5 - SUTURE
PAPASOK na
sana si Xelena sa loob ng silid ni Neon nang matingnan niya ang repleksyon sa
cellphone na hawak at wala sa sariling napahawak sa kanyang maiksing buhok.
Hindi niya maalala kung kailan iyong huling beses na nagpaiksi siya ng buhok at
kung bakit niya ginawa ang bagay na iyon ay para na rin iligtas ang kanyang
sarili. Kanina habang papasok sa silid ng anak ni Xenon ay narinig niyang
kausap nito si Amor ang nakatukang nurse ni Neon. Tinanong ng nurse kung ano
ang gusto nito sa isang babae at sinagot naman iyon ni Xenon na gusto nito ng
babaeng mahaba ang buhok. Kabaliwan man pero nagpagupit nga siya ng buhok,
hindi para dito pero para narin alisin sa utak niya na mag-isip na pwede siyang
magustuhan ng lalaki dahil mahaba ang kanyang buhok. Habang maaga pa ay pinutol
na niya ang ideyang iyon. Yes, she did it to save herself from herself.
Isang mahabang buntong-hininga ang
kanyang ginawa bago binuksan ang pintuan ng bata, lalabas na ito ng hospital
kaya kailangan din niyang magpaalam dito. Hindi naging malala ang naging lagay
nito at napabuti din ang pagsama niya sa bata para gumaling ito.
Nakakapagsalita na ito pero ramdam pa rin niya ang reservation nito sa ibang
tao. Palaging kasama niya sa silid si Xenon at ginawa niya ang lahat para hindi
lang sila magkaroon ng kahit kaunting oras na magkausap. Kapag tulog si Neon ay
nagpapaalam siyang pupunta sa kanyang mga pasyente kahit na ang totoo ay nasa
quarters lang siya.
“Mommy!” napangiti siya nang marinig
ang boses ni Neon. Ilang beses din niyang sinabi dito na hindi siya ang mommy
nito pero ayaw pa rin nitong tumigil sa pagtawag sa kanya ng ganoon. Ang
ikinainis lang niya ay hindi ito sinasaway ni Xenon. Napatingin siya sa gwapo
at bibong bata nang mapansin na hindi lang si Xenon ang nandoon sa silid, may
isang matangkad at gwapong lalaki din doon.
“Good morning, Doctor Rosal.” Bati
ng bagong mukha. Lumapit siya dito pero binuhat muna niya si Neon na unang
sumalubong sa kanya, wala na ang IV sa braso nito kaya malaya na itong
nakakalakad. “I’m Doctor Uy, I’m Neon’s doctor.” Na-mention na rin ni Xenon sa
kanya ang tungkol sa kaharap.
Tinanggap niya ang pakikipagkamay
nito. “It’s nice to finally meet you Doctor Uy.” Napansin niya ang kakaibang
ngiti sa labi ng kaharap.
“Well, Xenon didn’t mention that
you’re really beautiful.” Sanay na siyang naririnig ang bagay na iyon, iyong
iba ay out of courtesy lang at minsan naman ay biru-biruan lang din kaya hindi
na siya na-o-off guard kapag may pumupuri sa kanya. Pakiramdam kasi niya ay
normal lang siya, kung maganda siya malamang ay hindi siya paulit-ulit na
binasted ni Xenon dati.
“I think that’s not worth mentioning
for.” Aniya dito at mukhang ito ang nagulat sa kanyang naging pagsagot. Most
women will get flustered when they were praised by a handsome guy like this
one, but she’s not one of those women.
“Mommy, short hair.” Narinig niyang
wika ni Neon. Ginulo niya ang buhok ni Neon at ngumiti.
“It’s very hot now that’s why mommy
got her hair cut.”
Hinalikan siya sa pisngi ng bata.
“Mommy is beautiful.”
“I see.” Narinig niyang wika ni
Doctor Uy. “I see want you mean by Neon is improving, Xenon.” Napasulyap siya
sa tatay ng batang karga niya. Walang mababatid na reaksyon sa mukha nito
habang nakatingin sa kanya.
“He is doing well lately,
nakikipag-usap na rin siya sa akin pero hindi siya nakikipag-usap sa ibang
babae kahit na sa ibang babaeng nurses.”
Tumango-tango ang doktor at
seryosong napatitig sa batang abala sa paglalaro sa maiksing buhok at paghalik
sa kanyang pisngi. Napansin din niyang masyadong clingy si Neon sa kanya pero
kapag sinasabihan naman niya na kailangan niyang umalis para sa work ay hindi
naman ito umiiyak.
“Kailangan pa rin ng time para
maka-adapt ng tuluyan sa ibang tao si Neon and Doctor Rosal, I know this is too
much but we still need your help with Neon’s case. There will be a weekly
treatment for him and can you two bring him to my clinic? Sa tingin ko kasi ang
isa sa naging dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong improvement ang bata ay
dahil pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng kompletong pamilya. He saw a mother
figure in you.”
Mother
figure? Hinaplos niya ang likod ng bata. Naiintindihan niya ang gustong
mangyari ni Doctor Uy, the child needs a family.
“I’ll cooperate.”
Ngumiti sa kanya ang doctor. “I’m
glad to hear that, I’ll be meeting you again next week for Neon’s treatment.
Xenon knows where my clinic.” Tumango siya
“How long will it take? I mean the
treatment.”
“We can’t tell yet but if you are
always with him then it would be better for the child.” Bumaling ito kay Xenon.
“Nakausap ko na si Xenon sa pwede niyong gawin para sa bata, he will explain
everything to you.” Napasulyap ito sa suot nitong wristwatch. “May kailangan pa
akong puntahan na pasyente, sumaglit lang ako dito dahil gusto kitang
makilala.” Pagkatapos magpaalam ni Doctor Uy ay tila nagkaroon ng malamig na
atmosphere sa pagitan nila maliban kay Neon na abala pa rin sa buhok at pisngi
niya.
“You cut your hair.” It wasn’t a
question but it feels like he demands for an answer. He still looks calm as
ever and she really hates looking at his calm demeanor dahil hindi niya
magawang magsungit dito.
“I normally cut my hair short.” She
lied, he wouldn’t know dahil kamakailan lang sila muling nagkita. “Mas madali
sa akin na magprepare para sa mga operasyon kapag maiksi ang buhok ko.” She
answered. Ibinaba niya sa gurney si Neon at hindi napansin na nasa likod na
pala niya si Xenon. Napaigtad siya nang maramdaman ang pagtama ng kung anong
bagay sa kanyang leeg kaya mabilis siyang napatalon at napalayo sa lalaki.
Bakas sa kanyang mukha ang gulat sa ginawa nito.
Nagkibit-balikat si Xenon habang
nakatingin sa kanya na para bang wala itong ginawang kasumpa-sumpa. He looks so
amuse and chill at the same time, if she can only wipe that look on his face.
Naiinis siya isipin na baka sa utak nito ay iniisip nitong madali lang siya
nitong mapaikot sa mga palad nito kapag gusto nito. Karma is really a bitch.
“Mommy, what happened?” takang
tanong ni Neon na nagtataka kung bakit lumayo siya sa dalawa.
“No-nothing.” She huffed. Wala naman
talagang nangyari, right? Masyado lang siyang nag-o-over react sa mga
bagay-bagay. “Uuwi na kayo, hindi ko kayo maihahatid I still have work.”
Kaharap niya si Neon pero para sa ama nito ang kanyang naging tanong.
“No worries nakausap ko na rin si
Neon tungkol diyan--.”
“Kuya, I’m here to fetch you and
Neo—ate Xelena?!”
“Radon.” Mabilis niyang nilapitan ang
bagong dating at yumakap dito. “Ang laki mo na.” nakababataang kapatid ni Xenon
si Rad, malaki ang gap ng magkapatid at noong panahon na sobrang adik pa siya
sa lalaki ay sampung taong gulang pa si Rad but now he looks so handsome.
Parang nakikita niya ang batang Xenon sa bagong dating. “You look really
handsome now and you are taller than me too.”
Na-attached siya sa bata dahil ito
ang kakutsaba niya sa mga kabaliwan niya dati, kapag hindi tinatanggap ni Xenon
ang mga ginagawa niyang pagkain at pastries ay ito ang nakinabang. Habang
nakatitig kay Rad ay hindi siya nagsisi na napakain niya ito dati.
“I missed you ate Xelena, bigla ka
nalang nawala at hindi na nagpakita. I missed your food and your pastries, I
will never forget it.” Ngumisi siya dito. By now, Rad is already eighteen and
probably in college based from his uniform. “MAtanda na ako at pwede na kitang
pakasalan—what the heck Kuya!” reklamo nito ng ibato ni Xenon ang bag na may
lamang gamit ni Neon.
“Bring that.” Nakangiting utos ni
Xenon sa kapatid nito but that smile doesn’t look pleasant at all. Habang
nakakasama niya ng malapitan si Xenon ay may nadiscover siya sa lalaki, palagi
itong nakangiti pero may iba-ibang meaning ang paraan ng pagngiti nito. Katulad
nalang ngayon, his smile is telling them that he is pissed at something. “Let’s
go home.”
“Mommy, buhat.” Binuhat niya si
Neon, ihahatid niya ang mga ito hanggang sa labas ng hospital. “Uwi tayo?”
“Yes, uuwi na kayo.”
“Not sama?”
“I still have work.” Binalingan niya
si Xenon dahil akala niya ay nasabihan na nito ang bata na hindi siya sasama sa
pag-uwi. “Xenon?”
“I forgot.” Pinaningkitan niya ito
ng mata.
“But you said—nevermind.” Mas
mabuting si Neon nalang ang kausapin niya keysa sa tatay nitong paiba-iba ang
takbo ng isip. “Neon, mommy still needs to work. She needs to save people’s
lives so I can’t go home with you now but once mommy is done with work she will
call you.”
“Okay, call mommy.” Ginulo niya ang
buhok nito dahil alam niyang naiintindihan siya ng bata. Pagkatapos kausapin
ang bata ay inihatid na niya ang mga ito sa labas ng hospital pero bago pa
makaalis ang mga ito ay kinausap muna niya si Xenon.
“Naiintindihan ko ang gustong
sabihin ni Doc Uy kanina pero alam mo naman na hindi ko pwedeng makasama ang
anak mg twenty four-seven. Kapag gusto ni Xenon na makausap ako, please allow
him to call me. Hindi rin ako pupunta sa bahay mo-.”
“Why? You are always welcome in our
home.”
Umiling siya. “You should know the
reason by now, hinding-hind ako tatapak sa bahay mo kahit kailan. Pwede mong
ihatid si Neon sa bahay ni Xylee during my day off, he’s always welcome there.”
She bowed her head. “Sorry and be careful on your way home.” Nag-wave siya kay
Neon bago siya pumasok sa loob ng hospital.
“STOP
IT.” Inis na puna niya sa mga kapitbahay na naging kaibigan na rin niya
dahil kay Xylee. They are having a bridal shower for her twin sister dahil
malapit na ang kasal nito at iyon din ang unang pagkakataon na nakita siya ng
mga ito ma maiksi ang buhok.
“Bagay sa iyo Xelena ang hair mo and
it even makes you look sexier.” Komento ni
Pamela. “Magkaka-jowa ka na
rin sooner or later.”
Nagsalubong ang kanyang kilay.
“Anong kinalaman sa buhok ko at sa pagkakaroon ng boyfriend?”
“Your hair just made you look very
alluring, maraming lalaki na may fetish sa magagandang leeg and you have one.”
Bigla siyang conscious sa sinabi nito. Dahil iyon ang unang pagkakataon na
nagpaputol siya ng buhok ay hindi niya alam kung paano iyon dalhin but
surprisingly nagustuhan niya ang style na iyon dahil hindi na siya nahihirapan
na itali iyon lalo na kapag may emergency.
“Huwag niyo ng lasunin ang utak ni
Xelena, may nagma-may-ari na diyan.” Tinaasan niya ng kilay si Yumi. “Narinig
ko lang na inaangkin ka ng mommy ni Neon.”
“Neon? Iyong anak ni Xenon?” dugtong
ni Vanessa.
“Oh wow, hindi mo naman sinabi na
nabingwit mo na pala ang puso ng batang iyon.” Bumungisngis si Czarina.
“Seriously, umiyak nga iyon ng nagtangka akong kargahin siya. Hindi marunong
pumili ng magaganda ang batang iyon.”
“Come on, Czarina. Alam mong wala
kang affinity sa maliliit na mga bata.” Isang senior high school Math teacher
si Czarina sa isang malapit na public school. “Baka nga estudyante mo ang
maging ka-future mo.” Natatawang sabi ni Bless.
“Excuse me, don’t say bad things.
Iyang bibig mo Bless talaga.”
“Baka naman iyong bagong professor
na kaibigan ni Howard?” Natuwa siya dahil si Czarina na ang naging center of
attention ng kanilang usapan.
“May asawa na iyon, bakit ba ako ang
nagiging center of attention dito hindi ba dapat si Xelena dahil maliwanag na
ang future niya.”
“I don’t have that maliwanag na
future na pinagsasabi mo and this is my twin sister’s bridal shower huwag ako
ang i-hot seat niyo.”
“But twinny, mas type namin na
pag-usapan ang love life mo.” Ngumisi si
Xylee na nakabalik na mula sa banyo. “So, anong development ninyo ni
Xenon?”
Kumunot ang kanyang noo. “Huwag
kayong tsismosa at huwag kayong gumawa-gawa ng estorya dahil walang nangyari,
nangyayari at mangyayari. To tell you everyone the truth I am helping Neon to
recover from his trauma at walang kinalaman doon ang Tatay nito.” She defended
herself.
“Bagay kaya kayo ni Xenon.” Kung
noon niya narinig ang sinabi ni Yumi ay baka ipag-party niya ito pero ngayon ay
hindi na kilig ang kanyang nararamdaman kundi ay bigat sa kalooban.
“Wala naming asawa si Xenon and he
is really good looking not to mention successful too. Kayang-kaya ka niyang
buhayin kapag tinamad ka na sa pagdodoctor.” Inirapan lang niya si Pamela.
“And I don’t really care about that,
ang gusto ko lang ay gumaling si Neon.”
“Tigilan niyo na si Xelena dahil
baka mag-walk out iyan at hayaan niyo na ang tadhana ang gumawa ng paraan. Kung
sila ay sila ang magkakatuluyan at kung hindi let’s be happy for them.” Relief
ang naramdaman niya sa pagtatanggol sa kanya ni Vanessa. Kung may dala lang
siguro siyang sutures ngayon ay kanina pa niya tinahi ang bibig ng mga kasama.
She hates it when she’s the center of attention but she hates it more when
she’s being link to Xenon. Nananahimik na ang tao at dapat hindi na inaabala
pa.
“HELLO?” Groggy na sinagot niya ang cellphone na tumunog pero pawing
toot… toot… toot… lang ang kanyang
narinig. Inaantok na ibinaba niya iyon nang marinig ang malakas na pagtawag ng
kanyang ina sa kanyang pangalan.
“Xelena! Gising!” may pagkataranta
sa boses ng ina kaya napilitan siyang maggising.
“Bakit Nay? What happened?” her
doctor instinct kicked in.
“Tumawag si Neon, umiiyak.” Napatayo
siya ng kasing bilis ng kidlat sa sinabi ng ina. Kinuha niya ang kanyang cellphone
at number ni Xenon ang nakatatak doon, ibig sabihin ay si Neon ang tumawga sa
kanya.
“Anong nangyari?”
“Puntahan mo muna sa kanila ang
mag-ama, baka ano na ang nangyari sa dalawang iyon doon.” Iyon sana ang gagawin
niya pero agad din na natigilan.
“I’m going to call Doctor Enriquez.”
Tukoy niya sa isa pang kapitbahay na doctor, may clinic ito sa loob ng
subdivision.
“Bakit hindi nalang ikaw ang
pumunta? Dalian mo, baka emergency na iyon.”
“Pero Nanay ayokong pumunta sa bahay
ni Xenon, I promised not to.”
“Iniisip mo pa iyang promise na
iyan, hindi mo ba naiisip na baka may masama ng nangyari sa dalawang iyon
doon?” mabigat sa loob niya na sundin ang utos ng kanyang ina pero tama ito,
hindi tatawag sa landline si Neon kung walang emergency. “Puntahan mo na.”
“Si-sige.”
Hindi malawak ang kanyang
imagination sa katunayan ay limited lang iyon pero habang nagdadrive papunta sa
bahay ng mag-ama ay kung anu-anong masasamang eksena ang pumasok sa kanyang
utak. Dinig na dinig din niya ang malakas na tibok ng kanyang puso at
punong-puno iyon ng pag-aalala.
TBC
PHOTO CTTO
<3 <3 <3
A/N: Alam niyo iyong moment na hindi mo alam ang gagawin mo, as in, iyong hirap ka na ngang mag-isip ng isang possible title sa Thesis (sa graduate school) tapos hihingan ka pa nila ng three-TATLO! Three titles with concept / proposal in a span of one to two weeks. Mas mabilis mong maibigay ang tatlo ay mas mabilis kang makakakuha ng Thesis adviser mo. The struggle has began and it will really hunt me for a year. Kaunting kembot nalang at matatapos ko na rin ito, I am aiming for a pH Degree. Wish me luck everyone and hopefully I can juggle my time very well.
Love,
INANG
0 (mga) komento:
Post a Comment