Monday, July 22, 2019

Black Magic 5 - Write Love: 10 - Heart Pains


10 – Heart Pains
            NAPAHIKAB si Jada nang maramdaman na huminto ang bus na sinasakyan nila. Medyo nainis pa siya dahil naputol ang kanyang tulog, but as they say good things has an end. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at groggy pa na nakatitig sa mga kasamahan na dahan-dahan nang bumababa. Parang siya rin ang mga ito, parang walking zombie lang. She stretches her legs and arms only to find out that she can’t move. May nakatali sa beywang niya! Natatarantang tiningnan niya ang dahilan kung bakit nahihirapan siyang kumilos. Hanz arm is around her waist.
            Balak sana niyang tumayo agad pero nang makitang himbing na himbing ang tulog ng katabi ay hindi na niya nagawa. Halatang pagod na pagod ito marahil sa ginawa nito kanina. Hindi niya maiwasang titigan ang lalaki, he really looks good. Kaya hindi nakapagtatakang habulin ito ng mga babae.
            Marahan siyang napabuntong-hinga lalo pa at hindi na rin niya kayang pigilan ang tunay na nararamdaman sa binata. Hindi siya tanga at lalong hindi siya manhid. May malaking puwang na si Hanz sa kanyang puso at iyon ang ikinakatakot niya. Sa mga nobelang kanyang sinusulat ay dapat isini-celebrate ang pagtibok ng puso ng babaeng bida, sa parte niya ay kulang nalang ay ibaon niya ang sarili sa hukay.
            Kumuha siya ng malaking batong ipupukpok niya sa kanyang ulo. She fell in love with Johannes Salamandres. Isang lalaking madaling magsawa sa mga bagay-bagay, isang lalaking mahilig sa mga challenges at isang lalaking hindi yata marunong sumeryuso. How can fate be so cruel to her?
            Nataranta siyang bigla nang magmulat ito ng mga mata. “Where are we?” inaantok din na tanong nito sa kanya. Nagkasalubong ang kanilang paningin, hindi niya alam kung nagulat ito nang siya ang unang nakita dahil nakatitig lang ito sa kanya. She even though he’d pushed her but he just tightened his arms around her waist making it impossible for her heart to stay calm.  
            “Bababa na ako Hanz.” Pukaw niya dito dahil may balak yata itong makipag-staring contest sa kanya.
            “Sabay na tayo.” Mabilis na inalis nito ang braso na nakapulupot sa beywang niya at agad na nahawakan ang kanyang palad. “Mukhang sa clubhouse tayo huminto.” Anito na sinilip ang labas ng bintana sa may gawi niya. Siya ang nasa tabi ng bintana kaya mas lalong napalapit ng husto ang mukha ng kasama sa kanyang mukha. Hanz is turtoring her poor heart and testing her weak control.
            Sa palagay niya ay ang isa sa pinaka-weakness ng mga babaeng never pang nagkakaboyfriend ay hindi nila alam kung paano kontrolin ang mga sitwasyon na tulad nito. Nahihirapan siyang mag-isip sa kakarampot na distansya sa pagitan nila at mas lalong hindi niya alam kung hanggang kailan niya matitiis na huwag ilapat ang labi sa pisngi nito. He’s really a temptation at hindi niya alam kung sinasadya ba nito o hindi.
            “It’s past seven. Gusto mong magdinner muna? Alam kong hindi ka nakakain ng maayos kanina.” Ano ba ang dapat niyang isagot sa pagyaya nito? Yes? I will? I do? Dios mio, ilang beses na niyang nasulat ang ganitong eksena at dapat alam na rin niya ang sasabihin at gagawin pero ayaw makipagcooperate nang kanyang utak at ang kanyang katawan.
            “Uhm—kasi--.” Hindi normal sa kanya ang walang masabi. Madalas ay binabara na niya ito pero hindi niya magawa!
            “Let’s go.” Hinila na siya nito patayo at inalalayan hanggang sa makababa ng bus. Mukhang sila nalang dalawa doon, kahit na ang driver ay wala na kinauupuan nito kanina.  She needs to calm herself, she needs to collect her sanity.
            “I-I really need to go home, kailangan kong pakainin si Leo-.” She tried pulling her arms but he just tightened his grip.
            “Let’s eat first, ihahatid na kita sa inyo.” Wala talaga itong balak na patakasin siya. “I’m hungry at ayokong nagdidinner ng mag-isa dahil boring.” Kung ang pagkakabigkas nito ng huling salita nito ang naging dahilan kung bakit ay tila kumalma ang puso niya o ang hitsura nito ay hindi niya alam. It’s as if he really find the word ‘boring’ really boring and irritating. “Treat kita.”
            “Hanz, hindi ba sabi ko sa iyo save your money.”
            “I’m saving don’t worry. I just want to eat.” Marahan siyang napabuntong-hininga. She’s just making everything worst, maybe she can let herself try what it likes to be with somebody she likes.  “Pwede mo rin akong ilibre.”
“Wala akong pera.” Agad na sabi niya.
            “Joke lang, libre ko. Mayaman ako ngayon.”
            “Fine.” Halata ang tuwa nito sa kanyang pagpayag. He’s genuinely happy.
            “Let’s go.” Ito na ang humila na naman sa kanya at hinayaan nalang niya ito. Walang kwenta ang makipagmatigasan sa lalaki lalo pa at nasa mood ito ngayon. Napatitig siya sa magkasugpong nilang mga palad, mas malinaw pa sa sikat ng araw ang nararamdaman niya kay Hanz at mas malinaw rin sa purified drinking water ang takot na nararamdaman niya. Posible pala talagang magmahal at matakot ng sabay.
            “Let’s try Roue’s new dish sa Wild Thyme.” Tumango siya. “Have you been here?” he asks.
            “Sa ibang branch.” Napasulyap siya sa mga palad nila. “Uhm, Hanz. Pwede mo na sigurong bitawan ang kamay ko, hindi naman ako tatakbo.” Napatingin ito sa magkasugpong nila palad at mukhang nagulat din ito ng makitang hawak nito ang kanyang palad. Dahan-dahan nitong binitawan ang hawak sa kanya at medyo nalungkot siya sa ginawa nito pero iyon kasi ang gusto niya.    
            “I’ve never been to Wild Thyme, base sa mga naririnig ko ay maganda naman ang review and since nasa subdivision na sila kaya naisipan kong subukan. Masarap ba talaga ang food nila dito?”
            “May dishes akong gusto dito, masarap ang timpla ng kanilang mga pagkain. Depende na lang talaga sa panlasa ng kumakain kung pasok ba iyon sa kanilang taste buds. Kasama ko ang mga magulat at ate ko noong huling kain ko at magaganda naman ang feedback mula sa kanila. Lalo na ng tatay ko, masyado kasi iyong pihikan sa pagkain.” Mabilis silang nakarating sa restaurant at agad na nabigyan ng table.
            “Palagi mong kasama ang mga magulang mo noong lumaki ka?” biglaang tanong nito.
            “Ang mama ko lang, sundalo kasi ang papa ko kaya palagi siyang wala sa bahay. Kapag may bakasyon lang siya kami nagkakasama pero bumabawi naman siya sa amin.” Aniya dito. “How about you and your parents?”
            “Well…” nagkibit-balikat ito. “Parehong OFW ang parents ko, engineer ang daddy ko sa Dubai habang nurse sa Canada ang mommy ko. Lumaki ako na kasama ang tita at tito ko at mga pinsan.”
            “Pero kasama mo na sila ngayon?” wala siyang alam sa buhay ni Hanz. Wala itong kasama sa bahay.
            “Noong naisip nilang magretire ay nakabukod na ako. Bumibisita ako minsan sa kanila kapag hindi masyadong busy sa work.”  Naisip niya kaya pala pala nasabi nitong boring kapag walang kasama dahil palagi na itong nag-iisa habang lumalaki.
            “Nami-miss mo ba ang mga magulang mo? Pwede mo naman silang dalawin, wala namang mawawala sa iyo kapag ginawa mo iyon.”
            Hindi sumagot ang kausap niya, mukhang taboo para dito ang pag-usapan ang tungkol sa pamilya nito. Akala nga niya ay hindi na talaga ito sasagot pero maya-maya ay nagsalita na ito.
            “Ang awkward ng feeling, hindi ako sanay na kausap ang mga magulang ko sa personal.”
            “But you missed them. Mga magulang mo pa rin sila, mas magiging masaya sila kapag binibisita mo sila paminsan-minsan.” Again, hindi ito agad umimik pero halatang pinag-isipan nito ang sinabi niya. “Malayo din ang loob namin ni ate sa Papa namin, si Mama ang kasama naming lumaki. Kung hindi siguro naging malubha ang tama ni Papa noong huling misyon niya ay malamang nasa army pa rin siya hanggang ngayon. Kapag nasa bahay si Papa ay sobrang awkward ng feeling, hindi namin siya kinakausap at minsan ay sinasadya namin na magtagal sa school o kaya naman ay tumambay sa kung saan dahil ayaw namin siyang makausap.” Mataman itong nakinig sa kanya kaya siya nagpatuloy. “Naiintindihan naman ni Papa kung bakit ganoon, lalo pa at minsan ay nagkamali siya sa mga desisyon niya sa buhay.” Tipid siyang ngumiti.
“Nagkaroon ng karelasyon ang tatay ko habang nasa ibang lugar siya, nalaman iyon ni Mama. Galit na galit kami ni ate sa nangyari at halos hindi kami makapaniwalang nagawa niya iyon. Sa tingin ko nga doon nagsimulang lumayo ang loob namin sa kanya. Tinanggap pa rin siya ni Mama at ni Ate. Tinanggap pa rin namin siya noong bumalik siya sa amin na para bang walang nangyari. Matagal bago ako nakapag-moved on sa kanyang ginawa pero nagawa ko naman, sa isip ko kasi kahit anong mangyari ay tatay pa rin namin siya. Ibinigay niya sa amin ang pangangailangan namin, sobra-sobra pa nga. Napakawalang utang na loob ko namang anak kung hindi ko siya mapapatawad kung nagsisisi naman siya. Ilang taon din bago ko siya kinausap at hinarap, may nararamdaman pa rin akong barrier sa pagitan namin ni Papa pero maayos naman ang turingan namin.” humugot siya ng malalim na hininga.
“Hindi tayo pareho ng pinagdaanan pero alam ko ang pakiramdam na parang hindi mo kilala ang magulang mo. They gave you the good life that you deserved, maaaring wala sila sa tabi mo habang lumalaki ka pero alam mong hindi ka nila pinabayaan. Kulang man ang ibinigay nila para sa iyo pero baka sa kanila ay sapat na iyon. Ikaw nalang ang bahalang umintindi sa kanila Hanz, be grateful to them. Matanda na tayo at alam na natin kung ano ang tama sa mali, alam na natin kung paano sila intindihin.”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “I don’t know, Jada. In due time, tama ka nahihirapan akong pakisamahan sila dahil hindi ko alam kung paano gagawin iyon. May be you are right, kailangan ko lang maging matured at intindihin sila. They are still my parents after all.” Medyo nagulat siya ng hawakan nito ang kanyang palad at marahan iyong pisilin. Pinapalakas nito ng husto ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari basta hinayaan lang niya ang sarili niya. Hinayaan niyang malunod siya sa mga mata ng lalaking hindi niya akalain ay mapapamahal siya ng husto.
Kung sana ay malakas ang loob niyang sabihin ang kanyang tunay na nararamdaman baka hindi na siya nahihirapan ng ganito. Huh? Baka pwede niyang sabihin ngayon pero paano kung hindi sila pareho ng nararamdaman? Paano kung ang lahat ng nakikita niyang inaakto nito para sa kanya ay dala na rin ng kagustuhan niyang magustuhan din nito.
Hindi ba, kapag may gusto ka sa isang tao lahat nalang ng gagawin niya ay akala mo para sa iyo kahit hindi naman. Ayaw niyang mapahiya, ayaw niyang masaktan kapag sinabi nitong kaibigan lang ang trato nito sa kanya.
“Hanz!” Sabay silang napalingon ni Hanz sa boses babaeng tumawag dito. Isang maganda at sopistikadang babae ang dumating sa may table nila. “Fancy meeting you here.” Dahan-dahang bumaba ang titig nito sa magkasugpong nilang mga kamay. Akala niya ay hihilahin ni Hanz ang pagkakahawak nito sa palad niya pero hindi nito iyon ginawa. She tried pulling but he refused to. Nagtaas ng tingin ang babae at nagfocus iyon sa kanyang mukha, walang anumang reaksyon sa magandang mukha ng bagong dating pero feeling niya ay jinu-judge na siya nito.
“I didn’t know nag-iba ka na pala ng taste sa babae.” Dapat na ba siyang mainsulto sa tanong nito.
“Hannah, this is-.”
“Your flavour of the month.” Matamis na ngumiti sa kanya ang babae at hindi niya nagustuhan ang ginagawa nito. “Akala ko pa naman good boy ka na but here you are with another side chick.”
Ang sarap sampalin sa ngala-ngala ang babaeng ito kung hindi lang nakakahiya ang gagawin niya.
“Hannah, Jada is not like that.” Naramdaman din niya ang pagtigas ng boses ni Hanz. “She’s my girlfriend, she’s not a fling or a side chick. Seryoso ako sa kanya at siya ang dahilan kung bakit nagbago na ako, I want to change for her.”
Napaawang ang mga labi niya sa outburst ng lalaki at kung kanina ay nagawa pa niyang i-tame ang puso ngayon ay mas malakas pa yata iyon sa speaker ng restaurant.
“Well…” panimula ng babaeng tila natauhan sa sinabi ni Hanz. “Good luck then.” Tinapunan siya nito ng nakakaawang tingin na para bang sinasabing hindi na magbabago ang isang katulad ni Hanz at darating din ang araw na magiging katulad siya nito… iniwan. Nang wala na ang babae ay napatingin siya kay Hanz, gusto sana niya itanong kung totoo--.
“I’m really sorry Jada kung na-offend ka ni Hannah and I’m very thankful for the help. Hopefully, it clears her mind that we aren’t an item anymore.”
Yeah… an acting. Oo nga naman! Girlfriend? Seryoso? Nagbago?
Hinila niya ang palad niya mula sa pagkakahawak ni Hanz dahil ayaw niyang maramdaman nito ang biglaang pagbaba ng kanyang temperatura. Ang biglaang pagsakit ng isang bahagi ng puso niya. Hindi nga magawang seryosohin ni Hanz ang mga babaeng tulad ni Hannah, maganda at halatang may kaya sa buhay siya pa kaya na isang simpleng tao lang?
“Jada-.”
“I don’t like it.” Galit siya pero mas nalulungkot ang pakiramdam niya. “Ayokong ginagamit ako para manakit ng ibang tao Hanz. Kahit na sabihin natin na hindi ko gusto ang ugali ng ex-girlfriend mo ayoko pa rin sa ginawa mo. Yes, I told you not to run away and face your mistakes. Sana huwag kang manggamit ng ibang tao para manakit ng iba. I hate it when I’m used like that.”
Naramdaman niya ang pagapang ng malamig na bagay sa kanyang pisngi and when she touched it she just realized that she’s tearing up. Sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang gulat na mukha ni Hanz at kahit na anong pigil niya sa kanyang sarili ay sunod-sunod na nagsituluan ang kanyang mga luha.
“I’m sorry, Jada.”
“I’m sorry too.” Tumayo na siya at kinuha ang mga gamit. Wala na siyang lakas na makiharap pa sa lalaki, masyado siyang na-overwhelmed sa mga naging reaksyon ng puso niya para dito..


<3 <3 <3
A/N: Enjoy!

CTTO

TBC

Sunday, July 7, 2019

Black Magic 5 - Write Love: 9 - CRAZY



9 – CRAZY
            SINADYA niyang lumayo sa grupo ni Hanz at kahit hindi niya gaanong ka-close ang mga ka-subdivision na pinili niyang makagrupo ay siniksik niya ang sarili niya sa mga ito. Hindi naman masasamang tao ang mga kasama niya, naninibago lang siguro siya dahil siya ang hindi sanay na makihalubilo sa mga bagong tao. Iyon ang pagkakamali niya bilang isang manunulat, wala siyang gaanong experience sa pakikipagkapwa tao.
            “Miss Jada, okay lang naman magpahinga.” Pansin sa kanya ni Rowena. Mas bata ito sa kanya. “You’re my favourite author kaya ayokong mapagod ka.” Napangiti nalang siya sa sinabi ng kapitbahay.
            “Okay lang Rowena, mukhang nagagamit ko na rin ang mga unknown energy na meron ako sa katawan.” Ayaw niyang umupo at magpahinga dahil pwede siyang malapitan ng mga kaibigan na kagrupo ni Hanz. Kanina pa siya sinisipat ng mga ito na lumapit pero ayaw niya, ayaw niyang maka-grupo ang lalaki. “Kung pagod ka na pwede ka munang magpahinga, kanina ka pa dito.” Mas nauna ito keysa sa kanya.
            “Dito nalang ako Miss, mas gusto kong may ginagawa.” Kahit papaano ay alam niyang may kasama siya. Sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin niyang napapatingin sa kanyang gawi ang mga kasama ni Hanz. Mukhang may diskusyon ang mga ito at si Hanz yata ang dahilan kung bakit naiinis ang mga kasama nito. She can’t blame them, nakakainis naman talaga ang lalaki.
            Bigla siyang nataranta nang mapansin na naglalakad si Hanz sa kanilang gawi, alam niyang hindi siya ang pupuntahan nito pero mas mabilis na gumalaw ang katawan niya at agad na nahila si Rowena sa kabilang direksyon. Alam niyang nagtataka ito pero sumunod lang sa kanya.
            “May problema ba Miss Jada?”
            “Huh? Nauuhaw ako, samahan mo akong kumuha ng drinks para sa mga ka-grupo natin alam kong nauuhaw na rin sila.” Dahilan niya.
            “Ah, akala ko ay kung ano na.” binitiwan niya ang braso ng kasama at naging normal na ang kanilang mga lakad.
            “Sorry, medyo weird lang talaga ako minsan.” Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.
            “Don’t worry Miss, mas weird ang ate ko. Nasa Japan siya kasi doon siya nagtuturo, sanay na nga yata ako sa mga weird.”
            Mabuti nalang at cooperative ang napili niyang maging buddy-buddy kahit papaano ay napanatag ang kanyang loob.
            “Miss Jada pwedeng magtanong.”
            “Sure.”
            “Boyfriend mo ba si Sir Hanz?” muntik nang mabali ang leeg niya nang lingunin niya ang kasama.
            “No. Bakit mo naitanong iyan?” mabilis niyang sagot.
            “Kasi ang weird niyo kanina, para kayong may lover’s quarrel. May palagay kasi akong kayo ang pinag-uusapan nila kanina tapos noong pupuntahan ka na niya ay bigla mo akong hinila.” Biglang kumabog ang puso niya sa sinabi nito. Pupuntahan siya ni Hanz? “Kaya akala ko ay may tampuhan kayo, mukha ka rin kasing malungkot Miss.”
            Nakarating sila sa refreshment area at isa-isang kumuha ng mga bottled water. “Wala kaming lover’s quarrel at hindi talaga kami close ni Sir Hanz.” Ginaya niya ang pagtawag nito kay Hanz.
            “Eh? Pero bakit kanina ka pa niya tinitingnan?”
            Tinitingnan ako ni Hanz? Sige pa Jada, paasahin mo pa ang sarili mo. Know your place girl.
            “Nagkakamali ka lang ng pansin, medyo mabigat ito kaya mo bang dalhin ang mga iyan?” she tried changing the topic. Ayaw niyang makasingit pa ang pangalan ni Hanz sa usapan nila, nasa point kasi siya ng buhay niya na kapag may nagsabi sa kanyang may gusto sa kanya ang lalaki ay paniniwalaan niya kaagad lalo na kapag hindi naman sila gaanong kilala. “Kapitbahay lang kami at may common friends, we’re not that close.” Kaila niya.
            “Sayang naman I can see sparks eh, parang sa mga sinusulat mong nobela.” Maliit na ngumiti siya dito.
            “Magkaiba naman ang fiction sa reyalidad, this is reality and sometimes reality slaps us hard. Balik na tayo sa mga kasama natin.” Nag-about face na sila nang mamataan ang pamilyar na pigura ni Hanz kasama si Genesis patungo sa kanilang pwesto. At katulad kanina ay parang baliw na natataranta na naman siya.
            “Wena, may short cut nga pala dito. Nakita ko kanina, dito nalang tayo dumaan dahil medyo marami at mabigat ang mga dala natin.”
            “Sige Miss, no problem.” Malakas ang kabog ng puso niya. Wala siyang pakialam kung alam ng dalawang parating na umiiwas siya. Totoo naman iyon, ayaw niyang makasalamuha muna si Hanz dahil naiinis siya dito.

            “JADA KYRENE!” Napalingon siya nang marinig ang boses ni Dorothy. Nauna ito sa kanya kaya hindi sila magkagrupo, kasama nito sina Yumi, Pamela, Vanessa at Howard.
            “Do.” Muntik na siyang mapatakbo nang nasa parehas na mesa si Hanz, Genesis at ang ilan pang kapitbahay nila. Gusto niyang tumakbo pero naisip niyang masyado ng obvious kung gagawin niya iyon.
            “Dito ka na maglunch.” Yaya ni Yumi. “We still have a lot of space.” At ang space na tinutukoy nito ay ang pagitan ni Genesis at ni Hanz. And as much as she wants to be with her close friends ay tinanggihan niya ang offer.
            “Thanks for the offer pero may space na rin kasi doon for me, nakakahiyang tanggihan iyong mga ka-grupo ko.” Ani niya.
            “They will understand naman, I am pretty sure of that.” Insist ni Doan.
            “Next time nalang, doon muna ako. Sige, nagugutom na rin kasi ako.” Paalam niya sa mga kasama at hindi sinulyapan ng tingin ang lalaki.
            “Akala namin ay sa kanila ka sasabay.” Biro ni Francine, kaibigan ito ni Rowena kaya napalagay na rin ang loob niya sa batang kapitbahay. “Okay lang naman sa amin.”
            Agad siyang umiling. “Dito na ako, masyado na rin crowded doon at ayoko sa mga maraming tao.”
            “Ah, ganyan din ang isang friend namin na si Julyan. Mukhang may ganyang tendencies ang mga writers ‘no?”
            “Writer din ang friend mo?”
            “Illegal ang ginagawa ng friend namin pero huwag mo siyang isumbong, she writes thesis and research papers. Malaki ang nakukuha niyang bayad mula sa mga tamad na estudyante o kaya naman ay sobrang busy lang na mga students.”
            Nagdugtong ang kanyang kilay. “Full-time job niya iyon?”
            “Nope,” sagot ni Wena. “She’s a lay-out artist in an advertising company. Sideline lang niya iyong isa. We know its bad at sinabihan na naman siyang itigil iyon, hopefully ay makinig na siya.” Napatingin siya sa dalawang babae na mas bata sa kanya.
            “Pwedeng magtanong kung anong trabaho niyo?”
            Ngumiti ang dalawa. “We’re researchers sa isang Government institution.”
            “Do you love your job?” hindi niya maiwasang tanong. Nagdugtong ang kilay ni Rowena habang nakatingin sa kanya.
            “Bakit Miss Jada? Napapagod ka na bang magsulat?”
            “Ha? Ah, hindi naman—well, may mga oras na nakakaramdam ako ng pagod. Sa dami kasi ng mga naisulat ko ay pigang-piga na rin ang utak ko.” Pag-amin niya dito.
            “We don’t really love our job pero kailangan kasi naming magpay back ng ilang years dahil sa scholarship na nakuha namin. Hindi gaanong malaki ang sweldo, sapat lang. Okay lang naman ang trabaho namin Miss pero syempre, nanghihinayang din kami sa maraming opportunities na pwede naming makuha kung hindi kami nakatali sa scholarship.” Paliwanag ni Francine.
            “At saka Miss Jada, kahit na pagod ka na sa pagsusulat hindi naman ibig sabihin na hindi mo na mahal ang ginagawa mo right?”
            Mahal ang ginagawa niya? She still loves to write, baka nga tama ito. Baka pagod lang siya sa kaya nabuburn out na siya lately.
            “Kapag pagod kami sa school dati at sa work namin ay past time namin ang magbasa ng mga stories mo Miss. Nag-uunahan kaming bumili sa bookstore ng new releases mong novels, minsan kapag walang pera ay hiraman lang kami ni Francine. Kapag may budget na ay saka pa kami bibili ng kulang na books para collection.”
            Hindi niya maiwasang mapangiti sa sinabi ni Rowena. Naalala kasi niya ang sarili niya dati noong hindi pa siya nagsusulat, iyong full time reader pa siya. May mga paborito siyang authors at kapag may bagong books ang mga ito ay gagawin niya ang lahat para lang makabili ng copy kahit na nabasa na niya iyon from somewhere.
            “Baka kulang ka lang ng inspiration Miss. Hindi ba iyan minsan ang dahilan kung bakit nagkaka-writer’s block ang mga writers? You need to fall in love.”
            “I did.” Wala sa sariling sagot niya.
            “Eh? May boyfriend ka na po?” halos sabay na tanong ng dalawa kasabay ng pagniningning ng mga mata. “Kapitbahay natin?”
            Kinuha niya ang kanyang bottled water at inubos ang laman. “I’m single, hindi porke’t may gusto ka ay kayo na agad. Minsan ay nahuhulog ka lang ng walang dahilan sa taong imposible namang maging sa iyo.”
            “Aw, maybe you should tell him what you feel Miss. Baka same pala kayo ng feelings.” Gusto sana niyang barahin si Rowena pero sobrang inosente ang pagkakatitig nito sa kanya kaya pinigilan niya ang matalas niyang dila. Gusto nga niyang isigaw dito na nahirapan nga siyang magsabi ng sorry dito, feelings pa kaya.
            “Ano ka ba Rowena kung makapagsabi ka ng sabihin mo ang feelings mo as if naman nakaya mong gawin iyan sa crush mo.” Ani ni Francine sa kaibigan.
            “Iba naman sa part ko dahil alam kong walang feelings sa akin si crush.”
            “Malay naman kasi natin si Miss, iyong crush niya may feelings sa iba.” Parang gusto niyang kurutin sa singit si Francine dahil sa katotohanang isinampal nito sa mukha niya. Well, tama din naman kasi ito.
            “Hindi ah, feeling ko nga may feelings din si Sir Hanz kay Miss Jada.” Tuluyan na siyang nabulunan sa sinabi ni Rowena.
            “Hala, Miss-.” Agad siyang dinaluhan ng dalawa at ng mga kasama niya. Pina-inom siya ng tubig ng mga ito nang maramdaman na may humahaplos sa likod niya. Dahil sa akala niya ay mga kasama niya na dumalo sa kanya kaya hinayaan niya lang ito. May nagbigay uli sa kanya ng tubig at tinanggap niya iyon, it took her some time to finally back to normal.
            “Are you okay?” nag-aalalang tanong ng humahaplos sa likod niya. Sunod-sunod siyang tumango. “You sure? Gusto mong dalhin kita sa clinic—sa mga doctors?” umiling naman siya. Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi dahil sa pag-ubo niya. “Jada Ky--.”
            “I’m fine--.” Natigilan siya nang mapagsino ang kanina pa umaalalay sa kanya. “Hanz.”
            “Sigurado kang okay ka lang?” natigilan siya at iyong puso niya ay parang lalabas na sa kanyang dibdib sa sobrang lakas ng tibok niyon. May kinuha itong panyo at hindi niya alam kung kanino iyon at ipinunas sa kanyang noo at sa kanyang pisngi. “Do you want some water?”
            Magkadikit pa rin ang kanyang mga labi habang nakatitig dito. It feels so surreal, parang hindi totoong nasa harapan nga niya ang lalaking ilang araw ng hindi siya pinapansin. 
            “Ano ba ang nangyari?” nakakunot ang magkadugtong ang kilay ni Hanz habang tinatanong ang dalawang babae na kasama niya. And then it hits her, totoong si Hanz ang nasa harap niya nga.
            “Kasi Sir Hanz, may sinabi lang kaming joke kaya nabulunan si Miss Jada.”
            “I’m okay. Nabulunan lang ako.” She tried no to stutter. Alam niyang alam ng dalawang babaeng kasama na si Hanz ang tinutukoy niya base sa naging reaksyon niya nang banggitin ni Rowena ang pangalan nito. At ang paglapit ni Hanz sa kanila samantalang sinabi niyang hindi sila close ang isa pang proof.
            “Okay na ba si Jada, Hanz?” nag-aalalang tanong ni DoAn, may bitbit itong bote ng mineral water. “Friend, are you okay?”
            “Nabulunan lang ako, okay na ako.” Iyong puso lang niya ang hindi pa masyadong okay.
            “Mabuti naman, akala namin kung anon a ang nangyari sa iyo.”
            “Salamat pero okay lang talaga ako, nabulunan lang. Mag-iingat na ako next time.” Iniwas niya ang tingin mula kay Hanz dahil kapag tinititigan niya ito ay mas lalong nagwawala ang puso niya. “Bu-bumalik na kayo sa table niyo, sorry din sa disturbo.” Tumayo na si Hanz at inabot ang braso niya. Hinawakan nito ang kanyang palad at marahang inilagay doon ang panyong ginamit nito para punasan ang kanyang pawis.
            “You rest.” Seryoso ito. “We’ll talk later.”

            MUKHANG napatunayan na nga niya kung gaano siya kabaliw dahil pagkatapos ng munting kaguluhan kaninang lunch ay parang tangang naging ninja siya. Kapag nararamdaman niyang nasa malapit lang si Hanz ay bigla-bigla siyang naghahanap ng matataguan niya. She just can’t believe she did that.
            “Miss Jada, sasabay ka ba sa amin?” tanong ni Francine. Hindi na siya tinutukso nito, kanina noong nakaalis na si Hanz ay sandamakmak na tukso ang natanggap niya sa dalawa.
            “Hindi, magco-commute ako.” Ani niya dito.
            “Why? Maraming tourist bus naman, pwede kang doon maupo. Alam namin na pagod ka na rin.” Pagod na ang lahat ng sa kanila at sigurado siyang iidlip muna ang lahat habang nasa bus. And she’s pretty sure jampack ang mga upuan at wala na ring space. Mag-ga-grab nalang siguro siya at pupunta sa bahay ng ate niya, doon muna siya magpapahinga.
            “Malapit lang ang bahay ng ate ko dito, mas mabuting doon muna ako magpapahinga ngayong gabi dahil wala na rin akong energy na umuwi pa.”
            “Sige, Miss.” Napahikab na ang dalawa at halatang pagod na rin. Pumunta muna siya sa restroom bago lumabas at nag-abang ng taxi dahil walang nag-aaccept na driver sa Grab. She’s still waiting when someone grab her arms and pulled her away from her current position. Agad siyang napatingin sa may hawak sa kanya.
            “Hanz!”
            “You are coming with me.” Tumigil muna ito at hinawakan ang magkabilang braso niya niya gamit lang ang isang kamay nito. Marahan siya nitong itinulak sa bus na sinasakyan nito kanina.
            “Hanz, nakita mo na ang nakalimutan mo?” salubong ni Genesis. “Ohh—Ah!” bumalik lang si Genesis sa upuan nito nang makita siya.
            “Sit.” Pinaupo siya nito sa upuan na malapit sa bintana bago ito umupo sa kanyang tabi. Napapatingin at napapasulyap lang ang mga kasama nila sa bus.
            “Hanz.”
            “What?”
            “My hands.” Hawak pa rin nito ang isang kamay niya at mukhang wala itong balak na bitiwan iyon kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para makawala sa pagkakahawak nito. And when she finally succeeded ay dumapo naman ang magkabilang palad nito sa kanyang magkabilang pisngi.
            “Jada.” Nandoon na naman ang seryusong sambit nito sa kanyang pangalan.
            “Sorry.” Biglang nanulas sa kanyang mga labi. Nagulat yata ito sa kanyang sinabi at biglang nawalan ng sasabihin. “I know I offended you the last time we talk. Kaya ba galit ka sa akin?”
            Bumuka ang mga labi nito tapos ay napatikom uli ito, pagkatapos ng ilang saglit ay napapailing nalang si Hanz kasabay ng pagsilay ng magandang ngiti sa mga labi nito.
            “I am crazy, I am damn crazy.” Mahinang usal ng lalaking kaharap. Ano ba ang nangyayari kay Hanz? Mukhang nababaliw na nga ito.



<3 <3 <3
PHOTO CTTO
A/N: Enjoy reading babies!

Wednesday, July 3, 2019

Black Magic 5 - Write Love: 8 - SURRENDER


8 – SURRENDER
            HINDI alam ni Jada kung anong gagawin niyang approach para makausap si Hanz. Nahihiya siyang basta nalang itong lapitan lalo na ngayon na mas lumilinaw ang tunay na nararamdaman niya para sa binata. Wala siyang feelings kay Hanz – dati! Pero habang tumatagal ang interaction nila ay napagtanto niyang babae rin pala siya, at tulad ng ibang babae na nahuhumaling kay Hanz ay may ganoon rin siyang tendencies.
            “Jada Kyrene, leash yourself girl. Know your place, hindi ka dapat nagpapadala sa nararamdaman mo dahil tulad ng ibang babae hindi ikaw ang tipo ni Hanz para seryosohin.” Ouch! Ang tanga lang talaga niya, sinasaktan niya ang kanyang sarili.
            “Meow.” Napatitig siya sa kagigising na si Leo at napangisi ng malaki. Kinuha niya ang pusa mula sa higaan nito at hinimas ang balahibo nito.
            “Leo, kailangan ko ng tulong mo.” Tinitigan lang siya ng pusa na para bang naghihintay na utusan niya. Mukhang bibigay na rin ang utak niya dahil pati inosenteng pusa ay idadamay niya sa kanyang kalokohan. “Hindi kalokohan ang humingi ng tawad.” Depensa niya sa kanyang sarili. Bumaling uli siya sa pusa. “Leo, pwede ka bang mag-akyat bahay sa bahay ni Hanz? Tapos hahanapin kita kunwari doon, please.” See, she’s really a  genius. Dapat ay bigyan siya ng Nobel Prize. “Kailangan ko lang mag-sorry sa lalaking iyon.” kinarga niya si Leo dahil kahit ayaw nito ay pipilitin niya itong mag-akyat bahay. Kahit na siya ang magpapasok sa alaga sa bahay ng lalaki.
            “Meow.” Pilit na umaalis sa kanyang pagkakayapos ang alaga, mukhang ayaw nitong makipagcooperate sa kanya.
            “Please, Leo. Sa dami ng kasalanan mo sa akin at least ito man lang ang maitulong mo. This is for my peace of mind.” Pakiusap niya dito.
            Lumabas siya kahit na kinakagat na siya ni Leo sa braso niya ay wala siyang pakialam. Naglalakad na siya papunta sa bahay ni Hanz ng makasalubong niya si Heart ang barangay chairman sa kabilang barangay pero ka-subdivision niya.
            “Lacey!” masayang bati nito sa kanya. Nasanay na rin siyang tinatawag siya ni Heart ng Lacey kaya hindi na niya ito sinasaway. “Mabuti at nandito ka, hindi ba ikaw ang secretary ng homevillage association?” tumaas ang isang kilay niya.
            “Ako ba?” takang tanong din niya.
            “Yes, you are. Papunta na rin ako sa bahay mo dahil may pakiusap ako sa iyo.” Kumunot ang kanyang noo habang nakatitig dito. Minsan ay natatakot siya kay Heart dahil palagi itong nakangiti kahit na galit na galit. She actually reminds her of a character from the movie Emoji. May inilabas itong isang nakatuping papel at ibiniga sa kanya.
            “Ano iyan?” takang tanong niya.
            “Solicitation letter.” Ibinigay nito ang sulat sa kanya na agad niyang kinuha. Dahil sa kanyang ginawa ay nagawang makatakas ni Leo mula sa kanyang pagkakayapos. Hinayaan na rin niya ang kanyang pobreng pusa baka malamog na ito ng tuluyan sa kanya. “Sabi nila friend mo si Hanz, medyo badmood kasi si Hanz nitong mga nakaraang araw kaya walang gustong lumapit sa kanya. Pwede mo bang ibigay iyan sa kapitbahay natin?”
            Mukhang hindi na pala niya kailangan pang hingan ng tulog ang alaga niyang pusa dahil may paraan na siya para makalapit sa lalaki.
            “We are not in good terms pero susubukan kong ibigay ito sa kanya.”
            “Thank you so much Lacey, you’re such an angel. Mauuna na muna ako dahil may kailangan pa akong bigyan ng solicitation letter para sa outreach program natin this Sunday. By the way attendance is a must, kung aabsent ka kailangan mong mag-donate ng twenty thousand pesos kaya be there.”
            “Ang laki naman ngayon ng padulas mo.”
            “Of course, ang makikinabang niyan ay ang mga scholars ng subvision natin kaya mabuti ng sigurado.” Pagkaalis ni Heart ay mabilis siyang nagtungo sa bahay ni Hanz. Ang totoo ay sobrang lakas ng puso niya habang papalapit sa bahay nito. Alam niyang nasa bahay lang ito dahil day-off nito ng araw na iyon at kung bakit niya alam, sa tagal na nilang magkapitbahay ay may alam na siya kahit paano sa schedule nito. Napahawak siya nang mahigpit sa papel na ibinigay ni Heart, hindi iyon pwedeng mawala sa kanyang mga kamay dahil iyon ang susi niya para makausap ang binata.
            “Here it is.” Aniya sa kanyang sarili. Nakabukas ang mababang gate kaya agad siyang nakapasok. Kinatok niya ang pinto ng kapitbahay. Naka-ilang katok na siya nang mapagtantong may doorbell pala ang bahay nito kaya iyon ang napagtrip-an niya.
            “What the hell!” malakas na mura ni Hanz nang buksan nito ang pintuan. Nagkasalubong ang makakapal na kilay nito habang nakatingin sa kanya. “What?” malamig nitong tanong. Hindi man lang siya nito tinanong kung bakit halos sirain na niya ang doorbell ng bahay nito.
            “May ipabibibigay si Heart.” Ibinigay niya ang papel na hawak dito. Biglang naumid ang kanyang dila at hindi niya mahanap ang tapang na kanina pa niya iniipon habang nakatitig sa mukha nito. He doesn’t look so please to see her. Pakiramdam niya ang bumulusok sa kanyang sikmura ang kanyang puso at parang nagkaka-hyperacidity na yata siya.
            Kinuha ni Hanz ang papel at binasa, bigla itong pumasok ng bahay pero hindi sinara ang pintuan. Pagkatapos ng ilang segundo ay bumalik na ito at itinupi na uli ang solicitation letter, may palagay siyang doon nito nilagay ang donation nito.
            “May kailangan ka pa?” malamig nitong tanong habang inaabot sa kanya ang papel. Bumuka ang kanyang bibig pero agad din niya iyong tinikom at umiling. Wala na siyang lakas ng loob na kausapin ito, tuluyan ng umatras ang kanyang tapang.
            “Salamat--.” Sinara nito ang pintuan kaya mas lalo siyang nanlumo. Mukhang tama nga ang sinabi ni Heart, he’s not in good mood lately. Dapat yata ay hindi siya pumayag na harapin si Hanz ngayon dahil sa nakita niyang reaksyon nito ay parang natatakot na tuloy siyang lapitan at kausapin ang binata.
            Mamatay ka nalang na inuusig ng konsensya mo Jada. Suhestiyon ng kanyang konsensya. Naglakad na siya palayo sa bahay ni Hanz, hindi niya kaya… para kasing may malaking palad na pumipiga sa kanyang puso. Napahawak siya sa kanyang dibdib…
            I surrender, I won’t feel this kind of feel kung hindi ko siya gusto. Mukhang kulang ang salitang ‘gusto’, she’s falling in love with him and it hurts like hell.

            “BAKIT ba ang tagal mo? Ikaw nalang yata ang hinihintay para makaalis na tayo.” Salubong sa kanya ni Czarina. Napakamot siya ng ulo dahil matagal siyang nakatulog kagabi dahil may tinatapos siyang nobela kaya hindi agad siya nagising na ayon sa oras.
            “Sorry na, may tinapos kasi akong nobela.” Hingi niya nang paumanhin sa kapitbahay slash kaibigan.
            “Sige na, doon ka nalang sa bus may free space pa doon. Masikip na kasi dito sa van.” Tumango siya dahil mukhang siya nalang yata ang hinihintay nito, sa pagkakaalam niya ay may tatlong tourist bus ang maghahatid sa kanila na napag-utusan na mag-volunteer sa kanilang quarterly medical mission and outreach program. Ang mga ‘fines’ na nakukuha sa kanila mula sa paglabag ng batas at hindi pagsunod ng memorandum na sine-set ng homeowners at ng kanilang mga leaders ay ginagamit para sa mga program na tulad nito.  Kaya nga kahit na nagrereklamo sila sa laki ng pinapatong ni Heart ay hindi na rin sila nagrereklamo dahil alam naman nilang hindi kurakot ang kanilang mga leaders at nakikita nila ang transparency ng budget.
            “Saan na iyong dalawang bus?”
            “Nauna na, ang van at ang bus nalang ang may free space kaya hinintay ka namin. Hindi pwedeng wala ka doon dahil alam mo naman na markado ka na ni Heart sa dami ng mga absences mo tuwing may meeting at get-together activities tayo.”
            “Akyat na po ako.” Umakyat na siya sa bus at inikot ang mga mata, nagdugtong agad ang kanyang kilay nang mapagtantong puno na ang bus. Tulog na rin ang mga tao doon, alas kwatro ng umaga ang call time nila at sigurado siyang hindi morning person karamihan ng kanyang mga kapitbahay. Naglakad-lakad siya sa aisle nang dumako ang mga mata sa bakanteng upuan pero agad na natigilan nang makilala ang katabi ng bakanteng upuan. Si Hanz! Naka-sunglasses ang lalaki pero alam niyang gising ito, mabilis nitong nilagay sa bakanteng upuan ang bag nitong dala at bumaling sa labas ng bus na para bang sinasabing ayaw siya nito doon.
            Humugot siya ng malalim na hininga at nagtuloy-tuloy sa paghahanap ng vacant spot pero puno na iyon kaya bumalik nalang siya sa may driver’s area.
            “Kuya, doon nalang po ako sa van sasakay. Wala na po palang vacant.” Mahinang ani niya sa driver dahil ayaw din niyang magising ang mga kapitbahay na tulog na sa lakas ng kanyang boses.
            “Pero Ma’am may bakante--.”
            “Bababa na po ako. Sorry po at naghintay kayo ng matagal dahil sa akin.” Hingi niya nang paumanhin. Wala itong nagawa noong bumaba na siya at pumunta sa van.
            “Bakit ka bumaba?” takang tanong ni Czarina.
            “Wala ng bakante doon.” Mas lalong kumunot ang noo nito habang napatingin sa papalayong bus.
            “Anong wala? Tama naman iyong count ko ah.” Napasilip siya sa van nagsisiksikan na rin ang mga tao doon at kapag sumiksik pa siya ay siguradong hindi na sila makakahinga.
            “Huwag kang mag-alala, may nalimutan din ako sa bahay at kailangan kong kunin. Kung hindi pa ako bumaba ay hindi ko maalala ang cellphone at wallet ko.”
            “Ha? Uuwi ka pa?”
            Tumango siya at ngumiti dito. “Mauna na kayo, hindi naman malayo ang pupuntahan natin kaya makakasunod pa rin ako. Just tell Heart na susunod ako.” Diskumpyado ang mukha ni Czarina kaya ibinigay niya ang backpack niya. “Dalhin mo ang bag ko para sure na pupunta ako.” Mabilis namang kinuha nito ang kanyang bag.
            “Make sure na pupunta ko or else alam mo na ang mangyayari sa iyo once malaman ni Heart at ni Tatay Ben na wala ka doon.”
            “Opo!”
            “Bilisan mo.”
            Tumango siya. “Alis na kayo siguradong hahanapin kayo ni Heart doon.” Wala itong nagawa kundi ang iwanan siya doon. Kaya niyang magcommute papunta sa venue dahil hindi naman bulubundukin ang kanilang pupuntahan. Tinanaw niya ang papalayong van at kinapa ang cellphone na nakasuksok sa loob ng kanyang bulsa.
            Kinapa niya ang coin purse sa kabilang bulsa, mabuti nalang at nagseseparate siya ng pera in case of emergencies. Malakas siyang napabuntong-hininga at inalala ang nangyari kanina sa van.
            “Sa palagay ko ay galit pa rin siya sa akin.” Bulong niya sa kanyang sarili. “Kung galit siya sa akin ang childish naman niya masyado pati upuan ay pinagkakait niya, akala naman niya ay gusto kong tumabi sa kanya buwisit siya.” Iyong guilt na nararamdaman niya ay unti-unting nagtratransform into inis.
            Know your place, Jada Kyrene. Utos ng maliit na boses sa kanyang utak. Yes, she should know her place.

            “Damn this pain.”


<3 <3 <3
Photo CTTO
A/N: Happy reading!
TBC

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang