Sunday, May 26, 2019

Black Magic 4- Pretty Love: 6- Foundation






6 – Foundation

ALAM niyang sinusundan ni Roue ang bawat galaw niya habang nagliligpit ng mga kalat. Inayos niya ang mga boxes at muling ibinalik sa storage area niya. Nakapagwalis na rin siya kaya okay na ang lahat. Naka-upo lang ang binata sa sofa at pinapanood siya, mukhang hindi yata ito nakatiis dahil hinawakan nito ang kanyang braso at marahan na hinila. Napa-upo siya sa kandungan nito.
"Pansinin mo naman ako." Parang batang reklamo nito sa kanya. "Pwede mo akong iligpit kung galit ka, pwede mo akong ikulong sa storage area at walisin. Pansinin mo lang ako Bless, please." Again, iniwas niya ang mga mata mula dito or else baka... baka... shit! Hinawakan nito ang mukha niya gamit ang mga palad nito at hinarap sa mukha nito. Their eyes met. Marahas siyang napabuntong-hininga.
"I am not mad, Roue. I told you, naiintindihan ko."
"That's more frustrating." Anito sa kanya. "Mas gusto kong sigawan mo ako at hampasin ng kung anu-ano keysa sa ganyan ka."
Natawa siya sa sinabi nito, this time it's a real laugh. "Crazy." Hinila nitong muli ang mukha niya at nataranta siya ng mapansin na hahalikan na naman siya nito. "What the hell Roue? Stop kissing me we are not in a relationship." Pigil niya dito. Lumapad ang ngisi ng binata.
"I like it better when you are like this, I hate it when you are all smiles and yet you are silently murdering me inside your brain." Nagsalubong ang kanyang dalawang kilay.
"I'm not."
"You may not say it but I can see it." Tinaasan lang niya ito ng kilay. She just crossed her arms infront her chest. "You are still beautiful even without your make-up. Sa tingin ko wala namang nagbago sa hitsura mo."
Sinubukan niyang tumayo sa kandungan ng lalaki pero hindi niya magawa dahil mariin ang pagkakahapit nito sa kanyang beywang.
"Alam mo Roue buong akala ko ay busy kang tao pero hindi ko inaasahan na magsasayang ka ng oras dito sa bahay ko." She sighed. "Salamat sa pagtulong sa akin sa pagdedecorate for Christmas, I'll fix our lunch. What do you want?" hinayaan na siya nitong makaalis sa kandungan nito ng mapansin na wala na siyang balak patulan ang mga panunukso nito sa kanya.
"I brought something." Hinawakan naman nito ang braso niya at dinala sa kanyang kusina. "I'll cook." Excited na balita nito sa kanya. He's really into cooking and this is his turf. Nakikita niya kung paano nagliliwanag ang mukha nito habang sinasabi nitong magluluto ito. "Do you want to help me?"
"Can I?"
"If you like." Ngumiti siya at sunod-sunod na tumango. Pinusod niya ang mahabang buhok upang hindi iyon makasagabal sa kanya. Inayos nito ang mga gagamitin nila at inalis nila ang mga sangkap na gagamitin mula sa ecobag. Base sa nakikita niyang ingredients ay alam na niya ang lulutuin nito. It's really his favourite dish, kahit na sa restaurant nito ay iyon ang best seller. "Why are you smiling?"
"You are cooking Pasta with Lamb Ragu."
"How did you know?" manghang tanong ni Roue.
Itinuro niya ang ingredients. "Halata kaya sa ingredients."
"Natikman mo na ang signature dish ng Wild Thyme?" what's the use of lying?
"Yes." Walang kagatol-gatol niyang sagot.
"How?"
"Si Chief Mira," tukoy niya sa editor-in-chief. "Madalas siyang nag-oorder at pinapakain niya kami." Half-lie.
"How was it?"
"It's delicious."
"You like it?"
"Yes." Mukhang mas lalong naging maganda ang mood nito habang naghihiwa ng mga kung anu-ano. Siya ang nag-aayos ng mga hinihiwa nito at dahil medyo OC siya kaya naka-arrange ang mga iyon ng naaayon sa kulay at sukat at napansin ito ng binata. "What?" nakasimangot na tanong niya habang inaayos ang bawang sa plato.
"You have OCD."
She huffed. "I'm not proud but I won't deny it."
"Kaya pala sobrang ayos ng bahay mo, it's small but homy and cozy."
"Ipagpatuloy mo na nga lang ang pagluluto mo diyan." Agad siyang tumalikod at nasapo ang dibdib niya. Siya ang nagdesisyon na i-cancel ang engagement nila, desisyon niya iyon at matagal na rin niyang inalis sa sistema niya ang kahit na katiting na damdamin na meron siya sa binata dati pa. Akala niya ay tuluyan na iyong nawala pero bakit parang foundation iyon na sumusuksok sa lahat ng pores ng kanyang mukha?
"Bless! Blessy, yo-hooo." Napatingin siya sa nakabukas na bintana at nasilip si Zed, kapitbahay niya. Mabilis niyang tinungo ang lalaking tumatawag sa kanya. "At last, nagtagpo din ang mga landas natin."
"Anong meron Zed?" sa katabing bahay lang niya ang lalaki. Mas bata ito sa kanya ng tatong taon at kaibigan din niya ang ate nito.
"Manghihiram ako ng martilyo."
"Martilyo? May imumurder ka?" biro niya.
"Nasira ko kasi ang gate nina Chilsae, alam mo naman kailangang magpakabait." She evilly laughed at the poor man. "Huwag mo akong pagtawanan sigurado akong ipapatapon ako ni ate Sweetheart kapag nalaman niyang nasira namin ang gate nila."
Talaga namang hindi niya napigilan ang tawa dahil sa nangyari dito. Talagang bahay ng barangay captain nila ang nasira nito tapos ay nililigawan pa nito ang kapatid ni Heart na si Chilsae. Kawawang nilalang.
"Sandali lang." umikot siya sa likod bahay dahil naalala niyang nagamit niya ang martilyo niya at inilagay sa ibabaw ng washing machine. Pagbalik niya ay natagpuan niya si Roue na seryosong kinakausap si Zed. "Roue, bakit?" aniya sa lalaki. Magkasalubong ang dalawang kilay ito, para itong nagdrawing ng sobrang kapal na kilay gamit ang dark brow pencil tapos hindi na-blend ng mabuti.
"Hindi mo naman sinabi na totoo pala na may fiancé ka Bless at bisita mo ngayon."
Ibinigay niya dito ang martilyo. "Nakakapagod mag-explain kaya heto na, ayusin mo na ang bakod nina Heart baka ipabarangay ka ng babaeng iyon."
"Salamat." Bumaling it okay Roue. "Nice meeting you dude." Tumango lang si Roue.
"Tapos ka ng magluto?"
"Not yet." Anito. Tila nagbago ng three hundred sixty degrees ang mood nito, kung kanina ay kasing liwanag ng araw ngayon naman ay kasing dilim na ng gabi. May sinabi ba si Zed dito?
"Hey, may nangyari ba? Inaway ka ba ni Zed? Ipapabarangay ko na talaga iyong lalaking iyon, isusumbong ko kay Sweetheart."
"No-no, wala siyang ginawa." Anitong humarap sa niluluto. Nabasa pa naman niya na kapag hindi maganda ang mood ng nagluluto ay hindi rin sasarap ang niluluto nito.
"Then, what's wrong? Huwag mong i-continue ang pagluluto dahil hindi sasarap iyan kapag hindi maganda ang mood mo. Let's talk it first." Natauhan ito sa kanyang sinabi.
"Bakit sila nagugulat kapag nalaman nilang may fiancé ka? Naiinis ako."
"Hindi ba dapat ako ang mainis?" natatawa siya sa inaakto ng binata.
Wala siyang sagot na nakuha mula rito. "Noong lumipat ako sa subdivision ay marami ang mga umaaligid sa akin, admit it or not, I may not be too beautiful pero hindi rin ako pangit. That was five years ago. But I rejected all their advances and told everyone that I was engaged dahil iyon naman talaga ang totoo, engaged ako sa iyo. At first they thought it was true pero noong lumaon ay naging biruan nalang iyon at sabi nila ay defense mechanism ko lang daw iyon para hindi malapitan. Nakakainis rin minsan lalo na kapag hindi ka pinapaniwalaan ng mga tao hanggang sa nasanay nalang rin ako. Nasanay na lang rin ako na magkaroon ng imaginary fiancé." Paliwanag niya.
"But I am real." Mas lalo yata itong nafrustrate keysa kanina na hindi niya ito pinapansin at nalaman niya na siya ang dahilan kung bakit hindi ito sumasali sa Christmas Party ng pamilya.
"Yes, you are real but admit it or not iyong engagement na meron tayo is far from real. Nobody can call it real."
Humarap ito sa kanya. "Then, let's make it real. I want it real."
"Isn't it a bit late, Roue? I think it's too late na talaga."
Yes, he's too late... she already moved on, right?


<3 <3 <3
Note: Photo credits to the owner.
TBC

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang