakaka-access siya sa cellphone ni Xenon ng ganoon-ganoon lang. He is a lawyer
and his phone is very important when it comes to private matters kaya dapat ay
mas maingat ito. Ibabalik na sana niya sa mesa ang cellphone ng aksidenteng
ma-press niya ang notification at bumukas ang video clip. She is about to close
it but then the video itself made her stopped that. Napatitig siya sa video at
napasinghap.
Biglang nanginig ang kanyang palad
at nanlamig ang kanyang buong katawan. Hindi niya alam kung ano ang
mararamdaman sa mga oras na iyon pero bigla nalang lumakas ang tibok ng kanyang
puso kasabay ng biglang pag-iinit ng kanyang mga mata.
“Damn it, hindi ka pwedeng umiyak
dito.” itinaas niya ang kanyang mukha upang pigilan ang pagtulo ng luha at
masira ang kanyang make-up. Tumayo siya at nagmamadaling lumabas upang
makalanghap ng sariwang hangin at ng malinawan ang kanyang pag-iisip.
“Oh, God. Alam niya.” Nakarating
siya sa garden na tago mula sa mga bisita. “Kailan pa niya alam?”
Para siyang tanga na palakad-lakad
sa dalawang metrong espasyo doon. She is overthinking again and with a mindset
like her alam niyang matatagalan pa siya bago makapag-isip ng tama. She needs
to calm her nerves, her anxiety is kicking in.
“Not now Xelena, not in your
sister’s wedding. Pretend that you know nothing.” Ilang inhale at exhale ang
ginawa niya bago siya nakapagdesisyon na babalik na. “Ayyy!” napatili siya ng
bumangga siya sa isang tao. Maagap na nakuha uli niya ang kanyang balanse at
nang makilala ang taong nabangga ay bigla siyang napaatras. Pretend that you know nothing. Utos niya
sa kanyang sarili. “A-anong ginagawa mo dito?” Just pretend that you know
nothing.
“Are you still going to pretend that
you didn’t see it?”
Pretend.
“What? Nagpapahangin lang ako dito. Babalik na ako sa loob dahil baka
hanapin ako ni Xylee.” Lalagpasan sana niya ito pero mabilis nitong nahawakan
ang kanyang braso. She clenched her fist tightly she doesn’t want him to feel
her anxiety.
Hinila siya ni Xenon hanggang sa
naramdaman nalang niya ang dalawang braso nitong nakapulupot sa kanyang
katawan.
“Kailan mo pa alam?” hindi na niya
napigilan ang sarili at hinayaan na umagos ang luha mula sa kanyang mga mata.
“Matagal na pero kahit hindi ko
malaman ay wala rin naman akong pakialam. Pero noong nalaman ko ang lahat, ang
dahilan kung bakit kahit na mahal mo ako ay pilit mo akong itinutulak palayo sa
iyo ay mas lalong tumibay ang kagustuhan kong makuha ito. Yes, call me evil but
I am about to use the video against you. Gusto kong pilitin ka na tanggapin ako
sa lalong madaling panahon. Hindi ako ganoon kabait at hindi rin ganoon kataas
ang pasensya ko when it comes to you.” Humigpit ang hawak nito sa kanya.
“You knew.” Naramdaman niya ang
paghaplos nito sa kanyang likod. “Hindi mo dapat malaman iyon.”
“Malalaman ko rin ang lahat, Xelena.
Kahit hindi mo sabihin ay malalaman ko rin and you don’t have to hide that.”
Umiling siya. “Nahihiya ako sa iyo
kaya nga sinabi ko sa iyo I don’t deserve you. You deserve someone--.” Pinigil
nito ang lahat ng sasabihin niya sa pamamagitan ng mga labi nito. A soft,
gentle yet urging her for response.
“Kiss me.” He whispers to her. “I
want it.” He doesn’t sound so gentle at all. “Fast.” At kahit ayaw niya—damn
it! She wants it and she can’t deny it anymore. She opened her lips for him to
devour and he seems to be pleased by her action. Hindi niya alam kung ikaw
minuto bago siya nito bitawan. “I think your phrase was wrong.”
“Hmnn.” She is still flushing from
the kiss.
“I don’t deserve a wonderful woman
like you. But heck with that, I want you in my life and you’re the only woman I
want so curse me. Hindi na kita papakawalan.” Hinaplos nito ang pisngi niya.
“You stopped shaking.” he planted a kiss on her forehead down to the tip of her
nose and back to her lips. “Don’t be mad at me I was really planning on forcing
you and I won’t lie about that.”
“You are a sly wolf, Xenon.” She
finally found her tongue.
“That’s a revenge.” Marahan nitong
hinagkan ang kanyang pisngi.
“Revenge on me? For keeping the
secret?” And she is still making herself sane dahil kapag ipinagpatuloy pa nito
ang ginagawa nito ay baka… baka hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili.
“Yes. It’s a bit unfair though, you
remembered everything about that night but the things I remembered are the
stai--.” Maagap niyang tinakpan ang bibig nito.
“Don’t say anything.” Tinanggal
naman nito ang palad niya. “Please, don’t.”
“Why?”
“Iiwanan talaga kita dito at aalis
ako bukas ng hindi nagpapaalam sa iyo and I won’t even say I love you too.”
“You said it.”
“What?” takang tanong niya.
“You said you love me too.” Lumapad
ang ngiti nito.
“No--.”
“Finally.”
“Teyka lang, wala naman akong sinabi
ah.”
“Do you love me or not?”
“I love you.” Napabuntong-hininga
siya dahil dito. “I hate you.”
“Will you marry me?”
“Kakasagot ko lang sa iyo at iyan na
agad ang tinatanong mo? No, I am not going to marry you. Yet.”
Muli siya nitong niyakap at ramdam
niya ang malakas na tibok ng puso nito. Words may lie but a person’s body
can’t. “Ang lakas ng tibok ng puso mo, para kang magkaka-cardiac arrest.”
“Xenon, Xelena, anong ginagawa ninyo
diyan?” pareho silang napapitlag ni Xenon nang marinig ang boses ni Vanessa na
napadaan lang sa may area na iyon.
“Nahihirapan akong huminga sa loob.”
Si Xenon na ang sumagot pero hindi naman siya nito binitiwan. “She is giving me
a CPR.” Isang malakas na singhap at malakas na hampas ang natanggap nito mula
sa kanya.
“Ohhh, alright. I won’t disturb your
CPR, enjoy… I mean keep healthy.” Nasubsob niya ang mukha sa dibdib nito.
“I want a CPR.” Bulong nito sa
kanya, oh well, she’s a doctor at ano pa ba ang dapat gawin niya kundi ang
bigyan ito ng first aid care?
TBC
PHOTO CTTO
<3 <3 <3
A/N: Pagkatapos kong magsulat ng grades sa cards and sa form 10 kahapon ay sinulat ko ang chapter an ito out of the blue, pwede na nga siyang i-upload na rin after that pero habang nagsusulat ako ay narealized kong parang may mali at feel ko siyang ulitin. Since nasa ganoon akong state kaya natulog nalang ako at inisip kong uulitin ko bukas kapag natapos ko ng isulat ang date of attendance sa cards pati na rin ang age ng mga bata. Kaso paggising ko ay na-trap na naman ako sa panonood ng tiktok videos kahit wala akong entry doon tapos iyong friend ko na nasa Indonesia na nag-te-teach ay inaya akong mag-Mobile Legend until evening. WALA akong natapos, naka-pending pa rin ang hindi tapos na cards at itong balak ko sanang ulitin? HIndi ko na na-change, bahala na, ipo-post ko nalang ang nakayanan kong isulat last night tapos magdadagdag nalang ako ng epilogue kahit short lang.
Tapos kanina habang nagbabasa sa group chats na naka-mute ay may nasagap akong balita, magkaka-enhanced quarantine na daw dito sa amin. Sa part ko wala namang problema dahil taong bahay nga ako pero kawawa pa rin iyong mga maapektuhan although may nababasa akong mga tweets and posts na okay lang sila na magsacrifice sa work as long as healthy lang sila.
Ngayon ko lang na-realized ang mga bagay-bagay, kahit gaano kapabaya ang mga Pilipino ay kapag nasa bingit na ng kamatayan ay mababago at mababago ang pananaw at lifestyle sa buhay. Magka-iba ang perspective ng mga tao, iba ang perspective ng mga may kaya at middle class sa nasa lower class aminin man natin iyon o hindi. Iba din ang perspective ng mga estudyante na umaasa pa sa parents nila, sa mga students na nagpapart time job para mabuhay at makapagtapos, sa mga tambay na talga sa bahay, sa mga simple na manggagawa na no work and no pay, sa mga nagwo-work na no work but with pay, at sa mga hindi na kailangan ng work kasi mayaman na sila talaga. Mahirap i-unite ang mga taong iba-iba ang pananaw sa buhay dahil kahit anong sabihin mo ay hindi talaga nila maiintindihan ang perspective na gusto mong ibigay dahil iba din naman ang point of view nila. HAYYYy, at alam niyo iyong nakakainis pa. Iyong kasamahan mo sa trabaho na kung anu-ano nalang ang shine-share sa fb at sa mga gc namin, iyong mga balitang hindi naman valid, iyong gawa-gawa lang. Tapos hindi pa marunong magbasa at mag-analyzed ng binabasa. Diyos ko, hinid ako naiistress sa bayyyrrruuuusss na iyan kundi sa mga kasama ko. Think before you share.
P.S: May part 2 pa itong mahabal author's note.
LOVE,
INANG
I have this friend po na Ang hilig mag share my mga news na Hindi naman validated or fake news po. Kaya andaming mga indibidwal ang naloloko or napapaniwala sa mga maling impormasyon.
ReplyDelete