Friday, March 20, 2020

Black Magic 6 - Heal Love: 13 - X-RAY


13 – X-RAY
            “GOOD MORNING Attorney Larriaga.” Bati sa kanya ng police detective na kasama niya sa pagpunta sa dating condo unit na tinitirahan.
            “Good morning too Gomez.”
            “Nagtanong-tanong na ang mga kasamahan ko dito kahapon nang ibigay na sa amin ng head namin ang go signal at ang permit.” Tumango siya. “Karamihan sa mga nakatira dito ay mga bago, iyong iba naman ay walang matandaan sa mga nangyari at hindi rin natin sila masisisi dahil lampas isang dekada na rin nang mangyari iyon.” Totoo ang sinabi nito dahil kahit siya ay wala ng maalala at kung meron mang kahina-hinala noon ay hindi rin niya malalaman.
            “Nakausap ko rin ang head security ng condominium, pumayag ang may-ari ng halungkatin natin ang mga recorded CCTV footages pero hindi sila sure kung may na-saved pa ba na videos dati at iba na rin ang head ngayon.” Dugtong nito.
            “Let’s try, there’s no harm in trying.” Habang papunta sa opisina ng security head ng lugar ay napabuntong-hininga siya.
            “Mukhang may mabigat ho kayong problema.”
            “I do have one.” At nailing na napangiti habang nag-flashback sa kanyang utak ang mukha ng taong nagpapahirap sa kanya ngayon. Yes, mahirap ang kasong hinahawakan niya pero hindi hamak na mas mahirap paamuhin si Xelena. Nakaka-frustrate ito, alam niyang may nararamdaman ito sa kanya at hindi naman iyon itinanggi ng babae pero ayaw siya nitong tanggapin. Sarado na ang utak nito na tanggapin siya sa buhay nito at hindi na niya pwedeng gamitin ang pamangkin dahil napagalitan na siya nito. But he is not Xenon Larriaga for nothing, he will move heaven and earth for her to accept his feelings. “A very hard case.”
            “Babae po ba?”
            “Yeah, nililigawan ko.”
            “Mukhang na-busted po kayo.” Natatawang biro nito.
            “Ilang beses na rin.”
            “Kung ayaw po talaga ay marami naming magagandang babae diyan.” Umiling siya sa suhestiyon ng pulis.
            “I want her, siya lang ang gusto kong babae.” Muli itong natawa dahil nagtunog desperado na siya, well, he is really desperate. “May nararamdaman din siya sa akin pero ayaw niyang tanggapin ang nararamdaman ko.”
            Kumunot ang noo nito. “May babae bang may gusto sa iyo at alam na may gusto ka rin sa kanya tapos iba-basted ka rin?”
            “Meron, iyong babaeng nililigawan ko.”
            “Baka mali ang panliligaw mo attorney o kaya naman ay mali ang strategy ko. Pagselosin mo, mas mabilis na paraan iyon.”
            Magalang na ngumiti siya sa kausap. “I don’t like the idea, she’ll be hurt if I do that.” Naramdaman niya ang mahinang pagtapik nito sa kanyang balikat.
            “Maswerte ang babaeng mamahalin mo attorney, malas lang niya kung pakakawalan ka pa niya. You are the golden boy.” Natawa lang siya sa sinabi ng may edad na pulis. Hindi niya masabi dito na kinakarma na siya sa mga pagtanggi niya noon kay Xelena. Parang nauulit ang dati but this time siya naman ang naghahabol. May isang bagay lang siyang pinagtatakahan, hindi nito sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit tumigil ito dati sa paghahabol sa kanya. He is pretty curious though. “Nandito na tayo.”
            Sinalubong sila ng bagong head ng security department ng condominium at pagkatapos ipakita ang proof na pwede silang mag-imbestiga ay may ibinigay ito sa kanilang flash drive. Iyon ang mga footages na na-retrieved ng mga ito sa dating computer na ginagamit nila. It’s better than nothing. Pinagamit din sa kanila ang malaking screen para hindi na sila mahihirapan pa.
