2 – Courting
“OH,
wow.” Alam niya kung bakit
parang tanga at nakatulala sa kanya si Dorothy. “Anong meron at ang ganda-ganda
mo ngayon?” napasulyap siya sa salamin at pilit na sinasabi sa sarili na
presentable na siyang tingnan. Pero pakiramdam niya ay hindi pa rin ganoon
ka-komportable sa kanyang suot. “Bagay sa iyo ang ganyang ayos. It’s so
refreshing.”
“Do I look okay?” She is wearing a
flowy floral dress that emphasizes her curves. Inayos niya ang pagkakasuklay ng
buhok niya kanina upang hindi masyadong buhaghag. “Hindi ba pangit?”
Dorothy, her bestfriend rolled her
eyes at her. “Kahit kailan hindi ka pumangit. You are very pretty pero hindi mo
iyon matanggap sa sarili mo.” Tipid na ngumiti lang siya sa kaibigan niya. Of
course sasabihin nito na maganda siya dahil kaibigan siya nito but she doubted
if it was true. Dorothy always makes her feel good kahit na dati pa. “Saan ka
ba pupunta?”
“May family lunch kami today. Kahit
ayokong pumunta ay sigurado akong tatawagan at bubulabugin ako ni mama.”
Na-mi-miss na rin niya ang kanyang Mama. It has been months since she last saw
her family.
“Kaya ka pala nagpapaganda.” Kinarga
nito si Leo.
“Kapag nakita ni Mama na para akong
taong grasa siguradong papauwiin niya ako sa bahay.” Tumango-tango ito, kilala
ni Dorothy ang nanay niya at alam nitong hobby nito ang mag-alala sa kanya.
“Sasamahan kitang bumili ng flowers
para kay Tita.”
“Salamat at pumayag kang bantayan si
Leo, Dorothy.”
“Sus, para ka namang others.”
Hinalikan nito ang pusa niya. “At saka gustong-gusto koi tong si Snowbell.” The
cat just purred. Ayaw nitong tinatawag na Snowbell but Dorothy loves calling
her cat snowbell dahil kamukha daw nito ang pusa sa Stuart Little.
“Mabuti nalang at wala na ang kuya
mo sa bahay mo, hindi ba allergic siya sa pusa?”
“Allergic iyon sa mabalahibo. Mabuti
na nga lang at may vacant na unit sa WinterVille at agad siyang nakabili.”
“Winterville? Akala ko sa
SummerVille siya? Kapitbahay sila ni Xylie hindi ba?”
“Naibenta na niya, mas gusto daw
niya sa WinterVille kasi malaki ang bahay. Gusto daw niya ng maraming anak
kapag nakasal na sila ni Xylie.”
“Kailan nga pala ang kasal nila?”
“This April na, para sakto daw na
bakasyon ni Xylie at marami silang time mag-honeymoon.” Napangiti siya sa
sinabi nito. Na-witness niya actually ang love story ng dalawa sa katunayan ay
pinagkakakitaan na niya iyon. Ire-regalo niya sa dalawa ang published novel
niya sa kasal. “Gusto mong ihatid na kita?” may sariling kotse ang kaibigan,
it’s a company car.
“Hindi na, mag-Ga-Grab nalang ako.”
“Sure ka? Sa ganda mong iyan baka ma-kidnap ka.”
Tinaasan niya ito ng kilay.
“Sa ganda kong ito sure akong walang
magkaka-interes sa akin.” Bawi niya dito. Kinuha niya ang kanyang shoulder bag at
ang susi ng kanyang bahay. “Tara na. Baka ma-traffic ako sa daan.”
Papunta na sila sa Blooms Stations.
Paborito ng Mama niya ang mga de-pasong maliliit na halaman ni Pamela. Kahit
ang ate niya ay ganoon din. Napadaan sila sa bagong bukas na concenience store
katabi lang ng Blooms. Madalas niyang nakikita ang mga kapitbahay na tumatambay
doon at nagkukwentuhan, dala siguro ng init ng panahon kaya wala gaanong tao sa
labas.
