4 – Hero Material
MALALAKAS
na katok sa kanyang main door ang
gumising kay Jada. Agad siyang napasulyap sa orasan na nakapatong katabi ng
kanyang desktop, pasado alas otso pa ng umaga. Ibig sabihin ay kakatulog lang
niya at kung sinuman ang gumising sa kanya ay gusto niyang kalbuhin. Inis na
tumayo siya at agad na binuksan ang pintuan.
“What?” iritadong tanong niya lalo
na nang makilala ang kaharap.
“Iyan ba ang ibabati mo sa taong
nagligtas sa alaga mong pusa?” napatingin siya sa puting hayop na hawak ni
Hanz. Kunot-noong napabuntong-hininga siya, sobrang busy siya kagabi kaya hindi
niya napansin na nawawala na pala ang alaga niya. Sa kabilang braso naman nito
ay paperbag na may tatak ng bakeshop ni Yumi. “Idinaan ko itong pusa mo dito,
inuutusan mo ba itong magpunta sa bahay ko?”
“Hanz, masyado pang maaga para
patulan ko iyang mga hirit mo. I’m glad na inuwi mo si Leo.” Kunot-noong
napatitig ito sa kanya kaya mas lalo siyang naasar. She looks like a freaking
ugly fried octopus habang ito fresh na fresh at para lang iyong hero niya sa
sinusulat na nobela. It’s unfair!
“You look-.”
“I know, I look ugly.” Kasabay ng
sinabi niya ay kumulog at kumidlat ng sobrang lakas kaya biglang lumipad ang inaantok
na diwa niya kasabay ng pagtakip ng teynga, napatili rin siya sa gulat.
Sunod-sunod ang naging pagkulog at pagkidlat kaya ramdam niya ang panginginig
ng kanyang mga tuhod. Sumunod din ang malakas na buhos ng ulan.
“Shit.” Narinig niyang bulalas ni
Hanz kasabay ng pagtulak nito sa kanya papasok ng kanyang bahay. Nasa teynga pa
rin niya ang kanyang mga palad at nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.
“Make it stop.” Mahinang usal niya
pero batid niyang naririnig iyon ng binata. “Make it stop please.” Gusto na
niyang umiyak ng mas malakas na kulog pa ang dumagundong sa langit.
“Ano naman ang tingin mo sa akin
Diyos?” mabilis siyang sumampa sa kanyang sofa na para bang may pating sa sahig
na kakain sa kanya. She’s shaking. “Hey, kulog at kidlat lang iyan.” Hinawakan
siya nito para alisin sa teynga niya ang palad. “Jada, come on.” Narinig niya
ang pag-aalala sa boses ni Hanz nang mapansin nitong hindi maganda ang lagay
niya.
“Ayoko… ayoko sa kidlat at
kulog—ahhh!” hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya dahil basta nalang
niyang tinalon ang distanya nilang dalawa at yumakap sa lalaki. Wala siyang
pakialam sa ginawa niya, sa isip niya ay kung tatamaan siya ng kidlat at least
hindi siya mag-iisa dahil idadamay niya si Hanz.
Akala niya ay itutulak siya nito
pero hindi nito iyon ginawa, bagkos ay kinarga siya nito ng maayos at umupo
sila sa sofa. Nakasubsob pa rin ang kanyang mukha sa malapad na dibdib nito,
and whether she admits it or not mabango talaga ang lalaki. Pamilyar sa kanya
ang amoy na iyon pero hindi niya maalala kung saan.
May naramdaman siyang mahinang tapik
sa kanyang likod na para bang batang pinapatulog ng nanay niya. Ang pinagkaiba
lang ay hindi mukhang nanay si Hanz, pwede itong fafa sa mga nobela niya. A hero material.
“It’s okay, kulog lang iyan, kidlat
lang iyan.” Nanginig siya nang tumama ang hininga nito sa likod ng kanyang
teynga. Sensitibo ang bahaging iyon ng kanyang katawan. Mas humigpit naman ang
yakap nito sa kanya dahil akala yata nito ay nanginginig siya sa takot but he
was wrong, hindi niya akalain na mararanasan niya ang mga nararanasan ng mga
heroine sa mga nobelang sinusulat niya. “Tama nga ang balita, babagyo nga dito
sa atin.”
Nagtaas siya nang tingin at
magkadugtong ang kilay na tinitigan si Hanz, napaatras nga lang siya ng kaunti
dahil napagtanto niyang sobrang lapit lang pala ng distansya ng kanilang mukha.
“Ba-bagyo? May bagyo?”
“Yes.” Inipit ni Hanz ang ilang
hibla ng buhok sa likod ng kanyang teynga. “Medyo malakas hindi ko lang
inaasahan na ganito kaaga mananalanta ang bagyo, sana pala ay nagdala ako ng
payong. I can’t go home.” Anitong nakatitig lang sa kanya, sa tingin niya ay
inaalam nito kung saan banda may desenting tingnan sa kanyang mukha. Napatitig
din siya dito, she really can’t deny the fact that he is really good looking.
Then she realized something… parang sinampal siya nang malakas nang mapatingin
sa kanilang posisyon, kulang nalang ay ilublob niya ang kanyang mukha sa mainit
na tubig. Kung may kapitbahay sigurong makakakita sa kanila ay siguradong iba
agad ang iisipin. Kahit sa mga nobela niya ay iba ang ibig sabihin ng posisyon
nilang dalawa.
“Takot ka pa rin? Sobrang pula ng
mukha mo.” Itinulak niya ang mukha ni Hanz gamit ang dalawang palad at mabilis
na tumalon mula sa kandungan nito. “Pambihira ka Jada ikaw na nga ang
nanamantala sa kahinaan ko tapos ide-deform mo pa ang gwapo kong mukha?”
naiiling nitong sabi kasabay nang pagkuha sa throw pillow at inalagay uli nito
sa kandungan.
“So-sorry, nagulat lang kasi ako sa
kulog at kidlat tapos nasa labas pa ako ng bahay.” Safe na siguro siya dahil
nasa loob na siya ng bahay. “Pwede ka nang umuwi.” Mabilis niyang taboy dito.
“Pahiram ng payong.”
“I don’t have one.”
“Dito na muna ako hanggang tumila
ang ulan. Galing ako sa jogging at pinagpawisan ako ng husto ayokong magkasakit
kapag nabasa ako.”
Kumunot ang noo niya. Ang alam kasi
niya ay kapag naglalaro ang mga ito ng basketball ay naliligo din ang mga ito
pagkatapos.
“You can’t stay here.” Ani niya.
“Ang sama mo Jada Kyrine. Inihatid
ko ang alaga mo dito tapos ay ipagtatabuyan mo ako?” napakagat siya ng kanyang
labi habang nakatitig dito at iniisip kung paano niya ito papauwiin. “Don’t do
that.”
Kumunot ang kanyang noo. “What?”
“Don’t bite your lips.” And she can
see some foreign emotions on his eyes as he stares at her lips. Tinaasan lang
niya ito ng kilay.
“I’ll do what I want dahil bahay ko
ito. And you really need to go home. Hindi ka pwede sa bahay ko.”
“At bakit naman?”
“Basta, ayoko ng may lalaki sa bahay
ko.”
Natigilan ito tapos ay nanunuksong
ngumisi sa kanya. “Don’t tell me ako ang unang lalaking nakapasok dito.” Mas
lalong lumapad ang ngisi nito nang hindi siya umimik. “May balak ka bang
mag-madre? Enjoy life, kasama na doon ang pakikipagdate at pakikipag-mingle sa
opposite sex. You are a writer and as a writer you should know the first hand
of interacting to a male.”
Pinameywangan niya ito. “Wala man
akong masyadong experience sa male interaction nakakakuha ako ng ideya sa
internet.”
He scoffed. “Internet? Come on, ano
naman ang alam ng internet sa totoong emosyon ng isang tao?”
“They were emotions from the
uploaders.”
“And can you feel those emotions?”
tumayo ito at hinila siya. Sa bilis ng mga pangyayari ay natagpuan niya ang
sariling bumabalik sa naunang posisyon nila kanina, her legs locking his in a
straddling position. Ang pinagkaiba lang ay may throw pillow na nakapagitan
nilang dalawa.
Hinawakan ni Hanz ang kanyang baba
at hinila palapit dito. “How about this emotion?” nanigas siya dahil sobrang
lapit ng labi nito sa labi niya. “Sigurado akong may pinagkaiba ito sa mga
nababasa mo.” Natilihan siya ng bigla nitong kagatin ang kanyang punong-teynga
and she knew he heard her gasps. “Sa mga nobela mo maraming eksena ang tulad
nito, ganito rin ba ang nararamdaman mo kapag nagbabasa ka ng mga references
mo?”
Gusto niyang sigawan ito ng ‘HINDI’!
Walang-wala ang nararamdaman niya kapag nagbabasa siya ng references sa internet.
Kahit one-eight ay wala, nagbabasa lang siya para may maisulat dahil wala naman
talaga siyang tunay na experience. Nagsusulat siya ng mga romance novels na
hindi alam ang feeling ng kung paano mahalikan at mayakap ng opposite sex.
Hindi kasama doon ang ama at ang brother-in-law niya dahil wala namang malisya
doon.
“I see.” Kunot-noong napatingin siya
dito dahil parang may nalaman itong hindi niya alam. “Wala ka ngang
experience.” Malakas siyang napasinghap at inis na napatitig dito. “Magaganda
ang mga nobela mo, technically speaking ay wala kang maipipintas, maganda ang
flow ng story kaya lang…” nahigit niya ang kanyang hininga habang hinihintay na
matapos itong magsalita. “Kulang.”
“Kulang? Ano ang kulang?”
“Emosyon, Jada. Walang emosyon.”
Nagdugtong ang kanyang mga kilay. “I can’t feel the romance between the hero
and the heroine. May sweet moments pero kulang ang intimacy, maybe because you
haven’t experience it. Binabase mo lang lahat sa mga nababasa mo at mga
nakikita mo.”
Nag-isang linya ang mga labi niya sa
sinabi nito, it wasn’t the first time na narinig niya ang komentong iyon. Palagi
niyang naririnig iyon sa kanyang editor, ginagalingan naman niya and she knew
she really needs improvement on the part pero ano ang magagawa niya? Hindi
naman pwedeng kapag nagsusulat na siya ng intimate scene ay basta-basta nalang
siyang manghila ng lalaki sa tabi-tabi. At saka first time din niya marinig
iyon sa nagbabasa ng kanyang nobela--- nagbabasa si Hanz ng kanyang mga nobela?
“Binabasa mo ang mga sinusulat ko?”
“What’s wrong with reading your
novels?” takang tanong nito sa kanya, his hands were on the sides of her hips.
Gusto sana niyang sabihin na bihira lang siya makakilala ng lalaking nagbabasa
ng kanyang mga nobela pero dahil sa nasa magkabilang sides niya ang palad nito
ay parang natunaw na parang yelo ang utak niya.
Humugot siya ng malalim na
buntong-hininga at umalis sa pagkaka-upo sa kandungan nito at pasimpleng
lumayo.
“Saan ka pupunta?”
“Maghahanap ng payong.” Bigla itong
natahimik kaya napilitan siyang tingnan ito dahil nagtaka siyang bigla kaya
tiningnan niya kung ano ang ginagawa nito. Hindi niya alam kung maiinis o
matatawa dahil natagpuan niya itong nakikipaghilahan ng paperbag sa alaga
niyang pusa. “Leo, stop that.” Tiningnan lang siya ng pusa at saka tumabi sa
binatang kasama. Sa kasamaang palad ay gulanit na ang paperbag at imposible ng
mag-survive pa, nasa sahig ang mga pobreng tinapay na laman ng paperbag.
Lumapit siya upang pulutin ang mga nasayang na tinapay.
“Jada, huwag na-.”
“Papalitan ko nalang ng bago Hanz.”
Na-guilty siya dito dahil ito na nga ang nagdala sa pusa niya ay ito pa ang
nawalan ng tinapay. Papagalitan niya ang alaga mamaya kapag wala na ito. “Dito
ka lang muna, lalabas muna ako para palitan itong mga tinapay mo manghihiram na
rin ako ng payong sa kapitbahay.” Tumayo siya at inilagay sa kusina ang mga tinapay.
Kinuha niya ang kanyang wallet at talagang susugod siya sa malakas na ulan kung
hindi lang siguro siya naharang agad ng kasama.
“’Are you out of your mind Jada
Kyrine? Alam mong takot ka sa kulog at kidlat tapos lalabas ka?”
“Pero nadumihan ang mga tinapay mo.”
“So?”
“Dapat palitan ko.”
“Palitan mo nalang sa ibang paraan.”
“Paraan? Anong ibig mong sabihin?”
“Cook me breakfast.” Nakangising ani
nito.
HINDI
akalain ni Jada na darating ang araw na magkakasama sila ni Hanz na kumain
ng almusal. At hindi lang iyon, ni sa hinagap ay hidi rin niya maiisip na
maghahanda siya ng almusal para sa kanilang dalawa.
“Mukhang hindi mo palaging ginagamit
ang kusina mo.” Pansin nito. Hindi magulo ang kanyang kusina, maliit lang iyon
pero sobrang ayos. Sa tingin nga niya ay kapag pinunasan niya ang mga gamit
niya ay makakahakot siya ng sobrang daming alikabok. May mga kaldero at
kaserola na nakalagay sa cabinet sa ilalim ng kanyang sink. Pinilit siya ng ate
niya na bumili dahil magagamit niya iyon. Hindi niya matandaan ang taon at
buwan kung kailan niya iyon nabili dahil ngayon lang rin niya iyon nagamit.
Rice cooker at isang frying pan lang ang ginagamit niya sa pagluluto, good for
one lang talaga ang ginagamit niya araw-araw. Muntik na rin niyang makalimutan
kung saan inilagay ng kapatid ang mga spare plates and utensils.
“I eat out.”
Kumunot ang noo nito. “Again Jada,
your lifestyle is not good.”
“Alam ko kaya lang ay hindi ako
kasing sipag mo, you know my work.”
“Don’t use your work as an excuse.”
Sinimangutan lang niya ang lalaki na enjoy na enjoy sa pagkain ng fried rice na
parang omelette narin sa dami ng itlog na nilagay niya. “Kailangang maglaan ka
ng oras para mag-exercise, hindi para magpapayat kundi para maging healthy ka.”
“I’m healthy.”
“Akala mo lang iyon, pati pagkain mo
ay hindi rin healthy.” Hinila niya ang plato nitong may lamang pagkain. “Hey,
I’m not yet done.”
“Hindi ito healthy kaya hindi mo ito
dapat kainin.” Asar na sabi niya.
“There’s always a cheat day.”
Tinaasan niya ito ng kilay. Pasimpleng sinulyapan niya ang katawan nito, kahit
yata buong taon itong magche-cheat day ay hindi pa rin magbabago ang katawan ng
lalaki. He looks fit and yes, he is fit. “May sports ka ba?”
“Meron.” Sumubo siya ng pagkain.
“What is it?”
“Chess.” Gusto niyang matawa sa
naging reaksyon ng mukha nito. He looks offended. “Bakit ba?”
“It’s just a game.”
“Uy, sports iyan para sa akin.
Iba-ibang perspective at paniniwala ang tao, kung naniniwala kang hindi sports
ang chess eh di huwag sa paniniwala ko ay sports siya kaya respeto sa
paniniwala ng iba.” Alam naman niyang hindi sports ang chess ayaw lang talaga
niyang manalo ito sa diskusyon nilang dalawa.
“Kahit mali ang paniniwala mo.”
Lumabi lang siya dito. “You need to have one.”
“Bakit ba ang kulit mo?”
“Because I want you healthy.”
“And why?”
“Dahil kapitbahay kita and I am a
thoughtful neighbour.” Bakit kaya tila hindi niya nagustuhan ang sinagot nito
sa kanya? Wala namang mali doon pero tila nag-eexpect pa siya ng ibang sagot
mula dito.
Hay
naku, Jada. Baliw ka na talaga. Kasalanan yata ng bagyo na may kulog at
pagkidlat kung bakit tila sumisirko ang emosyo niya. Tama, kasalanan ng bagyo!
<3 <3 <3
Photo CTTO
TBC
LOVE,
INANG
0 (mga) komento:
Post a Comment