Wednesday, February 12, 2020

Black Magic 6 - Heal Love: 7 - NEBULIZER



7 – NEBULIZER
            MAINGAT na ipinarada niya ang kotse sa tabi ng mababang gate ng bahay ni Xenon, maaga siyang nakaalis sa hospital kaya hindi pa sumisikat ang araw ay nakarating na siya sa kanilang subdivision. Kailangan niyang tingnan kung okay lang ba ang lalaki dahil walang problema ang anak nito sa bahay niya. Sa totoo niyan ay mukhang nag-eenjoy ang bata na makasama ang kanyang mga magulang at nakikipag-usap na rin ito sa kanyang Nanay. Gusto niyang kausapin ang lalaki tungkol dito.
            Para siyang magnanakaw na palinga-linga sa paligid, ayaw niyang may makakita sa kanyang pumapasok sa bahay nito lalo pa at masyadong high ang mga kapitbahay niya. Kapag may nakita lang ang iba na isang single na lalaki at babae na nagkadikit ay iisipin na agad ng mga ito na may sparks at pwede ng magka-forever.
            Binigyan siya ng susi ni Xenon kaya hindi na niya ito kailangan pang gisingin kapag dumarating siya. It’s actually weird to enter his house like this, para kasi silang mag-asawa sa lagay na ito. On leave din ito dahil hindi ito nakakapagtrabaho ng maayos, Xenon is a lawyer. Pagkapasok niya ay una niyang nilinis ang kalat sa sala at agad na nagpunta sa kusina, tahimik na iniligpit din niya ang mga kalat na iniwan ng lalaki. Inayos niya ang mga antiseptic at mga gamut na gagamitin ni Xenon kapag nagising na ito.
            Mabilis siyang naghanda ng pagkain para sa binata dahil balak sana niyang lumabas ng bahay na hindi ito nakikita. Iyon sana ang plano pero nasa kalagitnaan siya ng pag-aayos ng pagkain nito ay bigla nalang nahagip ng kanyang mga mata ang malaking bulto na nakatayo sa tabi ng pintuan ng kusina. Gulat na napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa malakas na tibok ng kanyang puso dulot ng sobrang pagkakagulat.
            “What the heck Xenon? You freak me out.” Reklamo niya dito nang maka-recover na. Dahan-dahang bumalik sa normal ang tibok ng kanyang puso. “Ka-kanina ka pa ba diyan?” nakatitig lang ito sa kanya na para bang mine-memorized ang bawat galaw ng kanyang katawan.
            “Twenty-minutes ago.” Naglakad ito palapit sa kanya. “Masyado kang busy at hindi mo napansin na nandito na ako.” Totoo ang sinabi nito, masyado niyang inabala ang sarili sa pagluluto at hindi niya napansin ang pagdating nito. Napansin niyang tumaas ang palad nito at ilang layo nalang iyon sa kanyang mukha kaya siya napaatras. Pasimpleng lumayo siya sa lalaki at kinuha ang mga pagkain na inihanda niya dito at dinala sa sala.
            “Okay lang si Neon sa bahay, mukhang nakuha din ng bata ang loob ng Nanay at Tatay ko. Mukhang magaling na nga si Neon dahil kinakausap na rin niya si Nanay at si Xylee.” Inilapag niya sa maliit na center table ang pagkain nito. “Dito ka na kumain, nandito na rin ang lahat ng mga kakailanganin mo para gamutin ang sugat mo. Two days from now ay kailangang mong bumalik kay Doctor Enriquez, eat and drink your medicines.” Hindi niya hinayaan na makapagsalita ito. “I need to go, take care of yourself.” Nagmamadaling nagtungo siya sa pintuan nang marinig ang malakas na daing ng lalaking iniwan.
            Mabilis siyang napalingon at napansin na nakaupo ito sa sofa habang nakahawak sa nakabenda nitong braso. Kung gaano siya kabilis na nakalayo ay ganoon din siya kabilis na nakalapit sa lalaki.
            “What happened?” she looks at his pained face, he must be in real pain. Hinawakan niya ang braso nito dahil bigla siyang na-bobo sa mga oras na iyon. Parang naglahong parang bula ang mga pinag-aralan niya sa nakaraang mga taon at ngayon lang uli siya nakaramdam ng sobrang pagkataranta to the point na hindi na niya alam ang kanyang gagawin. “Hey… doctor, yes, I’ll call Doctor Enriquez.”
            Hinagilap niya ang kanyang cellphone pero naalala din niyang naiwanan niya iyon sa loob ng kanyang sasakyan. “Teyka lang, kukunin ko lang ang cellphone ko. I left it in my car--.” Nahawakan siya ni Xenon sa braso para pigilan.
            “Don’t leave it, it hurts like hell.” Hinila siya nito hanggang sa mapaupo siya sa tabi nito. “Damn…” she heard him hissed in pain.
            “Kailangan kitang dalhin kay Doctor Enriquez.”
            “He is still sleeping by this time, don’t disturb him.”
            “Dadalhin kita sa hospital.”
            “Mawawala din ito, parang katulad lang ito kagabi.” Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito. “Sumasakit at nawawala din, it’s just more painful today.” Mas lalong nagdugtong ang kanyang mga kilay sa sinabi nito.
            “Bakit hindi mo sinabi na may nararamdaman ka na pala? You should have asked me.” Paggalit na ani niya dito.
            “I called Doc Enriquez last night he said that this is normal, kailangan ko lang inumin ang mga gamut ko. Nakalimutan kong inumin dahil nakatulog agad ako.”
            Kung pwede lang siguro niyang sakalin ang lalaki ay ginawa na niya. “Binilinan na kitang inumin ang gamut mo bago kami umalis ni Neon kahapon.”
            He sheepishly smiled at her making her feel worst than before, nandoon pa rin ang kakayahan nitong alisin ang inis niya sa simpleng ngiti lang.
            “I feel lonely when you left, hindi ako sanay na nag-iisa lang kaya natulog nalang ako. When I woke up I felt the pain and sleep again.” Nasapo niya ang kanyang ulo dahil sa sagot nito sa kanya. “Sorry.”
            “Give me your phone.”
            “Why?” takang tanong nito.
            “Lalagyan ko ng reminders para hindi mo makalimutan ang mga gamut mo. Please lang Xenon, hindi ka na bata para palaging paalalahanan ng kung ano ang dapat gawin. Kalusugan mo ang nakasalalay dito at kailangan mong sundin ang lahat ng sinasabi ng doctor mo dahil para din iyon sa iyo.” She sighed heavily. “You need to drink your medicines on time, huwag kang mag-skip kahit na isang inuman.”
            Parang batang nakatitig lang ito sa kanya at tila ba nasisiyahan pa sa nakikitang inis na mula sa kanya. Nang hindi makatiis ay tinampal niya ang noo nito.
            “Aw!”
            “Bagay lang iyan sa iyo, kung pwede lang kitang sakalin ay kanina ko pa ginawa.” Kinuha niya ang cellphone na ibinigay nito sa kanya, wala iyong password kaya malaya niyang na-enter ang mga reminders dito.
            “Can I call you?”
            “No.”
            “But why?”
            “Don’t pout, hindi ka na bata.” Isinauli niya ang cellphone nito at kahit na halos magkadikit na ang mga katawan nila ay napakislot pa rin siya ng dumampi ang daliri nito sa knayang mga palad. It just feels so intimate. “Kumain ka na at inumin ang gamut mo.”
            “Samahan mo akong kumain, kahit hindi ka na magsalita.” Napabuntong-hininga siya sa request nito.
            “Fine.” Tumayo siya at lumipat sa ibang upuan at doon umupo. Nagsimula na rin itong kumain kaya napanatag na ang kalooban niya. Tahimik na nakatingin lang siya sa labas ng bahay ng lalaki, may maliit na garden doon.
            “Hindi ko ine-expect na magiging doctor ka Xelena, hindi ba iba ang course mo dati?”
            Politely she answered his question. “Na-realized ko lang na gusto kong maging doctor kaya nagshift agad ako, my parents supported me so I am here now. Walang masyadong reasons ang desisyon ko.” Wala naman talaga, bigla lang niyang naisip na magshift from accountancy to medicine nagbabakasakali kasi siyang makalimutan agad ang rejection na naramdaman niya mula dito. Kahit papaano ay nadivert ang emotions niya sa pag-aaral, naging gasolina ang kagustuhan niyang makalimutan ang lahat-lahat para makapag-focus.
            “Do you love your job?”
            “I do.”
            “I see.” Napatingin siya dito dahil nag-iba ang tono nito, nasa mukha niya ang pagtataka dahil nakatitig lang ito sa kanya. “You… may masama bang nangyari sa trabaho mo?” isang malakas na kabog ang narinig niya sa loob ng kanyang dibdib sa tanong nito. Her last shift was one of the worst days of her life.
            “Wala naman, okay lang.” she shifted her gaze away from him.
            “You look sad.”
            “No, I don’t.” naging defensive yata ang tono ng kanyang boses. Tinapos nito ang pagkain at ininom ang gamut na ibinigay niya dito pagkatapos ay lumapit sa kanya. “Diyan ka lang, huwag kang lumapit sa  akin.” Pero huli na dahil na-corner na siya nito at ng pag-isahang sofa. Hinuli nito ang knayang mga mata at napasok na naman siya sa Xenon Zone, hindi niya maalis ang tingin mula dito. “A-alis na ako.”
            “Hindi masamang sabihin mo sa iba ang nararamdaman mo, Xelena. Especially when it comes to work.”
            Sabihin sa iba? The last time she told someone her feelings she was utterly and devastatedly rejected.
            “I-I’m fine.”
            “No, you are not.”
            Kumunot ang kanyang noo at nagsalubong ang knayang kilay. “Who are you to tell me that I’m not okay, I am okay!” She insists but she heard her voice cracking. “Aalis na ako.” Hindi pa man siya nakakalayo ay mabilis siya nitong nahabol at sa isang iglap ay natagpuan niyang nakakulong siya sa mga bisig nito. Her cheek pressed to his chest and in an instant her tears are rolling down from her eyes to her face. She heard herself sobbing, her soft sobs turn into a heartbreaking cries.
            Wala siyang narinig na salita mula dito, hindi ito nagtanong sa kanya basta hinayaan lang siyang umiyak at mahigpit siyang niyakap. Sino bang mag-aakala na ang taong iniyakan niya noon ay ang taong yayakap sa kanya upang aluin ang pag-iyak niya.
            “It’s okay.” She heard him whisper. “Everything will be alright.”
            “I’m such a failure, I…” she sobs again. “I can’t save them.” Hindi iyon ang unang beses na nagkaroon siya ng pasyenteng hindi niya nailigtas. Alam niyang maliit lang ang chance ng pasyente niya at ang bata na makaligtas pero malaki pa rin ang pag-asa niyang makakaya nilang isalba ang buhay ng dalawa pero binawian ng buhay ang kanyang pasyente at ni wala silang nailigtas. Ang pinakamahirap sa lahat ay ang salubungin ang pamilya ng pasyente na naghihintay sa kanila sa labas ng delivery room at sabihin ang resulta ng operasyon. What’s more heartbreaking is the family’s reaction, it took her all her might not to breakdown and cry together with them.
            “Ssshhh… you are not God, you can’t save everyone as much as you want. You don’t have to be guilty, you did you best, I know the family knew that you did your best to save them.” May mainit na bagay na dumampi sa kanyang noo, kahit papaano ay gumaan ang loob niya. Kanina ay ilang beses na rin niyang sinabi iyon, na hindi sa lahat ng panahon ay makakaya niyang iligtas ang lahat ng mga pasyente niya. She can cure but she can’t save all, she’s not God. Pero kahit ilang beses niyang sinabi iyon sa sarili ay ang bigat-bigat pa rin ng kanyang kalooban at hirap na hirap pa rin siyang tanggapin iyon.
            Paanong isang salita lang nito ay napagaan na agad ang kanyang loob? Paanong isang taong matagal na niyang hindi nakita at hindi nga sila ganoon ka-close ay naggawang mabasa ang kanyang saloobin? Pakiramdam niya ay nababasa nito ang bawat galaw at isip niya.
            Alam niyang sinabi na niya sa kanyang sarili na lumayo kay Xenon at huwag hayaan na mapalapit dito katulad nalang ngayon pero hindi niya maggawang itulak ang lalaki. It feels so nice being held like this, ganito din ba ang nararamdaman ni Xylee kay niyayakap ito ng fiancé nito? God, she envy her sister so much. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata upang alisin ang nakakainis na umuusbong inggit sa loob ng kanyang puso. Humugot siya ng malalim na hininga at pinilit ang sariling itulak palayo ang katawan mula dito kahit na ayaw niya, kahit na sumasakit ang puso niya. She can no longer be selfish, tama na Xelena.
            Dahan-dahan niyang itinulak ang sarili mula dito, she wiped her tears and tried to look okay. “Sorry, I wet your shirt.” Hindi siya makatingin dito ng maayos. “Thank you.” She gave him a small smile without even looking at him directly. “Thank you for listening, it really makes me feel relieved. I need to go now, you drink your medicines. Good bye.”
            Nakalabas na siya ng bahay nito at mabilis na pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at isinubsob ang mukha sa manibela habang hawak ang kanyang dibdib. Her heart beats so fast and her breathing becomes unstable. Wala siyang hika pero parang kailangan niya ng nebulizer para pakalmahin ang kanyang paghinga na hindi na yata babalik sa normal.

            WALA sanang balak na pumunta sa meeting ng homeowners dahil mas gusto niyang magpahinga pero dahil busy ang lahat ng tao sa bahay niya at kailangan din niyang dalhin si Neon sa labas upang makisalamuha sa ibang mga tao. She can see Neon’s improvement kaya ayaw niyang ikulong ang bata sa loob ng apat na sulok ng bahay. Hindi rin niya alam kung darating ba ang Tatay nito dahil simula noong huli siyang nagpunta sa bahay nito ay ang Nanay na niya ang pinakiusapan niyang magdala ng pagkain at ipaalala ang mga gamut nito. Kailangan niya ng enough na time para kalamayin ang kanyang sarili. She just bare her hearts infront of him again, she needs some time to toughen up.
            Pinapanood niya ang batang masayang nakikipaglaro sa mga anak ng kanilang kapitbahay. Masaya siya sa improvement nito pero may bahagi ng kanyang puso na nalulungkot dahil kapag maggaling na ito ay aalis din siya sa buhay ng bata gaya ng ipinangako niya sa tatay nito.
            “Here.” Maang na napatingin siya sa malamig na tubig na biglang lumitaw sa kanyang harapan. Dumako ang kanyang tingin sa taong nagbigay niyon sa kanya. “I think you need a drink.”
            “Thanks.” Kinuha niya ang inumin mula kay Zyros, kapitbahay niya ito at isa ito sa mga lalaking kakilala niya na off limits dahil may binabakuran na itong kapitbahay din nila. Paano niya nalaman? Narinig niya sa coffee shop ang plano nito sa pobreng babaeng iyon at ipinasumpa siya nitong huwag sabihin kahit na kanino kung sino ang maswerteng nagustuhan nito. Umupo ito sa bakanteng silya sa kanyang tabi at napansin na napapalingon sa paligid. Natawa siya sa naging reaksyon nito, halata kasing may hinahanap ang mga mata ng katabi. She envied the woman Zyros likes, naisip kasi niya kung may nag-e-exist din ba sa mundo na katulad nito na nakalaan para sa kanya.
            Nasanay na siyang siya ang naghahabol kaya hindi niya alam ang pakiramdam na may humahabol sa kanya, may nagca-care sa kanya at taong may gusto sa kanya. Pakiramdam kasi niya ay ang sarap noon sa feeling, unfortunately, mukhang isa siya sa mga babaeng isinumpa na maganda lang pero walang sex appeal kaya for display purposes lang talaga siya.
            “Mukhang hindi siya darating, baka mag-selos iyon kapag nakita tayong magkasama.” Tudyo niya sa lalaki. Halos lahat ng tao sa subdivision nila na kakilala nito ay kilala din ang babaeng napupusuan nito kaya wala itong kawala kapag nagiging center of attention.
            “Darating iyon, nakita ko siyang naglalakad papunta dito.”
            Kumunot ang kanyang noo. “Bakit hindi ka sumabay sa kanya? Diyos ko Zyros, chance mo na iyon.”
            Nahihiyang napakamot ito ng batok, ang laki-laki nitong tao pero sobrang torpe. Gusto tuloy niyang ipanalangin ito sa lahat ng santo na kilala niya sa simbahan na kaya niyang puntahan.
            “Nahihiya ako.”
            “Seryoso ka talaga sa hiya-hiya mong iyan? For goodness gracious Zyros, hindi ka na thirteen years old. Mas matanda ka sa akin pero ang torpe-torpe mo. Gusto mo bang maunahan ka ng ibang kapitbahay natin? Sige ka, kapag nangyari iyon ay sigurado akong iiyak ka ng popcorn na hugis bato.” Mahabang litanya niya dito.
            “Gusto kong sumabay sa kanya pero ayaw ng katawan ko, I’m hopeless.” And he really looks hopeless. Hindi niya alam kung maiinis o maaawa sa naging reaksyon nito.
            “Yeah, you are hopeless.” Umakbay siya sa katabi at biglang nakaramdam ng kakaiba. Nanayo ang balahibo niya sa braso at parang may nakatitig sa kanya mula sa kung saan. Lumingon siya upang alamin kung may nakatitig nga sa kanya pero wala naman siyang makita. Inalis niya ang pagkakaakbay sa lalaki nang makitang parating sa kanila si Neon.
            “Mommy.” Masayang tawag nito sa kanya.
            “May anak ka na pala?”
            “Yeah, naging instant nanay ako ng batang ito.” Kinarga niya si Neon at pinunasan ng wet wipes ang braso at mga palad nito.
            “Kamukha siya ni Xenon.”
            “He is my daddy.”
            Naramdaman niya ang kakaibang titig ni Zyros sa kanya. “Don’t ask, napagkamalan lang akong nanay ni Neon at wala kaming relasyon ng tatay niya kaya huwag kang mag-isip ng kung anu-ano.” Pagtatama niya sa kung anuman ang tumatakbo sa isip ng kausap.
            “Wala naman akong sinasabi masyado kang defensive.” Natatawang ani nito. Sasagot pa sana siya nang may marinig na malakas na tikhim sa kanyang tabi, paglingon niya ay nakangiting mukha ni Xenon ang kanyang nabungaran. Hayon na naman ang tila karerahan na kabayo na loob ng puso niya. Agad niyang kinalma ang sarili.
            “Daddy.” Umalis si Neon sa pagkakakarga sa kanya at lumapit sa tatay nito.
            “Neon, careful. Your father is still hurt.” Aniya sa bata.
            “It’s okay, my other arm is still fine.” Mabilis na nakarga ni Xenon ang anak nito gamit ang kabilang braso. “Mukhang masaya ang pinag-uusapan niyo dito.” Nakangiting ani nito. He is really smiling, ano ba dapat ang i-expect niya? Ang kausapin nito si Zyros na huwag na siyang lapitan o kaya naman ay sabihan siyang hindi na makipag-usap dito dahil nagseselos ito? Gusto niyang pagtawanan ang sarili ang tumatakbo sa kanyang isip dahil alam niyang hindi ganyang klaseng tao si Xenon at kung may bahid man ito ng pagkaseloso ay hinding-hindi naman siya makakaranas ng possessiveness nito.
            “We are just talking about Neon’s resemblance to you, hindi ko pa siya nakita simula noong dumating kayo dito sa SeasonsVille.” Magiliw na sagot ni Zyros.
            “Ate Xelena, here you are!” hindi siya nakagalaw ng may yumakap sa kanya mula sa likuran at may humalik sa kanyang pisngi. Kulang ang salitang gulat sa naramdaman, para kasi siyang tinuklaw ng ahas. “Let’s have a date after the meeting.”
            “Radon!” she hissed.  Ngumisi lang ang nakakabatang kapatid ni Xenon.
            “How about you marry me instead? Malapit na akong matapos sa college kaya na kitang buhayin.” Piningot niya ito sa teynga at tumayo. Hindi niya pinansin ang pag-ngiwi nito at mukhang wala rin namang balak na sitahin siya ni Xenon dahil mukhang okay lang dito ang ginawa niyang pagmamaltrato sa kapatid nito.
            “Mommy is punishing Tito Radon, Daddy. Go Mommy, you can do it.” Pang-che-cheer pa ni Neon. Binitiwan niya ang teynga ni Rad at nameywang bago bumaling kay Xenon.
            “Neon, let’s eat ice cream.” Kinuha niya ang bata mula sa ama nito. “Hiramin ko muna ang anak mo, may usapan kasi kaming mag-i-ice cream kami kapag naging good boy na siya.”
            “Bye, bye, daddy!”
            “Sama ako.” Humabol si Rad sa kanila at iniwan niya sina Zyros at Xenon. Nakarating sila sa isang convenience store na may tindang mga ice cream.
            “Neon, what do you like?” dumungaw ang bata sa freezer na may lamang mga ice cream.
            “That.” May itinuro itong chocolate ice cream sa malaking tub.
            “Rad, anong gusto mong kainin na ice cream?” tanong niya sa kasama.
            “Anything.” Nagtatakang lumingon siya dahil hindi na boses ni Radon ang kanyang narinig. Kunot-noong tiningnan niya si Xenon.
            “Nasaan na ang kapatid mo?” she asked.
            “Siya ang representative ko, I’m sick and I need to relax. Ipinagpaalam na rin kita kay Timothy ang sabi ko ay sasamahan mo ako kay Doctor Enriquez.” Sumilip siya sa hindi kalayuang clubhouse at nagsisimula na nga ang meeting. “’Neon, loves chocolate ice cream but he can eat any ice cream flavour. What do you want to eat?” ito na ang nagbukas ng freezer.
            “Mommy, what ice cream do you want?” Xenon also likes chocolate ice cream, sa kaka-stalk niya noon dito ay nalaman niya ang lahat ng gusto at ayaw nito.
            “Chocolate ice cream is fine.” Sagot niya. Tumigil sa pagkuha ng ice cream ang lalaki at seryosong napatingin sa kanya.
            “But that is not your favourite.” Anito. Ano bang alam nito sa paborito at hindi niya paborito? She can always lie.
TBC and Photo CTTO
<3 <3 <3
A/N: Happy reading babies and enjoy the new uploaded chapter.

LOVE,
INANG


2 (mga) komento:

  1. I really all of your plot. They seem similar and diverse at the same time.. ������.. thank you for this. ������

    ReplyDelete
  2. Galing galing talagang magpakilig nu inang. Di ako nakatiis..nabitin ako sa watty kaya nagload ako para matapos ko na d2. Im back inang.. ahahaha

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang