Saturday, June 15, 2019

Teacher Starter Pack



            Hello everyone! Ito iyong part 2 ng naunang kong isinulat na. Kapag ikaw ay tulad ko na nakapasok na sa sistema heto ang dapat mong unahing bilhin. Ito ang pinakakailangan mo dahil kung wala ka ng mga ito siguradong hindi magiging madali ang buhay pagtuturo mo.


1. LAPTOP

            Yes, po. Hindi na po privilege ang magkaroon ng isang laptop at hindi po ito isang status symbol dahil need na po talaga siya. Ano ang pwedeng pag-gamitan ng laptop? Basahin ang mga sumusunod.
                Lesson Plan, 2013 akong nakapasok sa serbisyo at kung hindi ko pa nakakalimutan I think three years lang yata akong bumili ng lesson plan para doon isulat ang lessons ko at isubmit sa office. Nakalimutan ko na ang exact year. Sa ngayon ay hindi na po sinusulat sa kamay ang lesson plan, kailangan na siyang itype sa laptop at iprint.
                Form 1, dahil may LIS na or Learner Information System kung saan kailangan na e-enroll ang mga students ay kailangan na rin nating mag-generate ng Form 1. Dito nakalagay ang LRN, complete name, age, birthdate, gender, address, pangalan ng mga magulang, religion, ethnicity at kung anu-ano pa. Pagsapit ng July ay open na ang LIS at mag-uunahan na ang mga teachers sa pag-enrol ng kanilang mga students hanggang sa maka-encounter sila ng error message sa screen ng kanilang laptop and whoala kailangan nilang gumising ng madaling araw dahil mas mabilis ang internet at ang LIS mismo.
                Form 2, mag-gegenerate ka ng hard copy ng form 2 at magche-check ka ng attendance ng students mo using this one. Kailangang ayusin ang pag-shade or else hindi ma-rerecord ang absences ng mga bata.
                Form 3, record ng books na naibigay sa mga students. Kailangang updated at kung masipag ka pwede mong i-check every month kung buhay pa ba iyong books na nasa kanila or else ikaw din ang magsa-suffer dahil ikaw ang magbabayad niyan at the end of the school year.
                Form 5, kapag natapos na kayo sa reading of forms at the end of the school year ay pwede mo ng lagyan ng final grade ang mga students mo sa LIS. Kapag okay na ang lahat ay generate uli ng hard copy at print.
                Class Records, may generated class record na ang DEPED. Hindi mo na kailangang bumili ng class record sa national bookstore dahil ilalagay mo lang ang name nila dito tapos ang grades nila, hindi mo na rin kailangan ng calculator dahil automatic na rin ang pag-ga-grado. Kailangan mo lang ng basic skills sa excel at kung hindi ka maalam huwag mo nalang subukang i-change ang automated class record dahil mahihirapan ka lang.
                PTA meeting hard copies, every quarter ay kailangang may minutes of the meeting ka ng parents mo with their attendance and signature dahil kailangang ilagay iyan sa portfolio para sa ating PPST/RPMS o kung anumang tawag ng final project ng mga teachers at the end of the school year. Kailangan din pala may picture kaya kahit naka-tumbling ka while nagmemeeting kayo o kaya naman ay na-deformed na ang face mo maging masaya ka at least may means of verification ka.
                Reply Slips, may mga pagkakataon na magbibigay ang school ng letter sa mga students gaya ng meetings and etc. May mga OA talagang school heads na kailangan pang i-collect ang mga letters, ilagay sa folders, i-fasten with matching master list na may check ng kung sino ang nagpass o hindi. As if naman babasahin nila iyan ‘no itatambak lang nila iyan sa isang tabi.
                Adopt-a-School Report, kapag nagpadala ka ng floorwax, rags, sako o kung anu-ano pa ay huwag mong kalimutan na magpicture niyan dahil hihingan ka ng monthly adopt-a-school report, AKA, Kung ano ang na-donate ng parents ng bata sa school. Kailangan may documentation pa rin.
                Accomplishment Report, kailangan bawat paghinga at pag-utot mo ay documented din dahil kailangan mo iyan sa monthly accomplishment reports mo.
                Take note, dapat ay tigdadalawa ang copies na ipiprint mo tapos lagyan mo ng received by and date signed. Itago mo iyong isa dahil sure akong hahanapan ka nila at sasabihin pa na hindi ka nagpass kaya keep one copy as evidence at kailangan mo rin iyan for future reasons.
                BMI at SF 8, twice mong gagawin ito kaya huwag na huwag mong walain. Updated ka dapat kunga no ang height ng mga students mo at ang weight nila. Kailangan iyan ng school nurse.
                Anecdotal Record, mga importanteng impormasyon ng mga students na kailangan ng guidance councillor ng school niyo. Kailangan mo rin iyan sa PPST mo kaya keep a copy too.
                Summative Test Papers, huwag kang mag-expect na ang school ang magpiprint ng mga modular test papers mo dahil hindi ka nila i-entertain. Periodical examinations nga na test paper ay hindi nila kayang i-one by one test papers mo pa kaya? Kailangan ikaw ang mag-encode at magprint, huwag kang umasa sa kasama mo dahil may sarili din silang trabaho.
                Module/Remediation Exams and Activities, kayo din po ang kailangang gumawa niyan pero kung may access kayo sa LRMDS ay pwede kayong magdownload doon at iyon ang gamitin mo. May mga modules doon and infairness magagamit mo talaga.
                Ang mga namention ko sa itaas ay iilan lamang sa mga paggagamitan mo ng laptop, marami pa actually, kasama na ang mga instructional materials dahil kailangan na at kasali nasa PPST ang ICT integration. Kung nasa elementary and junior high school ka, huwag i-compare ang sarili sa mga senior high school teachers dahil iba ang budget nila sa budget natin. Kung may nakilala kang teachers na binigyan ng sariling laptop, printer at projector eh di sila na ang maswerte tayo naman, sariling bulsa muna natin kakapit. And make sure na lalagyan mo ng pangalan ang mga gamit mo dahil baka akuin din ng school.


2. PRINTER and INK

            Maliban sa laptop, a must din ang printer.  Ito ang asawa ni laptop, kung wala ito wala ka ring masusubmit na school reports. Wala kang mapapa-check na lesson plans, hindi mo masusubmit ang form 2 mo sa mga heads mo. Kaya kailangan na kailangan mo ito, may printers ang mga offices pero minsan ay mahihiya kang pumasok sa mga airconditioned rooms nila para makiprint lang. Suggestion laman, may binili kaming printer ng mga co-teachers ko. Nag-allocate kami ng tig-1,000 from our sweldo. Iyong Epson na pinakamura lang ang binili namin and of course, kung maalam ka dapat ay may resetter ka rin in case maubos ang ink pad life ng printer mo.


3. LAPEL

            Kung malaki na ang boses mo pwedeng wala ka na nito, in my case, malaki ang boses ko kahit kapiranggot ang height ko. Kaya kong magturo ng walang lapel, pero ang nangyari kasi, pagpasok ko sa public school ay agad akong na-assign sa mga sections na nasa school gym. Tatlong sections ko ang nasa gym (2014-2015, section 7-S, 7-R and 7-V), each ay may 60-70 na students dahil kulang sa classroom. Ang nangyari ay unti-unting na-degrade ang boses ko, mabilis na akong mapaos at hindi na siya nakakatulong sa akin. So, as per my co-teacher’s suggestion I bought a lapel. Nasa 500-2000 pesos ang price ng lapels depende sa brand at kung saan mo nabili. Minsan sa shopee ako bumibili dahil mas mura at may favourite brand din ako at trusted ko na. Pero kung gusto mo ng pagmatagalan bumili ka ng medyo mahal.


4. BOND PAPERS
            Long and short. Again, dapat long and short at kulang ang isang ream sa isang buong taon. Huwag din mag-expect na ipo-provide iyon ng school dahil sasabihin lang nila na walang budget at ikaw na muna ang bumili as if i-re-reimburse nila. Maswerte ang school na may monthly supplies ng bondpapers.


5. BALLPENS
            Ito ang hindi mo pwedeng kalimutan, dapat red and black ang bilhin mo. Noong nagsisimula pa lang ako maarte ako sa pens, feeling ko kasi gumaganda ang handwriting ko sa ballpen na ginagamit ko. And since handwritten ang lesson plans kaya G-tech talaga ang ginagamit ko pen. Iyong 70 php na pen tapos isang bagsak lang ay hindi na susulat pa. Pero dahil may laptop na kaya downgraded na rin iyong pen na gamit ko, Fine Tech nalang siya iyong .2 para manipis. Huwag kalimutan ang red ball pen, pang-check ng mga papers ng mga students mo.


6. BACK PACK

            Sa school kung saan ako nagtuturo ngayon, iyong mga pillar teachers ng school (matagal na serbisyo) ay shoulder bags ang dala nila. Iyong tipong pang-teacher talaga. Pero iyon mga ka-edaran ko at hindi pa nakakaabot ng ten years in service back pack na ang dala-dala. Iyong iba malalaki dahil malalaki din ang kanilang laptop. Nasa loob na rin ang lahat ng pwede nilang madala back and forth sa bahay at sa school like test papers na i-rerecord, mga IM’s at kung anu-ano pa. Mas comfortable siya sa palagay ko dahil isahang dala nalang. Unlike kung magsho-shoulder bag ka tapos may bitbit ka pang kung anu-ano sa kabilang kamay mo.
                Pero kung hindi mo feel ang back pack you may stick to shoulder bags with matching paperbags or eco bags for other school related things.


7. CELL PHONE with DATA CONNECTION

            Katulad ng laptop, hindi rin privilege kung maituturing ang pagkakaroon ng high end na cellphone. Hindi naman kailangan na apple products ang bibilhin mo. Kailangan lang malinaw ang kuha ng camera at mabilis maka-connect sa internet. Minsan kasi kapag may meetings wala ng memo, diretso sa group chats ng mga teachers. Unfortunately, iyong ibang mga rooms na walang signals ay hindi nila iyon ma-rereceived. Kapag may mga events kailangan may picture ka, proof din iyon na nasa event ka at hindi umabsent in case hindi ka nakapag-attendance. Tandaan mo sa cellphone na hawak mo nakasalalay ang magiging documentation mo kapag may school related activities.


8. INTERNET CONNECTION
            May wifi and internet connection ang schools, hindi lahat pero karamihan meron. But it doesn’t mean na lahat ay pwedeng mabigyan ng access, maswerte ka kung nakapag-ninja moves ka dahil pwede kang magdownload ng mga videos sa youtube  for your classes at magresearch ng mga topics na kailangan mo sa klase mo. Kung wala ka nito, balik nalang tayo sa number 7, may portable hotspot naman ang phone mo kaya pwede mo iyong gawing source of internet connection.


9. MAKE-UP KIT

            Alam kong ang iba sa inyo ay sasabihin na bakit kailangan pang magpaganda or whatever kung nasa loob ka lang naman ng school. Hindi mo naman kailangang maging si Catriona, kailangang presentable ka. Iyong principal ko dati na-sita ako dahil bakit wala akong lipstick. Dapat daw ay may kulay ang mukha ko para buhay na buhay kapag nasa harap ako ng mga students. Kailangan presentable, hindi kailangang maging Miss Universe sa ganda.
                Iba na ang panahon ngayon, iba na ang mga bata ngayon. Kung ayaw mong masabihan ng pangit dapat ay mag-ayos ka. Pulbo at liptint ay okay na iyon. Dati ay lipstick at blush on ang bitbit ko palagi pero noong na-introduce ako sa liptint na ginawa kong blusher at lipstick alternatives ay doon na ako nag-stick. Kung ikaw naman ay lalaki, saktong gupit lang fight na.


10. SCHOOL SUPPLIES

            Bilhin mo na ang mga kailangan mong school supplies like cartolina (iba-iba ang kulay), manila paper, pentel pens, inks, rulers, glue, folder, puncher, fastener, coloring materials, plastic covers, notebooks at scotch tapes. Kailangang hindi ka mauubusan ng mga iyan dahil buong taon mo silang gagamitin at imposibleng hindi magamit. Kahit stamp pad ay magagamit mo rin eventually.
                Ang mag naisulat ko ay iilan lamang sa mga kailangan mong iprepare kapag pumasok ka na sa serbisyong publiko. Magrereklamo ka pero sigurado akong kikilos ka rin, sanay na akong makarinig ng ganyan at was once like that. Ngayon kasi nagrereklamo pa rin ako pero susugod na ako para magtanong kung sensible ba ang mga pinapagawa at pinapapasa sa amin. Sabi nga nila ang mga teachers, mababait sila sa unang tatlong taon. Pero kapag lumampas na ay unti-unting tutubo ang sungay ng mga iyan at matuto na tayong magtanong ng mga bagay-bagay.


11. PATIENCE

            Patience is really a virtue kung wala ka nito hindi ka magsusurvive sa Jurassic Park na papasukan mo. Hindi lang ito applicable sa mga bata pero pati na rin sa mga co-teachers at sa heads mong uubusin ang iyong pasensya. Kaya kailangan mo nito, kailangan mo nito at pinakakailangan mo ito.


12. GOOD HEALTH

            Tandaan, PHILHEALTH lang ang meron tayo kaya kailangang alagaan ang self. Puhunan ang katawan sa pagtatrabaho at wala tayong health insurance kaya huwag abusuhin. Alam kong hindi magandang pakinggan ang sasabihin ko pero kapag naburn out ka na at hindi mo na talaga kaya, mag-absent ka. Isang araw, maaaring malaki ang kaltas niyan pero sigurado naman akong mas malaki ang mawawala sa iyo kapag hinayaan mong kainin ka ng pagod mo. Be healthy and stay healthy. Dito ka dapat mag-invest ng mas malaki, bumili ka ng vitamins at lumaklak ng sobrang daming tubig.


13. LOVE

            Para sa mga students mo at para sa sarili mo.








Ang mga naisulat ko ay ilan lamang sa mga bagay na dapat mong tandaan kapag pumasok ka na sa serbisyo. Laging tandaan na ang natutunan sa eskwelahan ay 20% lamang sa dapat mong matutunan kapag nasa service ka na. Ang 80% ay sa field mo na matututunan at first-hand experience pa. May pahabol pa pala, dapat ay may budget ka rin sa mga DEPED nite at kahit gaano katigas ang katawan mo mapipilitan kang palambutin iyan dahil wala kang choice kundi ang sumali.

Hope you enjoyed reading this one. Kung may hindi pa ako nasasali ay pwedeng-pwede kayong mag-comment para pandagdag. This will help future educators in preparing for their next adventures in life.

Love,
Inang

1 (mga) komento:

  1. Maraming maraming salamat po dito Cher! 😍😍
    Future educator din po ako soon 😊

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang