Tuesday, May 28, 2019

Black Magic 5 - Write Love: 3- Sparks



3 - Sparks
           AT tama nga si Jada, bumalik na siya sa kanyang normal na sarili. Noong dumaan siya sa convenience store ay nandoon si Hanz at ang mga kalaro nito sa basketball. Hindi siya pinansin nito kahit na alam niyang nakita siya nito. Tama ang kanyang teorya na kapag bumalik siya sa kanyang tunay na sarili ay hindi na siya nito mapapansin at ang ikinainis niya ay alam niyang tama siya pero nakaramdam siya ng disappointment kahit hindi dapat.
            “Meow.” Sumampa ang pusa sa tabi niya.
            “Leo, saan ka na naman galing na pusa ka?” kinarga niya ito at inamoy. “Bakit ang bango mo? Bakit amoy lalaki ka?” sigurado siyang perfume ng lalaki ang naaamoy niya sa pusa niya. “Don’t tell me naglalandi ka na talaga? Sosyal na lalaking pusa pa ang pinatulan mo at mamahalin ang pabango niya? Akala ko ba tomboy ka?”
            “Meow!”
            “Aw!” hiyaw niya ng kalmutin nito ang kanyang braso. Mukhang nagalit ito sa mahigpit na hawak niya kaya siya nito kinalmot. “Bad kitty.” Agad na lumabas ang pulang likido sa braso niya. She’s even wondering if the wounds were deep dahil masyadong maraming dugo ang lumalabas doon.
            “Meow.” Ngiyaw ng pusa na tila ba humihingi ng tawad. She just scratched her cat’s chin and sigh. Kasalanan din naman niya kung bakit siya nito nakalmot kaya hindi niya ito pwedeng sisihin. Pumunta siya sa kanyang banyo at kinuha ang medicine kit. Ginamot niya ang sarili kahit na maluha-luha na siya sa hapdi at sa sakit.
            “Kung hindi lang kitang mahal na pusa ka ipinakain na kita sa aso.”
            “Meow.” Napabuntong-hininga nalang siya.
            “Wala kang dinner tonight.” The cat rubbed its fur on her legs. Naglalambing na naman ito, at hindi niya kayang iresist ang charm ni Leo kapag naglalambing na ito sa kanya. “Fine. Papalusutin kita this time pero sa susunod ay wala ka talagang dinner.” Banta niya sa alaga niya na parang bata, nagbabakasakaling maiintindihan siya nito. Well, ilang beses na rin siyang nagbanta at ilang beses na rin naman niyang hindi tinuloy ang kanyang banta. She’s really hopeless.
            And when she said dinner, hindi niya inaasahan na makita ang sarili na nakaupo sa ibabaw ng kanyang Bermuda grass at kumakain ng take out foods. Nang dumating ang delivery ay hindi na siya pumasok sa loob ng bahay dahil ayaw niyang magkalat siya doon at saka malamig ang buong paligid, masarap ang ihip ng hangin at sobrang liwanag ng langit. Kapag na-i-stress siya sa nobelang sinusulat niya ay madalas nakahilata lang siya sa labas ng kanyang bahay habang nakatitig sa langit, the starry sky actually gives her some inspirations which she appreciates so much. Nasa tabi niya ang kanyang alagang pusa at nauna nang natulog sa kanya.
            “Leo.” Tawag niya dito. “I can’t write and I don’t know why.” Pag-amin niya. Kapag ganitong mga oras ay buhay na buhay ang kanyang brain cells at nakakatapos siya ng ilang mga chapters pero lately ay nag-iiba ang timpla niya. Halos hindi na niya matapos ang isang chapter sa loob ng isang araw, palagi siyang distracted and what’s worst, minsan ay natatagpuan niya ang sariling nakatitig sa monitor ng kanyang screen ng mga ilang oras. Oras at hindi minute. “I think I need a major break.”
            Humiga siya sa damuhan at hinayaan na hilain siya ng antok, everything just feels so good and she needs some sleep too.
            “Magkakasakit ka kapag dito ka natulog, Jada. Come on wake up.” Tinapik ni Jada ang makulit na bagay na kanina pa dumadapo sa pisngi niya. “Kinakain ka na ng lamok dito.”
            “Meow.” Narinig niya ang pusa niya.
            “Meow.” Wala sa sariling usal niya.
            “Sa kakasama mo diyan sa alaga mo nagiging pusa ka na rin. Wakey up, sleepy head.” Sa panaginip niya ay may malaking lamok na umaaligid sa kanya at pilit siyang ginigising. Successful na nahuli niya ang malaking lamok at kinagat niya iyon. “Ouch! Jada Kyrine!.” Doon lang siya tuluyang nagising. Iisang tao lang ang kilala niyang tumatawag sa kanya ng buong pangalan niya. She opened her eyes and saw Hanz.
            Wait lang! Ano ang ginagawa ni Hanz sa bakuran ko? Tanong ng may agiw niyang utak. “Alam kong gwapo ako pero huwag mo akong titigan ng ganyan baka ma-inlove ako sa iyo.”
            “And this is a nightmare, why are you here?”
            “Pakawalan mo muna ang kamay ko na kinagat mo.” Napatingin siya sa hawak niya at doon niya napagtantong palad nito ang nakagat niya kanina.
            “Sorry, akala ko lamok.” Pagka-bitaw niya sa palad ng lalaki ay pakiramdam niya ay biglang lumamig ang paligid. No, malamig talaga ang paligid lalo na at gumagabi na. Mainit lang talaga ang palad nito.             Agad siyang umupo ng maayos at hinayaan na matakpan ang mukha niya ng kulot niyang buhok.          
            “Bakit ka ba nandito?” ulit niya.
            “I saw you sleeping here akala ko nahimatay ka o ano.”       
            “I’m fine, thank you.” isa-isa niyang pinulot ang mga kalat sa buong paligid.
            “Seriously, Jada. You should have a healthy life style. Maaga kang mamamatay sa mga kinakain mong fastfood.” Umingos siya dito. Alam kasi niyang masyadong health conscious ang lalaki, madalas din itong nagjojogging. Minsan ay nakikita niya itong dumadaan sa harap ng kanyang bahay kapag madaling araw o kaya naman ay kapag dapit hapon. Madalas din kasi siyang gising ng mga oras na iyon lalo na kapag nagsusulat.
            “I’m fine.”
            “Sa ngayon.”
            “Stop nagging.” Akmang tatayo siya ng hindi niya maikilos ang kanyang binto.
            “What happened?” pansin nito.
            “Lactic acid fermentation.”
            Kumunot ang noo nito. “What?”
            “That happens when the muscles lack—pinupulikat yata ang binti ko. Just wait for a while.” She slowly moves his foot.
            “Are you sure you’re okay?”
            “Yeah.” Hinawi nito ang buhok at inipit iyon sa likod ng kanyang teynga. Sinamaan lang niya ng tingin ang lalaki, hindi niya alam kung ano ang plano nito pero may hindi siya magandang pakiramdam.
            “What?”
            “I’m fine now, pw-pwede ka ng umuwi.” Taboy niya sa binata. Sa halip na gawin ang kanyang utos ay ngumisi lang ito. Bumalik na ang tunay na Hanz.
            “Hindi magandang mag-stargazing sa bahay ko, dito nalang ako since I saved you from malaria and dengue awhile ago.” At ang magaling na lalaki ay umupo nga sa espasyo sa kanyang harapan.
            “Umuwi ka na nga Hanz baka may makakita as iyo dito ano na naman ang isipin ng mga kapitbahay ko.”
            “Kapitbahay natin, magkatabi lang ang phase natin. Bakit? Ano ba ang iisipin nila kapag nakita nila tayo dito sa harap ng bahay mo?” mas lalong lumapad ang ngisi nito. Alam niyang paglalaruan na naman siya nito. “Hindi dirty minded ang mga kapitbahay natin, Jada. They are decent people, they will probably think that we are friends hanging and talking about life and anything under the moon.”
            Tinaasan niya ito ng kilay. “News flash, Hanz. Magkaibigan ba tayo?”
            “No.” mabilis na sagot nito.
            “See.” Muli niya itong inirapan.         
            “Ang hilig mo talagang mang-irap. Baka isang araw umikot na iyang mata mo.” Inis na hinampas niya ito. “Ouch!”
            “May lamok.”
            “Nakadalawa ka na sa akin, Jada. Kinagat mo na nga ako, hinampas pa.”
            “Sa laki ng mga muscles mo sigurado akong hindi ka nasaktan kaya huwag kang over-acting.” Ngumiti ito sa kanya. This time ay totoong ngiti iyon, walang halong kung ano tapos ay biglang sumeryoso ang anyo ng lalaki. Tatakbo na ba siya sa loob ng kanyang bahay? Wait lang, bakit biglang lumakas ang tibok ng puso niya habang nakatitig ito sa kanya.
            “Hanz! Hanz!” isang boses ng babae ang narinig niya mula kung saan.
            “Holy cow.” Mahinang napamura si Hanz na tila ba hindi alam ang gagawin. Nagsalubong ang kanyang kilay dahil may palagay na siya kung bakit tila napaparanoid ito. Ilang beses na niya itong nasaksihan at wala ng bago doon. He never changed.
            “Harapin mo ang naghahanap sa iyo Hanz. Huwag kang parang kriminal na naghahanap ng matataguan. That’s so you, grow up will you?” hindi niya alam kung para kanino ang inis na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. She’d rather keep it to herself. Pinulot niya ang mga kalat at pumasok na ng bahay. Wala siyang balak na maging ‘witness’ na naman kung paano ‘palayain’ ni Hanz ang isa na namang kabaro niya.

“NAGPAPAINOM ka, Hanz. Tatakbo ka ba sa susunod na eleksyon?” biro ni Genesis na may karga-kargang bata. Alam niyang nakainom siya pero sigurado siyang bata ang nakikita niyang karga nito.
            “Kailan ka pa nagkaanak?” tanong ni Howard.
            “Kay Margareth ito.”
            “Kailan pa nagkaanak si Margareth?” kunot-noong tanong niya.
            “Sa kasamahan niya ito sa trabaho. Huwag mo ng isipin na magkaaanak pa ang babaeng iyon, hindi nga niya maayos-ayos ang sarili niyang bahay.”
            Tumanggi ito sa baso ng alak na ibinigay niya kaya siya ang umubos. “Bakit parang sawing-palad ang drama mo ngayon?” baling nito sa kanya.
            “He’s fine.” Ani ni Howard. “Nasagi lang ang ego niya kaya nagpapainom siya.”
            Malakas na ibinaba niya sa mesa ang basong walang laman. “She said I need to grow up. Mas matangkad pa nga ako sa kanya.” Parang tape recorder ang boses ni Jada na paulit-ulit na tumutugtog sa kanyang teynga.
            “What happened?”
            “Sally was looking for me. Matagal na kaming walang relasyon and she irritates the hell out of me. At hindi man lang ako tinulungan ni Jada na magtago instead she told me to face her and grow up. That’s below the belt.” Nagsalin siya ng alak sa kanyang baso at inisang lagok iyon.           
            Napansin niyang nagtinginan ang dalawang kasama na para bang sumasang-ayon sa sinabi ni Jada. Hindi niya matanggap ang sinabi nito dahil una sa lahat ay hindi siya nito kilala. Hindi nito alam kung ano ang nangyari at kung bakit ayaw niyang makaharap ang dating kasintahan.
            “What?” iritadong tanong niya.
            “Kaibigan ka namin Johannes pero may punto si Jada. Finally, someone got a nerve and said that to you.” mas lalong hindi naging maganda ang kanyang mood dahil sa pagkampi nito sa babaeng kapitbahay. “Kapag umaayaw ka na ay mabilis kang nakapagtatago at hindi mo na hinaharap ang mga naging ex-girlfriend mo hanggang sila na ang mapagod at umayaw.”
            “That’s not my fault.”
            “It is. Let’s face reality Hanz, walang babaeng nagtatagal sa iyo at hindi namin alam kung ano ang problema mo sa kanila. They seem fine.”
            “They seem fine until they get clingy. Alam niyong ayoko sa mga clingy, it’s irritating.”
            “Dapat ay sabihin mo sa kanila ng diretso at hindi nalang basta-basta iniiwasan. You are our friend at alam namin na hindi maganda ang ginagawa mo. Nahihirapan din kaming mag-open up sa iyo dahil alam namin na dedepensahan mo ang sarili mo. But since some finally said the words that we wanted to tell you, lubusin na natin. Straight up man, tama si Jada. It’s so you and you really need to grow up. Baka sa kakatakas at kakatago mo ay hindi mo na makita ang babaeng para talaga sa iyo.”
            Walang kagatol-gatol at diretsahang buwelta ni Howard sa kanya. His friend’s words of wisdom hit a nerve.
            “Don’t be offended Hanz. This is actually for your own good.” Segunda ni Genesis. “I am your friend at alam kong kasalanan ko rin kung bakit hindi kita nasasabihan.” Of course the ‘man’ inside him can’t accept the fact that his friends were right.
            “And we want to thank Jada for knocking some sense in you. Thank her when you are sober."
            “I’m not drunk.” He finally found his tongue. Sometimes reality really hurts but somehow he’s thankful that his friends told him his mistakes.
            “I am a serious person.” Aniya pagkatapos.
            “Tama ka naman, seryosong tao ka talaga pero hindi pagdating sa babae. Bakit nga ba wala ka pang nagiging seryosong girlfriend hanggang ngayon? At huwag mong sabihin na meron dahil kahit kailan wala pang babae na umabot ng isang buwan sa iyo.”
            Napakamot siya ng ulo. “It’s not my fault, wala lang talaga kaming sparks.”          
            “Sparks? Anong sparks?” inis na tanong ni Genesis.
            “Iyong tulad sa mga pocketbooks, basta may sparks.”
            Nagkatinginan ang dalawang kasama pagkatapos ay malakas na tumawa. “Hanz, huwag mong sabihin na binabasa mo ang mga romance novels na sinusulat ni Jada?”
            Shit! “Of-of course not!” muli siyang tumungga ng alak.
            “Huwag ka ng magdeny, sabi mo tulad sa mga pocketbooks. Hindi kami mahilig magbasa ng romance novels.”
            “Aminin mo na, nagbabasa ka.” Tukso sa kanya ni Genesis.
            “Ano naman ngayon kung nagbabasa ako. I’m a fan.” Tuluyan ng pumait ang panlasa niya. “Bakit ang pangit ng lasa ng tubig ngayon?”
            “Dahil hindi iyan tubig, beer iyan. Lasing ka na nga.”
            “Meow.”
            “May bisita ka.” Turo ni Howard sa pusa ni Jada na naligaw na naman sa bahay niya. Napapansin niyang nagiging paboritong tambayan na ng pusa niya ang kanyang bahay. “Mabuti pa ang pusa ni Jada binibisita ka.”
            “Oh, Leo! Come here girl.” Agad na tumalon ang pusa sa lap niya at doon natulog. “You are my favourite girl now. I don’t like your master, she’s just so-.”
            “Sige kausapin mo pa iyang pusa ni Jada.”
            “Howard, hindi na ako magtatagal ibabalik ko pa itong bata kay Ga. Tapos na sigurong maligo ang babaeng iyon.”
            Sinundan niya ng tingin si Genesis. “I think Genesis likes Margareth.” Aniya.
            “Hmn?”
            “Hindi iyon aalis kapag naliligo ang isang babae. Unless affected siya sa ideyang naliligo ang babae at silang dalawa lang sa bahay nito.”
            “May malaking chance.” Bumaling si Howard sa kanya. “Ibalik mo kay Jada iyang pusa niya malamang natataranta na naman iyon sa paghahanap ng lagalag niyang alaga.” Tiningnan at hinaplos niya ang puting pusa na nasa kandungan niya.
            “Call her Howard.”
            “What? Why?”
            “Call her and tell her I catnapped her cat and I am about to make this one into a delicious siopao.”
            “Gago.”          



<3 <3 <3
CTTO
A/N: Enjoy reading everyone!

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang