8 – MEDICINE KIT
“I don’t
have favorite ice cream, kinakain ko lahat ng flavor.” Siya na mismo ang kumuha
ng tub ng ice cream. “Let’s get this.” Tahimik na nakasunod sa kanya si Xenon
habang papunta siya sa cashier. “Kukuha lang muna ako ng water.”
“Ako na, hindi naman iyon mabigat.”
Presenta nito. Hinintay niyang dumating ang lalaki na may dalang tubig at
pina-scan na iyon.
“I’ll pay.” Mabilis niyang ibinigay
sa cashier ang pera dahil baka maunahan na naman siya nito. Pagkatapos magbayad
ay umupo sila sa mesa na nasa loob ng convenience store, nakakandong pa rin sa
kanya ang bata.
“Mukhang ayaw ng humiwalay sa iyo si
Neon. He really likes you.” Sinubuan niya ng ice cream ang anak nito.
“He’s really cute and he is really
getting better. Nakikipaglaro na siya sa kapwa niya bata mukhang exposure lang
sa ibang mga tao ang kailangan niya.” Ani niya dito. Biglang nawala ang kinang
sa mga mata ng kausap sa kanyang sinabi pero nakangiti pa rin ito. “Sooner ay
pwede na siyang pumasok sa isang normal school.”
“Sabi ni Doctor Uy ay baka naging
maganda ang development ni Neon dahil sa iyo.” Hinawakan nito ang kanyang palad
at dahil hawak niya ang anak nito ay hindi niya agad nabawi ang kamay niya.
“Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa iyo Xelena. Hindi ko alam ang gagawin ko
kung hindi ka dumating sa buhay namin.” She made sure that her face won’t show
any emotion. Sincere ang lalaki sa pagpapasalamat nito sa kanya at kung katulad
pa rin siya dati ay baka binigyan na niya ng meaning ang ginawa nitong paghawak
sa kanyang palad.
Being with him makes her realized
some things, hindi na niya kailangan pang tumakbo dahil na-master na niya ang
pagtatago ng kanyang tunay na nararamdaman sa panahon na tulad nito. Sa halip
na hilahin ang palad gaya ng ginagawa niya lately ay binigyan niya ito ng maliit
na ngiti, it’s a sincere smile as well.
“Destiny really knows how to play,
right? Sabi ko sa iyo noong nagkita tayo na gagawin ko ang lahat para makabawi
sa lahat ng mga naggawa ko sa iyo dati. Good thing ay ang ibinigay sa akin ng
tadhana na paraan para maggawa iyon ay si Neon.” Hinila na niya ang palad na
hawak nito at hinawakan ng maayos ang kargang bata. “I really like your son, he
is sweet and very nice. Hindi ako mahilig sa mga bata dahil akala ko ay wala
akong affinity sa kanila, marunong lang akong magpaanak pero hindi ako marunong
mag-alaga.” Sobrang weird man pero hindi na ganoon ka-aloof ang feelings niya
para dito. “Neon made me realized that I am capable of taking good care of a
child.”
“Mukhang mali yata ang pag-aakala mo
sa sarili mo Xelena. You are normally gifted when it comes to children, si
Radon ay isa sa mga example na iyon. Kung naalala mo pa ay masyadong masungit
at rebelde ang kapatid kong iyon pero nagawa mo siyang paamuin dati.”
Nagdugtong ang dalawang kilay niya.
“That’s because he likes to eat, madali lang paamuin ang kapatid mo. Bigyan mo
ng lollipop at kakapit na iyon sa iyo na para bang life saver ka niya.”
“And I didn’t know it back then,
madalas niya akong inaaway dahil hindi ko alam kung ano ang kailangan niya.
Yes, he likes to eat but whenever I fed him he always throw it away.”
Inalala niya ang nakababatang
kapatid nito dahil parang hindi naman ganoon ang description ng batang iyon.
“Really? Hindi ko maalala na may ganyang ugali pala ang kapatid mo. The first
time we saw each other ay hiningi lang niya iyong pagkain na ibibigay ko sana
sa iyo, itatapon ko na sana iyon nang tanggihan mo pero hiningi niya. He said
he is hungry and he will eat anything edible.” Madalas ay nalalamog ang mga
ginagawa niyang pagkain dito dati, lahat naman kasi ng paborito nito ay may
mild allergies siya kaya hindi niya iyon nakakain. Wala pa sa isip niya na
maraming mga batang nagugutom sa mundo kaya maaksaya siya sa pagkain. Mabuti
nalang at naging lifesaver niya ang kapatid nito. “Radon is really nice and
sweet, magkasing-ugali lang sila ni Neon.”
“I’m also sweet and nice.” Natawa
siya sa sinabi nito.
“Yeah.” Kaya nga ako na-fall sa iyo dati, dahil masyado kang mabait at sweet. She
cleared her throat. Okay na sa kanya na maging civil kay Xenon pero hindi pa
niya feel na maging attached na naman ang feelings niya para dito.
“Matagal na rin ba kayong
magkakilala ni Zyros?” tumaas ang isang kilay niya sa tanong nito.
“Sort of, simula noong lumipat si
Xylee dito at madalas akong tumatambay sa Summer Café.”
“Matagal ka na dito?”
Tumango siya. “Two to three years na
rin pero hindi ako dito naglalagi, sa bahay namin ng Tatay ko. Mas malapit kasi iyon sa university na
pinapasukan ko kaya mas convenient sa akin, ang original na nakatira dito ay
sina Xylee at si Nanay at dito ko rin nakilala sina Zyros.” Wika niya.
Bahagya itong natahimik at
nagsimulang kumain ng ice cream. “Are you two close?”
Close
ba kami ni Zyros? She wrinkled her nose and tried to assess their
closeness. They shared some secrets, may be they are close. Hindi pa kasi siya
nagkakaroon ng friend na lalaki kaya hindi niya iyon alam.
“Siguro close na kami.”
“Mommy eat.” Sinubo niya ang
kutsarang may lamang ice cream na ibinigay ni Neon. “Yummy?” ngumiti siya sa
bata at tumango.
“Yes, the ice cream is yummy.”
“The ice cream is yummy.” Sinunod
nito ang kanyang sinabo.
“Is he courting you?”
“Hmn?” hindi niya masyadong narinig
ang tanong nito dahil abala siya sa pakikinig sa tawa ni Neon. “Ano iyon?”
“Nothing.” Sa gilid ng kanyang mga
mata ay nakikita pa rin niya na nakatitig lang ito sa kanya, medyo
naco-conscious siya sa paraan ng pagtitig nito. “Is he courting you?” mas
maliwanag na niyang narinig ang tanong nito.
“Sino? Si Zyros?” habang napapatitig
sa binata ay hindi niya maiwasang hindi mag-isip ng kung anu-ano. Pero sa halip
na gamitin ang kaibigan ay mas minabuti nalang niyang sabihin ang totoo. Wala
naming silbe ang pagsisinungaling. “Of course not, may binakuran na iyon na
kapitbahay din natin.”
“How about your co-doctor? What’s
his name again, Sebastian?”
“He is married and his wife is
pregnant, huwag ka ngang gumawa ng issue baka mag-away pa kami ng asawa niya.”
“Oh, he is married.” Mukhang bumalik
ang sigla sa mga mata nito sa kanyang sinabi. Ramdam niya ang malakas na tibok
ng kanyang puso ng mga sandaling iyon at kung ididikit lang ni Neon ang pisngi
nito sa kanyang dibdib ay malamang maririnig iyon ng bata. “How about--.”
“Bumalik na tayo sa meeting,
kailangan kong malaman kung ano ang agenda dahil tatanungin ako ni Nanay
mamaya.”
“Aww.” Narinig niyang hiyaw ni Neon
habang nakahawak sa tiyan nito. “Ache.”
“Did he eat too much ice cream?”
bumangon ang pag-aalala niya sa bata. Binubuhay ng anak ni Xenon ang maternal
instinct na akala niya ay hindi nag-e-exist sa katawan niya. “Let me check.”
“Hindi na masakit pero sleepy na.”
nagdududang tiningnan niya si Xenon. “Please.” Wala siyang naggawa kundi ang
sundin ang gusto ng bata. Kung hindi lang siguro ito bata ay mapagkakamalan
niyang nagpre-pretend lang si Neon na masakit ang tiyan kanina para hindi siya
makaalis but he is still a kid, and kids don’t lie.
“Let me carry him.” Kinuha niya si
Neon sa lalaki. “Hindi pa maganda ang lagay ng braso mo, baka bumuka uli ang
sugat.”
“But he is heavy.”
“Kaya ko siyang buhatin, ako ang
bumubuhat sa kanya kapag nakakatulog siya sa silid nina Nanay at Tatay sa bahay
kaya kaya ko ng tantiyahin ang kanyang bigat.” Medyo bumigat nga si Neon simula
noong tumira ito sa bahay nila dahil alagang-alaga ng kanyang mga magulang.
“Kapag nakabalik na si Neon sa bahay mo please do hire a nanny for him if hindi
mo siya kayang matutukan ng husto.” Napatingin ito sa kanya na magkadugtong ang
mga kilay. “Huwag mo sanang isipin na nanghihimasok ako sa desisyon mo bilang
tatay niya, napansin ko kasing mas masigla ang bata kapag may kasama sa bahay. At
noong huli kong kunin ang timbang niya ay bumigat na siya, his weight and
height matches his age already.” Naramdaman niyang mas bumigat si Neon, marahil
ay nakatulog na ito sa kanyang mga balikat.
“Pag-iisipan ko ang sinabi mo,
sinasama ko si Neon sa office araw-araw.”
“An gaga mo namang inexpose ang anak
mo sa mga masasamang tao sa mundo. Don’t lie, hindi lahat ng mga kliyente na
pumapasok sa law firm ninyo ay inosente.”
“Hindi ko siya pwedeng iwanan sa
bahay at kahit bigyan ko siya ng yaya ay ayaw niyang makipag-cooperate. Sa
bahay naman ng mga magulang ko ay hindi rin siya mapakali doon dahil hindi siya
sanay sa presensya ng kanyang lolo at lola.”
“But he is fine with my parents,
subukan mo lang Xenon. Subukan mo uli, wala naming mawawala sa iyo kapag
sinubukan mo.”
“I will do that pero pwede mo ba
akong samahan?”
“Ha? Bakit ako?”
“Mas mabuti ng nandoon ka para mas
ma-assess mo ang magiging reaksyon ni Neon kapag kasama na niya ang lolo at
lola niya. Iba pa rin ang observation ng babae sa lalaki, kung ayaw ni Neon ay
nandoon ka na pwedeng ipacify ang feelings niya.”
Napabuntong-hininga siya sa sinabi
nito may punto kasi si Xenon. “Fine, gawin natin iyan.”
“Dumaan muna tayo sa Blooms.” Tukoy
niya sa flowershop na pagmamay-ari ng kapitbahay nilang si Pamela. “My mother
loves plants.” Dahil kaharap lang ng convenience store ang shop kaya pumayag na
rin siya. Pagpasok niya ay nabungaran niya ang working student ni Pamela na si
April na nagbabasa.
“Good afternoon.” Bati nito nang
makita sila at dahil sa maiksi na ang kanyang buhok kaya hindi na nalilito ang
mga tao sa kanila ng kapatid. “Welcome to Bloom’s Station.”
“Titingin muna kami April.” Narinig
niya paalam ni Xenon dito. Habang karga ang bata ay tumingin-tingin din siya sa
mga halaman doon. Sa totoo lang ay gustong-gusto niya ang mga halaman. Sa
quarters niya ay may mga succulents siya na inaalagaan, mas suited sa kanya ang
mga iyon dahil hindi kailangan na palaging dinidiligan and she loves it planted
in a cute pots.
Napatingin siya sa mga cute na
succulents na mukhang bagong lagay lang sa mga magagandang paso. Gustong-gusto
na niyang bilhin ang mga iyon pero dahil may bitbit pa siya kaya dadaanan
nalang niya iyon pagdating niya. Lumapit siya kay April para magpareserve.
“Umupo ka muna sa visitors’ lounge,
Xelena. Mukhang matatagalan pa ako sa pamimili ng halaman.” It took him
approximately more than ten minutes to choose, pay and pack the plants. “Wala
kang pasok bukas hindi ba?” Tumango siya. “Pumunta tayo sa bahay nina Mama.”
“Okay lang ba na magbuhat ka niyan?
Pwede naman na ipadeliver.”
“Its okay, these are not heavy.”
Ngumiti ito sa kanya at siya naman ay agad na nag-iwas ng tingin. Ayaw niyang
nakikitang ngumingiti ito, her resolve is not that strong she might break
another self-promise again. Wala na siyang natutupad sa kanyang mga pinangako.
Naglakad na siya papunta sa bahay
nito nang may marinig na shutter sounds sa kung saan. Hinanap ng kanyang mga
mata ang pinanggalingan ng ingay pero wala siyang nakitang tao na nakasunod sa
kanila.
“What’s wrong?”
“Nothing.”
“Are you sure?” tumango siya.
“Uuwi na ba sa bahay mo si Neon
ngayon?”
“Uh, can he stay with you for
tonight? Pupuntahan ko si Doctor Enriquez para ipa-check-up itong braso ko at
kung okay na ay susunduin ko si Neon.”
“Okay.” Iyon lang naisagot niya.
“Hi there lovers—oh my! Is that you,
Xelena?” kunot-noo at magkadugtong ang kilay na hinarap niya ang nagsalita.
“Don’t tell me nakalimutan mo na ako? Ako iyong nanligaw sa iyo noong high
school pero binasted mo dahil may nililigawan ka rin na iba.”
“Ah…” pinilit niyang hinalukay sa
isip ang pamilyar na mukhang iyon. Natawa ito dahil alam yata nitong hindi niya
ito maalala.
“Jefferson San Jose.”
“Oh, yeah I remember you now.” Mas
lalong lumiwanag ang ngiti nito nang makitaan na siya nito ng rekogasyon.
Sumulyap ito kay Xenon.
“Are you married now?”
“N--.” She is about to answer his
question when Xenon blocked her view.
“Excuse me, we are really busy and
in a hurry.” Maanghang napatingin siya sa kasama. Nakangiti nitong hinarang ang
kanyang sagot sana sa bagong dating. “Hope you don’t mind catching up when we
are not in a hurry.” Tumabingi ang ngiti ni Jeff but still polite to smile in
understanding.
“Sure, see you around Xelena.”
Paalam nito sa kanya at nagsimula na rin na maglakad sa ibang direksyon.
Napatingin siya kay Xenon, gusto sana niyang itanong kung bakit nito ginawa
iyon pero napansin niyang namamawis ang noo nito and when she touched him, he
felt cold.
“Let’s go.” Mabilis niyang niyaya
ito at nauna ng maglakad. Tahimik na sumunod ito sa kanya at kahit na siya ang
unang pumasok sa bahay nito ay wala pa rin itong imik. Maingat na inihiga niya
si Neon sa malaking sofa at mabilis na hinila ang lalaki. “Sit.”
Takang napatingin ito sa kanya.
“Why?”
“Sit down Xenon.” Mariing utos niya.
Sumunod naman ito na para bang bata na naghahanda na pagalitan ng nanay nito.
Agad niyang natagpuan ang medicine kit na iniwan niya sa bahay nito at kinuha
iyon. Pumasok siya sa kusina upang kumuha ng tubig, malamang ay hindi na naman
nito ininom ang gamut na sinabi niyang inumin nito. “Drink this.” Parang
maamong tupa na kinuha nito ang gamut na ibinigay niya.
Habang umiinom ito ng tubig ay isang
malakas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Na-fru-frustrate siya sa
lalaki dahil sobrang tigas ng ulo nito.
“Xelena-.” Tinapunan niya ito ng
matalas na tingin. “What did I do?” Inosenting tanong nito.
“Xenon, ilang taon ka na?”
“Thirty three?” mas lalo siyang
nainis dahil sa sobrang inosenteng pagsagot nito sa kanya.
“Right, matanda ka na hindi ba? Mas
matanda ka pa nga sa akin pero bakit ang tigas ng ulo mo?" inis na tanong
niya dito. “Alam mo bang gustong-gusto kitang gilitan ng leeg ngayon at
sakalin, bakit ba hindi ka marunong makinig?” nakatitig lang ito sa kanya na
parang tutang pinagagalitan. “I told you to drink your medicines but you
didn’t!” she is almost screaming. “Gusto mo ba talagang lumala ang lagay mo at
maputulan ka ng braso? Hindi ka ba nag-iisip?” nasa verge na siya ng pagsapok
dito sa inis na nararamdaman niya.
“Kapag naputol ba ang braso ko ay
patuloy mo akong aalagaan at si Neon?” nakangiting tanong nito sa kanya. Hindi
siya nito sine-seryoso. “I’m not joking.”
“Neither I am, fine. Mas mabuti
sigurong huwag muna akong makipagkita sa iyo—ay mali iyon. Hindi ka naman
marunong makinig ng advise ng ibang tao maghanap ka ng pwedeng mag-alaga sa iyo
at sa anak mo. I’m done with you and I won’t see you again.” Pagsuko niya.
Kahit na noong ilang beses siya
nitong tanggihan dati ay hindi siya nakaramdam ng ganitong klaseng frustration.
Inuubos nito ang lakas at pasensya niya. Kapag nagpatuloy ito ay baka hindi na
siya maabutan ng bukas dahil mamamatay na siya sa konsumisyon. Kinuha niya ang
medicine kit at ibinato sa espasyo ng sofa na katabi nito.
Narinig niya ang pagtawag ng lalaki
nang lumabas siya ng bahay nito pero hindi niya iyon pinakinggan at mabilis na
nakahanap ng paraan para makauwi sa kanyang bahay. Sinalubong siya ng kanyang
ina pero ng makitang hindi maipinta ang kanyang mukha ay pumasok nalang ito sa
kusina at hinayaan siyang pumasok ng kanyang silid.
TBC and PHOTO CTTO
<3 <3 <3
A/N: Finally! Na-submit ko na ang three thesis proposals ko and waiting nalang sa text mula sa office ng Dean if accepted or rejected ba iyong ipinasa ko. Juskolord talaga! Wish me luck babies!
Love,
INANG
Good luck sa thesis inang.. lablan
ReplyDelete