11 – ENDORPHIN
“THANK
YOU for saving me.” Tinanggap
ni Xelena ang hot chocolate na ibinigay sa kanya ni Dorothy. Best friend ito ng
kanyang kakambal at nakababatang kapatid ni Darren, kung hindi niya ito
nakitang sumisilip sa bahay nila ay baka kasama na niya ngayon ang mag-ama.
“Kinikidnap ka ni Xenon?” pasimpleng
inalis niya ang tingin mula sa kausap. “Mukhang kulang nalang ay itulak niya
ako sa bangin nang lumabas ka mula sa kotse niya.”
Hindi siya kumibo sa pagbibiro nito
dahil alam niyang nangunguha lang ito ng impormasyon laban sa kanya. Kahit na
hindi tsismosa si Dorothy ay mas mabuti ng iilan lang ang may alam ng tungkol
sa mga pinaggagawa niya.
“The guy obviously likes you--.” Bigla
siyang napaubo sa narinig niya dahil iyon na yata ang pinakamasamang biro na
pwedeng marinig niya sa buong buhay niya. “What? Lahat ng mga kapitbahay natin
ay iyon ang nakikita. Don’t tell me hindi mo napapansin ang mga pinaggagawa
niya?”
Sinamaan niya ng tingin si Dorothy
dahil hindi niya gusto ang mga sinasabi nito. “Stop that Dorothy, he doesn’t have
any feelings for me. Kung meron man ay utang na loob lang iyon dahil
nakakapagsalita na ang anak niya.”
Napansin niya ang pagkakakunot ng
noo nito. “Kailan pa hindi nakakapagsalita si Neon? And Neon is not his son, he
is single, anak siya ni Fe.”
Nagdugtong ang kilay niya. “Fe?”
“Older sister ni Xenon at ni Radon,
namatay siya dahil sa isang aksidente dalawang taon na ang nakakaraan at kasama
sa aksidenteng iyon ang bata. Dahil sa nangyari ay hindi naging palakibo ang
bata at mas gustong mapag-isa but it doesn’t mean he can’t talk.” Napaawang ang
kanyang labi sa sinabi ni Dorothy, napatitig siya sa kausap alam niyang hindi
ito nagsisinungaling. Walang bahid ng pagbibiro sa mukha nito kaya alam niyang
nagsasabi ito ng totoo. Nanginginig ang brasong ibinaba niya ang tasa na may
lamang hot chocolate sa center table at pagak na napatawa.
“All this time ay niloloko lang pala
niya ako ganoon? Pinaglalaruan at pinagtatawanan?” isang mapait na ngiti ang
rumehistro sa kanyang mga labi.
“Hey, hindi naman sa ganoon. Maybe he
had his reasons why he lied.”
Gusto man niyang pigilan pero bakit
hindi niya magawa? Kusang tumulo ang luha sa kanyang mga mata at naitakip niya
sa kanyang palad sa kanyang bibig upang hindi nito mapansin ang kanyang
pag-iyak. May control siya sa kanyang emosyon pero bakit hindi niya iyon
napigil ngayon?
“Oh my God, Xelena, I didn’t mean to
offend you or anything. I swear walang masamang balak si Xenon sa iyo he is a
descent guy I bet my life for that.”
Mabilis niyang pinahid ang luha sa
kanyang mga mata. “I’m okay, I’m fine.” She murmured. Pero malayo sa okay at
fine ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Alam niyang nag-aalala ito
sa kanya.
“May nasabi sa akin si Xylee noon
tungkol sa iyo at kay Xenon.” Napatingin siya dito. “Matagal mo na siyang mahal
hindi ba? You don’t have to lie about that, sinabi na sa akin ng kakambal mo
ang lahat pero huwag kang mag-alala you can trust me about your secret.”
Isang malalim na buntong-hininga ang
kanyang pinakawalan at mahinang tumango. “I think there’s no need for me to
explain since you already knew everything. Tama ka first love ko si Xenon, I was
naïve and crazy back then when I fell for him and thought that he is the one
for me. I chased him like a madwoman and became a stalker.” Malungkot na tumawa
siya. “Pinupuntahan ko siya sa university niya at alam ko kung saan siya
nagpupunta. Kinakaibigan ko rin ang lahat ng mga nagiging kaibigan niya hanggang
sa dumating sa point na naghihiwalay sila ng mga naging girlfriend niya ng
dahil sa akin.” Tiningnan niya ang naging reaksyon nito at kahit na masama pa
rin ang loob niya ay hindi niya maiwasang hindi matawa sa naging reaksyon nito
sa kanyang sinabi na kahit si Xylee ay walang alam.
“You did that?”
“And all… and worst.” And worst… Dahil may naggawa pa siyang
hindi nito alam at wala ni sinong may alam dahil iyon ang naging dahilan kung
bakit siya natauhan at kung bakit siya na mismo ang nag-alis sa sarili niya
mula sa kumukulong mantika. Literal na nabaliw siya sa lalaki at hindi na iyon
naging healthy para sa kanya.
“Ako din ang naging dahilan kung
bakit napilitang maghiwalay ang mga magulang namin ni Xylee. Walang alam ang
kakambal ko sa nangyari at mas mabuting wala siyang alam, hindi rin iyon sinabi
nina Nanay at Tatay sa amin pero alam kong ako ang dahilan.”
Kumunot ang noo ni Dorothy sa
kanyang sinabi. “You can tell me everything.”
“I can’t.” umiling siya. “Dahil
kahit ako ay hindi matanggap na naggawa koi yon. I can’t tell you.”
“You don’t have to force yourself,
kapag handa ka na ay pwede mo akong lapitan and you know you can also tell your
sister about it. Pareho nating alam na kahit tayo pa ang mali ay tayo pa rin
ang kakampihan niya.” Ngumiti ito sa kanya.
“Thank you.” Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam
niya pero hindi para kay Xenon at sa ginawa nitong pagsisinungaling sa kanya.
“DOC,
someone is calling.” Untag sa kanya ni Amor nang makita ang notification sa
kanyang cellphone.
“Hindi importante.” Si Xenon ang
tumatawag sa kanya at wala siya sa mood para sagutin ang lalaki. Iniisip pa rin
niya kung paano mawawala ang nararamdaman niyang galit para sa lalaki dahil sa
ginawa nitong pagsisinungaling sa kanya. Madali lang naman siyang kausap at
kung iniisip nitong hahabulin pa rin niya ito kaya sinabi nitong anak nito si
Xenon para ma-turn off siya ay hindi na nito kailangan pa na gawin iyon dahil
kahit na may nararamdaman pa siya sa lalaki at ganoon din ito sa kanya ay
walang magiging sila.
“May love quarrel ba kayo ng boylet
mo?”
“I’m single.” Nang matapos ang tawag
ay mabilis niyang na-i-block ang number ni Xenon para hindi na ito makatawag sa
kanya. Iisipin lang nitong busy siya sa kanyang trabaho hanggang sa mapagod na
rin ito at hindi na siya abalahin.”At kapag may naghanap sa akin sabihin mong
wala ako o kaya naman ay nasa operation room ako at may inooperahan ng more
than twelve hours.”
“Why?”
“I’m busy.” Iyon ang palaging
iniuutos niya sa mga kasamahan. Wala siyang tinatanggap na tao ngayon kung
walang prior appointment. Habang naglalakad pabalik sa kanyang clinic ay
namataan niya si Sebastian.
“Pwedeng sumama sa operasyon mo
mamayang gabi? I want to assist or observe you.” Hindi pa man siya nito
nababati ay inunahan na niya ito. “I need more exposure before my
certification.” Minadali na rin niya ang kanyang pagpunta sa New York para sa
kanyang seminar.
“Oh well, I really need an
assistant.”
“Good, I’ll prepare now.” Nagtataka man
ay hindi ito nagtanong ng kung anu-ano sa kanya at pabor din sa kanya ang bagay
na iyon. Muling nagvibrate ang kanyang cellphone at papatayin sana niya iyon
nang mabasa ang pangalan na naka-register sa screen. Mula iyon sa kanyang
kakambal kaya sinagot niya ang tawag. “Yes?”
“Anong yes? Final fitting na ng gown
mo para sa wedding, saan ka na?” naipilig niya ang kanyang ulo at pilit na
inaalala ang date na iyon. She gasps and her sister heard it. “Don’t tell me
nakalimutan mo?”
“I forgot.” Totoong pag-amin niya. “I’m
sorry.” Narinig niya ang malakas na buntong-hininga nito. “Hindi ako pwedeng
lumabas dahil may operasyon ako thirty minutes from now pwede bang si Dorothy
nalang ang mag-fit para sa akin magkasingkatawan kami.” Mas matangkad lang si Dorothy
ng kaunti keysa sa kanila pero sa tantiya niya ay hindi sila nalalayo ng sizes.
“May magagawa pa ba ako? Hindi naman
pwedeng magtantrums ako dito dahil wala ka, magfi-fitting din ang mga entourage
ni Darren at ikaw na lang ang kulang.” Kumabog ang dibdib niya sa narinig
niyang sinabi ni Xylee. Ibig sabihin ay kasama si Xenon at nandoon din si Neon.
Inaamin niyang namimiss na rin niya ang bata sa kabila ng nalaman niya. Alam niyang
walang kinalaman si Neon sa ginawa ng tiyuhin nito, he is innocent at nadamay
lang sa kung anong plano ni Xenon sa kanya.
“I’m really busy right now, ngayon
ko lang din nahawakan ang cellphone ko na namatay dahil low battery. I-o-off ko
rin ito after this call dahil may operation ako.”
“Ganoon ba?” narinig niya ang
malungkot na boses ng kapatid at nagu-guilty siya sa ginagawang
pagsisinungaling pero kailangan na niyang panindigan ito. “Keep safe.”
“Thanks Xylee and don’t worry about
me, hindi ako mawawala sa wedding mo with or without a gown.”
“Baliw ka.” Kahit papaano ay sumigla
ang boses nito kaya napanatag na ang puso niya dahil okay lang ang kanyang
kapatid. Pagkatapos ng tawag ay pinatay na niya ang cellphone at kinuha ang
kanyang work phone. Naghanda na rin siya sa pag-aassist kay Sebastian sa
operasyon nito.
Walang naging problema sa operasyon,
hindi naman kasi iyon komplikado at kahit si Sebastian lang ang nandoon ay
magiging successful pa rin iyon. But at least it occupied most of her time,
kailangan niyang maging busy at kailangan niyang may gawin. Pagkatapos ng
operasyon ay nilapitan siya ng kanilang head para sa isang close door meeting.
Nag-apply siya ng fellowship sa hospital pagkatapos ng kanyang certification
kaya iyon ang pinag-usapan nila ng kanyang head.
“XYLEE!” Gulat na sambit niya sa pangalan ng kakambal nang paglabas
niya ng banyo para maligo ay nakita niya itong naka-upo sa kanyang kama.
“Ginawa mo ng bahay itong quarter mo
dito sa hospital, mas comfortable ka yata dito.” napatingin siya sa orasan,
pasado alas otso na ng umaga at matutulog na sana siya kung hindi lang ito
dumating.
“Marami kasing pasyente ngayon at
mas pabor sa akin na dito muna sa hospital keysa mag-travel pauwi. Saka na
kapag rest day ko na.” paliwanag niya dito.
“Rest day? Hindi ka naman umuwi last
week.”
“Nag-cover ako ng shift ng kasamahan
ko dito dahil may emergency sa kanila at saka may balak kasi akong magleave a
week before your wedding so I need more rest days to do that.” Napabuntong-hininga
ito.
“Nag-aalala na sina Nanay at Tatay
sa iyo dahil hindi ka na nila nakikita, please lang Xelena huwag mong masyadong
sagadin ang katawan mo.”
“Hindi ko naman pinababayaan ang
sarili ko, malapit na kasi ang residency certification so I need to focus.”
“Speaking of which, hindi mo
pinapaliwanag kay Nanay at Tatay ang tungkol diyan. Kailan mo sasabihin sa
kanila na may seminar ka sa New York?”
“Sa susunod na rest day ko sana
sasabihin sa kanila, na-approved na rin ang VISA ko at bibiyahe ako pagkatapos
ng wedding mo.”
“Well, explain that to our parents. Alam
mo bang nalaman kong sa New York ka pupunta dahil kay Xenon--.”
“Alam mo hindi ba?” natigilan ang
kapatid sa tono ng boses niya at sa pagputol niya sa sasabihin nito. “Alam mo
ang totoo, right?”
“Ang alin? Ang ano?”
“May alam ka Xylee, plano mo ba ito?”
Kumunot ang noo ng kakambal at maniniwala sana siya kung hindi lang niya ito
kilala. Alam marahil nito na wala itong lusot sa kanya kaya wala itong naggawa
kundi ang tumango at hindi niya alam kung ano ang iisipin sa ginawa ng kapatid.
“You made him pretend?” she stopped
herself from yelling at her sister.
“No! Hindi ganoon Xelena. Tinulungan
ko lang siyang mapalapit sa iyo like inviting him during dinner.” Kumunot ang
kanyang noo.
“Hindi mo plano na gamitin si Neon
at magpanggap na hindi nakakapagsalita para maloko ako?” Her sister mirrored
her confused expression.
“Bakit mo naisip na kaya kong
gamitin ang isang inosenting bata para lokohin ka? Wala akong plano na saktan
ka I just want to pair you with him because I know you still love him. Hindi nawala
sa puso mo si Xenon at huwag mong i-deny sa akin iyan. Noong makita ko siya at
napagkamalan niyang ikaw ako ay alam kong may chance pa na maging kayo ay
gumawa na ako ng paraan para mas mapalapit kayong dalawa.” Xylee carefully
explained and she knew she wasn’t lying.
“I appreciate your effort Xylee pero
sana ay hindi mo na ginawa iyon, I may have feelings for him but I don’t have
any plans of having him in my life.” Ani niya sa kapatid.
“But why? Hindi mo ba napapansin na
gusto ka niya? If he lied to you hindi ba iyon pwedeng maging basehan mo na may
gusto na siya sa iyo?” pangungumbinse nito sa kanya.
“Ilang taon na rin ang nakalipas
nang tapusin ko ang paghabol ko sa kanya hindi rin ba pwedeng maging basehan
iyon na ayaw ko na? Hindi madali ang paulit-ulit na mareject ng iisang tao at
ang maging tanga ng dahil sa kanya. Ayoko na, kahit may nararamdaman ako sa
kanya ay hindi rin ako papayag na magkaroon ng kami.” Tumayo si Xylee.
“Masyado kang matigas Xelena, bakit
hindi mo siya bigyan ng chance na i-prove na may gusto siya sa iyo?”
Umiling siya. “He is no longer my
priority anymore, my feelings are no longer my priority.” Inalis niya ang titig
mula sa kapatid at ang narinig mula sa kanya ang nakapagpatahimik dito. Napansin
niya ang gulat sa mukha nito sa kanyang sinabi. “Hindi lang naman ang pag-ibig
ang namamayani sa mundo, Xylee. My world and yours, they are not the same. Huwag
mong itulad sa mundo mo ang mundo ko dahil kahit na magkakambal tayo ay hindi
pa rin tayo magkapareho.”
Napatayo ito at naningkit ang mga
matang nakatitig sa kanya. “You are speaking nonsense Xelena! Paano mo ako
mauutusan na magpretend na walang posibleng maging kayo kung kitang-kita ng mga
mata ko na pareho kayong may nararamdaman sa isa’t isa at wala kang balak na
gawin para mangyari iyon. This is very frustrating!” kulang nalang ay
magsisigaw ang kapatid sa harap niya.
“He doesn’t have feelings for me.” Kumunot
ang noo nito at mas lalo itong na-frustrate sa kanya. “Ang nakikita mo lang ay
ang gusto mong makita at i-interpret. Maaaring nagsisinungaling lang siya, or
pretending that he cares because he wanted to have a revenge. Sa dami ng
masasamang ginawa ko sa kanya dati baka naisip niyang time na rin na gumanti
siya. Ilang relationship na ba ang nasira ko? Kung hindi dahil sa akin ay baka
may sarili na rin siyang pamilya ngayon.”
“Kung gusto niyang magkapamilya ay
matagal na niyang ginawa iyon, pareho nating alam na hindi imposibleng mangyari
iyon.” Totoo ang sinabi ng kapatid niya.
“He’s bored.” Bakit parang sampal sa
kanya ang sinabi niya? Bored lang ito sa buhay at siya ang napagtripan nitong
maging past time entertainment?
“Hindi kaya ikaw ang na-bored sa
kanya kaya itinigil mo ang paghahabol mo sa kanya noon?” nagdugtong ang
dalawang kilay niya sa sinabi ng kapatid. “You don’t really love him, past time
mo rin siya dati at nang ayaw mo na ay basta ka nalang tumigil.”
“Wala kang alam sa nangyari!” now
its her time to yell at wala siyang pakialam kung may nakarinig man sa kanya. Iyon
din ang unang beses na muli siyang napasigaw ng ganoon sa kapatid. Again, may control
siya sa kanyang emosyon pero nasaid na nito ang lahat ng control na meron siya.
“Wala kang alam.”
“Kasalanan ko ba kung wala akong
alam at wala akong maintindihan? Kapatid mo ako Xelena, worst, I’m your twin
sister. I am your friend, your bestfriend pero ikaw ang lumayo at ikaw ang
unang nagtago. Pilit mong tinatago ang nararamdaman mo and you are driving
anyone away from your life kaya sino sa tingin mo ang may kasalanan kung bakit
walang nakakaintindi sa iyo?” nanginginig ang kanyang mga tuhod habang kausap
ang kapatid niya.
Nagsimula ng tumulo ang mga luha
mula sa kanyang mga mata. “Akala mo ba hindi ko alam na ang naging dahilan kung
bakit naghiwalay sina Nanay at Tatay ay dahil sa iyo?” mas lalong lumakas ang
kanyang paghikbi. “Pero sinisi ba kita? Hindi, wala kang narinig sa akin dahil
naiintindihan kita at akala ko kapag nalayo ka ay babalik ka na sa dati. Masayahin
at palaging may positive outlook sa buhay na bigla nalang nawala. When your
depression was cured I thought I can have my twin sister back, my bestfriend
back but I was wrong. Bumalik ka pero nag-iba ka na, hindi na ikaw ang Xelena
na kilala ko.”
Naramdaman niya ang pagyakap ng
kapatid niya sa kanya. “I thought it’s your way of coping up with everything
but I was wrong. Dapat pala ay mas naging pro-active ako sa pangungulit sa iyo,
I should have done better. I want to know what happened and I want to know why
you changed. Why can’t you trust me with that?” she clenched her sisters dress
for support as she poured her heart out. “I want my endorphine back, you are
our source of happiness, we want it back.”
Maybe she can trust her sister with
her darkest secret, the main reason why she changed. Baka kapag may nasabihan
siya ay gagaan ang kanyang pakiramdam at hindi na siya magiging ganito. She just
need someone who can listen to her and won’t judge her and no one can do the
job better than her sister.
TBC
PHOTO CTTO
<3 <3 <3
A/N: Keep safe everyone, enjoying staying at home. I'm still busy editing my thesis chapter 1-3 for my adviser's approval. Iyong ilang beses na akong nag-edit ng rationale, kung hindi pa ako pinigilan ng mga kasama ko ay baka nasa rationale editing pa rin ako, nasa pang-anim na revisions na ako. Nasa review of related palang ako ngayon pero hindi pa ako kontento sa dami ng references na nababasa ko kaya keep reading muna ng mga journals. Hopefully, kapag natapos na ako dito sa part na ito ay sa methodology na ako magfo-focus. May naisulat na ako pero kailangan pa ng major editing since nabago iyong title ng thesis ko. So, while being quarantined ay matatapos ko na sana ang part na ito at hindi ko na maisip na mag-edit re-edit and edit again.
Love,
INANG
Waaaaaaah. Naiiyak ako sa update. Ano ba ginawa ni Xelena??? Why oh why? Bitin!
ReplyDeleteGoodluck for your Thesis! You can do it. I can do it too. We can do it hihihi.
-@imsecretlysmiling from wattpad
Good luck sa pag edit ng thesis inang. Hopefully matapos mo na para makapagrelax ka ��
ReplyDelete