8 – SURRENDER
HINDI
alam ni Jada kung anong gagawin
niyang approach para makausap si Hanz. Nahihiya siyang basta nalang itong
lapitan lalo na ngayon na mas lumilinaw ang tunay na nararamdaman niya para sa
binata. Wala siyang feelings kay Hanz – dati! Pero habang tumatagal ang
interaction nila ay napagtanto niyang babae rin pala siya, at tulad ng ibang
babae na nahuhumaling kay Hanz ay may ganoon rin siyang tendencies.
“Jada Kyrene, leash yourself girl.
Know your place, hindi ka dapat nagpapadala sa nararamdaman mo dahil tulad ng
ibang babae hindi ikaw ang tipo ni Hanz para seryosohin.” Ouch! Ang tanga lang talaga niya, sinasaktan niya ang kanyang
sarili.
“Meow.”
Napatitig siya sa kagigising na si Leo at napangisi ng malaki. Kinuha niya
ang pusa mula sa higaan nito at hinimas ang balahibo nito.
“Leo, kailangan ko ng tulong mo.”
Tinitigan lang siya ng pusa na para bang naghihintay na utusan niya. Mukhang bibigay
na rin ang utak niya dahil pati inosenteng pusa ay idadamay niya sa kanyang
kalokohan. “Hindi kalokohan ang humingi ng tawad.” Depensa niya sa kanyang
sarili. Bumaling uli siya sa pusa. “Leo, pwede ka bang mag-akyat bahay sa bahay
ni Hanz? Tapos hahanapin kita kunwari doon, please.” See, she’s really a genius. Dapat ay bigyan siya ng Nobel Prize.
“Kailangan ko lang mag-sorry sa lalaking iyon.” kinarga niya si Leo dahil kahit
ayaw nito ay pipilitin niya itong mag-akyat bahay. Kahit na siya ang magpapasok
sa alaga sa bahay ng lalaki.
“Meow.”
Pilit na umaalis sa kanyang pagkakayapos ang alaga, mukhang ayaw nitong
makipagcooperate sa kanya.
“Please, Leo. Sa dami ng kasalanan
mo sa akin at least ito man lang ang maitulong mo. This is for my peace of mind.”
Pakiusap niya dito.
Lumabas siya kahit na kinakagat na
siya ni Leo sa braso niya ay wala siyang pakialam. Naglalakad na siya papunta
sa bahay ni Hanz ng makasalubong niya si Heart ang barangay chairman sa
kabilang barangay pero ka-subdivision niya.
“Lacey!” masayang bati nito sa
kanya. Nasanay na rin siyang tinatawag siya ni Heart ng Lacey kaya hindi na
niya ito sinasaway. “Mabuti at nandito ka, hindi ba ikaw ang secretary ng
homevillage association?” tumaas ang isang kilay niya.
“Ako ba?” takang tanong din niya.
“Yes, you are. Papunta na rin ako sa
bahay mo dahil may pakiusap ako sa iyo.” Kumunot ang kanyang noo habang
nakatitig dito. Minsan ay natatakot siya kay Heart dahil palagi itong nakangiti
kahit na galit na galit. She actually reminds her of a character from the movie
Emoji. May inilabas itong isang nakatuping papel at ibiniga sa kanya.
“Ano iyan?” takang tanong niya.
“Solicitation letter.” Ibinigay nito
ang sulat sa kanya na agad niyang kinuha. Dahil sa kanyang ginawa ay nagawang
makatakas ni Leo mula sa kanyang pagkakayapos. Hinayaan na rin niya ang kanyang
pobreng pusa baka malamog na ito ng tuluyan sa kanya. “Sabi nila friend mo si
Hanz, medyo badmood kasi si Hanz nitong mga nakaraang araw kaya walang gustong
lumapit sa kanya. Pwede mo bang ibigay iyan sa kapitbahay natin?”
Mukhang hindi na pala niya kailangan
pang hingan ng tulog ang alaga niyang pusa dahil may paraan na siya para
makalapit sa lalaki.
“We are not in good terms pero
susubukan kong ibigay ito sa kanya.”
“Thank you so much Lacey, you’re
such an angel. Mauuna na muna ako dahil may kailangan pa akong bigyan ng
solicitation letter para sa outreach program natin this Sunday. By the way
attendance is a must, kung aabsent ka kailangan mong mag-donate ng twenty
thousand pesos kaya be there.”
“Ang laki naman ngayon ng padulas
mo.”
“Of course, ang makikinabang niyan
ay ang mga scholars ng subvision natin kaya mabuti ng sigurado.” Pagkaalis ni
Heart ay mabilis siyang nagtungo sa bahay ni Hanz. Ang totoo ay sobrang lakas
ng puso niya habang papalapit sa bahay nito. Alam niyang nasa bahay lang ito
dahil day-off nito ng araw na iyon at kung bakit niya alam, sa tagal na nilang
magkapitbahay ay may alam na siya kahit paano sa schedule nito. Napahawak siya
nang mahigpit sa papel na ibinigay ni Heart, hindi iyon pwedeng mawala sa
kanyang mga kamay dahil iyon ang susi niya para makausap ang binata.
“Here it is.” Aniya sa kanyang
sarili. Nakabukas ang mababang gate kaya agad siyang nakapasok. Kinatok niya
ang pinto ng kapitbahay. Naka-ilang katok na siya nang mapagtantong may
doorbell pala ang bahay nito kaya iyon ang napagtrip-an niya.
“What the hell!” malakas na mura ni
Hanz nang buksan nito ang pintuan. Nagkasalubong ang makakapal na kilay nito
habang nakatingin sa kanya. “What?” malamig nitong tanong. Hindi man lang siya
nito tinanong kung bakit halos sirain na niya ang doorbell ng bahay nito.
“May ipabibibigay si Heart.”
Ibinigay niya ang papel na hawak dito. Biglang naumid ang kanyang dila at hindi
niya mahanap ang tapang na kanina pa niya iniipon habang nakatitig sa mukha
nito. He doesn’t look so please to see her. Pakiramdam niya ang bumulusok sa
kanyang sikmura ang kanyang puso at parang nagkaka-hyperacidity na yata siya.
Kinuha ni Hanz ang papel at binasa,
bigla itong pumasok ng bahay pero hindi sinara ang pintuan. Pagkatapos ng ilang
segundo ay bumalik na ito at itinupi na uli ang solicitation letter, may
palagay siyang doon nito nilagay ang donation nito.
“May kailangan ka pa?” malamig
nitong tanong habang inaabot sa kanya ang papel. Bumuka ang kanyang bibig pero
agad din niya iyong tinikom at umiling. Wala na siyang lakas ng loob na
kausapin ito, tuluyan ng umatras ang kanyang tapang.
“Salamat--.” Sinara nito ang pintuan
kaya mas lalo siyang nanlumo. Mukhang tama nga ang sinabi ni Heart, he’s not in
good mood lately. Dapat yata ay hindi siya pumayag na harapin si Hanz ngayon
dahil sa nakita niyang reaksyon nito ay parang natatakot na tuloy siyang
lapitan at kausapin ang binata.
Mamatay
ka nalang na inuusig ng konsensya mo Jada. Suhestiyon ng kanyang konsensya.
Naglakad na siya palayo sa bahay ni Hanz, hindi niya kaya… para kasing may
malaking palad na pumipiga sa kanyang puso. Napahawak siya sa kanyang dibdib…
I
surrender, I won’t feel this kind of feel kung hindi ko siya gusto. Mukhang
kulang ang salitang ‘gusto’, she’s falling in love with him and it hurts like
hell.
“BAKIT ba ang tagal mo? Ikaw nalang yata ang hinihintay para
makaalis na tayo.” Salubong sa kanya ni Czarina. Napakamot siya ng ulo dahil
matagal siyang nakatulog kagabi dahil may tinatapos siyang nobela kaya hindi
agad siya nagising na ayon sa oras.
“Sorry na, may tinapos kasi akong
nobela.” Hingi niya nang paumanhin sa kapitbahay slash kaibigan.
“Sige na, doon ka nalang sa bus may
free space pa doon. Masikip na kasi dito sa van.” Tumango siya dahil mukhang
siya nalang yata ang hinihintay nito, sa pagkakaalam niya ay may tatlong
tourist bus ang maghahatid sa kanila na napag-utusan na mag-volunteer sa
kanilang quarterly medical mission and outreach program. Ang mga ‘fines’ na
nakukuha sa kanila mula sa paglabag ng batas at hindi pagsunod ng memorandum na
sine-set ng homeowners at ng kanilang mga leaders ay ginagamit para sa mga
program na tulad nito. Kaya nga kahit na
nagrereklamo sila sa laki ng pinapatong ni Heart ay hindi na rin sila
nagrereklamo dahil alam naman nilang hindi kurakot ang kanilang mga leaders at
nakikita nila ang transparency ng budget.
“Saan na iyong dalawang bus?”
“Nauna na, ang van at ang bus nalang
ang may free space kaya hinintay ka namin. Hindi pwedeng wala ka doon dahil
alam mo naman na markado ka na ni Heart sa dami ng mga absences mo tuwing may
meeting at get-together activities tayo.”
“Akyat na po ako.” Umakyat na siya
sa bus at inikot ang mga mata, nagdugtong agad ang kanyang kilay nang
mapagtantong puno na ang bus. Tulog na rin ang mga tao doon, alas kwatro ng
umaga ang call time nila at sigurado siyang hindi morning person karamihan ng
kanyang mga kapitbahay. Naglakad-lakad siya sa aisle nang dumako ang mga mata
sa bakanteng upuan pero agad na natigilan nang makilala ang katabi ng bakanteng
upuan. Si Hanz! Naka-sunglasses ang lalaki pero alam niyang gising ito, mabilis
nitong nilagay sa bakanteng upuan ang bag nitong dala at bumaling sa labas ng
bus na para bang sinasabing ayaw siya nito doon.
Humugot siya ng malalim na hininga
at nagtuloy-tuloy sa paghahanap ng vacant spot pero puno na iyon kaya bumalik
nalang siya sa may driver’s area.
“Kuya, doon nalang po ako sa van
sasakay. Wala na po palang vacant.” Mahinang ani niya sa driver dahil ayaw din
niyang magising ang mga kapitbahay na tulog na sa lakas ng kanyang boses.
“Pero Ma’am may bakante--.”
“Bababa na po ako. Sorry po at
naghintay kayo ng matagal dahil sa akin.” Hingi niya nang paumanhin. Wala itong
nagawa noong bumaba na siya at pumunta sa van.
“Bakit ka bumaba?” takang tanong ni
Czarina.
“Wala ng bakante doon.” Mas lalong
kumunot ang noo nito habang napatingin sa papalayong bus.
“Anong wala? Tama naman iyong count
ko ah.” Napasilip siya sa van nagsisiksikan na rin ang mga tao doon at kapag
sumiksik pa siya ay siguradong hindi na sila makakahinga.
“Huwag kang mag-alala, may nalimutan
din ako sa bahay at kailangan kong kunin. Kung hindi pa ako bumaba ay hindi ko
maalala ang cellphone at wallet ko.”
“Ha? Uuwi ka pa?”
Tumango siya at ngumiti dito. “Mauna
na kayo, hindi naman malayo ang pupuntahan natin kaya makakasunod pa rin ako.
Just tell Heart na susunod ako.” Diskumpyado ang mukha ni Czarina kaya ibinigay
niya ang backpack niya. “Dalhin mo ang bag ko para sure na pupunta ako.”
Mabilis namang kinuha nito ang kanyang bag.
“Make sure na pupunta ko or else
alam mo na ang mangyayari sa iyo once malaman ni Heart at ni Tatay Ben na wala
ka doon.”
“Opo!”
“Bilisan mo.”
Tumango siya. “Alis na kayo
siguradong hahanapin kayo ni Heart doon.” Wala itong nagawa kundi ang iwanan
siya doon. Kaya niyang magcommute papunta sa venue dahil hindi naman
bulubundukin ang kanilang pupuntahan. Tinanaw niya ang papalayong van at kinapa
ang cellphone na nakasuksok sa loob ng kanyang bulsa.
Kinapa niya ang coin purse sa
kabilang bulsa, mabuti nalang at nagseseparate siya ng pera in case of
emergencies. Malakas siyang napabuntong-hininga at inalala ang nangyari kanina
sa van.
“Sa palagay ko ay galit pa rin siya
sa akin.” Bulong niya sa kanyang sarili. “Kung galit siya sa akin ang childish
naman niya masyado pati upuan ay pinagkakait niya, akala naman niya ay gusto
kong tumabi sa kanya buwisit siya.” Iyong guilt na nararamdaman niya ay
unti-unting nagtratransform into inis.
Know
your place, Jada Kyrene. Utos ng maliit na boses sa kanyang utak. Yes, she
should know her place.
“Damn this pain.”
<3 <3 <3
Photo CTTO
A/N: Happy reading!
TBC
TBC
Ang sakit. Excited na ako sa next chapter mis author
ReplyDelete