Walang secret recipe sa pagiging isang guro, pwedeng naging isang guro
ka dahil iyon ang napag-aralan mo noong college, pwede rin na dahil stable ang
ganitong trabaho, pinilit ka ng pamilya mo, o dahil passion mo talaga ang
pagtuturo. Pero paano nga ba maging effective at efficient na teacher?
Sa modernong
panahon ngayon kung gusto mong pumasok sa ganitong propesyon at pumasok sa
sistema dapat ay maging handa ka sa lahat ng bagay. Hindi madali ang makapasok
sa Departamento, kung wala kang malakas na ‘backer’
ay kailangang malakas ang loob mo. Ang iku-kwento ko sa inyo ay base sa
totoong naranasan ko.
2013, iyan ang
taon na nagpasa ako ng pertinent paper para maging isang public school teacher
sa aking alma matter. Labag sa loob ko ang pagpasa dahil isa ako sa pinilit ng
pamilya. Pagkatapos kong ibigay ang aking contact number ay umuwi na ako para
maghanda sa magiging demonstration teaching ko. Yes, dapat handa ka.
Handa ba ako sa panahong iyon? Hindi ang sagot ko. Wala akong
kaalam-alam sa pagtuturo dahil hindi naman Bachelor in Secondary or Elementary
Education ang natapos ko, Bachelor of Science in Biology na may education units
dahil sa university na napasukan ko kaya nakapagtake ako ng board examination.
Kaso, ayoko ng mag-back out dahil nag-AWOL na ako sa call center company na
pinasukan ko. Hindi ko na itinuloy ang quality analyst na training ko dahil
bigla akong nawalan ng drive. Heto na, kailangan kong lampasan ang unang step
at iyon ay ang demo-teaching!
Anu-ano ang ginawa ko?
PAGPILI NG TOPIC
A. Naalala
ko pa kung ano ang topic na naisipan kong i-demo. Acid and Base. Topic iyan
sa grade 7, K to 12 na kasi ang curriculum kaya nakapagdownload ako ng science
manual sa internet at mula doon ay kumuha ako ng topic na medyo madali para sa
akin. Kailangan ng research mga babies, kailangan alam mo ang topic mo. You must
be books away from your students.
B. Noong
nakapili na ako ng topic ay nagsimula ng mabaliw ang inang niyo dahil kailangan
kong gumawa ng lesson plan. Ano ba ang alam ko sa lesson plan? Sabi ko nga
hindi ako education major, may units lang at lesson guide lang ang pinapagawa
sa amin. Hindi rin ako nag-aral ng husto doon dahil hindi ko naman iniisip na
papasok ako sa pagtuturo. Naghanap ako ng lesson plan template sa internet
(salamat GOOGLE) at humingi ako ng tulong sa friend ko na education major para
doon. Luckily, natapos ko naman siya on time! Yay!
C. Pagkatapos
ng lesson plan ay kailangan ng visual aids, feeling ko ay mag-rereport ako that
time, akala ko nga ako ang pinaka-prepared sa lahat ng prepared kaso nagkamali
ako. Pagdating ko sa venue ng demo-teaching ay laking gulat ko na ang mga
kasabayan ko sa pagpaparanking ay kulang nalang dalhin ang buong bahay nila sa
dami ng kanilang dala habang ako ay isang malaking brown na paper bag lang (mas
mura kasi iyon, 50 pesos lang yata iyon). Iyong iba may mga dalang CPU,
keyboard, at kung anu-ano pa.
DEMO-TEACHING
Pangalawa ako sa nag-demo dahil iyong una ay
Physics major, alam niyo ba na isa sa mga naging students ko ay ang bunso kong
sisteret. Mas pressure at medyo nakakahiya din lalo pa at first section iyong
pinagdedemo-han ko. Sa likod ng mga students ay ang mga principals sa iba-ibang
school na magju-judge kung qualified ba ako. Nakaka-nerbyos din, nairaos ko
naman kaso lumampas talaga ako sa oras.
INTERVIEW TIME and ICT
Akala niyo tapos na ‘no? First step pa lang iyon,
may second step pa at iyon ay ang interview. Para ka talagang nag-aapply ng
trabaho dahil sa sobrang haba ng pila, nakapila kami sa labas at sobrang init
pa pero kailangang magtiis. Pagdating sa venue ng interview ay may ten na
tables at each table nandoon ang mga principals ng iba-ibang school, kakausapin
ko sila isa-isa. Mas matindi pa noong nag-apply ako sa call center (mas madali
yata iyon). Nakaka-stress din. Naipagpasalamat ko nalang iyong communication
training ko noong nasa CC pa ako, it helped me a lot. Hindi man ako
grammatically perfect at least nagawa kong makipag-communicate sa mga higher
ops ng hindi sumasalabit ang dila.
Pagkatapos ng
interview ay pinapasok kami sa ICT room, may ibinigay silang papel na may
instruction. Sorry at hindi ko na maalala dahil sobrang tagal na rin. May
pinagawa sila sa amin, basta ang naalala ko ay nag-open kami ng MS Word at
Excel tapos may kinalikot kami doon. Actually, naalala kong hindi ko pala
natapos iyong pinapagawa sa akin kaya sabi ko sa sarili ko paglabas ko ng
school/venue ay baka wala na akong chance. Maghahanap na lang uli ako ng ibang
trabaho. I mean I was 20 at that time and no teaching experience kaya hindi rin
masyadong mabigat sa loob kung hindi ako nakapasok.
English Proficiency Test (EPT)
May nag-text na
teacher from the school kung saan ako nag-apply, sinabi nila ang schedule ng
EPT. Final test and yes, puro English lang. Siguro dahil fresh from call center
ako that time kaya masasabi kong kahit papaano ay nagawa ko namang sagutan ng
maayos ang mga test. Sobrang dami ng questions, na-enjoy ko lang ay iyong
grammar and comprehension part ng test. At iyong hindi ko naman nagustuhan ay
iyong may sentence tapos every word or phrase ay may underline and under sa
underline word or phrase ay may mga letters. Tapos sa question ay bibilugan mo
daw iyong mali doon… seriously, kahit kailan hindi talaga ako magaling sa
ganoong test. Alam niyo iyong feeling mo lahat ay tama pero sa totoong buhay ay
may mali naman talaga.
Hindi ko alam ang
score ko sa test, pagkatapos ng lahat ng napagdaanan ko sa pagpaparanking ay
malinaw sa utak ko na wala akong chance.
Zero ako sa
teaching experience, wala akong recent seminars maliban noong nasa college pa
ako. Hindi ko rin alam kung maganda ba ang performance ko sa demo-teaching, EPT,
interview and ICT. Ang laban ko lang yata ay ang credentials at GPA ko noong
college para lang magka-points.
Ano ang ginawa ko pagkatapos ng
ranking process?
Bumalik ako sa totoong buhay ko, na-condition ko
na rin ang utak ng mama ko na maaaring hindi ako makapasok dahil marami ang mas
qualified. Naghanap ako ng ibang trabaho, nag-apply ako sa isang call center
company na malayo sa dating pinagtatrabahuan ko dahil AWOL nga ako doon.
Matagal ang results ng RQA, usually nalalabas ang results kapag last week ng
May or first week ng June o kaya naman July until August.
July 2, katatapos
lang ng shift ko at pumunta ako sa locker para kunin ang mga gamit. Medyo lutaw
pa ang utak ko ng mga time na iyon dahil sa queuing talaga. Kinuha ko ang
cellphone ko at may nabasa akong message.
Good
Morning, This is Mrs. @#@! from #!@qw National High School… blah… blah.. blah..
Pinapapunta
ako sa school ko ngayon dahil kailangan ko na raw mag-report. Clueless. Pero
pumunta pa rin ako after work, and there nalaman ko na matagal na pala daw nila
akong kino-contact. Seryoso talaga? Halos nakadikit na sa akin ang cellphone ko
at iyon lang ang unang beses na naka-received ako ng message from them. Pero
hindi na ako nagsalita. Pinapunta ako sa Division Office para pirmahan ang
advice ako. Pagkalabas ko doon ay naisip ko… “Mukhang may trabaho na naman ako’.
Sinabi ko sa mama
ko ang news, sobrang happy siya pero iyong feeling ko two by two talaga. Natulog
ako at kinagabihan ay pumasok ako sa CC, nagpaalam ako sa team leader ko. Huwag
niyo akong gayahin pero nag-AWOL na naman ako mabuti at hindi ako hinabol. Kinabukasan
ay inayos ko na iyong documents na kailangan kong icomply at ipasa sa division office.
Nagpunta ako sa isang public hospital sa City para sa Psychological Exam.
Nakilala ko din doon ang isang bagong hire, same school at same department. At
least hindi ako nag-iisa, may kasama ako.
Pumasok na ako
the next day, binigyan ako ng pwesto sa Biology Laboratory kasama ang isang
tenured na rin na teacher at isang ahead lang sa akin ng one year. Tinulungan
nila akong gumawa ng lesson plan dahil nalaman ng Head Teacher namin na hindi
ako marunong gumawa ng LP. Hindi rin naging madali ang pagpasok ko sa serbisyo
at naging struggle din ang adjustment.
Abangan sa susunod kung anu-ano
ang mga naging struggles ko.
Thank you for reading everyone!
Love,
Inang
0 (mga) komento:
Post a Comment