Friday, March 27, 2020

Black Magic 6 - Heal Love: EPILOGUE


EPILOGUE
L is for the way you look at me
O is for the only one I see
V is very, very extraordinary
E is even more than anyone that you adore
            IKALAWANG araw pa lang natin dito pero parang sasabog na ang utak ko, my goodness.” Nilagok ni Carrie ang laman ng margarita nito. Nasa bar sila ng hotel kung saan ginaganap ang kanilang seminar. Tinitigan niya ang bloody mary na inorder niya pero hindi niya iyon maubos-ubos. “Anong nangyayari sa iyo at para kang namatayan ng pasyente?”
            “That’s not a good joke.”
            Carrie burps. “Sorry, pero seriously bakit parang namatayan diyan?”
            “He is not calling me.” Tinuro niya ang kanyang cellphone. Kanina pa niya hinihintay ang tawag ni Xenon pero wala siyang nareceived na message o kaya naman kahit missed calls lang. He promised that he’ll call her during her stay here.
            “Baka nakatulog busy din naman iyong boyfriend mo.” Napabuntong-hininga siya dahil alam naman niya iyon. Ayaw man niya pero naiinis siya sa pagiging clingy niya at parang ang sarap sampalin ng kanyang sarili. “Uuwi naman tayo five days from now kaya chill lang girl.” Ngumisi ito sa kanya. “Hay, parang namissed ko na magkaboyfriend. Pagkatapos talaga ng lahat-lahat ng ito ay maghahanap na ako ng mapapangasawa. Bakit ba hindi ako pine-pressure ng parents ko na maghanap ng lalaki? Kung sana ay may magtutulak sa akin para maforced ko naman ang sarili ko na maghanap. Nakakainis itong walang drive na maghanap ng lalaki kapag tinamad ka ay tatamarin ka talaga.” Pinagdaop nito ang dalawang palad. “Please Lord, bigyan mo ako ng will na maghanap ng lalaking makakasama ko habang buhay. I’m twenty eight already.”
            “And I am almost thirty.” Ani niya dito.
            “Kaya nga eh, paano kung may dumating nga pero kwarenta na ako? Diyos ko, kaya ko pa bang magperform kapag matanda na ako?”
            “Hindi pa matanda ang forty.”
            “Sabihin mo rin iyan sa matres ko.” Inirapan siya nito. “I’m drunk.” Halata nga na medyo nakainom na ito dahil sa medyo bold na ito when it comes to the words she’s using. “I need a lovelife but I’m too lazy to look for one.”
            “The night is still young, you can strut New York anytime you like and find a man.” Tumayo ito.
            “Nah, I still need to sleep for tomorrow’s brain wrecking day three seminar. Mauuna na ako sa room natin.”
            “Dito muna ako hindi pa rin ako inaantok.”  Bumalik na room nila ang kasama habang naiwan siya doon at iniisip kung mauubos ba niya ang kanyang inorder. Napatitig siyang muli sa kanyang cellphone at muling tiningnan ang kanyang messenger kung may nakaligtaan ba siyang message doon pero sa kasawiang palad ay wala pa rin. “Tsk, dapat talaga ay hindi ko muna siya sinagot.” Mahinag usal niya.
                        And love is all that I can give to you
                        Love is more than just a game for two
                        Two in love can make it
                        Take my heart but please don’t break it
                        Love was made for me and you
            Patuloy siya sa pakikinig ng kumakanta sa bar, kahit papaano ay nawawala ang pagod niya.
            “Good evening pretty lady, are you alone?” isang matangkad na foreigner ang lumapit sa kanya. Napansin niyang kanina pa ito pasulyap-sulyap sa kanya at mukhang nagkalakas lang ng loob nang umalis na si Carrie. Sana pala ay hindi nalang niya pinalayas ang kasama dahil hindi niya alam kung paano sasagutin ang mga tanong na tulad ng tanong nito. Ayaw niyang maging rude lalo pa at hindi niya kilala ang mga tao doon at hindi rin niya bansa iyon. The man isn’t bad looking kung hindi lang siguro niya nakilala si Xenon ay baka nag-yes na siya agad pero loyal talaga siya.
            She politely smile at the man. “I’m waiting for my boyfriend.”
            Bahagyang tumabingi ang ngiti nito. “Oh, I see. Sorry if I disturbed you here.” Mabuti naman at mabait ito hindi na siya nahirapang palayuin ito sa kanya. Napapansin din niyang bentang-benta siya sa mga foreigner dahil kahit kanina sa seminar ay may nagpapapansin sa kanya samantalang sa Pilipinas ay hindi siya pansinin. Hindi rin naman exotic ang beauty niya mas maputi siya, siguro dahil maliit siyang babae at trip din ng mga foreigner ang mga tulad niya. Kinuha niya ang kanyang drinks at ininom nalang iyon hanggang sa mangalahati. She has a high alcohol tolerance kaya hindi agad siya malalasing. Nagkibit-balikat siya at inihilig ang ulo sa headrest ng sofa na inuupuan niya at pinagpatuloy ang pakikinig sa kanta.
                                    And love is all that I can give to you
                                    Love, love, love is more than just a game for two
                                    Two in love can make it
                                    Take my heart but please don’t break it
                                    ‘Cause love was made for me and you
                                    I said love was made for me and you
            “You know that love was made for me and you…” nakangiting sinabayan niya ang huling linya ng kanta. “Hmnp!” muntik na siyang mapatili ng may humawak sa magkabilang pisngi niya at isang iglap lang ay natagpuan niyang nakaselyo na ang kanyang mga labi. Napahawak siya sa pangahas pero mahigpit ang hawak nito sa kanya at magwawala na sana siya kung hindi lang siya nito tinigilan. “What the--- Xenon?” napaupo siya ng tuwid sa sobrang pagkagulat.
            “Surprise.” Nakangiting bati nito sa kanya. Nang makabawi sa gulat ay asar na hinampas niya ito sa braso ng ilang beses. “Awww!” nahuli nito ang kanyang braso at malambing na hinila siya upang mayakap siya nito kaagad. “Lumipad ako ng ilang oras papunta dito para makita ka pero mukhang hindi ka naman masaya.” Nagtatampong sabi nito.
            Napakagat siya ng labi at gumanti rin ng yakap sa lalaki, she missed him kahit na ilang araw pa naman silang hindi nagkikita.
            “Anong ginagawa mo dito?”
            “To visit you, I missed you.” Hinagkan nito ang kanyang noo at tungki ng ilong.
            “Isang linggo lang naman ako dito bakit sumunod ka pa?”
            “Kung hindi ako sumunod baka may sumulot na sa iyong foreigner dito katulad ng kanina.” Nagdugtong ang kanyang magkabilang kilay.
            “Kanina ka pa dito?”
            “Hinihintay ko lang na umalis iyong kasama mo pero naunahan ako ng foreigner na kanina pa patingin-tingin sa iyo.”
            “Hindi ko alam na seloso ka pala.” Biro lang niya iyon.
            “Yes, I am the jealous type.” Kumunot ang kanyang noo dahil hindi niya talaga maiisip na selosong tao si Xenon wala sa characteristic nito ang ganoon. “Hindi ka naniniwala?”
            “Wala iyan sa characteristics mo kaya huwag kang mag-imbento.”
            “Seryoso ako at hindi ako nagbibiro masama akong magselos. Ngayon ko lang rin nadiscover.” Mahinang kinurot lang niya ang pisngi ng boyfriend dahil alam niyang sinabi lang nito iyon para pagaanin ang kanyang loob.
            “Ano nga ang ginagawa mo dito?”
            “You are changing the topic. I’m not yet done with that guy--.” Tumingkayad siya upang bigyan ito ng mabining halik sa labi.
            “Fine, you are jealous. Don’t worry sinabi kong may boyfriend na ako.” Ngumiti ito sa kanyang sinabi, sinabi niyang hinihintay niya ang kanyang boyfriend malay ba niyang pupunta talaga ito doon. “So, ano nga? Why are you here?”
            “Sinundan ka.”
            “Xenon, seryoso din ako.”
            “Sinusundan kita.”
            Napabuntong-hininga siya. “Sige, iwanan na kita dito I’m really tired.” Pilit niyang hinila ang sarili mula dito pero hindi siya nito binitiwan. “Kung hindi mo seseryosohin ang tanong ko mabuti pa ay bukas nalang tayo mag-usap kung wala ka ng jetlag.”
            “Dito ka lang.” hinila siya nito paupo sa sofa at isinubsob ang mukha sa leeg niya. “I am really here to be with you.”
            “Seryoso?” naramdaman niya ang sunod na pagtango nito.
            “Dapat ay magkasama tayo pero naunahan mo ako at hindi ko sinabi na pinaprocess ko na ang VISA ko para isurprise ka. I wasn’t expecting that your flight will be so soon so when I got the approval I booked a ticket and fly here so I can be with you.”
            Tiningnan niya ang mukha ni Xenon, walang bahid ng pagsisinungaling doon at alam niyang seryoso nga ito. “Saan si Neon?”
            “He is with my parents.”
            “Babalik din naman ako ah. Isang linggo lang at babalik na agad ako, hindi ko ba iyon nasabi sa iyo?”
            “I know but I am here because of a very important mission.” May kinuha ito sa bulsa nito at ipinakita sa kanya. A white velvet box kaya bigla niya itong naitulak para mas matitigan pa niya itong mabuti.
            “What the heck Xenon?”       
            “Yes, this is an engagement ring and this is for you.”
            Nagulat na siya sa pagpunta nito sa New York para makita siya pero mas nagulat siya sa nakikitang engagement ring na hawak nito.
            “We—I mean… we are…” she can’t find the right words to say. “Wala pa nga tayong isang linggo! For goodness sake, three days palang since sinagot kita. What are you thinking?” ang lakas ng tibok ng kanyang puso habang nakatitig dito. Walang bakas ng biro sa mukha ng kasintahan at seryoso nga itong nakatitig sa kanya.
            “What I am thinking? You, I am thinking to have you in my life permanently.”
            “Pero hindi pa nga tayo nakakaisang linggo!” she is practically screaming in a low voice.
            “And?”
            “Paano kung hindi pala--.”
            “Well, I am not really that reckless my love. You are very lovely by the way. At hindi kita susuyuin at liligawan kung wala sa isip ko na pakasalan ka. Noong nagpunta ako sa bahay ng mga magulang mo ay hindi lang para ligawan ka kundi ang magpaalam para pakasalan ka na. We are not getting any younger Xelena and I don’t have a very long patience, I really can’t wait at alam mong napapansin mo iyan. Parang may mahabang pasensya lang ako pero hindi talaga totoo iyon. When I want someone, when I need someone, I’ll work hard for it until it become mine. Wala sa isip ko na pakawalan ka kaya pakasalan mo na ako.”
            Napaawang ang kanyang mga labi sa sinabi nito na para bang nagyayaya lang na maglaro ng mobile legend.
            “Well, I am just giving you a hint because I am going to propose to you by the end of this week. Sorry if I’m not that romantic but I am really trying to.”
            Nagulat man ay natawa siya sa sinabi nito. Ang sabi nito ay hindi ito romantic pero sa tingin niya ay ito ang pinaka-romantic na lalaking nakilala niya. Lumipad ito ng ilang oras mula Pilipinas hanggang sa big apple, he bought her a ring and even thought of proposing to her by the end of the week. She found it romantic really, iba-iba siguro ang perspective ng babae kapag sinasabing romantic ang isang lalaki. But his efforts makes him more lovable and it really turn her on.
            “Since I am giving you a heads up, wala ka ng pwedeng isagot kundi YES.”
            “You are really pushy, aren’t you?” yumakap siya ng mahigpit dito para pigilan ang sariling huwag hablutin ang box na hawak ng kasintahan dahil kapag tinanong talaga siya nito ng Will you marry me ay isang malakas na yes ang isasagot niya. She’s been in love with him since she can’t remember and would love to be his wife forever.
            “I’m not a lawyer for nothing.” Hinagkan nito ang kanyang pisngi. “I have a room here, do you want to spend some time with me there?” tinaasan niya ito ng kilay at mapanuksong ngumiti lang ito sa kanya.
            “Nope.” Mabilis niyang sagot.
            “But why?” masuyo nitong hinalikan ang kanyang pisngi.   
            “Stop that Xenon.” Pinisil niya ang ilong nito. May isang bagay siyang dapat tandaan, Xenon can be very persuasive at hindi niya kayang labanan ang persuasion power nito kaya hindi pwedeng sumama siya dito unless may kasama siya.
            “But why? I’m not going to touch you unless you permit me to.” Tinaasan niya ito ng kilay. “Promise.”
            “Bukas na.”
            “Promise?”
            “I’ll try.” Of course, she won’t give in. Anong akala nito easy to get siya… well, partly, when it comes to him she can’t really resist him and she needs to control herself or else baka bumigay na siya. Again, isa siya sa pinakamalaking example ng isang marupok na babae… pero dito lang talaga siya marupok. Promise!
            Napapangiti nalang siya dahil naalala niya ang sinabi ng kapatid. Iba maglaro si kapalaran, hindi nito ibinigay si Xenon sa kanya dati dahil may kailangan pa siyang abutin, may kailangan pa siyang pagdaanan. Never expect, never demand, just wait because if it’s meant for you, it will be given to you in the right time.
WAKAS


PHOTO CTTO

A/N: So, hindi ko na agad ito na-post the other day dahil nakatulog ako habang nanonood ng mga animal videos sa tiktok. Tapos last night ay tatapusin ko na sana talaga siya pero naging lady gaga ako, napagtripan ko ba naman na mag-yoga2x para lang mabanat ang mga sleeping muscles ko sa katawan. My goodness, ayon, nabanat nga... ang sakit-sakit ng mga muscles ko feeling ko ay nagmarathon ako ng ilang milya. Ikaw ba naman ang mag-yoga2x ng walang stretching so ayon deads ang inang niyo at kanina lang ako naka-recover. Mag-e-enhanced quarantine na kasi sa amin this sunday so si mudra ay pinilit akong lumabas ng bahay para mag-grocery ng KAUNTI! Na-SCAM ako sa kaunti na word na iyan. Ang daming food sa ref dahil tatlo lang naman kami sa bahay pero noong nag-grocery na kami ay punong-puno ang cart of course, puro pagkain ang laman, wala naman akong reklamo, food is life and food is lifer. Kapag naka-quarantine pa naman ay pagkain lang lagi ang iniisip. Ang dami pang tao, iyong nagline na sa cashier ng mga 10:30 pero na-cater ka ng mga 12:40? Yep, nagpapanic buying din sila katulad ng mudra ko. Nakalimutan ko na rin ang mga rant ko sa previous update sa susunod nalang iyon.

So, I will be posting this sa wattpad kapag hindi na masyadong busy or paisa-isa lang muna. Tatapusin ko muna iyong thesis ko dahil nag-text na ang adviser ko, so kailangan ko na siyang balikan bukas. hehehehehehehe

Enjoy reading babies!

LOVE,
INANG

Wednesday, March 25, 2020

Black Magic 6 - Heal Love: 15 - CPR


15 – CPR
            “BAKA matunaw na si Xelena sa kakatitig mo sa kanya, Xenon.” Untag ni Timothy na isa din sa mga groomsmen ni Darren. Nasa reception na sila ng kasal ng kanyang kakambal at dahil siya ang maid-of-honor ay automatic na naging bestman si Xenon kaya halos magkasama sila kahit saan at kahit sino ang tatanungin ay mahahalatang nakasunod lang palagi sa kanya ang lalaki. Nagpanggap siyang hindi napapansin iyon dahil hindi pa naman niya ito sinasagot hindi dahil sa gusto niyang gumanti sa mga pang-re-reject nito sa kanya dati, well, partly.
            “True, may magaganda rin naman sa tabi-tabi pero kung makatitig ka kay Doc Xelena ay parang siya lang ang nakikita mo.” Nanunudyong wika ni Kc ang pinsan ni Pamela.
            “Eat.” Sinubuan niya si Neon na masaya namang kinakain ang Mac and cheese nito. Sa bata nakatuon ang kanyang pansin lalo pa at hindi naman ito nababantayan ng maayos ni Xenon dahil tinutulungan din nito si Darren sa mga bisita. Bilang bestman ay assistant ito ng groom at ganoon din siya. “Yum?” tanong niya sa bata. Sobrang gwapo nito sa suot nitong maliit na tuxedo at naka-ayos din ang buhok. He looks like a mini-version of his uncle.
            “Yummy.” Pinahid niya ang dumi dulot ng cheese sa gilid ng labi ng bata. Kinausap na rin niya si Neon na hindi siya ang mommy nito at mukhang alam naman iyon ng bata at mukhang nasanay na itong tawagin siya ng mommy at kahit si Xenon ay walang problema sa pagtawag ng pamangkin nito ng daddy. The child needs a parent, he longs for it. At napamahal na rin siya sa bata kaya na-attached na siya dito.
            “Aww, such as cutie family. Kailan kayo magpapakasal?” nakangising tanong ni Czarina.
            “Next month.” maagap na sagot ni Xenon.
            “But mommy is going to marry me, Dad.” Singit ni Neon. Napapansin din niyang nag-aaway na ang dalawa sa kanyang atensyon.
            “You are too young for your, Mom.”
            Sumimangot si Neon dahil sa sagot ng uncle nito. “No, you are ugly.”
            “You look just like me that means you are ugly too.” Kumibot-kibot ang labi ng bata at namamasa na ang mga mata nito. Kaya hinampas niya ang braso ni Xenon dahil inaway na naman nito ang pamangkin nito.
            “Huwag kang maniwala sa daddy mo, he is ugly but you are not.” Alo niya sa bata na agad namang nagpayakap sa kanya.
            “Natalo ka ni Neon, Xenon. Wala kang panama sa bata.” Pang-aasar ni Timothy dito. Ngumiti lang si Xenon at saka inayos ang nagulong buhok ni Neon. Kahit na inaasar nito ang bata ay alam naman nila kung gaano nito kamahal ang pamangkin nito. At dahil sobrang lapit lang nila at karga niya si Neon kaya hindi siya agad nakakilos ng hawiin nito mula sa kanyang mukha ang ilang hibla ng buhok na nagkalat sa mukha niya.
            “Ay, sheyt. I need a man in my life right now, as in now na.” biglang bulalas ni Kc. “Excuse me, maghahanap lang ako ng lalaki dito.”
            “Ako din.” Sumama naman si Czarina dito at narinig niya ang malakas na pagtawa ni Timothy na naiwan sa mesa. Mas pinili nito ang pagkain keysa sa babae, sa pagkakaalam kasi niya ay may sinusuyo itong babae pero sa kasamaang palad ay mukhang ayaw ng babae dito. Kung sino man ang babaeng iyon, she made a very good decision dahil siguradong sasakit ang ulo niya sa lalaki. He is the exact opposite of her man… what the heck… did she call Xenon as her man?
            “Bakit parang ang saya-saya ninyo dito?” nakangiting tanong ni Yumi na kasama ang asawa nitong si Howard. Kakakasal lang ng dalawa kaya halatang high na high pa sa pag-ibig. Sunod naman sina Pamela at Nico, nakababa na ng barko ang lalaki at mukhang nagpaplano na rin na magpakasal. Naunahan pa nga ito ng kanyang kakambal pero mukhang masaya naman ang dalawa. “What a happy family? Kailan ang kasal?”
            “Next month--.”
            “Hindi ko pa siya sinasagot.” Putol niya dito. “Pinag-iisipan ko pa.” she eyed him intently.
            “What? So, anong meron kayo ngayon? MU? Mutual understanding?” gulat na tanong ni Pamela. “Kahit sinong tanungin niyo dito sa venue ay mag-aakalang you are together na, right Yumi?”
            “Huwag mong i-pressure si Xelena baka hindi na talaga niya sagutin si Xenon at magwala pa dito iyan.” Natatawag pigil ni Timothy sa mga panunukso ng mga bagong dating.
            “Sa mukha niyang si Xenon alam din natin na hindi niya tatantanan si Xelena hangga’t hindi niya nababago ang isip niya.” Ngumiti si Yumi sa kanya. “Hindi ba aalis ka bukas papuntang New York, Xelena?”
            Naramdaman niya ang pagtitig sa kanya ni Xenon hindi pa pala niya nasasabi dito na aalis siya bukas. Iyon sana ang gusto niyang sabihin nito kaso dahil sa sobrang naging busy sila ay hindi na niya nasabi pa.
            “Neon, gusto mong magplay? Sama ka kay Tito Tim.” Sumama naman ang bata kay Timothy.
            “May kukunin pa pala akong food, Howard samahan mo ako.” Nagsipulasan ang mga kasama niya sa mesa hanggang sa silang dalawa nalang ang naiwan.
            “Bukas ka na aalis?” kalmado ang boses nito pero batid niyang hindi maganda ang mood ng binata. “Bakit hindi mo sinabi?”
            “Sasabihin ko sana kaso naging busy tayo pareho.”
            “At kailan mo sasabihin sa akin?”
            “Tonight kaso naunahan na ako ni Yumi.” She remained calm. Narinig niya ang mahinang pagbuntong-hininga nito at saka tumayo kaya kahit anong sabi niya na kalmado lang siya ay parang dumami ang asido sa tiyan niya habang naghihintay ng sagot ng lalaki.
            “I’ll get a drink first, stay here.” Kalmado nitong utos sa kanya, he really looks and sounds so calm but knowing Xenon alam niyang hindi ito kalmado. Sinundan niya ng tingin ang lalaki pero nakuha ng cellphone nito ang kanyang atensyon. May tumatawag dito at dapat hindi niya iyon pakialaman pero kusang gumalaw ang kanyang kamay at sinagot ang tawag.
            “Hello?”
            “Attorney Larriaga, na-i-send na ng IT expert namin ang video na hinihingi mo i-check mo nalang ang video.”
            “Sasabihin ko po.”
            “Hindi ikaw si Attorney? Secretary ka ba niya?”
            “Ye-yes. Medyo busy siya ngayon.” Nakatalikod pa rin sa kanya ang lalaki.
            “Sige Miss, sabihin mo kay attorney na tatawag akong muli.” Nag-end na ang call at tumunog naman ang notification button.
            “Video clip?” nagtataka siya dahil nakaka-access siya sa cellphone ni Xenon ng ganoon-ganoon lang. He is a lawyer and his phone is very important when it comes to private matters kaya dapat ay mas maingat ito. Ibabalik na sana niya sa mesa ang cellphone ng aksidenteng ma-press niya ang notification at bumukas ang video clip. She is about to close it but then the video itself made her stopped that. Napatitig siya sa video at napasinghap.
            Biglang nanginig ang kanyang palad at nanlamig ang kanyang buong katawan. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon pero bigla nalang lumakas ang tibok ng kanyang puso kasabay ng biglang pag-iinit ng kanyang mga mata.
            “Damn it, hindi ka pwedeng umiyak dito.” itinaas niya ang kanyang mukha upang pigilan ang pagtulo ng luha at masira ang kanyang make-up. Tumayo siya at nagmamadaling lumabas upang makalanghap ng sariwang hangin at ng malinawan ang kanyang pag-iisip.
            “Oh, God. Alam niya.” Nakarating siya sa garden na tago mula sa mga bisita. “Kailan pa niya alam?”
            Para siyang tanga na palakad-lakad sa dalawang metrong espasyo doon. She is overthinking again and with a mindset like her alam niyang matatagalan pa siya bago makapag-isip ng tama. She needs to calm her nerves, her anxiety is kicking in.
            “Not now Xelena, not in your sister’s wedding. Pretend that you know nothing.” Ilang inhale at exhale ang ginawa niya bago siya nakapagdesisyon na babalik na. “Ayyy!” napatili siya ng bumangga siya sa isang tao. Maagap na nakuha uli niya ang kanyang balanse at nang makilala ang taong nabangga ay bigla siyang napaatras. Pretend that you know nothing. Utos niya sa kanyang sarili. “A-anong ginagawa mo dito?” Just pretend that you know nothing.
            “Are you still going to pretend that you didn’t see it?”
            Pretend. “What? Nagpapahangin lang ako dito. Babalik na ako sa loob dahil baka hanapin ako ni Xylee.” Lalagpasan sana niya ito pero mabilis nitong nahawakan ang kanyang braso. She clenched her fist tightly she doesn’t want him to feel her anxiety.
            Hinila siya ni Xenon hanggang sa naramdaman nalang niya ang dalawang braso nitong nakapulupot sa kanyang katawan.
            “Kailan mo pa alam?” hindi na niya napigilan ang sarili at hinayaan na umagos ang luha mula sa kanyang mga mata.
            “Matagal na pero kahit hindi ko malaman ay wala rin naman akong pakialam. Pero noong nalaman ko ang lahat, ang dahilan kung bakit kahit na mahal mo ako ay pilit mo akong itinutulak palayo sa iyo ay mas lalong tumibay ang kagustuhan kong makuha ito. Yes, call me evil but I am about to use the video against you. Gusto kong pilitin ka na tanggapin ako sa lalong madaling panahon. Hindi ako ganoon kabait at hindi rin ganoon kataas ang pasensya ko when it comes to you.” Humigpit ang hawak nito sa kanya.
            “You knew.” Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang likod. “Hindi mo dapat malaman iyon.”
            “Malalaman ko rin ang lahat, Xelena. Kahit hindi mo sabihin ay malalaman ko rin and you don’t have to hide that.”
            Umiling siya. “Nahihiya ako sa iyo kaya nga sinabi ko sa iyo I don’t deserve you. You deserve someone--.” Pinigil nito ang lahat ng sasabihin niya sa pamamagitan ng mga labi nito. A soft, gentle yet urging her for response.
            “Kiss me.” He whispers to her. “I want it.” He doesn’t sound so gentle at all. “Fast.” At kahit ayaw niya—damn it! She wants it and she can’t deny it anymore. She opened her lips for him to devour and he seems to be pleased by her action. Hindi niya alam kung ikaw minuto bago siya nito bitawan. “I think your phrase was wrong.”
            “Hmnn.” She is still flushing from the kiss.
            “I don’t deserve a wonderful woman like you. But heck with that, I want you in my life and you’re the only woman I want so curse me. Hindi na kita papakawalan.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “You stopped shaking.” he planted a kiss on her forehead down to the tip of her nose and back to her lips. “Don’t be mad at me I was really planning on forcing you and I won’t lie about that.”
            “You are a sly wolf, Xenon.” She finally found her tongue.
            “That’s a revenge.” Marahan nitong hinagkan ang kanyang pisngi.
            “Revenge on me? For keeping the secret?” And she is still making herself sane dahil kapag ipinagpatuloy pa nito ang ginagawa nito ay baka… baka hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili.
            “Yes. It’s a bit unfair though, you remembered everything about that night but the things I remembered are the stai--.” Maagap niyang tinakpan ang bibig nito.
            “Don’t say anything.” Tinanggal naman nito ang palad niya. “Please, don’t.”
            “Why?”
            “Iiwanan talaga kita dito at aalis ako bukas ng hindi nagpapaalam sa iyo and I won’t even say I love you too.”
            “You said it.”
            “What?” takang tanong niya.
            “You said you love me too.” Lumapad ang ngiti nito.
            “No--.”
            “Finally.”
            “Teyka lang, wala naman akong sinabi ah.”
            “Do you love me or not?”
            “I love you.” Napabuntong-hininga siya dahil dito. “I hate you.”
            “Will you marry me?”
            “Kakasagot ko lang sa iyo at iyan na agad ang tinatanong mo? No, I am not going to marry you. Yet.”
            Muli siya nitong niyakap at ramdam niya ang malakas na tibok ng puso nito. Words may lie but a person’s body can’t. “Ang lakas ng tibok ng puso mo, para kang magkaka-cardiac arrest.”
            “Xenon, Xelena, anong ginagawa ninyo diyan?” pareho silang napapitlag ni Xenon nang marinig ang boses ni Vanessa na napadaan lang sa may area na iyon.
            “Nahihirapan akong huminga sa loob.” Si Xenon na ang sumagot pero hindi naman siya nito binitiwan. “She is giving me a CPR.” Isang malakas na singhap at malakas na hampas ang natanggap nito mula sa kanya.
            “Ohhh, alright. I won’t disturb your CPR, enjoy… I mean keep healthy.” Nasubsob niya ang mukha sa dibdib nito.
            “I want a CPR.” Bulong nito sa kanya, oh well, she’s a doctor at ano pa ba ang dapat gawin niya kundi ang bigyan ito ng first aid care?


TBC
PHOTO CTTO

<3 <3 <3
A/N: Pagkatapos kong magsulat ng grades sa cards and sa form 10 kahapon ay sinulat ko ang chapter an ito out of the blue, pwede na nga siyang i-upload na rin after that pero habang nagsusulat ako ay narealized kong parang may mali at feel ko siyang ulitin. Since nasa ganoon akong state kaya natulog nalang ako at inisip kong uulitin ko bukas kapag natapos ko ng isulat ang date of attendance sa cards pati na rin ang age ng mga bata. Kaso paggising ko ay na-trap na naman ako sa panonood ng tiktok videos kahit wala akong entry doon tapos iyong friend ko na nasa Indonesia na nag-te-teach ay inaya akong mag-Mobile Legend until evening. WALA akong natapos, naka-pending pa rin ang hindi tapos na cards at itong balak ko sanang ulitin? HIndi ko na na-change, bahala na, ipo-post ko nalang ang nakayanan kong isulat last night tapos magdadagdag nalang ako ng epilogue kahit short lang.

Tapos kanina habang nagbabasa sa group chats na naka-mute ay may nasagap akong balita, magkaka-enhanced quarantine na daw dito sa amin. Sa part ko wala namang problema dahil taong bahay nga ako pero kawawa pa rin iyong mga maapektuhan although may nababasa akong mga tweets and posts na okay lang sila na magsacrifice sa work as long as healthy lang sila.

Ngayon ko lang na-realized ang mga bagay-bagay, kahit gaano kapabaya ang mga Pilipino ay kapag nasa bingit na ng kamatayan ay mababago at mababago ang pananaw at lifestyle sa buhay. Magka-iba ang perspective ng mga tao, iba ang perspective ng mga may kaya at middle class sa nasa lower class aminin man natin iyon o hindi. Iba din ang perspective ng mga estudyante na umaasa pa sa parents nila, sa mga students na nagpapart time job para mabuhay at makapagtapos, sa mga tambay na talga sa bahay, sa mga simple na manggagawa na no work and no pay, sa mga nagwo-work na no work but with pay, at sa mga hindi na kailangan ng work kasi mayaman na sila talaga. Mahirap i-unite ang mga taong iba-iba ang pananaw sa buhay dahil kahit anong sabihin mo ay hindi talaga nila maiintindihan ang perspective na gusto mong ibigay dahil iba din naman ang point of view nila. HAYYYy, at alam niyo iyong nakakainis pa. Iyong kasamahan mo sa trabaho na kung anu-ano nalang ang shine-share sa fb at sa mga gc namin, iyong mga balitang hindi naman valid, iyong gawa-gawa lang. Tapos hindi pa marunong magbasa at mag-analyzed ng binabasa. Diyos ko, hinid ako naiistress sa bayyyrrruuuusss na iyan kundi sa mga kasama ko. Think before you share.


P.S: May part 2 pa itong mahabal author's note.

LOVE,
INANG


Sunday, March 22, 2020

Black Magic 6 - Heal Love: 14 - SPHYGMOMETER


14 – SPHYGMOMETER
            “XELENA! Xelena, wake up.” Napa-ungol siya nang marinig ang nagmamadaling boses ng kapatid. “Gising ka na dali, may bisita ka.”
            “Sino?” she asked groggily. Sinipat niya ang digital na alarm clock na nasa tabi ng kanyang kama. Pasado alas nuwebe na ng umaga at hindi pa siya dapat nagigising ng mga oras na iyon dahil naka-leave siya. “Ang aga-aga pa.”
            “Naku, ang mabuti pa ay bumaba ka na doon baka mas mauna ka pang ikasal sa akin.” Nagising siya sa sinabi nito at ang unang pumasok sa kanyang utak ang ang mukha ni Xenon. “May umaakyat ng ligaw.” Ngumisi ito sa kanya. “Kausap na niya sina Nanay at Tatay, actually kanina pa siya dumating. Mag-kakalahating oras na rin silang nag-uusap doon.”
            Napa-upo siya ng tuwid. “Sino nga?”
            “Sino pa ba?” nanunuksong balik nito sa kanya. “Now twin sister, get up and fix yourself.” Umupo ito sa tabi niya. “Nakakatawa hindi ba? Parang kailan lang ay ako ang kinausap mo tungkol sa suliraning pampuso ngayon ay ikaw naman.” Inakbayan siya nito habang naghahabol siya ng hininga. “Mas mahirap ka nga lang kausap keysa sa akin dahil ako indenial sa nararamdaman ko kay Darren dati samantalang ikaw naman ay hindi nga indenial pero sobrang--.”
            “May nangyari sa amin.” Kung saan niya kinuha ang lakas ng loob para aminin iyon sa kapatid niya. Gulat na napatingin ito sa kanya na para bang hinihintay na sasabihin niya na joke lang. Walang biro sa kanyang sinabi.
            “What?”
            “Ma-may nangyari sa amin at hindi niya alam iyon.” Tumayo si Xylee at hinawakan ang magkabilang balikat niya.
            “What the heck? Kailan? Paano—I mean…” niyugyog siya nito dahil alam niyang wala rin itong tamang maitatanong sa kanya dala na rin ng gulat. “Bakit ngayon mo lang sinabi?” natigilan ito at napatitig sa kanya. “Wait.” Napalunok ito. “Don’t tell me noong nagdesisyon ka na hindi na habulin si Xenon noon ay dahil…” hindi nito naituloy ang sasabihin at malakas siyang niyugyog. “What the heck!” bigla itong naglakad palabas ng kwarto.
            “Saan ka pupunta?”
            “Kakausapin ko ang lalaking iyon dapat ay maikasal na kayo sa lalong madaling panahon.” Sa mukha ng kapatid niya ay alam niyang gagawin nito iyon. Mabilis siyang napatayo at nahawakan ang kapatid dahil kailangan nitong kumalma.
            “Hindi nga niya alam.”
            “Dapat ay malaman na niya at dapat panagutan ka niya.” Mabilis siyang umiling. “Nababaliw ka ba? May nangyari sa inyo.”
            “At hindi lang naman siguro ako ang babaeng nakasama niya hindi ba? Ako ang may kasalanan, sobrang desperada na ako ng mga panahon na iyon. When I saw him drunk and can barely walk I thought it was my chance but when I woke up realization hits me hard. I made a mistake, a very big mistake. Pinagsisihan ko ang nagawa ko at nahihiya ako sa sarili ko. I kept the secret to myself dahil kahit ako ay hindi ko matanggap sa sarili ko na naging ganoon ako.”
            “My goodness.” Ipinikit ng kakambal niya ang mga mata at sunod-sunod ang ginawang paghinga upang pakalmahin ang sarili nito.
            “I made a wrong decision.” Bumalik siya sa pag-upo habang nakatitig sa kanyang kapatid. Narinig niya ang malakas nitong buntong-hininga bago lumapit sa kanya.
            “Who am I to judge? Nobody is perfect, ako, ikaw, we are bound to make mistakes. Pero hindi tayo dapat magpadaig sa mga nagawa nating pagkakamali. Itinago mo sa sarili mo ang bagay na iyon at nagpretend ka na okay lang ang lahat. Nagpakain ka sa pagkakamaling nagawa mo at sa halip na tulungan ka namin na itama iyon ay itinago mo. Hindi kita masisisi sa naging desisyon dahil baka sa sarili mo iyon ang akala mo ay tama.” Muli itong napabuntong-hininga. “Now you have the chance to correct your mistakes.”
            “At paano? Ang basta nalang tanggapin si Xenon sa buhay ko? Hindi niya pwedeng malaman dahil baka—baka…”
            “Baka mag-iba ang pagtingin niya sa iyo? Darn it, Xelena. Sa tingin mo ba ganoong lalaki si Xenon dahil sa tingin ko ay hindi. Sa tingin ko ay maiintindihan niya ang lahat at wala lang sa kanya ang nangyari.”
            “Madaling sabihin at isipin pero bakit ang hirap?”
            “Dahil nagpakain ka sa takot mo but you are braver than you think you are. Nagawa mong sabihin sa akin ang tungkol dito pagkalipas ng ilang taon na pananahimik mo. You are brave Xelena, you are better than this and you made it this far. Bakit hindi mo buksan ang puso at ang isip mo kay Xenon. He loves you dahil kung hindi ay hindi niya kakausapin ang mga magulang natin para pormal na ligawan ka. He is serious about you and I think he is willing to wait until you open up to him.”
            Hinawakan ni Xylee ang kanyang magkabilang palad.  “Why not give it a chance? Sa tingin ko kasi you are really meant for each others. Baka hindi nangyari ang gusto mong mangyari dati dahil may kailangan ka pang gawin. Hindi ba naging doktor ka para makalimutan mo siya? Iba maglaro ang tadhana hindi man niya ibigay ang lahat ng gusto natin agad-agad pero gagawa ito ng paraan. May be this is the time and I want you to go for it. You love him and he loves you, walang nakakalito doon. Simple math, one plus one equals you two together forever.” Pinahid niya luha sa kanyang pisngi at natawa sa huling sinabi ng kapatid niya. “I know deep inside you want this as well make this work I know you can do this.” Hinila siya nito patayo. “Harapin mo na siya at wala akong ibang tatanggapin na brother-in-law kundi siya lang.” inayos nito ang magulong buhok niya.
            Kung sana ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin ang nangyari sa kanya sa kapatid niya dati ay baka hindi na umabot ng ganito kahaba ang kanyang pagtitiis at hindi na sana siya na-depressed at naging dahilan kung bakit naghiwalay ang kanyang mga magulang.
            “Hindi ka ba galit sa akin dahil itinago koi to sa iyo?”
            “Siyempre galit pero may magagawa pa ba ako kapatid kita, magkasama tayo sa loob ng tiyan ng nanay natin at hanggang sa paglaki. Sino ba ang makakaintindi sa iyo kundi ako?” ngumiti siya dito.
            “Ako ang naging dahilan kung bakit naghiwalay ang mga magulang natin.”
            “Mas mabuti na rin na naghiwalay muna sila sandali at nagpapasalamat din ako dahil nangyari iyon. You know our parents, pareho silang matataas ang pride kaya kung nagsama pa sila ay sigurado annulment talaga ang mangyayari.” Totoo din naman iyon, hindi na naging maganda ang pagsasama ng kanilang mga magulang noong mga panahon na iyon. Noong naghiwalay sila ng bahay ay nagkaroon din ng break sa mga away ang kanilang mga magulang. “Our parents are crazy kaya nga hindi tayo normal ngayon. Iyon ang sekretong hindi natin pwede sabihin sa mga partners natin.” Yumakap lang siya sa kapatid at nagpasalamat sa pagiging open nito at sa pagtanggap nito sa kanya. She didn’t judge her, totoong nagpakain siya sa takot sa kanyang puso, she’s really stupid.
           
            MOMMY!” Agad siyang napangiti nang makita ang nakangiting mukha ni Neon. Sinalubong niya at tinanggap ang yakap ng bata dahil miss na miss na rin niya ito. “I missed you.” Pinugpog siya nito ng halik sa buong mukha.
            “I missed you too.” Hinagkan niya ang magkabilang pisngi nito at parang kiniliti ang kanyang puso nang marinig ang masayang tawa ng bata. Napasulyap siya kay Xenon na nakatitig din sa kanya.
            “Sorry if natagalan mahirap talagang gisingin si Xelena.” Tinapunan lang niya ng tingin ang kapatid dahil ang dahilan kung bakit natagalan sila ay hindi siya nito pinayagan na bumaba hangga’t hindi siya nakakapag-ayos ng tama. She is wearing a pink floral sleeveless dress and her sister insisted on putting her make-up. Kung hindi siguro siya nagpagupit ay baka pati buhok niya ay pinagtripan na rin nito. She actually likes her hair short dahil mas komportable siya at hindi na rin siya nahihirapan na suklayin at ayusin iyon lalo na kapag nasa trabaho siya.
            “No worries we are not in a rush.” Nagdududang tumingin siya kay Xenon lalo pa at dinala nito si Neon sa bahay. Mukhang may balak na naman ito at alam nitong markado na niya ang lalaki dahil sa paggamit nito sa pamangkin. Lumapit ito sa kanya kasabay ng pagtulak ng kakambal kaya bigla siyang natisod at kung hindi lang naging maagap si Xenon ay bumaka humalik na siya sa tiles. Inayos niya ang tayo at pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang dibdib sa lakas ng tibok ng kanyang puso. There is a ticking timebomb inside her body and she know her face is as red as a ripe tomato. Naramdaman niya na may humila sa kanya, si Xylee iyon na nakangiting nakatingin din kay Xenon.
            “Manliligaw ka pa lang right? Wala munang hawak-hawak.”
            “Ah, right. I’m sorry.” Napatingin siya sa kanyang mga magulang mukhang cool na cool lang ang mga ito sa presensya ng lalaki sa bahay nila.
            “Ipinagpaalam ka na sa amin ni Xenon na mamasyal at sasamahan ka rin nila na magbreakfast.”
            “Ha? Aalis?” hindi yata siya na-inform agad ng kapatid niya kaya pala nag-insist ito na mag-ayos siya.
            “Kagabi ka pa ipinagpaalam ni Xenon at pumayag naman kami ng Tatay mo dahil sigurado naman kaming maaalagaan ka nitong mabuti.” Bumaling ang Nanay niya sa lalaki. “Ikaw na ang bahala sa dalaga namin Xenon.”
            “Salamat po Tita.”
            At natagpuan niya ang sarili na nakaupo sa pang-apatang mesa ng Wild Thyme na nasa loob lang ng kanlang subdivision dahil gutom na talaga siya. Nakalimutan niyang kumain ng dinner dahil natulog lang siya at sobrang late na nga siyang nagising. Wala siyang ideya kung saan sila pupunta.
            “Mommy, Daddy, play.”
            “Mag-ingat ka.” Sabay na sabi nila ni Xenon nang bumaba ng upuan ang bata.
            “Yes, po.” May maliit na play area sa loob ng restaurant dahil ginawa iyong family restaurant ng may-ari sa halip na exclusive fine dining resto. Karamihan ng mga nagpupunta doon ay mga residente ng Seasonsville at iyong iba ay dumadayo rin.
            “Bakit hindi mo ako tinawagan na may balak ka palang yayain ako ngayon?” tanong niya dito.    
            “You haven’t unblocked me yet.” May himig ng pagtatampo sa boses nito. “At nang puntahan kita kagabi ay natutulog ka na kaya sa mga magulang mo nalang ako nagpaalam.” Kinuha niya ang cellphone at tinanggal ito sa blacklist niya. “Finally.”
            “Don’t call or text me when it’s not necessary.”
            “Well, that’s too bad. Nililigawan kita kaya dapat may constant communication tayo and this is very important.”
            Bumuntong-hininga siya. “Bakit mo nga pala kinausap ang mga magulang ko?” kahit alam na niya ang sagot dahil sinabi na ni Xylee ay mas feel pa rin niya na marinig iyon mula sa bibig nito mismo.
            “Hindi pa ba nasabi ni Xylee?”
            “Ang alin?” patay malisyang tanong niya pero ang totoo ay kung hindi lang niya pinigilan ang kanyang sarili ay baka umabot na hanggang sa Saturn ang ngisi nito. Ito nga siguro iyong advantage ng may nasasabihan na siya sa lahat ng kanyang dinadala. Ang gaan na ng kanyang pakiramdam at ang liwanag ng buong paligid. She never felt this good before, having someone can really make a difference. Pasimpleng kinuha niya ang baso na may lamang tubig at sinipsip ang laman.
            “Namanhikan na ako.” Sa maling tubo dumaan ang tubig na ininom niya kaya napa-ubo siyang bigla. “Hinihingi ko na ang blessings nila na magpakasal tayo.”
            “Hindi magandang biro iyan Xenon.” Kinuha niya ang tissue na ibinigay nito sa kanya. “Not funny gusto mong iblock ulit kita sa cellphone?”
            “I’m already thirty three Xelena at hindi ko kailanman ginagawang biro ang tungkol diyan. Seryoso ako sa sinabi ko I really want to marry you.”
            “Hindi mo pa nga ako kilala!” she hissed not wanting to gain extra attention from the other costumers. “At hindi mo pa nga alam kung sasagutin kita diba sinabi kong hindi ako papayag.”
            Nagkibit-balikat lang ito. “Kahit anong sabihin mo hindi ako maniniwala na hindi ko mapapalambot ang puso mo. You are really frustrating Xelena, I know you love me and you know I felt the same but who am I to complain? Do you think karma ko na ito? I don’t mind being punished by you since I think I really deserved that but hopefully you’ll find me a space in your heart sooner or later.”
            Baliw ba ito? Matagal na nitong inuokupa ang malaking espasyo sa puso niya at kung magpapatuloy ito sa pagsuyo sa kanya ay sigurado siyang sooner or later ay bibigay din siya. Isa din naman siya sa pinakamalalang example ng sinasabi nilang ‘marupok’.
            “Pa-paano kapag nalaman mong may nagawa akong--.” Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil mabilis nitong hinawakan ang kanyang palad at dinala iyon sa mga labi nito. Alam niyang ramdam nito ang lamig ng kanyang palad.
            “I don’t really care, I want you because you are you. Sa tingin mo ba ay makakahanap pa ako ng babaeng tulad mo? You are smart and frustrating but I know your capacity to love someone. Kapag nagmahal ka ay ibibigay mo ang lahat at gagawin mo ang lahat. Sino ang gagong lalaki na aayaw sa babaeng katulad mo? Natapos na ako sa phase na katangahan ko and I am a wise man now. Maswerte ang lalaking mamahalin mo.” Ngumiti ito ng matamis sa kanya. “I am really lucky.” Hinila niya ang palad niya dahil mas mararamdaman nitong ang kaba niya.
            “Oh, Xelena is that you?” mas lalong hinigpitan ni Xenon ang kanyang palad nang may tumawag sa kanyang pangalan. Isang pamilyar na lalaki!
            “Andrew?” Classmate niya ito sa kanyang pre-medicine course. Isa ito sa mga saksi kung paano niya habulin si Xenon dati.
            “Good to see you here, dito ka rin ba nakatira?”
            “Ye-yeah.” Mas lalong humigpit ang hawak nito sa kanya. Nakangiti lang ang lalaki pero batid niyang nag-iba ang mood nito. “Anong ginagawa mo dito?”
            “I’m with my wife and children, dito nakatira ang kapatid ng asawa ko at binisita namin sila. Dumaan muna kami dito sa Wild Thyme dahil nagugutom na ang mga bata.” Sinulyapan niya si Xenon na unti-unting lumuwag ang hawak sa kanya. Napatingin si Andrew sa kasama and a flash of recognition is visible on his eyes. “Kayo pala ang nagkatuluyan? You are really amazing Xelena akala kasi namin ay sumuko ka na talaga kay Xenon I’m surprised.”
            Nasapo niya ang mukha dahil alam niyang iyon ang sasabihin nito. “Mommy! Daddy! I’m hungry. Hello po.” Bati ni Neon at alam niya ang tumatakbo sa utak ng dating classmate.
            “Congratulations Xenon.” Inilahad nito ang palad nito sa kasama. “You are very lucky to have Xelena.”
            “I am.” Ngumiti lang si Xenon na para bang proud na proud na sabihin iyon. “I am very lucky.”
            “See you around Xelena and Xenon, pupuntahan ko lang muna ang mag-ina ko doon.”
            “Enjoy your meal too and please tell anyone who knows Xelena’s escapade in wooeing me that she successfully captured my heart and now I am dead over heels in love with her.” Sinipa niya si Xenon sa ilalim ng mesa dahil hindi niya ma-contain ang kakaibang kiliti sa kanyang puso. Narinig niyang tumawa lang si Andrew at lumisan na sa kanilang mesa. “Your heartbeat.” Ramdam na nga nito ang malakas na tibok ng kanyang puso. “It’s beating so fast.”
            “Magtigil ka nga.” Kung may sphygmometer siya ay baka akalain na ng tao na high blood siya. Damn hell! High siya, high siya sa nararamdaman para sa lalaki.
            “Mommy your are blushing.” Pansin ni Neon.
            “Ma-mainit lang.”
            Nagpout ang bata. “But it’s cold inside because of the aircon.” Turo pa nito sa centralized aircon ng restaurant.
            “You shouldn’t lie to our child Xel, Neon is pretty smart.” Binalingan nito ang bata. “Your mommy is blushing because her heart can no longer bear the love for your daddy.” Mas lalo siyang namula sa sinabi nito dahil basang-basa nga nito ang kanyang nararamdaman.
            “Baliw!” Pabulong na sabi niya dito pero isang nakakagagang ngiti lang ang ibinigay nito sa kanya bago sinabi ang…
            “I love you.”

TBC
PHOTO CTTO

<3 <3 <3
A/N: Alam niyo iyong nahook na naman ako sa manga (not the fruit), may na-open kasi akong manga sa manga app na matagal ng naka-download sa phone ko. Supposedly dapat ay hindi muna ako mag-oopen dahil focus muna ako sa Thesis unfortunately nakalimutan kong may hinahantay pala akong update na hindi ko pa nababasa iyong SOLO LEVELING -> highly recommended. Hindi siya love story pero nakaka-excite ang bawat update. At saka bumalik na naman iyong sakit ko #Fujoshi #DontJudgeme. Sa tingin ko ay hindi na naman secret ang pagkahumaling ko sa Shounen ai at sa Yaoi na genre ng Manga (hahahahhahaa). Ewan ko ba pakiramdam ko kasi ay mas okay iyong plot ng stories nila especially the Japanese story lines, bet ko rin ang webtoons dahil you know, colored. Iba-iba talaga ang hilig ng mga tao 'no kaya again don't judge, minsan ay naiinis kasi ako sa normal FxM na plot, iyong bida kasing babae ay ang sarap ibaon sa lupa dahil masyadong marurupok (hahahahaha, sorry naman) but still nagbabasa pa rin ako. Storyline at plot lang talaga ang habol ko. At saka bakit ang gwapo ng mga characters sa Yaoi lalo na iyong mga Seme (Top)? Muntik na akong mahulog sa kagugulong sa bed kanina dahil sa kilig. 
Hay naku, tapos hindi ko na nababalikawn si thesis, si cards, si form 10 at ang LIS dahil sa mga ginagawa ko. Sana ay bigyan ako ng lakas ng loob na bumalik sa trabaho dahil talagang ayaw makipagcooperate ng body ko ngayon. 

LOVE,
INANG


About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang