13 – Right Time
Pakiramdam
niya ay nabobobo siya sa mga pangyayari, hindi niya expected ang gagawin ni
Hanz. Ni hindi sumagi sa kanyang isip na bibisita ito sa bahay ng kanyang mga
magulang na may bitbit na mga bulaklak at lantarang sasabihin sa kanya na
liligawan siya nito. Sa dinami-dami ng pwedeng mangyari ay ito pa, it is so
unbelievable!
“Hoy!” Untag sa kanya ng kanyang
ate, napansin marahil nito na nakatanga lang siya sa kawalan. Katatapos lang
nilang magdinner at habang nasa hapag ay walang lumalabas sa kanyang bibig, ang
mga magulang niya ang kausap ni Hanz na katabi lamang niya. Ang kapatid ay
sumasabat minsan, pati na rin ni Jasper. At hindi lang iyon, parang
magbestfriend na ang kaibigan at si Hanz.
Kinurot niya ang braso at malakas na
napasinghap, hindi nga siya nananaginip. Totoo ang mga nangyayari.
“Ano ba iyang ginagawa mo sa sarili
mo? Nababaliw ka na ba?” natatawang ani ng ate. “Mukhang tama nga ang sinabi ni
Jasper, may hitsura iyang napupusuan mo. Luckily, hindi naman pala siya torpe.”
Kinuha niya ang mainit na tsaa at inisang lagok iyon. “Mukhang na-shock ka nga
sa nangyari. I’ve never seen you this before, masaya pala iyong paminsan-minsan
ay ginugulat ka.”
“Gulat? Ate Janine, sobra pa sa
gulat ang nararamdaman ko ngayon. Bakit parang hindi totoo?”
She heard her sister giggle. “Well,
welcome back to the real world. Wala ka na sa pantasya, harapin mo ito.”
Tinapik siya nito at itinuro si Hanz na naglalakad papunta sa kanya, kasama
nito ang mga kanyang mga magulang. Sa tingin niya ay nagpapaalam na ito.
“Jada, ihatid mo muna itong bisita
mo sa labas.”
Tumango siya sa utos ng ina. May
palagay siyang unang kinukuha ni Hanz ang kiliti ng kanyang mga magulang. Halos
lahat ng oras ay ginugol nito sa pakikipag-usap sa Mama at Papa niya and she
can’t deny her parent’s fondness to the guy.
“Ihahatid na kita.” Tumayo siya at
muntik nang mapa-upo mabuti nalang at naaalalayan agad siya nito.
“Careful.” Maingat na tinulungan
siya nitong tumayo. “Are you okay?”
“O-Oo. Matagal kasi akong nakaupo.”
Pagkatapos magpaalam sa kanyang mga
magulang ay naglakad na sila palabas ng bahay. Tahimik lang silang dalawa,
nagpapakiramdaman.
“Jada-.”
“Hanz-.” Sabay nilang tawag sa isa’t
isa.
“Ikaw muna.” Anito sa kanya, mabilis
siyang umiling.
“Wala naman talaga akong sasabihin.”
“You really blush a lot.” Agad
siyang napahawak sa pisngi sa sinabi nito.
“Hindi kaya, morena ako kaya hindi
ako nagba-blush.” Depensa niya sa kanyang sarili.
“I really love your skin tone, it makes
you glow under the moon?” naisubsob niya ang palad sa mukha dahil hindi na niya
kayang pigilan ang nararamdaman niya sa mga pinagsasabi ng lalaki. Narinig niya
ang mahinang pagtawa nito. “I thought you are used to flowery words?
You’re a writer.” Sinilip niya ito sa
pagitan ng kanyang mga daliri.
“Sanay kong sinusulat ang mga iyan
hindi ang marinig mula sa ibang tao.”
“Hindi naman ako ibang tao,
manliligaw mo ako.”
“Mas lalong hindi ako sanay ng
nililigawan.” Pinilit niyang kalmahin ang kanyang sarili. Hindi siya pwedeng
maglupasay sa kilig sa harap ng kanilang bahay.
“Pwede mo rin akong sagutin ngayon
na.” tinaasan niya ito ng kilay. “Kung pwede lang naman, makakapaghintay naman
ako.”
Humugot siya ng malalim na
buntong-hininga at bumaling kay Hanz. “Bakit ako Hanz? Sa dami ng mga naging
girlfriends mo at sa mga babaeng dumaan sa buhay mo, wala ako ni katiting sa
kanila. Bakit ako ang pinag-aaksayahan mo ng oras at panahon?” iyon ang kanina
pa pilit niyang hinahanapan ng sagot kaya hindi siya mapakali.
Napatitig lang ang lalaki sa kanya
na para bang sinasaulo ang bawat bahagi ng kanyang mukha. “Bakit hindi pwedeng
ikaw? Ang tamang tanong yata Jada ay bakit sa dinami-dami ng babaeng dumating
sa buhay ko, sa mga naging kasintahan ko, bakit ikaw ang hinahanap ko sa
kanila? Inaamin ko, noong unang nanligaw ako sa iyo kung ligaw ba talaga iyon
ay nasagi mo ang pride ko.
Masyado akong bilib sa aking sarili
at naisip kong kayang-kaya kong makuha ang lahat ng babaeng gustuhin ko. Pero
binasag mo ang teorya ko, tinanggihan mo ako. Nasira ang mundong ginawa ko kung
saan itinurong kong hari ang sarili ko. Bigla akong naguluhan kaya kung
sinu-sinong babae ang nilalapitan ko at gusto ko rin na makita mo na hindi ako
apektado sa ginawa mong pag-reject sa akin.” Mas lumamlam ang mga mata nitong
nakatitig sa kanya.
Sinasabi ni Hanz ang takot nito sa
kanya, sinasabi nito ang mga bagay na ayaw sabihin ng mga lalaki dahil akala
nila ay nababawasan ang kanilang pagiging macho.
“But I was wrong. Apektado ako,
hindi ko magawang makalimot. Na-insecure ako.” Pagak itong tumawa. “Sorry, I’m
not perfect. May mga insecurities ako at napagtanto ko iyon ng dahil sa iyo.
Kapag nagkakaharap tayo ay nakakaramdam ako ng takot na mababasa mo ang bawat
isip at kilos ko.”
“Ano ang sa tingin mo sa akin
manghuhula?” tinaasan niya ito ng kilay.
“No. You’re one of the few who can
see through me. Kakalimutan na sana kita pero mukhang itinadhana talaga tayo,
nagkita tayo sa Subdivision. Naging magkapitbahay tayo.”
“And you made my life a living
hell.”
Biglang bumakas ang guilt sa mukha
ng binata bigla tuloy siyang nataranta at lihim na kinurot ang sarili dahil sa
sinabi.
“I’m sorry. Gusto kong kulitin ka,
gusto kong nakikita kitang nagagalit sa akin, sa isip ko kasi kapag nakikita ko
ang mga pangit na side mo ay mababawasan ang pagkakagusto ko sa iyo pero mali
na naman ang teorya ko. Napansin ko nalang na iniinis kita dahil gusto kong
nakikitang naiinis ka dahil ang cute-cute mo. Ayoko sa mga pusa pero sinanay ko
si Leo na sa bahay ko maglalagi dahil alam kong hahanapin mo siya doon at
magkakaroon tayo ng chance na makapag-usap kahit inaangilan mo ako.”
Kumunot ang kanyang noo sa
ipinagtapat nito. “Nakikita ko ang mga pangit na side mo, you don’t fix your
hair, you are a bit messy especially when you eat, palagi kang lutang lalo na
kapag sa umaga, kinakausap mo minsan ang sarili mo o kaya naman ay si Leo. You
are weird and all but I like you more because of that.”
Akala niya ay mabilis na kanina ang
takbo ng puso pero hindi niya akalain na may mas ibibilis pa pala iyon.
Hinawakan nito ang kanyang nanginginig na mga palad.
“I really like you Jada, please do
give me a chance.”
“WELCOME back!”
masigabong bati ni Heart nang makita siyang papasok ng kanyang bahay. Bitbit
niya ang ilang mga gamit na inayos ng kanyang Mama. Pinilit siya ng ina niyang
umuwi sa bahay sa hindi malamang kadahilanan. Mas mabuti daw na nandito siya,
tinanong niya kung bakit pero sinabi lang nito na magbabakasyon daw sila ng
hindi siya kasama.
“Uhm, hi.”
“Good thing you are back na, hindi
na parang baliw si Hanz sa kakakatok sa bahay mo kahit alam niyang wala ka
naman diyan. At least now kapag kakatok siya ay alam niyang may magbubukas na
ng pinto para sa kanya.” Natatawang ani nito.
“I heard my name.” singit ni Hanz na
bitbit ang iba niyang mga gamit.
“Oh wow, mukhang nahanap mo na rin
sa wakas si Jada.” Biro ng kanilang kapitana, siya naman ay napatitig din kay
Hanz dahil sa sinabi ni Heart.
“Don’t give me that kind of look
Jada, hindi ko itatangging tinanong ko ang lahat ng kapitbahay natin at mga
kaibigan mo kung nasaan ka. Nawala kang parang bula kaya anong aasahan mong
gawin ko?”
Nagtaas lang siya ng kilay at
kinagat ang mga labi, ayaw niyang maglupasay sa kilig sa labas ng kanyang bahay
dahil mas nakakahiya iyon.
“Wala naman akong tinatanong.” Patay
malisyang ani niya.
“Kaya pala gabi-gabi kang umuuwi
nitong nakaraang mga araw Hanz, tama nga ang insider ng facebook group natin.
Gabi-gabi kang umaakyat ng ligaw.” Dugtong ni Heart at sa halip na mainis ang
lalaki ay mukhang proud na proud ito sa ginawa nito. Sa tingin nga niya ay isa
sa mga dahilan kung bakit ibinalik na siya ng mga magulang sa subdivision ay
dahil naaawa na rin ang mga it okay Hanz. Mahigit isang oras ang biyahe nito
mula sa opisina papuntang bahay ng kanyang parents, isang oras din itong
mananatili para kausapin siya, tapos ay mahigit dalawang oras ang biyahe nito
para makauwi sa bahay. Ganoon ang naging routine nito at wala siyang narinig na
reklamo mula kay Hanz pero napansin iyon
ng kanyang ama.
Bago siya umalis ay kinausap siya ng
kanyang Papa, her father gave his full blessing to Hanz through her. At bago pa
siya makaalis ay niyakap siya nito at sinabihan siya, ‘Hindi ka na bata para mag-alala kami sa mga desisyon mo. Kung alam mong
tama ay gawin mo, kung alam mong mali pero hindi mo maiwasang gawin ay nandito
lang kami ng Mama mo para sumuporta sa iyo.” Alam niyang hindi na siya
mag-iisa sa mga gagawin niya, may pamilya niya. Magkamali man siya ay alam
niyang may tatama sa mga iyon o kaya naman ay kapag bumagsak siya ay alam
niyang may sasalo sa kanya at iyon ay ang kanyang pamilya.
“By the way Hanz, malapit ng matapos
ang chapel ng subdivision. Maganda talaga ang location at ang structure doon,
pwedeng-pwede ka ng magpakasal doon kapag natapos na dahil mukhang may balak
din si Genesis na doon magpakasal.”
“Really?” naalala niyang isa sa
project ni Heart at ni Tatay Ben ang chapel na iyon, walang simbahan sa loob ng
subdivision at kailangan nilang lumabas para magsimba. May malaking lote sa
pagitan ng dalawang barangay at naisipan ng may-ari na i-donate iyon at gawin
chapel. Si Hanz at si Genesis ang naging architect. “Sige, magbo-book na ako.”
Sumulyap ito sa kanya. “Baka matagalan pero baka doon ako magpapakasal.”
Kumunot ang noo niya dahil hindi
siya nilulubayan ng tingin ng lalaki habang sinasabi ang mga salitang iyon.
“Aba ay galingan mo kabayan at nang
pumayag ng magpakasal sa iyo.”
“Hindi pa nga ako sinasagot.”
Napakamot nalang siya ng batok dahil kahit na gusto niyang magtatalon sa tuwa
ay hindi pwede, ayaw niyang pangunahan ng saya ang mga bagay-bagay. There’s
always a right time for everything.
<3 <3 <3
a/n: almost done na mga babies!
CTTO
TBC
0 (mga) komento:
Post a Comment