Sunday, May 26, 2019

Black Magic 4- Pretty Love: 9- Concealer

9 – Concealer


9 – Concealer


"YOU LIKE IT?" Tila nahihiyang tanong ni Roue bagkababa nito sa stage, siya agad ang unang nilapitan ng binata.
"At proud na proud ka talaga sa ginawa mo?" sarkastikong tanong niya. Napakamot nalang ng ulo ang binata at nahihiyang napangiti sa kanya.
"I was forced to, bago pa kasi ako."
"Kailan ka lumipat sa WinterVille?" pag-iba niya sa topic, ayaw niyang muling maalala ang pagsasayaw nito dahil hindi naman siya na-turn-off, kabaligtaran nga ang kanyang naramdaman. "Bakit hindi ko alam? Halos araw-araw na tayong nagkikita pero hindi mo man lang sinabi."
"I wanted to surprise you. Gusto ko sana malapit sa iyo kaya lang wala ng available units sa SummerVille, they referred me to WinterVille dahil iyon ang pinakamalapit sa phase mo. Walking distance lang so I took it and let my people arrange everything. Gusto mong sumama sa akin? I want you to see my place." Excited pa rin ito.
"Wait lang, aminin mo nga sa akin may pina-inom ba ang mga kapitbahay mo sa iyo bago ang presentation?"
Tumabingi ang ngiti nito. "Yeah."
Nasapo niya ang kanyang noo dahil tama ang kanyang hinala. Hindi niya alam kung ano ang trip ng mga baliw na lalaking iyon, kapag may ganitong presentation ay umiinom ang mga ito ng beer pero hinahaluan nila ng energy drink, kaunti lang daw but she doubt it. Napagalitan na ang mga ito dahil delikado ang ginagawa nila baka kasi may masamang epekto iyon sa katawan and these men said they already stopped mixing it.
"Did they mix beer and energy drink again?"
"Oh, no. Energy drink lang." she still doubted it. Hinila niya ang kwelyo ng suot na polo shirt ni Roue at inilapit ang ilong sa bibig nito. May naamoy siyang energy drink and she tried sniffing for a hint of beer pero wala. "Kaunti nalang Bless and I'll probably receive the best gift for this year."
"Hmn?" and before she knew it he already held the back of her head still and slam his lips to hers. Madalas siya nitong hinahalikan pero pawang dampi lang ang mga iyon, this time it's different. Hindi iyon dampi lang, she opened her mouth for him to access and found her arms around his neck for him to kiss him properly. His arms wounded around her waist and pressed her body to his. His lips were soft and hot, it's sweet.
"Get a room you two, nasa gym pa rin kayo." Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang puna ni Vanessa. "Bad iyan." Pulang-pula ang kanyang mukha, hindi iyon kayang takpan ng kahit na anumang concealer. "Sa labas pero good iyan sa loob ng bahay niyo." Biro ng kaibigan at umalis na rin.
"I didn't regret kissing you." Anito.
"Me too." Nakahinga na siya ng maayos. "Para kang bakal kung sumayaw, ang tigas." Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito.
"Too bad I ain't perfect honey."
"Ipapasumpa na talaga kita kung marunong kang sumayaw, ang unfair na ng mundo. Can you sing?"
"Nope." Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito. "Mukha ka yatang masaya noong nalaman mong hindi ako marunong kumanta."
"Fair pa rin si Lord, hindi niya ibinibigay ang lahat ng bagay sa isang tao." Tinapik niya ito. "Huwag ka na uling magpaloko sa mga kapitbahay natin, they are all crazy. At kapag may ibinigay silang drinks don't drink it. Baka bumalik ang saltik ng mga iyan at magmix na naman ng beer at energy drink."
"That's weird."
"I tried it." Pag-amin niya. Noong unang sumabak siya sa kahihiyan challenge during Christmas party nila. Akala niya ay normal beer lang iyon pero nagtaka siya kung bakit iba ang lasa, tatlong araw din siyang dilat at hindi makatulog dahil sa nainom. She never told anybody about that dahil nahihiya siya sa katangahan niya. "Halos tatlong araw akong zombie mode kaya don't drink anything na may weird na color and taste."
"Noted." Muli nilang ibinalik ang pansin sa presentation ng iba pa nilang mga kapitbahay na pawang kagaguhan lang naman. Nevertheless, she really enjoyed the presentations it shows the true essence of Christmas, it brings happiness to everyone. Right now, she's definitely more than happy kaya medyo nakakatakot na.


"YOUR place is big." Pinilit siya ni Roue na sumama sa bahay nito dahil gusto nitong makita niya. Wala naman siyang ginagawa kaya sumama na rin, tapos na ang party kaya kanya-kanyang balik na ang lahat sa mga bahay nila. Iyong working committee nalang ang natira courtesy of some of their neighbors para tipid daw sabi ni Sweetheart. First time niyang nakapasok sa isang unit sa WinterVille at gaya nga ng inaasahan triple yata ang laki ng bahay na iyon sa units nila. "You are filty rich."
"Hindi naman." Anito sa kanya. "I am really planning to buy a house, hindi naman pwedeng sa condo ako tumira. I saved for this and I think it's worth it." Tumango siya dito. Isa sa pinakamagandang investment ay ang sariling bahay at lupa. "Malalaki din ang mga rooms. May tatlong silid sa itaas, one masterbedroom and two smaller rooms. May mga restrooms na rin each room. Sa ibaba naman may isang mas maliit na silid, kapag kukuha ng kasambahay ay pwedeng doon mag-stay. And look at the kitchen." Namangha siya sa kusina nito, halatang sa buong bahay na iyon ay ang parteng iyon ang mas pinaglaanan ng oras.
"Wow." Iyon lang ang nasabi niya. Ang kusina ni Roue ang pangarap ng lahat ng maybahay sa mundo, the kitchen counter, the center island, kompleto ang mga kagamitan at kahit na ang refrigerator nito ay hindi maikakailang pinagkagastusan. "This is so—ang ganda."
"Thanks God you like it."
"Are you crazy? I love your kitchen. Hindi ako kasing galing mong magluto pero gustong-gusto kong nagluluto. I hope you can teach me some of your signature dishes sometimes." Biro niya.
"Kailan mo gusto?"
"Biro lang iyon."
"And I am serious, let's set a date then." Hinila naman siya nito sa second floor ng bahay, una nilang nadaanan ang masters bedroom.
"Malaki pala talaga ang room." Two-storey din ang unit niya, hindi masyadong malaki tipikal lang ang size. Ang baba ng kanyang bahay nandoon na ang kanyang living room, maliit na kitchen, dining area at may maliit na banyo. Ang second floor naman ay sinakop na ng kanyang buong silid dahil siya lang naman ang mag-isang nakatira doon. Malaki na iyon pero hindi hamak na mas malaki ang silid sa bahay ni Roue. May terasa din na kitang-kita ang covered court at ang mga establishments. "I can see my house from here." Turo niya sa unit niya na nasa hindi kalayuan.
"Your place looks like its sparkling during evening."
"Because of the Christmas lights. I love sparkly things. I am a girl you know." Tumawa lang ito sa kanyang sinabi. Nakatayo lang sila doon at pinapanood ang magandang senaryo sa kanilang harapan, tahimik lang sila pero parang ang gaan-gaan ng kanyang pakiramdam.
She can hear her heart beating, ito iyong pangarap niya dati. Safe na ba na aminin niya sa sarili niya na bumalik ang pinatay niyang damdamin para kay Roue? Is it safe to admit that once in a while she fell in love with him and right now she's really in love with him. Ginusto niya ang engagement nila dahil crush na niya ito dati pa, noong sinabi ng kanyang mga magulang na ito ang kanyang mapapangasawa she worked hard for it. Nagpupunta siya sa restaurant nito para makita ito kahit hindi siya nito napapansin, gusto niya itong lapitan pero sobrang busy nito kaya na-kontento siya sa pagtanaw sa binata mula sa malayo at ipinagdasal na sana ay kahit isang beses lang ay lumingon ito sa kanya ngunit hindi kailanman nangyari.
Umaasa siyang kahit birthday niya ay i-text siya nito kahit simpleng 'Hi' lang at masaya na siya pero hindi uli iyon nangyari. She's really proud of his achievement, alam niya ang lahat ng bagay tungkol dito. Kapag birthday nito ay nagpupunta pa rin siya sa Wild Thyme pero hindi siya naglakas ng loob na lapitan at batiin ito ng personal dahil natatakot siya sa pwedeng maging reaksyon nito. Tuwing valentines ay nandoon din siya and even Christmas eve ay hindi niya pinapalagpas na pumunta doon. Sa kanya para na silang nagde-date during those special occasions dahil magkasama sila sa iisang lugar, nakikita niya ito pero hindi kailanman man siya nito nakita not until she cancelled their engagement.
With him here even the most expensive concealer in the world can't conceal her real feelings. She is still in love with him and darn so happy that he can finally see her after eight long years.


"SOBRANG excited ang bruha." Iningusan lang niya si Ycia na pinapansin ang pagpapaganda niya. "Makikita na ang kanyang loveboy cum fiancé." Kinikilig siya sa panunukso nito. Alam niyang masyado na siyang matanda para doon but she can't stop it masyadong overdue na ang kilig na iyon.
"Ihahatid lang naman namin ang mga gifts sa bahay." Inirapan siya nito.
"Ay sus, ilang taon ng ikaw ang nagdadala ng gifts ngayon tapos ngayon ay nag-iinarte ka diyan." Hindi niya napigilan ang mapangiti. Totoo naman kasi iyon, this time magkabay silang maghahatid ng mga regalo sa bahay ng parents niya dahil doon sila magce-celebrate ng Christmas. Limang araw nalang at pasko na and this will be their first Christmas together. Alam niyang magugulat ang kanyang mga magulang kapag nagkita silang magkasama. "Saan na ang mga gifts?"
"Nasa car niya, nilagay na niya iyon doon kagabi." Malakas itong napasinghap.
"Magkasama kayo buong gabi?"
"Yes, why?"
"Ibang level na talaga ito parang kailan lang ay para kang dagang pasulyap-sulyap lang sa kanya tapos ngayon ay magkasama na kayo buong magdamag."
"Gaga, magkapitbahay kami."
"Ay, bet." Iniwan na niya ang kaibigan at naghanap ng masasakyan, pinapapunta siya nito sa Wild Thyme dahil magdi-dinner muna sila bago pumunta sa bahay ng kanyang parents. Masyado pang maaga pero excited na siya na makita ito. Mabilis niyang narating ang Wild Thyme, binati siya ng security guard marahil ay nakilala siya nito. Kahit na ang mga waiters and waitresses na matagal na doon ay binati din siya.
"Hi, nandiyan ba si Roue?"
"Opo, Miss. Kaibigan ka ni Chef?" tanong sa kanya ng isang waitress.
Tumango siya. "Yes, may usapan kami na magkikita dito."
"Sa kanan ang main office ni Sir, nasa loob din po si Ms. Madison."
"Umuwi na pala ang kapatid niya? Can I come?"
"Sige po." Excited na naglakad papunta sa opisina ni Roue. Gusto din niyang maka-usap si Lois. Hindi na niya kailangan pa na kumatok upang pagbuksan dahil nakabukas na ang pinto at agad na nakita ang magkapatid.
"Finally big brother, you've did something good to me as your sister. Hindi na ako engaged ka Blast? Paano mo nakumbinse si Bless na balikan ka?"
"I have my ways and Lois, please don't do something stupid again."
"Kung hindi pa ako magpapakamatay ay hindi ka gagawa ng paraan para i-save ako. I know you love me so much big brother."
"You are my sister and I'll do everything for you kahit na pakasalan ko si Bless ay gagawin ko." Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig sa kanyang narinig. Parang may malaking karayom na tumutusok sa puso niya dahil sa narinig na sinabi ni Roue.
Kaya pala, nasagot na ng kanyang narinig ang matagal ng gumugulo sa kanyang isipan. Kaya pala nakipaglapit sa kanya si Roue, kaya pala pinagsiksikan nito ang sarili nito sa kanya hindi dahil sa totoong gusto siya nito kundi dahil gusto lang nitong iligtas ang kapatid nito.
"Bless!" nagulat si Lois ng makita siya na nakatayo doon. Maging si Roue din ay tila naka-inom ng isang balde ng suka habang nakatitig sa kanya.
Come on, Bless. Utas niya sa kanyang sarili. You are used to this, come on, smile girl. At iyon ang kusang ginawa niya.
"Hi, Lois." Nakangiting bati niya sa babae pero ang totoo ay gusto na niyang umalis doon at umiyak.
"Did you hear it?"
Tumango siya ng nakangiti. "I did."
"Bless-." Lalapit sana si Roue sa kanya pero pinigilan niya. Baka maiyak siya sa harap nito kapag nakalapit ito ng husto sa kanya.
"Don't worry hindi ako galit. Kung ako ang nasa lugar mo ay gagawin ko rin ang ginawa mo." Pathetic. "You don't have to force yourself, Roue. Sana sinabi mo nalang sa akin ang totoo noong una mo akong kinausap maiintindihan ko naman hindi ka na sana nag-invest ng time sa akin. Sana hindi ka na nag-effort ng husto." Sana hindi rin bumalik ang nararadmaman ko sa iyo at sana ay hindi rin ako nasasaktan ng ganito. "You don't have to force yourself to marry me."
Nakita niya ang takot sa mukha nito habang nagsasalita siya. "Don't worry, hindi ito malalaman ng mga magulang natin. Medyo napaaga ang punta ko dahil hindi ako makakasamang maghatid ng gifts sa bahay dahil may emergency meeting ako. Nandito naman si Lois, pwede bang kayo nalang ang maghatid?" walang nagsalita and she took it as yes. "I need to go now baka ma-late ako sa meeting."
"Bless." Nakalapit na sa kanya si Roue. "Let's us talk first."
"Some other time, okay? Huwag muna ngayon busy talaga ako." Alam niyang hindi ito naniniwala sa sinabi niyang meeting pero alam din niyang alam nitong hindi siya nito makakausap ngayon dahil kahit anong sabihin nito ay hindi tatanggapin ng utak niya. "Thank you."
Mabilis siyang nakalabas sa Wild Thyme at nakahanap ng masasakyan. Hindi niya alam kung saan siya pupunta basta ang alam niya ay nasasaktan siya, nasasaktan siya ng husto at gusto lang niyang umiyak hanggang sa mamanhid na siya.
Overdue na rin dapat ang drama niyang ito, iyong sakit na matagal na niyang kinikimkim ay nagsilabasan ngayon. Hindi kayang pagtakpan ng concealer ang sakit na nakikita sa kanyang mukha lalo na sa kanyang puso.


<3 <3 <3
Note: Photo credits to the owner.
TBC

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang