5 – Emotions
AYAW pansinin
ni Jada ang mga titig ng kanyang mga kaibigan slash kapitbahay. Alam niya ang
ibig sabihin ng mga tingin na iyon. Ang problema lang ay ang awkward ng
feeling, ayaw niyang sitahin ang mga ito dahil baka isipin nila na affected
siya at may tinatago nga siya.
“Jada.” Hindi nakatiis si Pamela at
humarap sa kanya. Nagulat ang naglilinis ng kuko nito sa biglaang pagkibo ng
kaibigan. Nasa loob sila ng salon dahil girls’ date nila ng araw na iyon.
Nandoon din si Dorothy na abala sa paglalaro ng paborito nitong mobile legend
habang nagpapa-pedicure. “Kayo na ba ni Hanz?”
“No.” maiksing sagot niya.
“You don’t have to hide it from us
friend. You can trust us.” Ani ni Yumi.
“Wala akong itatago dahil wala naman
talaga. Kapitbahay lang natin si Hanz, wala ng ibang meaning pa doon.”
“Bakit kasama mo siya sa bahay mo
the other day.” Sa kasamaang palad akala niya ay nakalusot na silang dalawa ni
Hanz ng araw na mapadpad at ma-stranded ito sa kanyang bahay. Pero nagkakamali
siya dahil may nakakita pala dito na lumabas sa kanyang tahanan.
“Isinauli niya si Leo and it was
raining, wala akong payong at nakakahiyang ipagtabuyan siya palabas.” Paliwanag
niya. She really hates it when she’s explaining her side of the story. “Walang
namagitan at namamagitan sa amin ni Hanz.” Dugtong pa niya.
“Bagay naman kayo, bakit hindi
nalang maging kayo?” tukso ni Vanessa.
“Dahil tao kaming dalawa at hindi
bagay.” ayaw niyang sakyan ang pagbibiro ng mga kaibigan. Ang pinaka-worst sa
lahat ay ang ma-fall ka sa isang tao dahil lang sa tukso ng mga taong
nakapalibot sa iyo. Ayaw niya ng ganoon.
“Seryoso kami Jada, medyo playboy si
Hanz but he’s a good man. Malay natin sa iyo lang pala siya magbabago.”
Sang-ayon ni Yumi sa unang panunukso ni Vanessa.
“I hate complications.”
“Part na ng buhay ng tao ang
komplikasyon at saka kapag gusto mo ang isang tao dapat ay i-fight mo hanggang
sa huli.” Sinamaan niya ng tingin si Pamela. Mukhang based from her own
experience ang lumalabas sa bibig nito.
“Tingnan mo kami ni Pamela,
isiniksik namin ang sarili namin sa mga fiancé namin ngayon kaya nakuha namin
sila.” Bumungisngis pa siya Yumi. Saksi din siya kung paano ito nagpakabaliw
dahil kay Howard. Biglang tumunog ang wind chimes ng salon at sabay na pumasok
si Xylee at Bless.
“Mukhang seryoso ang meeting ninyo
pwedeng maki-join?” ani ni Xylee.
“Ginigisa lang namin si Jada,
mukhang may namumuong pagtitinginan sa pagitan nila ni Hanz-.”
“Vanessa! Huwag mo ngang ipagkalat
ang fake news.” Putol niya dito. “Huwag kayong maniwala diyan, walang
namamagitan sa amin ni Hanz.”
Pero parang hindi yata naintindihan
ng bagong dating ang kanyang sinabi dahil mabilis na nakahanap ng mauupuan ang
dalawa at lumapit sa kanila. Ang lugar na iyon ang paboritong tambayan ng mga
kapitbahay niyang tsismosa.
“Tama nga iyong nasagap namin na
news, sa bahay mo natulog si Hanz the other day.” Wika ni Bless.
“Hindi totoo iyan at pwede ba huwag
niyong ipagkalat ang balitang iyan. Nakakahiya sa mga tao.” Parang gusto na
niyang i-speed up ang time dahil gusto na niyang makaalis sa salon na iyon.
“Huwag kang mag-aalala friend, your
secret is safe with us.”
“Nakikinig ba kayo sa akin? Ang sabi
ko walang namamagitan sa amin ni Hanz.” Pigil ang sigaw niya sa mga ito para
lang maintindihan ang kanyang sinasabi.
“There’s nothing wrong with liking
Hanz, Jada.” Singit ni Yumi. Kaibigan ng pinsan nito ang lalaki kaya nasasabi
nito ang mga salitang iyon. “He is a decent man at wala naman siyang dinadalang
prosti sa bahay niya.”
Kumunot ang kanyang noo. “I don’t
like him.”
“Halatang labas sa ilong iyang
sinasabi mo, Jad. Don’t deny it Jada alam kong gusto mo si Hanz.” Malakas
siyang napabuntong-hininga at nagpasyang hindi pansinin ang mga kasama. Kung
hindi dahil sa nagpepedicure sa kanya ay umalis na talaga siya sa loob ng
salon.
“Huwag niyo na ngang kulitin si
Jada, kapag sinabi niyang wala siyang feelings para kay Hanz, wala talaga
iyon.” naiinis siya kahit na ipagtanggol siya ni Yumi ay alam niyang hindi pa
rin naniniwala ang mga ito. “Jada, can I make a simple request?” napilitan
siyang tingnan siya Yumi.
“What?”
“Busy ka ba tomorrow?”
“Yes.”
“No, you are not.” Anito. “Pwede
bang makisuyo? May pupuntahan kasi kami ni Howard for our wedding at wala si
Nanay at Tatay. Si Makisig lang ang maiiwan sa bakeshop, pwede mo bang tulungan
ang future cousin-friend-in-law mo?” sinimangutan niya ito.
“I will kung ititigil niyo ang
panunukso sa akin kay Hanz.”
Pumalakpak ito. “Heard that girls,
wala ng manunukso kay Jada or else kayo ang pababantayin ko sa bakeshop.”
Sabay-sabay na nag-zip ang mga ito
ng mouth. Gusto tuloy niyang magduda sa kinikilos ng mga ito kapag nalaman
talaga niyang may ibang plano pa ang mga kasama niya ay gagawin niyang
kontrabida ang mga ito sa kanyang mga nobela at ipapakain niya sa piranha.
“BAKIT
kailangan pang bumili ng bagong damit?” takang tanong niya habang nakatitig
sa logo ng paperbag mula sa isang sikat na boutique. “At bakit kayo ang
nagbayad? I may be poor pero may pera naman ako.”
“Pasasalamat ko sa iyo iyan dahil
pumayag kang magbantay sa bakeshop since ayaw mo namang tumanggap ng sweldo.”
“I won’t wear this.”
“Please Jada wear that, huwag mong
takutin ang mga customers namin dahil malalagot ako kay Nanay at Tatay. Kapag
nangyari iyon ay baka hindi na matuloy ang kasal namin ni Howard, excited pa
naman ako sa honeymoon.”
Umingos siya. “Bakit hindi niyo
unahin ang honeymoon?” Yumi rolled her eyes.
“Conservative si Howard kahit na
nilandi ko na siya ng nilandi ay ayaw niya gusto niya after the wedding kaya
gusto na niyang makasal agad kaming dalawa. Hindi na ako bumabata at baka
bumaba na rin ang egg cell count ko kaya mabuti ng gamitin ito sa lalong
madaling panahon.”
“You sound so desperate.”
“Hindi naman talaga desperate,
slight lang.” bumungisngis ito. “Don’t worry the dress will look good on you. Bless
will fix your hair tomorrow.”
“Why me?” gulat na tanong ng huli.
“Dahil alam mo kung paano
samantalang ako ang alam ko lang ay kung paano mag-mix ng mga ingredients.”
“I know how to arrange flowers.”
Singit ni Pamela.
“Marunong akong mag-groom ng mga
pets.” Inirapan lang niya si Vanessa.
“I can make lesson plans and
instructional materials.” Si Xylee.
“Fine, I’ll do your hair and your
make-up.” Suko ni Bless. Wala siyang nagawa lalo pa at alam niyang kahit na
nandoon si Dorothy ay hindi ito kakampi sa kanya. Naiwan ito sa restaurant kung
saan sila magdidinner, ito daw ang magbabantay sa table nila pero alam niyang
naglalaro lang ito ng mobile legends.
“Hi, Girls. ano ang ginagawa niyo
dito?” mabuti nalang at napigilan niya ang kanyang sarili or else baka
napasinghap na siya ng malakas ng biglang marinig ang boses ni Hanz. Hindi niya
akalain na magiging ganoon ka-tindi ang magiging reaksyon niya sa lalaki to
think wala naman talaga silang deep connection. Gusto niyang hawakan ang dibdib
niya sa biglaang pagtibok ng malakas at sampalin ang kanyang pisngi dahil
parang nag-iinit iyon.
“Shopping and dinner.” Sagot ni
Yumi. “Anong ginagawa mo dito Hanz?” dahan-dahan niyang itinuon ang pansin sa
lalaki pero sana pala ay hindi niya ginawa dahil kung gaano katindi ang naging
reaksyon niya nang marinig ang boses nito ay parang ganoon naman ang pagbulusok
ng kanyang puso nang makitang may babae itong kasama. Hindi lang basta-bastang
babae, maganda at halatang may kaya sa buhay.
“Date.” Mabuti nalang at na-ideny
niya sa mga kasama na wala talaga siyang feelings kay Hanz dahil kahit kailan
ay hindi siya aamin na may namumuong paghanga sa puso niya para sa lalaki.
Hindi kasi pwede iyon dahil hinding-hindi siya babagay sa isang katulad nito.
“Oh, date.” Napansin niyang
napapasulyap sa kanya ang mga kasama waring inaalam kung ano ang magiging
reaksyon niya, at sigurado siyang walang mababasa na kahit ano sa kanyang mukha
dahil hindi niya kailanman ipapakita na apektado siya. As in N-E-V-E-R!
“Mauna na kami, nagugutom na kasi
ang kasama ko.” Paalam ni Hanz at hinawakan sa beywang ang babaeng kasama nito.
Hindi umimik si Yumi pero halata sa mukha ng kaibigan na tila may hindi ito
nagustuhan.
“Dapat yata ay ininvite natin si
Hanz at ang ka-date niya.” untag niya sa mga ito. May space pa naman sa table
natin hindi pa?” Na-trained siya sa theatre na sinalihan niya noong college
niya na kontrolin ang kanyang emosyon.
“Sino na naman kaya ang babaeng
iyon?” bulong ni Yumi. “Dapat ay inagaw mo si Hanz sa girlash na iyon.” anito
sa kanya.
“And why?”
“Because I want you to be my
cousin-in-law!” mahinang tili nito.
Tinawanan lang niya ang kaibigan
pati na rin ang mga kasama nila. “Come on people can we move on with our lives?
College pa lang ako alam ko kung gaano kalapit si Hanz sa mga babae, ilang
beses na rin akong nakasaksi kung paano niya pinaiyak ang mga iyon kapag
hinihiwalayan niya sa loob pa mismo ng library. At saksi din ako kung paano
niya pinapahabol at pinapaasa ang mga babae sa kanya.”
Inis na napakamot ng ulo si Yumi,
alam niyang hindi na okay ang mood nito. “Dapat ay maranasan niya kung paano
masaktan, isusumbong ko siya kay tita.” Anito. “We will make sure na
mahihirapan si Hanz kapag nahanap na niya ang babaeng magpapatino sa kanya,
tutulungan mo ako right?”
Kumunot ang kanyang noo sa sinabi
nito. “Paano naman kita tutulungan?”
“Pahirapan natin si Hanz kapag
dumating na ang Ms. Right niya.” suhestiyon ni Pamela. “Hindi siya dapat
tinotolerate.”
“Planuhin natin iyan ng husto.” Ani
ni Bless.
Mukhang may ibang agenda na ang mga
kasama niya. Mabuti nalang at hindi na siya ang center of attention ng mga ito.
Gusto nga sana niyang sabihin na huwag ng pakialaman si Hanz dahil buhay naman
nito iyon. Darating din ang araw na magigising ito at siya naman dapat ay
umiwas na rin siya sa lalaki.
Natatakot siya sa kakaibang reaksyon
niya para dito, sa puso niya. Sa kaunting minuto lang ay parang sumakay na siya
sa isang extreme roller coaster ride, naranasan na niya ang rise and fall ng emosyon niya. Ayaw
niyang i-risk ang kanyang puso sa isang tao na alam niyang hindi siya
seseryusohin. And as if Hanz would look at her that way, minsan na niyang
tinanggihan ito dahil alam niyang hindi ito seryoso sa kanya. Imposible talaga.
<3 <3 <3
PHOTO CTTO
Happy reading everyone!
TBC
TBC
Love,
Inang
I love your stories inang. Thankyou for the updates. Worth waiting.
ReplyDeleteThank you for reading my stories. Love lots!
DeleteI so loved your stories po talaga. ����
ReplyDeleteThank you :-)
Delete