Thursday, February 6, 2020

Black Magic 6 - Heal Love: 6 - ELECTROCARDIOGRAPHY



6 – ELECTROCARDIOGRAPHY
            ISANG umiiyak na bata ang naabutan niya sa labas ng bahay ni Xenon, mabilis niyang nilapitan si Neon.
            “Neon, what happened?” mas lalo siyang nag-alala ng makita ang pulang mantsa sa braso nito. Hinawakan niya iyon at napagtantong bahid iyon ng dugo. “Are you hurt?” possible palang mas mag-multiply pa into two ang naramdaman niyang pag-aalala kanin habang iniinspect kung nasaktan ba ang bata. “Oh God, thanks you are not hurt.” Wala itong sugat.
            “Mommy, Daddy’s hurt.”
            “Huh? Where is he--.”
            “Neon, where are you? Oh, Xelena.” Tumayo siya at pinasadahan ng tingin si Xenon at napasinghap ng makitang hawak nito ang duguan nitong braso. Mukhang dito nakuha ni Neon ang mantsa ng dugo.
            “What happened to you?”
            “I accidentally hurt myself, but what are you doing here?” hindi niya alam kung gulat, sakit o masaya ba ang emosyong nakikita niya sa mukha ng lalaki.
            “Umiiyak na tumawag si Neon sa akin, nag-aalala ako kaya wala akong choice kundi pumunta dito. Pero kung okay lang ang lahat ay--.”
            “No, please stay.” Pigil nito sa kanya. “I really need your help.”
            “Mommy, he is hurt. May malaking cut siya sa arm niya and he might die.” Tinitigan niya ang braso ni Xenon mukhang hindi maganda ang lagay ng braso nito.
            “Your daddy will be okay.” Kailangan niyang i-assure ang bata. “Don’t worry he won’t die.”
            “Will you save him?”
            Tumango siya. “Don’t worry Neon, he will be okay I promise.” Huminto sa pag-iyak ang bata.
            “Pumasok muna tayo sa loob.” Yaya ni Xenon. Pagkapasok ay inutusan niya ang lalaki na umupo sa sofa upang makapag-relax.
            “Where’s your medicine kit?”
            “Sa restroom, may restroom malapit sa kusina.” Pare-pareho lang ang lay-out ng mga bahay sa Winterville kaya alam na niya kung saan pupunta. Pagkakuha niya sa kit ay nilinis niya ang sugat ni Xenon.
            “We need to stitch your wound, I can’t do it here. Naampat ko pansamantala ang pagdurugo pero kailangan na tahiin ito.”
            “Can you do it?”
            Tumango siya. “Yes, I can. Pero wala akong dala na kahit ano dito, dadalhin kita kay Doc Enriquez. Nasaan si Radon?” tukoy niya sa kapatid nito. “Can you call him? Kailangan ng kasama si Neon dito, we can’t bring him there.”
            Napakamot ng ulo ang lalaki. “He’s not here, nasa bahay siya ni Mama and it will take him hours bago makarating dito.”
            “Mommy, sama ako sa inyo. Don’t leave me here.”
            “I’ll drive you there, let’s go.” Hinintay niyang tumayo si Xenon pero nanatili itong nakaupo doon at nakaiwas sa kanya ang tingin. “Ano pa ba ang hinihintay mo? Gusto mo bang maubusan na ng dugo?”
            Tumikhim muna ito. “Sandali lang, may kukunin lang ako.” Nagtatakang sinundan niya ito ng tingin, pumasok ito sa kung saan at paglabas nito ay may dala na itong hoodie. “Wear this.” Ibinigay nito sa kanya ang hoodie, kunot-noong tinanggap naman niya iyon.
            “Para saan ito?”
            “You need to wear that, please wear that.” Tiningnan niya ang sarili at muntik ng mapatili ng mapansin ang kanyang suot. She’s wearing a decent cotton short and a worn out shirt, nakalimutan niyang hindi pala siya nagba-bra. Mabilis niyang sinuot ang hoodie nito at niyakap ang sarili.
            “Le-let’s go. Come here, Neon.”

            THIS is a nasty cut, Xenon. What happened?”
            “Neon broke the glass table and I accidentally cut myself.” Nakikinig lang siya sa usapan ni Xenon at ni Doc Enriquez. Magkakilala sila ng doktor dahil pareho sila ng medical school, senior niya ito. Kakatapos lang nitong tahiin ang sugat ng lalaki at nilalagyan nalang ng gasa.
            “Hindi mo pwedeng basain at igalaw ang braso mo, hindi mo rin pwedeng kargahin si Neon dahil baka bumuka uli ang sugat mo mabuti nalang at nadala ka ng asawa mo agad dito.”
            “I’m not the wife.” She corrected immediately. “I’m not married.”
            “Oh, sorry. I thought you are dahil tinawag ka na mommy ni Neon.”
            She’s tired of explaining so she just let it slide, mukhang hindi naman tsismoso ang doktor na gumagamot kay Xenon. Nasa labas ang bata at binabantayan ng secretary ni Doc Enriquez dahil gustong magpasama ng isang ito sa loob for moral support and she doesn’t have choice because her job’s instinct is really kicking in.
            “I will be giving you some medications and pain relievers to ease the pain.” Nagtaka siya nang ibigay sa kanya ng doktor ang reseta at ilang mga gamut. “He can’t do it alone due to his injury, he needs help.”
            “Pero hindi kami magkasama ng bahay.” Aniya sa kausap.
            “Then hold it for him first and by the way he really needs to rest, ang mabuti pa ay pag-usapan niyo muna ang arrangement ninyong dalawa.” Teyka! Bakit parang napasali na naman siya sa gulong pilit niyang iniiwasan? Pagkalabas nila ng clinic ng doktor ay tahimik na sumakay sila sa kanyang kotse, nasa likod ang mag-ama.
            “Saan ko kayo ibababa? Kailangan mong may kasama sa bahay.” Mukhang hilo pa sa anaesthesia si Xenon kaya tahimik lang itong nakatitig sa kanya simula pa kanina. “Ihahatid ba kita sa bahay ng parents mo?”
            “Sa bahay lang.”
            “Are you sure?” nag-aalala pa rin siya sa kalagayan at sa batang kasama nito. Kahit sinong nasa matinong pag-iisip ay alam na imposibleng maalagaan nitong mag-isa si Neon dahil na rin sa sugat nito sa braso.
            “Yes.” Wala siyang naggawa kundi ang sundin ang gusto nito. Pagdating nila sa bahay nito ay inalalayan pa niya itong makapasok at maka-upo sa sofa.
            “Mommy, I’m hungry.” Muntik na niyang makalimutan ang bata.
            “What do you want to eat?” kumibot ang mga labi nito na para bang hindi alam kung ano ang isasagot.
            “Hindi mapili sa pagkain si Neon, he usually eats what I eat.” Nanghihinang ani ni Xenon.
            “Gusto mong mahiga ng maayos?” Malaki ang kulay abong sofa na inuupuan nito but it still looks so tiny for someone like him. “How about change your clothes?” there are still red stains from his blood splattered on his shirt.
            “I want to change but I can’t do it alone.” Alam niyang hindi nagpapanggap ang lalaki dahil hindi madaling masugatan at matahi ang balat, nahabag siya habang pinapanood ito.
            “I’ll help you.” Hinanap ng kanyang mga mata ang nabasag na mesa at agad iyong nakita. Napabuntong-hininga siya at iniisip kung ano ang unang gagawin. “Can I use your kitchen? What do you want to eat?” kinuha niya ang mga throw pillow at inilapit dito upang maging komportable naman ito sa pagkaka-upo slash higa nito sa sofa.
            “I’ll eat anything you make.” May kung anong sensasyon na tumagos sa puso niya sa sinabi nito. Ngayon ay gusto na nitong kainin ang mga gawa niyang pagkain samantalang dati ay halos ipamigay na nito sa mga taong nakapalibot dito. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano diyan Xelena, be brave and be strong. Kaya mo ito at pagkatapos nito ay mawawala na ng tuluyan sa buhay mo ang lalaking ito.
            Natigilan siya sa huling naisip at pasimpleng napahawak sa kanyang dibdib bigla iyong sumakit sa ideyang kapag okay na ang lahat ay lalayo na siya sa dalawa.
            “You rest muna I’ll take care of Neon, gigisingin na kita kapag okay na ang pagkain.” Inaantok na ngumiti ito sa kanya at kung hindi siguro niya napigilan ang kanyang sarili ay baka nilapitan at hinalikan na niya ito. “Come here Neon.” Kinarga niya ang bata at dinala sa kusina.
            “Food.” Narinig niyang usal ni Neon nang ilagay niya ito sa ibabaw ng kitchen counter, she made sure na wala itong mahahawakan na matutulis at matitigas na mga bagay.
            “Yes, mommy will make you food.” Malapit lang sa counter ang malaking refrigerator kaya abot pa rin niya ang bata habang tinitingnan kung ano ang pwede niyang ipakain sa mag-ama. Nang makapagdesisyon na ay mabilis niyang inayos ang mga rekados at nagsimula na sa pagluluto, habang naghihintay ay muling dinala niya si Neon sa sala at pinatabi sa natutulog na ama nito. Kailangan niyang linisin ang nabasag na mesa para makaiwas sa anumang disgrasya.
            Habang ginagawa niya iyon ay na-realized niyang hindi talaga madaling maging Nanay, pakiramdam kasi niya ay naging instant nanay siya sa dalawang bata. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit hindi na muling pumayag ang Nanay niyang magkaroon pa sila ng kapatid dahil silang dalawa lang ni Xylee ay masyadong pasakit na.
            “Neon, pwede mo bang bantayan ang Tatay mo? I am going to get the food for you to eat, okay lang ba iyon?”
            “Yes, ‘my.”
            She ruffled the little boy’s hair. “Good boy.” She kissed him on the cheeks before she went back to the kitchen to fix the boys’ meals. Pagbalik niya ay tulog pa rin si Xenon habang naghihintay ang bata sa kanya. Inilapag niya sa center table ang mga pagkain, gusto sana niyang sa dining table dalhin ang mga iyon pero sa tingin kasi niya ay wala ng energy pa si Xenon na tumayo at maglakad.
            “Eat na your food.” Ibinigay niya ang plato na may lamang pagkain sa bata, sa ilang araw na magkasama sila sa hospital ay nalaman niyang marunong ng gumamit ng utensils si Neon. He is a bit messy when he eats but it’s bearable since he’s still a child. He is responsible for his age though. Nilapitan niya si Xenon upang gisingin para makakain na. “Xenon, wake up.” Tinapik niya ang pisngi nito. He’s a light sleeper kaya madali niya itong nagising, isa din iyon sa nalaman niya habang kasama niya ito sa hospital. Mas madali itong magising keysa sa kanya.
            Nagmulat ng mga mata si Xenon at dahil sobrang lapit lang niya kaya hindi maiwasang magtama ang kanilang mga mata. It’s the closest distance they have so far and she just can’t bear to notice how her stupid heart beats so fast and crazily. Dahan-dahan siyang umatras upang makahinga ng maayos.
            “Kumain ka na, the food is ready.” Hinawakan ni Xenon ang kanyang balikat kaya napilitan siyang lumapit dito sa pag-aakalang may sasabihin ito sa kanya pero hindi iyon ang nangyari. Idinampi nito ang mga labi nito sa gilid ng kanyang mga labi na naging dahilan kung bakit mas lalong lumakas ang tibok ng kanyang puso at tila lumayas sa kanyang katawan ang kanyang kaluluwa. She saw him blinks so many times.
            “I’m hungry.” Mukhang tuluyan na itong nagising, a little disappointment filled her heart because it looks like he just kissed her because he was still drowsy. Stop it Xelena! Utos niya sa kanyang sarili dahil unti-unti na namang nalulusaw ang ginawa niyang harang sa kanyang puso. Pinilit niyang ilayo ang kanyang sarili mula dito at mabilis na tumabi kay Neon na masayang kumakain ng mga pagkain na inihanda niya. “I’m hungry.” She heard him moan as if he’s really in pain. Nawala na yata ang epekto ng pain reliever na ibinigay ni Doc Enriquez dito kanina. “Damn! It hurts.” He hissed, mabuti nalang at mabilis na tinakpan niya ang teynga ng bata or else maririnig nito ang malutong na mura ng tatay nito.
            “Why ‘my?” nagtatakang tanong ng bata, ngumiti lang siya dito.
            “Nothing baby.” Binalingan niya si Xenon na halos hindi na maipinta ang sakit na nararamdaman nito. That’s pretty normal.
            “I need that fuc—freaking medications.”
            “Kumain ka muna.” Utos niya dito. Kumunot lang ang noo nito at masamang tumingin sa kanya, sanay siyang nakikitang kampante lang ito kaya nagugulat pa rin siya ng makita ang ganitong side ng lalaki. “Huwag kang makipagtalo, hindi tatalab ang gamut na iinumin mo kung walang laman ang tiyan mo.” Dugtong pa niya dahil sa tingin niya ay makikipagtalo pa ito sa kanya. Kinuha niya ang platong may lamang pagkain nito at tinulungan nalang itong kumain. Kung hindi niya gagawin iyon ay baka kung anong French words pa ang lalabas sa bibig nito at marinig ng bata.
            Sabay na pinakain niya si Xenon at si Neon, pakiramdam niya ay siya ay sunod na magkakasakit dahil sa dalawa. Hindi talaga madali ang mag-alaga ng dalawang bata for goodness sake! Kaya siguro hindi nakakapagtataka na nang ma-knock down uli si Xenon ay nakatulog din siya sa tabi ng anak nito at halos gabi na ng siya ay magising dahil sa naririnig na mga mumunting ingay. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niyang nag-uusap si Rad at ang kuya nito.
            “What time is it?” she asked sleepily.
            “Good evening ate Xelena.” Bati ni Rad.
            “Hi.” Nanghihinang ganti niya dito.
            “Mukhang pagod na pagod ka.” Natatawang pansin nito. Talagang pagod siya, masakit ang kanyang likod, masakit ang kanyang beywang, masakit ang kanyang balikat… darn it! Sign of aging is real this time.
            “Hayaan mo munang magpahinga pa si Xelena, Rad. Sabay niya kaming inalagaan ni Neon kaya hindi nakakapagtataka kung mapagod man siya ng husto.”
            Inayos muna niya ang takbo ng kanyang utak bago tuluyang itinulak ang sariling bumangon. Tulog pa rin si Neon na ipinagpasalamat niya dahil hindi niya alam kung makakaya pa ba niyang gawin ang sunod na ire-request nito. She’s really tired at mas malala pa ito sa labindalawang oras na operasyong ginawa niya habang nakatayo.
            “Uhm ate Xel, maraming salamat sa pag-aalaga kay kuya at kay Neon.”
            “Don’t mention it.” Inayos niya ang sarili para magpaalam na at makauwi na rin siya sa kanyang bahay.
            “Ate, I know this is too much again pero pwede bang i-extend mo ag kabutihan mo sa kuya at pamangkin ko?” pinagdaop ni Rad ang palad nito na para bang nakikiusap sa kanya. “Kahit kay Neon nalang, wala si Mama at Papa dahil may inaasikaso sila sa Davao. Hindi rin ako pwedeng mag-absent sa mga classes ko kaya hindi ko mababantayan ng maayos si Neon. Walang girlfriend si kuya na pwede kong mapakiusapan na bantayan sila, ikaw lang ang maaasahan namin sa oras na ito. Please ate, I hate seeing you with kuya but I don’t have a choice please hear my small request.” Mahabang pakiusap nito sa kanya.
            Tiningnan niya si Xenon na tahimik lang na nakamasid sa kanya, hindi nakamasid lang dahil nakatitig talaga ito at base sa mga tingin nito ay alam niyang nakikiusap din ito sa kanya. Ano ba ang nararapat niyang gawin sa mga oras na iyon?

            NAPANGITI nalang siya habang nakatingin kay Neon na masayang nakikipaglaro sa Nanay at Tatay niya. Mukhang kailangan na talagang madaliin ni Xylee ang pagbibigay ng apo sa kanyang mga magulang dahil sobrang tuwa ng mga ito ng dalhin niya si Neon sa bahay. Nagkasundo sila ni Xenon sa set-up na ito. She can’t push herself deeper in a hole that’s why it’s better for her not to stay with him.
            Ang gusto kasi nito ay sa bahay nito siya tumuloy pansamantala at agad niyang tinutulan ang ideyang iyon. Alam kasi niyang kapag napalapit siya ng husto dito ay baka hindi na niya kayang pigilan ang damdamin niya kaya nagvolunteer nalang siyang sa kanila muna si Neon dahil mababantayan ito ng mga magulang niya. Gustong-gusto ng kanyang Nanay ang mga bata at sanay itong nag-aalaga at hindi nga siya nagkamali sa desisyon na iyon. Every morning pagkagaling sa kanyang shift ay pupuntahan niya si Xenon sa bahay nito para tingnan ang kalagayan nito tapos ay aalis din siya. This is a win-win resolution for her even if Xenon doesn’t like the idea.
            “Ang gwapong bata naman nito, Xelena. Kailan mo ba ako bibigyan ng ganito kagwapong apo?”
            “Nay, hindi po ba dapat ay si Xylee ang inaapura niyo dahil siya ang malapit ng ikasal?”
            Napabuntong-hininga ang kanyang ina. “Kung hindi ka mag-aasawa ay pwede mo naman kaming bigyan ng apo. Hindi kami magagalit.”
            Napatingin siya kay Neon at biglang sumagi sa isip niya ang isang batang kasing-edad nito na medyo kulot ang buhok, matangos ang ilong, mapupula ang mga labi at brown na mga mata. Marahas niyang ipinilig ang ulo dahil bigla niyang naisip ang hitsura ng kanyang magiging supling kapag nag-mix ang genes nila ni Xenon. Impossible!
            “Pag-iisipan ko po.” Alam niyang seryoso ang Nanay niya sa sinabi nitong bigyan ito ng apo.
            “Sa tingin mo ba ay makakaya ng anak mo na mag-alaga ng anak ng mag-isa?” biglang singit ng kanyang ama. “Mas maganda pa rin iyong may katuwang siya sa buhay.”
            “Kailangan nating maging realistic lalo na sa panahon ngayon, kaya ng mabuhay ng mga babae na walang asawa at kaya na rin nilang buhayin ang mga anak nila na kahit sila lang. Mahirap pero kakayanin, may mga single mother at father na nakakayang palakihin ng maayos ang kanilang mga anak kaya okay lang kahit single si Xelena.”
            Umismid ang kanyang ama sa sinabi ng huli. “Hindi ako makakapayag na hindi mag-asawa si Xelena, masyadong mahirap ang trabaho niya para magpalaki ng anak.”
            “Nandito naman tayo at saka kaya nating alagaan ang anak ni Xelena--.”
            “Teyka lang po.” Pigil niya sa dalawa. “Kung nakakalimutan niyo ay nandito lang ako sa harap niyo pwede niyo naman akong isali sa usapan niyo. Matanda na ako at kaya ko na pong magdesisyon para sa sarili ko, kung magkakaanak man po ako o kaya naman ay mag-aasawa ay huwag po kayong mag-alala dahil isasaalang-alang ko po ang opinion niyo.”
            “Mabait na bata ang ama nitong si Neon, Xelena. Hindi ako magagalit kung siya ang mapapangasawa mo.” Wika ng kanyang ama.
            “Mas may kakilala akong mababait anak, hindi naman kailangang si Xenon ang mapapangasawa mo. Huwag mong pakinggan ang tatay mo.”
            “Cynthia napapansin ko ay kanina mo pa kinokontra ang mga sinasabi ko.” Pakli ng kanyang ama sa katabi nito.
            “Hayaan mong ang anak mo ang magdesisyon kung sino ang gusto niyang mapangasawa at makasama.” Napansin ng Tatay niyang medyo hindi na nagbibiro ang kanyang ina. Napapansin din niyang medyo sensitive ang ina kapag si Xenon at siya na ang napag-uusapan. Walang alam ang Nanay at Tatay niya sa pinaggagawa niya dati, wala siyang sinabihan maliban kay Xylee kaya sigurado siyang walang ideya ang mga ito pero bakit parang may alam ang kanyang ina? Hindi kaya nasabihan ito ni Xylee?


TBC
PHOTO CTTO

<3 <3 <3
a/n: Masyadong maulan dito sa amin mga babies, ingat kayo wherever you are now. Happy reading!

Love,
INANG

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang