4 – MRI
“CAN
WE TALK?” Halata ang gulat sa mukha
ni Xenon ng pagbukas nito ng pinto ng hospital room ng anak nito ay siya agad
ang nakita nito. Bumuka ang bibig ng lalaki sa palagay niya ay dumaan sa maling daanan ang mga neurons nito. “But if
you are busy ay okay lang--.”
“No! I want to talk.” Mabilis nitong
putol sa kanyang pagsasalita. “Please, let’s talk.” He said as if he is really
desperate for them to converse. “Can you wait for a while?” tumango siya dahil
kailangan din niyang huminga at nahihirapan siyang gawin iyon kapag kaharap
ito. Pumasok ito at ilang minuto lang ay agad din itong lumabas.
“Let’s go.” Yaya nito sa kanya.
“Ha? Teyka lang, pwede naman tayong
mag-usap dito at saka walang magbabantay kay Neon.”
“May kasama si Neon sa loob, there’s
no need to worry he is safe and he is still sleeping and for sure he’ll wake up
later.”
“Are you sure?” nag-aalala pa rin
siya dahil kahit na sinabi na ng attending doctor ni Neon na okay na ito at
kailangan lang nitong magpahinga ay under observation pa rin ito lalo pa at
nalaman nilang kailangan ng psychological assistance ang bata.
“Yes.” Wala siyang nagawa kundi ang
pumayag, ang balak sana niya ay kausapin lang ito sa may lobby ng hospital
pagkatapos ay umalis kaagad na para bang walang nangyari. She asked Sebastian
na magcover muna sa kanya habang ginagawa niya ang kailangan niyang gawin.
Tahimik na naglalakad sila sa pasilyo ng hospital at pilit na hindi pinapansin
ang mga kakaibang tingin ng mga kasama niyang nurse at doctor sa kanila. She
can’t blame them, bago sa mga mata nila ang mukha ni Xenon at kahit siya ay
hindi rin ito tatantanan na tingnan. Sa harap ng hospital ay may coffee shop at
dahil masyado pang maaga ng mga oras na iyon kaya iilan lang ang costumers.
“Good morning Doc Xel.” Bati ni
Michael, matagal na itong barista doon kaya kilala na nito halos lahat ng
doctors sa hospital na bumibisita dito.
“Good morning din Michael, can I
have my usual cup of coffee and…” binalingan niya si Xenon na tahimik lang na
nakatayo sa kanyang likuran. “What drink do you want?”
“Can I have the same coffee as
yours?” tumango siya at iyon ang ibinigay kay Michael. Alam niyang nagulat din
ito ng makita na may iba siyang kasama pero hindi ito nagpahalata. Inabot niya
ang kanilang bayad pero naunahan na siya ng lalaki kaya tinaasan niya ito ng
kilay. “I’ll pay.”
Mas nagdugtong ang kanyang kilay at
mukhang alam din nito na hindi niya nagustuhan ang ginawa nito. “I asked you
out I should be the one to pay.” Aniya. “Hindi dahil lalaki ka ay obligado kang
bayaran ang order ko, I can pay you know, I have work and I am earning.”
“I don’t have any intention to offend
you Xelena.” He said apologetically. “I’m sorry, just let me pay for this. This
is not much and besides I owe you a lot too for helping me find Neon.”
“Hindi ko sinasabing bayaran mo ang
order ko.”
“Uuhm, you two. Pwede bang huwag
kayong mag-away sa harap ng cashier dahil kung napapansin niyo ay may mga
nakapila sa likod ninyong dalawa.” A woman’s impatient voice interrupted their
little argument. Hinayaan nalang niya si Xenon na magbayad upang hindi humaba
ang kanilang diskusyon. Naupo sila sa pinakasulok ng coffee shop, sa hilera ng
mga mesang natatakpan ng mga bulaklak.
“Xelena--.”
“Ako muna Xenon.” Putol niya dito.
“Alam kong napapansin mo na medyo hindi ako comfortable kapag nakakaharap at
nakakausap ka.” Humugot siya ng malalim na hininga lalo pa at tila naninikip na
naman ang kanyang dibdib habang nakatitig dito. Kung sana ay katulad nalnag ito
ng ibang mga lalaki na insensitive at sadyang nananakit ng mga babae ay kay
dali nalang siguro sa kanya na sampalin ito upang kahit papaano ay gumaan ang
kanyang loob but he is not like that, he’s really a good man. At kung sinuman
ang maswerteng babae na makakabingwit sa puso nito, that bitch is really lucky.
“Sa tingin ko ay alam mo na rin ang
dahilan kung bakit ko ginagawa iyon.” Nakatitig lang ito sa kanya at literal na
hinihintay ang kung anuman ang sasabihin niya kaya nagpatuloy siya sa
pagsasalita. “Hindi maganda ang naging history natin and looking back I knew I
did the worst possible things to irritate the hell out of you.” Isang malalim
na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. “I am sorry.” There… finally, she
said it. “Alam kong hindi madali sa iyo na patawarin ako sa lahat ng mga
naggawa ko ng dahil sa akin ay naghiwalay kayo ng girlfriend mo at marami pa
akong katangahan na ginawa. I’m really sorry sana ay mapatawad mo ako. Nahihiya
ako sa mga pinaggagawa ko at kapag nakakaharap kay naaalala ko ang lahat ng
iyon. I’m sorry.” Kulang nalang ay lumuhod siya sa harap ni Xenon para lang
mapatawad siya nito at para gumaan ang kanyang kalooban. Pero sa tingin niya ay
tama ang kanyang ginawa dahil kahit papaano ay gumaan-gaan ang kanyang
pakiramdam.
“Xelena, you don’t have to do that.”
Mahinang sabi nito.
“I know you will say that, stop
being so kind to people especially to those who hurt you Xenon. You know it’s
one of your good sides but that also makes other people misunderstand you,
katulad ng nangyari sa akin dati. I was young and impulsive kaya naggawa ko ang
lahat ng mga iyon.” Pag-amin niya sa kanyang naging pagkakamali.
“You wanted to talk to me to
apologize?” tumango siya. “You want my forgiveness?” tumango uli siya. “To
clean your conscience?” muli siyang tumango. Bigla itong hindi nagsalita at
nang tingnan niya ang kausap ay parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang
makitang nag-iba ang awra nito. “I think you were wrong when you said I’m kind
to people especially those who hurt or irritate the hell out me. I’m not that
kind Xelena.” Nagdugtong ang kanyang kilay at nag-isang linya ang kanyang mga
labi.
Noong sabihin niyang biglang nag-iba
ito ng mga sandaling iyon ay nawala ang gentle aura ng lalaking kaharap, right
now he looks so cunning with that sexy smirk of his. Nasanay siyang nakikitang
malumanay ang bawat galaw ni Xenon kaya parang mas lalong nag-iba ang takbo ng
kanyang utak habang nakatitig dito.
He is staring at her differently
too, para bang sine-seduce siya nito sa mga titig nito at mas lalo siyang nagulantang
nang hawakan ng kaharap ang kanyang palad at dinala ang likod sa mga labi nito.
Kulang ang salitang gulat at pagtataka sa ginawa nito, nanikip ang kanyang
lalamunan at tila may nabuhay na kung anu-anong insekto na biglang nabuhay sa
loob ng kanyang sikmura.
“If you really think that I will
forgive you easily, think again.” She tried pulling her hand away from him but
he just tightened the grasp. “There’s always a payback time, Xelena.”
“A-anong ibig mong sabihin?” Darn it! Bakit ba iba ang epekto nito sa
kanya?
He gives her an innocent smile but
she knew better, it was as innocent as she thinks. “If you want my forgiveness
you need to work hard for it.” Sinubukan uli niyang hilahin ang kanyang palad
pero ayaw pa rin itong ibigay iyon sa kanya.
“Anong gusto mong gawin ko?” she
asked.
Naramdaman niya ang pagluwag ng
hawak nito sa kanya kaya mabilis niyang binawi ang kamay mula dito.
Nagkibit-balikat si Xenon na tila ba kampanteng-kampante na papayag siya sa
anumang kondisyones na ilalatag nito sa kanya. A sly smile appear on his lips
as he tilted his head and captured her eyes with his stern gaze.
“Neon needs a mommy, I want you to be his mom.”
NANG
sabihin sa kanya ni Xenon na maging Mommy siya ni Neon ay halos hindi na niya marinig ang
malakas na tibok ng kanyang puso. She thought he was asking her to marry him
and be his son’s mother, again she overthink. Mabuti nalang at hindi siya
nagsalita at nagtanong, hinintay niyang matapos ito sa kung anuman ang sasabin
nito. Isa iyon sa natutunan niya sa kanyang propesyon, ang matutong makinig.
“Neon needs a mother figure now,
mukhang ikaw ang napili ng bata. Hindi malapit si Neon sa mga babae kahit na sa
Mama ko pero hindi sa iyo. Nagkaroon ng aksidente ang bata dalawang taon na ang
nakakalipas at dahil sa nangyari ay hindi na nagsasalita pa si Neon. Ang sabi
ng kanyang doktor ay temporary result iyon ng trauma na naranasan niya at
makakapagsalita pa uli si Neon. It has been two years but there’s no
development not until today."
Yes, the child called her mommy. Kung hindi sinabi ni Xenon na
hindi nakakapagsalita ang bata ay hindi niya maiisip na may problema dito.
“Nakausap ko ang doctor ni Neon at
sinabi niyang isang malaking improvement ang nangyari at alam kong may ideya ka
na rin sa sinabi ng Doktor.” Tama si Xenon, kahit iba ang kanyang
specialization ay may alam siya sa nangyayari at pwedeng maging gamut ng bata. Mataman
niyang tinitigan ang tasa ng kape na kanyang hawak, hindi mahirap ang gustong
mangyari ng lalaki kung tutuusin ay sobrang dali niyon. Kung ang pagiging
propesyonal ang kanyang paiiralin ay hindi siya mahihirapan pero kung isasali
niya ang kanyang personal na buhay dito ay alam niyang sobrang gapang ang
kanyang gagawin.
Lumipat ang tingin niya sa mug at sa
mukha ng lalaking minsan ay kinabaliwan niya. Ayaw niyang mangyari ang nangyari
dati, she hates it. Kapag muli na naman siyang mapalapit kay Xenon ay baka
gawin na naman niya ang naggawa niya. Muli ay napatitig siya sa puting tasa at
wala sa sariling nakagat ang ibabang labi habang iniisip kung ano ang tamang
gawin niya.
Narinig niya ang mahinang pagtikhim
ni Xenon kaya napalipat ang titig niya dito, nagtataka siya dahil napapansin
niyang namumula ang mukha nito. “What’s wrong with you?” she asks innocently.
“No-nothing.” Inisang lagok nito ang
laman ng tasa nito bago bumaling sa kanya. There’s really something wrong with
him. “I don’t want to push you into this, but I don’t have a choice. Isang inosenteng
buhay ang nakasalalay sa pag-uusap natin Xelena at gusto kong lumaki ng maayos
at normal si Neon.”
Ayaw niyang ipagkait iyon sa anak
nito pero ayaw din niyang ipagkait sa sarili niyang ang kalayaan na hindi na
ito makita at makasama. Sa bandang huli ay nanaig pa rin ang puso niya sa
kanyang propesyon. Isang malakas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan
bago ibinigay kay Xenon ang kanyang sagot.
“Payag ako.” Biglang lumiwanag ang
mukha ng lalaki sa kanyang naging pagsagot. “Pero kapag maggaling na si Neon at
kaya na niyang makapagsalita ay hahayaan mo akong umalis at hindi ka na uli
makita pa.” Kung gaano kabilis lumiwanag ang mukha nito ay ganoon din ang
pagdilim niyon. “This will be a win-win resolution, you knew how capable I am
in ruining someone’s life. Ikaw ang saksi sa bahaging iyon ng aking pagkatao,
this may be my karma. Pagbabayaran ko ang lahat ng naggawa ko sa iyo sa
pamamagitan ng anak mo, I will make sure Neon will grow to be healthy and
normal.” Inilapag niya ang tasa sa ibabaw ng mesa. “And I cross the line again,
don’t hesitate to push me away the same way you did way back then.”
Hindi niya alam kung ano ang iniisip
ni Xenon ng mga sandaling iyon dahil tahimik lang itong nakatitig sa kanya. Kung
may magnetic resonance imaging o MRI lang siguro siya at kung pwede niyang
ipasok ito doon para lang malaman niya kung ano ang takbo ng isip ng lalaking
kaharap ay matagal na niya itong inilagay doon. Kaso kahit na meron siya ng
ganoong scanner ay imposible pa rin yata niyang malaman ang totoong takbo ng
isip nito.
“MOMMY,
you are so pretty.” Ngumiti si Xelena kay Neon nang panggigilan nito ang
kanyang pisngi. Base sa narinig niyang kwento mula sa tatay nito ay hindi
malapit ang bata sa mga babae kahit na sa pamilya nito. Wala siyang naggawa
kundi ang pumayag sa kondisyon ni Xenon, ginagawa niya ito para sa ikakabuti
niya.
“Really? What else?” she probed.
Gusto niyang makapagsalita na agad si Neon para hindi na niya makita ang ama
nito.
“And
a doctor too, you save people just like doctors in movies.” Paglaki ni Neon ay
sigurado siyang maraming babae itong paiiyakin. The child knows how to play
with his words at kung hindi sinabi sa kanya ni Xenon ay hindi niya iisipin na
hindi ito nakakapagsalita. “I want to be like you Mommy, I want to save people
too.” Ginulo niya ang buhok nito.
“You
need to study hard and learn how to talk with people so you will know where
they were hurt.” Ngumiti at tumango ito. Mukhang mapapadali ang trabaho niya
kapag nagsasalita na ito.
“Excuse
me Doctor Rosal,” napatingin siya kay Amor na pumasok ng silid. “May emergency
po, may nangyari pong aksidente sa hindi kalayuan at isa sa mga naaksidente ay
isang buntis na babae and in labor right now.” Nagdugtong ang kanyang kilay,
out na niya ng mga oras na iyon pero dahil pumayag siya sa kondisyones ni Xenon
kaya nandito pa rin siya. Wala ang lalaki dahil may kailangan itong asikasuhin
sa trabaho kaya siya ang nagbabantay kay Neon.
“Nasaan
si Doc Carrie?” ang doktor na tinutukoy niya ay ang kasamahan niyang resident
doctor sa department.
“Nasa
operating room po at iyong ibang doktor ay inaasikaso din ang ibang pasyente na
kasama sa naaksidente.”
“Pero
walang magbabantay kay---.”
“Hello
twinny here’s your--” Mabilis siyang tumayo at napayakap kay Xylee nang pumasok
ito ng silid dala ang ilang gamit na pinadala niya. “What happened?”
“You’re
my savior Xylee, pwede mo bang bantayan muna si Neon habang inaasikaso ko iyong
nadisgrasya?”
“Su-sure.”
Wala itong naggawa dahil sa pakiusap niya. Binalingan niya ang bata na
nakatitig lang sa kanya.
“Neon,
can I excuse for a while? I need to save some people.” The child pouts and is
in the verge of tearing but he didn’t cry though. “Don’t worry mommy will be
back in a second and she’s mommy’s twin sister. She looks like me.”
“But
she’s not mommy.” Napansin niya ang pagtataka sa mukha ng kapatid habang
palipat-lipat ang tingin sa kanya at ng bata.
“Yeah,
she’s Tita Xylee. She’s your father’s friend so she will take care of you. I’ll
be back promise.” It looks like the child understands and nodded. Hinagkan niya
sa noo ang bata at mabilis na lumabas ng silid at tinungo ang emergency room.
Kapag ganitong may mga aksidente ay kailangang full force ang mga staff ng
hospital.
Hindi
niya alam kung ilang oras siyang nanatili sa operating room, hindi naging
madali ang pagpapaanak sa pasyente at tatlong doktor na silang tulong-tulong.
Nasa bingit ng kamatayan ang mag-ina at maaaring may isang mawala kung hindi
lang agad naagapan. Nasa incubator ang sanggol dahil pitong buwan pa ito nang
magkaroon ng premature labor ang mother ng baby dahil sa aksidente. Nasa
comatose stage pa rin ang nanay at kakasalin lang ng dugo at under observation
pa.
“Congratulations
Doc Rosal for a successful operation.” Her department head patted her on the
back.
“The
mother is still in comatose stage professor Cruz, hindi pa totally successful
ang operation. Parehong nasa critical stage pa rin ang nanay at ang bata.”
Paliwanag niya dito.
“This
is one of the most critical operation who had since becoming a resident doctor
here Xelena and I can see that you are really doing very well.” Ngumiti siya
dito at tinanggap ang papuri mula sa doktor na bihira lang kung magbigay ng
papuri sa mga doktor na ginagabayan nito. She’s really lucky to have him as her
head doctor.
“Magpahinga
ka muna and I will ask the HR to give you an additional day off.”
“Thanks
Prof.” kahit papaano ay nagising ang diwa niya sa sinabi nito. Additional day
off means more time to sleep… sleep? Holy
cow! Muntik na niyang makalimutan na iniwan niya si Neon sa kapatid niya at
malamang ay nakabalik na mula sa opisina nito si Xenon. “Sige po, magpapahinga
po muna ako saglit.” She excused herself and run to Neon’s room at tama nga
siya sa kanyang naisip, nandoon na si Xenon habang kausap ang kapatid niya at
si Darren.
“Sorry,
ngayon lang natapos ang operasyon na ginawa ko.” Hingi niya ng paumanhin kay
Xenon na agad na napatingin sa kanya.
“She’s
here, it’s time for us to go.” Narinig niyang paalam ni Darren. HInagilap ng
kanyang mga mata si Neon at napagtanto na natutulog na ito.
“Are
you okay Xelena?” nag-aalalang tanong ng kanyang kapatid.
“Yes,
I’m okay and thank you very much for today.”
Ngumiti
lang ang kapatid niya sa kanya. “You can always count on me at pinuntahan naman
ako ni Darren kaya hindi ako nabore. Magpahinga ka na rin.” Pagkatapos
magpaalam ng kapatid at ni Darren ay parang nagkaroon ng mabigat na atmosphere
sa loob ng silid. Linakasan niya ang loob at lumapit kay Neon.
“Sorry.”
Hingi niya ng paumanhin kay Xenon na tahimik lang na nakamasid sa kanya. “Alam
kong hindi ko dapat iniwan si Neon kay Xylee dahil ibinilin mo siya sa akin.
Kung magagalit ka ay tatanggapin ko ang galit mo.” Tumayo ito at naglakad
palapit sa kanya nang biglang nag-ring ang cellphone nito. She heard him sigh
and immediately leave the room. Nanghihina ang kanyang mga tuhod at napaupo sa
bakanteng sofa bed. She crossed her legs and her arms, she usually do that as
if she’s creating a barrier for herself. Napayuko siya at iniisip kung gaano
siya ka-iresponsable. Mariin niyang ipinakit ang kanyang mga mata at pilit na
kinakalma ang sarili, dahil sa ginawa ay hindi niya napigilan ang sariling
mapaidlip at naalimpungatan lang nang maramdaman na may humahawak sa kanya.
“Hhmmn…”
she moaned and tried to push the person who’s holding her.
“Behave
Xelena, ihihiga lang kita ng maayos.” Boses iyon ni Xenon. “You shouldn’t sleep
while you were sitting.”
“No,
I need to be awake. I need to do rounds.” She murmured but still laid on her
back and toss until she found a very comfortable position. “Wake me up after
ten minutes I still have an operation to do.”
“I’ll
do that, sleep for now.” Sobrang lambing ng boses nito kaya sigurado siyang
nananaginip lang siya. Xenon is sweet and gentle but he was never like that to
her, he’s kind when he refused her advances but never allowed himself to touch
her like this.
“Don’t
touch me.” She said while her eyes close. “I won’t allow you.” She murmured.
“Well,
I am touching you.”
“Tsk. You bad man, let me sleep.” Naramdaman niya
ang marahang paghimas ng kausap sa kanyang ulo. That’s one of her weakness.
PHOTO CTTO
<3 <3 <3
A/N: Hello babies, pebrero na naman at alam naman natin na ito ang buwan ng kalayaan kaya magbunyi (insert DRUM ROLLS + Confetti + Disney Trumpets). Ang kwentong ito ay in celebration sa buwan na ito at kapag natapos ko na siya finally ay sisimulan ko na ang pagsusulat sa book 3 ng kwento ni Hexel and Clive. Let me rest for a while dahil hindi rin madaling tapusin ang kwento ng dalawang iyon sa book 2. Thank you so much!
Love,
INANG <3
0 (mga) komento:
Post a Comment