14 - An author's happy ending
SHE
heard Hanz sigh for the nth time
kaya siniko na niya ito. “Itigil mo nga iyan.” Sita pa niya.
“It’s unfair.” At makailang beses na
rin niyang narinig ang unfair na word sa bibig nito. “Madaya si Genesis.”
Reklamo pa nito. Nasa chapel sila at hinihintay ang pagdating ng bride, hindi
natupad ang wish nitong ito ang unang ikasal sa chapel dahil si Genesis ang
nanalo sa bidding.
“Ganyan talaga ang life, Hanz. Matuto
kang tumanggap ng pagkatalo.” Muli itong napasimangot. Dapat ay katabi nito si
Genesis sa altar pero dikit ito ng dikit sa kanya.
“Okay lang sana kung sinagot mo na
ako.” Mahina lang iyon pero batid niyang talagang naghintay ito sa kanya. Mas
nauna pang sagutin ni Margareth si Genesis, mas nauna din itong magpakasal
kaysa pagsagot niya sa katabi. Mali man o kaya naman ay masyadong tradisyonal
sa part niya pero pinaghihintay talaga niya ang lalaki.
Hindi sa natatakot siya, matagal na
niyang planong sagutin si Hanz pero hindi siya makahanap-hanap ni tyempo. Lalo
na at naging sobrang busy na niya sa work, hindi rin niya kayang igive up ang
pagsusulat kaya ipinaliwanag niya sa kanyang mga readers na hindi na siya
gaanong makaka-release ng mga nobela tulad ng dati. Nag-eenjoy din kasi siya sa
Amore Gazette.
“Kung pagod ka ng maghintay-.”
“Hindi ah.” Agad putol nito sa
kanya, she rolled her eyes again. Ito ang pinakaiinisan niya minsan kay Hanz,
kapag may sasabihin siya ay agad nitong pinuputol kaya nawawala tuloy ang
momentum niya. Kapag nagtanong pa ito ng seryoso sa kanya ay ibibigay na niya
ang ‘OO’ na matagal na nitong hinahangad. “Kaya ko pa dahil kung hindi ay
luluhod na ako sa mga magulang mo para deritsong kasal na agad. Tulad ng ginawa
ni Genesis.” Naalala niya kung gaano kagulo ang paghingi ni Genesis sa kamay ni
Margareth. Pinuntahan nito ang mga magulang ng kapitbahay sa ibang bansa at
nakiusap na hingin ang kamay ni Ga. Napilitang umuwi ng bansa ang Mama at Papa
ni Margareth. Matagal ng kilala ng buong angkan ng kaibigan si Genesis dahil
magkababata ang dalawa kaya walang tutol ni isa sa kagustuhan nitong pakasalan
ang babaeng kapitbahay.
Wala ring nagawa si Margareth kundi
ang tanggapin si Genesis, natakot lang itong masira ang pagkakaibigan nila at
masayang ang lahat-lahat kapag nagrisk silang magmahal. Hayon, solved na ang
lahat, walang ligaw-ligaw, diretsong kasal na. Kung sabagay, para nga namang
magkasintahan na ang dalawa iyon nga lang bestfriend
ang label nila dati. Masaya siya para kay Margareth at kay Genesis. Itong
katabi lang niya ang inggit na inggit.
“Nandito na ang bride.” Another sigh
escaped from Hanz lips before turning his gaze to his bestfriend.
“Please Lord, make me one of the
happiest man today.” Natawa siya sa ipinagdasal nito. “As much as I want to
stay by your side, kailangan kong maging mabuting lalaki para kay Genesis.
Maiwan na kita magandang binibini at sana nawa ay dinggin na ng Diyos ang aking
panalangin.”
Nailing na natawa siya sa sinabi ni
Hanz, tumayo ito pero nakatitig pa rin sa kanya. Open na sa public ang
panliligaw nito sa kanya kaya nabakuran na niya ito mula sa mga babaeng
kapitbahay. Ang problema nalang ay kapag nasa labas sila o kaya ay may mga outsiders
na nakakakita sa lalaki, masyadong gwapo si Hanz para hindi mapansin at
masyadong malakas ang sex appeal nito para hindi nito mabighani ang mga babaeng
bisita tulad nalang ngayon.
Pagtayo nito ay may narinig siyang
mga babaeng mahinang nagtitilian at sa gilid ng kanyang mga mata ay halatang si
Hanz ang naging apple of the eye ng mga ito. She can’t blame them though, but
he’s already taken… by her.
“Hanz.”
“Yes?”
“May dumi ka dito.” turo niya sa
pisngi nito. Agad nitong tinanggal ang sinabi niyang dumi. “Hindi mo naman
natanggal, halika dito.” yumuko ito sa kanya at dahil gawa-gawa lang niya iyon
at wala talagang dumi kaya pagkalapit na pagkalapit nito sa kanya ay mabilis
niyang ginawaran ng halik ang mga labi nito. Mabilis lang iyon pero iyong kabog
sa dibdib niya ay sa tingin niya ay sa susunod na buwan pa mababalik sa normal.
Halata ang gulat sa mga mata ng lalaki, gulat… pagtataka at tuwa.
“You… you kissed me.” Nakatulalang
ani nito.
“Punta ka na doon, hinihintay ka na
ng groom.” Wala itong nagawa ng itulak niya ito papunta sa altar, nakatingin
lang ito sa kanya at parang babaeng ninakawan ng halik. Natawa siya lalo pa at
muntik na itong matumba.
“I saw that.” Pasimpleng ngumiti
siya kay Dorothy na tumabi sa kanya. “Oh my God, sinagot mo na?”
“Mamaya.” Aniya sa kaibigan. “HUwag
kang tumili baka malaman niya.”
“Pambihira naunahan mo pa ako.”
Natatawang ani ni Czarina. “Saan na kaya ang Mister Right ko?”
“Ang sweet, nakakaasar.” Kahit na
nagrereklamo si Kc ay halatang masaya ito sa kanya. “Finally, mukhang
magbubunga na rin ang pagtitiyaga ng kapitbahay nating si Johannes Salamandres.
May his bachelor soul may rest in peace forever.”
“Support lang kami sa iyo girl and
by the way, I like how you make bakod to your man. Those ladies should know
their places.” Si Yumi na kakakasal lang din kay Howard. At maswerteng nabuntis
agad, sabi nga nito, ready na ang egg cell nitong ma-fertilized. Luckily,
honeymoon baby ang agad na nakuha nito. Si Pamela ay sa katapusan ng taon dahil
mas gusto nitong ikasal ng December.
“Dapat si Vanessa ang sunod na
ikasal, matagal ng single ang pinsan na iyan ni Margareth.” Sabay silang
napatingin sa maid-of-honor ng kasal at sunod-sunod na tumango.
“May plano ako girls.” Suhestiyon ni
Yumi.
“Bawal kang mag-roller coaster,
buntis ka.”
“Gaga hindi iyon. May nakita akong
bagong mukha dito, mukhang bagay sila ni Vanessa. I-pair kaya natin sila.”
“Ikaw talaga Yumi kung anu-ano na
naman iyang iniisip mo, baka mapahamak si Vanessa diyan patay tayo.” Ani ni
Pamela.
“Gumana nga iyong plano natin kay
Hanz at kay Jada---.” Nagsalubong ang dalawang kilay niya at napatitig kay
Yumi.
“ANong plano?” tanong niya.
“Ay, wala iyon.”
“Yumi.”
“Alright, since nag-work naman iyong
plan kaya sasabihin na rin namin. May plan kaming i-pair kayo ni Hanz dahil
feel talaga namin ang lakas ng chemistry niyong dalawa. Kaya minsan ay
kinikidnap namin si Leo at dinadala sa bahay ni Hanz. Para magstay si Leo doon
ay pinapakain namin siya hanggang sa masanay siyang pumunta sa bahay ni Hanz dahil
may pagkain doon.”
Napaawang ang kanyang mga labi sa
ipinagtapat ng mga kasama, hindi niya akalain na magagawa ng mga ito ang bagay
na iyon. At mas lalong hindi niya alam kung matutuwa or magagalit sa ginawa ng
mga ito.
“Tapos, alam din namin na may date
si Hanz with that girlaloosh noong
mag-shopping tayo for your clothes. Inutusan din namin si Genesis na hindi
pumunta sa bakeshop para tulungan ka at nakipag-cooperate na si Hanz nalang ang
pumunta doon. Mas better kasing may time kayo together.”
“And---.”
“Sandali lang lahat ng iyon ay plano
ninyo?”
“Of course, nakatadhana na kayo
ni Hanz pero naisip namin na tulungan si
destiny na mas magkalapit pa kayo. And we think nagwork naman so please huwag
ka ng magalit sa amin, promise, sa wedding mo ay mas malaking cake ang
i-ba-bake ko.” Malakas siyang napabuntong-hininga at natawa sa pinaggagawa ng
mga ito.
Kaya pala masyadong coincidence ang
lahat, pakana pala ng mga ito ang mga iyon. Masyado ng late para magalit pa
siya at saka ipagpapasalamat din niya sa mga ito ang lahat ng nangyari dahil
kahit hindi maganda ang naunang kinalabasan ng pagsasama nila ni Hanz sa mga
instances na iyon ay naging stepping stone naman niya iyon para mas lalong
ma-realized ang tunay na nararamdaman para sa binata.
“Make sure masarap ang cake na
iyon.”
“One hundred percent sure!”
nagthumbs up pa si Yumi at napangisi rin ang mga kasama nila. Mukhang siya lang
ang walang alam sa plano… siya lang ba?
“Sandali lang, alam ba ni Hanz ‘to?”
“Of course not, kami lang ang may alam.
Walang alam ang mga lalaking kapitbahay natin dahil alam mo naman na hindi alam
ng mga iyon ang magtago ng secrets.”
“Pati din ikaw Dorothy?”
“Matagal na naming alam na may
something si Hanz sa iyo. Masyado ka lang dense before kaya hindi mo makita-kita.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Sino ba
ang matinong babae na mag-iisip na may gusto sa kanya ang isang lalaki kung
palagi siyang inaasar?”
Ngumisi ang kaibigan. “Writer ka
girl, alam mong way iyon ng mga guys to catch the attention of the woman they
like and it’s very applicable in real life situation. Just like yours.”
Nag-isang linya ang kanyang mga labi
dahil naisip niyang baka ganoon talaga kapag natatakot kang magmahal, hindi mo
makikita at mapapansin ang nakapaligid sa iyo dahil masyado kang abala sa
pag-aalaga ng puso mo.
“HINDI ka ba sasali, Jada?” Untag sa kanya ng Mama ni Hanz na kasama
niya sa mesa. Nasa reception na sila ng kasal at kasama niya sa mesa ang mga
magulang ni Hanz, nakiusap kasi ang lalaki sa kanya na samahan at Mama nito.
Magkakilala na sila ng Mama ni Hanz dahil ilang beses na siya nitong dinala sa
mga dinners sa bahay nito.
Ngumiti siya sa ginang. “Dito nalang
po ako, Tita.” Aniyang tinitingnan ang buong paligid. “Marami na pong mga girls
na naghihintay na makuha ang bouquet and for sure po matutuwa ka po sa
mawiwitness niyo later.” Natawa siya ng makita ang mga kaibigan na pasimpleng
nagtutulakan para makuha ang pinakamagandang pwesto sa pagsalo ng bulaklak ng
bride. Sa totoo lang ay gusto din niyang makisali sa mga nagkukumpulang mga
babaeng kapitbahay at ilang mga bisita kaya lang ay may nasagap siyang mga
balita na may pagbibigyan na si Margareth ng bulaklak nito. Drama nalang ang
gagawin nito para mas masaya ang event, though sigurado siyang may magrereklamo
mamaya.
“Ladies and gentlemen, the most
awaited moment of this event is finally here. Sino kaya ang maswerteng babaeng
makakasalo ng pinakaaasam-asam na bouquet?”
“Ako!” sabay-sabay na sigaw ng mga
nasa center na gigil na gigil na.
“Well, supposedly we are going to
have a mini game for this but the bride wants it simple dahil may palagay
siyang may magkakasakitan.” Natawa ang ibang mga bisita nila sa sinabi nito.
Maging siya ay may palagay na ganoon ang mangyayari.
Napasulyap siya kay Hanz na katabi
si Genesis, hindi niya alam kung bakit pero parang iniiwasan siya nito.
Pagkatapos niya itong pasimpleng halikan sa simbahan ay may palagay siyang
inulan ito ng tukso ng mga kapitbahay nila at halos hindi na ito makatingin sa
kanya ng maayos.
Gusto tuloy niya itong lapitan at
i-tease, ang cute nitong tingnan. Mukhang may alam na siyang paraan para
libangin ang sarili nitong mga susunod na mga araw. Nagfile kasi siya ng leave
dahil may kailangan din siyang tapusin na series at nasa mood siyang magsulat.
Hindi niya kayang i-give up ang first love niya at besides sabi ni Hanz na
gusto nitong magpatuloy siya sa pagsusulat dahil avid reader din ito na hindi
niya talaga alam.
Sinabi din ng kanyang kapatid at
brother-in-law na pikutin na raw niya si Hanz at nang matahimik na ang kaluluwa
nitong ligaw. Iyon nga ang gagawin niya, totoo ngang nakukuha ng isang tao ang
lakas ng loob sa mga taong nakasuporta sa kanila. Just like her. She found
herself, improved it and made herself the better version of before.
Noong mahalin niya ang sarili ay
unti-unting nawala ang takot namayani sa kanyang dibdib at napalitan iyon ng tapang. Tapang na hindi
sumuko sa mga laban sa buhay at tapang sa ideyang hindi masamang mag-risk,
hindi masamang bigyan ng puwang ang ibang tao sa kanyang puso. And she wants
Hanz to be a part of her better version, the new her is stronger and braver.
“Before we start, we would like to
announce that the garter was already given to the one earlier.”
Tumaas ang kilay niya dahil hindi
niya inaasahan iyon, napalingon siya sa mga nakapaligid sa kanya upang alamin
kung sino ang kumuha ng garter.
“All right!” tumayo na si Margareth
sa makeshift stage at tumalikod at naghahandang ibato ang bridal bouquet.
Kinuha niya ang kanyang cellphone para kunan ng video o picture ang naturang ‘phenomenal’ event. Sigurado siyang
maraming views sa facebook group nila.
“One…” count ng host.
“Two!” Akmang ibabato na ni Ga ang
bouquet at iyong iba ay parang timang na lulundagin na ang bulaklak. Wala pa
man ay natatawa na siya at kahit anong pigil niya ay hindi niya magawang hindi
matawa sa susunod na mangyayari. She bit her lips tight and tried to calm
herself but it’s just too hard.
“Three!”
Isang matinis na hiyawan ang narinig
mula sa mga dalagang nakisali sa event, iyong iba ay tumalon na sa hangin,
iyong iba naman ay napaupo na sa sahig at siya ay tawa ng tawa sa kanyang
inuupuan katulad ng ibang nakikinood lang din. What makes it so funny is hindi
pala natuloy iyong pagbato ni Ga sa bouquet
at namamaluktot na rin ito sa pagtawa sa kinatatayuan nito.
“Sorry ladies, pero naka-reserved na
pala ang bouquet sa special someone tonight.” Natatawang anunsyo uli ng host.
“Ay, ang daya.”
“Paasa!”
“Huuu, walang poreber.” Reklamo ng mga babaeng umasa pero nasaktan.
“Neighbors.” Nawala ang atensyon
niya sa mga sawing kapitbahay nang marinig ang boses ni Hanz na inagaw ang
microphone sa host. “Thank you for today’s cooperation, my sinscerest apology
to all the lovely ladies who wants to have the bride’s bouquet.”
Isa-isang nagsiupuan ang mga
bisitang tila nawala ang asar sa mundo nang magsalita si Hanz. “Naka-reserved
na po ang bouquet sa isang espesyal na bisita ngayong gabi.”
Syet!
Bakit bigla siyang kinabahan ng walang dahilan? Ibinigay ni Margareth ang
bulaklak kay Hanz pagkatapos ay sumulyap sa kanya kaya mas lalo siyang
nanlamig. Parang natrapped siya sa Antartica at nahirapang gumalaw.
“I know this is my bestfriend’s and
shouldn’t be doing this dahil moment nila ito. But Genesis is Genesis and
Margareth is Margareth, they wanted to give me this time to finally catch my
lady.” Double syet! Kung kanina ay
hindi siya makagalaw ngayon naman ay parang hindi siya mapakali sa kanyang
kinauupuan.
“Jada Kyrene, hindi ko dapat gagawin
ito ngayon dahil naghihintay talaga ako ng tiyempo na tanungin ka uli but then
you kissing me a while ago changed everything.” Triple syet! Alam niyang medyo malakas na ang loob niya pero ang
sabihin nitong hinalikan niya ito kanina ay hindi pa rin niya maiwasang hindi
mag-init ang kanyang pisngi lalo pa at nanunuksong napapasulyap sa kanya ang
kanilang mga kakilala. “I asked Genesis and Margareth for five minutes of
interruption.”
Five
minutes, huh? Gusto niyang mapangisi ng malaki nang unti-unting makalma na
niya ang kanyang sarili. Mukhang ito na ang hinihintay niyang timing para
sagutin ang mokong na ito. Kailangan na niya itong i-secure or else someone
will. Sabi nga nila ‘strikes when the iron is hot’.
“Jada.” Untag nito sa kanya.
“Yes?”
“I still have two minutes left.” Napatitig
siya sa mga mata nito at alam niyang deep inside ay natatakot ito sa kanyang
magiging sagot. Nakikita niya sa mga mata nito ang takot nito pero nandoon rin
ang hope na sana ay itigil na niya ang pagpapahirap dito. How can her guy looks so cute?
“And?”
He made a very big sigh and look at
her. “Jada, I love you. Please take me and I’ll be the best boyfriend you’ll
ever have.”
And
will only have.
Gusto niyang idugtong pero pinigilan niya ang
kanyang sarili dahil may balak din siya at nakikita niya ang uneasiness nito
hindi dahil sa pagtatapat nito sa harap ng mga bisita ng bagong kasal kundi
dahil sa mga gagong kapitbahay din nilang nagka-counting pa talaga hanggang sa
matapos ang remaining seconds ng time na ibinigay nina Genesis.
Sobrang tahimik ng buong paligid na
waring hinihintay ang kanyang magiging kasagutan pero again, she loves teasing
Hanz and she also wants to see his reactions.
“Times
up na, Hanz.” Narinig niyang sigaw ng mga kaibigan nila.
“Busted
ka na.” they are still locking gazes, he is slightly begging for her. And when
he realized that she won’t say a thing he just high a small yet sad smile
appeared on his lips.
“I can wait.” Anito at nagsimulang
tumalikod sa kanya pero hindi pa man ito nakakalayo ay hinila niya ang sleeve
ng suot nitong suit at mabilis na tumayo. Sa harap ng mga kapitbahay nila ay
muli niyang inangkin ang labi ng lalaking mahal. Hindi siya gaga para hindi
tanggapin ang pag-ibig na inaalay nito, not when he pursued her to the extent.
Not when he really wants her and not when he did everything just for her.
Mukhang nagulat ito sa kanyang
ginawa pero saglit lang iyon, Hanz is Hanz and she knew he will never missed an
opportunity like this. Gumalaw ang braso nito na para bang may itinapon kasabay
ng malakas na sigawan ng mga babaeng nasa paligid nila. Mukhang ito na ang
nagtapon ng bouquet na ibinigay ni Margareth dito. Umikot ang mga braso nito sa
kanyang beywang at hindi niya alam kung ano ang sumunod na nangyari dahil
natagpuan niya ang kanyang sariling naghahabol ng hiningang nakatitig sa mga
mata nito.
“I won’t let you go.” Pabulong na
ani nito.
“Then don’t. Wala din akong balak na
bitawan ka.” Unti-unting nagsink-in sa utak nito kung ano ang ibig niyang
sabihin. “Is this… are you?”
“Yes. Sinasagot na kita.”
“Yeah?” parang tangang tanong uli
nito. “Is this a prank?”
“Gusto mong prank lang ito?”
sunod-sunod naman itong umiling. “Then, it’s not.” Kinurot niya ang pisngi
nito. “Hindi mo naman kailangang makisingit sa moment ni Genesis and ni
Margareth, kung tinanong mo lang sana ako ng hindi mo agad pinuputol ang sana
ay magiging sagot ko eh di sana matagal na kitang sinagot.”
Napaawang lang ang mga labi nito na
tila hindi alam ang isasagot. “Oh God.” Anito. “Finally, thank you Lord!” he
almost yelled. Napangisi lang siya lalo pa at sobrang lakas din ng tibok ng
kanyang puso.
“Lovers, mamaya na kayo mag-sweet
moment diyan.” Untag ni Heart sa kanila. “Sabi ni Genesis kung hindi mo na raw
kailangan ang garter ay pwede ba daw niyang makuha dahil may interesado din
diyan.” Ibinigay ni Hanz ang garter kay Heart. Mukhang tuloy na ang kasiyahan
ng mga dalagang kapitbahay lalo pa at nagkakaguluhan na para may makakuha ng
garter. Well, kapitbahay niya ang mga ito kaya sigurado siyang imposibleng
magkaroon ng event na medyo matino-tino.
“Sa kasal natin hindi sila invited,
masyado silang magulo.” Anito sa kanila. Napasinghap naman siya sa sinabi nito,
kakasagot lang kasi niya dito. “Come on girlfriend, don’t give me that look. Hindi
kita niligawan para maging girlfriend lang, I have the full intention of making
you my wife.” At oras naman para siya naman ang maging speechless dahil parang
may sampung libong higad sa dibdib niya.
Matutupad na rin yata niya ang isa
sa mga wish ni Hanz at iyon ay ang isulat niya ang love story nila. Well,
walang masyadong event sa kwento nila at sa tingin nga niya ay hindi talaga
iyon super exciting. Pero isa lang totoo, what they have may be simple but it’s
definitely real.
"Jada, nanganak na daw si Leo!" Sigaw ng kung sino sa crowd. Napangiti siya dahil hindi lang pala siya ang may happy ever after, pati na ang alaga niyang pusa. Actually, naunahan pa nga siya.
"Jada, nanganak na daw si Leo!" Sigaw ng kung sino sa crowd. Napangiti siya dahil hindi lang pala siya ang may happy ever after, pati na ang alaga niyang pusa. Actually, naunahan pa nga siya.
THE END
<3 <3 <3
A/N: Thank you very much for waiting na matapos ko ang kwentong ito. Sa mga nakakabasa na, maaaring may mapapansin kayong changes sa buong kwento. Iyon ay dahil medyo ni-revised ko muna bago ko i-fully upload ang remaining chapters. Again, thank you for patiently waiting and hopefully you'll enjoy this simple and light story. Pampawala lang ng boredom mga babies.
Lovemuch,
INANG
PHOTO CTTO