“Jada, pwede bang dito na ako sa
convenience store maghihintay sa iyo? Alam mo naman na allergic ako sa mga
halaman.”
“Sure, no problem. Sandali lang ako
sa Blooms.”
Wala pang limang minuto ay nakalabas
na siya ng Blooms. Kumuha lang siya ng mga nasa display at binayaran. Hindi
siya mahilig sa shopping kaya kahit ang sa halaman ay kung ano ang unang
madampot ay iyon na ang kukunin niya.
Pumasok siya sa concenience at
hinanap ang kaibigan. “Dorothy—ohh.” Kaya pala walang tao sa labas dahil nasa
loob at katabi sa centralized aircondition unit.
“Looking good, Jada.” Puri sa kanya
ni Yumi. “May date ka ba?”
Ngumiti lang siya. “May meeting ba
dito?”
“Oo, nga. Are you plotting
something?” Parang natulos siya sa kanyang kinatatayuan nang may maramdaman na
brasong biglang umakbay sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang tingnan ang
kampateng taong nakahawak sa kanya. “Parang may nagbago sa iyo Jada Kyrine.” He
scanned her face and the heck, did her heart just skip a beat? “Inubos mo ba
ang lahat ng kulay ng printer para kulayan ang mukha mo?” pang-aasar nito. Inis
na siniko niya ang tagiliran ni Hanz kaya napabitiw ito sa kanya. “Ang harsh mo
talaga.”
Ayaw
niyang pansinin ang lalaki dahil hindi pa rin niya nakakalimutan ang pag-catnap
nito sa kanyang alaga at ang kakaibang reaksyon niya dito. It wasn’t something
she was expecting.
“None of your freaking business.”
Sumipol ang mga kalalakihan na nanonood sa kanila dahil sa pagsagot niya. Pati
na rin iyong mga babae na kapitbahay ay may kakaibang tawa habang nakatitig sa
kanila ni Hanz. Kilala si Hanz bilang ‘ladies man’, witness siya doon. Walang
babaeng nakakatagal na makipagsungitan dito dahil nadadala nito ng charms nito.
Well, except her.
“Bagay naman pala kayo ni Hanz,
Jada. Keysa magbangayan kayo bakit hindi nalang maging kayo?” biglang tanong ni
Nicolo. Kumunot ang kanyang noo, nagkasalubong ang kanyang kilay at nanulis ang
kanyang labi sa ideyang iyon. Si Hanz? Magkakagusto sa kanya? Sa dinami-dami ng
babaeng naka-date nito mula noong college, walang-wala siya sa kalingk ingan ng
mga babaeng iyon. Sikat ang lalaki sa kanilang university dahil hindi lang ito
may hitsura, magaling din ito sa larangan ng soccer player at hindi lang iyon.
Kahit ayaw niyang aminin ay magaling din ito sa academics. Playboy ito pero
madalas ito sa library dati.
“Bakit mukhang ikaw pa ang lugi sa
ideyang maging girlfriend ko, Jada? I feel offended.” Inirapan lang niya ang
lalaki at malakas na hinampas sa braso. “Aw! Hindi pa man tayo nagiging
battered boyfriend na ako.” Maarteng hinimas nito ang braso nitong hinampas
niya bago bumaling sa mga nandoon. “Witness kayo kung paano ako naging battered
boyfriend nitong babaeng ito.”
“Meow!”
“Tingnan mo Jada pati ang pusa mo alam na ina-under
mo na ako.” Parang batang ani nito.
“Hindi mo pa ako girlfriend!” inis
na hinampas ulit niya si Hanz, akala niya ay may isasagot na naman ito pero
nagkamali siya dahil may kakaibang ngisi sa labi nito.
“Pa? Hindi pa? So, gusto mong maging
girlfriend ko?”
“Oy, witness kami sa pagtatapat ni
Jada.” Sigaw ni Genesis.
She huffed, kapag pinatulan pa niya
ang mga ito ay sigurado siyang siya lang ang maiinis ng husto. Tiningnan niya
ang kanyang cellphone at napa-awang ag kanyang labi ng ma-realized na kanina pa
pala dumating iyong Grab niya pero dahil matagal siyang nag-response kaya
umalis na ito.
“Excuse me, I need to go.” Paalam
niya sa mga ito.
“Ihatid mo si Jada, Hanz. Kapag
nanliligaw ka dapat nagpapalakas ka sa nililigawan mo.” Suhestiyon ni Genesis.
“Nanliligaw? Sinong—oh, okay.”
Hindi
na niya pinansin ang mga ito at lumabas na siya sa convenience store. Ipapasok
niya sa utak niya na hindi na siya kailanman papasok sa convenience store ng
ganitong oras dahil baka mapagtripan na naman siya. Nagpunta siya sa waiting
shed at binuksan ang application para makapag-book uli ng sasakyan. Mabuti
nalang at may nakuha agad siyang driver at two minutes nalang ang kailangan
niyang hintayin.
“Jada-.”
“What?”
matabang na tanong niya kay Hanz na nakasunod sa kanya.
“Ihahatid
na kita.” Sinamaan lang niya ito ng tingin. “What? I’m a good guy, I am
offering you a ride.”
“Hindi
na salamat nalang, ayokong magkautang na loob sa iyo. Mahilig ka pa namang
maningil.” Huminto na ang na-booked niyang sasakyan at bago pa man siya
makarating sa kotse ay nauna ng buksan ni Hanz ang pintuan nito.
“This is for free, I’m a gentleman.”
Inirapan lang niya ito at saka siya pumasok sa kotse. “Boss, ingatan mo ito.”
“Yes, boss.”
Ito na mismo ang nagsara ng pintuan.
She instructed the driver where to go. Habang papalayo ang sinasakyan ay hindi
niya maiwasan ang sariling hindi sulyapan si Hanz na nakamasid lang sa kanila.
Ang
weird ng lalaking iyon ngayon. Napasulyap siya sa rear mirror and found
herself surprised to see herself. Nakalimutan niyang nakaayos pala siya at
mukha siyang tao. Kaya siguro ganoon si
Hanz dahil mukha akong tao ngayon, kapag nagbalik na ako sa normal kong sarili
siguradong hindi na ako papansinin ng lalaking iyon.
“MAMA.”
Bati niya sa ina nang makita ito sa faboritong family restaurant nila.
“Papa.” Pagkatapos halikan sa pisngi ang ina ay nagmano naman siya sa kanyang
ama. At tinanguan ang ate at ang asawa nito. Dalawa lang silang magkapatid at
pawang babae. Magkaibang-magkaiba ang kanilang personality. She’s introvert
while Janina is an extrovert. Her sister loves hanging with people while she on
the other hand loves being alone.
“Why are you late?” dating sundalo
ang kanyang ama kaya ayaw na ayaw nitong nahuhuli siya sa usapan.
“Sorry po, medyo traffic lang.”
“Ano ba Nestor? Parang hindi ka na
nasanay sa anak mong iyan.” Biro ng kanyang ina.
“So, Sis. How’s your new book? My
friends are waiting for the next series, I hope you can release it so soon.”
“I’m still working on it, ate.”
Matipid niyang sagot. Wala silang problemang magkapatid pero kapag kausap kasi
niya si Janina ay pakiramdam niya ay nauubos ang energy niya. Hindi niya kayang
pantayan ang energy nito.
“Anong gusto mong kainin, Jada?” sa
tingin niya ay nakapag-order na ang mga ito.
“Kahit na ano nalang, Ma. Hindi pa
rin naman po ako gutom.”
Napansin niyang tila may
pinag-uusapan ang ate at ang asawa nitong si Jasper habang pasulyap-sulyap sa
kanya.
“Why?”
“Uhm, sis. May offer si Jasper sa
iyo.” Kumunot ang kanyang noo. Kilala niya si Jasper, isa ito sa heads ng
publishing company kung saan siya nagpapasa ng mga manuscript. Parang boss na
rin niya ito.
“Hmn?”
“Gusto mo bang magsulat sa Amore Gazette, Jada?” Ang Amore Gazette ang isa sa pinakatanyag na
magazine sa bansa na under din sa Amore
Publishing Company. “I’m the new Chief Editor of Amore Gazette and we are
having a major revamp, I want to hire you as our writer.”
“Writer? Kasi kuya Jas, I’m not
really into technical writing. Ibang-iba ang pagsusulat ng nobela keysa sa
pagsusulat sa isang magazine.” Aniya. She likes the idea of working in the
Amore Gazette pero pakiramdam niya ay hindi siya magwo-work out doon.
“Bakit hindi mo tanggapin ang offer
ni Jasper, Jada? Hindi panghabang buhay iyang pagsusulat mo, mas maganda pa rin
iyong may regular kang trabaho.” Ani ng kanyang ama. Ayaw na ayaw ng tatay niya
sa kanyang piniling propesyon dahil hindi raw siya mabubuhay sa pagsusulat lang
pero dahil matigas ang kanyang ulo kaya sinuway niya ang ama. Sa tingin nga
niya ay hanggang ngayon ay may sama pa rin ito ng loob sa kanya.
“Hindi naman namin sinasabi na kunin
mo agad-agad iyong trabaho, anak.” Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang palad.
“Pag-isipan mo muna.”
“Si-sige po.”
“Then, that’s great!” masayang ani
ni Jasper. Dumating na ang kanilang pagkain at habang tahimik na ninanamnam ang
grasyang nasa kanyang harapan ay pinutol iyon ng kanyang ate.
“Everyone, may importanteng
announcement lang kami ni Jasper sa inyo.” Sinulyapan lang niya ang kapatid na
abot hanggang teynga ang ngiti.
“Is that a good news?” sunod-sunod
na tumango ang ate niya.
Humilig ito sa balikat ng asawa. “We
are pregnant. Mabibigyan na namin kayo sa wakas ng apo.”
“Oh my God!” bulalas ng kanyang ina.
Halata sa mukha nito na sobrang saya at excited ito. “Congratulations, Janine
and Jasper. Finally, magkakaroon na kami ng apo.”
“Yes, mama. I’m actually two months
pregnant na.”
“Mabuti pa ang ate mo Jada
magkaka-anak na. Ikaw kailan ka mag-aasawa? Beinte otso ka, hindi magandang
tumanda kang dalaga.” Siya na naman ang nakita ng kanyang ama.
“Nestor, huwag mong madaliin ang
anak mo.”
“At kailan siya magmamadali Camilla,
kapag matanda na siya?”
Nandito na naman sila sa paboritong
usapan ng kanyang pamilya ang kanyang love life na sa tingin niya ay matagal ng
patay.
“Pa, chill lang. Hindi naman ako
naghahanap.”
“Iyan ang problema sa iyong bata ka,
masyado kang kampante na kaya mong mabuhay ng mag-isa kapag tumanda ka na.”
Ngumuso lang ulit siya. SInipa siya
ng ina sa ilalim ng mesa at sinasabi nitong huwag patulan ang ama niya. Kaya
nanahimik nalang siya upang walang gulo. Ayaw niyang guluhin ang good news ng
kapatid niya, dahil magiging tita na siya at marami siyang ituturong maganda sa
pamangkin niya.
“Jada, may na-se-sense na akong
hindi magandang plano mo para sa anak ko. Don’t every spoil her or him.”
Bumalik siya sa pagkain at lihim na ngumisi. Of course, gagawin niya iyon. She
will spoil her future pamangkin. She just loves babies!
<3 <3 <3
CTTO
A/N: Two chapters lang muna today mga babies, magsusulat pa ako ng next chap ni Hexel. Enjoy reading!
Previous Chapter:
Chapter 1: https://www.iamyourlovelywriterwp.com/2019/05/black-magic-5-write-love-1-persian-cat.html
0 (mga) komento:
Post a Comment