            “Malabo pa ang mga footages dahil hindi pa upgraded ang mga CCTV noon.” Paliwanag sa kanila ng head security. Inisa-isa nila ang mga hindi corrupted na mga files, gusto niyang matawa dahil may mga footages na nakikita niya ang sarili niya.
            “Stop.” Agad na na-i-pause ng kasama ang iilang mga videos na sabay-sabay na nag-flash sa screen. “Iba-ibang araw ito hindi ba?”
            “Yes, attorney.” May itinuro siyang isang lalaki na naka-cap at padaan-daan sa harap ng unit na dating tinutuluyan ng kanyang kliyente. Napapansin niyang hindi lang iisang beses na nakita niya ang pigurang iyon habang pinapalabas ang mga videos.
            “This person, kahawig niya iyong asawa ng nag-adopt ng bata.” Ini-highlight ng pulis ang itinurong tao niya sa screen. Hindi siya pwedeng magkamali, kahit na tumanda ang lalaki ay kapansin-pansin pa rin ang similarities ng dalawa. “At hindi lang iisang beses siyang dumaan sa harap ng unit ng mag-asawang kliyente ko.”
            “Mukhang may malakas na ebidensya na tayo, attorney.” Tumango siya kahit na circumstancial evidence pa lang ang kanyang nakukuha ay pwede niya iyong gamitin sa korte. “May listahan po ba kayo ng mga tumira dito sa condo unit o kaya naman ay log book? Possible nating makuha ang mga pangalan na mag-ma-matach sa mga suspect.”
            “Pwede po tayong mag-request sa admin pero hindi ko po alam kung papayag sila, nakasalalay din po doon ang privacy ng mga tenants dito.” naiintindihan niya iyon.
            “How about this, can you ask if may nag-match ba sa system nila na ganitong pangalan.” Ibinigay niya ang maliit na papel na sinulatan niya ng pangalan ng mag-asawang suspect.
            “Sige po attorney.” Pagkalabas ng head security ay ipinagpatuloy nila ang pagba-browse sa mga videos. Sayang lang at marami ang hindi accessible na videos dahil na-corrupt na sa tagal ng panahon. Habang inisa-isa ang mga ito ay may bigla kumuha ng kanyang pansin na isang panel doon. Kumunot ang kanyang noo dahil kilala niya ang tao sa video. It was him!
            Sa video ay may umaalalay sa kanyang babae at biglang kumabog ang puso niya dahil kahit hindi visible sa screen ang mukha ng babae ay kilala niya ito. Kilalang kilala! Ipinagpatuloy niya ang panonood ng video, lasing siya doon, naalala niyang nagkainuman sila ng mga classmates niya at hindi nga niya maalala kung paano siya nakauwi. May ibinigay siyang susi sa babaeng kasama at iyon ang ginamit nito para buksan ang kanyang silid. Parang may humalukay na asido sa kanyang sikmura habang nakikitang pumasok silang dalawa sa kanyang unit at sumara iyon. Pinindot niya ang fast forward, may ilang part na pixelated na pero marami pa rin ang medyo malinaw.
            “Damn!” mahinang mura niya ng makitang lumabas sa unit niya ang babaeng naghatid sa kanya. Gusto niyang magmura ng malakas dahil unti-unting nagtagpi-tagpi ang mga sagot sa kanyang mga tanong. It’s Xelena! Hindi siya pwedeng magkamali.
            Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pilit na inaalala ang mga ala-ala. He was drunk at the bar, inihatid siya ng mga kasama sa labas ng condo at may babaeng lumapit sa kanya. Hindi niya maalala ang mukha ng babae dahil na rin sa kalasingan. She offered him some help which he really needs at the moment and something happened. Akala niya ay random hook up lang iyon at agad din na umalis ang babae. Pagising niya ay wala na siyang kasama at ang meron lang ay ang ebidensya na may babae nga siyang kasama ng nakaraang gabi.
            “Can I have a copy of this footage, Gomez?”           
            “Bakit?” takang tanong nito.
            “May pusa lang akong huhulihin.” Now it sinks in, after that night ay hindi na niya muling napansin na umaaligid si Xelena sa kanya. Mukhang ito nga ang dahilan. He can’t hide his grin, with this evidence he can now trap his wild vixen.

            TAHIMIK na ibinigay niya kay Xenon ang sobre na may lamang DNA results mula sa hospital na ipinakiusap nitong dalhin niya. Hindi niya maintindihan kung bakit siya pa ang pinakuha nito kung pwede namang sadyain nalang nito iyon doon.
            “Thanks Xelena you are really an angel.” Kasing lapad ng universe ang ngiti nito nang makita siya. Nagdugtong ang kanyang kilay habang tahimik lang na nakatitig dito, kakaiba kasi ang awra ng lalaki. Para bang nanalo ito ng limang bilyon sa saya.
            “Kunin mo na nangangawit na ang braso ko.” Pasado alas onse na rin ng gabi kaya medyo grumpy na siya. Hindi lang iyon ang ikinakainis niya, lumabas ba naman itong halos kita na ang buong kaluluwa nito! Gusto niya itong sigawan na huwag lumabas ng naka-topless at naka-boxer shorts dahil baka pagsamantalahan ito ng mga kapitbahay niyang desperada na rin na makapag-asawa.
            “Pasok ka muna.” Kumunot muli ang kanyang noo.
            “Kunin mo na dahil aalis na rin ako.”
            Muli itong ngumiti sa kanya. “Turn off your car’s engine first. Kailangan kong magpa-explain sa iyo tungkol sa result ng test.”
            “Self-explanatory na iyan.”
            “I need to record your voice while you explain, mas maganda at valid pa rin kapag galing sa doctor.”
            “Hindi ba pwedeng bukas na lang at sa hospital dahil sa tingin ko iyon ang mas valid.” Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.
            “You are really cute when you are grumpy. Give me your keys.”
            “For what?” inis na tanong niya.
            “I’ll turn off your car’s engine and wait for me inside.”
            “No need, dito nalang--.” Hindi na siya nakapalag nang hilahin siya nito papasok ng bahay nito. “Ano ba Xenon? Masyado ng gabi--.”
            “Ssshhh, you’ll wake up our son.” Malakas na napabuntong-hininga siya at nang lalabas na ito ay pinigilan niya ang lalaki.
            “It’s off and can you wear a shirt? Hindi maganda ang panahon ngayon baka magkasakit ka at mahawaan mo si Neon.”
            Isang matamis at nang-aakit na ngiti ang ibinigay nito sa kanya, nagtataka siya sa mga ikinikilos nito dahil mas lumalala ang mga iyon keysa noong tanggihan niya ang nararamdaman nito sa kanya.
            “Nag-aalala ka sa akin?”
            “Nag-aalala ako kay Neon.” At sa sarili ko.  Halos hubad na ito sa harapan niya at kahit na ilang taon na ang nakakaraan at kahit isang beses lang na nangyari iyon ay hindi niya pa rin iyon nakakalimutan. Pasimpleng inilayo niya ang mukha mula sa lalaki dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at bigla nalang itong lundagin. Wala siyang tiwala sa sarili niya kaya mabuti ng may tamang layo sila. “Let’s get this started.”
            “Kumain ka na?” hindi pa siya kumakain dahil nawala ang gana niya nang ma-stuck sa siya sa traffic.
            “Yes.” Of course she won’t tell him.
            “I haven’t taken my dinner yet, samahan mo muna ako.” Muling nagdugtong ang kanyang mga kilay sa sinabi nito. “Inihatid ko si Neon sa bahay nina Mama at kakauwi ko lang din.” Hindi na nawala ang pagtataka sa mukha niya sa sinabi nito.
            “Sinabi mo kanina na natutulog si Neon.” Akusa niya dito.
            “Did I say that?”
            “Xenon, ano bang trip mo?”
            Nag-iwas ito ng tingin. “I-cha-charge ko muna ang cellphone ko, drained na ang battery.”
            “Just use my phone.” Ibinigay niya ang cellphone niya dito. Ayaw niyang manatili pa sa bahay ng lalaki. Nakatitig lang ito sa cellphone na para bang kapag kinuha nito iyon ay sasabog nalang iyon bigla.
            “Is it okay?”
            “Why not?”
            “Then I’m going to see you early tomorrow so I can get a copy of the video.”
            “I can transfer the video after we take it by that time na-charge na ang battery ng phone mo.”
            “Too bad I think I left my charger in the office.” Tinaasan na niya ito ng kilay
            “You know what pwede ba kitang sakalin?” napaupo siya sa sofa nito dahil sa pagod. Inuubos nito ang natitirang enerhiya na meron siya. “Can we get over this, I’m really tired.”
            “We can really do this tomorrow, I’m sorry.” Sinulyapan niya ito, he is now wearing a shirt but it didn’t help her feel at ease.
            “Let’s do this tonight, I’m on leave tomorrow in preparation for my sister’s wedding baka hindi mo ako maabutan na gising bukas.” Mabilis siyang tumayo para lang mapaupong muli dahil bigla siyang nahilo. Mabilis na umalalay sa kanya si Xenon.
            “Magpahinga ka muna Xelena.” Seryoso na ang boses nito.
            “Uuwi na ako.”
            “Nahihilo ka na sa pagod at hindi ka na makakapag-drive dito ka nalang matulog.” Tinaasan niya ito ng kilay. “Hindi pa naman kita gagapangin unless you approved.” Kusang kumilos ang kamay at kinuha ang throw pillow na nasa tabi niya at hinampas ito. Narinig niya ang mahinang pagtawa ng lalaki. “Pananagutan naman kita.” Kumunot ang kanyang noo.
            “Huwag ka ngang magbiro ng ganyan hindi ka na nakakatawa.” Tinulungan siya nitong umupo ng maayos pero mas nailing lang siya dahil sa pagtitig nito sa kanya. He is bluntly staring lovingly at her. Ayaw niyang mag-assume pero halatang-halata ito.
            Tumikhim ito pero nakatitig pa rin sa kanya. “You are still beautiful even if you have dark circles in your eyes.” Tila nanghina ang kanyang kalamnan ng hawakan nito ang kanyang palad at dinala sa mga labi nito. “Kailan mo ako sasagutin?”
            Hinila niya ang kanyang palad na hindi naman nito pinakawalan. “Sinagot na kita.”
            “Tell me how to change your NO to YES?” Umiling siya. “You are really frustrating.” Totoo iyon dahil kahit siya ay nafu-frustrate na rin sa kanyang sarili. Nakatitig ito sa kanya na para bang nakikiusap sa kanya na magbago ng isip.
            Napalunok siya. “I need to tell you something.” Kung may x-ray vision lang siguro si Xenon ay malamang makikita nito kung gaano kabilis ang tibok ng kanyang puso. Ang utak niya ay tila nagkaroon ng sariling buhay dahil nagparty-party na rin ang kanyang mga brain cells. “May—may--.” Handa na ba siyang sabihin dito ang totoo. “I can’t.” nanghihinang ani niya. “You’ll hate me.”
            “Wala kang kailangang sabihin sa akin Xelena, wala akong itatanong. Kung may sasabihin ka ay handa akong makinig at kung anuman ang sasabihin mo ay hindi magbabago ang pagtingin ko sa iyo. I will love the black and white version of you.” He sounds so assuring at dapat ay panghawakan niya iyon. How to be brave? Can anyone tell her how to be brave dahil sobrang daling isipin na sabihin niya ang totoo pero bakit sobrang hirap na gawin?

TBC
PHOTO CTTO

<3 <3 <3
A/N: Habang ini-enjoy ang quarantine... Ayoko pong mang-offend lalo na sa mga nahihirapan ngayon dahil sa community quarantine, sa mga no work no pay na mga workers natin at lalo na sa mga frontliners na kahit na may pamilya ay mas piniling manatili sa mga hospitals at kalsada to secure our safety. Isa po tayo sa mga maswerteng nasa bahay kasama ang ating mga pamilya at may kinakain sa mesa. Pero back to 'habang ini-enjoy ko ang quarantine' yup, isa ako sa maraming tao sa mundo na nag-e-enjoy na manatili sa bahay dahil kahit walang quarantine ay sa bahay lang talaga ako. #Taongbahayforever. So, while browsing youtube biglang nag-pop up ang isang recommendation and I clicked it really fast, why not? Iyong nasa thumbmail ay ang forever bias kong si Cai Xu Kun (Chinese po siya). Sa mga matagal ng naka-follow sa akin sa wattpad ay baka napansin niyo na two years ago ay sobrang humaling ako sa Idol Producer (ang chinese versin ng produce 101 ng mga Korean) at doon ko nakilala si Kun2x. So, hindi lang po siya ang nasa thumbmail dahil nandoon po si Lisa (Blackpink). I'm not really a fan of K girlgroup but I know them dahil na rin sa mga students ko at nababasa, nakikita sa FB and other SOCMED. Habang pinapanood ang kanilang interaction ay ang nasa isip ko, hindi sila pwedeng i-ship... ayoko... bawal... don't... but then my ship is sailing. Ang cute nilang dalawa, my writer heart's imagination is running wildly. So, ayun, sa halip na matapos ko ito ay nagfangirling muna ako ng saglit. Hahahahahaha.
Sorry sa mahabang author's note, I just can't contain the kilig anymore. 
LOVE YOU ALL BABIES!

LOVE,
INANG


1 (mga) komento:

  1. Enjoy akong basahin lahat ng authors note mo inang. Mas nakikilala ka nmin ng mga readers mo ��

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang