Monday, July 22, 2019

Black Magic 5 - Write Love: 10 - Heart Pains


10 – Heart Pains
            NAPAHIKAB si Jada nang maramdaman na huminto ang bus na sinasakyan nila. Medyo nainis pa siya dahil naputol ang kanyang tulog, but as they say good things has an end. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at groggy pa na nakatitig sa mga kasamahan na dahan-dahan nang bumababa. Parang siya rin ang mga ito, parang walking zombie lang. She stretches her legs and arms only to find out that she can’t move. May nakatali sa beywang niya! Natatarantang tiningnan niya ang dahilan kung bakit nahihirapan siyang kumilos. Hanz arm is around her waist.
            Balak sana niyang tumayo agad pero nang makitang himbing na himbing ang tulog ng katabi ay hindi na niya nagawa. Halatang pagod na pagod ito marahil sa ginawa nito kanina. Hindi niya maiwasang titigan ang lalaki, he really looks good. Kaya hindi nakapagtatakang habulin ito ng mga babae.
            Marahan siyang napabuntong-hinga lalo pa at hindi na rin niya kayang pigilan ang tunay na nararamdaman sa binata. Hindi siya tanga at lalong hindi siya manhid. May malaking puwang na si Hanz sa kanyang puso at iyon ang ikinakatakot niya. Sa mga nobelang kanyang sinusulat ay dapat isini-celebrate ang pagtibok ng puso ng babaeng bida, sa parte niya ay kulang nalang ay ibaon niya ang sarili sa hukay.
            Kumuha siya ng malaking batong ipupukpok niya sa kanyang ulo. She fell in love with Johannes Salamandres. Isang lalaking madaling magsawa sa mga bagay-bagay, isang lalaking mahilig sa mga challenges at isang lalaking hindi yata marunong sumeryuso. How can fate be so cruel to her?
            Nataranta siyang bigla nang magmulat ito ng mga mata. “Where are we?” inaantok din na tanong nito sa kanya. Nagkasalubong ang kanilang paningin, hindi niya alam kung nagulat ito nang siya ang unang nakita dahil nakatitig lang ito sa kanya. She even though he’d pushed her but he just tightened his arms around her waist making it impossible for her heart to stay calm.  
            “Bababa na ako Hanz.” Pukaw niya dito dahil may balak yata itong makipag-staring contest sa kanya.
            “Sabay na tayo.” Mabilis na inalis nito ang braso na nakapulupot sa beywang niya at agad na nahawakan ang kanyang palad. “Mukhang sa clubhouse tayo huminto.” Anito na sinilip ang labas ng bintana sa may gawi niya. Siya ang nasa tabi ng bintana kaya mas lalong napalapit ng husto ang mukha ng kasama sa kanyang mukha. Hanz is turtoring her poor heart and testing her weak control.
            Sa palagay niya ay ang isa sa pinaka-weakness ng mga babaeng never pang nagkakaboyfriend ay hindi nila alam kung paano kontrolin ang mga sitwasyon na tulad nito. Nahihirapan siyang mag-isip sa kakarampot na distansya sa pagitan nila at mas lalong hindi niya alam kung hanggang kailan niya matitiis na huwag ilapat ang labi sa pisngi nito. He’s really a temptation at hindi niya alam kung sinasadya ba nito o hindi.
            “It’s past seven. Gusto mong magdinner muna? Alam kong hindi ka nakakain ng maayos kanina.” Ano ba ang dapat niyang isagot sa pagyaya nito? Yes? I will? I do? Dios mio, ilang beses na niyang nasulat ang ganitong eksena at dapat alam na rin niya ang sasabihin at gagawin pero ayaw makipagcooperate nang kanyang utak at ang kanyang katawan.
            “Uhm—kasi--.” Hindi normal sa kanya ang walang masabi. Madalas ay binabara na niya ito pero hindi niya magawa!
            “Let’s go.” Hinila na siya nito patayo at inalalayan hanggang sa makababa ng bus. Mukhang sila nalang dalawa doon, kahit na ang driver ay wala na kinauupuan nito kanina.  She needs to calm herself, she needs to collect her sanity.
            “I-I really need to go home, kailangan kong pakainin si Leo-.” She tried pulling her arms but he just tightened his grip.
            “Let’s eat first, ihahatid na kita sa inyo.” Wala talaga itong balak na patakasin siya. “I’m hungry at ayokong nagdidinner ng mag-isa dahil boring.” Kung ang pagkakabigkas nito ng huling salita nito ang naging dahilan kung bakit ay tila kumalma ang puso niya o ang hitsura nito ay hindi niya alam. It’s as if he really find the word ‘boring’ really boring and irritating. “Treat kita.”
            “Hanz, hindi ba sabi ko sa iyo save your money.”
            “I’m saving don’t worry. I just want to eat.” Marahan siyang napabuntong-hininga. She’s just making everything worst, maybe she can let herself try what it likes to be with somebody she likes.  “Pwede mo rin akong ilibre.”
“Wala akong pera.” Agad na sabi niya.
            “Joke lang, libre ko. Mayaman ako ngayon.”
            “Fine.” Halata ang tuwa nito sa kanyang pagpayag. He’s genuinely happy.
            “Let’s go.” Ito na ang humila na naman sa kanya at hinayaan nalang niya ito. Walang kwenta ang makipagmatigasan sa lalaki lalo pa at nasa mood ito ngayon. Napatitig siya sa magkasugpong nilang mga palad, mas malinaw pa sa sikat ng araw ang nararamdaman niya kay Hanz at mas malinaw rin sa purified drinking water ang takot na nararamdaman niya. Posible pala talagang magmahal at matakot ng sabay.
            “Let’s try Roue’s new dish sa Wild Thyme.” Tumango siya. “Have you been here?” he asks.
            “Sa ibang branch.” Napasulyap siya sa mga palad nila. “Uhm, Hanz. Pwede mo na sigurong bitawan ang kamay ko, hindi naman ako tatakbo.” Napatingin ito sa magkasugpong nila palad at mukhang nagulat din ito ng makitang hawak nito ang kanyang palad. Dahan-dahan nitong binitawan ang hawak sa kanya at medyo nalungkot siya sa ginawa nito pero iyon kasi ang gusto niya.    
            “I’ve never been to Wild Thyme, base sa mga naririnig ko ay maganda naman ang review and since nasa subdivision na sila kaya naisipan kong subukan. Masarap ba talaga ang food nila dito?”
            “May dishes akong gusto dito, masarap ang timpla ng kanilang mga pagkain. Depende na lang talaga sa panlasa ng kumakain kung pasok ba iyon sa kanilang taste buds. Kasama ko ang mga magulat at ate ko noong huling kain ko at magaganda naman ang feedback mula sa kanila. Lalo na ng tatay ko, masyado kasi iyong pihikan sa pagkain.” Mabilis silang nakarating sa restaurant at agad na nabigyan ng table.
            “Palagi mong kasama ang mga magulang mo noong lumaki ka?” biglaang tanong nito.
            “Ang mama ko lang, sundalo kasi ang papa ko kaya palagi siyang wala sa bahay. Kapag may bakasyon lang siya kami nagkakasama pero bumabawi naman siya sa amin.” Aniya dito. “How about you and your parents?”
            “Well…” nagkibit-balikat ito. “Parehong OFW ang parents ko, engineer ang daddy ko sa Dubai habang nurse sa Canada ang mommy ko. Lumaki ako na kasama ang tita at tito ko at mga pinsan.”
            “Pero kasama mo na sila ngayon?” wala siyang alam sa buhay ni Hanz. Wala itong kasama sa bahay.
            “Noong naisip nilang magretire ay nakabukod na ako. Bumibisita ako minsan sa kanila kapag hindi masyadong busy sa work.”  Naisip niya kaya pala pala nasabi nitong boring kapag walang kasama dahil palagi na itong nag-iisa habang lumalaki.
            “Nami-miss mo ba ang mga magulang mo? Pwede mo naman silang dalawin, wala namang mawawala sa iyo kapag ginawa mo iyon.”
            Hindi sumagot ang kausap niya, mukhang taboo para dito ang pag-usapan ang tungkol sa pamilya nito. Akala nga niya ay hindi na talaga ito sasagot pero maya-maya ay nagsalita na ito.
            “Ang awkward ng feeling, hindi ako sanay na kausap ang mga magulang ko sa personal.”
            “But you missed them. Mga magulang mo pa rin sila, mas magiging masaya sila kapag binibisita mo sila paminsan-minsan.” Again, hindi ito agad umimik pero halatang pinag-isipan nito ang sinabi niya. “Malayo din ang loob namin ni ate sa Papa namin, si Mama ang kasama naming lumaki. Kung hindi siguro naging malubha ang tama ni Papa noong huling misyon niya ay malamang nasa army pa rin siya hanggang ngayon. Kapag nasa bahay si Papa ay sobrang awkward ng feeling, hindi namin siya kinakausap at minsan ay sinasadya namin na magtagal sa school o kaya naman ay tumambay sa kung saan dahil ayaw namin siyang makausap.” Mataman itong nakinig sa kanya kaya siya nagpatuloy. “Naiintindihan naman ni Papa kung bakit ganoon, lalo pa at minsan ay nagkamali siya sa mga desisyon niya sa buhay.” Tipid siyang ngumiti.
“Nagkaroon ng karelasyon ang tatay ko habang nasa ibang lugar siya, nalaman iyon ni Mama. Galit na galit kami ni ate sa nangyari at halos hindi kami makapaniwalang nagawa niya iyon. Sa tingin ko nga doon nagsimulang lumayo ang loob namin sa kanya. Tinanggap pa rin siya ni Mama at ni Ate. Tinanggap pa rin namin siya noong bumalik siya sa amin na para bang walang nangyari. Matagal bago ako nakapag-moved on sa kanyang ginawa pero nagawa ko naman, sa isip ko kasi kahit anong mangyari ay tatay pa rin namin siya. Ibinigay niya sa amin ang pangangailangan namin, sobra-sobra pa nga. Napakawalang utang na loob ko namang anak kung hindi ko siya mapapatawad kung nagsisisi naman siya. Ilang taon din bago ko siya kinausap at hinarap, may nararamdaman pa rin akong barrier sa pagitan namin ni Papa pero maayos naman ang turingan namin.” humugot siya ng malalim na hininga.
“Hindi tayo pareho ng pinagdaanan pero alam ko ang pakiramdam na parang hindi mo kilala ang magulang mo. They gave you the good life that you deserved, maaaring wala sila sa tabi mo habang lumalaki ka pero alam mong hindi ka nila pinabayaan. Kulang man ang ibinigay nila para sa iyo pero baka sa kanila ay sapat na iyon. Ikaw nalang ang bahalang umintindi sa kanila Hanz, be grateful to them. Matanda na tayo at alam na natin kung ano ang tama sa mali, alam na natin kung paano sila intindihin.”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “I don’t know, Jada. In due time, tama ka nahihirapan akong pakisamahan sila dahil hindi ko alam kung paano gagawin iyon. May be you are right, kailangan ko lang maging matured at intindihin sila. They are still my parents after all.” Medyo nagulat siya ng hawakan nito ang kanyang palad at marahan iyong pisilin. Pinapalakas nito ng husto ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari basta hinayaan lang niya ang sarili niya. Hinayaan niyang malunod siya sa mga mata ng lalaking hindi niya akalain ay mapapamahal siya ng husto.
Kung sana ay malakas ang loob niyang sabihin ang kanyang tunay na nararamdaman baka hindi na siya nahihirapan ng ganito. Huh? Baka pwede niyang sabihin ngayon pero paano kung hindi sila pareho ng nararamdaman? Paano kung ang lahat ng nakikita niyang inaakto nito para sa kanya ay dala na rin ng kagustuhan niyang magustuhan din nito.
Hindi ba, kapag may gusto ka sa isang tao lahat nalang ng gagawin niya ay akala mo para sa iyo kahit hindi naman. Ayaw niyang mapahiya, ayaw niyang masaktan kapag sinabi nitong kaibigan lang ang trato nito sa kanya.
“Hanz!” Sabay silang napalingon ni Hanz sa boses babaeng tumawag dito. Isang maganda at sopistikadang babae ang dumating sa may table nila. “Fancy meeting you here.” Dahan-dahang bumaba ang titig nito sa magkasugpong nilang mga kamay. Akala niya ay hihilahin ni Hanz ang pagkakahawak nito sa palad niya pero hindi nito iyon ginawa. She tried pulling but he refused to. Nagtaas ng tingin ang babae at nagfocus iyon sa kanyang mukha, walang anumang reaksyon sa magandang mukha ng bagong dating pero feeling niya ay jinu-judge na siya nito.
“I didn’t know nag-iba ka na pala ng taste sa babae.” Dapat na ba siyang mainsulto sa tanong nito.
“Hannah, this is-.”
“Your flavour of the month.” Matamis na ngumiti sa kanya ang babae at hindi niya nagustuhan ang ginagawa nito. “Akala ko pa naman good boy ka na but here you are with another side chick.”
Ang sarap sampalin sa ngala-ngala ang babaeng ito kung hindi lang nakakahiya ang gagawin niya.
“Hannah, Jada is not like that.” Naramdaman din niya ang pagtigas ng boses ni Hanz. “She’s my girlfriend, she’s not a fling or a side chick. Seryoso ako sa kanya at siya ang dahilan kung bakit nagbago na ako, I want to change for her.”
Napaawang ang mga labi niya sa outburst ng lalaki at kung kanina ay nagawa pa niyang i-tame ang puso ngayon ay mas malakas pa yata iyon sa speaker ng restaurant.
“Well…” panimula ng babaeng tila natauhan sa sinabi ni Hanz. “Good luck then.” Tinapunan siya nito ng nakakaawang tingin na para bang sinasabing hindi na magbabago ang isang katulad ni Hanz at darating din ang araw na magiging katulad siya nito… iniwan. Nang wala na ang babae ay napatingin siya kay Hanz, gusto sana niya itanong kung totoo--.
“I’m really sorry Jada kung na-offend ka ni Hannah and I’m very thankful for the help. Hopefully, it clears her mind that we aren’t an item anymore.”
Yeah… an acting. Oo nga naman! Girlfriend? Seryoso? Nagbago?
Hinila niya ang palad niya mula sa pagkakahawak ni Hanz dahil ayaw niyang maramdaman nito ang biglaang pagbaba ng kanyang temperatura. Ang biglaang pagsakit ng isang bahagi ng puso niya. Hindi nga magawang seryosohin ni Hanz ang mga babaeng tulad ni Hannah, maganda at halatang may kaya sa buhay siya pa kaya na isang simpleng tao lang?
“Jada-.”
“I don’t like it.” Galit siya pero mas nalulungkot ang pakiramdam niya. “Ayokong ginagamit ako para manakit ng ibang tao Hanz. Kahit na sabihin natin na hindi ko gusto ang ugali ng ex-girlfriend mo ayoko pa rin sa ginawa mo. Yes, I told you not to run away and face your mistakes. Sana huwag kang manggamit ng ibang tao para manakit ng iba. I hate it when I’m used like that.”
Naramdaman niya ang pagapang ng malamig na bagay sa kanyang pisngi and when she touched it she just realized that she’s tearing up. Sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang gulat na mukha ni Hanz at kahit na anong pigil niya sa kanyang sarili ay sunod-sunod na nagsituluan ang kanyang mga luha.
“I’m sorry, Jada.”
“I’m sorry too.” Tumayo na siya at kinuha ang mga gamit. Wala na siyang lakas na makiharap pa sa lalaki, masyado siyang na-overwhelmed sa mga naging reaksyon ng puso niya para dito..


<3 <3 <3
A/N: Enjoy!

CTTO

TBC

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang