9 – CRAZY
SINADYA
niyang lumayo sa grupo ni Hanz at
kahit hindi niya gaanong ka-close ang mga ka-subdivision na pinili niyang
makagrupo ay siniksik niya ang sarili niya sa mga ito. Hindi naman masasamang
tao ang mga kasama niya, naninibago lang siguro siya dahil siya ang hindi sanay
na makihalubilo sa mga bagong tao. Iyon ang pagkakamali niya bilang isang
manunulat, wala siyang gaanong experience sa pakikipagkapwa tao.
“Miss Jada, okay lang naman
magpahinga.” Pansin sa kanya ni Rowena. Mas bata ito sa kanya. “You’re my
favourite author kaya ayokong mapagod ka.” Napangiti nalang siya sa sinabi ng
kapitbahay.
“Okay lang Rowena, mukhang nagagamit
ko na rin ang mga unknown energy na meron ako sa katawan.” Ayaw niyang umupo at
magpahinga dahil pwede siyang malapitan ng mga kaibigan na kagrupo ni Hanz.
Kanina pa siya sinisipat ng mga ito na lumapit pero ayaw niya, ayaw niyang maka-grupo
ang lalaki. “Kung pagod ka na pwede ka munang magpahinga, kanina ka pa dito.”
Mas nauna ito keysa sa kanya.
“Dito nalang ako Miss, mas gusto
kong may ginagawa.” Kahit papaano ay alam niyang may kasama siya. Sa gilid ng
kanyang mga mata ay napansin niyang napapatingin sa kanyang gawi ang mga kasama
ni Hanz. Mukhang may diskusyon ang mga ito at si Hanz yata ang dahilan kung
bakit naiinis ang mga kasama nito. She can’t blame them, nakakainis naman
talaga ang lalaki.
Bigla siyang nataranta nang mapansin
na naglalakad si Hanz sa kanilang gawi, alam niyang hindi siya ang pupuntahan
nito pero mas mabilis na gumalaw ang katawan niya at agad na nahila si Rowena
sa kabilang direksyon. Alam niyang nagtataka ito pero sumunod lang sa kanya.
“May problema ba Miss Jada?”
“Huh? Nauuhaw ako, samahan mo akong
kumuha ng drinks para sa mga ka-grupo natin alam kong nauuhaw na rin sila.”
Dahilan niya.
“Ah, akala ko ay kung ano na.”
binitiwan niya ang braso ng kasama at naging normal na ang kanilang mga lakad.
“Sorry, medyo weird lang talaga ako
minsan.” Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.
“Don’t worry Miss, mas weird ang ate
ko. Nasa Japan siya kasi doon siya nagtuturo, sanay na nga yata ako sa mga
weird.”
Mabuti nalang at cooperative ang
napili niyang maging buddy-buddy kahit papaano ay napanatag ang kanyang loob.
“Miss Jada pwedeng magtanong.”
“Sure.”
“Boyfriend mo ba si Sir Hanz?”
muntik nang mabali ang leeg niya nang lingunin niya ang kasama.
“No. Bakit mo naitanong iyan?”
mabilis niyang sagot.
“Kasi ang weird niyo kanina, para
kayong may lover’s quarrel. May palagay kasi akong kayo ang pinag-uusapan nila
kanina tapos noong pupuntahan ka na niya ay bigla mo akong hinila.” Biglang
kumabog ang puso niya sa sinabi nito. Pupuntahan
siya ni Hanz? “Kaya akala ko ay may tampuhan kayo, mukha ka rin kasing
malungkot Miss.”
Nakarating sila sa refreshment area
at isa-isang kumuha ng mga bottled water. “Wala kaming lover’s quarrel at hindi
talaga kami close ni Sir Hanz.” Ginaya niya ang pagtawag nito kay Hanz.
“Eh? Pero bakit kanina ka pa niya
tinitingnan?”
Tinitingnan
ako ni Hanz? Sige pa Jada, paasahin mo pa ang sarili mo. Know your place
girl.
“Nagkakamali ka lang ng pansin,
medyo mabigat ito kaya mo bang dalhin ang mga iyan?” she tried changing the topic.
Ayaw niyang makasingit pa ang pangalan ni Hanz sa usapan nila, nasa point kasi
siya ng buhay niya na kapag may nagsabi sa kanyang may gusto sa kanya ang
lalaki ay paniniwalaan niya kaagad lalo na kapag hindi naman sila gaanong
kilala. “Kapitbahay lang kami at may common friends, we’re not that close.”
Kaila niya.
“Sayang naman I can see sparks eh,
parang sa mga sinusulat mong nobela.” Maliit na ngumiti siya dito.
“Magkaiba naman ang fiction sa
reyalidad, this is reality and sometimes reality slaps us hard. Balik na tayo
sa mga kasama natin.” Nag-about face na sila nang mamataan ang pamilyar na
pigura ni Hanz kasama si Genesis patungo sa kanilang pwesto. At katulad kanina
ay parang baliw na natataranta na naman siya.
“Wena, may short cut nga pala dito.
Nakita ko kanina, dito nalang tayo dumaan dahil medyo marami at mabigat ang mga
dala natin.”
“Sige Miss, no problem.” Malakas ang
kabog ng puso niya. Wala siyang pakialam kung alam ng dalawang parating na
umiiwas siya. Totoo naman iyon, ayaw niyang makasalamuha muna si Hanz dahil
naiinis siya dito.
“JADA KYRENE!” Napalingon siya nang marinig ang boses ni Dorothy.
Nauna ito sa kanya kaya hindi sila magkagrupo, kasama nito sina Yumi, Pamela,
Vanessa at Howard.
“Do.” Muntik na siyang mapatakbo
nang nasa parehas na mesa si Hanz, Genesis at ang ilan pang kapitbahay nila.
Gusto niyang tumakbo pero naisip niyang masyado ng obvious kung gagawin niya
iyon.
“Dito ka na maglunch.” Yaya ni Yumi.
“We still have a lot of space.” At ang space na tinutukoy nito ay ang pagitan
ni Genesis at ni Hanz. And as much as she wants to be with her close friends ay
tinanggihan niya ang offer.
“Thanks for the offer pero may space
na rin kasi doon for me, nakakahiyang tanggihan iyong mga ka-grupo ko.” Ani
niya.
“They will understand naman, I am
pretty sure of that.” Insist ni Doan.
“Next time nalang, doon muna ako.
Sige, nagugutom na rin kasi ako.” Paalam niya sa mga kasama at hindi sinulyapan
ng tingin ang lalaki.
“Akala namin ay sa kanila ka
sasabay.” Biro ni Francine, kaibigan ito ni Rowena kaya napalagay na rin ang
loob niya sa batang kapitbahay. “Okay lang naman sa amin.”
Agad siyang umiling. “Dito na ako,
masyado na rin crowded doon at ayoko sa mga maraming tao.”
“Ah, ganyan din ang isang friend
namin na si Julyan. Mukhang may ganyang tendencies ang mga writers ‘no?”
“Writer din ang friend mo?”
“Illegal ang ginagawa ng friend
namin pero huwag mo siyang isumbong, she writes thesis and research papers.
Malaki ang nakukuha niyang bayad mula sa mga tamad na estudyante o kaya naman
ay sobrang busy lang na mga students.”
Nagdugtong ang kanyang kilay.
“Full-time job niya iyon?”
“Nope,” sagot ni Wena. “She’s a
lay-out artist in an advertising company. Sideline lang niya iyong isa. We know
its bad at sinabihan na naman siyang itigil iyon, hopefully ay makinig na
siya.” Napatingin siya sa dalawang babae na mas bata sa kanya.
“Pwedeng magtanong kung anong
trabaho niyo?”
Ngumiti ang dalawa. “We’re
researchers sa isang Government institution.”
“Do you love your job?” hindi niya
maiwasang tanong. Nagdugtong ang kilay ni Rowena habang nakatingin sa kanya.
“Bakit Miss Jada? Napapagod ka na
bang magsulat?”
“Ha? Ah, hindi naman—well, may mga
oras na nakakaramdam ako ng pagod. Sa dami kasi ng mga naisulat ko ay
pigang-piga na rin ang utak ko.” Pag-amin niya dito.
“We don’t really love our job pero
kailangan kasi naming magpay back ng ilang years dahil sa scholarship na nakuha
namin. Hindi gaanong malaki ang sweldo, sapat lang. Okay lang naman ang trabaho
namin Miss pero syempre, nanghihinayang din kami sa maraming opportunities na
pwede naming makuha kung hindi kami nakatali sa scholarship.” Paliwanag ni
Francine.
“At saka Miss Jada, kahit na pagod
ka na sa pagsusulat hindi naman ibig sabihin na hindi mo na mahal ang ginagawa
mo right?”
Mahal ang ginagawa niya? She still
loves to write, baka nga tama ito. Baka pagod lang siya sa kaya nabuburn out na
siya lately.
“Kapag pagod kami sa school dati at
sa work namin ay past time namin ang magbasa ng mga stories mo Miss.
Nag-uunahan kaming bumili sa bookstore ng new releases mong novels, minsan
kapag walang pera ay hiraman lang kami ni Francine. Kapag may budget na ay saka
pa kami bibili ng kulang na books para collection.”
Hindi niya maiwasang mapangiti sa
sinabi ni Rowena. Naalala kasi niya ang sarili niya dati noong hindi pa siya
nagsusulat, iyong full time reader pa siya. May mga paborito siyang authors at
kapag may bagong books ang mga ito ay gagawin niya ang lahat para lang makabili
ng copy kahit na nabasa na niya iyon from somewhere.
“Baka kulang ka lang ng inspiration
Miss. Hindi ba iyan minsan ang dahilan kung bakit nagkaka-writer’s block ang
mga writers? You need to fall in love.”
“I did.” Wala sa sariling sagot
niya.
“Eh? May boyfriend ka na po?” halos
sabay na tanong ng dalawa kasabay ng pagniningning ng mga mata. “Kapitbahay
natin?”
Kinuha niya ang kanyang bottled
water at inubos ang laman. “I’m single, hindi porke’t may gusto ka ay kayo na
agad. Minsan ay nahuhulog ka lang ng walang dahilan sa taong imposible namang
maging sa iyo.”
“Aw, maybe you should tell him what
you feel Miss. Baka same pala kayo ng feelings.” Gusto sana niyang barahin si
Rowena pero sobrang inosente ang pagkakatitig nito sa kanya kaya pinigilan niya
ang matalas niyang dila. Gusto nga niyang isigaw dito na nahirapan nga siyang
magsabi ng sorry dito, feelings pa kaya.
“Ano ka ba Rowena kung makapagsabi
ka ng sabihin mo ang feelings mo as if naman nakaya mong gawin iyan sa crush
mo.” Ani ni Francine sa kaibigan.
“Iba naman sa part ko dahil alam kong
walang feelings sa akin si crush.”
“Malay naman kasi natin si Miss,
iyong crush niya may feelings sa iba.” Parang gusto niyang kurutin sa singit si
Francine dahil sa katotohanang isinampal nito sa mukha niya. Well, tama din
naman kasi ito.
“Hindi ah, feeling ko nga may
feelings din si Sir Hanz kay Miss Jada.” Tuluyan na siyang nabulunan sa sinabi
ni Rowena.
“Hala, Miss-.” Agad siyang dinaluhan
ng dalawa at ng mga kasama niya. Pina-inom siya ng tubig ng mga ito nang
maramdaman na may humahaplos sa likod niya. Dahil sa akala niya ay mga kasama
niya na dumalo sa kanya kaya hinayaan niya lang ito. May nagbigay uli sa kanya
ng tubig at tinanggap niya iyon, it took her some time to finally back to
normal.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong
ng humahaplos sa likod niya. Sunod-sunod siyang tumango. “You sure? Gusto mong
dalhin kita sa clinic—sa mga doctors?” umiling naman siya. Pinunasan niya ang
luha sa kanyang pisngi dahil sa pag-ubo niya. “Jada Ky--.”
“I’m fine--.” Natigilan siya nang
mapagsino ang kanina pa umaalalay sa kanya. “Hanz.”
“Sigurado kang okay ka lang?”
natigilan siya at iyong puso niya ay parang lalabas na sa kanyang dibdib sa
sobrang lakas ng tibok niyon. May kinuha itong panyo at hindi niya alam kung
kanino iyon at ipinunas sa kanyang noo at sa kanyang pisngi. “Do you want some
water?”
Magkadikit pa rin ang kanyang mga
labi habang nakatitig dito. It feels so surreal, parang hindi totoong nasa
harapan nga niya ang lalaking ilang araw ng hindi siya pinapansin.
“Ano ba ang nangyari?” nakakunot ang
magkadugtong ang kilay ni Hanz habang tinatanong ang dalawang babae na kasama
niya. And then it hits her, totoong si Hanz ang nasa harap niya nga.
“Kasi Sir Hanz, may sinabi lang
kaming joke kaya nabulunan si Miss Jada.”
“I’m okay. Nabulunan lang ako.” She
tried no to stutter. Alam niyang alam ng dalawang babaeng kasama na si Hanz ang
tinutukoy niya base sa naging reaksyon niya nang banggitin ni Rowena ang
pangalan nito. At ang paglapit ni Hanz sa kanila samantalang sinabi niyang
hindi sila close ang isa pang proof.
“Okay na ba si Jada, Hanz?”
nag-aalalang tanong ni DoAn, may bitbit itong bote ng mineral water. “Friend,
are you okay?”
“Nabulunan lang ako, okay na ako.”
Iyong puso lang niya ang hindi pa masyadong okay.
“Mabuti naman, akala namin kung anon
a ang nangyari sa iyo.”
“Salamat pero okay lang talaga ako,
nabulunan lang. Mag-iingat na ako next time.” Iniwas niya ang tingin mula kay
Hanz dahil kapag tinititigan niya ito ay mas lalong nagwawala ang puso niya.
“Bu-bumalik na kayo sa table niyo, sorry din sa disturbo.” Tumayo na si Hanz at
inabot ang braso niya. Hinawakan nito ang kanyang palad at marahang inilagay
doon ang panyong ginamit nito para punasan ang kanyang pawis.
“You rest.” Seryoso ito. “We’ll talk
later.”
MUKHANG
napatunayan na nga niya kung gaano siya kabaliw dahil pagkatapos ng munting
kaguluhan kaninang lunch ay parang tangang naging ninja siya. Kapag
nararamdaman niyang nasa malapit lang si Hanz ay bigla-bigla siyang naghahanap
ng matataguan niya. She just can’t believe she did that.
“Miss Jada, sasabay ka ba sa amin?”
tanong ni Francine. Hindi na siya tinutukso nito, kanina noong nakaalis na si
Hanz ay sandamakmak na tukso ang natanggap niya sa dalawa.
“Hindi, magco-commute ako.” Ani niya
dito.
“Why? Maraming tourist bus naman,
pwede kang doon maupo. Alam namin na pagod ka na rin.” Pagod na ang lahat ng sa
kanila at sigurado siyang iidlip muna ang lahat habang nasa bus. And she’s
pretty sure jampack ang mga upuan at wala na ring space. Mag-ga-grab nalang
siguro siya at pupunta sa bahay ng ate niya, doon muna siya magpapahinga.
“Malapit lang ang bahay ng ate ko
dito, mas mabuting doon muna ako magpapahinga ngayong gabi dahil wala na rin
akong energy na umuwi pa.”
“Sige, Miss.” Napahikab na ang
dalawa at halatang pagod na rin. Pumunta muna siya sa restroom bago lumabas at
nag-abang ng taxi dahil walang nag-aaccept na driver sa Grab. She’s still
waiting when someone grab her arms and pulled her away from her current
position. Agad siyang napatingin sa may hawak sa kanya.
“Hanz!”
“You are coming with me.” Tumigil
muna ito at hinawakan ang magkabilang braso niya niya gamit lang ang isang
kamay nito. Marahan siya nitong itinulak sa bus na sinasakyan nito kanina.
“Hanz, nakita mo na ang nakalimutan
mo?” salubong ni Genesis. “Ohh—Ah!” bumalik lang si Genesis sa upuan nito nang
makita siya.
“Sit.” Pinaupo siya nito sa upuan na
malapit sa bintana bago ito umupo sa kanyang tabi. Napapatingin at napapasulyap
lang ang mga kasama nila sa bus.
“Hanz.”
“What?”
“My hands.” Hawak pa rin nito ang
isang kamay niya at mukhang wala itong balak na bitiwan iyon kaya siya na mismo
ang gumawa ng paraan para makawala sa pagkakahawak nito. And when she finally
succeeded ay dumapo naman ang magkabilang palad nito sa kanyang magkabilang
pisngi.
“Jada.” Nandoon na naman ang
seryusong sambit nito sa kanyang pangalan.
“Sorry.” Biglang nanulas sa kanyang
mga labi. Nagulat yata ito sa kanyang sinabi at biglang nawalan ng sasabihin.
“I know I offended you the last time we talk. Kaya ba galit ka sa akin?”
Bumuka ang mga labi nito tapos ay
napatikom uli ito, pagkatapos ng ilang saglit ay napapailing nalang si Hanz
kasabay ng pagsilay ng magandang ngiti sa mga labi nito.
“I am crazy, I am damn crazy.”
Mahinang usal ng lalaking kaharap. Ano ba ang nangyayari kay Hanz? Mukhang
nababaliw na nga ito.
<3 <3 <3
PHOTO CTTO
A/N: Enjoy reading babies!
kilig... mga hanz tlaga ♥
ReplyDelete