Sunday, May 26, 2019

Black Magic 4- Pretty Love: 8- Facial Cleanser





8 – Facial Cleanser
"YOU—WHAT?" She hussed him because his voice's intensity is beyond the hearing threshold of a normal conversation. "Last month? Bakit hindi ko alam?" halos hindi ma-ipinta ang mukha nito sa nalaman.
"Ewan ko sa iyo, binisita kaya ako ng pamilya mo ikaw lang ang wala doon." She stated. "Muntik mo na akong hindi nakita at nakasama." Biro pa niya.
"I was informed that you had an asthma attack and I thought it wasn't serious but pneumonia and dengue, that's another issue."
"I'm safe now kaya huwag ka ng mag-react diyan, I am alive." Itinuloy niya ang pagnguya ng kanyang steak. Mas masarap pa rin ang steak sa Wild Thyme keysa sa steak na kinakain niya ngayon, nagiging bias na siya pagdating sa pagkain na kanyang kinakain.
"I should have known." Mahina pero narinig pa rin niya ang sinabi ng kasama.
"Yeah, you should have known." She pointed out. His handsome face crumpled as if he had tasted the worst dish ever. "Pero ipinagpasalamat ko rin ang nangyari sa akin dahil kung hindi dahil doon ay hindi ako magigising at gumawa ng paraan para i-cancel ang engagement natin."
"I'm the worst, huh." Napasulyap ito sa kanya.
"Yes, you are the worst." Malakas itong umungol dahil sa panggagatong niya. "Nangyari na ang nangyari, let's forget the past and move on. Alam mo Roue, kung hindi pa dahil sa pag-cancel ko sa engagement natin hindi ka pa magpapakita sa akin at hindi mo rin ako mapapansin. Tama ang mga sinasabi ng mga friends, co-workers and neighbors ko may isang invisible na fiancé nga ako." It must be the wine, ka-partner ng kinakain niyang steak ang isang red wine at napaparami na ang kanyang nainom kaya iyong dila niya kung anu-ano na ang sinasabi and she can't even stop it.
Pinagsalikop ng binata ang mga palad at mariing napatitig sa kanya. "Pinagsisihan mo ba ang desisyon nina mommy na ma-engaged sa akin Bless?"
"Yes." Mabilis niyang sagot. "I lost eight years of my life waiting for nothing, hindi biro ang eight years Roue sana maintindihan mo ang desisyon ko. Tinatama ko ang maling pagpayag ko sa kasunduan ng mga magulang natin, it's partly my fault too."
"Mali ang ma-engage sa akin?"
Muli siyang tumango. "Very, very, very wrong." Inubos niya ang laman ng kopita niya. "Pero kung naging malapit siguro tayo sa isa't isa o binigyan natin ang sarili natin ng chance na makilala muna ang isa't isa bago pumayag sa engagement baka iba ang sinagot ko sa iyo ngayon. You are not bad, you are actually sweet, thoughtful and caring. Sigurado akong maraming babae ang magkakandarapa sa iyo, not to mention you are also handsome and tall. Kung nakilala sana kita noon kagaya ng pagkakilala ko sa iyo ngayon baka hindi na kita pinakawalan pa. You are a complete package, maswerte ang babaeng mamahalin mo." Muntik na siyang masamid ng maalat na bagay sa kanyang lalamunan habang sinasabi iyon.
"I think you are right, kung sana ay kinilala kita noon pa sana hindi ka na nagdesisyon na makipagkalas sa akin."
"Such a loss 'no?" biro niya pero hindi nito iyon pinatulan.
"I thought-." Tumikhim ito. "I thought you were creepy."
"Huh?"
"I even called you creepy Barbie doll before."
"What?"
"You are a perfect example of a real life Barbie doll, Bless."
"Hoy lalake, hindi ako plastic 'no." iniwas niya ang mata mula rito. "Well, a little bit." She even emphasized it using her fingers. "Fine." Pag-amin niya.
"Noong una kitang nakita I thought you weren't real, you are all smile and I hate you for that. Naisip ko, how can this woman smile like that? Kahit na galit ka ay nakangiti ka, kahit na malungkot ka ay nakangiti ka pa rin, kahit na may sakit ka ay nakangiti ka pa rin. Isn't that creepy? You were not normal, ayoko sa taong mahirap basahin dahil wala akong oras na bumuo ng zigzag puzzle. I am a busy person."
Naiintindihan niya ito, sa dami ng mga nakakilala sa kanya ito lang ang bukod tanging nakapansin sa kanya ng ugaling iyon.
"I got scared."
"My mom, she was a former beauty queen I think alam mo na iyan. I am my mother's wished, she really wanted to have a baby girl to become like her. Noong ipinanganak ako I became my mother's personal Barbie doll. Binihisan, inalagaan, at pinalaking kagaya niya. Gustong-gusto niya na sumunod ako sa kanyang mga yapak, she wanted me to become a beauty queen and to become one kailangan nakangiti palagi. Dati kapag umiiyak ako palagi niya akong sinasabihan na ang mga beauty queen kahit na nasasaktan, may sakit, nahihirapan, napapagod, masaya, malungkot at galit ay kailangang nakangiti pa rin. Hanggang sa lumaki akong napasok na sa isip ko ang tungkol doon.
Noong lumaki na ako nahirapan na akong i-express ang emotions ko. Nakasanayan ko ng kapag may deep emotions akong na-fe-feel ay ingingiti ko lang. I know it's really creepy and I can't deny that." Habang nagpapaliwanag ay na-realized niya ang dahilan kung bakit hindi siya nito nagustuhan. "I think kasalanan ko rin kung bakit hindi mo ako nagustuhan." Mahina siyang tumawa but it hurts like hell. Damn it!
"No, Bless." Mabilis na hinawakan ni Roue ang kanyang mga palad at naramdaman yata nito ang panlalamig doon.
"Sorry, it was my fault-."
"I said no, it wasn't your fault. Gago lang talaga ako, I am plain stupid, a coward, and stupid again. Please, don't blame yourself." Pinilit niyang hilahin ang kanyang palad pero hindi nito iyon binitiwan. "I intend to do the right thing."
"Ro-."
"Alam kong nafru-frustrate ka sa akin dahil hindi kita pinapakinggan kapag sinasabi mong cancelled na ang engagement natin. Dahil ayoko, ngayon na nakilala na kita ng husto at ngayon na nagugustuhan na kita I want it back. I want you back and I want the engagement back." Sobrang higpit ng hawak nito sa kanya at ramdam din niya ang intensidad ng bawat salita nito. He really wants her.
"Baka naguguluhan ka lang, baka nanibago ka lang. Ayokong sayangin ang oras ko sa isang hindi seryosong bagay, I'm through with it."
"I am dead serious, I am serious." Seryoso nga ito. "I like you and I think you like me too."
Nag-isang linya muli ang kanyang mga labi, kung alam lang nito hindi lang simpleng gusto ang nararamdaman niya para dito. "You like me right?"
"Y-yes."
"Then, let's start from there. We can make this work because we like each other."
Can she risk her heart again for the second time around? Nasa puso pa rin niya ang takot na baka maramdaman na naman ang naramdaman niyang sakit dati, ang hirap magdesisyon. She closed her eyes and took a very deep breathe and made her decision.
"Okay."
"Really? Thank you very much Bless, you won't regret this I promise." She just gave him a small but real smile. Sana nga ay hindi ako magsisi.



MASAYANG inilibot ni Bless ang mga mata sa loob ng gym ng kanilang subdivision. Tuwing pasko lang nagkakatipon ang mga kapitbahay nila sa SeasonsVille. Nahahati sa apat na phases ang SeasonsVille, ang SummerVille, WinterVille, AutumnVille at ang SpringVille. At nahati din sa dalawang barangay, ang SummerVille at ang SpringVille ay nasa barangay ni Sweetheart, ang kanilang barangay captain. Ang WinterVille at ang AutumnVille ay kay Captain Ben, may-edad na ito but he likes the old man masayahin kasi ito at updated rin sa social media.
Ang mga bahay sa SummerVille at SpringVille ay hindi gaanong malalaki, maganda ngunit simple lang. Hindi rin masyadong mahal at affordable sa tulad nilang enough lang ang kita, sa kabilang barangay ay nandoon ang mga malalaki ang bahay at mas mahigpit ang security. May mga kilalang tao kasi na nakatira doon, over-all, sa party na iyon ay halo-halo na silang lahat.
"Tita Bless, thanks po sa gift." Iilang bata na rin ang dumadaan at nagpapasalamat sa regaling ibinigay niya.
"You're welcome. Nagustuhan mo ba ang gift?"
"I love it po." Humalik ito sa kanya bago nakipaglaro sa iilang mga bata doon.
"Bless, halika na. Malapit ng magsimula ang programme." Hinila siya ni Xylee papunta sa malaking stage. Kay liit nitong babae pero parang wala lang kung hilahin siya ito. Na-cu-cute-an talaga siya sa kapitbahay niya, Xylee is pretty and cute, walang makapagsasabi na isa itong teacher dahil mukha pa rin itong bata.
"Tayo ang magpe-present para sa SummerVille?" kunot-noong tanong niya.
"Hindi 'no. This time ay sa mga boys ang spotlight." Ngumisi ito ng malaki. "Kailangan ko ng photographer baka kasi hindi ko mapigilan at panggigilan ko ang fiancé ko." Tinutukoy nito ang bagong lipat nilang kapitbahay na si Darren at kapatid ni Dorothy na malapit din nilang kaibigan.
"Mabuti at napapayag mo na sumali siya sa kabaliwan ng mga kapitbahay natin." Aniya.
"Of course, malakas ako sa kanya." Ngumisi lang si Xylee. "May mga bagong lipat din sa WinterVille, napagtripan din silang mag-present."
"Nice." She's pretty excited. Ilang saglit pa ay nagsimula na ang programme, it wasn't really a formal programme dahil iyong iba nakiki-trip lang. Pinagtatawanan ang mga nagpe-present dahil wala namang seryoso doon. Kapag nautusan na ng kapitan nila ang 'maswerteng' taong magpe-present, kahit na pawang kanan ang mga paa ay kailangang sumayaw. Last year nga ay nagsayaw sila na iba-iba ang steppings. Masyado silang busy para magpractice kaya dinaan nalang nila sa pagandahan at mga props pero iyong performance, darn! Walang substance. Nakakahiya lang.
"Everyone, alam kong hinihintay na ninyo ang highlights ng programme natin." Anunsyo ng host. "The battle of the handsome guys in our village!" masigabong palakpakan ang namayani sa loob ng gym, may pumipito at may tumatawa na kahit wala pang presentation. "To start with, help me welcome, the amazing, talented, handsome, macho, superfra- basta iyon na iyon. The SummerVille Juniors!" iniwan siya ni Xylee dahil magche-cheer pa ito sa kasintahan.
At gaya nga ng inaasahan, iyong mga kapitbahay niyang lalaki, gwapo lang pero ang titigas ng katawan. Fair pa rin talaga ang mundo. Sumasakit na ang tiyan niya sa katatawa dahil parang bulateng inasinan ang mga ito. May nagtangkang tumambling pero hindi nagawa, may kunyaring nagsplit pero epic fail. First presentation palang ay sumasakit na ang panga niya sa katatawa. Iyong ibang lalaking naligtas sa kahihiyan ay iyon pa halos umiyak at gumulong sa sahig sa katatawa.
Ang AutumnVille ang sumunod na nagpresent, akala niya ay matino ang presentation ng mga ito dahil naka-uniform pa ang mga t-shirts at bandang-banda ang dating. Mai-impress na sana siya kung hindi lang boses palaka ang main vocalist, bumirit pa ito pero hindi naman naabot ang nota, iyong nagigitara halatang hindi rin marunong dahil kaskas lang ng kaskas. Kahit iyong nagda-drums ay palo lang ng palo. Ingay lang ang ginawa ng mga ito, walang matino kahit na isa! Pero bet pa rin ng mga nanonood dahil emote na emote ang lahat na para bang nagco-concert talaga.
"...the WinterVille macho dancers!"
"Hoy! SPG iyan, may mga bata dito!" narinig niyang may sumigaw kaso nakalabas na sa malalaking gift box ang mga lalaking walang suot na pang-itaas. Napanganga siya dahil ang mga walang hiya, macho dancer nga ang peg. May santa hat pa ang mga ito at umiilaw na LED lights, nagsimula ng umindayog ang mga ito sa tono ng careless whisper. Marami na ang nagtatawanan at binabato na rin ang mga ito ng kung anu-ano, dapat ay matawa din siya pero hindi! Hindi niya kaya dahil isa sa mga sumasayaw na animo ay macho dancer ay walang iba kundi si Roue Xander Endrina!
"Fudge bar!" bulalas niya. Matigas din ang katawan nito pero wala itong pakialam, nagtama ang kanilang mga mata at sa halip na mahiya ito sa pinagagawa ito ay ngumisi lang ito at kumindat pa sa kanya." She can feel her cheeks burning. Lalo na nang mapansin ng mga kapitbahay nilang chismoso at chismosa na sa kanya lang ang titig nito at napabaling sa kanya.
"Humanda ka sa akin pagbaba mo diyan Roue." bulong niya.
Mas ginalingan pa nito ang pagiling kahit na sobrang tigas talaga, wala itong chance na maging dancer. He even bite his lips as he stare at her. Damn him! Bakit ang sexy pa rin nito kahit na matigas ang katawan? Napilitan siyang magbawi ng tingin dahil nag-init bigla ang kanyang pakiramdam. He is seducing her!
Kapag lumapit talaga ito sa kanya ay lulunurin niya ito ng maraming facial cleanser baka sakaling malinis ang agiw ng utak nito.


<3 <3 <3
Note: Photo credits to the owner.
TBC

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang