Friday, January 31, 2020

Black Magic 6 - Heal Love: 3 - Scalpel



3 – SCALPEL
            “XELENA.” Siya ang nag-offer na maghugas ng pinggan para hindi siya mapilitan na makipagbonding kay Xenon sa sala. “Anak.”
            “Huh? Nay, bakit po?”
            “Ako na diyan.” Kanina pa niya napapansin na tahimik lang ang kanyang Nanay, nagsasalita ito pero hindi ito kasing daldal tulad ng dati. At napansin din niyang kakaiba ang pakikitungo nito kay Xenon, unlike kay Darren.
            “Tatapusin ko lang po ito, malapit na--.”
            “Ako na dito.”
            “Pero Nay…”
            “Umakyat ka na sa kwarto ninyo, ako na ang bahalang magsabi sa kapatid mo at sa mga bisita natin na hindi maganda ang pakiramdam mo.” Nagulat siya sa sinabi ng Nanay dahil hindi siya nito itinutulak kay Xenon. Hindi kagaya ni Xylee na kulang nalang ay literal na itulak siya sa lalaki.
            “Talaga po?”
            “Alam kong hindi ka komportable kaya huwag mong pilitin ang sarili mo.” Napakagat siya ng labi. Hindi siya lumaki sa piling ng Nanay niya dahil si Xylee ang kasama nito at kasama naman niya ang kanyang ama ngunit ni minsan ay hindi pinaramdam sa kanya ng kanyang ina na wala siyang Nanay.
            “Salamat po.”
            “Ina ako Xelena at kahit wala kang sabihin sa akin ay may alam din ako sa nangyari at nangyayari sa buhay ng anak ko. Huwag kang mag-alala kahit gusto kitang magkapamilya ay hindi kita itutulak sa isang taong alam kong nanakit sa iyo.” Kusang gumalaw ang kanyang katawan at yumakap sa Nanay niya. Naramdaman niya ang pagganti ng yakap nito sa kanya. “Magpahinga ka na, kami na ang bahala dito.”
            “Thank you po.” Mahina siyang tinapik ng ina. Matagal siya bago kumilos dahil nakaramdam siya ng hiya sa kanyang sarili. Kung hindi lang siguro siya nagpakabaliw at nagpakatanga ay hindi naman siya magkakaganito. Nakaramdam siya ng guilt habang nakatitig sa likod ng kanyaNG Nanay. Hindi siya pwedeng maging ganito habang buhay, she needs to redeem herself by hook or by crook, hindi man mabilisan basta ang mahalaga ay may gawin siya. Sa halip na pumanhik at magtago sa kanyang kwarto ay dahan-dahan siyang nagpunta kung saan naroroon ang taong iniiwasan niya.
            “Xelena, come here.” Nakangiting yaya ni Xylee and then her eyes fall to him. Mahina siyang napabuntong-hininga, ito lang kasi ang kaya ng lakas niya.
            “Mag-e-excuse muna ako sa inyo, may operasyon akong gagawin bukas. Medyo risky kasi iyon kaya kailangan kong maghanda at magpahinga rin ng maaga.” Magalang na paalam niya sa mga ito.
            “Magpahinga ka na Xelena.” Ani ng kanyang ama.
            “Rest well.” She gave them a small smile before she go. Pagkapasok niya sa silid ay isang malakas na buntong-hininga ang kanyang ginawa. Naubos sa simpleng paalam na iyon ang natitirang lakas na meron siya.
            “Ikaw kasi sobrang boba mo, bakit mo kasi iyon ginawa? Ayan tuloy wala ka ng mukhang maihaharap sa taong iyon. Boba ka, ang tanga mo pa.” asar na sinampal niya ang kanyang sarili. “Aww.” Hinimas niya ang nasaktang pisngi. Asar na muli siyang napabuntong-hininga at napatitig sa kisame kasabay ng pagflash ng isang nakakahiyang ala-ala mula sa kanyang nakalipas. Mariin niyang pinikit ang mga mata at nagbabakasakaling mawala iyon.
            “Akala ko ba naghahanda ka?” narinig niya ang boses ni Xylee pero hindi siya nagmulat ng mga mata. Ayaw niya.
            “I am.”
            “Wala ka namang ginagawa.”
            “I am visualizing my operation for tomorrow so don’t distract me.” Pagsisinungaling niya para lang hindi na siya nito abalahin. Narinig niya ang paglangingit ng kama ng kapatid at akala niya ay nagpapahinga na rin ito pero nagkamali siya.
            “May nangyari ba sa inyo ni Xenon noon?”
            “No!” Kasing bilis ng kidlat ang kanyang naging pagsagot at diin na diin ang bawat letra. Napaupo din siya ng tuwid dahil sa gulat niya sa naging katanungan nito.
            “Masyado kang defensive.” Natawa ito sa kanya. “Itinatanong ko lang naman ay kung may masama bang nangyari sa inyo ni Xenon noon halata kasing iniiwasan mo siya at ramdam iyon ng tao.”
            She wrinkled her nose and pursed her lips. Wala ni sinuman ang nakakaalam sa krimen na ginawa niya noon maliban kay Xenon, wala siyang pinagsabihan. Alam kasi niyang nagkamali siya at ayaw niyang may taong paulit-ulit na nagpapaalala sa kanya.
            “Maliban sa nahihiya ako sa mga ginawa kong paghahabol sa kanya noong medyo bata, impulsive at tanga pa ako, ano pa bang rason ang pwede kong ibigay para hindi na siya harapin?”            “Ang tagal na kaya noon, hindi mo pa rin forget?”
            Tinaasan niya ito ng kilay, Xylee is fishing for more information. “Nakalimutan ko na siya pero noong muli kaming nagkita ay naalala ko na naman ang noon. Do you really think madaling maka-move on sa mga ginawa ko dati? Hell no! Kahit ilang operasyon na ang gawin ko ay hinding-hindi ko makakalimutan iyon, nakakadiri ako—aray!” hindi niya nasalo ang binato nitong unan kaya tumama iyon sa kanyang mukha. “Ano ba?” inis na ibinalik niya ang unan na ibinato nito.
            “Tama ka nakakahiya nga iyong mga ginawa mo dati, I’m sorry kung naging insensitive ako sa feelings mo.”
            “Mabuti at alam mo and please huwag mo uling gawin ang ginawa mo today. I’m not like before, hindi na ako iyong babaeng habol ng habol sa isang lalaking wala naming gusto sa kanya. Nakalimutan ko na ang feelings k okay Xenon pero hindi ang mga ginawa kong pang-ha-harass sa kanya.”
            Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. “You did harass the poor guy, nakalimutan kong nagfile nga pala siya ng temporary restraining order para lang hindi ka makalapit sa kanya--- Xelena!” hindi ito nakailag ng batuhin niya ito ng isa pang unan. “Sis, you were a monster back then. Akala ko nga talaga ay magtatagumpay kang masungkit ang puso ni Xenon kahit na ilang ulit ka niyang i-reject. Naalala ko pang muntik ka ng mag-rally sa harap ng bahay niya para i-date lang siya and you even stalked him sa work niya. You were insane.”
            “Xylee please lang, parang awa mo na huwag mo ng ipaalala please.” Frustrated na pakiusap niya. “Kapag ako nainis sa iyo ay maghanap ka ng bagong maid-of-honor sa kasal mo dahil kakalimutan kong may kakambal pala ako.”
            “Joke lang hindi ka naman mabiro. Pero sabi nila hindi ba kapag nagawa mo ng biro ang mga nakakahiyang nanggyari noon ay ibig sabihin ay tuluyan ka ng naka-move on?”
            “Hindi rin po ba ang sabi ko ay hindi pa ako nakakamove on sa mga kahihiyan na naggawa ko? Save that poor soul from me dahil alam mo kung paano ako magkagusto sa isang tao and I think he suffered more than enough from my ‘harassment’ so please do him and me a favor."
            “Alright, I’ll zip my mouth na.” akala niya ay makakahinga na siya pero ilang Segundo pa lang ay muli na naman itong nagsalita. “What if he’s into you na? Ano ang gagawin mo?”
            “Shut up, Xylee. Let me go to sleep, I need to rest and stop harassing me with your impossible and hypothetical questions.” Hinila niya ang kumot at itabon iyon sa buong katawan. Ayaw na niyang kausapin ang kapatid dahil nauubos ang dugo niya sa katawan.
            “Hey, don’t close doors hindi natin hawak ang kapalaran natin. Everything happens for a reason and may be he had his reasons when he rejected you back then.” Hindi siya umimik at nagpanggap na natutulog nalang. Maganda ang love life ng kanyang kapatid, maaring may struggles din ito noong hindi pa sila nagkakasundo ni Darren. Masama ang i-compare ang nangyari sa kanya at sa nangyari sa buhay ng kapatid pero hindi kasi nito alam kung ano ang feeling ng paulit-ulit na i-reject… nakakatakot at iyong takot na iyon ay unti-unting kakain sa iyo hanggang sa okay nalang na mapunta siya sa isang sulok huwag lang uling maranasan ang rejection na iyon.
                       
            ANG lakas ng ulan.” Naiusal niya sa sarili habang nakatitig sa labas ng hospital, sobrang lakas ng buhos ng ulan at panay din ang kidlat at kulog. Napayakap siya sa kanyang sarili dahil unti-unting nanuot ang lamig sa buong katawan niya kahit na doble na ang kanyang suot.
            “Doc, nandito na po ang result ng mga laboratory test ni Maam Nancy.” Kinuha niya mula sa attending nurse ang result na hinihingi niyang result ng kanyang pasyente. Isa-isang tiningnan niya ang mga results at tama siya sa kanyang naunang diagnosis.
            “Thanks Jessa.” May uterine fibroids ang kanyang pasyente kaya nakakaramdam ito ng kakaibang sakit sa may pelvic area nito at nahihirapang dumumi. Maaring iyon ang dahilan kung bakit nahihirapang magdalang tao ang kanyang pasyente. Karaniwang benign ang sakit na iyon pero sa case nito ay naging leiomyosarcoma na ito. This type of tumor occurs in less than one percent of uterine fibroids problem, a rare type of tumor. Kailangan niyang kausapin ang kanyang pasyente para ma-explain niya ang sakit nito at kung paano ito tatanggalin.
            “Mommy!”
            “Huh?” nagulat siya ng may naramdamang kumapit sa kanyang binti. Isang cute na batang lalaki na nakasuot ng hospital gown ang kanyang nakita. Pasyente ito ng hospital at may nakabalot sa braso nito ibig sabihin ay nakabitan na ito ng intravenous.
            “Mommy.” Tumingala sa kanya ang bata at nagdugtong ang kanyang kilay dahil pamilyar sa kanya ang mukha ng batang tumatawag sa kanya ng mommy. Yumuko siya upang lumebel sa height ng bata.
            “Hey, where are your parents?”
             “Mommy.” Nakatitig ito sa kanya na para bang siya talaga ang mommy nito.
            “Sorry little guy but I am not your mommy, gusto mong samahan kita na hanapin ang mommy at daddy mo?” tiningnan niya ang braso nito at nang makitang wala iyong dugo o pasa ay nakahinga siya nang maluwang. “Tinanggal mo ba ang nakakabit sa arm mo?” she asked the child.
            Tumango ito. “It hurts.” Nangintab ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.  Hindi siya mahilig sa bata pero parang may kumurot sa puso niya habang nakatitig sa chubby face nito.
            “Where’s your room?” sa tingin niya ay nasa malapit lang ang room nito. “What’s your name?” hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kanya. “I’m really not your mommy, I’m a doctor here.” Unti-unting tumulo ang luha sa pisngi nito kaya bigla siyang nataranta. “Alright, alright, I’m your mommy.” Hinila niya ang bata upang makulong sa mga bisig niya.
            “Mommy.” Maingat na kinarga niya ang bata at pumunta sa may nurse station. Nakita niya si Jessa doon na may inaasikasong mga papel.
            “Jessa, kilala mo ba ang batang ito?” Humigpit ang yakap ng bata sa leeg nito. Napatingin ang nurse sa kanya, maging ang ibang nagpapahingang nurse ay nagsilapitan din.
            “Aww, ang cute naman ng baby mo Doc Rosal.” Tinaasan niya ng kilay si Mike na isa ding nurse. “Hindi mo naman sinabi na nanganak ka na pala.”
            “Parang kilala koi yang bata na hawak mo, Doc.” Tiningnan ni Amor na naka-assign sa pediatrics ward. “Tama, sa room 704 na pasyente iyan Doc. Gusto mong ako na ang maghatid sa bata?”
            Tumango siya. “Mabuti pa nga baka hinahanap na ito ng mga magulang nito.” Hindi nalalayo ang room number ng bata. Baka nakatulog ang nagbabantay nito at hindi napansin na lumabas ang bata. Lumapit sa kanila sa Amor at kukunin sana ang bata pero ayaw nitong bumitaw sa kanya.
            “No!” sigaw nito na halos ikabingi na niya. “Mommy.” Nasasakal na siya sa pagkapit ng bata sa kanyang leeg kaya pinatigil niya si Amor sa paghila sa kanya.
            “Samahan mo nalang ako na ihatid ang bata, parang babawian na ako ng buhay sa higpit ng kapit niya sa akin.” Aniya kay Amor. Pagdating niya sa room 704 ay binuksan niya iyon, mukhang tama siya sa kanyang hinala na nakatulog ang nagbabantay dito. “Amor, ikaw ang unang pumasok at gisingin mo ang guardian niya.”
            Lumaki ang ngisi ng nurse at excited na ginawa ang pinaggawa niya, nagtaka man ay mas abala siya sa paghinga ng maayos. Baka kasi bigla na namang humigpit ang hawak sa kanya ng bata at tuluyan na siyang sumakabilang buhay.
            “Excuse me, Sir.” Narinig niyang pukaw ni Amor sa guardian nito. “Nakalabas ng room ang anak ninyo at kailangan namin na kabitan uli siya ng IV dahil natanggal iyon sa braso ng bata.” Dahan-dahan na bumangon ang kausap ng nurse, siya naman ay binuksan ang ilaw. At tamang-tama na pagbukas ng ilaw ay mukha ni Xenon ang nakita niya. Nagtama ang kanilang mga mata at huli na para lumabas at magtago.
            “Ganoon ba? Sorry, nakatulog kasi ako hindi ko nabantayan si Neon.” Kaharap lang nito si Amor pero hindi nito inaalis ang pagtingin sa kanya at para bang hindi nito nakita ang naunang babae. “Xelena.” Tawag nito sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga, sa lugar na iyon ay hindi siya pwedeng tumakbo at magtago dahil oras pa rin iyon ng kanyang trabaho. Hindi siya nakaassign sa pediatrics department pero kailangan pa rin niyang magtrabaho.
            Naglakad siya palapit dito at ibinigay ang bata, kaya pala parang pamilyar sa kanya si Neon dahil kamukhang-kamukha ito ni Xenon. Bakit niya nakalimutan iyong sinabi ni Xylee na may anak na ang lalaki? “Here’s your son.” Hindi ito kumilos at nakatitig lang sa kanya kung wala lang siguro doon ang bata at si Amor ay nilamukos na niya ang gwapong mukha nito. This is the closes distance they have so far.
            “Your son?” pukaw niya dito.
            “Oh, sorry. I’m really sleepy.” Pasimpleng pinasadahan niya ng tingin ang hitsura nito. He is wearing a crumpled shirt and a pair of jeans. Mukhang nagusot iyon sa paghiga at maging ang buhok nito ay magulo din pero hindi naman iyon nakabawas sa gandang lalaki nito, he is looks so good and hell! He’s damn so sexy! Ipinilig niya ang kanyang ulo upang mawala ang anumang masamang ispiritu na pumasok sa isip niya. “Neon, come here--.”
            “No! Mommy only.”  Sigaw ng bata. Bahagya siyang napaatras sa nabiglang ekspresyon ni Xenon. She kept a safe distance.
            “I promise you, wala akong ginawang masama sa anak mo. Nagulat nalang ako na lumapit siya sa akin at tinawag niya akong mommy. Hindi ko rin alam na anak mo siya.” Sunod-sunod na paliwanag niya, ayaw niyang isipin nito na ginagamit niya ang anak nito para mapalapit dito. Alam niyang iisipin nito iyon dahil nagamit na niya ang mga tao na malapit dito noon para lang mapalapit dito. “You can get your son now and I’ll leave immediately.”
            She needs to calm down but the uncontrable fear that is slowly creeping inside her is eating her rationality. Kailangan na niyang makalabas sa silid na iyon dahil tila nahihirapan na siyang huminga.
            “A-Amor, ikabit mo ang IV sa bata and check his vitals.” Lumayo siya kay Xenon at ibinaba ang bata sa kama. “Tatawagin ko lang si Doctor Angeles.” Tinutukoy niya ang attending physician ng bata. “Please excuse me.”
            Narinig niyang tinawag siya ni Neon pero mabilis pa sa kidlat ang ginawa niyang paglabas sa silid ng mag-ama. Dumeritso siya sa kanyang quarters at humarap sa maliit na salamin na nasa kanyang maliit na table. Tinitigan niya ang sariling repleksyon doon ng ilang minuto bago sinampal ng malakas ang magkabilang pisngi. Nasaktan siya sa kanyang ginawa pero hindi pa rin sapat ang sakit para ibalik niya sa normal ang may agaw na utak.
            “Come on, Xelena. This is not you, this is not really you. Makapal ang mukha mo, matapang ka at dapat wala kang kinatatakutan. Where are your backbones?” tanong niya sa kanyang sarili. “Hindi habang buhay ay matatakbuhan mo siya kailangan mong tatagan ang apog mo.” Malakas siyang napabuntong hininga. There’s one thing she need to do to forgive herself and forget everything. Running away from Xenon will never be an answer to her problem, she needs to straight up. Kung kailangan niyang gumamit ng scalpel at hiwain ang kanyang balat at muscles para mahanap ang lakas ng loob na nakatago sa loob ng kanyang katawan ay kanyang gagawin. She needs to apologize, kailangan niyang humingi ng tawad para sa lahat ng mga nagawa niya against the guy.
            “That I need to do, para sa ikakalinis ng konsensya ko.” Pinal na ang kanyang desisyon, hindi na siya tatakbo pa bagkus ay haharapin niya ang lalaki.


TBC

PHOTO CTTO
<3 <3 <3
A/N: Busy with IPCRF midyear evaluation kaya hindi nakapag-update. I will try uploading the fourth chapter for this story. Happy reading everybody!

Love, 
INANG

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang