Thursday, June 13, 2019

My Independence Day 2019

Maligayang araw ng kalayaan/kasarinlan mga babies!

Alam kong ang iba sa inyo ay holiday ngayon, ang mga students ay nasa bahay at mahaba-haba ang tulog samantalang iyong mga empleyadong walang pasok ay natutulog pa rin o kaya naman ay naglalaba ng maruruming damit o kaya naman ay naglilinis ng bahay. Iyong nasa private sectors, double pay ngayon!

Hindi na bago sa atin ang Independence Day lalo na sa akin, every year ay sine-celebrate natin ang araw na ito. Simula noong nakapasok ako sa serbisyong publiko ay palagi ko nang na-e-experience ang tinatawag na flag raising. Dito sa amin ay ginaganap ang flag raising sa Mactan Shrine, yes, I'm from Cebu specifically sa Lapu-Lapu City. Noong mga nakaraang mga years ay palagi akong on time sa mga event na tulad nito pero ewan ko ba, simula noong pumasok ang 2019 ay tinamad na ako. I love my students and my teaching work iyong ayaw ko lang ay paper works. Ayon sa memorandum kailangang nandoon na kami sa venue ng 7:30 AM, iyong iba ko pang kasama ay nandoon na ng 6:00 AM dahil sa wrong information and instruction.

Nagising ako ng 6 AM pero nagbrowse pa ng facebook for almost thirty minutes saka ako naligo, nagkilay, nagblush-on at naglip tint. Twenty minutes din na naghintay ng masasakyan dahil walang tricycle kanina, baka nagholiday din. And another thiry minutes or so travelling from my place to Mactan Shrine. Sakay ng jeep at lakad pa under the heat of the sun.

Pagdating namin doon ay nagspeech na ang Department of Education Secretary na si Leonor Briones, don't get me wrong hindi naman sa ayoko sa kanya, medyo disappointed lang. Marami kasi siyang nasabi sa mga guro na hindi masyadong maganda at nakakasakit sa ego. Gaya ng pagsabi niya sa mga teachers na nag-ooffice sa restroom ng 'touching and dramatic'. Malamang hindi niya alam ang tunay na senaryo sa isang pampublikong paaralan dahil hindi naman niya naranasang magturo sa ganoong mga school. Hindi isolated case ang nasa balita, hindi lang sila ang nagkakaganoon. Kahit dito sa amin ay bawal ang faculty rooms at required kami na mag-stay sa classroom.

Two teachers ang nasa loob ng classroom dahil shifting na ang class, may morning and afternoon at share nga sa learning room. Dahil walang mga faculty room kaya nakatambak sa area namin ang aming mga gamit, take note, marami talaga kaming cabinets dahil doon namin nilalagay ang mga supplies namin gaya ng bondpapers at kung anu-ano pa. Doon din namin nilalagay ang mga old testpapers, mga visual aids, mga papers na kailangan icheck at irecord na hindi nagawa dahil hindi na nakayanan ng time. Then may principal pang gusto ng maarteng classroom, dapat daw may mural paintings, etc. Sa susunod na mga rants/blog ko ay ipapakita ko sa inyo iyong dating classroom ko at ang classroom ko ngayon.

Sa part ko gusto ko iyong nasa room ako dahil nababantayan ko ang mga students ko at nasisita ko sila sa mga misbehavior nila. Ang hindi ko lang gusto ay wala kaming area na pwedeng paglagyan ng mga importanteng gamit namin gaya ng personal na TV, lapel at printer. Mahirap kasing iwanan sa classroom ang mga iyon lalo pa at maraming hindi mababait ang mga kamay sa panahon ngayon. Nevertheless, hindi ko pinakinggan ng husto ang speech dahil wala naman siyang sinabi about sa salary increase o ano at ayaw na rin naming mag-expect pa. Sa totoo lang okay lang sa akin na walang salary increase pero dapat ibalik ang dating way ng mga teachers. Wala na sanang sandamakmak na paper works at focus na lang kami sa paggawa ng Lesson Plans, Visual Aids/IMs.

Introduction pa lang iyong sinabi ko, gusto ko lang talagang ikwento kung ano ang ginawa namin kanina. Kahapon sinabi nilang required kaming pumunta sa school to welcome Briones and of course dahil hindi naman talaga kami interesado kaya hindi kami pumunta doon. Pagkatapos ng speech at ng attendance ay sumibat na kami para kumain sa Mcdo. Three lang kami dahil iyong isang kasama namin ay kinailangang bumalik sa school nila.

After eating sa Mcdo at lumaklak ng vanilla milky coffee ay umuwi na iyong isang friend namin, kami ng partner in crime ko naman ay sumakay ng v-hire papuntang SM Cebu. Alam niyong pagpasok mo sa v-hire ay medyo big boned ang mga tao kasali na kaming dalawa ng kasama ko. Diyos ko para kaming mga sardinas sa loob ng lata, sobrang init dahil hindi nakayanan ng aircon ang hotness namin.

Naghanap ako ng HDMI cord para laptop to TV connection dahil kailangan ko na talagang magsimulag mag-klase. Iyong si freeny naman ay naghanap ng charger para sa kanyang phone. Pagkatapos ng walang katapusang pag-iikot ay natapos na rin namin ang kailangan naming bilhin of course may mga side bits pero keri pa rin. Dahil nagutom at hindi namin trip ang mga resto sa SM dahil medyo nauumay na rin, nagpasya kaming pumunta sa Food court at hinanap ang stall ng Seoul Bibimbob. Nag-order kami both ng Samgyeupsal rice meal at nilantakan namin dahil gutom na talaga kami. Food loves us and so are we.


Ano ang verdict ko? Mahilig akong kumain ng Korean dishes, sa presyo niya medyo okay naman siya. Hindi talaga siya one hundred percent na masarap pero hindi din naman pangit ang lasa. Matamis kasi iyong meat and I don't like sweet tasting meat. Sa Octagon ako nakabili ng HDMI cord, medyo nalito pa nga ako kung ano ang bibilhin ko, iyong 1.4 v or 2.0 wala naman akong alam doon kaya binili ko ang mura. Tipid-tipid muna tayo mga babies dahil naubos sa pagkain at kape ang pera (huwag akong gawing role model, I love life and I want to enjoy every bits of it).

After eating ay nagpasya kaming maghanap ng coffee shop dahil maglalaro pa kami ng mobile legends, sa kasamaang palad dahil holiday kaya medyo puno ang mga shops at iyong available ay sa labas lang kaso mainit eh. Kaya bumalik nalang kami sa Lapu-Lapu, sumakay kami ng mybus from SM to Airport at bumaba kami sa may bandang Starbucks. Ayon, doon kami nagpasyang maglaro.


Bago yata iyong na-order naming drinks, hindi ko bet ang mga drinks na may cream dahil masama siya sa tummy ko. Kaya kahit sa Bo's coffee ay pinapatanggal ko ang cream sa coffee jelly, unfortunately nakalimutan ni freeny kaya ayon napilitan na inumin. Caramel something yata ang name ng drinks tapos may maliliit na bubble tea, hindi ko rin bet ang lasa. Iba-iba siguro tayo ng taste pero pinilit ko pa rin na ubusin, sayang din kasi. 

Nakatapos ako ng until MOnday na lesson plan, ang dami kasi naming no classes this week kaya paulit-ulit lang ang lesson pero sa susunod na rant na iyan. Holiday ngayon kaya enjoy lang. Halos three hours din kami sa SB, napagod na iyong mga daliri ko sa kalalaro ng ML at ilang stars na rin ang nabawas sa akin ng magdecide kaming umuwi--- pero Brawl at Survival talaga iyong fave part ko ng mobile legends.

Nakita nalang namin sa facebook status ng mga kasama namin na nagpunta na pala si Sec Briones sa school at wala kaming pakialam sa mga nangyari doon dahil masaya naming na-enjoy ang aming araw ng kalayaan. This might be the last araw ng kalayaan na icecelebrate namin ni Freeny dahil aalis na siya papuntang Indonesia for the good. Baka isang araw ay maisipan ko rin na umalis na rin sa serbisyo (SOON).

Masyado na itong mahaba kaya puputulin ko na. Enjoy reading everyone and hopefully nag-enjoy kayo sa inyong INDEPENDENCE DAY!


Love,
Inang



0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang