Sunday, May 26, 2019

Black Magic 4- Pretty Love: 7 - Facial Mask





7 – Facial Mask
NAG-INAT siya ng braso at iwinawasiwas ang mga daliri sa hangin, natapos na rin niya sa wakas ang ginagawang review at sa tingin niya ay na-i-feature niya ng tama ang lahat ng mga products na kailangan nila.
"What's this?" napatingin siya kay Ycia ang kanilang researcher na abala sa pagtingin ng mga bagong products na dumating. "Ang daming PR box ngayon at hindi lang iyon they are all international products. Wow, may mga facial masks din. Can I have some?"
"Sure, I want an intensive and detailed info about the products. The scent, the texture, you already know the drill." Ngumisi ang kausap.
"No problem." Masaya nitong kinuha ang box na puno ng mga facial masks. "By the way, masarap iyong lunch kanina. Iba na talaga kapag chef ang fiancé, free ang lunch." Inirapan lang niya ang kausap. Eight years na rin na nagtatrabaho si Ycia sa kanila bilang researcher, sa lahat ng mga nakasama niya ay ito ang saksi ng kabaliwan niya noon at ito lang din ang kaisa-isang naniwalang hindi imaginary na may fiancé siya.
"Ex na."
"Ang weird ng mundo right? Kung kailan ka nag-give up saka naman siya lapit ng lapit sa iyo. Baka natauhan." Umiling lang siya sa sinabi dito. Ayaw niyang bigyang kahulugan ang pinagagawa nito sa kanya.
"I better go now, kailangan ko pang mamili ng mga gifts."
"Umiiwas ka sa topic."
"I don't want to talk about that anymore, Ycia. Kilala mo ako, kung ayaw ko na ayoko na talaga. Masyado nang matagal ang eight years and I don't want to waste another eight years of my life waiting for nothing." Pinal niyang sabi.


WALA pa sa kalahati ang laman ng kanyang cart at wala pa sa kalahati ang mga nabili niyang mga gifts. Marami ang tao sa mall dahil na rin sa Christmas rush at isa siya sa mga taong iyon. "Aww." Reklamo niya at huminto sandali dahil sumasakit na ang kanyang mga binti. Her heels are killing her, she forgot to changed into flats. "I really need to buy flats." Aniya. Kapag nasa opisina siya ay madalas siyang nagsusuot ng high heels, it makes her feel so feminine and sexy kaya tiis-tiis talaga. But she'd prefer her flats when she's in a long walk.
"As much as I love to see you wearing heels, Bless. I'd prefer you wearing more comfortable." Ewan ba niya kung nababaliw lang siya o hindi pero kusang kumurba ang kanyang labi sa isang matamis na ngiti.
"How did you know I'm here?" ngumiti ang lalaki sa kanya.
"I asked and I followed you."
"Followed me? Really Roue, kailan ka pa naging stalker?" biro niya.
"Hmn, a few days ago." Lumapit ito sa kanya at biglang lumuhod. Napatingin sa kanila ang mga tao doon kahit na siya ay natigilan sa ginawa nito. Bigla siyang natuod ng hawakan nito ang kanang binti at inalis ang five inches heels niya, ganoon din ang ginawa nito sa kabila. Saka lang niya napansin na may bitbit pala itong box mula sa isang kilalang shoe brand. Kinuha ni Roue ang laman ng shoe box, it's a pair of pastel pink ballerina shoes that matches her outfit. Ito na rin mismo ang nagsuot ng sapatos sa kanya, the sole of the shoes makes her really feel comfortable. "Is it okay? Does it fit right?"
"Ye-yeah." May tila kung anong bumara sa kanyang lalamunan habang nakatingin sa lalaki. Ang lakas ng tibok ng puso niya at tila nakalimutan na niyang huminga. Hindi siya inaatake ng asthma pero sumasakit ang puso niya sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso. Tumikhim siya upang alisin ang kung anuman ang nasa kanyang isip.
"It will make you more comfortable. Bakit hindi mo ako hinintay?"
"Hinintay? May usapan ba tayong magkikita ngayon?" pilit niyang inaalala kung may usapan ba siya pero wala naman.
Lumapit pa ito sa kanya at hinalikan ang kanyang noo, she really find that gesture very sweet—and inappropriate lalo pa at wala silang relasyon.
"Naglagay ako ng note sa lunch container mo, hindi mo nabasa?" mabilis siyang umiling.
"Hindi ko napansin."
"It's okay, starting from now ihahatid na kita pauwi kapag nasa opisina ka. I don't have your number, I'll get it later." Tumingin ito sa kanyang cart. "Sasamahan kitang mamili ng mga gift, magpapatulong din akong maghanap ng gifts for my family."
"Oh, sure. Namimili din ako ng gifts for ninang and ninong, baka makatulong ka sa akin sa pamimili ng gifts para sa kanila."
Ngumiti ito na para bang may biglang na-isip. "They only want one thing this Christmas."
"Ano iyon? Mahal ba? Baka hindi ko afford iyan."
"They want a grandchild." It took her eternity before his words sinks in.
"Mag-asawa ka na para magka-apo na ang parents mo." Iniwas niya ang mukha dito, he doesn't want him to see her reaction.
"When do you want to get married? Or, may prefer mong bigyan muna natin ng apo sina mommy and daddy-."
"Roue!" alam niyang masisingit nito iyon. "Sinabi ko na hindi ba, the engagement is off. You are free now to find someone you really like and make her your wife." Gusto niya itong kausapin ng seryoso dahil mukhang hindi sineseryoso ng ex-fiance ang mga pinagsasabi niya.
"Let's look for gifts, are these for your godchildren?" ito na mismo ang nagtulak ng kanyang cart.
"Roue." muli ay kinintalan nito ng mabilis na halik ang kanyang mga labi kaya hindi na naman nagfu-function ang kanyang utak. "Roue!" inis niyang tawag dito. "Don't shut me up with a kiss." Namumula na siya sa inis.
"You are really beautiful even when you are angry, Bless." Marahas siyang napabuntong-hininga dahil sigurado siya na walang mangyayari dahil hindi naman ito makikinig sa kanya. She needs a perfect timing for this katulad ng ginawa niya sa kanyang mga magulang at sa mga magulang nito. Right now kailangan muna niyang habaan ang pasensya.


"NO!" mas matigas ang boses niya habang nakahawak sa braso ni Roue. Walang bakas ng ngiti sa kanyang mga labi, she's definitely mad at him. "Kapag ginawa mo iyan Roue I swear I will never talk to you again. You are offending me." Nag-isang linya ang kanyang mga labi.
"But-."
"No buts. To make it fair, I'll pay my bills and you pay yours." Balak nitong bayaran ang mga pinamili niya. Napansin marahil nito na hindi maganda ang kanyang mood kaya binawi nito ang card nito at hinayaan siyang bayaran ang lahat ng kanyang pinamili. Nagbayad na rin ito at tahimik na lumabas sila sa department store ng mall. Tahimik itong nakasunod sa kanya, humupa na ang inis niya dito pero hindi niya magawang harapin ang lalaki.
"Bless, I'm sorry." Tumabi ito sa kanya at dahil sincere ang boses nito kaya hindi niya maiwasang mapatingin sa lalaki. He looks like a five years old little boy na napagalitan ng mommy dahil kumuha ng cookies.
"I'm not mad anymore." She huffed. "Please, don't do that again."
"Why?"
Huminto siya at humarap dito, mukhang hindi nito alam ang personal space. "Roue, look as you can see I am a high maintenance woman that's why I work hard to earn and support myself. I really appreciate what you want to do but I don't appreciate other people paying for me nai-insulto kasi ako."
"But I can afford you, I like maintaining you." Takte itong lalaking ito! Gusto niyang sabunin ito ng husto at sabihin na may trabaho siya at sapat ang sahod niya para sa kanyang pangangailangan. "I get it, I am sorry." Hingi uli nito ng paumanhin. He looks uneasy and really sad, na-guilty naman siya sa nakitang hitsura nito.
"We are really not that close, Roue. Kamakailan lang tayo nagkakilala ng husto at ayokong isipin mo na inaabuso kita. Pumayag ako sa free lunch mo kahit na nag-insist ako na magbayad because I really love your food and I think your gesture is very sweet." Lumiwanag ang mukha nito sa kanyang sinabi pero hindi pa rin bumabalik ang dating sigla.
"If we become closer you'll let me pay your shopping bills?" inikot niya ang kanyang mga mata at hindi pinigilan ang sarili nito. Sa haba ng kanyang sinabi ay mukhang ang unang sinabi lang ang unang narinig ng kasama.
"Fine, I'll allow you once in a while." Tuluyan na itong ngumiti. "And the shoes-."
"It's yours." Tumaas uli ang kilay niya. "Uhm, Christmas gift." Mabilis nitong sagot.
"Malayo pa ang pasko."
"Welcome gift." Ang bilis talagang mag-isip ng isang ito. "Yes, it's my welcome gift to you."
"Sige na, matigil ka na. I won't insist on paying this one because I'm practically broke right now." Tukoy niya sa dami ng kanyang pinamili.
Lumapad na naman ang ngisi ng lalaki. "Does it mean you'll allow me to pay our dinner?" nagkibit-balikat siya. She loves how his face light up like a Christmas light.
"Pero next time ako naman."
"So, there's a next time?" tudyo nito sa kanya. Pinamulahaan siya sa sinabi nito at saka niya na-realized kung ano ang sinabi. "Walang bawian, let's do this again next time." Kinuha nito sa kanya ang mga paperbags.
"Let me carry some, Roue. Mabigat iyan."
"Nope." He effortlessly carried everything as if they were nothing. "Mas mabigat pa ang mga gulay na binubuhat ko dito." Agad na tumakbo sa utak niya si Roue na may bitbit na mga gulay. Gusto niyang madisappoint sa sarili dahil nagiging x-rated yata ang naisip niya. Bigla kasing naghubad ng shirt si Roue at nagbuhat ng mga gulay habang dahan-dahang naglalandas ang pawis sa malapad nitong--. "Bless?" untag ng lalaki sa kanya. "Are you okay?"
Lumunok siya. "Medyo napagod lang."
"Let's find a place to dine. Ayokong napapagod ka."
Buwisit! God damn Bless, hindi ka pa ba nadadala? Itinago mo na ang feelings mo para kay Roue, kung naka-move on ka na dapat ay moved on na. bakit ngayon ay bumabalik na naman iyan? Iyan din ang tanong niya sa kanyang sarili. Now that he is around her, how can she prevent some old feelings to resurface again? Kapag nasaktan na naman siya ngayon paano na naman niya ire-recover ang kanyang sarili? Ang kanyang puso?
Sana parang mukha ang puso niya na pwedeng-pwedeng lagyan ng BB Cream upang itago ang tunay na nararamdaman. Pwede sapawan ng BB cream ang blemishes na nasa mukha upang hindi iyon masyadong mahalata, sana pwede rin iyon sa puso. Sana may ganoon din na product na pwedeng itapal sa puso niya upang kahit papaano ay matabunan naman iyong totoong nararamdaman niya.


<3 <3 <3
Note: Photo credits to the owner.
TBC

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang