Sunday, May 26, 2019

Black Magic 4- Pretty Love: 5- Lip Tint




5 – Lip tint


THEY end up in the nearby park, it was not something she was expecting but she's okay with it. Tinanong siya ng binata kung saan sila kakain, that's a very stressing question kaya ang sinagot niya 'kahit saan' kaya dito siya dinala ni Roue. They are eating while sitting on the bench under the big mango tree, so cliché.
"Hindi mo itatanong kung sino ang nagluto?" sinulyapan niya ang lalaki. She's pretty contented with her food. The Vietnamese Caramel Pork with pickled salad is so good.
"It's you."
"How did you know?"
"You are a chef and a restaurant owner, imposible naman na mag-take out ka sa ibang restaurant and I think you are very proud of your skills as per ninang."
"You have a point there." Of course, hindi niya sasabihin dito na madalas siyang nag-oorder sa restaurant nito at halos alam na rin niya ang mga signature dishes ng Wild Thyme na pagmamay-ari nito. "You should visit Wild Thyme too, I'll cook our signature dishes." Maliit na ngumiti siya sa lalaki at tumango.
"Sure."
Ibinalik niya ang pansin sa kinakain niya. "Is it good?" ipinakita niya dito ang halos wala ng lamang food container na dala nito.
"This answers your question."
"Baka kinakain mo lang dahil ayaw mong ma-offend ako." Muli ay tumawa siya sa sinabi nito.
"I'm a good critique, Roue. I don't eat food that I don't like, that's my job too. I don't write something good if hindi ko gusto ang product. I am fair you know."
"Glad to hear you like my dish." Hindi na siya nagkomento dahil wala rin naman siyang sasabihin. Ayaw niyang mag-isip habang kumakain baka wala ang gana niya.
"Why women love to wear make-up?" maya-maya ay tanong nito sa kanya.
"To boost our confidence, putting on makeup is like putting on a pair of high heels. It gives you confidence and makes you feel in control. It feels like I can do whatever I want and I can win any battle, like protective armour. I know you can't understand that, sasabihin lang naman ng mga lalaki na you are already beautiful and you don't need make-up lalo na kapag nanliligaw pa lang sila but once they are married na magrereklamo iyong iba na bakit hindi na inaalagaan ang sarili, I missed the old you and maghahanap ng ibang babae na mas maganda at mas bata keysa sa asawa. The heck lang right? Hindi na daw kailangan na maglagay ng make-up pero ang unang napapansin at nakikita ng tao ay iyong pisikal na anyo at susunod na iyong ugali. Super rare na iyong ugali ang unang nakikita." Hinarap niya ang lalaki na kanina pa nag-eenjoy sa paglalaro ng kanyang buhok.
"Tell me, Roue. Am I right? You are a guy."
"50-50."
"What kind of answer is that?"
"50% ng male population they are attracted to women na maganda at sexy and 50% ay nagkakagusto sa babae base sa kanyang ugali."
Itinigil niya ang pagkain. "Are you sure na its 50-50? Diskumpyado ako sa statistics mo." Marahan itong tumawa at dinala sa mga labi nito ang ilang hibla ng kanyang buhok. Pilit niyang hindi pinansin ang ginagawa nito. "Hindi naman lahat ng babae ay nagme-make up. Iyong iba kapag may okasyon lang o kaya naman ay dahil sa trabaho. No one is forcing them to wear one if they aren't comfortable and I am only writing reviews to inform them what's good for them or what's bad for them."
"That's nice, should I hire you to critique our food too?" umiling siya sa tanong nito.
"Matagal ng na-feature ang restaurant and foods mo sa mga magazines." Doon kumunot ang noo ng binata.
"How did you know?"
"Nasabi ni ninang, alam mo naman ikaw lang ang bukang bibig niya kapag kausap niya ako. She's selling you to me kaya somehow kahit na hindi tayo magkakilala ng personal ay nakikilala na kita."
"That's unfair, I don't know anything about you."
"You don't have to, there's no reason for you to do so." Aniya dito.



REST DAY! Katatapos lang na ilabas ni Bless ang mga Christmas decorations mula sa kanyang storage room. She's a Christmas believer, she just loved the idea of Christmas, giving gifts and preparing for it. Two weeks nalang ay magpapasko na, ngayon lang niya naalalang hindi pa siya nag-aayos para sa pasko. Kailangan na rin niyang mamili para sa kanyang mga inaanak at sa mga anak ng kanyang malalapit na kapitbahay.
"Bless! Bless!" pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Mabilis siyang lumabas at binati ang kaibigan slash kapitbahay na si Vanessa, Pamela at Yumi. Mukhang nagkayayaan ang mga ito na mamasyal. "Bruha, rest day mo ngayon. Punta tayo sa basketball court may bagong recruit sina Howard." Ani ni Yumi, tinutukoy nito ang boyfriend nitong professor sa isang university.
"Hindi ako pwedeng umalis ngayon may aayusin kasi ako." Itinuro niya ang mga pang-dekorasyon sa kanyang sahig.
"Mukhang natagalan ang paglalagay mo ng decorations ngayon."
"Naging busy kasi, sorry talaga. Promise sa susunod-."
May humintong pamilyar na kotse sa harap ng kanyang bahay, parang robot na sabay na napalingon ang tatlo siya naman ay nasapo ang pisngi at diskumpyadong napangiti. Hindi na yata talaga hihinto si Roue sa pangugulo sa buhay niya.
"Oh my." Reaksyon ng tatlo ng lumabas sa kotse si Roue. May bitbit itong malaking green na ecobag. "Uhm, hi!" tila naipit ang boses ni Pamela. Ngumiti ang lalaki sa tatlo at ganoon na lang ang pagsikdo ng puso niya ng masilayan ang ngiting iyon.
"Hello." Magalang na galang ng lalaki.
"Ngayon ka lang namin nakita dito, are you bagong lipat?" aba, naging sosyal ang dila ni Yumi. Kapag nalaman ito ni Howard sigurado siyang masusugod ng wala sa oras si Roue.
"I am visiting my fiancée."
"Fiancee?" sabay ulit ang tatlo tapos ay napatingin sa kanya.
"Uy, seryoso ka nga noong sinabi mong may fiancé ka Bless. Hala, sorry tinatawanan ka namin noon akala namin ay non-existing ang boylet mo." Hingi ng paumanhin ni Vanessa na unang naka-recover.
"Ex na girls, ex-fiance." Aniya.
"She's kidding, naiinis lang siya sa akin." Nagsalubong ang dalawang kilay niya, ang lalaking ito lang ang kakilala niyang matigas ang ulo. "I owned Wild Thyme Restaurant." May kinuha itong card at ibinigay sa tatlong nakatungangang babae. "You can visit my restaurant anytime, just show these cards to the waiters I'll give you 70% discount."
"Ay, bet. Sige lang fiancé ni Bless. I-bless mo ang friend namin."
Dali-daling umalis ang tatlo, dapat yata ay sumama nalang siya sa mga ito. Nakangiting lumapit sa kanya ang lalaki.
"What are you doing here? At paano mo nalaman ang bahay ko?"
"I have my sources." Inilang hakbang lang nito ang layo nila sa isa't isa.
"Roue, I am telling you-." Mabilis nitong dinampian ng halik ang kanyang mga labi.
"Good morning too."
Inis na napatili siya sa inis dito, how can someone frustrate her like this. Bakit ba ang tigas ng ulo nito?
SA inis niya ay nagpunta siya sa kwarto niya, inayos niya ang kanyang mukha at naglagay ng kaunting liptint. Mas naiinis siya sa kanyang sarili dahil heto siya at inaayos ang sarili. She's wearing an oversize shirt and a pair of cotton shorts. Dahil matangkad siya kay nagmumukhang maiksi ang short na iyon at wala siyang pakialam kung mukha man siyang taong gubat sa mga mata ng lalaki.
Pagbaba niya ay nadatnan niya itong inaayos ang Christmas tree, wala siyang sinabi dito tungkol doon pero inayos nito. "Aren't you celebrating with your family for Christmas?" sinamaan lang niya ito ng tingin.
"Will you be there?"
"Yes." Iningusan niya ito.
"Then, I'll spend my Christmas here."
"Maybe I can join your Christmas too, I'm a good cook."
Cool lang Bless, you are naturally cool. "Eight years Roue, hindi ka nagcecelebrate ng Christmas with your family. You celebrating now is quite odd."
"Eight years ago ay kasama talaga ako sa Christmas party."
"What happened--." Natigilan siya sa sariling tanong dahil hindi pa man niya iyon natatapos ay alam na niya agad ang sagot. "I happened." Natahimik din ang lalaki, dapat ay hindi pero may kaunting sakit siyang naramdaman sa puso niya. "I'm sorry about that."
"It's not-."
"You don't really have to explain, Roue. The engagement is off now so you can enjoy na your Christmas with your family." Inisa-isa niya ang mga kahon na may lamang bola at iba pang pangsabit.
"I'm sorry Bless, I didn't mean it. Hindi ko sinasabi na ikaw ang dahilan kaya hindi ako nagpapasko busy din ako tuwing Christmas." Hindi niya sinalubong ang titig nito pero nginitian lang niya ang lalaki. Naiintindihan niya ito medyo masakit lang.
"I know. I understand." Wala na itong sinabi pa pagkatapos, wala din naman siyang sasabihin dito. Siguro parang liptint lang ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon, parang matte lipstick lang na kumakapit sa labi ang tint pero hindi katulad ng lipstick mas mabilis mabura ang liptint. Sana ay ganoon nga, iyong sakit kumakapit sa puso niya pero agad din na mawawala... just like a lip tint.


<3 <3 <3
Note: Photo credits to the owner.
TBC

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang