“LEO!” Kanina
pa hindi mapakali si Jada sa kahahanap ng kanyang alagang Persian cat na si
Leo. Nakalabas ito ng bahay niya habang nagsusulat siya ng nobela at hindi niya
agad na napansin. Saka lang niya napansin na nawala ang alaga noong tawagin
niya ito para pakainin.
“Leo, saan ka na ba?” napatingin
siya sa suot na wristwatch, pasado alas otso na ng gabi. Ito ang unang beses na
nawala sa kanyang bahay ang alaga kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin.
“Lacey!” hindi niya pinansin ang tumatawag
sa kanyang penname. What she hates the most is to be called like that in public
to think they already knew her real name. “Jada!” doon lang siya tumigil sa
paglalakad at lumingon. Natagpuan niya ang isang grupo ng mga kapitbahay na
naglalaro sa labas ng court. Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya
doon. At ang tumatawag sa kanya ay ang walang iba kundi si Hanz. Ito ang
kanyang ultimate bully simula noong mapunta siya dito.
“Nawawala ka ba?” tumawa ito ng
malakas.
“Naku Hanz, huwag mo ngang biruin si
La--.” She glared at Genesis when he is about to say her penname again. “Jada.”
natatarantang sabi nito. “Mukhang may hinahanap ka.”
“Leo.” Maiksing sagot niya.
“Iyong alaga mong mangkukulam na
pusa?”
Tinaasan niya ng kilay si Hanz kahit
na hindi naman nito nakikita iyon. Her cat doesn’t like the man and she just
can’t blame the poor cat. Kahit siya ay malaki ang disgusto sa lalaki at sa mga
kaibigan nito. Na-brainwashed na kasi ng lalaki ang mga ito na kapag nakikita
siya ay inaasar na rin siya.
“Baka ginawa ng siopao.” Ngumisi ng
malaki si Hanz habang siya ay nag-isang linya ang kanyang mga labi. Nagtitimpi
siya ng emosyon, she doesn’t want to break in front of these people kaya sa
halip na patulan niya ang pang-iinis ng mga ito ay nagpasya nalang siyang
umalis at hindi pansin ang mga lalaki.
“Oh, saan ka pupunta?” tanong ni
Hanz.
Deretso lang ang naging lakad niya
at hindi na pinansin ang lalaki. Mabilis naman siyang nakaalis at patuloy na
hinanap si Leo. Natatakot pa rin siya sa pwedeng mangyari sa kanyang alaga
dahil hindi ito pusang gala. Mas sanay ito sa bahay at hindi ito marunong
makihalubilo sa mga tao, well.
“Leo, nasaan ka na ba?” nanlulumong
tanong niya sa kanyang sarili. Nang mapagod ay nagpasya siyang umuwi dahil baka
nandoon na ang alaga pero sa kasamaang palad ay wala pa rin ito doon. Nasapo
niya ang kanyang magkabilang pisngi at itinali ang mahabang buhok upang hindi
sumagabal sa kanyang paningin. Hinanap din niya ang kanyang prescription glasses
dahil sumasakit na ang kanyang mga mata.
“Kapag nakita talaga kitang pusa ka
hindi kita patutulugin ng isang araw… ay pusa!” nagulat siya dahil biglang
nagvibrate ang kanyang cellphone. Mabilis niyang kinuha iyon at nang mabasa na
si Hanz ang tumatawag ay agad niyang ikinancel ang tawag. Pero tumawag uli ito
and then she cancelled it again and he called again but this time sinagot na
niya. Kapag ganoon ang lalaki alam niyang hindi ito titigil.
“What?” paasik na tanong niya dito?
“Can you stop pestering me?”
“Nasa akin ang alaga mo.”
“Huh? What?”
“I am kidnapping your pet cat. If
you want your cat come to my place.”
“Wha-No, teyka lang-.” at pinatay na
hudas ang tawag. She called his number pero hindi na niya ito ma-contact.
“Buwisit ka Johannes Salamandres!” tili niya sa inis. Wala siyang nagawa kundi
ang mabilis na lumabas ng bahay upang puntahan ito sa bahay.
Hindi malayo ang AutumnVille sa
WinterVille kaya makakarating na siya sa bahay ng satanas na iyon ng wala pang
limang minuto. Iyon ang sumpa niya, kapitbahay talaga niya ang taong iyon and
what makes it worst ay sobrang lapit pa sa bahay niya.
Humihingal pa siya ng makarating sa
harap ng bahay ni Johannes. Napatingin siya sa kabuuan ng bahay nito at
napakamot ng ulo. Kahit ayaw niya ay hindi niya mapigilan ang sariling hangaan
ang bahay nito. He’s an architect after all. At ang mga bahay na nasa
WinterVille ang pinakamahal na na units sa buong SeasonsVille. Karamihan sa mga
nakatira sa phase na iyon ay may kaya sa buhay, sa katunayan ay ang bahay niya
ang isa naman sa pinakamurang unit. Maliliit lang ang unit sa AutumnVille at
SpringVille.
“I know my house is awesome, pero
hindi mo ba sasagipin ang alaga mo?” nagtaas siya ng tingin at nakita si Hanz
na kampanteng-kampanteng nakaupo sa garden chair na nasa balcony ng bahay nito.
Tinaasan niya ito ng kilay dahil parang hari itong naghihintay sa kanya habang
nasa lap naman nito ang walang hiyang pusa niyang si Leo. Kailan pa nito
napaamo ang pusa niya? Kampanteng-kampate itong natutulog doon. Hindi ba nito
naalala na ayaw nito sa lalaki? Why the change of heart?
Itinaas niya ang dalawang braso para
abutin ang pusa niya pero sa halip na gawin ang gusto niya ay tumawa lang ng
malakas ang lalaki.
“Jada, kapag ibinato ko sa iyo ang
pusa mo sigurado akong may mga scratch marks na iyang mukha mo.” Hindi niya ito
sinagot. Gusto lang niyang kunin ang alaga niya. “Sabagay, kahit na may scratch
mark ni Leo ang mukha mo wala rin namang magbabago diyan.” Wala na talagang
magandang lumalabas sa bibig ni Hanz ang sarap gawing cat food.
Alam niyang hindi pang-Miss Universe
ang kanyang ganda, hindi rin siya maputi dahil morena ang kanyang kulay. Kahit
lumaklak siya ng sandamakmak na glutathione at ipahid sa kanyang katawan ang
lotion ay alam niyang hindi na iyon magbabago dahil iyon talaga ang genes niya.
Pero alam din niya na hindi siya pangit. Weird lang siya at hindi madalas
nag-aayos but she knows how to prep herself and make herself pretty. Kaya kapag
nagpaparinig ito ng may kinalaman sa kanyang hitsura ay hindi na siya gaanong
naiirita, sanay na siya.
“Leo.” Tawag niya. Nagising ang
kanyang alagang pusa at napatingin sa kanya. Nagtama ang mata nilang dalawa at
akmang aalis na ito sa lap ni Hanz ng hawakan iyon ng lalaki kaya na-shift ang
kanyang paningin sa binata.
“Not that easy sweetie.” Hindi niya
alam kung para saan ang endearment na ginamit ni Hanz, kung para sa kanya or sa
pusa niya.
“Hanz, don’t catnap my cat.” A
haughty smirk appears on the side of his lips. Kahit na nagpupumiglas si Leo ay
hindi nito iyon pinakawalan ni Hanz.
“Say please.” She rolled her eyes,
paborito yata ni Hanz na asarin at sagarin ang kanyang pasensya. Kaunti nalang
at makakaisip na siyang maghukay ng lupa para sa libing nito.
At dahil asar na rin siya kaya
sinunod nalang niya ang nais ng lalaki. “Please.” At dahil alam nitong
napaglaruan na siya nito kaya lumakas ang tawa ng binata. Peste talaga!
“Gusto mo talagang makuha si leo?”
tumango siya. “Puntahan mo ako dito at kunin mo siya. You need this guy kaya
ikaw ang pumunta dito.” Diskumpyado man ay malakas siyang napabuntong-hininga
at binuksan ang pintuan ng bahay nito.
Malaki talaga ang bahay ni, maganda
ang buong paligid. Nakakapagtatakang napaka-homy ng bahay na ito. Akala niya ay
dahil binata ito majority sa kulay ng bahay nito ay panlalaki pero hindi,
neutral ang kulay, pwedeng tirahan ng isang buong pamilya.
“Finally, you are here.” Anito ng
makarating siya sa balcony na nasa second floor. Hindi niya maiwasang hindi pagmasdan ang view
mula sa doon. No wonder gusto nitong tumambay sa balcony, halos kita nito ang
buong subdivision.
“Meoww.”
Untag ng kanyang pusa. Muntik na niyang makalimutan na nandoon siya para
dito.
“Leo.” Mabilis siyang lumapit dito
at kukunin ang pusa niya pero mabilis na nahawakan ni Hanz ang kanyang braso.
“Ooops, masyado kang mabilis Jada.”
“Hanz, ano ba? Ginawa ko na ang
lahat ng gusto mo ibigay mo na sa akin ang pusa ko.”
“Umupo ka muna.” Malakas siyang
napabuntong-hininga. Frustration ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
“Kumalma ka muna, here.” Nilagyan nito ng malamig na juice ang baso at ibinigay
sa kanya. “Walang lason iyan and its clean. Drink that first before I give Leo
to you.”
“Hanz, hindi ka na nakakatuwa.”
“Drink.” Inis na kinuha niya ang
baso at inisang lagok ang laman. “Nice.” Diskumpyadong tiningnan niya ang
lalaki.
“May inihalo ka sa drinks ko?”
“Gayuma.” Marahas siyang
napabuntong-hininga dahil mas pinapahaba pa nito ang kanyang agony. Sa mga
katulad niyang minsan lang kung makaharap ng tao, nakakadrain ng energy ang
isang Johannes Salamandres. “Kidding.” Tumawa ito habang hinihimas ang balahibo
ng kanyang pusang nag-eenjoy na sa kandungan nito. “You need to relax Jada. You
look stressed.”
“I look normal in my own standard.
Ikaw ang dahilan kung bakit ako stressed.”
“That’s why I invited you here to
relax. Nakakarelax dito sa bahay ko.” Kung magkaibigan sila ni Hanz ay
maaappreciate niya ang sinabi nito. Kaso iba ang sitwasyon nila at hindi sila
friends.
“Baka nakakalimutan mong kinidnap mo
si Leo kaya ako napilitang magpunta dito.” Paalala niya.
“Paminsan-minsan ay kailangan mo rin
na lumabas sa lungga mo—aww! Shit!” malakas
itong napamura. Nagulat siya sa biglang outburst nito, napansin niyang may
pulang likido sa braso nito. Mukhang napagtripan itong kalmutin ni Leo.
“You--- it’s bleeding! Your arm is
bleeding.” Nataranta siyang bigla nang makita ang braso nitong may kalmot ng
alagang pusa. “What the hell! Bitawan mo si Leo, Hanz.” Agad nitong ginawa ang
kanyang utos. Tumalon ang alaga mula sa lap nito at humiga sa sahig na para
bang walang nangyari. “Did she bite you?”
“It’s okay-.”
“It is not okay!” For the first time
after several years ngayon lang uli siya nagtaas ng boses. Kinuha niya ang
panyo sa likod ng kanyang bulsa, hindi siya nabubuhay ng walang panyo kaya
kahit saan siya magpunta ay may bitbit siya. “We need to clean your wounds.”
“Nah, these are just--- Damn!” Muli
itong napamura ng ibuhos niya ang tubig mula sa pitsel na katabi ng juice.
“What the heck!?”
“Huwag kang magulo.” Leo is still
her pet. Kapag nagkaroon ng bacterial infection ito ay partly may kasalanan
siya dahil siya ang may-ari. Pero majority sa may sala ay ito dahil ito ang
kumuha sa kanyang alaga. Tiningnan niya ang sugat ni Hanz, may palagay siyang
hindi iyon masyadong malalim but it still need to be checked. Hindi niya alam
kung saan-saan nagpupunta ang kanyang alaga.
“Meow!” napatingin
siya sa alaga niyang nakatitig sa kanila. Kunot noong muling ibinalik niya ang
tingin kay Hanz and it sinks in to her how close their proximity was. Mabilis
siyang napaatras at kinarga ang pusa.
“You-you disinfect your wounds.”
Natatarantang bilin niya dito at mabilis na lumabas ng bahay ng kasama na para
bang may nagawa siyang isang krimen. Nahihirapan siyang huminga bigla.
“PAMBIHIRA ka talaga Hanz, ano na naman ang ginawa m okay Jada?”
iiling-iling na tanong ni Genesis sa kanya nang magkita sila kinabukasan. It’s
Sunday and his day-off kaya tulad ng nakasanayan niya nag-jo-jogging siya. He
needs to maintain a healthy lifestyle.
“Nothing.”
“Anong nothing? Nakita ko siyang
tumatakbo palayo mula sa bahay mo.” Naalala niya ang hitsura ng babae kagabi at
kahit ayaw niya ay hindi niya napigilan ang sariling matawa. Nakakatawa naman
talaga ito.
“Genesis, I just find her so cute
and funny.” He explained.
“Hindi funny ang paglaruan ang isang
babae lalo pa at wala naman siyang ginagawa sa iyo, Hanz.” Nagkibit-balikat
lang siya sa sinabi ni Howard. “Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin
nakakalimutan ang ginawa niya sa iyo?”
Tumabingi ang ngisi niya sa sinabi
ni Howard.
“Anong ginawa ni Jada sa iyo?” of
course hindi siya baliw para sagutin ang tanong nito. At dahil alam nitong
hindi siya sasagot kaya bumaling ito kay Howard. “Anong ginawa ni Jada kay
Hanz?”
“Binasted.” Cool na uminom siya ng
tubig mula sa kanyang water tumbler.
“What? Sino ang nabasted?”
Itinuro siya ni Howard. “Kaya trip
ni Hanz na pagtripan si Jada dahil nabasted siya nito dati.”
“Niligawan mo si Jada dati? Paano?
Akala ko dito lang kayo sa village nagkakilala?” sunod-sunod na tanong ng
tsismosong kaibigan. Knowing Genesis, ang lahat ng malalaman nito ay sasabihin
lang nito sa ‘bestfriend’ nitong si Margareth.
“Schoolmate namin si Jada dati sa
university. Nagpapart-time si Jada sa library at paboritong tambayan ni Hanz
ang library para matulog.”
“Saan banda iyong nabasted si Hanz?”
ngising aso na tanong uli ni Genesis.
“That was just a joke. Hindi ako
seryoso sa panliligaw sa kanya.” Inubos niya ang tubig at ibinato kay Genesis
ang walang lamang tumbler. “Well, sinayang niya ang chance na maging girlfriend
ng Johannes Salamandres.”
“Kaya mo pala siya pinagti-tripan
dahil gusto mong makaganti?”
“Not really, I’m not that shallow. I
just find her so cute when she’s irritated and frustrated.” Napatingin siya sa
braso niyang may trace pa ng kalmot at kagat ng alaga nitong pusa “And she’s
pretty amusing. Alam niyo bang pinangalanan niyang Leo ang babaeng pusa niya?
She’s a weirdo.”
“Pero niligawan mo pa rin siya.”
Tukso ni Genesis. “Baka naman-.”
“Don’t say anything dude.” Alam niya
kung saan tutungo ang usapan nila. “May girlfriend ako.”
Ibinalik ni Genesis ang tumbler sa
kanya. “Ulol! Pareho nating alam na hihiwalayan mo na iyong girlfriend mo sa
susunod na date ninyo.” Umakbay siya sa kaibigan
“Kilala mo talaga ako, Genesis.
Birds of the same feathers flock together. So, may bago ka bang ipapakilala sa
akin?” sunod-sunod na tumango si Genesis.
“Meron.”
“Who? When?” excited na tanong niya.
“Nakilala mo na at nasa village lang
siya.”
Kumunot ang kanyang noo sa sinabi
nito. “Sino?”
“Si Jada.”
“F you!” isang malakas at nakakaasar
na tawa lang ang pinakawalan ng kaibigan. Parang kontrabida ang tingin niya
ngayon sa kanyang kausap. Iyong tipong ang sarap ipakain sa buwaya, ihulog sa
bangin, barilin at lasunin. Good thing hindi siya writer or else namurder na
talaga niya ang kaibigan.
<3 <3 <3
CTTO
A/N: There's a slight changes in the story babies.
TBC
inang delete na pala wordpress acct mo... dun pa naman ako nag aabang ng update :D
ReplyDeleteOo eh, nawala iyong access ko dito dahil hindi ko ma-retrieved agad yung access ko sa email add na connected dito kaya gumawa ako ng isa, mas comfortable ako sa blogger keysa sa wordpress. heehehehe
DeleteDi ba po may story po kayo dati ni Lucy yung psycho(char) sa Royale 11? Nawala po ba sa watty?? Uulitin ko po sanang basahin inang ��
ReplyDeleteThere are various firms today that offer these arrangements at exceptionally alluring rates yet to get esteemed advantages from the strategy and that too at moderate rates is the stunt and is aced just if a little examination or a study is done before deciding on any. Lagerräumung Berlin
ReplyDelete