Sunday, June 23, 2019

Black Magic 5 - Write Love: 7- Prologue


7 – PROLOGUE
            SA totoo lang ay hindi pa siya nakakasulat ng nobela kung saan ang isang lalaki ay sobrang weird. Well, nasa totoong buhay pala nga pala siya at sa totoong buhay may ganoong lalaki nga sa katauhan ni Hanz. Kung kanina ay kasing dilim ng langit ang mukha nito at ayaw siya nitong pansinin bigla ay bigla itong bumait sa kanya at kung kulitin siya ay wagas.
            “What?” inis na pakli niya dahil hindi niya matuloy-tuloy ang kanyang pagsusulat. Nakalipat na ito ng upuan, nasa harapan na ito ng counter at kanina pa nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya. May ilang pagkakataon pa nga na bigla-bigla nalang siya nitong kukurutin sa mukha. “I can’t concentrate.”
            “That’s normal, nakaka-distract naman talaga ang kagwapuhan ko. Pwede mo namang ituloy mamaya iyang sinusulat mo at pansinin mo ako.” He is obviously flirting with her. Hindi siya tanga at hindi siya boba para hindi mapansin iyon. Ayaw niyang mag-assume pero parang ganoon na nga.
            “Quit it will you?” utos niya dito.     
            May inabot na naman ito sa may mukha niya and this time kahit na samaan niya ito ng tingin ay parang baliwala lang dito iyon. He can be frustrating sometimes.
            “You are very pretty but I still prefer your normal looking self.” Tinaasan niya ito ng kilay. “You are still pretty with your normal looking self it just that with you like this, you look more dangerous.” Natameme siya sa sinabi nito. She collected herself. She refused to be swayed by his sweet words.
            “What do you want Hanz?” Nagdududang tanong niya. Hindi na normal ang pinagsasabi nito sa kanya. Ang mga warning bells sa kanyang utak ay tumutunog na at nagpapahiwatig ng paparating na hindi magandang balita.
            “You.” direktang sabi nito. Pakiramdam niya ay huminto ang pagtibok ng puso niya sa sinabi nito, parang bombing sasabog nalang kahit anong oras. “I want your attention. Come on Jada. Tayong dalawa lang dito sa bakeshop alam mo namang nababaliw ako kapag wala akong kausap.” May dapat ba siyang asahan? Si Hanz ang tipong hihilahin ka paitaas at hihilahin ka rin pababa. Dahil dito nagkakaroon siya ng mga weird emotions at hindi na talaga niya nagugustuhan ang mga iyon. She vowed to have a peaceful life until the day she died but he is messing with it.
            “Can you give me a peace of mind, Hanz? May tinatapos ako dahil hindi ko alam kung anong oras akong makakauwi ngayong gabi.” Seryosong ani niya dito.
            “Huwag ka nalang umalis ngayong gabi, pwede ka namang mag-dinner sa bahay mo hindi ba? How about I treat you dinner instead?”
            Tinaasan niya ito ng kilay. “I’m fine, gabi-gabi kang may ka-date baka dumating ang point na mamumulubi ka na sa kaka-treat ng dinner sa mga female friends mo. Save it.”
            “Kapag pumayag kang magdinner tonight hindi na ako makikipag-dinner sa ibang female friends ko.” And he even raised his right hands as if he is making a promise to her.
            She saved her files before closing her laptop screen. Kapag hindi niya ito papansin ay siguradong wala rin siyang matatapos na trabaho kaya mabuting bigyan nalang niya ng pansin ang binata.
            “No need, what do you want?” biglang kumunot ang noo nito nang makitang isinara na niya ang kanyang laptop. “I’ll give you my time at ng hindi mo na ako kulitin. What do you want to do? Gusto mong maglaro ng jack n poy? Baraha? Luksong baka?” she’s actually a bit sarcastic.
            “You eat dinner with me.”
            “I’ll give you my full attention now Hanz so stop pestering with the dinner. Ang sabi ko naman sa iyo save your money, I know you have a well-paid job pero kung gastos ka ng gastos mauubos din iyang pera mo. Stop inviting me out for dinner.” Asar na sabi niya. Akala niya ay maiinis ito sa kanya mukhang mas nasiyahan pa ito dahil napagsabihan niya. Hanz is really weird.
            “What do you want to do?”
            “Nothing.”
            Kumunot ang kanyang noo. “Ginugulo at kinukulit mo ako dito pero wala ka naman palang gustong gawin?”
            “Gusto lang kitang makausap.” Tumayo ito at kumuha ng bread tray, pumili ito ng ilang cakes and pastries at bago bumalik sa kanya ay dumaan ito sa ref at kumuha ng kanyang paboritong Huckle Berry mixed berries flavoured iced tea. “Let’s talk.” Ito na mismo ang nagbukas ng iced tea at ibinigay sa kanya ang mga pastries and cakes.
            “Anong pag-uusapan natin? Ayokong makipagbiruan sa iyo.”
            “I am serious here, gusto ko lang may makausap ng matino ngayon. I’m not really feeling well today.” Kumunot ang kanyang noo. Napansin nga niyang kakaiba ang kinikilos nito kanina baka dahil hindi nga maganda ang pakiramdam ng lalaki.
            “Bakit hindi mo agad sinabi? Pwede ka namang umuwi at magpahinga, hindi mo ako kailangang samahan dito.”
            “No way!” bulalas ni Hanz. “At hayaan kang mag-isa dito? I’m okay here.” Ininom nito ang sariling ice tea. “What’s with the look Jada?”
            “Sabi kasi ni Yumi I need to look decent since haharap ako sa mga customers.” Aniya dito. “I may be a little crazy but I’m also a rationale being. Pumayag akong tulungan si Yumi dito para sa kasal niya at ayoko namang takutin ang mga customers niya dito. Hindi man ako palaging nag-aayos but I still know how to make myself presentable.”
            “You really look presentable. More than presentable.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi niya na ikinatigil nito at napatitig sa kanya.
            “Nasobrahan ba? Hayaan mo next time ay babawasan--.”
            “No! Bagay sa iyo ang ayos mo, nakakapanibago lang dahil hindi ka naman palaging nag-aayos.”
            “Of course, I’m a writer Hanz. Nasa bahay lang naman ako palagi at hindi lumalabas. Kung hindi dahil kay Dorothy ay hindi rin naman ako lalabas ng bahay. Wala rin namang silbe kung mag-aayos pa ako. At kapag lumalabas naman ako ay nasa subdivision lang ako, komportable na ako sa mga tao dito sa atin at kahit ano naman yata ang isuot mo ay wala rin silang pakialam. Iyan din ang nagustuhan ko sa mga tao dito, hindi sila judgmental. Kaya nasanay na akong hindi nag-aayos kahit na nasa subdivision lang ako.” Paliwanag niya dito.
            “You are already beautiful Jada kahit na noong college pa tayo. Alam mong madalas ako sa library--.”
            “May kasama kang mga babae doon.”
            Tumawa ito ng malakas. Siya naman ang napakurap dahil sa tawa nito, hindi pa niya nakikita ang lalaking tumatawa ng ganoon. He looks really happy.
            “I was young, minsan sa buhay mo ay may nagagawa ka talagang mga bagay na hindi maganda na pagsisihan mo kapag tumino ka na.”
            “Pagsisisihan?”
            Tumango ito. “May mga bagay kasi na akala mo ay tama kaya mo ginagawa but when you grow up and you realize that it was stupid you just want to smack your head on the floor.”
            Natawa siya sa sinabi nito, this time it was a real laugh. “Tama ka pero sa tingin ko normal naman na may nagagawa tayong ganoon, nasa atin lang siguro kung paano natin itatama ang pagkakamaling nagawa natin dati.”
            “Alam mo kung bakit nandoon ako sa library dati?”
            “Because you are a studious type of student.” Sagot niya.
            Tumawa uli ito sa kanya. “Studious? Jada, hindi mo ba naaalala ang mga librong hinihiram ko sa iyo dati?” nagsalubong ang kanyang kilay sa tanong nito.
            “Nope.”
            “Those were random books. Iyong feel kung hilahin mula sa shelf at wala akong pakialam kung ano ang librong iyon.”
            “What’s the reason why--.” Natigilan siya at tinaasan ito ng kilay. Nagpapansin ito sa kanya dati? Wehh?
            “Kung ano man ang nasa isip mo ay totoo. Nagpapapansin ako sa iyo, pagkatapos mo akong i-basted ay tumaas hanggang langit ag pride ko. Sabi ko sa sarili ko maraming magagandang babae sa university at hindi kawalan ang hindi mo pagpansin sa akin.”
            “Baliw ka ba Hanz? Fourth year college ka noong mga panahon na iyon at first year pa lang ako. Anong alam ko sa mga ganyan-ganyan?” biglang tumaas ang boses niya dito.
            “May naging girlfriend ako noong high school.”
            “At hindi lahat ng babae ay relasyon at lalaki lang ang isip sa murang edad. My goodness, underage pa nga ako ng mga panahon na iyon. Alam mo bang sundalo ang tatay ko? Paano kung sinagot nga kita noong mga panahon na iyon?”
            “I didn’t know.” Depensa naman nito sa sarili. “I thought all women were the same. Lahat nang nilalapitan ko ay sinasagot naman ako ikaw lang ang hindi that’s why I thought you were weird. At gusto kong gantihan ka sa pambabasted mo sa akin, pumupunta ako doon na may kasamang mga dates. I want you to see na hindi ka kawalan sa akin.”
            Tinaasan niya ito ng kilay. “And to tell you the truth Hanz, wala talaga akong pakialam sa iyo noong mga panahon na iyon. Ang gusto ko lang ay makatapos sa pag-aaral at magawa ang lahat ng gusto ko.” Totoo naman ang sinabi niya.
            Napabuntong-hininga ito. “That was so stupid of me.”
            Tumawa siya sa naging hitsura ng lalaki. “Yeah, so stupid of you. Pero mukhang hindi ka naman nagbago, noong nagkita uli tayo dito ay ganoon ka pa rin. Nakasanayan mo na rin na makipaglaro sa mga babae.” Ito naman ngayon ang biglang natahimik sa kanyang sinabi. Mukhang nasobrahan yata ang talas ng dila niya. “Na-offend ba kita? Sorry, I didn’t mean it that way.”
            Inubos muna nito ang ice tea nito at bago pa man ito makapagsalita ay tumunog ang windchime ng bakeshop at pumasok si Genesis at si Gareth.
            “Naka-booked ba ang bakeshop para sa date ninyong dalawa? Sana ay naglagay kayo ng sign na exclusive sa labas.” Nakasinging biro ni Genesis.
            “Genesis!” hinampas ni Margareth ang lalaki.
            “Joke lang, sorry talaga pare. Hindi ko matutulungan si Jada dito sa bakeshop dahil inaalagaan ko pa itong sa Ga-  awww!”
            “Anong inaalagaan ikaw nga iton--.” Hindi na naituloy ni Margareth ang kanyang sasabihin dahil mabilis na natakpan ni Genesis ang bibig nito. Hinampas-hampas ito ng kaibigan pero nahila ito ni Genesis sa isang tabi.
            “Ituloy niyo lang ang date ninyo, papakainin ko muna itong babaeng ito. Mukhang nahawaan ng pagiging bear--.” Sa wakas ay nakaalis na si Margareth sa lalaki.
            “Anong bear?”
            Buong gigil na pinagpipisil ni Genesis ang pisngi ng pobreng kapitbahay. Kapag nagkakasama ang dalawa ay sigurado siyang panggigigilan ni Genesis ang pisngi ni Margareth hanggang sa mamula iyon. Tuluyan na siyang natawa at binalingan si Hanz.
            “Ang cute nilang tingnan no? Alam mo bang may balak akong gawan sila ng love story, from best of friends to lovers. Kapag nagkalakas ng loob si Genesis na umamin kay Margareth ay sisimulan ko na ang chapter one nila.”
            “You knew?” gulat na tanong ng kausap.
            “Na may gusto si Genesis kay Margareth?” inirapan niya si Hanz. “Mukhang alam na ng dalawang barangay ang tungkol diyan. Masyado ng halata iyang kaibigan mo.” Nagkibit-balikat siya. “Wala naman kaming against kung magkakatuluyan silang dalawa. Medyo baliw lang si Genesis at alam din namin na may mga sideline siyang mga babae pero hindi naman siya pakawala. He is still a decent man and he obviously loves Margareth too. Kaunting tulak nalang at masasabi na rin niyang may gusto siya sa bestfriend niya.”
            “How about me? Ain’t I a decent man?” nagdugtong ang dalawang kilay niya sa tanong ni Hanz. May gusto din ba ito kay Margareth? Biglang nag-iba ang timpla ng utak niya sa ideyang may gusto it okay Margareth at ayaw man niyang aminin, naiinis siya. Ayaw niya sa ideyang iyon kaya siguro dala na rin ng nararamdaman niyang kakaiba ay hindi niya napigilan ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.
            “Mas desente sa iyo si Genesis, kahit sinong babae ay mas pipiliin siya over you.”  Huli na nang mapagtanto niya kung ano ang kanyang sinabi. “Hanz--.”
            “It’s okay I understand. Totoo din naman ang sinabi mo.” Ngumiti ito sa kanya pero batid niyang hindi umabot sa mga mga nito ang ngiti. Gusto tuloy niyang sapukin ang sarili dahil sa kanyang sinabi. “Kahit ako rin mas pipiliin ko rin si Genesis keysa sa sarili ko. Sigurado kasi akong maraming masasaktan dahil sa akin.”

            “MAY problema ka ba, Jada?” nag-aalalang tanong ng kapatid ng hindi na siya sumasagot sa mga tanong nito.    
            “Wala naman ate.” Sinubukan niyang maging okay pero sa totoo lang ay malayo sa pagiging okay ang nararamdaman niya dahil na rin kay Hanz. Pagkatapos ng naging pag-uusap nila ay dumating si Yumi at nagpaalam na rin ang lalaki dahil may kailangan pa raw itong tapusin. Alam niyang na-offend niya ito at gusto niyang humingi agad ng tawad.
            “Are you sure? Lalaki ba iyan?” tukso nito. “Oh my God! Lalaki nga. Sa wakas ay normal na babae na ang kapatid ko.”
            Napakunot siya ng noo. “Hindi sa ganoon.”
            “SIguradong matutuwa si Mama nito. Kung alam mo lang ilang santo na ang dinasalan ni Mama para lang magkaboyfriend ka. Mukhang nag-wo-work na rin sa wakas ang kanyang mga prayers.”
            “Sandali lang ate  Jan.” pigil niya sa kapatid dahil masyado ng wild ang imagination nito. “Hindi tulad ng iniisip mo ang iniisip ko.”
            “Oh? So, what’s wrong? Come on tell me. Alam mo bang matagal ko ng gustong mangyari ito, iyong sinasabihan mo ako ng problems mo sa tungkol sa boys. Finally!”
            “Ate naman eh.”
            “Sige na, you can tell ate anything.”
            Malakas siyang napabuntong-hininga. Kailangan na nga niyang sabihin dito ang nasa kanyang loob dahil sigurado siyang mababaliw siya kapag hindi niya iyon na-express.
            “I think I offended Hanz.”
            “Oh, Hanz is the name. Noted.” Tumikhim ito. “Ano ba ang ginawa mo sa Hanz na ito?”
            “Kasi ano… I thought he likes Margareth.” Kilala nito ang huli dahil naipakilala na niya ito dito. “And when he asked me if he was decent enough. I said he wasn’t and Genesis was still better than him.” Nasapo niya ang kanyang noo. “I am so stupid. Minsan kasi ay nauunang mag-isip ang utak ko keysa utak ko.”
            “Bakit mo naman naisip na na-offend si Hanz?”
            “Eh kasi bigla siyang tumatahimik. Hindi naman natatahimik ang lalaking iyon.”
            “Baka naman napagod lang.”
            “Basta hindi ganoon si Hanz. Alam kong na-offend ko talaga siya.”
            “At iyan ang dahilan kung bakit hindi ka mapirme diyan sa upuan mo?”
            “It’s not just--.”
            “You like this Hanz guy?” Mabilis siyang umiling, pakiramdam nga niya ay nahilo siya sa kanyang ginawa. “What’s the problem then? Hindi mo naman pala siya like so okay lang na ma-offend mo siya paminsan-minsan.”
            “No! Kahit na gusto ko man siya o hindi ay hindi pa rin maganda na masaktan mo ang isang tao.”
            “Sa napapansin ko kasi little sis, masyado kang affected sa nagawa mo sa kanya. Don’t tell me na first time mong maka-offend sa ibang tao dahil sigurado akong hindi pero first time kang naging ganito kaligalig. And what’s wrong with him liking Margareth? There’s nothing wrong with that.”
            Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. “He can’t like Margareth.”
            “And why?”
            “Because Genesis likes her huwag na siyang sumali sa picture.”
            Napansin niya ang pagngisi ng kapatid. “O dahil mas gusto mong sa iyo magkagusto si Hanz?”
            “Hindi.” labas yata sa ilong ang pagkakasagot niya kaya siguro tumawa ng malakas si Janina. “Ate.”
            “You like the guy.”
            “Sabi ko--.” Malakas siyang napabuntong-hininga. There’s no need for her to lie anymore, dahil alam niyang hindi ito maniniwala. At alam din niyang hindi na rin niya paniniwalaan ang kanyang sarili. She’s a writer for goodness sake at alam niya kung ano ang mga simtomas ng mga babaeng may gusto sa isang lalaki. “Yes, I like him but I can’t like him more.”
            “And why?”
            Napakamot siya ng batok. “Siya ang tipo ng lalaking gusto ang lahat ng babae, I can’t trust my heart to him.”
            “So, he’s that kind of guy. Paano mo naman nalaman?”
            “Dahil magkapitbahay kami at palagi ko siyang may nakikitang babae na kasama. I even saw him last night with this beautiful woman and then last week may babae din na naghahanap sa kanya.”
            “It’s not a problem little sis, let’s change your wardrobe. Maganda ka hindi ka lang nag-aayos ipakita mo sa kanya na walang-wala ang mga babaeng dine-date niya sa ganda mo. Our beauty runs in the family.”
            “Sinabi na niyang maganda ako kahit hindi ako nakaayos so there’s no need for me to replace my wardrobe.”
            “Iyon naman pala eh, accepted ka niya kahit anong hitsura mo.”
            She sighed again. “Ate, gusto ko lang mag-sorry sa kanya so I can sleep peacefully tonight. Wala akong balak na sabihin sa kanya na gusto ko siya.”
            “You know what dear sister, there’s no harm in telling him how you really feel. Sabi nga nila there’s no harm in trying.”
            “Wala akong balak na ipahiya ang sarili ko sa harap niya and take note kapitbahay ko siya, kapag sinabi kong like ko siya at i-re-reject niya iyon ano nalang ang mukhang maihaharap ko sa kanya pagkatapos. At saka like ko pa lang naman siya, it’s not love or something. Malaki pa ang chance na mawala ang nararamdaman ko sa kanya, baka fascinated lang ako sa kanya ngayon.” hindi niya alam kung kanino niya iyon sinasabi, kung sa kapatid niya o sa kanyang sarili.
            “If you say so once you’ve got your guts back and ready na to tell him what you really, really feel, tell me I’ll help you.” kahit papaano ay napasaya siya ng ate niya, they never had this sister conversation before dahil nga sa magkaibang personality nilang dalawa.

            Kailangan talaga niyang humingi ng tawad kay Hanz or else hindi siya makakatulog ng maayos mamaya.


<3 <3 <3
PHOTO CTTO
TBC



1 (mga) komento:

  1. Aja inang.. kayang kaya mp po yan and thank you po sa update

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang