11 – Conflict
MARAHANG
sinuklay-suklay ni Janine ang buhok
niya habang nakahiga siya sa lap nito at nanonood ng Koreanobelang hindi niya
alam ang title. Actually, nakatanga lang siya sa TV at sinasamahan lang niya
ang kapatid sa trip nito sa buhay.
“Sigurado ka na ba talagang papasok
ka na sa Amore Gazette? Kung napipilitan ka lang ay sasabihin k okay Jasper na
ayaw mo talaga.”
“I’m fine with it ate Janine, gusto
ko rin na pumasok sa isang normal na working environment. Time na rin sigurong
makisalamuha ako ng mga tao, I want to grow and to develop my socializing
skills. Alam mo naman na weakness ko iyon.”
Marahas siyang hinampas nito sa
braso. “Alam nating pareho na ang dahilan kung bakit hindi ka
nakikipagsocialize sa iba ay dahil ayaw mong magtiwala, natatakot kang
magtiwala sa ibang tao dahil pakiramdam mo ay sasaktan ka nila.” Hindi siya
umimik sa sinabi ng kapatid. She hates to admit it but she’s telling the truth.
Simula noong nalaman niyang may ibang babae ang tatay niya ay bigla siyang
nagpull out sa social world. Natatakot siyang maging katulad ng Papa niya ang
mga taong lalapit sa kanya.
“Hindi mo pa rin ba napapatawad si
Papa?” tanong nito sa kanya.
“Matagal na.”
“Pero hindi mo malimutan, right?”
Marahas siyang napabuntong-hininga.
“Ate, paano mo nakalimutan? Paano mo nagagawang harapin si Papa na parang
walang nangyari? Kapag nakakaharap ko siya ay naaalala ko kung paano umiyak at
nasaktan si Mama.”
“Well, wala namang madaling proseso.
Katulad mo ay nahirapan din ako at napagdaanan ko na rin ang mga pinagdadaanan
mo ngayon.”
“What happened?”
“Alam kong hindi justifiable ang
ginawa ni Papa. May asawa at dalawang anak siya na babae pero nagawa pa rin
niyang pumatol sa ibang babae. Wala siyang pwedeng idahilan doon. Pero nagbago
si Papa, ginawa niya ang lahat para mapatawad ni Mama. Kahit na nagsama sila ni
Mama sa isang silid ay alam kong magkahiwalay sila ng higaan ng ilang taon.
Pinahirapan din siya ni Mama at ginawa ang lahat ni Papa para makabawi.
Makabawi sa kanyang asawa at sa atin kaya naisipan kong possible pala talagang
bigyang ng second chance ang isang tao. Kung nagawa ni Mama ay bakit hindi ko
magawa? Dahan-dahan ay binuksan ko ang puso ko para kay Papa hanggang sa
tuluyan ko na siyang napatawad.”
Hindi niya alam na may nangyari
palang ganoon. Noong bumalik ang ama sa kanilang bahay ay naitanong niya sa
kanyang sarili kung paano nakalimutan ng ina niya ang ginawa nito. Hindi niya
alam na naghirap rin pala ang tatay niya na makuha ang kapatawaran mula sa
asawa nito, sa nanay nila. Tama ang ate niya, kung nagawa ng kanyang ina bakit
hindi niya magawa?
“Huwag mong i-force ang sarili mo,
dahan-dahan lang ang process.” Tinapik siya nito at inutusang umupo paharap sa
kanya. “Live with us.”
“Ha?”
“Give our father a chance, tumira ka
muna sa bahay nina Mama at Papa. Sabihin natin na mas malapit iyon sa office ng
Amore Gazette at kailangan mo munang sanayin ang sarili mo sa work.”
“Pero-.”
“Mas magiging happy si Mama kapag
ginawa niya iyon.” Her sister’s convincing look is too much for her to handle.
“One week or two weeks, subok lang Jada.” Maybe her sister is right at maybe
staying with her parents can be an excuse for her not to see Hanz. Baka nga
kapag hindi niya nakikita ang huli ay bumaba ang lebel ng nararamdaman niya,
it’s a good theory and maybe she can put it into a test.
“I’ll do that, I think you are
right.”
“Of course, I’m right.” Pumalakpak
ito. “At dahil pumayag ka at dahil alam mong pinaglilihian kita kaya papayag ka
rin sa permanent make-over mo.”
“Tey-teyka, anong make-over? Lilipat
lang ako sa bahay nina Mama.”
“You will be working at Amore
Gazette, that’s a fashion magazine little sister. At ayokong hindi ka magiging
sobrang pretty kapag nandoon ka na. you need to be the queen of Amore Gazette.”
Tumabingi ang kanyang ngiti sa sinabi nito pero sabi nga ni Janine ay
pinaglilihian siya nito kaya wala siyang choice. Ayaw niyang lumabas ang
pamangkin niya na maging kasing weird ng tita nito.
“WALA
ng tao diyan.” Nagulat si Hanz sa
sinabi ni Genesis. Ilang araw na siyang pabalik-balik sa bahay ni Jada at
nagbabakasakaling makausap ito pero hindi niya ito naaabutan. Palaging walang
tao samantalang kahit na naghyhybernate ito kapag nagsusulat ay mapapansin pa
rin ng dumadaan na may tao. Ilang araw na rin niyang hindi nakikita si Leo.
“Saan siya nagpunta?”
“That I don’t know.” Mas lalo siyang
nafrustrate sa ideyang umalis ito at walang may alam kahit na sino kung saan
ito nagpunta. “Oh, I like that look. Huwag kang gagalaw.” Kinuhanan siya ng
kaibigan ng picture gamit ang cellphone nito.
“What are you doing?” iritadong
tanong niya. He’s been like this since that day! He’s a mess and he can’t blame
anyone about it.
“I’ve never seen you look like this.
Heartbroken, restless, frustrated and suicidal. Ipa-pa-frame ko ito and I’ll
gift this to you in your wedding day.” Mas lalong nainis siya sa mundo dahil sa
sinabi ni Genesis. Kung hindi siguro niya ito kaibigan malamang ay nakaisa na
ito sa kanya. “Just kidding, Hanz.” Inakbayan siya nito. “Kung hindi ka kasi
gago at saksakan ng torpe eh di sana hindi ka na nagmomoment dito.”
“Nagsalita ang hindi?”
“Matagal mo ng gusto si Jada,
college palang tayo ay halatang may pagtingin ka na sa kanya. Kung hindi mo
nalaman mula sa akin na magkapitbahay kami ay matagal ka ng nakalipad sa
states, sinayang mo ang isang magandang offer para lang maging kapitbahay mo
siya. At nang makita mo naman siya ay kung hindi mo siya iniinis ay lantaran
mong pinapakita sa kanya na kabi-kabila ang side chicks mo. Dude, walang
babaeng matino na hindi ka tatakbuhan sa pinaggagawa mo.”
“I know I’m such a-.”
“Jejemon.”
Ngumisi ito sa kanya. “Nangyari na
ang nangyari, kung ayaw mong matawag na jerk ay gawin mo na ang dapat mong
gawin at huwag mo nang sayangin ang oras mo at lalo naman ang oras niya. Sapat
na ang pamemeste mo sa buhay niya at ang pagkidnap mo kay Leo paminsan-minsan.”
Napatingin siya sa bahay ni Jada,
tama si Genesis kailangan na niyang kumilos. Masyado na talaga niyang
sinasayang ang oras niya.
“Kapag ako naman ang nasa lagay mo
ngayon Hanz, pakisampal din sa akin ang sinabi ko sa iyo. I think I need that
in few more months.”
“Bakit hindi mo gawin ngayon? We can
both work it out.”
“Wala pa siya, saka na kapag
nakabalik na uli siya. She’s running away from me and I knew it was my fault.”
Mukhang tama nga ang sinasabi nila, birds of the same feathers flocks together.
“By the way, may meeting tayo with
the owner of Amore Gazette. May plano silang mag-extend ng building and our
company won the bid.”
“But I need to look for Jada.”
“Sasamahan kita kay Dorothy,
bestfriend iyon ng irog mo. Baka may alam siya.” Anito.
“GOOD
DAY everyone, I have a very important news.” Itinulak ni Jada ang sarili at
lumabas sa cubicle upang harapin si Jasper. Ang kanilang chief editor. So far
ay wala siyang reklamo sa kanyang ginagawa. Masaya siya sa kanyang trabaho lalo
pa at chill lang ang kasama niya sa department. Nandoon pa rin iyong time na
namimiss niyang tumunganga at nag-iisip ng plot sa kanyang panibagong nobela.
“May bonus ba, Chief?” tanong ni
Lesley, isa sa mga kasama niya. Mukhang pera talaga ito pero mabait at
masayahin. “May raise ba ulit kami?”
“Wala pang isang buwan simula ng
bigyan kayo ng raise tapos nanghihingi ka na agad? Saka na kapag stable na spot
one ang Amore Gazette.” Sakay ni Jasper kay Lesley.
“What’s the good news po?”
“The company decided to build an
extention, a new building. We are going to have a new office very soon kaya
hindi niyo na masasalubong ang mga taga-News Department.” Sa ilang linggong
pananatili niya sa Amore ay napansin din niyang may tension sa pagitan ng
Fashion magazine department at nang News Department. Sa tingin niya ay madalas
na-co-compare ang dalawa sa number of sales kahit na magkaiba ang kanilang main
target at magkaiba din ang days of release nila. Everyday ang release sa News
Department habang once a month lang sila kaya ipon-ipon din ng mga articles.
“That’s a really good news.” Sabi ni
Sebastian and kanilang lay-out artist na gising na, madalas kasi itong tulog.
“Sana ay bumaba na ang insecurity nila sa department natin, can’t really blame
them though ang daming magaganda sa department natin.”
“True!”
“Tama!”
“Korek
ka diyan.”
Natatawa at nailing nalang siya sa
strong na pagsang-ayon ng kanyang mga kasama.
“And they might be adding a new
department soon.”
“Ang dami na nating karibal.”
Reklamo ni Julie. “Ano na naman ang ilalabas nila this time? Sana ay hindi
men’s magazine dahil mag-aapply talaga ako.” Ngumisi ito.
“Well, that’s soon to be announced
maghintay lang tayo and by the way, there’s another good news for the
department.”
“Ay siguradong mai-insecure na naman
ang ibang department sa good news na iyan.”
Nahampas niya ng wala sa oras si
Lesley dahil ito yata ang may pinakamalaking angst sa kabilang departamento.
“They might be, tumaas ng two
percent ang sales natin this month. Nagustuhan ng mga readers ang bagong
columns natin.” Tumingin ito sa kanya. “They really loved that part, lalo na ng
mga teenagers. Well, they are into romance these days.”
“Of course chief Jasper, our
department hires the best. Ang problema nalang talaga natin ay palaging missing
in action ang partner in crime ni Jada.”
Napatingin siya sa empty cubicle ni
Lian, ito ang kanilang main illustrator at tulad niya ay medyo weird din ito.
“Nasa tabi-tabi lang iyon, lalabas
din iyon mamaya.” And as a cue ay pumasok na nga si Lian na may bitbit na
maraming pagkain at ice cream.
“Ohayou
gozaimazu.” Walang pakialam na bati nito at tumabi sa kanya. Ibinigay nito
sa kanya ang isang pakete ng ice cream at kinain din niya iyon. Nagkakasundo
sila sa maraming bagay at nagkaroon siya ng new found friend sa katauhan nito.
Kahit na si Dorothy ay enjoy na enjoy sa presensya ni Lian.
“Anong meron?” tanong nito.
“Ifa-fire ka raw.” Si Julie.”
“Nani?”
tumingin it okay Jasper. “You can’t fire me yet, na-max out na ang credit
card ko dahil sa mga necessities ko. I need to pay them first before you fire
me.” Natawa sila sa reaksyon nito kahit na si Jasper ay nailing na rin. Wala na
ring pag-asa itong umayos ang bait.
“Kayo na ang magpaliwanag kay Lian.”
At nagpaalam na ang brother-in-law.
“Wait lang chief boss! Don’t fire
meeeee—.”
“Chill, walang magfi-fire sa iyo.”
Napansin niya ang maleta na nasa ilalim ng cubicle nito. “May pupuntahan ka
ba?”
“Pinaalis ako ng landlady ko, I’m
broke as fudge!”
“Huwag mo nga akong lokohin alam
kong may pera ka bakit hindi mo bayaran ang landlady mo at nang makabalik ka sa
bahay mo.”
“I forgot my ATM’s pin at
nakakapagod maghintay sa banko ang tagal nilang magreset ng pin.”
“Saan ka matutulog ngayong gabi?”
luminga-linga ito bago bumulong.
“I can stay here, may sleeping
lounge naman sa tenth floor. I can sleep there and live here.” Sinapok niya ito
sa ulo. Ngayon lang niya naiintindihan ang frustrations ni Dorothy kapag kasama
siya, she can literally see herself on Lian.
“Kung gusto mo ay pwede kang tumira
sa bahay ko, nasa bahay ako nina Mama at Papa ngayon. Wala pang nakatira sa
bahay ko sa SeasonsVille, sa susunod na linggo pa ako babalik doon.”
“Housemate! Thank you very much for
saving the poor me. I promise to be your slave for the rest of my stay in your
house. Don’t worry, maghahanap ako ng lalaking pwede akong ibahay for free.”
“Gaga ka talaga, malaki-laki ang
lilinisan mo doon kaya huwag kang magpasalamat.”
“Magaling akong maglinis at
magluto.” Pagkatapos i-orient si Lian sa gagawin sa bahay ay pumunta siya sa
pantry upang kumuha ng makakain. Kinain rin kasi ng kasama ang ibinigay nitong
pagkain sa kanya. Nagtataka siya kung saan nito dinadala ang pagkain na kinakain
nito sa liit ng katawan ni Lian.
Nasa kalagitnaan siya ng kanyang
paglalakad ng biglang may mahagip na pamilyar na pigura sa gilid ng kanyang mga
mata. Ang malakas na pagtibok ng kanyang puso ang palatandaan na kakilala niya
ang taong iyon.
“Hanz?” wala sa sariling naiusal
niya. Masyado na ba niyang namimiss ang lalaki at kung saan-saan na niya ito
nakikita? “Baliw ka talaga Jada, paano naman mapupunta si Hanz dito?” hindi
niya alam kung paano haharapin muli ang lalaki kahit na ilang beses na siyang nakapag-drill
sa kanyang isip kung ano ang gagawin.
She can’t live like this forever,
kahit na tanggap niya sa kanyang sarili na hindi magiging sila ay ayaw din
niyang ibaon ang nararamdaman sa ilalim ng lupa. Kailangan niyang masabi sa
lalaki ang tunay niyang nararamdaman at nang ma-busted na siya nito tapos ay
makapagmove on na siya sa kanyang buhay. Masyado siyang advanced mag-isip at
na-prepare na rin niya ang kanyang puso at utak sa mangyayari kahit na alam
niyang walang taong prepared masaktan. Kahit alam nilang masasaktan sila ay
hindi pa rin sapat ang preparation na iyon sa tunay na intensity ng pain na
pwedeng maramdaman ng isang tao.
“Masyado yatang malalim ang iniisip
mo, a penny for your thoughts?” naramdaman niya ang pag-akbay ni Jasper sa kanya.
“May nakita lang akong akala ko ay
kakilala ko.”
“Your loverboy?”
“Of course not.” Inis na siniko niya
ito.
“Jada, alam mo bang pinagpustahan ka
namin ng ate mo?” kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito. “Ang sabi niya ay
brokenhearted ka dahil hindi normal ang mga kinikilos mo ang sabi ko naman
normal ka ng medyo abnormal. Gets?”
“As far as I remembered hindi laro ang buhay ko para
pagpustahan ninyo. Wala talaga kayong maggawa sa buhay at ako ang
napag-interesan ninyong dalawa.”
“Ikaw ang pinaglilihian ng kapatid
mo kaya masyado siyang interesado sa buhay mo. Kabisado na nga yata pati ang
segundo ng paghinga mo, which is weird. I know Janine adored you a lot pero
hindi tulad nito, nagseselos na nga ako minsan.”
Nagkibit-balikat siya dahil pansin din
niyang super clingy ng ate niya sa kanya. “Ganyan talaga ako ka-iresista---
awww!” napahiyaw siya ng pisilin nito ang kanyang magkabilang pisngi. “Jasper,
ano ba.” Pilit niyang tinatanggal ang pagkakapisil nito sa kanyang pisngi dahil
nasasaktan na siya. “Isa--.” Hindi pa man natatapos ang kanyang pagbibilang ay
may dalawang kamay na nagtanggal ng kamay ng brother-in-law sa kanyang pisngi.
“She said stop.” Matigas na ani ng
bagong dating.
“Ha-Hanz?” bulong niya. Sobrang
dilim ng hitsura nitong nakatitig sa gulat na gulat na kaibigan. Si Hanz nga! Gulat din siya at hindi
makapaniwalang hindi pala siya namamalikmata.
“And who are you?” ma-awtoridad na
usisa ni Jasper.
“Ikaw, sino ka?” maangas din na
tanong ni Hanz.
Pasimpleng umakbay sa kanya si Jasper
na naging dahilan kung bakit naningkit ang mga mata ni Hanz. Kung pagbabasehan
ang reaksyon ng kaharap ay siguradong nagseselos ito, iyon ang nasusulat niya
sa mga nobela niya. Pero imposibleng mangyari iyon, hindi ba?
“Jasper, mauna ka na sa office.”
Utos niya sa katabi dahil may naaamoy siyang away, alam niyang napapansin din
ni Jas ang reaction ng bagong kakilala at nasa mood itong mangprovoke.
“Don’t touch her.” Mariing utos ni
Hanz.
“Sino ka para pagsabihan akong huwag
hawakan si Jada? Sanay na akong inaakbayan, niyayakap at pinipisil ang pisngi
ni Jada.” Naghahanap talaga ng away itong si Jasper. Isusumbong niya ito sa
kapatid para makatikim ng isa.
Humakbang palapit sa kanila si Hanz
and maybe because she saw him getting heat up once kaya alam niyang iyon ang cue
niya para paglayuin ang lalaki.
“Anong ginagawa mo dito Hanz?”
tanong niya para lang putulin ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
“Hanz, nandito ka lang pala.”
Napalingon siya nang marinig ang boses ni Genesis. “Oh, hi there Jada. Wow, mas
lalo ka yatang gumanda ngayon.” mahigpit siyang niyakap ng bagong dating kaya
mas natigilan siya at biglang napasulyap kay Hanz pero mas nakafocus lang ang
masamang tingin nito kay Jasper keysa kay Genesis.
“Genesis, pwede mo bang alisin si
Hanz dito?”
“Why?” sumulyap ito sa kaibigan.
“Gusto mong mag-coffee, Jada? Treat ko.” At hinila siya nito palayo sa dalawa
pero bago pa man sila makalayo ay agad na niyang nahila si Hanz palayo kay
Jasper. Wala yatang gustong magpatalo sa larong titigan ng dalawa. Kapag
na-inlove si Hanz sa brother-in-law ay siguradong kakalbuhin siya ng ate niya.
“Hanz, Genesis, ano ba ang ginagawa
niyo dito?” pasimpleng humarang siya sa tatlong lalaki.
“May meeting kami with the owner,
Jada.” Si Genesis ang sumagot, naging spokesperson na yata ito ni Hanz na busy
pa rin sa eye sparring contest nito with Jas. Malakas siyang
napabuntong-hininga at hinawakan sa braso ang brother-in-law. Agad niyang
napansin ang pagdidilim ng mukha ni Hanz habang nakatitig sa kanila. Ano na naman ang problema nito?
“Hanz?” putol ni Jas sa katahimikan. “May problema
ka ba sa amin ni Jada?”
“Yes, malaki.”
“Don’t tell me gusto mo rin siya?”
palihim niyang kinurot ang likod ni Jasper dahil sa pinagsasabi nito.
“Jasper, let’s go. Hayaan mo nang
umalis ang mga bisita natin-.” Malambing na ngumiti sa kanya ang huli na para
bang may masamang pinaplano.
“Later, may gusto lang akong
malaman.” Alam niya kung ano ang gusto nitong malaman dahil alam niya ang takbo
ng utak nito. Alam niya base sa reaksyon ng mukha nito.
“Bitiwan mo siya.” Mahina pero halata ang
pagbabanta sa boses ni Hanz. “Bitiwan mo si Jada.”
“Sino ka para utusan akong bitawan
si Jada? Sabihin mo nga Hanz, may gusto ka ba kay Jada Kyrene?”
“Jasper, tama na.” kahit sumigaw
siya doon ay malakas ang pakiramdam niyang hindi makikinig si Jasper. Pakiramdam
niya ay maiiyak na siya sa hiya sa naging usapan ng dalawa, they were
discussing something so crucial and heartbreaking as if she wasn’t there with
them. Natatakot siya sa pwedeng isagot ni Hanz, natatakot siyang masaktan.
“Kung may gusto ako sa kanya may
problema ba?” Huh? Sigurado siya sa
narinig mula sa labi ng lalaki, hindi siya nabibingi lang o ano. Paanong
nasasabi ni Hanz na may gusto ito sa
kanya ng walang kagatol-gatol? Na para bang nagsasabi ito ng totoo? Kaya lang,
bakit ganoon? Dapat ay masaya siyang malaman na may gusto sa kanya si Hanz
dahil iyon ang gusto niya, iyon ang nais ng puso, iyon ang gusto niyang marinig
pero bigla siyang natakot. Natakot sa ideyang totoong may gusto sa kanya ang
lalaki. God knows how conflicting her feelings that moment.
“Ako walang problema, pero sigurado
akong si Jada meron.” Napatingin si Hanz sa kanya at nagtama ang kanilang mga
mata. Natigilan ito sa nakitang takot mula sa kanya, natatakot siya at
nasasaktan siya.
“Jada--.” Napahawak siya kay Jasper
nang magtangka itong lapitan siya.
“Anong masasabi mo Jada? Gusto ka ni
Hanz.”
Bumuka ang bibig niya pero agad din
iyong naisarado. Come on, Jada. Speak up!
This is your chance, sinabi na ni Hanz na gusto ka niya. Dapat ay i-grab mo ang
opportunity na tulad nito. utos sa kanya ng kanyang puso, iyon ang gusto
niyang gawin pero hindi niya kaya.
Natatakot
ka ba na maging katulad ng mga babaeng napasagot niya pagkatapos ay itinapon na
parang basura?
“I’m… scared.” Dalawang salita lang
iyon pero iyon na ang buod ng naging dahilan kung bakit nahihirapan siyang
tanggapin na gusto siya nito.
“Scared?” boses iyon ni Jasper.
“Scared that he might hurt you the same way he trashed his women before?”
napatingin siyang bigla kay Jasper. May palagay siyang kilala nito ang lalaking
kaharap kung nasasabi nito sa kanya ang mga bagay na iyon. “I can’t blame you,
mahirap nga namang magtiwala sa taong mas sanay manakit keysa mag-alaga ng
babae.” That was a sarcastic remark.
“Narinig mo naman siguro Hanz ang
sagot ni Jada hindi ba? You can’t blame her, hindi mo masisisi ang isang
matinong babae na matatakot na magustuhan ang isang kagaya mo. Sorry to say
this but I knew you, I knew your calibre when it comes to women. Ayokong
ipagkatiwala si Jada sa isang katulad mo.”
Tuluyan ng hindi nakasagot si Hanz
na para bang tinuklaw ng ahas ng maraming beses. “Let’s go, Jada.” Nagpahila
siya kay Jasper at nang mapadaan sa tabi ni Hanz ay tanging ‘sorry’ lang ang
nabigkas niya. Totoo kasi ang sinabi ni Jasper kanina, kahit gaano mo kagusto
ang isang tao kung wala ka ring tiwala dito ay wala ring mangyayari.
<3 <3 <3
A/N: Happy reading babies!
CTTO
TBC