12 – DEFIBRILLATOR
ISANG
malakas na buntong-hininga ang
pinakawalan ni Xelena habang naka-upo sa pinakasulok ng clubhouse dahil hindi
niya maintindihan kung bakit gustong-gusto ni Timothy A.K.A president ng
kanilang homeowners association na magmeeting. Napapansin na niyang sa loob ng
isang buwan ay dalawang beses itong nagpapameeting. Okay lang naman iyon dahil
palaging may pagkain kaya hindi sila nagugutom kaso wala siya sa mood na lumabas
ngayon. Wala ang kanyang mga magulang dahil sinamahan ng mga ito sina Xylee at
Darren sa coordinators. Ilang linggo nalang ay kasal na ng dalawa, nag-leave
ang kapatid niya sa trabaho dahil nai-stress na ito sa paghahanda. Malay ba
niyang nakakapagod pala iyon, kahit na may coordinators ay ngarag pa rin ang
kapatid niya.
Akala niya ay masasabi na niya ang
lahat kay Xylee noong nag-usap sila pero hindi niya nagawa, hindi niya magawa.
Muli ay napabuntong-hininga siya dahil hindi niya alam kung paano bubuksan ang
topic na iyon kahit kanino. Hindi naman pwedeng sabihin niya na ‘hey, pinasok ko ang condo unit ni Xenon dati
at may nangyari sa amin na hindi niya alam’. Mabilis niyang sinapok ang
sarili dahil sa naalalang kagagahan niya. Ilang beses na ba niyang sinampal ang
sarili at inumpog sa pader? Hindi na niya maalala, dahil nahihiya siya sa
kanyang sarili at nahihiya siya sa kanyang ginawa.
“Uh-huh…” napapitlag siya nang may
maramdamang maliliit na mga kamay na humawak sa kanyang binti. Binati siya ng naluluhang
mga mata ni Neon na naging dahilan kung bakit tila may malaking palad na
kumurot sa kanyang dibdib. “Ne-Neon.”
“Mo—mmy.” Tuluyan ng umiyak ang
bata. Hindi iyon iyong klase ng iyak na kulang nalang ay bulabugin ang buong
clubhouse sa lakas. It was a silent cry, a painful cry. “Mommy.” Pinigil nito
ang pag-iyak at yumakap sa braso niya. “Am I a bad boy?” mahinang tanong nito
sa kanya. “Sorry if naging bad boy ako kaya nagalit ka sa akin. I’m sorry.”
Darn
it! Hindi niya anak ang bata pero hindi niya kayang nakikita itong umiiyak
ng ganoon parang sasabog ang puso niya sa sakit. Mabilis na kinarga niya si
Neon at niyakap ang bata.
“Don’t cry baby, wala kang
kasalanan.” She wiped his tears with her fingers. “Don’t be sorry, Mommy is
just so busy.” Suminok ang bata.
“Hindi ka galit sa akin?”
“I’m not.”
“I told you Neon, she’s not mad at
you. She’s mad at me.” Parang may malamig na tubig na bumuhos sa kanya nang
marinig ang boses ni Xenon mula sa kanyang likuran. She won’t deny it, she’s
really mad at him, hindi niya kaya itong harapin at hindi niya kayang sabihin na
galit siya dito. Anong karapatan niyang gawin iyon?
“Little kiddo, kay tito Rad ka muna
sumama. Mag-uusap lang sina kuya at si ate Xelena.”
“No.” pigil niya kay Radon dahil
ayaw muna niyang kausapin si Xenon. “Dito muna sa akin si Neon.” He is her
defense mechanism but the little child wriggled from her grasps and went to his
uncle Radon. Sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi niya namalayan na nahawakan
na pala siya ni Xenon at mabilis na nahila papalabas ng clubhouse.
“A-ano ba Xenon? Ayokong magbayad ng
fines kay Timothy, malapit ng magsimula ang meeting.” She tried pulling her
arms from him but he refused to, he just tightened his grip.
“We are going to talk.”
“A-after the meeting.”
“Tatakas ka lang and don’t worry,
kinausap ko na si Timothy.”
“What? Wait--- teyka, sandali lang!”
nakarating sila sa isang tagong bahagi ng park na malapit sa clubhouse. “Xenon,
ano ba?!” sa wakas ay binitiwan na nito ang kanyang mga braso pero mabilis
naman siya nitong nabilanggo sa pagitan ng dalawang braso nito. “Ano ba ang
problema mo?”
“Malaki at may kinalaman iyon sa
iyo.” Nagdugtong ang kanyang kilay at napatingin dito. Huli na para magbawi ng
tingin dahil hindi na siya makakawala sa tingin nito sa kanya. May kung anong
hindi magandang pakiramdam na namayani sa kanyang dibdib nang makita ang mukha
ng lalaki. He still looks so handsome, it wouldn’t change kahit na magunaw pa
man ang mundo, but he looks tired too. “Bakit mo ako iniiwasan?”
“I’m not.” She denied.
“You blocked me, hindi kita
ma-contact and don’t deny that. I’m a lawyer Xelena, hindi ka pwedeng
magsinungaling sa akin.” Iyon din ang unang beses na ginamitan siya nito ng
ganoong tono ng boses. Para siyang kriminal na ini-interrogate nito. “Why?” he
even sounds so tired and desperate. “May naggawa ba akong masama sa iyo? Did I hurt
you again? Please tell me, I can change let me change it.”
Kumunot ang kanyang noo. “Kahit na
saktan mo ako Xenon ng paulit-ulit papatawarin pa rin kita at alam mo iyon. Kahit
may nagawa kang kasalanan sa akin ay hindi naman ako gaganti sa iyo.” She wanted
to cry but she can’t. Natigilan ito sa kanyang sinabi at maang na napatitig sa
kanya. “Wala akong karapatan na magalit sa iyo, wala akong karapatan na
gumanti. I owe you a lot.”
“Hindi kita maintindihan.” Naguguluhang
sabi nito.
“Alam ko na ang totoo, bakit mo
ginamit si Neon?” napakurap ito at base sa reaksyon nito ay halatang guilty
ito. “Bakit hindi mo sinabing anak pala siya ng ate mo? Bakit sinabi mong hindi
siya nakakapagsalita? Ano ba ang rason mo at hinayaan mo akong pumasok muli sa
buhay mo? Noong unang beses na nagkita tayo ako ang lumayo, alam mo iyon, ayoko
ng muling mapalapit sa iyo pero bakit gumawa ka na naman ng paraan para
makalapit ako sa buhay mo? Is this a game? A revenge game for what I did
before? Humingi ako ng tawad pero pinaikot-ikot mo lang ako sa palad mo. Hinihintay
mo bang muli na naman akong mabaliw sa iyo at kapag nangyari iyon ay
i-re-reject mo na naman ako?”
“Teyka lang, you are jumping into
conclusions. Hayaan mo muna akong magpaliwanag. Hindi mo pa naririnig ang side
ko ay hinatulan mo na agad ako. That’s not how it works, Xelena. You need to be
fair and hear my side as well.” Tila natataranta nitong pigil sa kanya.
“Ayokong makinig sa iyo.”
“You don’t have a choice. Hindi kita
papakawalan dito hangga’t hindi ka nakikinig. Please, listen to me.” Umiling siya
at itutulak sana ito nang hawakan nito ang kanyang magkabilang pisngi at
mabilis na sinakop ang kanyang mga labi. Tila naging estatwa siya na nakadikit
sa puno ng narra kung saan siya nakakulong. Ilang beses siyang napakurap at
tila tinakasan na rin siya ng kanyang ispiritu. She’s not responding due to
shock at alam nito iyon.
“I’m sorry if I used Neon to get
your attention. I know I was wrong, mali ako pero iyon na lang ang huling
baraha ko para lang kausapin mo uli ako. Wala akong pwedeng maidahilan sa iyo
sa mga naggawa kong pang-re-reject sa iyo dati dahil hindi ko alam kung totoo
ba iyon o pinagti-tripan mo ako. You were so young back then, you are still in
college, akala ko ay infatuation mo lang ako kaya hindi kita sineryoso. May mga
pagkakataon na nainis at nagalit ako sa iyo lalo na noong sirain mo ang
relasyon ko sa mga previous girlfriends ko. Pero iniisip ko na para lang kitang
nakababatang kapatid at dapat ay maging patient ako sa iyo. I’ll tell you the
truth, wala akong nararamdaman sa iyo dati totoo iyon and I won’t sugar coat
it.”
Humugot ito ng malalim na hininga at
marahang hinaplos ang kanyang pisngi. Nakikinig siya pero tulala pa rin siya sa
ginawa nitong paghalik sa kanya. “I won’t also lie, noong hindi na kita
nakikita ay bigla kitang na-miss. Nagtaka din ako pero sinabi ko sa sarili ko
na baka napagod ka na at na-realized mong wala ka talagang gusto sa akin and I am
indeed an infatuation.”
“No, that’s not true.” Putol niya at
biglang nagningning ang mga mata nito sa kanyang sinabi. Kinagat lang niya ang
kanyang mga labi para hindi makapagsalita ng kung anu-ano.
“Wh-when we met again and saw a full
grown woman, even if you didn’t change a bit, I just realized something. I missed
you, I really missed you. I missed your silly antics and the way you chased me.
You changed and I can’t blame you for that. I like you.” May tumambol sa puso
niya sa pag-amin nito kasabay ng panlalamig ng mga cells niya sa katawan. Pakiramdam
niya ay kinabitan siya ng defibrillator para itama ang irregular at wala sa
ritmong pagtibok ng kanyang puso. “Hell, I am in love with you. I want you at
kahit na gamitin ko ang lahat ng tao sa mundo para mapalapit sa iyo ay gagawin
ko.”
Walang silbe ang defibrillator kung
ikakabit iyon sa kanyang katawan dahil hindi na maitatama nito ang malakas na
tibok ng puso niya sa pag-amin ni Xenon. He loves her and she should celebrate
pero ayaw pumayag ng utak niya.
“Kung nagulat man kita sa pag-amin
ko ay naiintindihan ko iyon.” Mahinahon na ang boses nito. “I’ll wait for your
answer.”
Umiling siya. “I am going to give
you an answer. I’m sorry, I’m sorry Xenon but you deserve someone better. May
babaeng mas nababagay sa iyo at hindi ako iyon.” Nakaalis na siya sa
pagkakabilanggo nito dahil sa gulat sa kanyang sinabi. Nakailang hakbang na
siya palayo dito at alam niyang dapat ay ipukpok niya uli ang ulo sa
pinakamalapit na bato dahil nandoon na iyong chance pero sasayangin lang niya. Bobo
kasi siya at duwag pa.
“I don’t like anybody else, ikaw ang
gusto ko.” Sigaw nito sa kanya.
“I can’t, I just can’t.” mabilis
itong nakahabol sa kanya at hinarang ang kanyang daraanan.
“Bakit?”
“I’m sorry.”
“I know you have feelings for me,
you still love me.”
“I know.” There’s no need in denying
that one, mas lalo siyang magmumukhang gaga kapag ideny pa niya ang sobrang
obvious na bagay na iyon.
“Bakit nga?” frustrated na tanong
nito. Ka-tono na nito ang kapatid niya.
“I don’t deserve you.”
She heard him curse loudly, nawala
na ang composed and cool na Xenon na kilala niya. “What the hell Xelena? I deserve
you!” he is almost yelling at her.
“No, maraming babae diyan na pwedeng
maging girlfriend o asawa mo Xenon. Maliban sa akin, huwag ako.”
“Is it because of your job? I can
adjust Xelena, I am willing to adjust.” Mas binilisan niya ang lakad.
“Please don’t ask anymore.” Na-fru-frustrate
na rin siya dito. “Tanggapin mo nalang na ayoko.”
“Nakarating na ako dito bakit ako
susuko?” isang malakas na hampas ang ibinigay niya kay Xenon.
“Bakit ba ang tigas ng ulo mo? I am
not fit for you at kahit anong gawin mo ay hindi mo na mababago ang desisyon
ko.” Naihilamos nito ang palad sa mukha nito dahil sa tigas ng kanyang ulo.
Totoo ngang karma is a bitch, she is reaping what she sowed. Ang rason kung
bakit tinanggihan niya si Xenon ay hindi dahil sa hindi niya ito mahal, the
heck, hindi lang nito alam kung paano nagdiwang ang puso niya sa kanyang
narinig at kung hindi lang siya gaga ay sumagot na siya ng ‘OO’. Kaso ayaw
niyang malaman nito ang ginawa niya dati, ayaw niyang malaman nito ang ginawa
niyang pagpasok sa condo unit nito at malaman nito kung gaano siya
kadesperadang makuha lang ito.
Sinamantala niya ang kalasingan at
kahinaan nito, sa isip niya ay kapag nabuntis siya nito ay papakasalan siya
nito at wala na itong choice kundi ang mahalin siya. A very stupid idea dahil
nang magising siya ay sinampal siya ng katotohanan ng kalandian niya. Kapag
nalaman nito ang bagay na iyon ay mandidiri ito sa kanya at iisipin na sobrang
cheap siyang babae.
“Xelena!” tawag nito sa kanya.
“Don’t follow me.” Mandidiri ka lang sa akin. Lakad-takbo
ang ginawa niya hanggang sa makapasok sa clubhouse. Nagsimula na ang meeting
kaya alam niyang hindi ito gagawa ng eksena. May nakita siyang bakanteng silya
na malapit kay Pamela at Yumi, she locked the target place. Nasa kalagitnaan
siya ng mabilis na paglalakad nang balingan sila ng homeowner’s president na si
Timothy.
“Oh, the lovers are here.” Sabay na
napalingon ang mga tao sa kanya at ramdam niyang nakasunod lang si Xenon dahil
ramdam niya ang presensya nito. “Tapos na ba kayo sa date ninyong dalawa?”
malakas na hiyawan ang tuksuhan ang narinig niya pagkatapos ng sinabi nito. At
kung pwede lang na lumubog sa kinatatayuan ay kanina pa niya iyon ginawa at
kung pwede lang sigurong imassacre si Timothy gamit ang mga titig niya ay
kanina pa lamog na lamog ang katawan nito.
“Kaya pala ang sweet ng dalawang ito
lately, may nangyayari na pala. Mukhang double wedding ang mangyayari sa inyo
ni Xylee, Xel.” Tudyo ng mga kapitbahay niya. Hindi siya nagbu-blush pero
pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay pulang-pula na ang buong mukha at
katawan niya.
“She’s blushing.” Narinig pa niyang
sabi ng iba.
“Kailan ang kasal, Xenon?”
She cleared her throat. “Sorry to
burst your bubble everyone, there’s nothing going between us.” She declared.
Mas mabuti ng alam ng lahat keysa patuloy silang tuksuhin ng mga ito.
“Aw, basted ka na agad Xenon.”
Nang-aasar na sabi ni Timothy. Paanong naging center of attention sila? Sana
pala ay hindi nalang siya pumasok doon. Lumingon siya sa lalaki upang
pakiusapan na huwag ng sakyan ang mga pinagsasabi ng mga kasama nila doon but
he looks oddly amused by what is happening.
“Who says I’m already busted? Hindi
pa nga ako nagsisimula.” Xenon crossed their distance with a sweet and sexy
smile. He is talking her breath away with his smile for goodness sake pero
hindi pa rin nito mababago ang desisyon niya. “Magsisimula pa lang ako.” Hinuli
nito ang kanyang mga mata at sa isang iglap lang ay tila sumabog ang mundo niya
sa ginawa nito. For the second time around, he closed their distance and
claimed her lips for a round two kiss infront of their neighbors for goodness
sake. Narinig niya ang malakas na palakpakan at hiyawan sa buong paligid.
“I-post mo sa
facebook group natin iyan para may remembrance.” Narinig niyang sabi ng mga
kasama.
PARANOID
na tiningnan niya ang mga post sa kanilang facebook group dahil baka may
nagpost doon ng ginawang eksena ni Xenon sa clubhouse. Mag-ta-tatlong araw na
siyang paulit-ulit na nagsca-scan doon.
“Anong ginagawa mo diyan?” takang tanong
ni Sebastian. Naka-schedule na ang paglipad nito sa New York para sa seminar
nito. Mas nauna ito sa kanya dahil na rin sa kasal ng kanyang kapatid.
“Nothing.” Kumunot ang noo nito. “Bakit
nandito ka pa?”
“May naghahanap sa iyo. Pasyente.”
“Nandoon naman si Doc Carrie, ah.”
“Ikaw ang hinahanap ng pasyente,
masyadong demanding ang mga pasyente ngayon, mas comfortable daw siya sa iyo.” Napabuntong-hininga
siya dahil alam niya ang bagay na iyon. Kung minsan pa nga ay kahit nasa bahay
na siya ay nakakatanggap pa rin siya ng tawag kahit hindi na niya shift. Kaya
minsan ay ini-off niya ang kanyang phone. “Sa consultation room.”
“Thank you.” Iniwan na niya ito at
pumunta na sa consultation room. Pasado alas nuwebe na ng gabi at kaunti nalang
ang mga naka-line na mga pasyente sa kanilang department. Dahil nga sa hindi na
niya shift, nabago na naman ang shift niya, kaya wala ng tao sa may
consultation area niya. Isa iyong maliit na silid na may gurney at mga
importanteng medical equipment in case of emergency. Pagpasok niya ay napakunot
ang kanyang noo nang wala namang tao doon at muntik ng mapasigaw ng may biglang
yumakap sa kanya mula sa likuran. Isang malakas na siko ang kanyang pinakawalan
kasabay ng malakas na daing ng taong biglang yumakap sa kanya.
“What the hell Xenon!?” nakangisi
itong tumingin sa kanya. “What the hell are you doing here?”
“Magpapa-check up.” Tinaasan niya ito ng kilay at
itinuro ang pangalan ng department.
“Kung
may problema ka dapat ay sa Urology department ka nagpunta at hindi dito.”
Yayakapin sana siya nitong muli pero mabilis siyang umiwas. “Kung wala kang
kailangan ay umalis ka na dahil ginugulo mo ang trabaho ko.”
“End
of shift mo na.”
Tinaasan
niya ito ng kilay. “Say’s who?”
“Doctor
Sebastian, I called him and asked if you are still around since I still can’t
contact you. Ilang sim cards na ang ginamit ko para tawagan ka pero bino-block
mo lang ako palagi.”
“Ano
ba kasi ang kailangan mo?” she asked calmly but she really wanted him to go
away. She can’t be swayed! At ang lalaking ito ay ayaw siyang seryosohin.
“Gusto
ni Neon na samahan mo siya na bumili ng mga school supplies. Excited na siyang
pumasok sa nursery.” Hinayaan nalang niya itong lapitan siya at paglaruan ang
hibla ng kanyang buhok.
“I
will.”
“Nagbago
na ba ang isip mo--.”
“Stop
disturbing me Xenon. I’m really tired.”
“Well,
sabi nila kapag pagod ang isang tao ay mas nagiging honest sila dahil hindi
sila nakakapag-isip ng pwedeng sabihing kasinungalingan.” He is playing another
psychological game.
“What
brings you here?” naka-suit pa rin ito at halatang galing sa opisina base sa
suot nito.
“May
dinala akong pasyente dito, my client.”
“Babae?”
huli na para pag-isipan niya ang kanyang nasabi dahil lumapad ang ngisi nito.
“Jealous?”
inirapan lang niya si Xenon dahil ayaw niyang patulan ito. “But I don’t want
you to feel jealous so I’ll answer you. Yes, she’s a woman. Kapitbahay ko siya
dati sa condo unit na nire-rentahan ko habang nag-aaral pa ako. She’s really a
client, she lost her child back then at ngayon ay natagpuan na nila.”
Kumunot
ang noo niya. “Paanong nawala ang bata?”
“Kinuha
sa park at hindi na nila nahanap pa pero hindi sila tumigil hanggang sa may
nahanap na lead ang mga detectives. Nahanap na ang mga kumuha sa anak nila at
gusto ng mga ito na idemanda ang mga tumatayong magulang sa kanilang anak.”
“And
they hired you?”
“Yes.”
Inipit nito ang ilang hibla ng buhok sa likod ng kanyang teynga. “Nagka-nervous
breakdown ang pasyente kaya dinala namin siya dito. Bukas ay pupunta ako sa
dating tinitirahan nila para magtanong-tanong.”
“Ilang
taon na ang nakalipas simula noong nangyari ang pagkidnap ng anak nila?”
“Almost
twelve years na rin kaya medyo mahihirapan kaming makahanap ng mga witness o
kaya naman ay ebidensya na magtuturo na ang mga nag-aalaga ngayon sa kanilang
anak ay mga kidnappers. Sinabi lang kasi nila na natagpuan nila ang bata sa
labas ng bahay at inalagaan nila.”
Kumunot
ang kanyang noo. “Dapat ay inereport nila iyon sa DSWD.”
“Precisely--.”
Kinuha niya ang clipboard at idinikit iyon sa mukha ni Xenon. Halata kasi ang
plano nito, unti-unti nitong nilalapit ang mukha sa mukha niya. Ngumisi lang
ito habang sinamaan niya ng tingin. “Even the black circles around your eyes
makes you beautiful my dear.” No, Xelena!
You can’t be swayed.
“Umuwi
ka na.” taboy niya dito.
“Sabay
na tayong umuwi.”
“I
have my car.” Ipinakita niya ang susi nya dito.
“Convoy
tayo.”
“Xenon--.”
“I
love you.” She clenched her fists tightly telling herself not to give in. Her
heart can no longer contain it. She loves the guy for goodness sake at it’s
really bad for her heart to keep it longer. "I really do."
TBC
PHOTO CTTO
<3 <3 <3
A/N: 2 More chapters at matatapos na rin ito. The quarantine made me write this, ahahahahaha. Enjoy reading everyone!
LOVE,
INANG
Sana all nasasabihan ng i love you ��
ReplyDelete