Sunday, May 26, 2019

Black Magic 4- Pretty Love: Epilogue


EPILOGUE
"THANK YOU Jesus Christ for this wonderful miracle." Halos maiyak na ang mommy at ang ninang ng makita silang magkasama ni Roue. Kulang ang salitang gulat sa mukha ng mga ito lalo na ng makitang nakapulupot ang braso ng kasintahan sa kanyang beywang.
"Is this true? Hindi na ito joke?" nagpunas ng luha ang kanyang mommy.
"No, ninang. This is real. We are real now."
"Amanda, what happened?" Lumabas mula sa pintuan ang ama ni Roue. "You are here, Roue." maging ito ay nagulat ng makita ang anak. Bumaba ang tingin nito sa braso ng anak na nasa kanyang beywang. Natigilan ito at kahit hindi sabihin ay bakas sa mukha ng lalaki ang saya doon. "Kumpadre!" tawag nito sa kanyang ama. "Mukhang magkakaapo na tayo."
Tumabingi ang ngiti niya sa narinig niya mula sa kanyang ninong, ang nanay at ninang naman niya ay tila nagkaroon ng sariling mundo sa sobrang saya.
"We are going to have a grandchild now. Sigurado akong sobrang ganda at gwapo ng magiging apo natin."
Lumabas na rin ang daddy niya na abot langit ang ngiti ng makita sila. She never saw her parents so happy, mukhang tama ang desisyon niyang tanggapin si Roue sa kanyang buhay.
"I heard you are pregnant."
"Daddy!" gulat na sambit niya. "Hindi ah."
"Oh." Lumungkot ang hitsura ng ama niya at bumaling sa lalaking katabi. "You need to marry my daughter as soon as possible Roue. I want a grandchild already."
"I intend to do that ASAP, ninong." Siniko niya ang lalaki dahil pinatulan nito ang biro ng kanyang ama.
"That's good. Come inside, let's celebrate this."
Nauna ng pumasok sa loob ng bahay ang mga matatanda. Her mom and his mom are talking about diapers and milk bottles already, her dad and his dad were talking about something related to a baby. Mukhang excited na ang mga ito na magkaapo.
"Huwag mo ngang patulan ang mga magulang natin Roue baka maniwala sila." Inis na ani niya dito.
"Why? I really wanted to do so." Dahan-dahan siya nitong hinila sa madilim na sulok sa kanilang entrance. "This is already overdue, matagal na dapat kitang pinakasalan at matagal na dapat tayong may anak. See, how stupid I am?"
"Hindi naman tayo nagmamadali hindi ba?"
Matamis na ngumiti ang lalaki. "Paano kung sabihin ko na nagmamadali ako?"
"Hehh."
"I didn't know I have this jealousy streak on me, Bless. Pero noong makita kong kaswal kang kinausap ni Zed ay parang may sasabog sa loob ko. That's when I realized I am really in love with you and I can't see you with other guy." Kumunot ang noo nito na tila ba may nalasahang mapait. "Kahit sa isip ay naiinis ako." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Natatakot ka ba sa akin dahil gusto kong pakasalan agad kita?"
Umiling siya. "Good. You are not scared." Malamlam ang mga matang nakatitig ito sa kanya. Napakagat siya ng labi habang bumababa ang tingin nito sa kanyang mga labi. "I really want to kiss you here."
Umiling siya. "Why?"
"Punishment."
"For what?"
"For making me wait that long." Malakas itong napaungol at napapikit. Maya-maya ay hinagkan nito ang noo niya making her feel better. Yumakap siya dito at idinikit ang teynga sa ibabaw ng dibdib nito. "Are you having an asthma attack? Ang lakas ng tibok ng puso mo." Biro niya, alam niyang wala itong nararamdaman na masama. Normal reaksyon lang nito iyon sa kanya, how did she know? Ganoon din siya, kung ididikit nito ang teynga sa dibdib niya ay sigurado siyang maririnig din nito ang lakas ng tibok ng kanyang puso.
10... 9... 8... 7... 6... 5... 4... 3... 2... 1... MERRY CHRISTMAS!
"It's Christmas na." aniya pero wala pang balak na umalis sa bisig ng kasintahan.
"Let us exchange presents." Anito. May kinuha ito sa loob ng bulsa nito at ibinigay sa kanya. "This is overdue as well." Kumalas siya dito at napatitig sa hawak nitong box. Lumuhod ito sa kanyang harapan at kasabay ng pagluhod nito ay bumukas ang pintuan ng bahay at iniluwa si Lois na napasinghap din ng makita ang kapatid.
"Mom! Dad! Everyone in the house, please come outside. Nagpo-propose si kuya!" and in an instance ay nagkaroon sila ng viewers slash audiences. Kahit na ang mga kasambahay nila ay nandoon din.
"Yes, finally! My son got his balls back." Gusto niyang tumawa ng malakas sa sinabi ng ninang niya pero hindi niya magawa.
"You don't have to answer me immediately, Bless. Kahit 'no' ang sagot mo ay wala ka pa ring choice kundi ang pakasalan ako, I'll make sure our parents will help me with it." Tumango-tango ang mga ito sa sinabi ng lalaki. "Alam ko rin na kakatanggap mo palang sa feelings ko para sa iyo but I want things to be sure. Infront of our love ones, Bless Sonia Carcueva will you allow me to bring you lunch, to date you, to make you smile, to make you happy, to shop with you, to wrap presents with you, to cook for you, to be your man for the rest of your life?"
"YES!" Malakas na sagot ng mga audience nila. Binuksan nito ang box at may nakita siyang dalawang singsing doon.
"Yes." She answered. Tumayo ang lalaki at isinuot ang singsing sa kanya. She can't contain her happiness, sobrang saya niya ng oras na iyon. This is the best present she can ever ask for.
"This is from my mom, she told me to give this one to the girl I want to marry. Mukhang na-forsee na niyang sa iyo koi to ibibigay and this one is from me, I know you will love this-."
Mabilis niyang dinaluhong ang lalaki at siya na mismo ang humalik dito. Mariin siya nitong hinawakan at kasabay ng pagsabog ng mga fireworks ay ang pagsabog ng malakas na pakpakan mula sa kanilang pamilya.
"Merry Christmas." That's his I love you.
"Merry Christmas too." And that's her I love you too.
Love is just like applying a perfect make-up. Kailangan may base para hindi madamage kaagad ang make-up at kailangan ng foundation para may makapitan. Sa kanilang dalawa, walang base at walang foundation, wala siyang makapitan kaya madaling humulas but now, she knew they applied the best primer and the best foundation for a good love relationship... this Christmas.
THE END
<3 <3 <3
Note: Photo credits to the owner.
A/N: December 25, 2018
Merry Christmas babies, hoped you enjoyed the story. Again, hindi ito pang-heavy, happy tayo dapat ngayon kasi pasko kaya happy-happy story lang. 
Love,
Inang
note: Re-uploaded here. February 5, 2019

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang