7 – PROLOGUE
SA
totoo lang ay hindi pa siya nakakasulat ng nobela kung saan ang isang
lalaki ay sobrang weird. Well, nasa totoong buhay pala nga pala siya at sa
totoong buhay may ganoong lalaki nga sa katauhan ni Hanz. Kung kanina ay kasing
dilim ng langit ang mukha nito at ayaw siya nitong pansinin bigla ay bigla
itong bumait sa kanya at kung kulitin siya ay wagas.
“What?” inis na pakli niya dahil
hindi niya matuloy-tuloy ang kanyang pagsusulat. Nakalipat na ito ng upuan,
nasa harapan na ito ng counter at kanina pa nakapangalumbaba habang nakatingin
sa kanya. May ilang pagkakataon pa nga na bigla-bigla nalang siya nitong
kukurutin sa mukha. “I can’t concentrate.”
“That’s normal, nakaka-distract
naman talaga ang kagwapuhan ko. Pwede mo namang ituloy mamaya iyang sinusulat
mo at pansinin mo ako.” He is obviously flirting with her. Hindi siya tanga at hindi
siya boba para hindi mapansin iyon. Ayaw niyang mag-assume pero parang ganoon
na nga.
“Quit it will you?” utos niya dito.
May inabot na naman ito sa may mukha
niya and this time kahit na samaan niya ito ng tingin ay parang baliwala lang
dito iyon. He can be frustrating sometimes.
“You are very pretty but I still
prefer your normal looking self.” Tinaasan niya ito ng kilay. “You are still
pretty with your normal looking self it just that with you like this, you look
more dangerous.” Natameme siya sa sinabi nito. She collected herself. She
refused to be swayed by his sweet words.
“What do you want Hanz?” Nagdududang
tanong niya. Hindi na normal ang pinagsasabi nito sa kanya. Ang mga warning
bells sa kanyang utak ay tumutunog na at nagpapahiwatig ng paparating na hindi
magandang balita.
“You.” direktang sabi nito.
Pakiramdam niya ay huminto ang pagtibok ng puso niya sa sinabi nito, parang
bombing sasabog nalang kahit anong oras. “I want your attention. Come on Jada.
Tayong dalawa lang dito sa bakeshop alam mo namang nababaliw ako kapag wala
akong kausap.” May dapat ba siyang asahan? Si Hanz ang tipong hihilahin ka
paitaas at hihilahin ka rin pababa. Dahil dito nagkakaroon siya ng mga weird
emotions at hindi na talaga niya nagugustuhan ang mga iyon. She vowed to have a
peaceful life until the day she died but he is messing with it.
“Can you give me a peace of mind,
Hanz? May tinatapos ako dahil hindi ko alam kung anong oras akong makakauwi
ngayong gabi.” Seryosong ani niya dito.
“Huwag ka nalang umalis ngayong
gabi, pwede ka namang mag-dinner sa bahay mo hindi ba? How about I treat you
dinner instead?”
Tinaasan niya ito ng kilay. “I’m
fine, gabi-gabi kang may ka-date baka dumating ang point na mamumulubi ka na sa
kaka-treat ng dinner sa mga female friends mo. Save it.”
“Kapag pumayag kang magdinner
tonight hindi na ako makikipag-dinner sa ibang female friends ko.” And he even
raised his right hands as if he is making a promise to her.
She saved her files before closing
her laptop screen. Kapag hindi niya ito papansin ay siguradong wala rin siyang
matatapos na trabaho kaya mabuting bigyan nalang niya ng pansin ang binata.
“No need, what do you want?” biglang
kumunot ang noo nito nang makitang isinara na niya ang kanyang laptop. “I’ll
give you my time at ng hindi mo na ako kulitin. What do you want to do? Gusto
mong maglaro ng jack n poy? Baraha? Luksong baka?” she’s actually a bit
sarcastic.
“You eat dinner with me.”
“I’ll give you my full attention now
Hanz so stop pestering with the dinner. Ang sabi ko naman sa iyo save your money,
I know you have a well-paid job pero kung gastos ka ng gastos mauubos din iyang
pera mo. Stop inviting me out for dinner.” Asar na sabi niya. Akala niya ay
maiinis ito sa kanya mukhang mas nasiyahan pa ito dahil napagsabihan niya. Hanz
is really weird.
“What do you want to do?”
“Nothing.”
Kumunot ang kanyang noo. “Ginugulo
at kinukulit mo ako dito pero wala ka naman palang gustong gawin?”
“Gusto lang kitang makausap.” Tumayo
ito at kumuha ng bread tray, pumili ito ng ilang cakes and pastries at bago
bumalik sa kanya ay dumaan ito sa ref at kumuha ng kanyang paboritong Huckle
Berry mixed berries flavoured iced tea. “Let’s talk.” Ito na mismo ang nagbukas
ng iced tea at ibinigay sa kanya ang mga pastries and cakes.
“Anong pag-uusapan natin? Ayokong
makipagbiruan sa iyo.”
“I am serious here, gusto ko lang
may makausap ng matino ngayon. I’m not really feeling well today.” Kumunot ang
kanyang noo. Napansin nga niyang kakaiba ang kinikilos nito kanina baka dahil
hindi nga maganda ang pakiramdam ng lalaki.
“Bakit hindi mo agad sinabi? Pwede
ka namang umuwi at magpahinga, hindi mo ako kailangang samahan dito.”
“No way!” bulalas ni Hanz. “At
hayaan kang mag-isa dito? I’m okay here.” Ininom nito ang sariling ice tea.
“What’s with the look Jada?”
“Sabi kasi ni Yumi I need to look
decent since haharap ako sa mga customers.” Aniya dito. “I may be a little
crazy but I’m also a rationale being. Pumayag akong tulungan si Yumi dito para
sa kasal niya at ayoko namang takutin ang mga customers niya dito. Hindi man
ako palaging nag-aayos but I still know how to make myself presentable.”
“You really look presentable. More
than presentable.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi niya na ikinatigil
nito at napatitig sa kanya.
“Nasobrahan ba? Hayaan mo next time
ay babawasan--.”
“No! Bagay sa iyo ang ayos mo,
nakakapanibago lang dahil hindi ka naman palaging nag-aayos.”
“Of course, I’m a writer Hanz. Nasa
bahay lang naman ako palagi at hindi lumalabas. Kung hindi dahil kay Dorothy ay
hindi rin naman ako lalabas ng bahay. Wala rin namang silbe kung mag-aayos pa
ako. At kapag lumalabas naman ako ay nasa subdivision lang ako, komportable na
ako sa mga tao dito sa atin at kahit ano naman yata ang isuot mo ay wala rin
silang pakialam. Iyan din ang nagustuhan ko sa mga tao dito, hindi sila
judgmental. Kaya nasanay na akong hindi nag-aayos kahit na nasa subdivision
lang ako.” Paliwanag niya dito.
“You are already beautiful Jada
kahit na noong college pa tayo. Alam mong madalas ako sa library--.”
“May kasama kang mga babae doon.”
Tumawa ito ng malakas. Siya naman
ang napakurap dahil sa tawa nito, hindi pa niya nakikita ang lalaking tumatawa
ng ganoon. He looks really happy.
“I was young, minsan sa buhay mo ay
may nagagawa ka talagang mga bagay na hindi maganda na pagsisihan mo kapag
tumino ka na.”
“Pagsisisihan?”
Tumango ito. “May mga bagay kasi na
akala mo ay tama kaya mo ginagawa but when you grow up and you realize that it
was stupid you just want to smack your head on the floor.”
Natawa siya sa sinabi nito, this
time it was a real laugh. “Tama ka pero sa tingin ko normal naman na may
nagagawa tayong ganoon, nasa atin lang siguro kung paano natin itatama ang
pagkakamaling nagawa natin dati.”
“Alam mo kung bakit nandoon ako sa
library dati?”
“Because you are a studious type of
student.” Sagot niya.
Tumawa uli ito sa kanya. “Studious?
Jada, hindi mo ba naaalala ang mga librong hinihiram ko sa iyo dati?”
nagsalubong ang kanyang kilay sa tanong nito.
“Nope.”
“Those were random books. Iyong feel
kung hilahin mula sa shelf at wala akong pakialam kung ano ang librong iyon.”
“What’s the reason why--.” Natigilan
siya at tinaasan ito ng kilay. Nagpapansin ito sa kanya dati? Wehh?
“Kung ano man ang nasa isip mo ay
totoo. Nagpapapansin ako sa iyo, pagkatapos mo akong i-basted ay tumaas
hanggang langit ag pride ko. Sabi ko sa sarili ko maraming magagandang babae sa
university at hindi kawalan ang hindi mo pagpansin sa akin.”
“Baliw ka ba Hanz? Fourth year
college ka noong mga panahon na iyon at first year pa lang ako. Anong alam ko
sa mga ganyan-ganyan?” biglang tumaas ang boses niya dito.
“May naging girlfriend ako noong
high school.”
“At hindi lahat ng babae ay relasyon
at lalaki lang ang isip sa murang edad. My goodness, underage pa nga ako ng mga
panahon na iyon. Alam mo bang sundalo ang tatay ko? Paano kung sinagot nga kita
noong mga panahon na iyon?”
“I didn’t know.” Depensa naman nito
sa sarili. “I thought all women were the same. Lahat nang nilalapitan ko ay
sinasagot naman ako ikaw lang ang hindi that’s why I thought you were weird. At
gusto kong gantihan ka sa pambabasted mo sa akin, pumupunta ako doon na may
kasamang mga dates. I want you to see na hindi ka kawalan sa akin.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “And to
tell you the truth Hanz, wala talaga akong pakialam sa iyo noong mga panahon na
iyon. Ang gusto ko lang ay makatapos sa pag-aaral at magawa ang lahat ng gusto
ko.” Totoo naman ang sinabi niya.
Napabuntong-hininga ito. “That was
so stupid of me.”
Tumawa siya sa naging hitsura ng
lalaki. “Yeah, so stupid of you. Pero mukhang hindi ka naman nagbago, noong
nagkita uli tayo dito ay ganoon ka pa rin. Nakasanayan mo na rin na makipaglaro
sa mga babae.” Ito naman ngayon ang biglang natahimik sa kanyang sinabi.
Mukhang nasobrahan yata ang talas ng dila niya. “Na-offend ba kita? Sorry, I
didn’t mean it that way.”
Inubos muna nito ang ice tea nito at
bago pa man ito makapagsalita ay tumunog ang windchime ng bakeshop at pumasok
si Genesis at si Gareth.
“Naka-booked ba ang bakeshop para sa
date ninyong dalawa? Sana ay naglagay kayo ng sign na exclusive sa labas.”
Nakasinging biro ni Genesis.
“Genesis!” hinampas ni Margareth ang
lalaki.
“Joke lang, sorry talaga pare. Hindi
ko matutulungan si Jada dito sa bakeshop dahil inaalagaan ko pa itong sa
Ga- awww!”
“Anong inaalagaan ikaw nga iton--.”
Hindi na naituloy ni Margareth ang kanyang sasabihin dahil mabilis na natakpan
ni Genesis ang bibig nito. Hinampas-hampas ito ng kaibigan pero nahila ito ni
Genesis sa isang tabi.
“Ituloy niyo lang ang date ninyo,
papakainin ko muna itong babaeng ito. Mukhang nahawaan ng pagiging bear--.” Sa
wakas ay nakaalis na si Margareth sa lalaki.
“Anong bear?”
Buong gigil na pinagpipisil ni
Genesis ang pisngi ng pobreng kapitbahay. Kapag nagkakasama ang dalawa ay
sigurado siyang panggigigilan ni Genesis ang pisngi ni Margareth hanggang sa
mamula iyon. Tuluyan na siyang natawa at binalingan si Hanz.
“Ang cute nilang tingnan no? Alam mo
bang may balak akong gawan sila ng love story, from best of friends to lovers.
Kapag nagkalakas ng loob si Genesis na umamin kay Margareth ay sisimulan ko na
ang chapter one nila.”
“You knew?” gulat na tanong ng
kausap.
“Na may gusto si Genesis kay
Margareth?” inirapan niya si Hanz. “Mukhang alam na ng dalawang barangay ang
tungkol diyan. Masyado ng halata iyang kaibigan mo.” Nagkibit-balikat siya.
“Wala naman kaming against kung magkakatuluyan silang dalawa. Medyo baliw lang
si Genesis at alam din namin na may mga sideline siyang mga babae pero hindi
naman siya pakawala. He is still a decent man and he obviously loves Margareth
too. Kaunting tulak nalang at masasabi na rin niyang may gusto siya sa
bestfriend niya.”
“How about me? Ain’t I a decent
man?” nagdugtong ang dalawang kilay niya sa tanong ni Hanz. May gusto din ba
ito kay Margareth? Biglang nag-iba ang timpla ng utak niya sa ideyang may gusto
it okay Margareth at ayaw man niyang aminin, naiinis siya. Ayaw niya sa ideyang
iyon kaya siguro dala na rin ng nararamdaman niyang kakaiba ay hindi niya
napigilan ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.
“Mas desente sa iyo si Genesis,
kahit sinong babae ay mas pipiliin siya over you.” Huli na nang mapagtanto niya kung ano ang
kanyang sinabi. “Hanz--.”
“It’s okay I understand. Totoo din
naman ang sinabi mo.” Ngumiti ito sa kanya pero batid niyang hindi umabot sa
mga mga nito ang ngiti. Gusto tuloy niyang sapukin ang sarili dahil sa kanyang
sinabi. “Kahit ako rin mas pipiliin ko rin si Genesis keysa sa sarili ko.
Sigurado kasi akong maraming masasaktan dahil sa akin.”
“MAY
problema ka ba, Jada?” nag-aalalang tanong ng kapatid ng hindi na siya
sumasagot sa mga tanong nito.
“Wala naman ate.” Sinubukan niyang
maging okay pero sa totoo lang ay malayo sa pagiging okay ang nararamdaman niya
dahil na rin kay Hanz. Pagkatapos ng naging pag-uusap nila ay dumating si Yumi
at nagpaalam na rin ang lalaki dahil may kailangan pa raw itong tapusin. Alam
niyang na-offend niya ito at gusto niyang humingi agad ng tawad.
“Are you sure? Lalaki ba iyan?”
tukso nito. “Oh my God! Lalaki nga. Sa wakas ay normal na babae na ang kapatid
ko.”
Napakunot siya ng noo. “Hindi sa
ganoon.”
“SIguradong matutuwa si Mama nito.
Kung alam mo lang ilang santo na ang dinasalan ni Mama para lang magkaboyfriend
ka. Mukhang nag-wo-work na rin sa wakas ang kanyang mga prayers.”
“Sandali lang ate Jan.” pigil niya sa kapatid dahil masyado ng
wild ang imagination nito. “Hindi tulad ng iniisip mo ang iniisip ko.”
“Oh? So, what’s wrong? Come on tell
me. Alam mo bang matagal ko ng gustong mangyari ito, iyong sinasabihan mo ako
ng problems mo sa tungkol sa boys. Finally!”
“Ate naman eh.”
“Sige na, you can tell ate
anything.”
Malakas siyang napabuntong-hininga.
Kailangan na nga niyang sabihin dito ang nasa kanyang loob dahil sigurado
siyang mababaliw siya kapag hindi niya iyon na-express.
“I think I offended Hanz.”
“Oh, Hanz is the name. Noted.”
Tumikhim ito. “Ano ba ang ginawa mo sa Hanz na ito?”
“Kasi ano… I thought he likes
Margareth.” Kilala nito ang huli dahil naipakilala na niya ito dito. “And when
he asked me if he was decent enough. I said he wasn’t and Genesis was still
better than him.” Nasapo niya ang kanyang noo. “I am so stupid. Minsan kasi ay
nauunang mag-isip ang utak ko keysa utak ko.”
“Bakit mo naman naisip na na-offend
si Hanz?”
“Eh kasi bigla siyang tumatahimik.
Hindi naman natatahimik ang lalaking iyon.”
“Baka naman napagod lang.”
“Basta hindi ganoon si Hanz. Alam
kong na-offend ko talaga siya.”
“At iyan ang dahilan kung bakit
hindi ka mapirme diyan sa upuan mo?”
“It’s not just--.”
“You like this Hanz guy?” Mabilis
siyang umiling, pakiramdam nga niya ay nahilo siya sa kanyang ginawa. “What’s
the problem then? Hindi mo naman pala siya like so okay lang na ma-offend mo
siya paminsan-minsan.”
“No! Kahit na gusto ko man siya o
hindi ay hindi pa rin maganda na masaktan mo ang isang tao.”
“Sa napapansin ko kasi little sis,
masyado kang affected sa nagawa mo sa kanya. Don’t tell me na first time mong
maka-offend sa ibang tao dahil sigurado akong hindi pero first time kang naging
ganito kaligalig. And what’s wrong with him liking Margareth? There’s nothing
wrong with that.”
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi
nito. “He can’t like Margareth.”
“And why?”
“Because Genesis likes her huwag na
siyang sumali sa picture.”
Napansin niya ang pagngisi ng
kapatid. “O dahil mas gusto mong sa iyo magkagusto si Hanz?”
“Hindi.” labas yata sa ilong ang
pagkakasagot niya kaya siguro tumawa ng malakas si Janina. “Ate.”
“You like the guy.”
“Sabi ko--.” Malakas siyang
napabuntong-hininga. There’s no need for her to lie anymore, dahil alam niyang
hindi ito maniniwala. At alam din niyang hindi na rin niya paniniwalaan ang
kanyang sarili. She’s a writer for goodness sake at alam niya kung ano ang mga
simtomas ng mga babaeng may gusto sa isang lalaki. “Yes, I like him but I can’t
like him more.”
“And why?”
Napakamot siya ng batok. “Siya ang
tipo ng lalaking gusto ang lahat ng babae, I can’t trust my heart to him.”
“So, he’s that kind of guy. Paano mo
naman nalaman?”
“Dahil magkapitbahay kami at palagi
ko siyang may nakikitang babae na kasama. I even saw him last night with this
beautiful woman and then last week may babae din na naghahanap sa kanya.”
“It’s not a problem little sis,
let’s change your wardrobe. Maganda ka hindi ka lang nag-aayos ipakita mo sa kanya
na walang-wala ang mga babaeng dine-date niya sa ganda mo. Our beauty runs in
the family.”
“Sinabi na niyang maganda ako kahit
hindi ako nakaayos so there’s no need for me to replace my wardrobe.”
“Iyon naman pala eh, accepted ka
niya kahit anong hitsura mo.”
She sighed again. “Ate, gusto ko
lang mag-sorry sa kanya so I can sleep peacefully tonight. Wala akong balak na
sabihin sa kanya na gusto ko siya.”
“You know what dear sister, there’s
no harm in telling him how you really feel. Sabi nga nila there’s no harm in
trying.”
“Wala akong balak na ipahiya ang
sarili ko sa harap niya and take note kapitbahay ko siya, kapag sinabi kong
like ko siya at i-re-reject niya iyon ano nalang ang mukhang maihaharap ko sa
kanya pagkatapos. At saka like ko pa lang naman siya, it’s not love or
something. Malaki pa ang chance na mawala ang nararamdaman ko sa kanya, baka
fascinated lang ako sa kanya ngayon.” hindi niya alam kung kanino niya iyon
sinasabi, kung sa kapatid niya o sa kanyang sarili.
“If you say so once you’ve got your
guts back and ready na to tell him what you really, really feel, tell me I’ll
help you.” kahit papaano ay napasaya siya ng ate niya, they never had this
sister conversation before dahil nga sa magkaibang personality nilang dalawa.
Kailangan talaga niyang humingi ng
tawad kay Hanz or else hindi siya makakatulog ng maayos mamaya.
<3 <3 <3
PHOTO CTTO
TBC