3 – SCALPEL
“XELENA.”
Siya ang nag-offer na maghugas ng
pinggan para hindi siya mapilitan na makipagbonding kay Xenon sa sala. “Anak.”
“Huh? Nay, bakit po?”
“Ako na diyan.” Kanina pa niya
napapansin na tahimik lang ang kanyang Nanay, nagsasalita ito pero hindi ito
kasing daldal tulad ng dati. At napansin din niyang kakaiba ang pakikitungo
nito kay Xenon, unlike kay Darren.
“Tatapusin ko lang po ito, malapit
na--.”
“Ako na dito.”
“Pero Nay…”
“Umakyat ka na sa kwarto ninyo, ako
na ang bahalang magsabi sa kapatid mo at sa mga bisita natin na hindi maganda
ang pakiramdam mo.” Nagulat siya sa sinabi ng Nanay dahil hindi siya nito
itinutulak kay Xenon. Hindi kagaya ni Xylee na kulang nalang ay literal na
itulak siya sa lalaki.
“Talaga po?”
“Alam kong hindi ka komportable kaya
huwag mong pilitin ang sarili mo.” Napakagat siya ng labi. Hindi siya lumaki sa
piling ng Nanay niya dahil si Xylee ang kasama nito at kasama naman niya ang
kanyang ama ngunit ni minsan ay hindi pinaramdam sa kanya ng kanyang ina na
wala siyang Nanay.
“Salamat po.”
“Ina ako Xelena at kahit wala kang
sabihin sa akin ay may alam din ako sa nangyari at nangyayari sa buhay ng anak
ko. Huwag kang mag-alala kahit gusto kitang magkapamilya ay hindi kita itutulak
sa isang taong alam kong nanakit sa iyo.” Kusang gumalaw ang kanyang katawan at
yumakap sa Nanay niya. Naramdaman niya ang pagganti ng yakap nito sa kanya.
“Magpahinga ka na, kami na ang bahala dito.”
“Thank you po.” Mahina siyang
tinapik ng ina. Matagal siya bago kumilos dahil nakaramdam siya ng hiya sa
kanyang sarili. Kung hindi lang siguro siya nagpakabaliw at nagpakatanga ay
hindi naman siya magkakaganito. Nakaramdam siya ng guilt habang nakatitig sa
likod ng kanyaNG Nanay. Hindi siya pwedeng maging ganito habang buhay, she
needs to redeem herself by hook or by crook, hindi man mabilisan basta ang
mahalaga ay may gawin siya. Sa halip na pumanhik at magtago sa kanyang kwarto
ay dahan-dahan siyang nagpunta kung saan naroroon ang taong iniiwasan niya.
“Xelena, come here.” Nakangiting
yaya ni Xylee and then her eyes fall to him. Mahina siyang napabuntong-hininga,
ito lang kasi ang kaya ng lakas niya.
“Mag-e-excuse muna ako sa inyo, may
operasyon akong gagawin bukas. Medyo risky kasi iyon kaya kailangan kong
maghanda at magpahinga rin ng maaga.” Magalang na paalam niya sa mga ito.
“Magpahinga ka na Xelena.” Ani ng
kanyang ama.
“Rest well.” She gave them a small
smile before she go. Pagkapasok niya sa silid ay isang malakas na
buntong-hininga ang kanyang ginawa. Naubos sa simpleng paalam na iyon ang
natitirang lakas na meron siya.
“Ikaw kasi sobrang boba mo, bakit mo
kasi iyon ginawa? Ayan tuloy wala ka ng mukhang maihaharap sa taong iyon. Boba
ka, ang tanga mo pa.” asar na sinampal niya ang kanyang sarili. “Aww.” Hinimas niya
ang nasaktang pisngi. Asar na muli siyang napabuntong-hininga at napatitig sa
kisame kasabay ng pagflash ng isang nakakahiyang ala-ala mula sa kanyang
nakalipas. Mariin niyang pinikit ang mga mata at nagbabakasakaling mawala iyon.
“Akala ko ba naghahanda ka?” narinig
niya ang boses ni Xylee pero hindi siya nagmulat ng mga mata. Ayaw niya.
“I am.”
“Wala ka namang ginagawa.”
“I am visualizing my operation for
tomorrow so don’t distract me.” Pagsisinungaling niya para lang hindi na siya
nito abalahin. Narinig niya ang paglangingit ng kama ng kapatid at akala niya
ay nagpapahinga na rin ito pero nagkamali siya.
“May nangyari ba sa inyo ni Xenon
noon?”
“No!” Kasing bilis ng kidlat ang
kanyang naging pagsagot at diin na diin ang bawat letra. Napaupo din siya ng
tuwid dahil sa gulat niya sa naging katanungan nito.
“Masyado kang defensive.” Natawa ito
sa kanya. “Itinatanong ko lang naman ay kung may masama bang nangyari sa inyo
ni Xenon noon halata kasing iniiwasan mo siya at ramdam iyon ng tao.”
She wrinkled her nose and pursed her
lips. Wala ni sinuman ang nakakaalam sa krimen na ginawa niya noon maliban kay
Xenon, wala siyang pinagsabihan. Alam kasi niyang nagkamali siya at ayaw niyang
may taong paulit-ulit na nagpapaalala sa kanya.
“Maliban sa nahihiya ako sa mga
ginawa kong paghahabol sa kanya noong medyo bata, impulsive at tanga pa ako,
ano pa bang rason ang pwede kong ibigay para hindi na siya harapin?” “Ang tagal na kaya noon, hindi mo pa
rin forget?”
Tinaasan niya ito ng kilay, Xylee is
fishing for more information. “Nakalimutan ko na siya pero noong muli kaming
nagkita ay naalala ko na naman ang noon. Do you really think madaling maka-move
on sa mga ginawa ko dati? Hell no! Kahit ilang operasyon na ang gawin ko ay
hinding-hindi ko makakalimutan iyon, nakakadiri ako—aray!” hindi niya nasalo
ang binato nitong unan kaya tumama iyon sa kanyang mukha. “Ano ba?” inis na
ibinalik niya ang unan na ibinato nito.
“Tama ka nakakahiya nga iyong mga
ginawa mo dati, I’m sorry kung naging insensitive ako sa feelings mo.”
“Mabuti at alam mo and please huwag
mo uling gawin ang ginawa mo today. I’m not like before, hindi na ako iyong
babaeng habol ng habol sa isang lalaking wala naming gusto sa kanya.
Nakalimutan ko na ang feelings k okay Xenon pero hindi ang mga ginawa kong
pang-ha-harass sa kanya.”
Narinig niya ang mahinang pagtawa
nito. “You did harass the poor guy, nakalimutan kong nagfile nga pala siya ng
temporary restraining order para lang hindi ka makalapit sa kanya--- Xelena!”
hindi ito nakailag ng batuhin niya ito ng isa pang unan. “Sis, you were a
monster back then. Akala ko nga talaga ay magtatagumpay kang masungkit ang puso
ni Xenon kahit na ilang ulit ka niyang i-reject. Naalala ko pang muntik ka ng
mag-rally sa harap ng bahay niya para i-date lang siya and you even stalked him
sa work niya. You were insane.”
“Xylee please lang, parang awa mo na
huwag mo ng ipaalala please.” Frustrated na pakiusap niya. “Kapag ako nainis sa
iyo ay maghanap ka ng bagong maid-of-honor sa kasal mo dahil kakalimutan kong
may kakambal pala ako.”
“Joke lang hindi ka naman mabiro.
Pero sabi nila hindi ba kapag nagawa mo ng biro ang mga nakakahiyang nanggyari
noon ay ibig sabihin ay tuluyan ka ng naka-move on?”
“Hindi rin po ba ang sabi ko ay
hindi pa ako nakakamove on sa mga kahihiyan na naggawa ko? Save that poor soul
from me dahil alam mo kung paano ako magkagusto sa isang tao and I think he
suffered more than enough from my ‘harassment’ so please do him and me a
favor."
“Alright, I’ll zip my mouth na.”
akala niya ay makakahinga na siya pero ilang Segundo pa lang ay muli na naman
itong nagsalita. “What if he’s into you na? Ano ang gagawin mo?”
“Shut up, Xylee. Let me go to sleep,
I need to rest and stop harassing me with your impossible and hypothetical
questions.” Hinila niya ang kumot at itabon iyon sa buong katawan. Ayaw na
niyang kausapin ang kapatid dahil nauubos ang dugo niya sa katawan.
“Hey, don’t close doors hindi natin
hawak ang kapalaran natin. Everything happens for a reason and may be he had
his reasons when he rejected you back then.” Hindi siya umimik at nagpanggap na
natutulog nalang. Maganda ang love life ng kanyang kapatid, maaring may
struggles din ito noong hindi pa sila nagkakasundo ni Darren. Masama ang
i-compare ang nangyari sa kanya at sa nangyari sa buhay ng kapatid pero hindi
kasi nito alam kung ano ang feeling ng paulit-ulit na i-reject… nakakatakot at
iyong takot na iyon ay unti-unting kakain sa iyo hanggang sa okay nalang na
mapunta siya sa isang sulok huwag lang uling maranasan ang rejection na iyon.
“ANG lakas
ng ulan.” Naiusal niya sa sarili habang nakatitig sa labas ng hospital, sobrang
lakas ng buhos ng ulan at panay din ang kidlat at kulog. Napayakap siya sa
kanyang sarili dahil unti-unting nanuot ang lamig sa buong katawan niya kahit
na doble na ang kanyang suot.
“Doc, nandito na po ang result ng
mga laboratory test ni Maam Nancy.” Kinuha niya mula sa attending nurse ang
result na hinihingi niyang result ng kanyang pasyente. Isa-isang tiningnan niya
ang mga results at tama siya sa kanyang naunang diagnosis.
“Thanks Jessa.” May uterine fibroids
ang kanyang pasyente kaya nakakaramdam ito ng kakaibang sakit sa may pelvic
area nito at nahihirapang dumumi. Maaring iyon ang dahilan kung bakit
nahihirapang magdalang tao ang kanyang pasyente. Karaniwang benign ang sakit na
iyon pero sa case nito ay naging leiomyosarcoma na ito. This type of tumor
occurs in less than one percent of uterine fibroids problem, a rare type of
tumor. Kailangan niyang kausapin ang kanyang pasyente para ma-explain niya ang
sakit nito at kung paano ito tatanggalin.
“Mommy!”
“Huh?” nagulat siya ng may
naramdamang kumapit sa kanyang binti. Isang cute na batang lalaki na nakasuot
ng hospital gown ang kanyang nakita. Pasyente ito ng hospital at may nakabalot
sa braso nito ibig sabihin ay nakabitan na ito ng intravenous.
“Mommy.” Tumingala sa kanya ang bata
at nagdugtong ang kanyang kilay dahil pamilyar sa kanya ang mukha ng batang
tumatawag sa kanya ng mommy. Yumuko siya upang lumebel sa height ng bata.
“Hey, where are your parents?”
“Mommy.” Nakatitig ito sa kanya na para bang
siya talaga ang mommy nito.
“Sorry little guy but I am not your
mommy, gusto mong samahan kita na hanapin ang mommy at daddy mo?” tiningnan
niya ang braso nito at nang makitang wala iyong dugo o pasa ay nakahinga siya
nang maluwang. “Tinanggal mo ba ang nakakabit sa arm mo?” she asked the child.
Tumango ito. “It hurts.” Nangintab
ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
Hindi siya mahilig sa bata pero parang may kumurot sa puso niya habang
nakatitig sa chubby face nito.
“Where’s your room?” sa tingin niya
ay nasa malapit lang ang room nito. “What’s your name?” hindi ito sumagot at
nakatitig lang sa kanya. “I’m really not your mommy, I’m a doctor here.”
Unti-unting tumulo ang luha sa pisngi nito kaya bigla siyang nataranta.
“Alright, alright, I’m your mommy.” Hinila niya ang bata upang makulong sa mga
bisig niya.
“Mommy.” Maingat na kinarga niya ang
bata at pumunta sa may nurse station. Nakita niya si Jessa doon na may
inaasikasong mga papel.
“Jessa, kilala mo ba ang batang
ito?” Humigpit ang yakap ng bata sa leeg nito. Napatingin ang nurse sa kanya,
maging ang ibang nagpapahingang nurse ay nagsilapitan din.
“Aww, ang cute naman ng baby mo Doc
Rosal.” Tinaasan niya ng kilay si Mike na isa ding nurse. “Hindi mo naman
sinabi na nanganak ka na pala.”
“Parang kilala koi yang bata na
hawak mo, Doc.” Tiningnan ni Amor na naka-assign sa pediatrics ward. “Tama, sa
room 704 na pasyente iyan Doc. Gusto mong ako na ang maghatid sa bata?”
Tumango siya. “Mabuti pa nga baka
hinahanap na ito ng mga magulang nito.” Hindi nalalayo ang room number ng bata.
Baka nakatulog ang nagbabantay nito at hindi napansin na lumabas ang bata.
Lumapit sa kanila sa Amor at kukunin sana ang bata pero ayaw nitong bumitaw sa
kanya.
“No!” sigaw nito na halos ikabingi
na niya. “Mommy.” Nasasakal na siya sa pagkapit ng bata sa kanyang leeg kaya
pinatigil niya si Amor sa paghila sa kanya.
“Samahan mo nalang ako na ihatid ang
bata, parang babawian na ako ng buhay sa higpit ng kapit niya sa akin.” Aniya
kay Amor. Pagdating niya sa room 704 ay binuksan niya iyon, mukhang tama siya
sa kanyang hinala na nakatulog ang nagbabantay dito. “Amor, ikaw ang unang
pumasok at gisingin mo ang guardian niya.”
Lumaki ang ngisi ng nurse at excited
na ginawa ang pinaggawa niya, nagtaka man ay mas abala siya sa paghinga ng
maayos. Baka kasi bigla na namang humigpit ang hawak sa kanya ng bata at
tuluyan na siyang sumakabilang buhay.
“Excuse me, Sir.” Narinig niyang
pukaw ni Amor sa guardian nito. “Nakalabas ng room ang anak ninyo at kailangan
namin na kabitan uli siya ng IV dahil natanggal iyon sa braso ng bata.”
Dahan-dahan na bumangon ang kausap ng nurse, siya naman ay binuksan ang ilaw.
At tamang-tama na pagbukas ng ilaw ay mukha ni Xenon ang nakita niya. Nagtama
ang kanilang mga mata at huli na para lumabas at magtago.
“Ganoon ba? Sorry, nakatulog kasi
ako hindi ko nabantayan si Neon.” Kaharap lang nito si Amor pero hindi nito
inaalis ang pagtingin sa kanya at para bang hindi nito nakita ang naunang
babae. “Xelena.” Tawag nito sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga, sa
lugar na iyon ay hindi siya pwedeng tumakbo at magtago dahil oras pa rin iyon
ng kanyang trabaho. Hindi siya nakaassign sa pediatrics department pero
kailangan pa rin niyang magtrabaho.
Naglakad siya palapit dito at
ibinigay ang bata, kaya pala parang pamilyar sa kanya si Neon dahil
kamukhang-kamukha ito ni Xenon. Bakit niya nakalimutan iyong sinabi ni Xylee na
may anak na ang lalaki? “Here’s your son.” Hindi ito kumilos at nakatitig lang
sa kanya kung wala lang siguro doon ang bata at si Amor ay nilamukos na niya
ang gwapong mukha nito. This is the closes distance they have so far.
“Your son?” pukaw niya dito.
“Oh, sorry. I’m really sleepy.”
Pasimpleng pinasadahan niya ng tingin ang hitsura nito. He is wearing a
crumpled shirt and a pair of jeans. Mukhang nagusot iyon sa paghiga at maging
ang buhok nito ay magulo din pero hindi naman iyon nakabawas sa gandang lalaki
nito, he is looks so good and hell! He’s damn so sexy! Ipinilig niya ang
kanyang ulo upang mawala ang anumang masamang ispiritu na pumasok sa isip niya.
“Neon, come here--.”
“No! Mommy only.” Sigaw ng bata. Bahagya siyang napaatras sa
nabiglang ekspresyon ni Xenon. She kept a safe distance.
“I promise you, wala akong ginawang
masama sa anak mo. Nagulat nalang ako na lumapit siya sa akin at tinawag niya
akong mommy. Hindi ko rin alam na anak mo siya.” Sunod-sunod na paliwanag niya,
ayaw niyang isipin nito na ginagamit niya ang anak nito para mapalapit dito.
Alam niyang iisipin nito iyon dahil nagamit na niya ang mga tao na malapit dito
noon para lang mapalapit dito. “You can get your son now and I’ll leave
immediately.”
She needs to calm down but the
uncontrable fear that is slowly creeping inside her is eating her rationality.
Kailangan na niyang makalabas sa silid na iyon dahil tila nahihirapan na siyang
huminga.
“A-Amor, ikabit mo ang IV sa bata
and check his vitals.” Lumayo siya kay Xenon at ibinaba ang bata sa kama.
“Tatawagin ko lang si Doctor Angeles.” Tinutukoy niya ang attending physician
ng bata. “Please excuse me.”
Narinig niyang tinawag siya ni Neon
pero mabilis pa sa kidlat ang ginawa niyang paglabas sa silid ng mag-ama.
Dumeritso siya sa kanyang quarters at humarap sa maliit na salamin na nasa
kanyang maliit na table. Tinitigan niya ang sariling repleksyon doon ng ilang
minuto bago sinampal ng malakas ang magkabilang pisngi. Nasaktan siya sa
kanyang ginawa pero hindi pa rin sapat ang sakit para ibalik niya sa normal ang
may agaw na utak.
“Come on, Xelena. This is not you,
this is not really you. Makapal ang mukha mo, matapang ka at dapat wala kang
kinatatakutan. Where are your backbones?” tanong niya sa kanyang sarili. “Hindi
habang buhay ay matatakbuhan mo siya kailangan mong tatagan ang apog mo.”
Malakas siyang napabuntong hininga. There’s one thing she need to do to forgive
herself and forget everything. Running away from Xenon will never be an answer
to her problem, she needs to straight up. Kung kailangan niyang gumamit ng
scalpel at hiwain ang kanyang balat at muscles para mahanap ang lakas ng loob
na nakatago sa loob ng kanyang katawan ay kanyang gagawin. She needs to
apologize, kailangan niyang humingi ng tawad para sa lahat ng mga nagawa niya
against the guy.
“That I need to do, para sa
ikakalinis ng konsensya ko.” Pinal na ang kanyang desisyon, hindi na siya
tatakbo pa bagkus ay haharapin niya ang lalaki.
TBC
PHOTO CTTO
<3 <3 <3
A/N: Busy with IPCRF midyear evaluation kaya hindi nakapag-update. I will try uploading the fourth chapter for this story. Happy reading everybody!
Love,
INANG