1 - STETHOSCOPE
NAPATINGIN
si Xelena sa suot na wrist watch,
pasado alas onse nag gabi at ilang minuo nalang ay maghahating gabi na.
Kanina pa siya sa labas ng gate ng subdivision kung saan nakatira ang kanyang
kapatid at ang kanyang mga magulang. Sa likod ng dalang sasakyan ay ang iilang
mga gamit na ililipat niya sa bahay. Ang kanyang kakambal na si Xylee ay
malapit ng ikasal sa fiancé nitong si Darren na kapitbahay lang din nito. At
kapag nakasal na ito ay siya na sasama sa kanyang mga magulang sa bahay, hindi
siya pwedeng bumukod dahil may isa na naman sa mga ito ang sasama sa kanya.
Umupo siya ng maayos dahil sumasakit
na ang kanyang mga balikat sa naging posisyon, kanina pa siya dapat pumasok
pero may nakita siyang naging dahilan kung bakit nandoon pa rin siya sa labas
at nagdadalawang isip na tumuloy at bumalik nalang sa dating bahay nila ng
kanyang Tatay. Kanina pa rin niya hindi pinapansin ang mga missed calls ng
kanyang kapatid at mga magulang.
“You are different now Xelena, he
won’t even remember you if you meet again.” Naging mantra na rin niya ang
sentence na iyon dahil paulit-ulit na niya iyong sinasabi. “He won’t remember
you.”
Nakakatawang sa edad niyang
dalawampu’t siyam ay parang teenager pa rin siya hanggang ngayon. Who can’t
blame her? Ang nakita niyang pumasok sa subdivision ay ang unang lalaking
tinibok at bumasag sa kanyang puso. Kapag naaalala niya ito ay bigla niyang
ikinakahiya ang kanyang sarili dahil sa mga katangahang ginawa niya dati.
“Bata ka pa noon at wala ka pang
muwang sa mundo.” Alo niya sa kanyang sarili. Sa totoo lang ay wala naming
ginawang masama sa kanya ang lalaking iyon, he even rejected her gently and
carefully. Sa lahat ng mga panghahasik na ginawa niya dati para mapansin lang
nito ay ni minsan ay hindi ito nagalit sa kanya, kaya nga kahit anong utos niya
sa sarili dati ay hindi niya magawang makalimutan ito. He’s just too good for
her though and now she doesn’t have the courage to face that man again, not
after what she did.
“My God, Xelena. Move on na.” inis
na pakli niya. Malakas siyang napabuntong-hininga at inis na napatili sa loob
ng kanyang sasakyan. Sinampal din niya ang kanyang sarili ng malakas at nang
matauhan naman siya. “Matagal na iyon and for sure nakalimutan na niya iyon
kaya don’t worry masyadong malaki ang SeasonsVille para magkita kayo.” Natigilan siya sa kanyang huling sinabi.
Yeah
right! Nakalimutan niyang may apat na phase pala ang subdivision ng kanyang
kapatid at nasa SummerVille sila. Sa pagkakaalam niya ay occupied na ang lahat
ng unit doon, as long as hindi siya maglalabas ng may araw ay safe siya.
“I’m so smart.” Sa wakas ay
napagdesisyunan na rin niyang tapusin ang kanyang pakikipag-giyera sa oras at
nagpasyang pumasok na. She maneuvered her car and drive to her sister’s place.
Naisip din niyang palagi siyang night shift at tirik na ang araw kung lumabas
sa hospital na pinapasukan. Tulog siya sa umaga at palaging nagmamadali sa
gabi, with her parents around there’s no need for her to meet and greet her
neighbourhood.
Maingat na ipinarada niya ang
sasakyan sa maliit na garahe ng bahay ni Xylee. Well, soon ay ililipat na ng
kapatid ang ownership sa kanya dahil nagpasya siyang bilhin iyon. Ayaw ni Xylee
na gawin ang gusto niya dahil para na rin iyon sa kanilang mga magulang but she
insisted, alam niyang kakailanganin din ng kapatid ang pera sa pagsisimula ng
pamilya nito.
Kakatapos lang niya sa kanyang
residency at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang pribadong hospital na malapit
sa subdivision. Maswerte siyang natanggap doon bilang resident doctor at
maswerte din siyang malaki-laki ang benefits na nakukuha niya. Hindi lahat ng
mga doctor ay maswerte tulad niya, may mga doctor na nagtatrabaho sa mga public
hospitals na may malaki-laking sweldo kompara sa mga nasa pribadong hospital
pero triple naman ang workload at halos kainin ng ang oras ng mga ito.
May mga kakilala din siyang nasa
ibang bansa na at doon nagtatrabaho, kapag nagsawa na siya sa hindi kalakihang
sahod niya dito sa bansa ay baka maisipan din niyang mangibang bansa pero so
far ay okay pa naman siya. Wala pang matinding rason para gawin niya ang
kanyang plan B, rest assured na may isang doktor na kagaya niyang mananatili sa
Pilipinas.Gusto din niyang mag-fellowship at magsubspecialized.
“Bakit ang tagal mo?” natigilan siya
sa pagmumuni-muni ng marinig ang boses ng kapatid. Xylee is a teacher and no
wonder kahit alas dose na ng gabi ay buhay na buhay pa rin ito kaharap ang
pinakamamahal nitong laptop at kung anu-anong mga papel sa tabi nito.
“Bakit gising ka pa?”
“May ni-re-record lang ako at
finafinalized ko ang mga gradesheets para maibigay ko na ang mga grades ng mga
students sa kanilang adviser.” Ilang beses na niyang nakikita ang ganitong
eksena kapag naabutan niyang gising ang kapatid. Sabi nila mahirap maging
doktor at totoo naman iyon, pera, oras at buong buhay mo ang ibibigay mo para
matapos ka sa ganoong propesyon. Pero
hindi rin niya ma-take na gawin ang trabaho ng kanyang kapatid, masakit sa ulo
at mas feel niyang maghiwa ng katawan ng tao keysa sa ginagawa nito.
“Matulog ka na, maaga ka pa bukas.
Alam mong hindi maganda sa katawan ang pagpupuyat.”
“Malapit na akong matapos and by the
way, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Why are you so late?”
“Traffic, mukhang may nangyaring
aksidente o aberya sa daan na nadaanan ko. Akala ko short cut hindi pala kaya
inabot ako ng ganitong oras.” She lied. Wala siyang balak sabihin sa kapatid
ang dahilan not when she knew how ‘supportive’ her twin sister is.
“Huwag ka ng magshortcut next time.
Kumain ka na?”
“Yup. Gusto mo ng gatas ipagtitimpla kita.” She offered. Her sister is her bestfriend, wala siyang masyadong
kaibigan. Mas sociable ang kapatid niya kaya naiintindihan niyang maliban sa
kanya ay may mga ibang friends din ito.
“Uminom na ako kanina, sandali
nalang talaga ito.” Ilang minuto lang ay natapos nan i Xylee ang kung anong
ginagawa nito. She sighed as she watches her sister filing everything. “By the
way Xelena, naalala mo si Xenon? Iyong first love mo.” Bakit ba niya naisip na
hindi na niya uli mai-encounter ang pangalan na iyon at ang taong iyon?
“Who?” she asked in a straight face.
“Iyong hinahabol-habol mo dati.
Hindi mo na siya maalala?”
“Sorry, I can’t remember.” She
pretended. “Classmate ko ba siya sa medical school or sa pre-medical course
ko?”
“Seriously, hindi mo na siya
maalala?” nagdugtong ang kanyang kilay.
“Sa dami ng mga taong dumaan sa
buhay ko mukhang hindi ko na maalala ang lahat ng iyon.” Nagkibit-balikat siya.
“I can’t really remember that name.”
Nagdududang tinitigan siya ng
kapatid pero napabuntong-hininga rin sa huli. “Sayang at wala na iyong album na
may picture niya. He was your first love and first heart break too. Kapitbahay
lang kasi natin siya nasa WinterVille siya nakatira at kasama ang anak
niya.”
Anak?
Hindi siya nagkamali sa kanyang
nakita kanina, hindi lang ito ay sakay ng kotse dahil may nasilip din siyang
bata.
“Ganoon ba? Too bad, I can’t
remember him but he’s married then we should be happy for them.”
“He’s not married.”
She huffed and stood up, nagstretch
siya upang alisin ang tensyon sa kanyang katawan. “Not all can be lucky in
love, unlike you.”
Ngumisi ito. “Maswerte talaga ako
kay Darren.” Napangiti siya sa nakitang ekspresyon sa mukha ng kapatid. Kahit
papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam, her sister is happy and that is more
important. Xenon Larriaga, her first love… everything does have an end, she
needs to end that part of her life too.
“GOOD morning,
Doc Xelena.” Napangiti siya sa bumating nurse sa kanya habang hinihilot ang
kanyang mga balikat. Ilang oras din siya sa operating room, she’s specializing
in Obstetrics and Gynecology. Iyon ang unang choice niya alam kasi niyang mas
marami siyang pasyente, more patient means more money. Maraming nabubuntis at
nanganganak lalo na sa Pilipinas. Halos araw-araw ay may mga pinapaanak siya o
kaya naman ay may mga babaeng nagkakaroon ng komplikasyon at kailangang
maoperahan. “Mukhang pagod na pagod ka.”
“Yes, I am.” Sagot niya sa head
nurse na naka-pwesto sa nurse station at tulad niya ay nasa nightshift din.
Kinuha niya ang chart kung saan nakalagay ang mga information ng kanyang mga
pasyente. “Masakit din ang mga balikat ko.”
“Kailangan mo ring magpahinga, Doc.”
“Kapag nakauwi na ako ay iyon ang
gagawin ko.” Kulang pa rin ang tulog na ginawa niya ilang oras na ang
nakakaraan. Nagkaroon kasi ng emergency sa hospital kaya pumasok pa rin siya at
sa kasamaang palad ay may kailangan pa siyang i-cover na kasamahan niyang
doktor dahil may family problem din ito. Sa katunayan ay sa loob ng dalawampu’t
apat na oras ay tatlong oras pa lang yata siyang natutulog.
“Malapit ng mag-end ang shift ninyo,
Doc. At nakabalik na rin si Doc Rica kaya ready to go na po kayo.” She raised
her thumb up. She needs to reserve her energy for driving.
“Good morning everyone!” biglang
nag-init ang kanyang ulo nang marinig ang nakakainis na pagbating iyon. “Good
morning my Doc Xelena and Nurse Jacky.”
Naiinis siyang marinig na sobrang saya nito sa pagpasok habang sila ay kaunti
nalang at malow-low battery na.
“Good morning Doc Seb.” Bati ni
Jacky sa morning shift na doctor.
“What’s with the stressful aura?
Let’s be lively-.”
“Doc Seb masyado kang maingay hindi
ko alam kung paano nakakatagal si Farrah sa ingay mo.” Tukoy niya sa asawa
nitong nurse din ng hospital. Kasalukuyan itong naka-maternity leave at siya
ang nagpaanak sa asawa ng maingay na doktor.
“Ikaw talaga Xelena masyadong mainit
iyang ulo mo, gusto mo ng kape?”
Umingos siya. “No, thanks. Gusto
kong matulog.” Kapag uminom pa siya ng kape ay hindi niya alam kung hanggang
kalian siya dilat. IYong buhay ang katawan pero patay ang kaluluwa moments.
Narinig niya ang pagtawa nito,
parang nakakain ng baterya si Sebastian at nasusustain nito ang energy nito
hanggang sa mag-end ang shift nito. She can’t do that, maybe she’s really aging
so fast.
“Kailangan mo ng mag-asawa Xelena at
ng maging active naman ang buhay mo.” Inirapan niya ang lalaki alam nitong ayaw
na ayaw niya ang topic na iyon. “May kakilala akong mga singles-.”
“Gusto mong turukan kita ng
pampatulog at nang magtigil ka diyan sa kakadaldal mo?”
“Huwag naman, pero seryoso ako. You
need to have a life.”
“Sa dami ng mga pinapaanak ko at mga
sanggol na buhay na nahahawakan ko araw-araw sa tingin mo kailangan ko pa ng
extra life?”
“Is that a joke? Ang corny ng joke
mo.” Kapag ganitong kulang siya sa tulog ay masusuntok na talaga niya ang
lalaki. “Just kidding.” Umakbay ito sa kanya. Sanay na siya dito at walang malisya
iyon, wala din siyang malisya sa lalaki dahil itinuturing na niya itong
nakababatang kapatid. Masakit man na tanggapin pero mas bata talaga ito sa
kanya at ito pa ang unang nakapag-asawa at nagkaanak. “By the way Xel, hindi ba
lumipat ka na sa SeasonsVille?”
“Yes, why?”
“Alam mo kasi si Farrah nanghihingi
ng kung anu-anong pastries, may na-order siyang masarap na cake sa subdivision
niyo at dahil hindi ako pwedeng makapasok doon ng ganoon-ganoon lang kaya
pwedeng makiusap?”
“No.”
“Please.”
“Ayoko.”
“Sige na, pretty please. Baka hindi
niya ako pauwiin kapag wala akong dalang cake na galing sa subdivision niyo.”
Kumunot ang kanyang noo. Sa tingin
niya ay alam niya ang cake shop na tinutukoy nito dahil sikat na sikat ang shop
ni Yumi. May blog ito kaya nakikita ng mga tao ang mga nagagawa nitong mga
sweets. At totoo naman ang sinabi ni Seb, kahit na marami ang gusting bumili
kapag hindi residente ng SeasonsVille ay mahihirapang makapasok maliban nalang
kung may mag-vouch sa taong iyon na taga-doon.
“Doc Sebastian, anong ginagawa mo
dito?” napatuwid siya ng tayo ng marinig ang boses ng kanilang head doctor.
“Good morning professor Cruz.” Sabay
na bati nila sa may edad na doctor.
“Shift na po, Doc.”
“Shift? Hindi ba rest day mo
ngayon?”
“Bukas pa po ang rest day ko---.”
Bahagya itong natigilan tapos ay kinuha ang cellphone nito. “Holy cow! Day off
ko ngayon.” Doon na siya natawa sa naging reaksyon nito. Ilang beses na
nangyari sa kanya ang ganoong eksena. Iyong nasasanay ka ng pumapasok at kahit
na rest day ay akala mo may pasok pa rin. Bumaling sa kanya ang kaibigan at
ngumisi ng malaki. “Friend.”
“No.” alam na niya kung ano ang
takbo ng utak nito.
“Sige na, please. I-co-cover
kita--.”
“Deal.” Napatingin siya sa malaking
relo na nakasabit sa may nurse station. “Let’s go.” Pagkatapos magpaalam sa
kanilang head ay nauna na siya dito, hindi niya sasayangin ang favor na
hinihingi nito sa kanya at sa kapalit ng pabor na iyon. Naiiling na sumunod sa
kanya si Sebastian. “By the way you drive me home, wala na akong energy na
magdrive.”
“No problem basta ikaw.” Habang nasa kotse ay panay ang bida nito sa
anak at asawa nito. She can’t blame him though, natural na madaldal si
Sebastian kaya nga siguro nakuha agad nito ang loob ng naging asawa nito.
Masaya siya dahil happily married na ang lalaki at hindi na ito makakapanghasik
ng lagim sa pambabae. Farrah did save womankind when she sacrificed herself to
be with this man, may God bless her soul for a lifetime.
“Your child is really cute,
manang-mana kay Farrah.”
“She got my genes you know,
magkamukha kami ng anak ko.” Insist pa nito.
“She got your eyes but the rest of
the good genes, galing kay Farrah iyon.” Ngumisi lang ito at proud na proud sa
asawa. Well, if only she can find someone like this person maybe being married
is not really a bad idea.
“Sa tingin ko nga rin sana ay lumaki
din siyang kasing ganda o mas maganda sa mommy niya.” Itinabi nila ang kotse
nito sa cakeshop na pagmamay-ari ng pamilya ni Yumi para makabili na ito ng
kung anong gusto nito.
“Good morning.” Bati niya kay Yumi
na nasa likod ng counter.
“Oh, Good morning Xy—Xelena.” Dahil
nga magkamukha sila ng kapatid kaya maraming nagkakamali sa kanilang dalawa at
hindi ito excempted. Mas palangiti lang ang kapatid niya at sa tingin niya ay
iyon ang pinakamain difference nilang dalawa. Kapag ngumingiti kasi si Xylee ay
abot hanggang mata.
“May kasama ako, costumer, dinayo ka
niya dito.”
“Hello.” Masiglang bati ni Seb. “Do
you still have Snickerdoodle cookies? My wife loves it, she ordered it online
pero down ang site niyo kaya hindi siya makapag-order.”
“Na-deliver na ang last batch ng
Snickerdoodle namin kanina lang sa susunod na araw pa uli kami magbe-bake.”
“Pwede bang doon ako bumili?”
“Sure, kakabukas lang ng Seasons
Café mga thirty minutes ago kaya sure akong hindi pa iyon nabebenta.”
“Thanks Yumi.” Aniya sa kapitbahay.
“No worries.” Nagpaalam na sila dito
at agad na pinuntahan ang paboritong tambayan ng kanilang mga kapitbahay.
Nag-iisang coffee shop lang kasi iyon sa kanilang subdivision kaya nasa kanila
ang monopoly ng costumers. At masarap din ang coffee nila doon kaya worth it
kahit na medyo mataas ang presyo.
“May available units pa ba dito
Xelena? Alam mo bang matagal ko ng gustong kumuha ng bahay dito pero talagang
sold out na.” Maganda ang location ng subdivision na iyon, malapit sa
malalaking malls, hospitals at mga schools kaya hindi nakakapagtatakang
maraming gustong bumili ng unit kahit pa medyo mahal.
“Wala na eh.”
“Mag-asawa ka rin ng taga-dito tapos
ibenta mo ang unit mo sa amin ni Farrah para maging kapitbahay tayo.”
“Asa ka pa.” ngising aso lang ang
ibinigay niya dito.
Sa pagkakaalam niya ay ang
pinakamurang unit ay sa AutumnVille dahil one-storey at hindi ganoon kalaki ang
floor area. Ang SpringVille ay one-storey lang din pero mas malaki ang floor
area. Ang SummerVille na kinuha ng kapatid ay two-storey at malaki-laki din ang
sakop, may kamahalan pero hindi kasing mahal ng nasa WinterVille. Base sa
narinig niya mula sa kanyang future brother-in-law ay triple yata ang selling
price ng house and lot sa amount ng SummerVille. Kaya sabi nila karamihan sa
mga mayayaman ay doon nakatira and unfortunately sold out na ang mga units
doon. Kaya nga nag-eenjoy ang mga kapitbahay nilang ipares ang mga
magkakapitbahay dahil ibig sabihin noon ay may mababakanteng unit at may bagong
kapitbahay na naman sila. Iyon ang sabi ni Xylee.
“Dito din pala nabili ni Farrah
iyong mga de pasong halaman niya sa bahay.” Itinuro nito ang Blooms Station na
malapit lang sa Summer Café na pagmamay-ari ni Pamela. “Xelena, pwede bang
dumaan muna ako diyan tapos susundan kita sa Café.”
“Dalian mo.” Bumaba na siya sa kotse
at dire-diretso sa café, pagpasok niya ay agad siyang binati ng mga staff doon.
Nasa display pa nga ang gustong cookies ni Sebastian kaya hindi na niya ito
hinintay at binili iyon. Pababayaran
nalang niya iyon sa lalaki with additional tax pa.
“Thank you.” Ani niya sa cashier na
nagbigay ng kanyang orders.
“Xelena?” parang may bumuhos na
malamig na tubig sa kanyang katawan ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Kung may bitbit siyang stetoscope at itatapat iyon sa kanyang dibdib ay
malamang malalaman ng mga nakakarinig kung gaano kabilis ang tibok ng kanyang
puso. “Is that you?”
Parang robot na lumingon siya sa
may-ari ng boses at walang kwenta pa na magpretend na hindi niya ito kilala,
dahil ito ang taong hinding-hindi niya makakalimutan kahit anong gawin niya.
CTTO
<3 <3 <3
A/N: Happy reading the first chapter of the 6th installment of Black Magic. Don't expect too much dahil trip-trip ko lang ang mga stories dito.
0 (mga) komento:
Post a Comment