2 – ANESTHESIA
“BIGYAN mo
na kasi ng mommy si Neon, Xenon. Baka kapag may mommy siya ay makakapagsalita
na siya.” Dahan-dahang inubos ni Xenon ang kape sa tasang hawak.
“Easy to say.” Matagal na niyang
kaibigan si Timothy at ito din ang dahilan kung bakit nakabili siya ng bahay sa
SeasonsVille ilang taon na ang nakakaraan. Magkaibigan sila since high school
at para na rin niya itong kapatid.
“Maraming mga singles sa subdivision,
lumabas-labas ka lang ay may makikita ka sa tabi-tabi. Mag-ingat ka lang minsan
dahil mga wild animals ang mga iyan, hindi mo makukuha kung wala kang kalmot sa
katawan.” Natawa siya sa ginawa nitong pagkompara sa mga kapitbahay nilang
babae. Matagal-tagal na siya sa SeasonsVille at dahil masyado siyang focus sa
trabaho kaya hindi siya nakakalabas. Ang kapatid niyang si Rad ang uma-attend
kapag may homeowners meeting at minsan ay nagbabayad nalang siya ng ‘fines’.
Presidente ng homeowners association ang kasama at ito ang dahilan kung bakit
complete attendance ang kanilang mga meeting. Knowing Timothy he’s very shrewd
when it comes to discipline.
“Kaya pala may black eye ka noong
isang araw.”
“Nagpractice ako ng kick boxing
noong araw na iyon kaya ako may black eye.” Depensa nito. Sa dinami-dami ng
babaeng na-link sa kaibigan ay wala ito ni isang ipinakilala sa kanila. Tim
just loves playing around.
“Sayang at engage na si Pamela,
maganda at mabait iyon.”
“Gusto mong lunurin ako ni Nicolo sa
dagat kapag nalaman niyang pinagka-interesan ko ang fiancé niya?”
“There’s a lot of hot catch here in
our place just like her.” Turo nito sa kakapasok lang sa Summer Café. Agad na
nagdugtong ang kanyang kilay dahil pamilyar sa kanya ang babaeng bagong pasok,
kilala niya ito. “Bawal na pala iyan.”
“Bawal?” Si Xelena.
“Engaged na si Xylee kay Darren.”
Mas lalong nagdugtong ang kanyang kilay. Kilala niya si Xylee.
“That’s not Xylee.”
“IS
THAT YOU?” Tama! There’s no use for her to lie and pretend that she doesn’t
know him. Damn! He still looks so handsome just like before, mas lumaki lang
ang katawan nito at mas lalong tumangkad. Stop
it Xelena may anak na iyan. Paalala niya sa kanyang sarili.
“Xenon, hi.” Isang maliit na ngiti
ang ibinigay niya dito. Kung dati ay kulang nalang ay lundagin niya at itali
ang sarili sa lalaki ngayon ay gusto na niyang tumakbo at magtago. Damn it!
“Wow, it has been years. How are you
doing?” he is still friendly as ever, ito iyong pinakaayaw niya sa lalaki.
Dahil sa pagiging friendly nito ay maraming napapahamak na mga puso katulad
niya, may aura kasi itong I’m safe and
fall in love with me.
“I’m fine. I’m actually quite busy I
need to go.” Bahagyang nawala ang saya sa mukha nito at wala siyang balak na
bawiin ang kanyang pagpapaalam.
“Xelena, I’m done buying the
plants.” Thank you, Lord! Gusto
niyang yakapin at halikan si Seb sa pagpasok nito sa coffee shop. Nagkaroon
siya ng excuse para hindi ito kausapin.
“Excuse me Xenon, nice seeing you
again.” Mabilis niya itong tinalikuran at pinuntahan ang nagtatakang kaibigan.
“Where are the cookies?” ibinigay
niya ang mga cookies dito.
“Drive me home.” Mahinang utos niya.
“Anong nangyayari sa iyo? Bakit
parang nakakita ka ng multo?”
Mas worst pa sa multo ang nakita
niya. “Free na iyang cookies and there’s no need for you to cover for me in the
future just drive me home. Masakit ang tiyan ko.”
“Ang bait mo yata ngayon? Sana
palaging masakit ang tiyan mo.” Natatawang ani nito. Kulang pa ang cookies
bilang pasasalamat niya sa kasama kung hindi dahil dito ay baka magkamali na
naman siya sa kanyang ikikilos. “Sino iyong lalaki na kausap mo sa coffee
shop?”
“Kapitbahay.”
“Bagay kayo.”
“May anak na iyon kaya huwag kang
malisyoso.” Sita niya dito.
“Sayang naman, bagay talaga kayo.”
Iyon din ang iniisip niya dati. Sa tingin niya ay bagay silang dalawa pero siya
lang ang nagke-claim n’un. “Bakit parang masayang-masaya iyon habang nakatingin
sa iyo?” naiinis na siya sa pang-uusisa nito pero ayaw niyang may mahalata ito.
“He is very friendly at kahit na
ikaw ang kaharap ng taong iyon ay ganoon talaga ang facial expression niya.”
“Bakit parang hiniwalayan mo ang
mukha niya noong umalis ka?”
“Gusto mong mag-leave ako sa trabaho
dahil sa inis sa iyo? Sigurado akong hindi lang double shift ang mararanasan
mo.” Banta niya kay Sebastian.
“Sabi ko nga kapitbahay mo si Mr.
Pogi, chill lang masyado kang high blood.” Natatawang ani nito sa kanya.
“Inaantok ako kaya gusto kitang
sakalin at gilitan sa leeg.” Tuluyan na itong tumawa ng malakas. Magkahalo ang
kanyang emosyon ng mga oras na iyon, takot… iyon ang umiiral sa kanya sa mga
oras na iyon. Hindi niya akalain na pagkatapos ng ilang taon ay muli silang
magkikita ni Xenon. At hindi pa rin ito nagbabago, hindi na siya pwedeng
malapit sa lalaki. Kakalabanin niya ang langit para lang matigil ang sunod
nilang pagkikita.
KAILANGAN
na talaga niyang magsimba at humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa niyang
kasalanan. Kung biro man ng tadhana ang nangyayari sa kanya ay hindi na siya
natutuwa. At kung pwede ang sigurong sumigaw ay ginawa na niya para lang mawala
ang inis na kanyang nararamdaman.
“Xelena.” She pretended that she
didn’t hear anything and continue walking to finish her rounds. Itinuon niya
ang pansin sa hawak na chart ng kanyang mga pasyente na para bang doon
nakasalalay ang kanyang buhay. And how she wished she can turn back time and
agreed to that operation with her head and didn’t push Doc Karla to do the job.
“Xelena sandali lang.”
Wala
kang narinig! Pasimpleng binilisan niya ang kanyang mga hakbang
nagbabakasakaling hindi siya nito maabutan pero sino ba ang lolokohin niya? Mas
mahahaba ang biyas ni Xenon keysa sa kanya.
“Xelena.” Nagkunwari siyang nagulat
at napatingin sa may hawak sa kanyang braso.
“Oh, Xenon. What are you doing
here?” kunwari ay gulat at nagtatakang tanong pa niya, this is her time to
shine! Best actress mode on!
“Kanina pa kita tinatawag.”
“I’m sorry medyo busy kasi ako, I
need to finish my rounds.” Kung gusto mayroong paraan at kung ayaw ay maraming
dahilan. Kailangan niyang mag-ipon ng mga dahilan para hindi ito makausap.
“I’m sorry if I disturbed you, akala
ko ay namamalikmata ako noong nakita kita pero hindi pala. I’m happy to see you
here.” She gave him a small smile, the safest possible smile she can give.
“Sorry talaga Xenon, I don’t want to
be rude pero kailangan ko kasing asikasuhin iyong mga pasyente ko.
Magkapitbahay naman tayo saka na uli tayo magbatian kapag nagkita uli tayo.”
And today will be the last day their path will cross at itataga niya iyan sa
bato.
“I understand I won’t hold you
back.” Inalis nito ang hawak sa kanyang braso.
“Thank you for your understanding, I
need to go now.” Nakailang hakbang na siya ng takbuhin uli nito ang kanilang
distansya.
“Can I invite you for a cup of
coffee after your shift?” Yaya nito sa kanya.
“That would be impossible.” Hindi
niya ito tinapunan ng tingin at nagkunwaring nagbabasa ng mga records ng
kanyang pasyente.
“Why? Sandali lang naman tayo--.”
“I’ll be having a double shift today
kaya hindi ako makakalabas ng hospital at may tatlo akong operasyon na gagawin
right after my rounds sa susunod nalang.” Wala ng susunod! “Excuse me.” Pumasok
siya sa isang private room kahit wala naman siyang pasyente doon. Nagtaka pa
ang mga tao sa loob ng room kung bakit siya pumasok.
“Mrs. Chavez?” ipinagpatuloy nalang
niya ang ginawang katangahan. “Sorry, I entered the wrong room.” Sinilip niya
mula sa pintuan nang papalabas na siya kung nandoon pa aba Xenon at maswerte siya ng makitang wala ni
anino nito doon. Pagkatapos ng rounds ay nagkulong siya sa kanilang quarters at
doon siya naabutan ni Sebastian at ni Karla.
“Doc Xel, anong ginagawa mo dito?”
takang tanong ni Karla mukhang tapos na ito sa operasyon nito.
“Nagpapahinga lang saglit. Sino sa
inyo ang willing makipagpalit ng shift sa akin? Okay lang sa akin na magdouble
shift.”
“Anong nakain mo?” takang tanong ni
Sebastian. Pumasok na rin sa quarters ang mga senior interns nila. “Bakit ka
nakikipagpalit ng shift?”
“Ayoko pang umuwi, dito muna ako.”
“Ang weird mo ngayon, Xelena. Hindi
ka naman ganyan dati.” Komento ni Karla. Weird ba talaga siya? Mahina siyang
napabuntong-hininga at pilit na nilalabanan ang inis para sa kanyang sarili.
“May ipapakilala ako sa iyo baka gusto mong makipagblind date para mawala iyang
boredom mo sa katawan. Don’t worry blind date lang kung ayaw mo sa kanya ay
hindi ka niya pipilitin.”
“Sure.”
Mas lalong bumakas ang gulat sa
mukha ng kausap at ng kanyang mga kasama sa loob ng quarters. Nagulat din ang
mga interns na nakakasama niya dahil iyon ang unang beses na pinatulan niya ang
mga ganoong imbitasyon.
“Single din ang kuya ko Doc Xelena,
pwede bang i-set kita ng date sa kanya?” Suhestiyon ni Jenny na isang intern.
“Ay sayang naman kakakasal lang ng
pinsan kong galing Dubai, bagay pa naman sana kayo Doc.”
“Mukhang kailangan mo ng magpahinga
Xelena, kung anu-ano na lang kasi ang iniisip mo.” Tinapik siya ni Karla akala
siguro nito ay nagbibiro siya pero seryoso talaga siya. Hindi kailanman sumagi
sa kanyang isip na makipagdate lalo pat naubos ang lahat ng kanyang oras sa
pag-aaral at pagtatrabaho. Ngayon ay iba na, kailangan ay may gawin na siya or
else makukulong niya ang sarili sa isang nakaraan. She needs distractions.
“Seryoso ako, walang problema sa
akin na i-set niyo ako ng date ang importante lang ay ang safety ko.” Natahimik
ang mga ito at parang hinihintay na sasabihin niya ang salitang. ‘Joke lang’. “I-text niyo sa akin kung
saan at kailan ako makikipagdate.”
Paging
Doctor Rosal please proceed to the emergency room right now. That’s her
cue. Iniwan na niya ang mga kasama na nakatanga at waring iniisip kung
magugunaw na ba ang mundo dahil sa kanyang mga pinagsasabi. Gusto lang niyang
may mabago sa buhay niya sa tingin kasi niya ay ang dahilan kung bakit hindi
niya kayang harapin si Xenon ay dahil hindi pa niya napapakawalan ang kanyang
nakaraan. Puwes iyon ang gagawin niya, she is going to set herself free and is
open to changes.
NAGISING
siya dahil sa mabangong amoy ng ulam na luto ng kanyang Nanay. Pagmulat
niya ng mata ay agad niyang tiningnan ang oras, mag-a-alas sais na ng gabi
mukhang mahaba-haba ang kanyang tulog pero parang inaantok pa rin siya.
“Wake up.” Utos niya sa kanyang sarili
at itinulak ang sariling magising at bumangon. Wala si Xylee sa silid ibig
sabihin ay kung wala ito sa ibaba ay kasama nito si Darren. “Hungry.” Napahawak
siya sa kumakalam na tiyan. “I need to eat.” Pabara-barang bumangon at parang
zombie siyang naglakad pababa ng hagdagan.
“Mabuti at bumaba ka na, maghanda ka
na Xelena at kakain na tayo.” Napahiga siya sa sofa at pilit na nilalabanan pa
rin ang antok. Pinasadahan siya ng tingin ng ina. “Magbihis ka nga ng
maayos-ayos, nandiyan ang boyfriend ng kapatid mo.” Tiningnan niya ang sarili.
She’s wearing an extra large shirt and a pair of cotton shorts. She still looks
decent except for the messy hair.
“I’m decent.” Aniya sa ina at umupo
na sa kanyang paboritong upuan. “Nasaan si Tatay, Nay?” hindi niya ma-feel ang
presence ng ama sa kusina. Kadalasan ay kasama ng tatay niya ang ina kapag
nagluluto ito.
“Nasa sala at kausap si Darren.”
Tumango lang siya at lutang na napatitig sa mga platong nakalatag sa mesa.
Binilang niya iyon, anim lahat. Bakit parang may mali sa bilang niya? Ilang
beses niyang binilang ang mga plato at hindi ito nagbago.
“Nay, bakit parang sobra ang mga
plato?” takang tanong niya. Wala siyang narinig na sagot mula sa ina ng ilapag
nito ang mga ulam sa mesa dahil pumasok na sa dining ang Tatay at ang kanyang
kapatid. Napako ang kanyang tingin sa dalawang lalaking nakasunod sa kanyang
kakambal at Tatay. Marahas siyang napatingin sa kapatid na nakatitig na sa
kanya.
“Gising ka na pala Xelena. By the way, nakasalubong namin ni
Darren sa labas si Xenon kaya inimbitahan na namin siya.” Kung pwede lang
siguro niyang sigawan ang kakambal ay ginawa na niya. May naaamoy siyang hindi
maganda sa kakaibang titig nito sa kanya.
“Hi, Xelena.” Nakangiting bati ni
Xenon sa kanya at kung hindi niya iyon tutugunin ay sigurado siyang bubugbugin
siya ng sermon ng kanyang Nanay.
“Hello.” Parang robot na sagot niya.
Kailangan niyang kapalan ang mukha para hindi tumakbo at magtago palayo sa
kusina.
“Nagkita na kayo?” may halong
pagtatakang tanong ng kapatid.
“Ilang beses na, nagkita kami sa
Summer Café at sa hospital.” Sagot ni Xenon dahil hindi niya magawang buksan
ang kanyang labi.
“Ganoon ba? Sinabi kasi ni Xelena na
hindi ka niya maalala, mabuti naman at nakilala ka niya agad.” Pwede ba niyang
isumpa ang kakambal niya? Bakit pakiramdam niya ay ibinabaon siya sa hukay ni
Xylee?
“It took me some time to remember.”
Sagot niya. “Pero naalala ko siya noong nagkita kami sa coffee shop. It has
been years since we last saw each other kaya hindi nakakapagtatakang mawala si
Xenon sa isip ko.” Malamig na tugon niya buong akala niya ay ma-o-offend ang
lalaki sa kanyang pagsagot dahil gusto lang talaga niyang sabihin dito na hindi
na ito importante sa buhay niya pero ngumiti lang ito.
“I’m glad you still remember me
after all these years.” Gusto niyang sumimangot pero pinigilan niya ang kanyang
sarili.
“I’m surprised too, we’re not that
close din naman before.” Close? Isang
mapaklang ngiti ang ibinigay niya sa kanyang sarili habang iniisip ang salitang
iyon. Hindi sila close dahil hindi naman siya nito hinayaan na mapalapit dito.
He always pushed her away and she always pushed herself towards him.
“Since magkapitbahay na naman tayo
may chance na maging close na kayo, Xel.” Walang tugon mula sa kanya dahil alam
niyang hindi mangyayari iyon. Hindi na uli niya hahayaan ang sariling mapahiya
sa ilang ulit na pagtataboy nito sa kanya.
“Kumain muna tayo at saka na kayo
mag-usap.” Singit ng kanyang Nanay. She distracted herself with the food kahit
na magkaharap lang ang upuan nila ni Xenon. Ang weird ng pakiramdam niya, kung
noon ay halos maglupasay na siya sa tuwa makatabi o makaupo sa mesa na
kinakainan nito ngayon ay pakiramdam niya ay nasasakal siya. Nakakasakal ang
presensya nito at hindi niya iyon nagugustuhan.
“Xelena, may pasok ka ba bukas?”
tanong sa kanya ng kanyang Tatay. “Kung wala ay samahan mo akong bumalik sa
dating bahay natin, may mga gamit pa tayong hindi nakukuha mula doon.”
“Sige po.”
“Huh? Hindi po ba may dadaluhan
kayong birthday party ni Nanay, Tay?” paalala ng kapatid.
“Ako nalang ang kukuha--.”
“Pwede akong magvolunteer na sumama
kay Xelena, Tito Jason.” Presenta ni Xenon. “Kung marami kayong mga kukunin ay
malaki ang sasakyan ko.” Bigla siyang nataranta sa pag-offer nito, knowing her
father he will definitely accept it and she won’t allow that to happen. “Bilang
pasalamat ko na rin sa pagpapakain niyo sa akin ngayon.”
“Ay, ano ka ba naman Xenon hindi mo
na kami kailangang pasalamatan. Nakakahiya naman sa iyo, hayaan mo ng kami ang
bahalang kumuha ng mga gamit.” Ani ng kanyang Nanay, gusto niyang hagkan ang
ina dahil sa hindi nito pagtanggap sa offer ng lalaki.
“I insist po at saka magkaibigan
naman kami nina Xylee at Xelena.” No! We
are not friends! You broke my heart before.
“Oo nga Nanay at saka mas
nakakahiyang i-refuse ang offer ni
Xenon, right Xel?” nag-isang linya ang kanyang mga labi dahil alam
niyang kapag nagsalita pa siya ay tutulo na lang ang kanyang mga luha.
Kailangan niya ng suporta sa kanyang pagbabagong-buhay pero ididiin siya ni
Xylee sa kapahamakan at naiiyak na siya sa frustration.
“Huwag na Hijo.” Tanggi ng kanyang
ama. “Nahihiya kami sa iyo at saka baka gusto rin na magpahinga ni Xelena
bukas. Hindi naman iyon ganoon ka-importante kaya doon na muna ang mga iyon sa
kabilang bahay.” Kahit papaano ay umayos ang takbo ng kanyang paghinga.
“Kapag nagbago po ang isip niyo ay
huwag po kayong mahiyang magsabi.” Insist pa rin ni Xenon. Tahimik na
ipinagpatuloy niya ang pagkain at hindi na nakisali sa usapan ng mga ito dahil
ang gusto lang niya ay bumalik sa silid at magpahinga.
Nandoon pa rin ang damdamin niya
dito at hindi niya ikakaila iyon, naniniwala kasi siyang the more na itatanggi
niya ang nararamdaman ay mas lalong uusbong iyon. Mahina siyang
napabuntong-hininga at naisip na kung sana ay may available na anesthesia na
pwedeng gamitin upang tuluyang mamanhid ang kanyang sistema laban sa
nararamdaman niya sa binata ay matagal na niyang itinurok sa sarili. Hindi lang
naman kasi ang nararamdaman niya ang problema kundi ang nararamdamang hiya sa
katawan habang naaalala niya ang mga naggawa niya dito dati.
Since she can’t run away from him
anymore, ng kailangan nalang niyang gawin ay ang unti-unting sanayin ang sarili
sa presensya nito hanggang sa tuluyan na niyang makalimutan na may nararamdaman
pa rin siya sa lalaki.
“Easy
to say.” She uttered to herself.
CTTO
<3 <3 <3
A/N: Good evening babies! Kung napapansin niyo ay doktor naman ang bida ng kwento natin ngayon, gusto ko lang i-clarify na hindi po ako alagad ng medisina at hindi ganoon kalalim ang aking kaalaman sa larangang iyon. Lahat ng mga isusulat ko ay mga narinig, nabasa at sinabi lang ng mga kasama kong exposed sa ganoong field kaya if may mga mali man akong naisulat, don't hesitate to comment and give your corrections. Thank you so much!
Love,
INANG
0 (mga) komento:
Post a Comment