Thursday, November 7, 2019

Black Magic 5 - Write Love: Epilogue



14 - An author's happy ending
            SHE heard Hanz sigh for the nth time kaya siniko na niya ito. “Itigil mo nga iyan.” Sita pa niya.
            “It’s unfair.” At makailang beses na rin niyang narinig ang unfair  na word sa bibig nito. “Madaya si Genesis.” Reklamo pa nito. Nasa chapel sila at hinihintay ang pagdating ng bride, hindi natupad ang wish nitong ito ang unang ikasal sa chapel dahil si Genesis ang nanalo sa bidding.
            “Ganyan talaga ang life, Hanz. Matuto kang tumanggap ng pagkatalo.” Muli itong napasimangot. Dapat ay katabi nito si Genesis sa altar pero dikit ito ng dikit sa kanya.
            “Okay lang sana kung sinagot mo na ako.” Mahina lang iyon pero batid niyang talagang naghintay ito sa kanya. Mas nauna pang sagutin ni Margareth si Genesis, mas nauna din itong magpakasal kaysa pagsagot niya sa katabi. Mali man o kaya naman ay masyadong tradisyonal sa part niya pero pinaghihintay talaga niya ang lalaki.
            Hindi sa natatakot siya, matagal na niyang planong sagutin si Hanz pero hindi siya makahanap-hanap ni tyempo. Lalo na at naging sobrang busy na niya sa work, hindi rin niya kayang igive up ang pagsusulat kaya ipinaliwanag niya sa kanyang mga readers na hindi na siya gaanong makaka-release ng mga nobela tulad ng dati. Nag-eenjoy din kasi siya sa Amore Gazette.
            “Kung pagod ka ng maghintay-.”
            “Hindi ah.” Agad putol nito sa kanya, she rolled her eyes again. Ito ang pinakaiinisan niya minsan kay Hanz, kapag may sasabihin siya ay agad nitong pinuputol kaya nawawala tuloy ang momentum niya. Kapag nagtanong pa ito ng seryoso sa kanya ay ibibigay na niya ang ‘OO’ na matagal na nitong hinahangad. “Kaya ko pa dahil kung hindi ay luluhod na ako sa mga magulang mo para deritsong kasal na agad. Tulad ng ginawa ni Genesis.” Naalala niya kung gaano kagulo ang paghingi ni Genesis sa kamay ni Margareth. Pinuntahan nito ang mga magulang ng kapitbahay sa ibang bansa at nakiusap na hingin ang kamay ni Ga. Napilitang umuwi ng bansa ang Mama at Papa ni Margareth. Matagal ng kilala ng buong angkan ng kaibigan si Genesis dahil magkababata ang dalawa kaya walang tutol ni isa sa kagustuhan nitong pakasalan ang babaeng kapitbahay.
            Wala ring nagawa si Margareth kundi ang tanggapin si Genesis, natakot lang itong masira ang pagkakaibigan nila at masayang ang lahat-lahat kapag nagrisk silang magmahal. Hayon, solved na ang lahat, walang ligaw-ligaw, diretsong kasal na. Kung sabagay, para nga namang magkasintahan na ang dalawa iyon nga lang bestfriend ang label nila dati. Masaya siya para kay Margareth at kay Genesis. Itong katabi lang niya ang inggit na inggit.
            “Nandito na ang bride.” Another sigh escaped from Hanz lips before turning his gaze to his bestfriend.
            “Please Lord, make me one of the happiest man today.” Natawa siya sa ipinagdasal nito. “As much as I want to stay by your side, kailangan kong maging mabuting lalaki para kay Genesis. Maiwan na kita magandang binibini at sana nawa ay dinggin na ng Diyos ang aking panalangin.”
            Nailing na natawa siya sa sinabi ni Hanz, tumayo ito pero nakatitig pa rin sa kanya. Open na sa public ang panliligaw nito sa kanya kaya nabakuran na niya ito mula sa mga babaeng kapitbahay. Ang problema nalang ay kapag nasa labas sila o kaya ay may mga outsiders na nakakakita sa lalaki, masyadong gwapo si Hanz para hindi mapansin at masyadong malakas ang sex appeal nito para hindi nito mabighani ang mga babaeng bisita tulad nalang ngayon.
            Pagtayo nito ay may narinig siyang mga babaeng mahinang nagtitilian at sa gilid ng kanyang mga mata ay halatang si Hanz ang naging apple of the eye ng mga ito. She can’t blame them though, but he’s already taken… by her.
            “Hanz.”
            “Yes?”
            “May dumi ka dito.” turo niya sa pisngi nito. Agad nitong tinanggal ang sinabi niyang dumi. “Hindi mo naman natanggal, halika dito.” yumuko ito sa kanya at dahil gawa-gawa lang niya iyon at wala talagang dumi kaya pagkalapit na pagkalapit nito sa kanya ay mabilis niyang ginawaran ng halik ang mga labi nito. Mabilis lang iyon pero iyong kabog sa dibdib niya ay sa tingin niya ay sa susunod na buwan pa mababalik sa normal. Halata ang gulat sa mga mata ng lalaki, gulat… pagtataka at tuwa.
            “You… you kissed me.” Nakatulalang ani nito.
            “Punta ka na doon, hinihintay ka na ng groom.” Wala itong nagawa ng itulak niya ito papunta sa altar, nakatingin lang ito sa kanya at parang babaeng ninakawan ng halik. Natawa siya lalo pa at muntik na itong matumba.
            “I saw that.” Pasimpleng ngumiti siya kay Dorothy na tumabi sa kanya. “Oh my God, sinagot mo na?”
            “Mamaya.” Aniya sa kaibigan. “HUwag kang tumili baka malaman niya.”
            “Pambihira naunahan mo pa ako.” Natatawang ani ni Czarina. “Saan na kaya ang Mister Right ko?”
            “Ang sweet, nakakaasar.” Kahit na nagrereklamo si Kc ay halatang masaya ito sa kanya. “Finally, mukhang magbubunga na rin ang pagtitiyaga ng kapitbahay nating si Johannes Salamandres. May his bachelor soul may rest in peace forever.”
            “Support lang kami sa iyo girl and by the way, I like how you make bakod to your man. Those ladies should know their places.” Si Yumi na kakakasal lang din kay Howard. At maswerteng nabuntis agad, sabi nga nito, ready na ang egg cell nitong ma-fertilized. Luckily, honeymoon baby ang agad na nakuha nito. Si Pamela ay sa katapusan ng taon dahil mas gusto nitong ikasal ng December.
            “Dapat si Vanessa ang sunod na ikasal, matagal ng single ang pinsan na iyan ni Margareth.” Sabay silang napatingin sa maid-of-honor ng kasal at sunod-sunod na tumango.
            “May plano ako girls.” Suhestiyon ni Yumi.
            “Bawal kang mag-roller coaster, buntis ka.”
            “Gaga hindi iyon. May nakita akong bagong mukha dito, mukhang bagay sila ni Vanessa. I-pair kaya natin sila.”
            “Ikaw talaga Yumi kung anu-ano na naman iyang iniisip mo, baka mapahamak si Vanessa diyan patay tayo.” Ani ni Pamela.
            “Gumana nga iyong plano natin kay Hanz at kay Jada---.” Nagsalubong ang dalawang kilay niya at napatitig kay Yumi.
            “ANong plano?” tanong niya.
            “Ay, wala iyon.”
            “Yumi.”
            “Alright, since nag-work naman iyong plan kaya sasabihin na rin namin. May plan kaming i-pair kayo ni Hanz dahil feel talaga namin ang lakas ng chemistry niyong dalawa. Kaya minsan ay kinikidnap namin si Leo at dinadala sa bahay ni Hanz. Para magstay si Leo doon ay pinapakain namin siya hanggang sa masanay siyang pumunta sa bahay ni Hanz dahil may pagkain doon.”
            Napaawang ang kanyang mga labi sa ipinagtapat ng mga kasama, hindi niya akalain na magagawa ng mga ito ang bagay na iyon. At mas lalong hindi niya alam kung matutuwa or magagalit sa ginawa ng mga ito.
            “Tapos, alam din namin na may date si Hanz with that girlaloosh noong mag-shopping tayo for your clothes. Inutusan din namin si Genesis na hindi pumunta sa bakeshop para tulungan ka at nakipag-cooperate na si Hanz nalang ang pumunta doon. Mas better kasing may time kayo together.”
            “And---.”
            “Sandali lang lahat ng iyon ay plano ninyo?”
            “Of course, nakatadhana na kayo ni  Hanz pero naisip namin na tulungan si destiny na mas magkalapit pa kayo. And we think nagwork naman so please huwag ka ng magalit sa amin, promise, sa wedding mo ay mas malaking cake ang i-ba-bake ko.” Malakas siyang napabuntong-hininga at natawa sa pinaggagawa ng mga ito.
            Kaya pala masyadong coincidence ang lahat, pakana pala ng mga ito ang mga iyon. Masyado ng late para magalit pa siya at saka ipagpapasalamat din niya sa mga ito ang lahat ng nangyari dahil kahit hindi maganda ang naunang kinalabasan ng pagsasama nila ni Hanz sa mga instances na iyon ay naging stepping stone naman niya iyon para mas lalong ma-realized ang tunay na nararamdaman para sa binata.
            “Make sure masarap ang cake na iyon.”
            “One hundred percent sure!” nagthumbs up pa si Yumi at napangisi rin ang mga kasama nila. Mukhang siya lang ang walang alam sa plano… siya lang ba?
            “Sandali lang, alam ba ni Hanz ‘to?”
            “Of course not, kami lang ang may alam. Walang alam ang mga lalaking kapitbahay natin dahil alam mo naman na hindi alam ng mga iyon ang magtago ng secrets.”
            “Pati din ikaw Dorothy?”
            “Matagal na naming alam na may something si Hanz sa iyo. Masyado ka lang dense before kaya hindi mo makita-kita.”
            Tinaasan niya ito ng kilay. “Sino ba ang matinong babae na mag-iisip na may gusto sa kanya ang isang lalaki kung palagi siyang inaasar?”
            Ngumisi ang kaibigan. “Writer ka girl, alam mong way iyon ng mga guys to catch the attention of the woman they like and it’s very applicable in real life situation. Just like yours.”
            Nag-isang linya ang kanyang mga labi dahil naisip niyang baka ganoon talaga kapag natatakot kang magmahal, hindi mo makikita at mapapansin ang nakapaligid sa iyo dahil masyado kang abala sa pag-aalaga ng puso mo.

            HINDI ka ba sasali, Jada?” Untag sa kanya ng Mama ni Hanz na kasama niya sa mesa. Nasa reception na sila ng kasal at kasama niya sa mesa ang mga magulang ni Hanz, nakiusap kasi ang lalaki sa kanya na samahan at Mama nito. Magkakilala na sila ng Mama ni Hanz dahil ilang beses na siya nitong dinala sa mga dinners sa bahay nito.
            Ngumiti siya sa ginang. “Dito nalang po ako, Tita.” Aniyang tinitingnan ang buong paligid. “Marami na pong mga girls na naghihintay na makuha ang bouquet and for sure po matutuwa ka po sa mawiwitness niyo later.” Natawa siya ng makita ang mga kaibigan na pasimpleng nagtutulakan para makuha ang pinakamagandang pwesto sa pagsalo ng bulaklak ng bride. Sa totoo lang ay gusto din niyang makisali sa mga nagkukumpulang mga babaeng kapitbahay at ilang mga bisita kaya lang ay may nasagap siyang mga balita na may pagbibigyan na si Margareth ng bulaklak nito. Drama nalang ang gagawin nito para mas masaya ang event, though sigurado siyang may magrereklamo mamaya.
            “Ladies and gentlemen, the most awaited moment of this event is finally here. Sino kaya ang maswerteng babaeng makakasalo ng pinakaaasam-asam na bouquet?”
            “Ako!” sabay-sabay na sigaw ng mga nasa center na gigil na gigil na.
            “Well, supposedly we are going to have a mini game for this but the bride wants it simple dahil may palagay siyang may magkakasakitan.” Natawa ang ibang mga bisita nila sa sinabi nito. Maging siya ay may palagay na ganoon ang mangyayari.
            Napasulyap siya kay Hanz na katabi si Genesis, hindi niya alam kung bakit pero parang iniiwasan siya nito. Pagkatapos niya itong pasimpleng halikan sa simbahan ay may palagay siyang inulan ito ng tukso ng mga kapitbahay nila at halos hindi na ito makatingin sa kanya ng maayos.
            Gusto tuloy niya itong lapitan at i-tease, ang cute nitong tingnan. Mukhang may alam na siyang paraan para libangin ang sarili nitong mga susunod na mga araw. Nagfile kasi siya ng leave dahil may kailangan din siyang tapusin na series at nasa mood siyang magsulat. Hindi niya kayang i-give up ang first love niya at besides sabi ni Hanz na gusto nitong magpatuloy siya sa pagsusulat dahil avid reader din ito na hindi niya talaga alam.
            Sinabi din ng kanyang kapatid at brother-in-law na pikutin na raw niya si Hanz at nang matahimik na ang kaluluwa nitong ligaw. Iyon nga ang gagawin niya, totoo ngang nakukuha ng isang tao ang lakas ng loob sa mga taong nakasuporta sa kanila. Just like her. She found herself, improved it and made herself the better version of before. 
            Noong mahalin niya ang sarili ay unti-unting nawala ang takot namayani sa kanyang dibdib  at napalitan iyon ng tapang. Tapang na hindi sumuko sa mga laban sa buhay at tapang sa ideyang hindi masamang mag-risk, hindi masamang bigyan ng puwang ang ibang tao sa kanyang puso. And she wants Hanz to be a part of her better version, the new her is stronger and braver.
            “Before we start, we would like to announce that the garter was already given to the one earlier.”
            Tumaas ang kilay niya dahil hindi niya inaasahan iyon, napalingon siya sa mga nakapaligid sa kanya upang alamin kung sino ang kumuha ng garter.
            “All right!” tumayo na si Margareth sa makeshift stage at tumalikod at naghahandang ibato ang bridal bouquet. Kinuha niya ang kanyang cellphone para kunan ng video o picture ang naturang ‘phenomenal’ event. Sigurado siyang maraming views sa facebook group nila.
            “One…” count ng host.
            “Two!” Akmang ibabato na ni Ga ang bouquet at iyong iba ay parang timang na lulundagin na ang bulaklak. Wala pa man ay natatawa na siya at kahit anong pigil niya ay hindi niya magawang hindi matawa sa susunod na mangyayari. She bit her lips tight and tried to calm herself but it’s just too hard.
            “Three!”
            Isang matinis na hiyawan ang narinig mula sa mga dalagang nakisali sa event, iyong iba ay tumalon na sa hangin, iyong iba naman ay napaupo na sa sahig at siya ay tawa ng tawa sa kanyang inuupuan katulad ng ibang nakikinood lang din. What makes it so funny is hindi pala natuloy iyong pagbato ni  Ga sa bouquet at namamaluktot na rin ito sa pagtawa sa kinatatayuan nito.
            “Sorry ladies, pero naka-reserved na pala ang bouquet sa special someone tonight.” Natatawang anunsyo uli ng host.
            “Ay, ang daya.”
            “Paasa!”
            “Huuu, walang poreber.” Reklamo ng mga babaeng umasa pero nasaktan.
            “Neighbors.” Nawala ang atensyon niya sa mga sawing kapitbahay nang marinig ang boses ni Hanz na inagaw ang microphone sa host. “Thank you for today’s cooperation, my sinscerest apology to all the lovely ladies who wants to have the bride’s bouquet.”
            Isa-isang nagsiupuan ang mga bisitang tila nawala ang asar sa mundo nang magsalita si Hanz. “Naka-reserved na po ang bouquet sa isang espesyal na bisita ngayong gabi.”
            Syet! Bakit bigla siyang kinabahan ng walang dahilan? Ibinigay ni Margareth ang bulaklak kay Hanz pagkatapos ay sumulyap sa kanya kaya mas lalo siyang nanlamig. Parang natrapped siya sa Antartica at nahirapang gumalaw.
            “I know this is my bestfriend’s and shouldn’t be doing this dahil moment nila ito. But Genesis is Genesis and Margareth is Margareth, they wanted to give me this time to finally catch my lady.” Double syet! Kung kanina ay hindi siya makagalaw ngayon naman ay parang hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan.
            “Jada Kyrene, hindi ko dapat gagawin ito ngayon dahil naghihintay talaga ako ng tiyempo na tanungin ka uli but then you kissing me a while ago changed everything.” Triple syet! Alam niyang medyo malakas na ang loob niya pero ang sabihin nitong hinalikan niya ito kanina ay hindi pa rin niya maiwasang hindi mag-init ang kanyang pisngi lalo pa at nanunuksong napapasulyap sa kanya ang kanilang mga kakilala. “I asked Genesis and Margareth for five minutes of interruption.”
            Five minutes, huh? Gusto niyang mapangisi ng malaki nang unti-unting makalma na niya ang kanyang sarili. Mukhang ito na ang hinihintay niyang timing para sagutin ang mokong na ito. Kailangan na niya itong i-secure or else someone will. Sabi nga nila ‘strikes when the iron is hot’.
            “Jada.” Untag nito sa kanya.
            “Yes?”
            “I still have two minutes left.” Napatitig siya sa mga mata nito at alam niyang deep inside ay natatakot ito sa kanyang magiging sagot. Nakikita niya sa mga mata nito ang takot nito pero nandoon rin ang hope na sana ay itigil na niya ang pagpapahirap dito. How can her guy looks so cute?
            “And?”
            He made a very big sigh and look at her. “Jada, I love you. Please take me and I’ll be the best boyfriend you’ll ever have.”
            And will only have.
            Gusto niyang idugtong pero pinigilan niya ang kanyang sarili dahil may balak din siya at nakikita niya ang uneasiness nito hindi dahil sa pagtatapat nito sa harap ng mga bisita ng bagong kasal kundi dahil sa mga gagong kapitbahay din nilang nagka-counting pa talaga hanggang sa matapos ang remaining seconds ng time na ibinigay nina Genesis.
            Sobrang tahimik ng buong paligid na waring hinihintay ang kanyang magiging kasagutan pero again, she loves teasing Hanz and she also wants to see his reactions.
            Times up na, Hanz.” Narinig niyang sigaw ng mga kaibigan nila.
            “Busted ka na.” they are still locking gazes, he is slightly begging for her. And when he realized that she won’t say a thing he just high a small yet sad smile appeared on his lips.
            “I can wait.” Anito at nagsimulang tumalikod sa kanya pero hindi pa man ito nakakalayo ay hinila niya ang sleeve ng suot nitong suit at mabilis na tumayo. Sa harap ng mga kapitbahay nila ay muli niyang inangkin ang labi ng lalaking mahal. Hindi siya gaga para hindi tanggapin ang pag-ibig na inaalay nito, not when he pursued her to the extent. Not when he really wants her and not when he did everything just for her.
            Mukhang nagulat ito sa kanyang ginawa pero saglit lang iyon, Hanz is Hanz and she knew he will never missed an opportunity like this. Gumalaw ang braso nito na para bang may itinapon kasabay ng malakas na sigawan ng mga babaeng nasa paligid nila. Mukhang ito na ang nagtapon ng bouquet na ibinigay ni Margareth dito. Umikot ang mga braso nito sa kanyang beywang at hindi niya alam kung ano ang sumunod na nangyari dahil natagpuan niya ang kanyang sariling naghahabol ng hiningang nakatitig sa mga mata nito.
            “I won’t let you go.” Pabulong na ani nito.
            “Then don’t. Wala din akong balak na bitawan ka.” Unti-unting nagsink-in sa utak nito kung ano ang ibig niyang sabihin. “Is this… are you?”
            “Yes. Sinasagot na kita.”
            “Yeah?” parang tangang tanong uli nito. “Is this a prank?”
            “Gusto mong prank lang ito?” sunod-sunod naman itong umiling. “Then, it’s not.” Kinurot niya ang pisngi nito. “Hindi mo naman kailangang makisingit sa moment ni Genesis and ni Margareth, kung tinanong mo lang sana ako ng hindi mo agad pinuputol ang sana ay magiging sagot ko eh di sana matagal na kitang sinagot.”
            Napaawang lang ang mga labi nito na tila hindi alam ang isasagot. “Oh God.” Anito. “Finally, thank you Lord!” he almost yelled. Napangisi lang siya lalo pa at sobrang lakas din ng tibok ng kanyang puso.
            “Lovers, mamaya na kayo mag-sweet moment diyan.” Untag ni Heart sa kanila. “Sabi ni Genesis kung hindi mo na raw kailangan ang garter ay pwede ba daw niyang makuha dahil may interesado din diyan.” Ibinigay ni Hanz ang garter kay Heart. Mukhang tuloy na ang kasiyahan ng mga dalagang kapitbahay lalo pa at nagkakaguluhan na para may makakuha ng garter. Well, kapitbahay niya ang mga ito kaya sigurado siyang imposibleng magkaroon ng event na medyo matino-tino.
            “Sa kasal natin hindi sila invited, masyado silang magulo.” Anito sa kanila. Napasinghap naman siya sa sinabi nito, kakasagot lang kasi niya dito. “Come on girlfriend, don’t give me that look. Hindi kita niligawan para maging girlfriend lang, I have the full intention of making you my wife.” At oras naman para siya naman ang maging speechless dahil parang may sampung libong higad sa dibdib niya.
            Matutupad na rin yata niya ang isa sa mga wish ni Hanz at iyon ay ang isulat niya ang love story nila. Well, walang masyadong event sa kwento nila at sa tingin nga niya ay hindi talaga iyon super exciting. Pero isa lang totoo, what they have may be simple but it’s definitely real.
              "Jada, nanganak na daw si Leo!" Sigaw ng kung sino sa crowd. Napangiti siya dahil hindi lang pala siya ang may happy ever after, pati na ang alaga niyang pusa. Actually, naunahan pa nga siya. 
THE END


<3 <3 <3
A/N: Thank you very much for waiting na matapos ko ang kwentong ito. Sa mga nakakabasa na, maaaring may mapapansin kayong changes sa buong kwento. Iyon ay dahil medyo ni-revised ko muna bago ko i-fully upload ang remaining chapters. Again, thank you for patiently waiting and hopefully you'll enjoy this simple and light story. Pampawala lang ng boredom mga babies.

Lovemuch,
INANG


PHOTO CTTO



1 (mga) komento:

  1. I really love this story.. Tun mpapa sigh kna lang at mpapasabi na sana totoo na lang to.. I love all you works ms. Iamyourlovelywriter.. Keep on writing

    P.s. heheh beke nemen po may nxt novel kayo.. Magamda din po gamitin yun pngalan ko.. Hahaha.. Dianne at you service.. Love lots ms. author..from your fan here in dubai

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang